My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.4K 684 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 42

192 12 0
By jeyninstrous

"Are you ready?"

Tanging tango lang ang naisagot ko kay Mommy matapos niya akong tulungan na mag impake ng mga gamit ko. Lumabas pa muna siya sandali dahil may kailangan daw siyang tawagan. Nakaupo lang ako sa kama ko at napahinga ng malalim. Halos lahat ng gamit ko ay naka impake na. Isa nalang ang hindi ko pa din ginagalaw... ang singsing na bigay sa akin ni Jaxson at nakalagay ngayon sa study table ko.

Gustong gusto kong isauli sa kanya ang singsing kaso hindi ko kayang makita siya sa ngayon. Pati ang singsing ni Zeddie na bigay niya sa akin ay itinago ko na din. Ang daming na postpone. Ang gusto ko na mag debut dito sa Pilipinas ay hindi na matutuloy pati ang kasal namin ni Zeddie ay hindi na din matutuloy dahil kinausap na ng parents ko ang parents niya.

Nagkausap na din kami. Alam kong nasaktan siya dahil sa hindi na matutuloy ang kasal namin pero naiintindihan naman daw niya at kong yon lang ang paraan para hindi na ako masaktan ay okay lang. Sobrang pasasalamat ko sa kanya dahil ang bait niya sa akin.

"Baby, let's go." napalingon ako kay Mommy ng pumasok ulit siya sa kwarto ko.

"Susunod po ako." sabi ko at tumango naman siya at pinakuha na ang ibang gamit ko na dadalhin sa mga maid namin.

Tuluyan na akong tumayo at hinawakan na ang maleta ko at lumapit sa study table. Dinampot ko ang singsing at ipinalibot saglit ang paningin sa bawat sulok ng kwarto ko bago tuluyang lumabas. Nagsuot pa muna ako ng sunglasses dahil namumugto ang mata ko sa kakaiyak kagabi. Habang pababa ako ng hagdan ay hindi ko maiwasang mas lalong malungkot. Ang dami kong memories sa bahay namin.

Nakakalungkot lang na kailangan ko ng umalis. Ni hindi ko nga alam kong kailan ako babalik o baka nga... hindi na ako bumalik. Ng tuluyan na akong makababa ay nakita ko ang mga kapatid ko pati si Ate Czarina. Nagulat pa ako ng bahagya ng niyakap niya ako.

"Take care of yourself, Solana." sabi niya at ngumiti sa akin.

Nginitian ko naman siya pabalik.

"Mag-iingat ka din Ate Czarina. Alagaan mo ang baby mo kapag lumabas na siya." sabi ko at tumango naman siya at ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Before you leave, I just wanted to say sorry. Sorry dahil nasaktan ka ng kapatid ko. I wish for your happiness Solana, at sana makita mo ang happiness na yon sa Canada."

Napangiti ako ulit at nagkayapan ulit kami ni Ate Czarina sa huling pagkakataon. Pati ang mga kapatid ko ay niyakap din ako. Panay pa ang paalala nila sa akin na mag-iingat ako at huwag kong pababayaan ang sarili ko. Bibisitahin daw nila ako sa Canada kapag bakasyon.

Matapos kong magpaalam sa kanila ay tuluyan na akong lumabas ng bahay habang hila hila ang maleta ko. Dumiretso kaagad ako sa parking lot pero napatigil ako ng makita ko si Mommy na kausap si Janica. Paniguradong alam na niya na aalis na ako dahil tinawagan ko si Shantal kagabi pati si Amari at sinabi ko sa kanilang aalis na ako. Ayaw nga nilang pumayag pero naiintindihan naman nila ng ipinaliwanag ko sa kanila.

"Baby, gusto ka daw makausap ni Janica sandali." sabi ni Mommy pero hindi ako sumagot at nakatingin lang ako kay Janica.

Hindi ako galit sa kanya pero sa tuwing nakikita ko siya at si Jaxson ay nasasaktan lang ako. Siguro hindi ko pa din matanggap. Si Daddy na ang naglagay ng maleta ko sa loob ng kotse at nauna na sila ni Mommy na pumasok sa loob. Naiwan naman ako at si Janica sa labas.

"Beshywap, I'm sorry." rinig kong sabi niya pero nanatili pa din akong tahimik.

"I know that you're mad at me---"

"Hindi ako galit sayo. Alam mong hindi ko kayang magalit sa isa sa mga kaibigan ko." sabi ko at narinig ko pa  ang pagbuntong hininga niya.

"Pumunta ako dito para sabihin at linawin sayo ang totoo."

"Anong totoo?" taka kong tanong.

Gusto ba niyang sabihin na ang totoong mahal ni Jaxson ay siya? alam ko na naman yon. Kailangan pa bang ipamukha sa akin yon?

"Hindi kami pwede ni Jaxson."

Mas lalo lang nadagdagan ang pagtataka ko.

"Janica, alam ko naman na mahal niyo ang isa't isa kaya okay lang, tanggap ko naman kaya ituloy niyo na ang namamagitan---"

"Magkapatid kami."

Nagulat ako at napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko na magkapatid sila?

"A-ano? p-paano? bakit? diba sabi mo mahal mo siya tapos ngayon sasabihin mo sa akin na magkapatid kayo? "  naguguluhan kong tanong.

Rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya ulit.

