Against the Wind

By greatfairy

803K 35K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 2

18.7K 856 472
By greatfairy

Tattooed

"HOY, Payatot! Nakita mo ba kung nasaan ang kuya mo?" tanong ko kay Timothy pagkababa ko ng hagdan. Nakaupo kasi siya sa sofa, mukhang may hinihintay.

"Divina, bakit ganyan ang tawag mo kay Timothy Hugh? Mas matanda siya sa 'yo nang apat na taon!"

Napangiwi ako nang biglang sumulpot si Tiyang Sol sa likod ko. Naka-cast pa rin ang kaliwang kamay niya pero okay na siya. Hindi nga lang siya makapagtrabaho dahil limitado pa ang galaw niya.

Nginisihan ako ni Timothy sabay tapat ng daliri niya sa leeg na parang sinasabi niyang you're dead, Divina.

"Sorry, Tiyang."

"Huwag ka sa akin manghingi ng sorry. Dapat kay Timothy. Wala tayo sa Iloilo para umasta ka nang ganyan, lalo na sa harapan ng mga amo natin."

Napanguso ako. Si Tiyang talaga masyadong seryoso. Hindi yata siya aware na close kami nitong amo niya.

"Pasensya na po, Señorito Timothy." Ngumiti ako nang pilit. At dahil nakatalikod si Timothy sa direksyon ni Tiyang Sol ay hindi niya nakita ang nakangiting aso na amo niya.

"That was nothing, Nay Sol. Besides, Divina and I are already friends."

Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Nay Sol bago ito nagpaalam na umalis. Pero binilinan niya pa akong umayos daw ako. Napakamot na lang ako sa batok.

"Tulungan mo mamaya si Inday sa paglilinis ng swimming pool," pahabol na bilin ni Tiyang bago siya tumungo sa kusina.

Nasa sala kasi kami. Kanina ko pa hinahanap si Señorito Gaston pero hindi ko siya mahagilap. Ayaw ko naman kumatok doon sa kuwarto niya at baka magtaka siya.

"So, tell me, bakit mo hinahanap si Kuya?" nakangising tanong ni Timothy sabay pamulsa.

"Hindi naman ako ang naghahanap, 'no. Pinapatanong lang ni Manang Inday," alibi ko. Pero hindi yata umobra dahil lalo lang lumapad ang ngisi ni Timothy.

Napalabi ako sabay upo sa sofa. Niyakap ko ang isang throw pillow. "You know what, you don't have to deny it. You're too obvious. Hinahanap mo si Kuya kasi gusto mo siyang makita," pang-aasar niya sabay ngisi sa harapan ko.

"Isa pang pang-aasar mo, hindi kita tutulungan kay Zia Lynn."

Nawala ang ngisi niya dahil sa sinabi ko, kaya ako naman ang napangisi. Ayos din 'yong best friend ko, ah. Parang daga ang pangalan, puwedeng panakot kay Señorito Timothy.

"You're too serious, I'm just trying to help," katwiran niya.

Umismid ako. Uuwi na kasi kami sa weekend. Siyempre gusto ko man lang maka-close si Señorito Gaston bago kami umuwi sa Iloilo. Isa pa gusto kong sulitin ang bawat oras na makita siya kasi babalik na sila sa Amerika, malabo ko na siyang makita.

"Hindi naman nakakatulong ang pang-aasar mo. Payatot ka talaga!"

Napasimangot siya. "Makapayatot ka naman sa 'kin. Baka pagbalik ko dito after two years hindi mo na ako makikilala. Baka nga magka-crush ka pa sa 'kin, e."

"Hala! Ang yabang nito. Excuse me, walang makakapalit kay Señorito Gaston sa puso ko, 'no. He is the standard, kaya manigas ka! Baka pati nga best friend ko hindi magkakagusto sa 'yo."

"So, inaamin mo nga na may crush ka kay Kuya?"

Nanlaki ang mata ko at agad na napatakip ng bibig. Humalakhak si payatot.

"If I were you, huwag ka nang umasa. You're not Kuya's type. Kasi maliban sa nene ka pa lang, flat ka pa."

Napaawang ako. Binato ko siya ng throw pillow, pero nasalo niya lang iyon. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko. Itatabi ko talaga ang ibang perang binigay niya sa akin para pambili ko ng push up bra.

"Si Raquel, oh." Inginuso ko ang foyer.

Katulad ng inaasahan ay nanakbo siya sa likod ng sofa para magtago. Bitbit pa niya ang isang throw pillow saka itinakip sa ulo niya. Napahalakhak ako. Uto-uto rin pala ang payatot na 'to.

