My Last Fall (Bestfriend Seri...

jeyninstrous tarafından

14.4K 668 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred Daha Fazla

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 44

197 10 0
jeyninstrous tarafından

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Bilang guro ay kailangan talagang gumising ng maaga. Ihinanda ko muna ang mga gamit na dadalhin ko bago tuluyang pumunta sa bathroom at naligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at nag ayos at tuluyan ng bumaba. Naabutan ko naman si Talitha na abala sa laptop niya sa living area.

"Goodmorning." bati niya sa akin ng makita niya ako.

"Goodmorning, Tals!" bati ko din sa kanya at dumiretso na sa kitchen.

May nakahanda ng mga pagkain kaya agad na akong umupo. Tatawagin ko pa sana siya para tanungin kong kumain na ba siya pero mabilis niya akong naunahan.

"Tapos na akong kumain!" she suddenly shouted from the living area.

Napangiti naman ako dahil  ang dami pang pagkain. Food is life pa din no! Habang kumakain ay hindi ko maiwasang ma- miss si Mommy. I miss her delicacies. Simula kasi noong bumalik siya ng Pilipinas ay hindi ko na ulit natikman ang luto niya. Pero okay lang, malapit na naman akong umuwi ng Pilipinas.

Abala lang ako sa pagkain ng mapatigil ako dahil biglang tumili si Talitha. Agad naman akong tumayo dahil sa pagka-alarma at dali dali siyang pinuntahan sa living area.

"Tals, what hap---"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng makita ko si Jaxson. May dala siyang isang bouquet ng tulips. Napalingon naman ako kay Talitha na ngiting ngiti na ngayon.

"Ano na namang ginagawa mo dito? diba sinabi ko na sayong tigilan mo na ako?" irita kong sabi kay Jaxson pero bigla lang siyang ngumiti at ibinigay sa akin ang bouquet ng tulips.

Tinignan ko lang ito at hindi tinanggap. Nagulat nalang ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. As in sobrang lapit! para akong maduduling. Ng akmang lalayo ako sa kanya ay hinapit niya ang baywang ko kaya mas lalo lang kaming nagkalapit. Bigla namang tumikhim si Talitha.

"Uhm...punta muna ako sa kwarto ko." sabi pa niya at mabilis na umalis.

"B-bitawan mo nga ako!" sigaw ko kay Jaxson at sinubukang lumayo sa kanya pero sadyang ayaw niya akong lumayo sa kanya.

"No." sabi niya na mas lalong nagpairita sa akin.

"Tangina! bitaw na sabi!" inis kong sabi pero hindi pa din siya nagpatinag.

"Accept this first." sabi niya patungkol sa bouquet ng tulips na hawak niya.

"Ayaw ko sa mga bulaklak." sabi ko at inirapan siya.

"Accept this please...kahit ayaw mo sa mga bulaklak." sabi niya at ngumuso na parang bata kaya napapikit ako saglit.

Tangina! bakit kailangan pang magpa cute?!

"You know what Jaxson? you're getting on my nerves." inis kong sabi pero ang loko nginisihan lang ako ulit.

Bwiset na tukmol! hindi mo ako madadaan sa mga pangiti ngiti mong yan!

"Yes." sabi niya at ngumisi na nagpakunot ng noo ko.

Wow ha proud pa talaga siyang pinapasakit niya ang ulo ko.

"Ano?"

"I'm aware that I'm getting into your nerves but there's more accurate with that." hirit na naman niya.

"Ewan ko say---"

"I'm getting into your heart again."

Agad ko siyang inirapan dahil sa sinabi niya at mabilis na hinampas kaya tuluyan na niya akong nabitawan. Agad ko siyang tinalikuran at naglakad na papunta sa kwarto ko. Ang corny ng sinabi niya pero hindi ko alam kong bakit feeling ko nag iinit ang pisngi ko. Bigla din akong napangiti. Tangina lang! self galit ka sa kanya okay? huwag kang marupok!

Agad kong dinampot ang bag ko na nakalagay sa study table at diretso ng lumabas ng bahay. Siya naman ay parang timang sa kakasunod sa akin. Ng akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko ay mabilis niya akong hinarangan.

"Ano na naman?"

Bigla niyang inilapit sa akin ang bouquet ng tulips. Napairap na naman ako kasi hindi talaga makaintindi ang tukmol.

"Ayaw ko nga sa mga bulaklak, ang kulit mo." sabi ko at bigla naman siyang sumimangot.

"Don't you really want to accept this?" tanong niya at umiling naman ako at inirapan siya.

"Sige, ibibigay ko nalang to sa ibang babae." may pagtatampo sa boses na sabi niya.

Napahinga naman ako ng malalim at agad na kinuha sa kanya ang bulaklak.

"Sige na tatanggapin ko na, sabi ng ayaw ko sa mga bulaklak mapilit talaga amputa." sabi ko at binuksan na ng tuluyan ang pinto ng kotse ko at inilagay sa shotgun seat ang bouquet.

"May pa ayaw ayaw pa, tatanggapin din naman." rinig kong sabi niya kahit mahina kaya mabilis akong lumingon sa kanya.

"Anong sabi mo?" mataray kong tanong pero umiling lang siya.

