The Mistress

By PrincessHimaya

177K 3.4K 513

Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Akala... More

SYPNOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas

Kabanata 36

2.9K 74 21
By PrincessHimaya

The sad thing is...sometimes, as a good woman, you are left with only two choices: Save the relationship and lose yourself or save yourself and lose the relationship.

Alam ko ang dapat kong piliin. Ang iwan lahat at kalimutan kahit gaano pa ito kasakit. But the rage I'm feeling was too much. I know what's the right thing to do but I wanted to get my revenge so much.

Iniisip ko kung ano ba ang nagawa ko para maranasan ko lahat ng ito. I admit, I am not a religious person. Pero pinagdarasal ko ngayon na sana kunin lahat ng Diyos ang sakit sa dibdib ko.

At ipinagdarasal ko rin, na sa gagawin ko ay magawa pa akong patawarin ng Diyos.

They think it's that easy? Gano'n na lang iyon? Hindi ako makakapayag.

I drank the last tequilla down my throat. Heat spread to my throat like it's burning. Galing pa akong airport at hindi pa umuuwi. I was the first customer in this club. I even paid the owner para lang payagan akong makapasok nang maaga kahit hindi pa oras ng pagbubukas nila.

I looked wasted now, I know. I hadn't eat anything since I arrived. Pero ultimo gutom wala na akong maramdaman. Tanging masakit na pagpintig ng puso ko lang ang tanging nararamdaman ko.

Nasasaktan ako para sa sarili ko at naaawa. Pero mas nasasaktan ako para sa mga magulang ko. They trusted Mike enough and he ruined it. My mom, it'll hurt her if she would know everything about this. She's pregnant, I can't risk it. I can't let them know about this.

I rummaged my bag and looked for my phone, only to see Mike calling me. I gritted my teeth before declining his call. Hinanap ko ang numero ni Tito Marky, sa tingin ko, siya ang kailangan ko ngayon. I can't disturb V because I know there's something going on with her and to that guy now.

"T-Tito..." I called as the tears keep falling.

Sobrang hapdi na ng mata ko sa kaiiyak at ngayon naiinis ako dahil hindi pa maubos ubos ang luha ko.

"Nasaan ka?" aniya sa isang kuryusong boses.

Alam ko, doble pa kaysa sa bibig ni V ang matatanggap ko kay Tito Marky. Pero mas mabuti na iyong gano'n, walang pag-aalinlangan, sinasabi lahat. Hindi gaya ng ibang tao, masyadong magaling magtago at mapagpanggap.

I told him where I was getting wasted and my head slowly fell down to the soft couch. Sinabi ko sa may-ari bago pa man na gusto kong magpabantay sa mga bouncers and I'll pay more for it. Ayokong magpalapit sa kahit na sino dahil wala rin naman akong panahong makipag-usap sa kanila. Heck, baka nga ayaw pa nila akong lapitan dahil sa itsura ko ngayon.

Minutes passed, a warm hand touched my shoulder and I didn't bother to open my eyes. Kasing bigat na ng nararamdaman ko ang mga mata ko na hindi ko na kayang buksan ito.

"Lana..." said the familar voice. "Ano'ng ginagawa mo?" dugtong pa niya.

He's maybe horrified seeing me this wasted for the first time. He always sees me as the sweet curious little girl.   Batang masyadong matanong noon at palaging nakukuha lahat ang ibig sabihin sa mga galaw ng mga tao.

Pero bakit kay Mike ganito? O baka alam ko naman talaga at nakukuha ko ang ibig sabihin pero takot lang akong aminin sa sarili ko na may nangyayari nga sa paligid ko.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa unit ko. Nadatnan ko na lang ang sarili ko sa kama nakahiga. Lumamig ang tiyan ko nang maalala ang ginagawa ni Mike noong nandito siya.

He'd always kissed my forehead and put me my blanket carefully every night. Baka kasi raw lamigin ako, hinihinaan niya pa aircon ko dahil masyado raw malamig iyon at baka magkasakit ako.

I smiled painfully and another fucking tears came. Ang sakit sakit na e. Ang sakit sakit ng dibdib ko kapag naiisip ko siya at ang mga memorya namin sa bahay na 'to.

Bumangon ako at sumigaw ng sobrang lakas. Pinaghahampas ko ang kama gamit ang unan habang patuloy na sumisigaw sa galit at sakit.

Ano ang ginawa ko?! Bakit ganito?!

Bakit...hindi ako.

Bakit...siya.

Bakit sa lahat....siya pa.

