She Who Stole Cupid's Arrow

By alyloony

35.3M 1.1M 344K

Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5 (10/30/14)
Chapter 6 (11/8/14)
Chapter 7 (11/10/14)
Chapter 8 (11/11/14)
Chapter 9 (11/19/14)
Chapter 10 (11/24/14)
Chapter 11 (11/25/14)
Chapter 12 (11/27/14)
Chapter 13 (11/28/14)
Chapter 14 (12/1/14)
Chapter 15 (12/05/14)
Chapter 16 (12/6/14)
Chapter 17 (12/9/14)
Chapter 18 (12/17/14)
Chapter 19 (12/23/14)
Chapter 20 (12/29/14)
Chapter 21 (12/30/14)
Chapter 22 (1/2/15)
Chapter 23 (01/07/15)
Next update will be on....
Chapter 24 (2/1/15)
Chapter 25 (02/07/15)
Chapter 26 (2/16/15)
Chapter 27 (3/15/15)
Chapter 28
Chapter 29 (3/25/15)
Chapter 31 (04/18/15)
Chapter 32 (5/6/15)
Chapter 33 (5/19/15)
Chapter 34 (6/9/15)
Chapter 35 (6/14/15)
Chapter 36 (6/16/15)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
The Living Arrow - Book 2 of SWSCA

Chapter 30 (4/2/15)

480K 14.8K 2.9K
By alyloony

Chapter 30

 

[Jillian’s POV]

 

‘Yung tampalasang god of love na ‘yun, talaga nga naman! Hindi talaga nagpakita sa akin! Magaling na bata! Hay naku!

            Tinignan ko ang orasan. It’s 3:45am. Ready na ang mga gamit ko at inaantay ko na lang si West na dumating. Inaasahan kagabi na magpapakita sa akin ang kumag na si Cupid pero wala. Hindi.

            Napa-buntong hininga ako.

            “Cupid, kung sakali mang may powers ka na marinig itong sinasabi ko, gusto ko lang malaman mo na bwiset ka. Makikipag date lang ako kay West kahit hindi siya ang nakatakda sa akin. Sana sa araw na wala ako eh wag mong maisipang kainin ang stock ng pagkain ko kundi patay ka talaga sa akin! Ima-matchmake kita kay Edgar!”

            Pinakiramdaman ko ang paligid. Baka kasi bigla siyang sumulpot. Kaso wala.

            Napabuntong hininga ulit ako.

            “Well, sana narinig mo ang sinabi ko.”

            Just to be sure, nag iwan na lang din ako ng note sa lamesa ko.

            Maya-maya lang din ay nakarinig na ako ng katok sa pinto. Ilang ulit muna akong tumingin sa salamin bago ko pinagbuksan si West.

            “Good morning,” bati niya sa akin while smiling brightly.

            My heart did a somersault.

            “G-good morning.”

            “Are you ready?”

            Tumango ako.

            “Yep. Let’s go?”

            “Let’s go!”

            Ni-lock ko na ang pinto ng bahay habang si West naman ay kinuha sa akin ang bag ko para ilagay sa kotse.

            “Ang gaang ng bag mo ah?” sabi nya habang isinusukbit niya ito sa balikat niya.

            Tinaasan ko siya ng kilay habang naka-ngiti, “expected mo ba na dala ko ang buong bahay ko sa lakad natin?”

            Napatawa siya ng mahina, “kaya kita gusto eh.”

            Natigilan ako bigla dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang dapat kong i-react.

            Magbibiro ba ako? Sasabihin ko thank you? Sasabihin ko ang haba ng hair ko?

            O sasabihin kong I like you too?

            “U-uhmm, d-dalhin ko na ‘to sa kotse,” sabi niya at bago pa ako makapag salita, tumalikod na siya.

            Medyo madilim. Pero kahit ganun, alam kong namumula na naman ang tenga niya.

            Napangiti na lang ako at sinundan ko na siya.

~*~

 

“Gusto mo bang mag breakfast muna? Pwede tayong mag stop over if you want,” tanong sa akin ni West habang nasa byahe na kami.