Halos gumulong ako sa katatawa kasi para siyang ninja kanina na tumalon sa likod ng sofa para magtago. Si Raquel lang pala ang makakapagpabahag ng buntot niya.

"What the hell, Divina! That's wasn't a good joke!" singhal niya sa akin nang mapagtanto niyang wala naman talaga si Raquel.

"Ikaw ang naunang nang-asar, ngayon mapipikon ka?" Lumabi ako.

Bigla siyang sumeryoso saka ibinalik ang throw pillow sa sofa. "I wasn't bluffing. In fact, tinutulungan pa nga kita. I hope what you have for Kuya is not that serious. Ngayon pa lang 'wag ka nang umasa. He has a girlfriend waiting for him in the U.S."

Napatigil ako sa pagtawa. Pakiramdam ko ay biglang may kumurot sa gitna ng puso ko.

"T-Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango si Timothy na may halong awa sa kanyang mga mata. Halos batukan ko ang sarili ko. Bakit kasi hindi ko naisip 'yon? Sa guwapo ni Señorito at sa edad niyang 'yon, hindi malabong magkaka-girlfriend nga siya. Twenty na siya, eh.

"Maganda ba 'yong girlfriend niya?" nakangiwing tanong ko. Wala na pala akong pag-asa kay Señorito.

"Yeah, she's beautiful, but Zia Lynn is way more beautiful than her."

Napasimangot ako. "Isiningit mo pa talaga ang best friend ko. Hindi mo pa nga nakita nang personal 'yon."

"I can feel it, she's more beautiful in person," parang nangangarap niyang sabi. Lalo akong nalungkot. Ang suwerte ng best friend ko, may Señorito Timothy Hugh nang naghihintay sa kanya. Samantalang ako, kay malas-malas. Masungit na nga sa akin si Señorito Gaston, tapos hindi pa pala siya available.

"May picture ka ba no'ng girlfriend ng kuya mo? Puwede ko bang makita?"

"Seriously? Why would I keep her picture? Go, ask kuya."

"Ito naman, nagbabakasakali lang naman." Napakamot ako sa ulo. Pero gusto ko na talagang umiyak. I'm broken. Kaya pala parang wala man lang interes sa akin si Señorito Gaston.

"Bakit? Affected ka ba na may girlfriend na si kuya?"

"Hindi, ah. Diyan ka na nga!"

Tumayo na ako. Sakto namang pababa pala si Señorito Gaston ng hagdan. Naka-V-neck T-shirt lang siya na puti at cargo shorts. Tapos naka-tsinelas lang na itim. Ang guwapo niya talaga. Mukhang mamahalin.

"Good morning, Señorito!" sapilitang bati ko. Pero tango lang ang itinugon niya sa akin. Hindi man lang ngumiti.

"Are we leaving, Kuya?" tanong ni Timothy. Tumango lang din si Señorito Gaston. Na-out-of-place ako bigla.

"Bye, Divina!" kaway ni Timothy. Ngumuso lang ako. Hindi man lang ako nilingon ni Señorito Gaston.

Saan kaya sila pupunta?

Umakyat na lang ako sa hagdan papanhik sa guest room. Doon ay umiyak ako sa kama. Ibinuhos ko lahat ng sama ko ng loob. Sana pala umuwi na lang kami sa Iloilo. E 'di sana hindi ko nalamang may dyowa na pala si Señorito Gaston.

Siguro ang sweet niya sa dyowa niya. Tapos lagi niyang kinakausap, hindi katuald ko lagi na lang hindi pinapansin. Siguro lagi rin silang nagdi-date. Kumakain sila sa masasarap na restaurant. Tapos nagki-kiss sila.

"Aaahhh!"

Napasigaw ako. Ang sakit-sakit talaga. Buti pa si Zia Lynn, mukhang loyal na kaagad sa kanya si payatot. Siya na ang pinagpala.

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan saka nilakasan ang iyak ko. Hanggang sa iginupo ako ng antok kaya hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Napabalikwas lang ako nang bigla kong narinig ang boses ni Nanay na nagtatalak.

"Divina, ano'ng hinihilata mo diyan? Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Aba, wala ka sa bahay natin. Tumulong ka sa ibaba."

Agad akong tumigil sa pag-iyak. Nilunok ko 'yong bikig sa lalamunan. Si Nanay talaga panira ng moment. Nagdadrama ako rito, e.

"Opo, Nay. Bababa na po."