"Yes I love him pero hindi sa paraan na inaakala mo. I love him because he's my brother, we have the same father."

Matagal nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Sobrang gulong gulo pa din ako.

"Yes, he became my ex pero maling mali na naging kami. Ng malaman ko na kapatid ko siya ay hindi ko matanggap pero wala naman akong magagawa dahil yon ang totoo kaya pinili ko kong ano ang makakabuti, at yon ay ang hiwalayan at layuan siya."

"Alam na ba niya?" tanong ko at tumango naman siya.

"Sinabi ko na sa kanya ang totoo kahapon. Sorry kong nasaktan ka dahil sa narinig mo."

Mabilis akong umiling dahil sa sinabi niya.

"Hindi huwag kang mag sorry, okay lang. Hindi mo naman kasalanan at isa pa, kailangan kong tanggapin na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin."

Biglang niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Are you really sure that you wanted to leave? iiwan mo na ba talaga kami?" bakas sa boses niya ang lungkot.

Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya.

"Oo beshywap eh, kinakailangan kong umalis at desidido na ako. Basta mag-iingat kayo dito, pati ikaw ingatan mong sarili mo." sabi ko at naramdaman ko namang hinaplos niya ang likod ko.

"Are you really not mad at me?"

"Hindi nga, wala naman akong karapatan para magalit tsaka kaibigan kita kaya ayaw kong magalit sayo."

"Pasali naman!"

Napabitaw kami sa pagkakayakap sa isa't isa at sabay na napalingon sa sumigaw. Nakita kaagad namin si Shantal at Amari na papalapit sa amin. Hindi pa man ako nakakapagsalita ng mabilis nila akong niyakap dalawa.

"Beshywap, huwag ka na kasing umalis." sabi ni Shantal at bigla nalang umiyak.

"Gaga! bakit kailangan mong umiyak?" sabi ko pa pero mas lalo lang siyang umiyak.

"Eh kasi naman iiwan mo na kami eh! hindi mo na kami mahal! si Amari pagkatapos ng junior high aalis na din siya at babalik na sa bansa nila at kami nalang ni Janica ang maiiwan." pagmamaktol pa niya habang umiiyak.

Ipinaharap ko naman siya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Beshywap kasi...gusto ko munang lumayo. Naiintindihan mo naman ang dahilan ko diba?"

"Kailan ka babalik?"

"Hindi ko pa alam."

"Ah basta! bumalik ka kaagad dito bukas." natawa ako dahil sa sinabi niya.

Kahit kailan talaga tong babaeng to, loka loka din katulad ko.

"Shunga!" nasabi ko nalang at niyakap siya ulit.

"Mag-iingat ka don ha, tawagan mo kami pag may free time ka." sabi niya at tumango naman ako.

Sunod ko namang niyakap ay si Amari hanggang sa nagyakapan ulit kaming apat.

"Basta alagaan niyo ang mga sarili niyo. Huwag na kayong mag aaway-away." sabi ko at tango lang sila ng tango hahang si Shantal ay umiiyak pa din.

"Pwede ka ba naming ihatid sa airport?" napalingon ako kay Amari ng magsalita siya.

Ngumiti naman ako at umiling.

"Beshywaps, huwag na. Baka kasi mahirapan akong umalis kapag ihinatid niyo pa ako sa airport." sabi ko at tumango naman sila.

Nagyakapan ulit kaming apat sa huling pagkakataon. Agad kong hinawakan ang kamay ni Janica at inilagay doon ang singsing. Nagtaka pa siya.

"Pwede bang ibigay mo yan kay Jaxson? sabihin mo sa kanya na gusto kong ibigay niya yan sa babaeng nararapat sa kanya... sa babaeng mamahalin niya." sabi ko at tumango naman siya.

Ngumiti ako at tuluyan ng pumasok sa loob ng kotse. Napalingon ulit ako sa kanila mula sa bintana at pinigilan ang mga luha ko na gusto ng kumawala. Ang hirap pala. Ang hirap umalis kapag nakikita mo ang mga kaibigan mo na ngayon ay umiiyak na. Ayaw kong umalis pero kinakailangan para sa sarili ko.

"Mahal na mahal ko kayo." huli kong sinabi at tuluyan ng kumaway sa kanila.

Rinig ko pa ang pagsabi nila ng I love you too na mas lalong nagpasikip ng dibdib ko. Hanggang sa tuluyan ng umandar ang kotse at unti unti na silang nawala sa paningin ko. Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Ayaw kong mahiwalay sa kanila kaso nakapagdesisyun na ako at kailangan ko tong gawin.

Ang iisipin ko naman ngayon ay ang sarili ko. Kailangan ko munang unahin at mahalin ang sarili ko.

Continue Reading

You'll Also Like

46K 1.2K 33
Ladybug and Chat Noir have been battling against Hawkmoth for years, but have yet to defeat him. His increasing attacks have got everyone on edge and...
57.5K 1K 37
Life couldn't get harder... But it just did after you sat next to me, everyone bullies me, when will you stop noticing me?? I can't believe that your...
9.5K 67 62
I shared this to support your ministry, to grow your personal relationship to God and to deeper your understanding about HIS word. my prayer is for y...
Save Me By Kate

Teen Fiction

1.5K 96 31
Find out what happens to a girl who is often bullied and beaten up everyday by some famous boys and two girls in the school. Find out whether this wi...