SERIE VICIOSA UNO: Desire My...

Por Marciasmonster

21 0 0

SERIE VICIOSA UNO: DESIRE MY BEAUTY Acquisha Zahara Alcantara Más

SYNOPSIS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15

Kabanata 2

1 0 0
Por Marciasmonster

SVU:DMBKab2

Dismissal

"Eto hija, fill this out and after pass mo na lang sa kasunod na line." Abot sa akin nung babae, officer ata ng school.

"Thanks." I murmured.

Umupo muna ako doon sa may mga tables and chairs na nasa harap lang din ng registrar. Dun sa walang tao ako pumwesto, alangan naman magfeeling close ako sa mga tao dito at makishare ng upuan sa kanila.

Naiinis pa din ako sa mga tao dito! Kung makatingin sila ay inaakusahan na agad ako na magnanakaw! Pahamak na mga babae yun!

How can I study in peace here like what I've wanted kung ganito at di pa nag-uumpisa ang klase ay may mga ayaw na sa akin. Not that I wanted them to like me, but it's more peaceful to study if they don't care nor thinking of my presence as a thief!

After the man came, ay agad namang nagpaawa iyong babae at nagsumbong. As if she didn't start the fight! Siya naman ang nanguna kasama noong nga kaibigan niya. Hindi ko na sila pinansin at umalis din sa lugar na iyon.

I stopped writing. The forms need my parents name. I shrugged and didn't write my father's name. Thinking of his name suddenly added fuel to my anger.

I heavily sighed and continue filling out the form. After that I went to the next line and passed the form. Saglit lang iyon dahil may ibinigay na naman na slip sa akin bago ako umalis doon.

Some people were still looking at me. Hindi ko na lang iyon pinansin at naglakad na lamang, hinahanap ko ang line para sa mga students ng educational.

Madali ko naman iyong nakita pati na rin si Antum. Nakaupo siya mag-isa sa isang table kaya nilapitan ko.

"You aren't done?" Tanong bago umupo sa harap niya, napatalon siya sa gulat bago humawak sa dibdib niya.

"Acqui! Grabe ka naman! Nakakagulat ka!" Sigaw niya kaya naman napatingin sa amin ang ilang tao.

I looked at him coldly.

"Why are you so shocked?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Wala naman, nakakagulat ka lang talaga. Hindi ko man lang napansin na dumaan ka sa gilid ko. Siya nga pala, tapos ka na?"

"Obviously—"

"Oo at hindi lang sagot, pipilosopohin mo pa ko ha." Natatawa niyang sabi bago nagpatuloy sa pagsusulat. "Pagkatapos natin mag enroll gusto mo ba maggala? Hindi ka pa nakakapunta sa Lawa de Lento. Gusto mo ba pagkatapos don tayo?" 

"What would I do there?" Walang emosyon kong sagot.

"Baka pwedeng matulog sa tubig gusto mo?" Sumulyap siya sa akin, I just stared at him not in a mood to joke around him. He cleared his throat. "Well, narinig ko kanina...may bagong salta daw na pinahiya si Precious, estudyante sa administration. At sa itsura mo ngayon, mukhang ikaw iyon. Magpunta tayo sa Lawa de Lento mamaya para naman mawala ang init ng ulo mo." Seryosong sabi niya.

Minsan lang magseryoso itong si Antum kaya hindi na ako umangal pa, at isa pa wala din ako sa mood magsalita.

Hindi na ako umimik at hinintay na lang siya matapos sa ginagawa niya.

"Sorry din insan, hindi ko agad nadinig na may nangyaring gulo kanina kaya hindi kita nasamahan." Ani Antum habang naglalakad kami.

Naka labas na kami ng eskwenlahan nang magsalita siya. Pagkapasa niya kasi kanina nung form niya ay hindi na ulit siya nagsalita pa.

"Tss. Dapat talaga hindi na kita iniwan e," umiiling iling na sabi niya. "'Wag ka mag-alala pag nagpasukan na di ako aalis sa tabi mo."

"You don't have to. I can handle myself, don't treat me as a weak." I rolled my eyes bago mas binilisan ang paglalakad kaya naiwan siya.

"Insan! Hindi sa ganon! Hay nako, dapat pala hindi ka ginagalit ano? Pati ako damay?" Narinig kong sabi niya.

I suddenly felt guilty. Kung dati ay paniguradong hindi ko iyon mararamdaman, pero kasi mabait si Antum.

Agad kaming sumakay ng tricycle papunta sa sinasabi niyang Lawa de Lento. Hindi naman kahabaan ang byahe at agad kaming nakarating doon.