Pinahid ko ang mga luha ko saka inayos ang pagkakatali ng buhok ko bago bumaba sa kama. Inayos ko rin ang nagusot na bedsheet pati na rin ang pagkakasalansan ng mga unan.

"Umiyak ka ba? Bakit namumula 'yang ilong at mga mata mo?"

Napangiwi ako. "Kasi, Nay broken ako. Ang crush ko kasi may dyowa na pala!"

Dinamba ko si Nanay saka yumakap sa kanya. Pero imbes na i-comfort niya ako, binatukan pa ako. Napadaing tuloy ako.

"Para kang tanga. Akala ko naman kung ano na. Tumigil ka nga, Divina. Kay bata-bata mo pa may broken-broken ka nang nalalaman. Hindi mo nga malabhan nang maayos ang panty mo."

"Grabe ka naman, Nay. May age requirement na ba ngayon ang ma-broken?" Napanguso ako, pero agad akong lumayo nang akma na naman akong batukan ni Nanay.

"Bumaba ka na at tulungan si Inday sa paglilinis ng pool. Hindi tayo mga bisita rito para maghintay lang kung kailan kakain."

Napakamot ako ng ulo. Si Nanay kung makapagsalita akala mo naman hindi niya napagdaanan. Samantalang high school pa nga lang sila noon ni Tatay magdyowa na sila.

Bumaba na lang ako na laglag ang balikat. Saan kaya nagpunta ang magkapatid na Señorito?

Baka gumala sa hacienda.

Pero hindi naman sila naka-boots kanina. Ang attire nila ay parang magpapagupit lang sa barbero.

Hmp. Bakit ba ako namomoroblema e wala naman na akong pag-asa kay Señorito Gaston? Magsama sila ng girlfriend niyang kana.

"Manang Inday, ako na po ang maglilinis ng pool."

"Sigurado ka?"

"Opo."

"O, sige. Magluluto na lang ako. Para pagdating ng mga Señorito mamaya, iinitin na lang ang pagkain."

"Saan po ba sila nagpunta?" tanong ko.

"Hindi ko alam, Divina, e. Lagi namang umaalis ang mga 'yon."

Mahigit tatlong oras din pala akong nakatulog sa kuwarto. Hindi ko na namalayan. Mayamaya lang ay tatawagin na naman kaming kumain, kahit na hindi pa naman ako nagugutom.

Tumango na lang ako kay Manang Inday. Kinuha ko na lang 'yong pool skimmer para matanggal ang mga dahon na lumipad sa pool. Buti pa siguro mag-swimming na lang ako mamayang hapon para makalimutan kong broken ako.

"Divina, nakita po ba sina Timothy?"

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Raquel mula sa gilid ng mansyon. Napatigil tuloy ako sa paglilinis ng pool. Hinagod ko siya ng tingin. Naka-shorts na naman siya na maong na pinaresan niya ng spaghetti strap na blouse. Lumalabas tuloy ang cleavage niya.

Bigla ko na naman tuloy naalala ang sinabi ni Timothy na hindi ako magugustuhan ni Señorito Gaston kasi flat ako.

"Hindi ko alam kung saan sila nagpunta, Raquel. Pasensya na," mahinahong sabi ko.

"Weh? Dito ka lang sa mansyon pero hindi mo alam kung saan sila pumunta? Baka ayaw mo lang sabihin kasi ayaw mong maagaw ang atensyon nila sa 'yo."

Uminit bigla ang ulo ko. Luka-lukang 'to, broken pa naman ako ngayon. Naghahanap pa naman ako ng mapagbabalingan ng sama ng loob.

"Aba, malay ko kung saan nagsusuot ang mga 'yon. Hindi naman magkadikit ang mga puwet namin. Baka nagtatago 'yon sa 'yo kasi ayaw ka niyang makausap."

"Ano'ng sinabi mo?" Nanlisik ang mga mata niya.

"May prusisyon ng mga bingi bukas, sumali ka."

"Maldita ka!" gigil niyang sagot.

Nagtagis ang mga ngipin niya sa galit. Napakunot ako ng noo. Kaya pala ayaw siyang kausapin ni Timothy, e. Ang maldita pala nitong si Raquel.

"Kung makaasta ka kung sino ka, ah. Pamangkin ka lang naman ng katulong dito."

Nagpanting ang tainga ko. "Eh, ano naman kung pamangkin ako ng katulong? Pareho lang naman tayo. Anak ka rin naman ng trabahador ng hacienda!" balik singhal ko sa kanya.

"Ang kapal ng pagmumukha mo, Divina!"