            “O-okay lang. Actually gumawa ako ng sandwiches para sa’tin pero—“

            “—really?!”

            “---pero okay lang! Mas okay kung mag stop over na lang tayo. Baka ‘di mo magustuhan eh.”

            “No! Ayan na lang ang kainin natin.”

            “Hmm? Hindi ka ba napipilitan?”

            Nilingon niya ako saglit at nginitian, “Jillian, you don’t know how much your effort made me happy. At sigurado akong masarap ‘yan. Ikaw gumawa eh.”

            Napangiti na lang din ako bigla.

            Alam niyo yung kinikilig? Ako yun eh.

            Ba’t ba ang hilig akong pinupuri ng isang ‘to? Binobola na ba niya ako? Natututo na ba siyang mambola?

            Nilingon ko ulit siya at naka-pako na ulit ang tingin niya sa kalsada. But there’s a genuine smile on his face.

            Ang sarap titigan.

            Agad kong iniwas ang tingin ko.

            Nag-aalboroto na naman ang utak ko. Sinasabing mali ‘to, ba’t nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni West papunta sa isang malayong lugar samantalang alam ko na pag natapos na ang bakasyon namin, mas magiging mahirap ang lahat para sa akin.

            Mas magiging mahirap ang trabaho ko.

            Bawal ko siyang titigan. Bawal akong magkagusto sa kanya.

            Masasaktan lang kami.

            Pero minsan pala, kahit sinasabi nilang kaya nasa itaas ang utak ay dahil ito muna ang dapat sundin, may pagkakataon talaga na hindi mo kayang hindian ang sinasabi ng puso mo.

            Alam ko na ang sasabihin sa akin ni Cupid pag nagkita ulit kami. Alam kong katakot-takot na sermon ang aabutin ko.

            Pero okay na. Bahala na.

            Yung bonding naming dalawa ni West---yung huling bonding namin---i-e-enjoy ko na lang yun.

            Kahit masaktan ako.

~*~

 

Nag stop over kami ni West sa isang gasoline station para kumain muna ng inihanda kong sandwich. Bumili rin siya ng kape para sa aming dalawa.

            “So? How was it?” tanong ko sa kanya nang kumagat siya doon sa sandwich.

            He smiled at me, “masarap syempre! As expected!”

            Pinanliitan ko siya ng mata, “yung totoo?”

            “Yun ang totoo.”

            “Weh?”

            “Wala kang bilib sa sarili mong gawa?”

            “Hindi. Kasi mamaya sinasabi mo lang ‘yan kasi…” I trailed off.

            I heard him chukle, “kasi?”

            “Wala! Kumain ka na lang!”

            At sinunod nga niya ang sinabi ko. Tinuloy-tuloy niya ang pagkagat sa sandwich at muntik-muntikanan pa siyang mabulunan. After a while, tanging tissue na lang ang natira doon sa sandwich.

            “You know that I like you right?” bigla niyang tanong.

            “H-ha?”

            “I like you. But I swear, hindi kita binobola nung sinabi kong masarap yung sandwich.”

            Namula ako. Naginit ang mukha ko. Natigilan. Napatingin ako sa gilid ng labi niya. May mayonnaise. Bigla na lang akong natawa.

            “What? Why are you laughing? Akala mo talaga binobola kita?” seryoso niyang sabi.

            “Hindi. Kasi naman eh. Ba’t ang cute mo!”

            At siya naman ang namula.

            “T-talaga? Cute lang hindi gwapo?” halos pabulong niyang tanong.

            Pinunasan ko ang mayonnaise sa gilid ng labi niya gamit ang thumb ko at nang dumikit ang balat ko dito, para akong nakuryente bigla.

            Agad kong inalis ang kamay ko then I smiled at him shyly.

            “Ayan, gwapo na.”

            Na-hihiya-hiya rin siyang napangiti sa akin.

            “Ang sarap talaga nung sandwich.”

            “Sige na. Naniniwala na ako!”