"Lana! Why are you shouting?!" si Tito Marky na biglang pumasok sa kwarto ko.

Gulat siya nang makita ang ayos ko. Mukha siya hindi alam kung anong gagawin. Lalapitan ba ako o hindi.

Yumuko ako, umiiling at hawak ang ulo. Pinaghalong sakit dahil sa dami ng alak na nainom at sakit sa lahat.

Umiling ako at kinuyom ang kamao kasama ang kumot.

"I...I was...betrayed...Tito. Pinagkaisahan nila ako! He hurt me...she betrayed me."

Sabi ko habang parang nawawasak ang puso ko. Hindi ko matanggap kung paano nagawa ni Mike na itago sa akin ang lahat ng ito. Siraulo ba ako sa tingin niya para gawin ito sa akin? At si Shelly...ginawa ko lahat para sa pagkakaibigan namin. Ipinagtanggol ko siya, tinulungan sa lahat pero ganito lang ang makukuha ko sa huli?

Kulang na lang bigyan nila ako ng imbitasyon sa kasal nila.

Lumapit si Tito Marky at tumayo sa harap ng kama ko, hindi ko siya magawang tingnan. Siguro, iniisip ni Tito na nararapat lang ito sa akin dahil hindi ako naniwala sa kanya noon.

"Tell me...Makikinig ako," tanging sabi niya at panibagong luha ang nangilid sa mata ko.

This is what I think I needed right now. Kailangan kong ilabas 'to. Or else, I might do something impulsive.

"You're right all along..." panimula ko at nakatitig lang sa kama. "He proposed to me Tito...pero sa iba niya tutuparin. Sa kaibigan ko niya tutuparin..."

Parang sinaksak ang dibdib ko sa mga sinasabi. Pero sa tingin ko sasabog ang dibdib ko sa sakit kung hindi ko ito ilalabas.

"I helped her Tito. I trusted her...I trusted them! Sabi magkababata lang sila! Pero bakit gano'n! Bakit?!"

Sigaw ko kay Tito na tila siya ang kaaway ko. Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Tito pero nanatili siyang kalmado.

"Ano'ng gagawin mo?" kalmado niyang tanong pero may pag-iingat sa tingin niya sa akin.

Taas baba ang paghinga ko at nakakuyom ang kamao ko. Handa na ako sa gagawin. Wala na aking pakealam. Ang gusto ko na lang ay ang maghiganti.

"Hindi sila sasaya. He'd keep me as his mistress and I will willingly accept it," I said anger was seething through my voice.

"Sa tingin mo iyan ang tamang gawin? You'd step down to that level for your so called revenge?" si Tito Marky.

"I don't care. I'll get what I want, Tito."

I answered artlessly. Kahit ano pa ang sabihin ng kahit na sino. Hindi ako makikinig. Kung gaano nila winasak ang puso ko, sobra-sobra pa ang gagawin ko sa kanila.

Kinakabukasan, nagising ako na may pagkain na sa baba. I didn't know na dito pala natulog si Tito Marky. Naglagay siya ng post it note sa mesa at nabasang siya nga ang nagluto.

Huli niyang sabi sa akin ay pag-isipan muna ang mga gagawin ko. He said he'd support me sa gagawin ko. And that's enough for me.

Tito Marky is probably in school right know. Nakiusap ako sa kanya na alisin si Shelly sa skwelahan na iyon at siguraduhing hindi iyon makakarating kina Mommy.

Huling taon na namin and I don't care kung saang lupalop siya mag-aral basta huwag lang dito sa Manila. I'd make sure that no university would accept her not even...the cheapest one.

Hindi pa nga ako nakakaumpisa sa pag-kain ay tumunog na ang door bell.  Umahon ang kaba sa dibdib ko. It can't be my parents, right? Hindi nila pwedeng makitang ganito kamugto ang mga mata ko.

Kung sakali man na sila 'yan. Mag-iisip na lang ako ng alibay.

I walked towards the door and opened it without checking the peephole. My mouth slightly dropped as my heart hammered painfully. Recognizing the owner.

I was about to slam the door but his hands were too quick to hold it firmly.
His eyes were bloodshot. Mukha siyang walang tulog at medyo magulo ang buhok. Matamlay ang mukha niya at para hindi maunahan ng pagkaapekto, inisip ko ang ginawa niya sa aking panloloko.

"Gaano kakapal ang mukha mo para magpakita pa dito? Saan ka kumukuha ng lakas ng loob ha, Mike?"

Malamlam niya akong tiningnan at agad lumipad ang kamay niya para hawakan ako. Pero madali akong nakaatras at nakita kong dumaan ang sakit sa mga mata niya.