"Aba, kailan pa naging makapal ang flat? Mag-isip-isip ka nga, Raquel. Mas matanda ka sa 'kin pero kung umasta ka para kang kinder. 'Yong totoo? Kulang ka ba sa bakuna o hindi ka lang mahal ng nanay mo?"

"You, bitch!"

Napasinghap ako nang bigla niya na lang akong itinulak sa pool. Mabuti na lang at marunong akong lumangoy kaya nakaahon kaagad ako.

"Hoy, Raquel! Inaano ba kita, ha? Naglilinis ako rito nang maayos. Ikaw 'tong lumapit at nagsimula ng away."

"Bagay 'yan sa 'yo kasi mapapel ka," nanggigigil niyang singhal sa akin. Aba, siya pa itong nanggigigil, e wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

"At least ako totoong may papel sa buhay ni Timothy kasi kinaibigan niya ako. Sa ating dalawa ikaw ang mahilig pumapel. Makaakusa ka naman sa 'kin. Nanay ba kita?"

"Subukan mo ulit akong itulak sa pool, isusumbong talaga kita kay Timothy para hindi ka na niya talaga kakausapin ever!"

Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko. Ngumisi ako ng tagumpay. Pero hindi pa rin nawawala ang galit sa kanyang mga mata.

"May araw ka rin sa akin," banta niya bago tumalilis.

Inikutan ko lang siya ng mga mata ko kahit hindi na niya ako nakikita. Atribidang 'yon, ah. Akala niya naman magpapatalo ako sa kanya. Ngayon pang broken ako.

Tinapos ko na lang ang paglilinis dahil basang-basa na ako. Tingin ko may gusto si Raquel kay Timothy. Kasi hindi naman siya pupunta rito palagi at hanapin ang Señorito kung wala siyang ibang motibo. Bahala na sila, ang lalaki na nila. Basta si Zia Lynn pa rin ang manok ko. Naku, subukan lang talaga ni Timothy na magloko, irereto ko na lang sa iba ang best friend ko.

Kung may cellphone lang sana ako, e 'di sana nai-text ko na kay Zia ang nangyari sa akin. Pareho kasi kaming walang cellphone. Hindi naman kasi kailangan dahil malapit lang kami sa eskuwelahan na pinapasukan namin. Bakasyon namin ngayon, at sa susunod na pasukan ay third year high school na kami.

"Oh? Bakit basang-basang ka, Divina? May gamit naman tayong panlinis sa pool, ah. Hindi mo ba ginamit?" nagtatakang tanong ni Manang Inday nang makita niya akong basang-basa habang papasok sa kusina.

"Nadulas po ako sa pool, Manang."

"Naku, hindi ka kasi nag-iingat. Teka, diyan ka lang. Ikukuha kita ng tuwalya."

Tumango na lang ako at hinintay si Manang. Kahit naman gano'n ang ugali ni Raquel ayaw kong masira ang pagkakaibigan nila ni Timothy. Hindi naman ako nasaktan no'ng itinulak niya sa pool. Kaya wala na ring saysay kung magsusumbong pa ako. Baka lumaki pa ang gulo.

Pagkabalik ni Manang Inday ay may bitbit nga siyang tuwalya. Tinanggap ko iyon saka nagpasalamat. Umakyat na muna ako sa kuwarto para magpalit ng damit.

Ilang araw na lang uuwi na kami sa Iloilo. Mami-miss ko 'tong napakalaking kuwarto namin dito, pati na rin ang malambot na kama.

Saktong pagkababa ko ulit ay ipinapatawag na ako para kumain. Hindi pa rin nakakabalik ang dalawang Señorito. Saan kaya nagpunta ang mga 'yon? Nadamay pa tuloy ako sa paghahanap ni Raquel kay payatot.

Tumulong na rin ako kay Manang Inday sa paghuhugas ng mga plato. At dahil hindi pa nga makakapagtrabaho nang maayos si Tiyang Sol ay nagpapahanap daw sila ngayong ng dalawang karagdagang kasambahay.

Kinahapunan ay naisipan kong lumangoy sa pool para makapag-relax. Susulitin ko na kasi wala namang ganito sa amin sa Iloilo. Dahil wala naman talaga akong dalang damit pang-swimming ay nag-sando na lang ako saka maikling shorts. Sanay naman kasi ako sa ganito tuwing lumalangoy kami sa dagat sa amin.

Nagpaalam ako kay Tiyang Sol na lalangoy ako sa swimming pool at pumayag naman siya. Hindi nga rin naman daw kasi ito madalas nagagamit. Pero regular pa rin ang paglilinis.