            “Ay wait. Wala pala tayong tubig. Gusto mo bumili ako?” tanong niya habang nakaturo siya doon sa convenience store sa tapat namin.

            “Tara. Sama na ako sa’yo.”

            “Okay.”

            Bumaba kami ni West sa sasakyan at pumunta sa convenience store. Dumiretso siya sa may fridge habang ako naman ay nag hanap ng candy na pwede kong mabili. Nakakahilo nga pala ang madadaanan namin paakyat ng Baguio. Mabuti nang mag baon ng candy kesa masukahan ko pa ang magandang kotse ni West.

            Nakakita ako ng paborito kong candy na nasa lower shelf. Nung yumuko ako para kumuha nung isa, may nabangga ako sa likuran ko.

            “Ay sorry!” sabi ko doon sa nabangga ko at nilingon ko siya.

            “Okay lang,” sagot naman niya.

            Natigilan ako.

            Sa harap ko ay may isang babae na nakasuot ng pulang beside. Maputi siya, itim na itim ang buhok, mamula-mula ang pisngi at labi at…

            At hindi pangkaraniwan ang ganda niya.

            Kakaiba.

            No.

            Wala pa akong nakitang ibang babae na higit o kasing ganda niya.

            Ang hirap i-describe ng itsura niya. Pero nakakatulala siya.

            Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at ngitian niya ako.

            Ang lambot ng palad niya. Ang tamis ng ngiti niya.

            “B-byahe kayo?” tanong niya sa akin.

            Hindi ko makuhang mag-salita. Para akong naputulan ng dila. Kaya naman napa-tango na lang ako sa tanong niya.

            Bakit pati ang boses niya sobrang ganda? Ang sarap pakinggan sa tenga.

            “Ganun ba? Mag-iingat kayo ah, Jillian.”

            Pagkasabi niya nun, binigyan niya ako ng isang huling ngiti atsaka siya umalis.

            Jillian.

            Sinabi niya ang pangalan ko. Nabanggit ko ba sa kanya? Nagpakilala ba ako?

            “Jillian, nabili ko na yung tubig natin.”

            Napalingon ako kay West at nakita kong may hawak na siyang supot.

            “Hey, okay ka lang? Ba’t parang tulala ka.”

            “Yung babae kasi,” sabi ko sabay turo doon sa may pinto.

            Lumingon si West.

            “Babae?”

            Wala na yung babae na nakita ko.

            “W-wala. Wala,” nginitian ko siya. “Tara na.”

            Binayaran ko yung candy na kinuha ko at lumabas na kami ni West.

            Habang nasa byahe, hindi maalis-alis sa isip ko yung babae.

            At hindi ko alam kung bakit.

To be continued...

Aly's Note:

Hello readers! Nabasa ko yung mga comments about kay Aphrodite doon sa last chapter. May mga nag correct kasi sa akin na hindi si Zeus ang father ni Aphrodite. That Aphrodite is the oldest olympian God at tinapon siya ni Uranus sa sea.

Actually may ganoong kwento nga sa myth. I believe kahit sa Percy Jackson series, ganoon din ang nakasulat about kay Aphrodite. Pero yung finollow ko kasi is yung nakalagay sa Iliad ni Homer which is according to him, Aphrodite is the daughter of Zeus kaya ayun ang inilagay ko sa aking explanation.

Yes, magulo ang Greek mythology wahahaha. XD

By the way, member na po ba kayo sa aking official FB group? If hindi pa, sali na kayo. Search niyo lang "Tambayan ng mga Alyloonytunes" May meet up din kami this summer at baka gusto niyo mag join :D

Sa mga members na *kaway kaway* :

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 102K 32
Kingdom University Series, spinoff || Mahirap turuan ang puso na magmahal, lalo na kung sa simula ay wala ka namang feelings para sa kanya.
79.4K 4.9K 79
(On-Going)
1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
627K 26.6K 78
ESPORTS ROMANCE | MOBA (Multiplayer Online Battle Arena) Completed Dominating professional players in ranked games, Finithee Suarez was constantly mi...