Ark and Apple || Flood in Eden

By JomGamerland

75.4K 5.1K 1.8K

The Time Traveler's Boyfriend Book 1 and 2 (Book 1 Ark and Apple Published under Pop Fiction) "How can you mi... More

꧁༒༺🦉༻༒꧂
(Book 1) Chapter 1: I'm a Little Teapot
Chapter 2: Not Their First Meeting
Chapter 3: Section 1
Chapter 4: I Hate Him
Chapter 5: Amorphous
Chapter 6: Seven, Eight, Nine, Ten
Chapter 7: Kailan?
Chapter 8: Love Not Lust
Chapter 9: Cucumber
Chapter 10: Ang Vomit na Third Wheel
Chapter 11: Ang Ka-L.D.R. ni Noah
Chapter 12: Before 12 PM
Chapter 13: Owlie
Chapter 14: Baril-barilan
Chapter 15: Their First Kiss
Chapter 16: Today, Tomorrow, Yesterday
Chapter 17: Circa 1996
Chapter 18: Noah's A. and Adam's A.
Special Chapter: The Lonely Neighbor
(Book 2) Chapter 1: His Childish Side
Chapter 2: Saling-Pusa
Chapter 3: Flames of Honesty
Thank You
Chapter 4: Use Protection
Chapter 5: Pseudo Time Traveler
Chapter 6: Habambuhay
Chapter 7: Ang Bata sa Palengke at ang Bata sa Palayan
Chapter 8: Ang Bata sa Simbahan
Chapter 9: The Missing Piece
Chapter 10: Tamang Panahon
Chapter 11: Noah's First
Chapter 12: Moment of Truth
Chapter 13: Unearthed Feelings
Chapter 14: Puno ng Narra
Chapter 15: The Time Traveler's Ex Boyfriend
Chapter 16: The Cleaners
Chapter 17: The Magician
Chapter 18: The Musician
Chapter 19: Her Last Wishes
Chapter 20: How to Heal Your Inner Child
Cast, Trivia and Message from Author
Chapter 21: Those Who Matter
Chapter 22: T.A.D.
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Noah's Journal
Chapter 25: Happy Memories (FINALE)
Love Language
❤️ARK AND APPLE IS NOW IN POP FICTION
🥰"Ark and Apple" under Pop Fiction now in Shopee and Lazada
📸 Readers and the Book (Part 1)
🇺🇸 My books finally arrived here in the USA
📸 Readers and the Book (Part 2)

Chapter 19: Walking Encyclopedia

1.1K 123 36
By JomGamerland




Noah:

Year: 1996, Batanes (Past)

"Ah! Ang sarap!"

"Talaga po?"

"Oh! Yes!"

Sarap na sarap si Kuya Adam sa ginagawa ko. Tumitirik pa ang mga mata nito habang nakaupo sa damuhan. Nakaliyad siya habang panay ang tingin sa itaas sa bawat hagod ng aking mga kamay.

"Ayan, d'yan, bilisan mo pa," utos ni Kuya Adam.

"Ang hirap naman po nito! Nangangawit na ang mga kamay ko."

Kanina pa ako napapagod dahil sa pinapagawa niya sa akin. Wala pa halos sa kalahati niya ang katawan ko.

"Maliit pa lang kasi ang kamay mo, Noah," natatawang banat ng binatang kasama ko.

"Ang lapad-lapad naman ng likod ninyo!" bulyaw ko. "Ang hirap kamutin!"

Nakaharap kami pareho sa dagat. Ako ay nasa likod niya habang kinakamot ang kanyang likod. