WIFE AND MOMMY FOR HIRE

By BeyourownInk

78.9K 2.3K 226

"Marry me and be Edrian's mother." More

.
Chapter 01.-Cuties.
Chapter 02.-Mommy.
Chapter 03.-Marry me.
Chapter 04.-Maica.
Chapter 05.-Anino.
Chapter 06.-Wedding Day.
Chapter 07.-Honeymoon
Chapter 08.-Thank you.
Chapter 10.-Damn.
Chapter 11.-Nathaniel.
Chapter 12.-Familiar.
Chapter 13.-I like you.
Chapter 14.-Past and experiences.
Chapter 15.-Missing the moments.
Chapter 16.-Revealed.
Chapter 17.-Full Revelation.
Chapter 18.-Meet again.
Chapter 19.-Risk.
Chapter 20.-Danger.
Chapter 21.-Dealing with the bad guys.
Chapter 22.-Comfort zone.
Chapter 23.-Officially mine.
Chapter 24.-Back to normal.
Chapter 25.-Fiesta.
Chapter 26.-Overseas.
Chapter 27.-Bitter and Sweet.
Chapter 28.-Flight.
Chapter 29.-A little conflict.
Chapter 30.-A surprise?
Epilouge.
Goodbye.
Special Chapter.

Chapter 09.-Dwayne.

2.2K 78 0
By BeyourownInk

Angelo's Point of View

"Kamusta ang honeymoon new weeds?" suot ang mapanloko kong ngiti, sinalubong ko silang dalawa sa pinto, nagulat pa si Haylee nang makita ako. "Please tell me, Edrian will have his siblings."

"Why the hêck are you here, Angelo?" umakto akong nasaktan sa tanong ni Dwayne.

"Tsk, hindi naman ako kaaway pre duh. Don't avoid my question, come on, it's okay to share." Haylee blushed.

"It's quite nice, the beach is beautiful. Edrian enjoyed it." nabagsak ang mga balikat ko, napakainosente talaga nitong lalaking 'to, wala man lang thrill.

"Oh, come on! I booked one hotel room, nothing happened?" nagsalubong ang mga kilay niya.

"What do you mean by that? And why did you booked only one you moron? How's the company?" umirap na lamang ako at kinuwento sa kaniya ang mga nangyari nang nakalipas na tatlong araw. "Good. You can leave now." siningkitan ko siya ng mata at ngumiti kay Haylee nang madapo sa kaniya ang paningin ko.

"Hi Haylee. Wala akong kausap, e. Kwentuhan tayo?" nahihiya siyang tumango.

"Hey idiot, I said leave." ngumuso ako sa kaniya.

"No, we'll have a conversation. Magkukwentuhan kami. Hirap kasi sa'yo, ang tipid mo magsalita." tumingin siya sa mga mata ko at alam kong may ipinapahiwatig siya. "I know bro! Lagi kong tanda iyan, no worries, naiburol na din ang puso ko kasama niya."

Nagpunta kami ni Haylee sa garden nila Dwayne, pinaakyat na ni Dwayne si Edrian kanina dahil ipinapatulog na niya, gabi na din naman kasi at for sure, nakakain na sila sa daan.

"I know it's awkward for you this pero may nangyari ba sa honeymoon? Hahaha, Dwayne is innocent but he's still a man, so ano?" nginisihan ko ang dalaga.

"U-Uh, hindi naman parte iyon ng trabaho ko tsaka w-walang nangyari, asawa ko lang siya sa papel." muling bumagsak ang balikat ko. Akala ko ay makakabuo na ng masayang pamilya si Dwayne, hindi pa pala.

What a couple, nagpakasal lang para kay Edrian. If I met this girl at the start, I will assume that Maica is still alive. It's impossible na kambal sila dahil walang  na unti unting nililitawan ng mga bituin.

