The Sex Teacher

By nonwingedangel1

824K 6.2K 391

SELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakaka... More

The Sex Teacher
TS - Chapter 1
TS - Chapter 2~ Maximillo AKA Maxene
TS - Chapter 3 ~ Meeting him...
TS - Chapter 4 ~ The Consultation
Chapter 6 ~ The Incident (Part 2)
Chapter 7 ~ Her Decision
Chapter 8 ~ His Answers
Chapter 9 ~ Her Rules
Chapter 10 ~ The Checklist
Chapter 11 - Damn the Checklist
ANGEL'S NOTE (not an update)
TST - Chapter 12: Dating 101
TST - Chapter 13: Dating 102
TST ~ Chapter 14: She's back
TST ~ Chapter 15: Sisters forever
TST ~ Chapter 16: Kissing 101
TST ~ Chapter 17: Kissing 102
TST~ Chapter 18: Panic Mode
EXTRA CHAPTER: The Lost Boy and the Other Girl
TST~ Chapter 20: Facing Fear
SURVEY: THIS IS NOT AN UPDATE

Chapter 5 ~ The Incident (Part 1)

52.2K 304 6
By nonwingedangel1

Tagal na walang update. Sisihin ang bagong karaoke ng Tita ko na nabinyagan ng napakaganda kong boses. Hahaha~ Supposedly, Sunday ko pa to na-post eh~

Not so great chapter, I guess.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

"Aish! Ang kulit naman! Sinabi nang di pwede diba?!" pasigaw kong sinabi sa kanya sabay lakad palayo. Nakakainis pala pag may buntot ng buntot sa'yo. Tss. Mapa-mall o bar nakasunod. Kahit pauwi ako ng bahay mula office nakabuntot pa rin tong mokong na to. Wala bang sariling buhay tong lalaking to?

"Selena naman oh! Please, pagbigyan mo na ko~!" patakbo siyang sumunod sakin. Tae, nakakapikon at nakakarindi na talaga siya. Di ko siya pinansin at dere-derecho pa rin ako maglakad. Pero dahil nga matangkad siya ilang hakbang lang nahabol na niya ko.

Nagatataka kayo kung bakit Selena lang ang tawag niya sakin? Well, sinabi ko sa kanya un na lang ang itawag sakin out of courtesy nung nasa office siya, at tila trip na trip ng mokong na tong tawagin ako sa pangalan ko lang.

"Selena~ try muna natin! Pag di talaga pwede, tatantanan na talaga kita. Ikaw lang ang maaasahan ko ngayon eh." I stopped walking and glared at him. Kung nakakamatay ang pagtitig malamang pinaglalamayan na to.

  

Nasa parking lot na kami pero sunod pa rin siya ng sunod. I fished my keys on my pocket.

Akma ko nang bubuksan ang Chev Spark kong kulay pink ng may tumawag sa pangalan ko.

"Selena! Selena, right?" hindi un si Jason sigurado ako. Kaya lumingon ako. Pati pala si Jason nakatingin din sa lalaki. Tinitigan ko ung lalaki pero di ko siya kilala. Ayan nanaman eh makakalimutin talaga ako. Badtrip na memory gap to oh. Ang angas ng porma nung lalaki. Parang b-boy ung get up niya.

"Do I know you?" sabi ko sa kanya. Tapos bigla siyang tumawa. Ung nakakatakot na tawa na parang pang goons, ganun.

"So di mo talaga ko kilala? Ako lang naman ang boyfriend ni Joan, Joan Paz." ah, client ko nga un. Okay, so? "Ayy,mali, EX-BOYFRIEND na pala. Thanks to you." Nanggigigil na sabi niya. Palpit siya ng palapit. Ang tangkad niya na he's almost towering me.

Teka? Nangyari na ito dati diba? Mahina pa ako nun at takot. Pero di ako dapat padaig di tulad noon. Lalaban ako!

"So?" Pinakita kong hindi ako naiintimidate sa kanya. Malaki lang siyang tignan pero mukhang mahina siya.

"So kailangan mong pagbayaran mo ang pagsira sa relasyon namin! Dahil sa'yo nawala ung pangarap ko na masayang buhay kasama siya! Kasalanan mo!" sinigawan niya ko. Aba't ang lakas ng loob ah?

"Una sa lahat di ako ang may kasalanan, bakit? Kasi di naman ako ung nang two-time eh. Ikaw. Pangalawa, ang trabaho ko magpayo. Nasa tao na yun kung makikinig sila o hindi. Pangatlo, labas na ko sa lahat ng gagawing desisiyon ng clients ko. So wala akong kasalanan." Kala niya siguro masisindak niya ko? Well,mali siya.

"Hindi! Kung hindi mo siya sinulsulan hindi lalala to! Maayos na kami nun eh! KASALANAN MO TO!" Akma niya kong sasampalin at nagready na ko sa gagawin ko pero bigla na lang sumulpot si Jason sa harap ko.

"Wag kang humarang jan, boy! Baka ikaw ang masaktan ko." Tinulak niya si Jason na dahilan ng pagkasalampak niya sa sahig. Pero mabilis na tumayo si Jason at sinuntok ung lalaki. Pero di natinag sa pagkakatayo ung lalaki kahit pa nagdugo ang labi nito.

KInwelyuhan niya si Jason at sinuntok ng ilang beses. Para naman siyang papel na nilipad ng hangin.

Siyempre kumilos na din ako. Nung akmang hahablutin niya ulit si Jason sa sahig, hinatak ko ang kamay niya and I twisted it. Napa-aray siya pero di pa ko tapos. I carried him sa likod ko at inihampas siya na parang basahan sa sahig.(nagets niyo? basta un na un xD) Di na siya nakatayo sa sakit.

See? Sabi sa inyo wala siyang kwenta eh. Sino ba namang papalag sa isang Judo black belter na tulad ko diba?

"Sa susunod, di lang yan ang aabutin mo. Pasalamat ka pagod ako ngayon kaya I'll let you off this time.Tara na." maangas kong sabi sa kanya. Hinatak ko naman si Jason papunta sa Chev Spark ko.

Tahimik lang siya nung una. Tinititigan ko siya while driving. Nakita kong nabugbog siya ng husto nung lalaking un. Kaya dumiretso na kami sa condo ko.

*Sa condo*

Pagkapasok namin ng condo ko ay dali-dali akong pumunta ng CR para kunin ang first aid kit. Paglabas ko ay nakita ko si Jason na nakaupo sa sofa at mukhang nakaidlip na. Napagod siguro siya sa pagsunod sakin sa loob ng isang linggo, idagdag mo pa ang insidente kanina. Kung di pa ko umawat malamang napuruhan to.

Pero grabe lang ang determinasyon ng lalaking to. Gagawin niya lahat para lang sa taong mahal niya. Kahit pa baguhin niya kung sino siya talaga maging bahagi lang siya ng buhay ng Kate na un. May lalaki pa palang ganito sa panahon ngayon? How romantic.

Hindi ako bitter noh? Base yan sa mga kwento ng clients ko. 

Pero sorry, dahil di ko kayang pagbigyan ang hiling niya. Ayoko man aminin eh natatakot pa rin ako maulit ang nakaraan. Kahit pa sabihing iba na ako ngayon ay di ko pa rin maiwasang mag-alala. Masyado siguro akong natrauma sa nangyari two years ago.

Biglang gumalaw si Jason sa kinauupuan niya. Mukhang naalimpungatan. 

"Hey. Wake up." I tapped his left shoulder.

Wrong move.

He winced. Un pala ung unang tumama nung bumagsak siya

"Sorry. You alright?"

"Yeah, I guess." tumingin siya sa paligid. "Where are we?" 

"In my condo. Hindi ko kasi alam kung saan ang address mo eh. Isa pa, ako ang may kasalanan kung bakit ka nabugbog kaya I decided na gamutin muna yang sugat mo." I opened the first aid kit.

"Nice place." tatayo sana siya pero hinila ko siya pabalik.

"Gagamutin ko muna yang mga sugat mo." 

Umupo naman siya ng maayos. Sinimulan ko nang gamutin ung mga sugat niya.

"Bakit ba kasi humarang ka kanina? Kala mo naman kaya mo siya. Ang payat mo kaya kumpara sa kanya. Besides, he's also taller than you." paninisi ko sa kanya. Ang engot naman kasi kaya ko naman un pero sinangkalan niya pa rin ung sarili niya. 

"Ako pa may kasalanan? Buti nga I stood up for you. Isa pa, ayokong nasasaktan ang mga babae." he said in matter-of-a-fact tone.

Ang gentleman naman niya. Swerte ng Kate na yun. Aish, anu ba ung sinabi ko? Erase. Erase!

"Tss. Kahit pa kayang kaya ko naman siya noh." Diniin ko sa gilid ng mata niya ung bulak.

"Aray~! Alam mo bakit di ka na lang magpasalamat sakin at niligtas kita?" tumaas ang kilay niya. Natawa naman ako dun. May lalaki palang nagtataas ng kilay?

"Hindi mo naman ako niligtas ah! Ako kaya naglitas sa sarili ko. At wag mo nga akong pagtaasan ng kilay, para kang bading!" napatawa tuloy ako ng di oras. Kasi naman eh, bakit kailangan pang magtaas ng kilay?

"Wag mo nga akong tawanan. Eh sa ganito ako eh" naiinis niyang sabi. Nagpout pa. Lalo tuloy akong natawa.

Pero ang cute niya pala pag naiinis. Namumula ung tenga niya. Parang bata lang. Hahaha~

"Tama na nga! Pag di ka tumigil lagot ka sakin!" Banta niya. Pero lalo siyang nagmukhang batang inagawan ng lollipop.

Tumawa tuloy ako ng mas malakas.

"At ano naman ang gagawin mo?" natatawa kong sabi.

Nagulat ako sa ginawa niya.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at inilapit niya ung mukha niya.

 Halos magkiss na kami.

Di tuloy ako makagalaw kasi naman never been kissed pa ko noh.

Nagkatitigan kami.

 "Pag di ka tumigil..." Ano? Pag di ako tumigil hahalikan niya ko? Shet. Di pa ko ready. Isa pa di ko siya ganun kakilala. Napapikit tuloy ako at napalunok. 

Feeling ko antagal ko nang nakapikit pero di pa rin siya nakibo.

So I opened my eyes and I saw him trying to hide his laughter. He let go of me and laughed out loud.

"HAHAHAHAHAHA-- Aray~!" Sumakit ung sugat niya sa labi sa sobrang kakatawa. "Anong akala mong gagawin ko? Hahalikan ka? Hahaha~" hinampas ko siya ng tropillow

“Nakakainis ka! Umuwi ka na nga!” Nakakainis! Bakit ba kasi un ung pumasok sa isip ko eh!

Gusto ko bang halikan niya ko? NO! Hindi un yon!!! Yes, he’s handsome and… AISH. Ano ba tong iniisip ko?

At teka, may naughty side din pala tong mahiyain na to?

Lalo ko pa siyang pinaghahampas ng unan.

“Aray! Tama na! Masakit…” Pero di ako nakinig at hinampas-hampas pa rin siya.

Nagulat ako nung mabilis niyang hinawakan ung magkabila kong braso.

Malakas din pala siya eh bakit di niya un ginamit kanina?

“Sorry for making fun of you. Nakakatawa lang kasi. Now can you just clean my wounds? Masakit na talaga eh.” He said in a serious tone.

I obliged. Sino ba naming hindi eh sobrang seryoso niya.

After I cleaned his wounds pumunta ako ng kusina para kumuha ng yelo para sa balikat niya.

Napansin ko na parang ang gaan ng loob ko pag kasama ko siya. Na parang di ko ramdam yung takot ko sa mga lalaki.

I feel warm with him kahit pa halos isang linggo pa lang kaming magkakiklala. What’s with him na wala sa ibang lalaki?

Maybe because he’s cute?

No, madami nang nagtangkang lumapit sakin na mas cute pa sa mokong na to pero hindi nila natibag ang pader na nagawa ko para maproteksyunan ang mahina kong pagkatao.

I put the thought at the back of my mind and mentally reminded myself to think about it later. Napansin ko kasing madilim na sa labas pero andito pa din si Jason.

“Ayan. Ilagay mo sa balikat mo. Pagtapos, umuwi ka na.” mahinahon kong sabi.

“Thank you.” Nahihiya niyang sabi.

Tinignan ko siya.

He’s back on being shy again. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...