The place looks clean and peaceful. The sceneries are all green, from its trees, grasses, and even the bahay kubo style at the corner.

The place is breathtaking.

I inhaled a large amount of air.

I will never see this kind of place in Manila. And I will never feel this kind of peace there, sa mansion pa lang namin nakakasu-suffocate na.

I feel free here.

Nagtungo kami ni Antum malapit sa mga kubo.

"Dito muna ako, kung gusto mo punta ka doon sa malapit don." Turo niya sa tubig. "Mag-enjoy ka muna, 'wag ka magpakastress hehe."

Ayon naman ang ginawa ko.

Inilapag ko ang sling bag na dala ko sa tabi ni Antum. Lumabas ako at nagtungo doon sa malapit sa tubig, tumigil ako sa 'di kalayuan para tanggalin ang sapatos ko at iniwan yon doon. Mabato dito kaya nagdahan dahan akong umupo sa may tuyong bato at inilublob ang paa ko.

I inhaled deeply. This is really relaxing, I never feel relaxed in my whole life. O kung naramdaman ko man ay sigurado akong napakatagal na panahon na iyon. I lived my life in our house alone, not literally because I have maids around me but I can call it that way because my parents aren't really with me.

Nakasama ko nga lang sila nitong nakaraan bago kami pumunta dito dahil sa pakay ni Dad, ang pagpapapirma sa annulment papers nila.

I look above and closed my eyes.

I wish this feeling would last.

Nanatili akong nakapikit hanggang sa may marinig akong ingay.

Talagang napakahina ko sa itaas, kakahiling ko pa lang na magtagal itong peace na matagal ko ng gustong maramdaman binawi naman agad.

"Juan, mukhang may ibang tao."

"Edi paalisin natin duh!" Pamilyar ang boses na nagsalita.

Nagmulat ako ng mata at tumingin sa likod ko, nakita ko ang babaeng pinanganak ata para manira ng mood ko.

"You!" Turo niya sa akin habang nanlalaki ang mata.

I sighed and ignored her. The girl who accused me of in act to steal her bag.

Dahan dahan akong tumayo dahil madulas ang mga bato. Humakbang ako at nag-isip kung saan hahakbang dahil baka madulas ako. Kanina naman ay hindi pa masyadong basa dito.

Nilingon ko ang batong malapit sa sapatos ko, hindi yon masyadong basa kaso lang ay malayo layo, bahala na mas safe ako dun.

Bumwelo ako para humakbang doon.

"Insan 'wag dyan!"

Pero huli na, pagkatapak ko doon ay naramdaman kong madulas. Pabagsak na ako sa mga bato ng may humila sa akin.

Mabilis ang nangyari at naramdaman ko na lang nabumagsak ako...o kami. Napapikit ako sa takot kanina noong malalaglag ako.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang brasong nakapulupot sa likod ng baywang ko. Nagmulat ako ng mata at unang tumabad sa akin ang abong kulay na mata niya, inangat ko ang sarili ko at namukhaan na ito iyong lalaking nakabangaan ko kahapon sa binilihan namin ni Antum ng gamit. At ang lalaki kanina.

"Juan!"

"Acqui!"

Rinig ko ang pagsinghap ng mga taong nakasaksi pati na rin ang nag-aalalang boses ni Antum.

Nanatili namang seryoso ang lalaking humila at nagligtas sa akin sa pagbagsak. His brows are almost meeting with each other. His gray eyes were shining against the sun, although natatakpan ko ang kalahating mukha niya. He has a pointed nose that added goods to his manly features, his cupid shape lips' reddish that looks like inviting to taste—

"Hey stand up now!" Natauhan lang ako ng may magsigaw noon.

Nagmamadali akong tumayo at kamuntikan na namang ma-out of balance kung hindi lang ako hinawakan sa baywang noong lalaki.

"Careful." He whispered that sent shiver down my spine.

I exhaled loudly.

Napatingin siya sa akin, nagtataka sa ikinikilos ko. Even I don't know why I'm acting up like this. Napatitig din tuloy ako sa kanya. Nag iwas lang ako ng tingin noong may humila na sa akin.

Nilingon ko si Antum na nag aalalang mukha ang humigit sa akin.

Hinila niya ako palayo doon sa lalaking tumulong sa akin kaya hindi na ako nakapagpasalamat pa sa pagligtas niya sa akin.