"Naligo sa dagat, kumain ng street foods, namasyal at nanood ng sunset. Iyon lang, kung gusto mo pang malaman ang iba, well, kumain kami umaga, tanghali at gabi, natulog kapag napagod at manonood lang ng movie kapag walang magawa." sinamaan ko siya ng tingin.

"Hmp, ang pilosopo naman niyan." natawa siya.

"Biro lang. Pero to be honest, walang nangyari at kailanman ay walang mangyayari. Buti na lang at inosente siya. Hindi ko din intensyong pagnasaan siya." tumango na lang ako at tumingala ulit.

"Gusto mo bang malaman kung sino si Dwayne? I mean, sasabihin ko lang ang alam ko sa kaniya, malabo namang ipakilala niya ang sarili niya sa'yo kaya ako na lang, if ever na gusto mo lang naman." nawala ang ngisi sa labi ko.

"S-Sige, gusto ko din naman siyang makilala."

"Magkaibigan na kami mula high school at ako lang ang naging kaibigan niya. Maraming nagsasabi na ang cold at introvert niya masyado, akala nga nila ay weirdo siya kaya walang nakikipagkaibigan. He has an older brother, si Xach. Medyo malapit naman sila sa isa't isa, napalapit na din sa akin iyon. Hindi masyadong nagsasalita iyang si Dwayne pero pumayag siyang maging kaibigan ko. Nang maging magkaibigan na kami, nawalan ako ng ibang kaibigan dahil sinasabi nilang nababaliw na ako at kumaibigan ako sa isang weirdo pero hindi ko pinagsisihan ang bagay na ginawa ko noon."

"Kaya pala ikaw lang ang nakikita kong kaibigan niya." I nodded.

"Grumaduate kami pareho, pumasok sa iisang University at nang maka-graduate, sa sarili nilang kumpanya siya nagtrabaho at ako naman, sa kumpanya din namin. Kaso may mga bagay talaga na masasabi mong hindi ka kabilang kaya gumawa ako ng sarili kong kumpanya, investor ko ang kumpanya nina Dwayne at nang kalaunan, namâtay ang mag asawang Chen, naiwan kay Xach ang pangangalaga sa kumpanya nila pero namâtay din kaya kay Dwayne na nalaglag. Stable na ang kumpanya ko kaya tinutulungan ko siya sa kumpanya nila, mas malaki at malago ang kaniya kaya handa akong tumulong, idagdag pang mag isa siyang ama." huminto muna ako para humugot ng hangin.

"He's capable of everything, right? Nakayanan niyang gampanan ang pagiging ama at CEO ng sabay. Hinahangaan ko siya sa parteng iyon." sumulyap ako kay Haylee at kitang sa langit din siya nakatingin.

"Mabait siyang tao, alam ko iyon kahit unting tao lang ang nakakakita ng kabutihan niya. May iba na hindi ko alam sa kaniya pero alam kong gusto niyang kimkimim kung ano man ang mga iyon. Inosente yan, pati siguro panganganak ay hindi niya alam pero laging una sa eskwelahan. Wala pa siyang nagiging girlfriend at hindi niya din alam ang salitang buhay pag ibig. Ang pinaka prayoridad niya ay si Edrian at ang kumpanya."

"May alam ka bang nangyari sa kaniya na pwedeng maging dahilan ng trauma niya?" sandali akong natigilan. Trauma? I never thought about that thing.

"T-Trauma?"

"Ah, siguro hindi niya pa nasasabi sa'yo. Siguro ay ayaw niya lang may makaalam." tumayo siya at ngumiti sa akin. "Sige, una na ako. Malamig na, ingat sa pag uwi. Ang gandang makipag usap sa'yo, Angelo. Gusto sana kitang maging kaibigan." inahad nito ang kamay at tinanggap ko iyon na may ngiti na din.

"Syempre ba. Sige, magkaibigan na rin tayo. Have a great sleep, Haylee. Sige na rin at aalis na ako. Good luck kay Dwayne, gusto kong maging ninong ng maraming bata e. Hahaha." pareho kaming nagtawanan bago pa ako umalis.