"Lana....please. Let me explain...baby, please."

He pleaded pero tumalikod na ako. Ayokong tingnan siya sa mukha. Mas lalo lang itong kumikirot na makita siya.

"Then explain! Nakapag rehearse
ka na ba ng palusot mo? Inayos mo ba 'yan? Maniniwala ba ako diyan?"

Sabi ko sabay lingon at matalim siyang tiningnan.

"You got all the time to tell me what's going on, Mike! Pero ano? Pinili mo 'kong gulatin! Masaya ba? Masaya ba kayo ni Shelly sa ginawa niyo sa'kin, ha?"

Tumulo ang luha sa mga mata ko at nangilid ang luha sa mga mata niya pero agad akong nag-iwas ng tingin at pinalis ang luha.

Kahit anong sabihin niya hindi ako maniniwala. Makikinig  ako pero hindi ako basta basta maniniwala. At gagawin ko ang plano ko.

Naramdaman ko ang paglalakad niya sa likuran ko at hinayaan ko lang siya. Handa na akong marinig ang kung ano mang bagong kasinungalingang handa niya.

"Utang na loob..." panimula niya at basag ang kanyang boses. "Utang na loob na hindi mababayaran ng pera ang ginagawa ko, Lana."

Hindi ako umimik at matalim ang titig ko sa kawalan habang nakikinig.

"Kay...Tita Trixie ang puso na ginagamit ngayon ni Mama. Malaki ang utang na loob namin sa kanila...at ako ang kapalit no'n, Lana. Do you think I want this, huh?"

Aniya sa isang napapaos na boses. But, what? Trixie's what?

"Ayoko nito...hindi ko gusto 'to. "

Would I believe him? Paano kung gawa gawa lang niya 'tong lahat para mapaniwala ako ulit? Paano kung plano lang nilang dalawa ni Shelly ang lahat ng ito?

Maybe he's helping Shelly to get her revenge for her mom? I can't trust him. Hindi ako maniniwala. But I'd make him think that I believe him.

Hinarap ko siya at gulat siya nang maabutan ko. Tears were seen to his eyes pero hindi ko pinansin iyon. Those tears were nothing to me.

For a long time, niloko niya ako... pinaniwala. Papantayan ko ang lahat ng mga panahon na panloloko nilang iyon.

"She donated her heart to...your mom?" I asked, and sounded like I'm interested.

He nodded. Iyon lang ba talaga ang rason? O baka may plano naman talaga sila ni Shelly?

"Slave to your own family, huh? Kahit ako...hindi mo kayang ipaglaban," sabi ko at nakitang dumaan ang sakit sa mga mata niya.

"G-Give me time please, Lana. Aayusin ko 'to-"

"Sa ano'ng paraan? Sa pagpapakasal kay Shelly? Gano'n ba 'yon, Mike?" sabi ko at hestirikal na tumawa.

"You're crazy..." dugtong ko pa.

"Maybe I am..." sagot niya. I saw something in his eyes that I couldn't explain. But I saw a hint of determination.

"But I can't lose my mom, Lana. This is her death bed... wish. She's dying. Kahit...kahit hanggang kailan lang si Mama, Lana. Please, kahit hanggang kailan lang. Let me... marry her."

My chest hammered in unexplainable pain as I heard him pleaded. Ang marinig sa kanya ito mismo ay sobrang sakit sa dibdib ko.

Ano iyon? Aantayin namin kung hanggang kailan na lang mabubuhay ang mama niya? Paano kung... Shit! I don't want her to die either! Pero paano kung...mahaba pa ang buhay niya? Ano ang mangyayari sa akin?

His mistress?

I laughed mentally to myself. Hindi ba iyon naman ang plano mo, Lana? Hindi mo sila hahayaang sumaya kaya gagawin mo ang bagay na iyon. Ano ngayon kung maging kabet ako? Kung kapalit naman no'n ay ang makukuha kong paghihiganti.

Then be it!

"Dito kayo magpapakasal sa Manila. Take it or leave it. And I want to talk to her tomorrow."

Matapang kong sabi na para bang wala lang iyon sa akin. Pero sa loob ko, winawasak ko ang sarili kong dignidad at puso.

I saw the disbelief in his face pero agad ring nakabawi. He walked towards me pero umatras ulit ako. Natigil siya sa paglalakad at itinaas ko ang kamay ko para iparating sa kanyang umalis na siya.

Naninikip na ang dibdib ko at pakiramdam ko manghihina ako sa desisyong ginawa ko. At ayokong makita niya iyon.

"You heard me. Marry her as soon as possible. You won't invite any from your collegues and I don't want to see any of her friends....kung meron man. After the wedding, sa akin ka uuwi. Araw-araw...sa akin ka uuwi."

He nodded slowly at tumalikod na ako. Kasabay ng pagtalikod ko ay pagbagsak ulit ng luha sa mga mata ko. Hindi nagtagal ay narinig ko ang pag-alis niya.

Slowly, I melted to the floor. Hugging my knees and crying my heart out. Paano ako umabot sa ganito? All my life I've been nothing but good to the people around me.

Kung may ginawa akong mali, siguro maiintindihan ko pa kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito.

That feeling when all you want to do is cry and cry some more, hoping to ease the pain and tension. Yet, your hands are full, you carry a lot on your shoulders.

That feeling when you can't afford to pause so you force your tears to stop from falling. And despite all the weight on your chest, you continue as if you're okay.

Wearing my luxury silk dress. It hugged perfectly to my body...but, the bump on my belly is showing. I'm not pregnant, though, my period was a bit weird. It's been two months since my period last came and I don't know if it's normal.

I put the right amount of makeup. Sinigurado kong hindi makikitaan ng pagkamugto sa mata. The red blood lipstick made look dominating. At least for me.

Mike sent me the address kung saan kami magkikita ni Shelly ngayon. Gustong sumama ni Mike pero pinigilan ko siya. I wanted to talk to her privately.

I'm thirty minutes late at wala akong pakealam. Mabait pa nga ako sa lagay na 'yan.

Nang makarating sa isang eksklusibong restaurant. I walked confidently inside. Iginiya ako ng waiter sa pinakadulo kung saan medyo malayo sa lahat ng mesa.

There I saw my once upon a time so called...bestfriend. She saw me immediately and even in a distance, I saw how her features hardened. She scanned me from head to foot and her gaze went back to my face and smirked.

Naupo ako at isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Puno naman ng galit ang titig na ipinupukol niya sa akin.

"Ano nanaman ba 'to, Lana? Gusto mong dito kami magpakasal? Sino ka para utusan si Mike-"

"Then cancel the damn wedding, Shelly." Matamis kong sinabi at lalo lang siyang nagalit sa sinabi ko.

"He asked for my permission to marry you...just because may utang na loob siya sa inyo, right? Don't act as if he's in love with you because honestly, Shelly-"

"He likes me!" she cut me off. Nanginginig ang kamay niya sa galit.
"I knew him since then before you! Ako ang mas nakakakilala sa kanya kaya mas alam ko kung kanino siya may gusto o wala!"

I laughed without a humor at nilagay ko ang palad ko sa ilalim ng aking baba. Looking at her intently, enjoying how furious she is actually.

"He likes you? He said he loves me. See the difference? Iba ang gusto sa mahal my dear, Shelly. And yes, you might knew him first before me. But, does it matter? Kung hindi naman pala ikaw ang mahal. Wala iyon sa kung sino ang naunang nakilala niya, kundi, sa kung sino ang gusto niyang manatili..."

Her face turned red at pakiramdam ko gusto na niya akong sugurin sa sobrang galit.

"Kahit anong sabihin mo, sa akin siya ikakasal!"

"At sa akin siya uuwi! After the damn wedding, huwag kang mangarap na may mangyayari pagkatapos dahil wala. Hanggang sa papel ka lang..."

"Ha!" she laughed while tears were falling. "A mistress? How desperate-"

"Ako pa? Ako pa talaga ang desperado dito? Hindi ba't ikaw at ang higad mong mommy? Kayo ang dahilan kung bakit nagka ganito kami! He'd keep me as his mistress, you can't have him...you will never have him. Ako ang gusto niyang pakasalan pero alipin siya ng utang na loob na sinasabi niyo!" I spat, anger was seething through my voice.

I can't recognize my friend anymore. Hindi ko na siya kilala. Her eyes pierce through mine like I did something horrible to her which I didn't. Or maybe she's holding a grudge towards me or my family.

"You knew nothing! You don't know how my mom suffer. Kayo ang dahilan kung bakit siya namatay! Kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko naipaghihiganti si Mommy. I play better than you, Lana. Nautakan nga kita ng ilang taon 'di ba?" pagalit niyang sinabi at sumikdo ang dibdib ko sa sinabi niya.

May kinuha siya sa bag niya at nilapag sa mesa, sa harapan ko. It was a mint green card and has a white ribbon.