Nilingon ko na lang iyon at nakitang nilapitan din siya ng mga kasama niya, including that Precious girl. While him, the one they are calling Juan is still looking at me. Nag-iwas na ako ng tingin dahil baka madapa pa ako kung hindi ako haharap sa unahan.

Nakarating na kami ni Antum sa kubo kung saan nakalagay ang gamit namin, kita pa din ang mga magkakaibigan na dumating at nakalimot na sa pangyayari dahil kanya kanya na sila ng ginagawa.

But my eyes glued on someone...o hindi lang someone.

Mula sa lugar namin ni Antum ay kita ko si Juan at Precious na magkatabi sa may batuhan. Dikit na dikit ang babae sa lalaki, hindi ko naman kita ang mukha nila dahil nakatalikod sila kaya't hindi ko alam kung nagkakatuwaan ba sila.

"Insan...ano gusto mo pa bang magtagal dito, o aalis na tayo?" Iniwas ko ang tingin sa dalawa at hinarap si Antum na nagtanong.

Kita ko sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na itsura, he looks scared, curious, and he seems fidgeting.

"Let's go home now." I declared.

Wala kaming imikan ni Antum pauwi, nakapagtatakang hindi siya nagsasalita. At isa pa hindi din siya nang-usisa sa nangyari kanina, para ngang wala siya sa sarili at hindi ko din mahulaan kung anong tumatakbo sa isipan niya.

I shrugged my shoulders. This is good though, he's loud all the time so it's better to have him quiet sometimes.

Nakauwi kami at dumaretso agad si Antum sa kaniyang kwarto, ako naman ay tumulong sa inang na maghain ng hapunan.

Kinabukasan naman ay bumalik din ang sigla at pagkamadaldal ni Antum, I just realized that he was always like that, kapag nawawala ang mood niya ay papahupain niya lang iyon mag-isa at kinabukasan ay balik siya sa kanyang personality.

Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na tinangka pang lumabas o maggala, niyayaya ako ni Antum pero tumanggi ako. It's not that I don't want to go to places here, I just want to relax myself because school year is coming nearer. I just felt like mamimiss ko ang comfort zone ng bahay, it feels warm and I know when the school starts it will be stressing. Lalo na't last year ko na.

First day of school Antum is very lazy to get up. Napakabagal kumilos at kinakailangan pang batukan ni Uncle para magising ang diwa niya.

Speaking of Uncle, sinamahan ni Uncle si Mommy doon sa sinasabi nilang katabing bayan para doon humanap ng trabaho, and luckily she got hired. Kaya nga lang hindi ko na siya masyado nakikita pa. Kapag papasok si Mommy ay napakaaga para hindi malate dahil malayo layo pa ang katabing bayan, and then she will go home late too that's why I rarely see her here.

"Antum ano ka bang bata ka! Bilisan mo diyan at kanina pa tapos itong si Acquisha!" Sigaw ni Uncle sa anak niyang umakyat lang para kunin ang bag pero inabot na ng limang minuto.

"Sandali Pa!" Sigaw pabalik ni Antum mula sa taas.

I closed my eyes, he better go down now before I lose my patience. Antum is really annoying.

"Eto na, eto na!"

Inirapan ko lang siya pagmulat ko na nagpatawa sa kanya. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko kaya mas lalong sumama ang istura ko.

"Chill ka lang insan! Masyado namang nag iinit ang ulo mo wala pa nga tayo sa eskwelahan!" As usual, Antum is now again talking nonsense.

Literally nonsense.

"Wow insan ang gara naman ng suot mo, kulay maroon din ang uniform mo? Parehas tayo!"

Of course we have the same school, idiot.

I want to answer him that but prefer not to. I'm too lazy to speak up, and to answer Antum's senseless words.

We arrive at school exactly at seven in the morning, the class will starts at eight and we needed first to attend the opening ceremony. The ceremony is for freshmen students and transferee like me.

Antum just accompanied me because I still don't know that school's places.

The opening ceremony held at the gymnasium of the school. Lanteraño Ignacio University is known as the biggest school here in Busay, Cebu City. It's the biggest yet it only offers few courses.

Marami na ang tao nang pumasok kami sa loob, almost all of them have this typically probinsyana't probinsyano style. I'm not judging the way they dressed up I just described them like that, pormal naman ang pananamit nila but you can distinguished the way they carry themselves as a probinsya't probinsyano.

I looked back at Antum. Antum on the other hand, he's not like that, he knows to carry himself and he knows what suits him. Mapagkakamalam mo ngang mayaman si Antum kung hindi lang magsasalita, dahil puro walang kabuluhan ang lumalabas sa bibig niya.