Ang bilis niyang mapagkatiwalaan ni Dwayne, Dwayne's trust is hard to get pero sa tingin ko, ang babaeng ito ang makakakilala pa sa kaniya ng husto. It's my right choice not to like her because she belongs to him. Sana ay may mabuong pagmamahalan sa kanila, ako mismo ang mangungumpisal ng pangalawang kasal kung mangyari man iyon.

Haylee's Point of View

"Dwayne!" napatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib, akala ko ay multong nakaabang sa akin sa gilid ng pinto, buti na lang at malayo ang kwarto ni Dwayne at baka magising pa siya sa sigaw ko. "A-Anong ginagawa mo diyan?" ang bilis ng pintig ng puso ko sa kaba, ano ba naman itong si Dwayne.

"What did you talked about?" tumanaw siya sa hardin na pinag usapan namin ni Angelo kanina.

"I-Ikaw." nagtaas siya ng kilay sa akin. Totoo naman, e. Siya ang pinag-usapan namin kanina. "Nagkwento siya ng tungkol sa'yo. Tinanong ko na din dahil gusto kong makilala ka kahit sa simpleng bagay lang. Sorry kung chismosa ang dating ko sa'yo." nanatili ang mata niya sa akin.

"And why do you have to know me?"

"Hindi ko alam, gusto ko lang?" nawala ang kunot ng noo niya at plain lang na tinitigan ako. "Sinabi niyang no girlfriend since birth ka, siya lang ang kaibigan mo at kung paano mo ipagsabay ang pagiging ama at CEO. S-Sinabi niya din kung gaano ka k-ka inosente." pinigilan kong mangiti.

"You're good to each other, you're both talkative, why don't you date?" naiinis na ani niya at sumimsim sa dala niyang wine.

"Ha? Kami ni Angelo, bagay? Haha, nope. Hindi ko siya gusto at wala akong ideya sa buhay pag ibig. Lalo na't kasal na ako.. s-sa'yo." namulat ang mata niya at napatigil sa pagsimsim ng wine. "I mean kasal na ako kahit sa papel lang. At isa pa, magkaibigan na din kami." masyado na ata akong madaldal, nawala kanina ang pagod ko nang mag-usap kami ni Angelo pero bumalik nang pumasok ako dito sa bahay.

"If ever Angelo will like you, what would you do?" napasinghap ako sa tanong na iyon.

"'Wag ka ngang magbiro. Imposible, nabasa ko din naman sa mata niya kanina na may mahal na siyang iba, weird pero oo, naramdaman kong umiibig na siya." napahikab ako bigla. "U-Uh, sige, matutulog na ako. Good night.. Dwayne." tumalikod na ako agad-agad pero nasa tapat pa lang ako ng mga sofa, narinig kong nagsalita siya.

"Good night, sweet dreams." hindi ko alampero napangiti ako. Hindi ko siya nilingon at nagpanggap na walang narinig.

Pumasok ako sa bathroom na lutang at nakangiti. Nag-good night lang naman siya pero para akong kiniliti, hindi ko maalis ang ngiti ko. Dala ko ang cellphone at hindi namalayang natawagan na pala si Lily.

"Hello, Lily? Kamusta na kayo diyan?" hindi ako nakarinig ng sagot. "Lily?"

[H-Hello ate?]  na-alarma agad ako at nawala ang ngiti. Umiiyak siya.

"Lily? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?"

[Wala ate! Okay lang ako, may sipon lang at masakit ang lalamunan kaya paos.] umiling ako. Nagsisimula na naman siyang magsinungaling.

"Sabihin mo ang totoo, Lily. Ako mismo ang aalam ng problema kung hindi mo sasabihin." nakarinig ako ng mahinang hagulhol.

