BS #1 Betrayed

By ZariyahDenise

1.2M 21.2K 2.2K

BETRAYAL SERIES #1 COMPLETED Clementine Indra Acker is a simple girl that only wish a good life but what if Z... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter
SIMILAR PICTURES OF ZANE&TWINS

Christmas Special

16.9K 348 100
By ZariyahDenise

INAAYOS KO ang mga gamit namin para bukas, aalis kasi kami at doon ipagdiriwang ang pasko.

Napatingin ako sa aming bakuran nang marinig ko ang tili ng kambal, yun pala ay hinahabol na sila ng kuya nila.

Nang maiayos ko na ang lahat ay bumaba na din ako upang samahan ang apat sa baba.

"Zyair?" tawag ko sa aking asawa.

Lumingon naman agad ito sa akin at agad na lumapit, agad niyang ipinulupot ang mga braso sa aking bewang at nilagay ang baba sa aking balikat.

"Why, baby?" Bulong niya at nakikiliti pa ako sa nga balbas niyang papatubo na.

Sinabihan ko na siyang ahitin na iyon pero ang sabi niya ay ayaw niya daw dahil gusto niya daw ng bago.

"Zyair, nakikiliti ako." saad ko.

"Mimi!" magsasalita pa sana si Zyair ng makita na ako ng kambal.

"Careful." paalala ni Zyair sa mga ito.

Agad nila akong niyakap at talagang binaklas pa ni Chandler ang mga braso ni Zyair sa bewang ko kaya naman natawa nalang ako ng sumimangot si Zyair.

"Amin lang si Mimi, Didi!" natatawang sabi naman ni Chevy at binelatan pa ang ama na napapailing nalang.

Nakayakap sa magkabilang gilid ko ang kambal nang lumapit naman ang panganay sa amin.

"Momma..." tawag nito sa akin.

"Bakit?"

"I just want to paalam lang po if pwede na isama natin bukas yung friend ko po." sabi niya.

"Sinong kaibigan, anak?" tanong ko naman.

"Kung sasama siya sa atin, how 'bout his/her family?" tanong naman ni Zyair kaya napayuko ito.

"Kianna has no family, only her aunt is with her in life who unfortunately is hurting her." nakayukong sabi nito kaya naman nagulat ako.

"How do you about that, anak?"

"Kianna told me."

"Sige." Sabi ni Zyair kaya napaangat ang tingin ni Zane at may kung anong tuwa sa asul na mga mata nito.

"Talaga, dad!?"

"But, ipaalam muna sa tita ni Kianna. Kahit na sinabi mong sinasaktan iyon ay kailangang pa din ng permiso lalo na at ang tita niya nalang ang nangangalaga sa kaniya." sabi ng asawa ko.

"Thanks, Dad!" Masayang sabi ni Zane at yumakap pa talaga sa ama na siyang ikinatawa nito.

Kinabukasan nga ay inilalagay na ni Zyair ang mga bag namin sa loob ng Van habang binibihisan ko naman ang kambal, ayaw pa nga nila dahil mga big boy na nga daw sila pero shempre ipinilit ko pa din.

"Momma, how do i look?" napatingin ako sa may pintuan kung saan nakatayo ang gwapong gwapong si Zane.

Binata na talaga ang anak ko.

"Gwapo anak." nakangiting sabi ko kaya napangiti din ito at lumapit sa amin, ginulo niya ang mukha ni Chandler na siyang kinainis nito kaya naman nagulat kami ng kagatin niya ang kamay ng kuya niya.

"Chandler!" saway ko at dun lamang ito bumitaw sa pagkakagat sa kuya niya at nakayukong humarap sa akin.

"Lagot ka." sabi ni Chevy na talagang nilagay ang kamay sa harap ng mukha ng kakambal.

"Chandler, ano ang lagi kong sinasabi sa inyo?" mahinahon kong tanong sa batang nakayuko lang habang pinaglalaruan ang mga kamay.

"H-huwag mangangagat." sagot naman nito.

"At anong sasabihin kay Kuya Zane?"

"S-sorry kuya Zane." sabi nito at yumakap sa kuya niya.

"Okay. Basta wag mo na iyon uulitin ha, masakit kasi." sabi naman ni Zane at yumakap din pabalik dito.

Napangiti nalang ako sa aking nasaksaksihan.

"Baby!" rinig kong tawag ni Zyair mula sa labas kaya iniwan ko muna ang tatlo sa kwarto.

"Bakit?"

"Naayos ko na ang mga gamit, tapos na bang maghibis ang kambal at si Zane pala nasaan?"

"Kasama ng kambal sa kwarto, kinagat pa nga ni Chandler ang kuya niya." sabi ko.

"What? Why?"

"Inaasar ni Zane ayun nainis yung isa pero okay na sila."

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ko kay Zyair nang tumango lang ito at pumasok sa loob kaya naman napasunod nalang ako.

"Zane!" sigaw niya.

"Yes dad?" tanong naman ng anak namin habang bumaba kasama ang kambal.

"Where's your friend? Aalis na tayo." Saad ni Zyair.

"Kianna is on the way na po, dad."

"Bakit hindi mo nalang siya sinundo?"

"Ayaw po niya e." sagot ni Zane at nakarinig kami ng doorbell.

Sabay sabay na kaming lumabas at nakita ko ang napakaputing dalaga na sa tingin ko ay si Kianna na.

"K!" Sigaw ni Zane.