After an half hour the opening ceremony ended. Antum first send me to my classroom, hindi ko pa kasi alam kung saan iyon and Antum knows where it is so I agree to come with him.

"Hindi naman nagkakalayo ang building natin insan. Dito ang sayo," turo niya sa katapat na building namin. "At doon ang akin, nasa third floor nga lang ako." Turo niya sa katabing building.

"I'm on the second floor." Ani ko nang mabasa ang papel na naglalaman ng schedule ko. "Oh wait...where it is? My two subject is from a different room." I mumbled as I read it.

"Tingin." Antum peek at the paper I am holding. "Ah eto!" Bumaling siya sa kabilang tabi naman ng building na nasa harap namin, kasalungat sa building kung saan ang classroom ni Antum. "Diyan."

Tumango lang ako bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Antum is really friendly that every students that will passed by would always greet him.

"Hoy Lazaro hindi dito ang educ course! Sa katabi yon, baka naliligaw ka?" Tawa nung lalaking nasa tapat ng pinto na classroom ko din.

"Alam ko tanga! Manahimik ka dyan."

Hindi ko na pinansin pa si Antum at nagderetso na sa loob, hindi na ko nagpaalam sa kanya dahil may mga kausap siya. Anytime soon the professor might come and I still don't have a seat.

"Hoy insan! Grabe di man lang nagpaalam, sige ha ingat sakin!" Sigaw ni Antum kaya naman napalingon sa pintuan ang ilang estudyanteng nasa loob, and that lead them to saw me.

"Pinsan mo?"

"Ay hindi. Kakasabi ko lang e, ungas!"

Hindi ko na pinansin ang mga matang nakasunod sa akin at umupo na lamang sa may bakanteng upuan na malapit sa pintuan.

Ibinaba ko ang bag ko at humarap sa white board.

I looked at my watch and saw that it's almost start of the class.

Not anytime soon the professor arrived.

Her eyes immediately directed at me when she entered the classroom.

"Good morning class." Bati niya.

"Good morning Miss." Hindi agad ako nakasunod kaya hindi na lang ako nagsalita.

"Siguro naman nainform kayo na dito sa section niyo mapupunta ang transferee ng school, Miss." Humarap siya sa akin. "Can you introduce yourself so everyone can know you. Para magkaron ka ng mga kaibigan o kasundo ngayong dito ka na mag-aaral."

I don't need to have friends here because I can manage...but since she told me to introduce myself I will, for the sake of not being rude.

Well I am inform back in Manila that I am really rude person.

It's not required to be good all the time, so why should I act good when I don't.

"Acquisha Zahara Alcantara. 20 years old." I introduced quickly.

"Alcantara? Do you mind if I ask if you are also related to any Lazaro? Perhaps your mother?" The professor asked.

"Yes. Acquisha Zahara Lazaro Alcantara, Miss."

Natigilan ang professor at alanganing ngumiti, the students were shocked too, and I don't know why.

Hindi na naman ako tinanong pa ulit kaya naman naglakad na ako pabalik sa upuan ko.

Napansin ko ang pananahimik ng buong klase matapos akong magpakilala sa harapan. Agad na nagdiscuss ang professor kaya doon na natuon ang atensyon ng lahat.

I was able to go with the flow to the discussion even if this is not really my preferred course, well I don't have the choice since it's the closest to my previous course... thanks also to the school guidance because they agreed so I can go with this class.

Natapos ang tatlong klase nang nagkakasunod at ni-isa ay walang nagtangkang lumapit sa akin, well I don't care naman it's just that it's weird...the way they look at me, it's looked like they will burst their anger at me anytime.

Wala naman akong ginagawa bakit mukha silang galit? It is because of my look? Mukha ba akong mataray, well I can agree with that but it's still not counted.

May mas mataray nga sa akin sa labas ng classroom tapos doon naman walang galit? That Precious girl.

Or maybe they are mad because...I am not from here?

Anyway I shouldn't think about this thoroughly. I still don't care what they think of me. Hindi naman ako nabubuhay para sa mga iisipin nila sa akin.

The third professor announced our break time so a lot of my classmates went out to eat. Patayo pa lang ako noong marinig ko ang boses ni Antum sa tapat ng pinto ng classroom namin.

"Acqui!"

Nilingon ko iyon bago ko isukbit ang bag ko sa balikat ko at lumabas.

"What?"

"Tara sa canteen!" Agad niya akong hinawakan sa braso bago patakbong hinila.