[A-Ate, p-pinalayas ako.] naibagsak ko ang tuwalya at dali-daling lumabas ng cr. [H-Hindi ko alam ang nangyari pero umuwi ako na nasa labas na ang mga gamit ko. Wala naman akong ginawang masama, ate.] kumuha ako ng jacket at lumabas ng kwarto.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita." halos mahulog ako sa hagdan dahil sa kakamadali.

[Wag na ate. Umuulan, okay naman ako ngayon, may nasilungan naman ako.]

"Hindi, pupuntahan kita. Nasaan ka? Papunta na ako." sinabi niya ang lugar kaya pinatay ko na ang tawag.

"Where are you going?" hinihingal man ay nilingon ko si Dwayne na nakaupo pala sa sofa habang nakaharap sa wine niya.

"May importante akong pupuntahan." tumayo siya at sumulyap sa labas.

"It's raining and you're going to go out?" sumulyap din ako, kanina lang ay maaliwalas pa ang panahon pero biglang umuulan na.

"Importante talaga. Sige—"

"I'm going to drove you off." tinaasan ko siya ng kilay. "It's already dark."

"Hindi na, kaya ko na. 'Wag ka ng mag-abala."

"No. Let's go." dinukot niya ang remote ng sasakyan niya mula sa bulsa at nagpauna. Hindi na ako nakatanggi dahil nagpilit pa siya bago makalabas at dahil kailangan na rin ako ng kapatid ko.

Tahimik lang kami sa daan, nasabi ko na rin naman sa kaniya ang lugar. Nang huminto ang sasakyan ay halos manlumo ako sa nakita. Si Lily, nilalamig na nakaupo sa isang waiting shed kasama ang tatlo niyang maleta.

"L-Lily.." nag angat siya ng tingin at nanginginig na naluha nang makita ako sa harap niya. Agad ko siyang niyakap. Kung hindi ako nagpumilit na puntahan siya ay sigurong matinding sakit ang aabutin niya dito.

"A-Ate, hindi ko pa napupuntahan si Kate. Puntahan mo muna siya." umiling ako at tinignan ang kabuuan niya. Basang basa siya ng ulan.

Malayo pa dito ang bahay namin at lumalakas na ang ulan.

"D-Dwayne, anong ginagawa mo?" nanlaki ang mga mata ko nang makitang hila niya na ang tatlong maleta at inaabot sa akin ang isang payong.

"She'll stay at the mansion. Take this umbrella and I'll put this baggage to the back."

"Ako na ang bahala sa kaniya. Salamat pero nakakaabala ata ako." nagsalubong ang perpekto niyang mga kilay.

"I'm your husband and I'm not gonna leave you with your sister here. Just go inside." wala na akong nasabi at inaya na lang ang kapatid ko papasok. Laging nagpapabalik-balik ng tingin sa amin si Lily at alam kong may mga katanungan na siya sa isip niya.

Habang nasa byahe ay nag-text siya sa akin.

[Siya si Mr. Chen?]

[Oo.] tinignan ko siya sa likod, nanlalaki ang mata niyang nakatitig kay Dwayne. Puno ng pagkamangha ang mata niya.

"Dwayne, paki-baba na lang ako sa hospital. Bibisitahin ko lang ang kapatid ko." sumulyap saglit sa akin ang binata at tumango. Namayani na muli ang katahimikan sa amin.

Ambon na lang ang mayroon nang makarating kami sa hospital. Ako lang ang bumaba dahil titignan ko lang naman si Kate, alam kong na aalagaan naman siya ng nurse niya pero siguradong malungkot iyon dahil wala kami buong maghapon o kahit si Lily man lang.

"Nurse Sheena, tulog na ba si Kate?" tinanong ko agad ang nurse pagkapasok ko pa lang.

"Opo miss Haylee. Kaso wala po siya sa mood makipaglaro kanina." marahan akong tumango at hahakbang na sana nang mapansin si Dwayne sa likod ko.