"Hindi kita nakalimutan, Lana. That's your invitation for our wedding. You're my brides maid. I'll send you your dress, alright?" malambing niyang sinabi at iniwan na ako sa mesa.

My lips tremble together with my fist. How could she... How could she!

She wanted to play this shit, huh? Then I'll give her what she wanted! Hindi ako magpapatalo sa kanya. Hindi ko hahayang basta-basta na lang niya akong tapakan.

I'd stepped on her first before she could even lay her hand towards me.

Nagpupuyos ako sa galit nang bumalik sa condo ko. V just called me at nalamang nasa ibang bansa pala siya for some business problems. Wala pa siyang alam sa nangyayari at saka ko na iisipin ang sasabihin niya sa akin pag nandito na siya.

Bago ko pa marating ang pinto ay nakita kong nakatayo na roon si Mike sa labas. His hands were both on his pockets, head down. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakita ko agad ang pagod at sakit sa mga mata niya.

What? He's tired of what? Tired of this? He can't be! Nagsisimula pa lang ako. Gusto kong makita kung saan ang kaya niya para sa sinasabi niyang pagmamahal niya sa akin. If there is, anyway.

Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa bawat sasabihin niya sa akin. Nagawa nga niyang magsinungaling sa akin 'di ba? Madaling madali lang sa kanya ang gawin iyon ulit.

"What are you doing here?" tanong ko, walang gana sa boses.

"Are you okay?" aniya sa isang banayad na boses.

How the hell could he asked me that? Sa tingin niya okay pa sa akin ang lahat ng ito?

"What do you think? And again, what are you doing here?"

His eyes were full of submission and almost pleading. Those were the eyes I fell so in love with. But those eyes are now one of those I hated.

"Bukas... Bukas agad kami ikakasal."

He said almost hesitant. My chest thumped as painful as it could. Paano na ang dating pangakong ako ang pakakasalan pero ngayo'y sa iba na matutupad?

I didn't deserve any of these. Pero may magagawa ba ako? And heck, I know to myself this isn't all about revenge. This is all about...love...too.

Kahit gaano na kasakit ang nararamdaman ko, bakit mahal ko pa rin siya? Bakit hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kanya? I shouldn't feel this anymore! Pero bakit ganito?

"Do you want me to say, congtratulations, huh? Iyon lang ba ang pinunta mo dito? O 'di, congrats! Umalis ka na!"

Sabi ko at tinulak siya pero hindi man lang siya natinag. Sa sobrang tigas ng dibdib niya ay hindi man lang siya nagalaw sa kinatatayuan niya.

I gave him a piercing look. But his eyes were gentle, as if it would make me feel a little at ease.

"I'm sorry..." aniya sabay kuha sa kamay ko. Hindi ko iyon inasahan kaya imbis na kunin ay pinabayaan ko siya. Galit ang titig na ibinibigay ko sa kanya, taliwas sa ibinibigay niya sa akin.

"Wala akong kwenta. Masyadong alipin sa magulang, kung kaya't ganito.   Pero kahit ganito, tatanggapin mo naman ako 'di ba? Mahal...mo pa naman ako... 'di ba?" he said and tears were formed at the side of his eyes.

Tama ka nga Mike. Sagad na ang katangahan ko. Dahil kahit pa para mo na akong pinapatay sa sobrang sakit ng ginawa mo sa akin. Hindi ka pa rin naaalis sa sistema ko. And I hate you for that even more.

What did you do to me to be this crazy over you?

"Does it matter? Love can't change anything. I thought love would make people stronger...Pero bakit sa'yo naging duwag ka? Bakit hindi pa sapat ang pagmamahal ko para ako naman ang kampihan mo? Hanggang kailan ka magpapaalila sa mama mo? Hanggang sa... maubos na ako?"

My voice broke. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Napapagod na ako sa kakaiyak at alam kung hindi pa ito ang huli.

"In the process of winning your mom, you will slowly lose me, Mike...And if that day would happen, believe me, I don't love you anymore.. on that time..."


Continue Reading

You'll Also Like

174K 4.7K 51
WARNING MATURED CONTENT | R18 Broken, Aether Takahashi bumped into a handsome green-eyed man on the dancefloor of the club she went to get drunk for...
204K 6K 37
Idée Fixe is an idea that dominates one's mind especially for a prolonged period or often called obsession.
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
58.4K 2K 24
"B-binuo kita... dinurog mo naman ako," Hindi lahat ng pinapakasalan ay happy ending na. Minsan sa loob ng pagsasama, maraming hadlang, maraming pags...