Maliit na ngumiti naman ang dala na mukhang nahihiya pa sa amin.

"Good morning po..."

"Good morning. Kianna, right?"

"Y-yes po..."

"Tito, call me tito Zyair." sagot ni Zyair at nginitian ito.

"Magandang umaga, Kianna." Bati ko naman.

"Magandang umaga din po..."

"Tita, Tita Clementine."

Pagkatapos namin magpakilala sa isa't isa ay sumakay na kami ng van.

Sa driver seat si Zyair at ako naman ay sa passenger seat habang sa likod ang kambal katabi sila Zane at Kianna.

"Ayos na ba kayo diyan?" Tanong ni Zyair.

"Yes, dad."

"Opo, didi!"

"Yeah."

Sabay sabay na sagot nilang tatlo sa likod.

Tumango na si Zyair at pinausad na ang sasakyan.

Tumagal din nang halos tatlong oras ang byahe namin papunta pero nang makita ko naman ang lugar ay masasabi kong napaka sulit.

SOURCE PINTEREST, ALL CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER.

Style kubo ang tutuluyan meron ding swimming pool sa gitna ang mismong kinatitirikan nito, meron ding slide na diretso sa may dagat.

"Wow!"

"Slide! Slide! Slide!"

"Ang ganda dito, dad."

Mga sabi ng mga bata.

"Chandler, hindi ka pa pwede sa slide. Hanggang doon ka lang sa swimming pool." sabi ko kaya naman agad na sumimangot ito.

Lumapit ito sa ama at nagpapabuhat na siyang binuhat naman ni Zyair.

"Didi slide." Rinig kong sabi nito sa ama.

Nagbihis na kami at masaya na ngayon nagtatampisaw ang kambal habang ang kuya nila ay nasa dagat kasama si Kianna na tinuturuan ni Zane lumangoy.

Napatingin ako sa asawa ko na tanging beach short lang ang suot kaya kitang kita ko ang maganda nitong katawan.

Siya ang nagbabantay sa kambal dahil hindi talaga kami kumukuha ng mga katulong dahil mas gusto namin ni Zyair na kami talaga ang tututok sa mga anak namin.

Nang bandang alas diyes na ng gabi ay pinahinto ko na sa pagbabad sa tubig ang mga bata habang nagluluto ako ng aming Noche Buena.

Simple lang naman ang pagsalubong namin sa Pasko, tatlong ulam lang ang niluto ko at isang dessert na paborito ng nga bata.

Fruit salad.

Nang matapos na akong magluto ay sinamahan ko ang kambal magbihis at tawa pa ako ng tawa kay Chandler dahil hindi niya mabutones ang damit.

Meron din akong surpresa para sa pinakamamahal kong asawa na tiyak kong ikakatuwa nito.

Lumapit ako sa may kabinet at kinuha ang bag ko na siyang pinaglalagyan ng regalo ko na talagang binalot ko pa.

"Mimi, tawag na tayo ni didi. Lapit na daw pong mag twelve." sabi ni Chevy at kumapit sa kamay ko kaya naman tumango na ako habang nasa kabilang kamay ko ang regalo ko, tinanong pa nga ng kambal kung ano iyon pero sinabi kong huwag silang maingay at para sa ama nila iyon.

"Zyair, anong oras na ba?" tanong ko.

"11:57, baby." Sagot niya at tumango ako.

Hindi tumagal ay masaya na kaming nagbibilang.

"10."

"9."

"8."

"7."

"6."

"5."

"4."

"3."

"2."

"1!"

"Merry Christmas!" sabay sabay naming sigaw at nagyakapa.

Punong puno ng galak ang puso ko habang nasa bisig ko ang mga mahal ko sa buhay.

Parang wala na akong mahihiling pa.

Matapos ang masayang yakapan ay nagsikain na ang kambal at sila Zane and Kianna habang ako ay pinuntaham si Zyair upang ibigay na ang regalo ko sa kaniya.

Nagkabigayan na din kasi kami ng regalo at alam kong nagtatampo ang asawa ko dahil siya lang ang wala akong binigay.

"Zyair?"

"Yes, baby?"

"Uh, meron akong ibibigay sayo. Sana maging masaya ka dito, ito lang kasi ang nakayanan ko." Kunwaring nahihiya kong sabi at inabot sa kaniya ang maliit na pa kahon na regalo.

"Merry Christmas, asawa ko." malambing kong sabi sa kaniya habang binubuksan ang kahon.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya pagkabukas niya nito at tumingin sa akin.

"Y-you're pregnant!?"

"Yes." Sagot ko at agad ako nitong yinakap ng mahigpit na siyang ikinatawa ko.

"Zyair, maiipit si baby." Sabi ko kaya agad niyang niluwagan ang yakap habang pinaghahalikan ang buong mukha ko.

"This is the best Christmas gift that i ever receive. Thank you so much, baby." Malambing na sabi sa akin ni Zyair ang hinalikan ang noo ko.  

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

         MERRY CHRISTMAS TO ALL!
    Love ko kayo! Mag iingat po kayo lagi and sana ay masaya kayo sa Christmas special chapter na ito :>

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 53 6
"20 years ago, I was in love with Thomas A. Tan. 20 years later, I still love him. 20 years ago, I lost the man I love. 20 years later... I met him...
3.4M 95K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.2M 21.2K 53
BETRAYAL SERIES #1 COMPLETED Clementine Indra Acker is a simple girl that only wish a good life but what if Zyair Keanu Huxley ruined everything in h...