"D-Dwayne?"

"I'm here to get your second sister."

"Ha?! B-Bakit naman?"

"Because they'll both live in the mansion with you." nagulat ako at hindi makapaniwala. "I already paid your sister's stay here and I'll hire some expert doctors to cure her at home." hindi pa ako nakakasalita ay nauna na siya. Seryoso ba siya?!

Nadatnan ko siyang kausap ang isang nurse na nagche-check up sa kapatid ko.

"T-Teka Dwayne—" huli na dahil nai-piggy back na niya ang kapatid ko sa tulong ng nurse.

"Let's go." hindi na ako nakapagsalita pa. Nakalabas kami ng hospital agad agad, naghihintay sa amin si Lily sa labas. Ako na ang nagpayong sa kanilang dalawa sa pagtawid.

Binuksan ni Lily ang backseat at may kumot nang nakabalot sa kaniya. Ibinigay ni Dwayne si Kate na tulog sa kapatid ko at hinarap ako.

"D-Dwayne, hindi naman kailangang gawin mo ito." ang dami niyang nagawa. Nabayaran niya na pala ang pananatili ni Kate sa hospital? Ipapatira niya pa sa mansion ang mga kapatid ko at sinabing ipapagamot si Kate sa mga eksperto! "Pero maraming salamat. Babawi ako."

"Take care of Edrian and that's enough. One thing, don't forget that you're my wife so I have the right to help you."

Napa isip ako habang papauwi na kami. Alam kong kahit hindi niya ako asawa, tutulungan niya pa rin ako. Tama nga si Angelo, mabait siyang tao.

"Maids, lay the kid to the guestroom and lead the girl to the guestroom's shower room. The others, go and get the baggage at the car." sunod-sunod na utos niya, pagpasok pa lang namin sa bahay.

Halos pasukan na ng langaw ang bibig ni Lily simula nang dumating dito. Kinuha ng yaya si Kate at kung hindi ako nagkakamali, siya ay si Moira, ang pinakabatang yaya. May nanghila kay Lily at meron namang kumuha ng mga bagahe.

"Haylee, you need to change. You'll get cold."  tinignan ko lang si Dwayne na ginugulo ang buhok niyang medyo nabasa. Nang mapansing nakatingin lang ako sa kaniya ay agad nagsalubong ang perpekto nitong mga kilay. "What?"

"Thank you." kung tutuusin, wala na sa isang iglap ang mga problema ko. "Thank you for helping me, Dwayne."

"I'm your husband so—"

"Hindi. Mabait kang talaga. Salamat." natatawa akong nagpunas ng luhang kumawala sa mata ko. "Salamat." hindi ko napigilan at namalayan na lang na yakap ko na siya habang humahagulhol. "Sa totoo lang, h-hindi ko alam ang uunahin ko pero nawala sila sa isang iglap dahil sa'yo. Salamat."

"H-Hey.."

"Salamat, Dwayne. Salamat sa lahat. Babawi ako kahit sa simpleng bagay basta mapasalamatan lang kita."

---
Astrid Manunulat

Continue Reading

You'll Also Like

109K 1.4K 51
๐ˆ๐ญ๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐๐š๐ฒ ๐›๐š๐œ๐ค ๐ญ๐จ ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ , ๐€๐š๐ฅ๐ข๐ฒ๐š๐ก ๐ข๐ฌ ๐ง๐จ๐ฐ ๐ข๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐ ๐ซ๐š๐๐ž, ๐ฐ๐ก๐ข๐ฅ๐ž ๐ฌ๐ก๐ž๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐ฌ๐ก...
66.4K 2.1K 45
A groupchat with all of the current F1 drivers + Mick, Seb and Nyck because we all love them๐Ÿซถ๐Ÿป
5M 113K 66
A small, petite 19 year old girl is caught thieving. She is dragged to the royal's castle and held in a cell until the next court day. Once she meets...
216K 10.8K 90
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...