Nagpabalik-balik ako sa magkabilang dulo ng pool. At least tanggap ko na may girlfriend na si Señorito. Nang magsawa na ako sa paglalangoy ay nag-back float ako saka nag-steady lang sa gitna ng pool tapos pumikit. Iniisip ko kung ano'ng gagawin ko para makalimutan kong broken ako.

Pero wala pa yatang mga tatlong minuto akong nagba-back float nang bigla na lang may tumalon sa pool, tapos binuhat ako at iniahon.

"Divine? Hey, Kitten! Open your eyes."

Napamulat ako bigla nang matauhan ako. Hindi nga ako nagkamali sa pandinig. Binuhat nga ako ni Señorito Gaston galing sa pool. Nakauwi na pala siya.

"Are you okay?" tanong niya. Bakas ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha.

Napangiti ako. "Okay na okay po," wala sa sariling sagot ko. Ang lapit-lapit ng mukha namin tapos buhat-buhat niya pa ako.

Pero agad ding naputol ang kasiyahan ko nang ibinaba niya na ako. Narinig ko pa ang malutong niyang pagmumura. Basang-basang ang bandang dibdib niya hanggang sa ibaba dahil tinalon niya ako sa pool. Bumabakat tuloy ang tattoo niya sa dibdib dahil puting manipis na T-shirt ang suot niya. Sinubukan kong basahin iyon pero agad siyang tumagilid. Ang nabasa ko lang ay may letter S sa tattoo niya.

"I thought you were drowning," mahinang sabi niya sabay hilot ng sentido.

"Nagba-back float lang po ako, Señorito. Marunong po akong lumangoy."

Napahilamos siya sa kanyang mukha sabay talikod sa akin. Sinubukan ko siyang tawagin pero walang lumabas na salita sa lalamunan ko.

Kinuha ko na lang ang tuwalya saka pumasok sa bahay para magbanlaw. Pumanhik ako sa itaas para makapagpalit. Sina Nanay ay nasa sala, nanonood ng drama sa T.V.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay siya ring paglabas ni Timothy sa katabing kuwarto. Nakasuot lang siya ng sando. Bumabakat tuloy ang mga buto-buto niya sa katawan.

Pero ang nagpagulat sa akin ay ang tattoo niya sa dibdib.

"Nagpa-tattoo ka?"

Bahagya niyang ibinaba ang suot niya para makita ko nang buo. Napaawang ako nang mabasa ko iyon.

"Seryoso?" hindi makapaniwalang bulalas ko.

"Maganda ba?" nakangiting tanong niya.

Namangha ako. Malala ang tama ng isang 'to. Pina-tattoo agad ang pangalan ni Zia Lynn sa dibdib niya.

"Sigurado ka na ba diyan? Baka biglang magbago ang isip mo. Mahirap magpatanggal niyan!"

Ngumisi lang siya. Kaya pala sila nawala kanina. "Did you see Kuya's tattoo?"

"Bago lang din 'yon?"

"Oo, nakita mo nga?" gulat niyang tanong.

"Hindi malinaw, e. Natatakpan ng T-shirt niya. Nabasa kasi kaya nakita kong bumakat."

"What? Nabasa si kuya?"

Tumango ako. Agad din naman siyang tumalikod at kinatok si Señorito Gaston sa kuwarto niya. Pagkatapos ng dalawang katok ay pumasok din siya.

Hinintay ko na lang si Timothy. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas din naman siya kaagad.

"Thank God, he's okay," bulalas niya pagkalabas niya ng kuwarto ng kuya niya.

Napakunot ako. "Uy, ano'ng pangalan ng girlfriend ng kuya mo? Letter S, ano?" usisa ko.

Nanlaki at biglang umilap ang kanyang mga mata. Pero agad din naman siyang tumango. "Yeah, her name is Shelley."

Napanguso ako. Umasa pa naman akong Shyr Divine ang naka-tattoo sa dibdib ni Señorito. Broken na naman ako for the second time.

Tumikhim ako. "Nga pala, Timothy, may sasabihin ako."

"Ano 'yon?"

Naglakad ako papalapit sa hagdan. "Sorry, nagsinungaling ako sa 'yo. May boyfried na pala ang bestfriend ko at ang sabi niya sa 'kin, forever na raw sila. Walang makatitibag, magkamatayan man."

Nanlaki ang mga mata niya at agad na rumihestro ang sakit doon. Nasapo niya ang kanyang ulo.

At least may karamay na akong broken.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
3.7M 113K 39
ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he can move mountains for the one and only...
390K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...