"Nothing, sige na pasok ka na. Drive safely, love." sabi niya na nagpataas ng kilay ko.

Love daw?! love niyang mukha niya!

Agad na siyang pumunta sa tapat ng kotse niya at pumasok. Pumasok na din ako sa kotse ko habang umiiling at nagmaneho papunta sa school. Dumaan ang ilang mga araw na ganoon pa din ang ginagawa ni Jaxson. He keeps on giving me bouquet of flowers almost everyday. Iba't ibang klase pa ang mga ito. Kong makabigay siya ng bulaklak sa akin ay akala mo naman palaging Valentine's day.

Dahil nga ayaw ko sa mga bulaklak ay binibigay ko nalang kay Talitha o di kaya ay kay Alana. Ewan ko nga ba kong bakit hindi ko talaga ma appreciate na may nagbibigay sa akin ng bulaklak. I prefer some foods kaysa sa mga bulaklak dahil malalanta lang din naman. Palagi niya akong kinakausap kapag nagkikita kami at pinupuntahan niya ako sa bahay pero palagi ko lang siyang hindi pinapansin.

Manigas siya!

Nagulat na nga lang ako isang araw pagdating ko sa classroom dahil nagkukumpulan na ang mga estudyante ko sa desk ko. Agad akong lumapit at nakita ko nalang ang malaking bouquet ng red roses, maraming chocolates at may kasama pang malaking stitch toy.

"Who gave this?" tanong ko sa mga estudyante ko matapos ko silang pabalikin sa mga upuan nila.

They just smiled at me at umaktong parang kinikilig. Itong mga batang to, ang bata bata pa pero kong kiligin wagas. Paluin ko kayo diyan eh!

"It's from your suitor, Miss." sabi ng isa sa mga estudyante ko kaya napakunot ang noo ko.

Tinignan ko ang bouquet ng red roses at doon ko lang napansin ang maliit na  envelope na nakalagay. Agad ko naman itong dinampot at binuksan at kinuha ang papel na nasa loob at binasa ang nakasulat.

I wrote this letter to tell you that I'm leaving, babalik na ako ng Pilipinas. I'm sorry if I can't give you some flowers in the next few days but don't worry, babalik din naman ako dito sa Canada. Palagi mong tatandaan Solana na hindi kita susukuan. I will prove to you that I'm deserving for your love. Hindi ako magsasawa na mag effort hanggang sa mahalin mo ulit ako, pangako.

                                                - Jaxson

After I read his letter for me, hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman kaya mas pinili ko nalang na magsimula ng mag discuss. After class, umuwi ako sa bahay na pagod na pagod. Nasanay na ako dahil palagi naman akong pagod kapag umuuwi pero atleast masaya naman sa pakiramdam dahil natuturuan ko ng maayos ang mga estudyante ko.

I sighed when I get home. Tinignan ko ang stitch na toy na binigay ni Jaxson at nakalagay ngayon sa passengers seat sa likuran ng kotse ko. Agad ko itong dinampot pati ang bouquet ng roses at tuluyan ng lumabas. Pesteng bouquet at stitch toy, ang bigat!

Napakunot pa ang noo ko dahil pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko kaagad si Talitha na parang hindi mapakali. Panay lakad ng lakad sa loob. Ang problemado niya.

"Tals, okay ka lang?" tanong ko kaagad sa kanya at lumingon naman siya sa akin na parang gulat na gulat na dumating ako.

Bigla nalang siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Mas lalo lang akong naguluhan sa kilos niya.

"Tals, anong nangyari? may problema ka ba?" tanong ko sa kanya at agad naman siyang humarap sa akin.

Namumutla siya.

"May sakit ka ba?'" tanong ko sa kanya at hinawakan ang noo niya pero hindi naman siya mainit.

Baka natatae? chariz!

"Kasi couz..."

"Kasi ano?"

Mas lalo lang akong na curious ng hinawakan niya ang kamay ko. Ano bang problema ng babaeng to?

"Woy ano nga?" tanong ko ulit.

"I heard from the news that..." tumigil na naman siya sa pagsasalita.

"Tals, sabihin mo na kasi, pabitin ka naman." reklamo ko pa dahil curious na curious ako kong anong nangyayari at bakit nagkakaganyan siya.

"Narinig ko sa news sa TV na may nag crash na plane."

"Oh tapos---" napatigil ako ng may maalala.

Bigla akong kinabahan at nanlamig ang buong katawan ko. Isa lang kaagad ang pumasok sa isip ko.

Si Jaxson.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bigla ko nalang nabitawan ang hawak kong bouquet ng red roses pati ang stitch na laruan. Nahulog ito sa sahig kasabay ng panghihina ng mga paa ko. Pati ang mga chocolates na hugis puso ay nagkalat din sa sahig.

"Couz, ang plane na nag crash ay ang plane na sinasakyan ni...Jaxson."

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

962K 86.3K 39
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
3.1K 61 49
This is work of fiction. Names, characters, places, businesses, events or incidents are either the products of the author's imagination or used in fi...
1.9K 90 37
A compilation of words.
70.7K 2K 36
Imagine "The Ultimate Mr. Torpe " ay inlove naman kay " Ms. Pakipot" Torpe sya , pakipot naman yung isa . Ano ? Wala na lang bang imika...