Madaming estudyante ang napapatingin sa amin dahil sa pagtakbo namin. Hindi ko nga alam kung bakit kami nagmamadali.

"Why are we running, you asshole?!" Mabuti na lang at naka rubber shoes ako kaya nakakahabol ako sa takbuhan.

A tee shirt patterned with a skirt and a white rubber shoes ang suot ko. This school does not required to wear uniforms, wala ngang uniforms talaga na masasabi, tanging pe uniform lamang. But today inabisuhan kami na magmaroon because it's the first day, and for the ceremony earlier.

My long wavy hair is dancing at my back because we are running. Nang makapunta kami sa tapat ng canteen ay sobra ang hingal ko.

And this fucking asshole dragged me inside.

Nang makapasok sa loob ay agad ginala ni Antum ang paningin sa loob, para siguro maghanap ng upuan. Pero nagulat ako ng bigla siyang magmura at aamba na sanang hilahin na naman ako palabas pero hinila ko pabalik ang kamay ko.

"What the heck are you doing?" I asked him, annoyed now.

Matapos niya akong hilahin all the way here ngayon hihilahin na naman niya ako to what? To go outside?!

"S-sa labasan na lang tayo kumain insan, hehe." Pekeng tawa niya bago sumulyap sa likod ko. I didn't look back instead I glared at him.

"Are you kidding me? Matapos akong hingalin dahil sa paghila mo sakin dito sasabihin mo yan? Go fucking eat outside then!" Iritang ani ko sa kanya bago tumalikod at hinanap ang pila.

Nadaanan ng mata ko ang lalaking nakita namin noon sa falls at ang sa circle of friends niya na kasama si Precious. That Juan is looking at me using his gray eyes, ibinaling ko sa kasama niya ang paningin ko at nahuli si Precious na nakatitig kay Juan at kinakausap ito, magkatabi sila at sobra kung makadikit ang babae.

I look away.

"Shit gyud, bisag unsa ko ka layo, nagkasuod gihapon mi." Bulong ni Antum sa likod ko with his alien words again. I rolled my eyes. (Shit talaga, kahit anong paglayo ko nagkakalapit pa din)

Nahanap ko naman ang pila at nakipila na din doon.

The menu is different from my school in Manila. Ang nakilala ko lang doon ay ang pizza at bananaque na niluluto ni Inang.

Walang nagawa si Antum kundi pumila din sa likod ko, hindi niya na tinuloy ang pag-alis at ayaw siguro akong iwan.

Pagka-order namin ay saktong may umalis na dalawang babae sa inuupuan nila.

Antum ordered a dish that I don't know, while me, I just bought a pizza and bananaque since it's the only familiar to me.

"Nga pala insan mamaya anong oras ang dismissal niyo?" Tanong ni Antum pagkatapos kumain, kanina pa ako tapos at hinihintay ko na lamang siya.

"Three."

"Huh?! Bakit ang aga?! Anyway, ako naman four. Alam mo na insan ha? Hintayin mo muna ako!"

Inirapan ko lang siya at hindi na nagsalita, kahit na ayokong hintayin siya ay no choice ako since I don't know the way to the house. Kinakabisado ko pa nga lang ang mga lugar para kung sakali na maligaw ako ay alam ko na kung nasaan akong lugar.

Nakita kong dumaan ang grupo nila Juan, at dahil nasa daanan kami papunta sa exit ay nadaanan nila kami.

That Juan again is staring at me, hindi ko na iyon pinansin kaso ay natuon naman ang tingin ko kay Precious na inirapan ako.

"Insan ha! Sa gymnasium mo ako hintayin doon kita dadaanan!" Huling bilin sa akin ni Antum bago siya tumakbo na naman paalis.

I felt bad for him. Sinabi ko naman kasi sa kanya na wag na ako ihatid sa classroom namin because I'm on the third floor but he still insist.

Bahala siya mahirapan.

Nagpatuloy ang klase namin na wala maski isang nakipag-usap sa akin.

Natapos ang klase ko exactly at three in the afternoon. Tulad ng sinabi ni Antum ay pumunta ako sa gymnasium para roon siya hintayin.

Seguir leyendo

También te gustarán

677K 56.9K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
1.2M 15.8K 52
NOT EDITED YET Gracie Owen's a headstrong journalist major rooms with her childhood best friend JJ Anderson for junior year, little does she know she...
52.9M 1.3M 70
after a prank gone terribly wrong, hayden jones is sent across country to caldwell academy, a school for the bitchy, the dangerous and the rebellious...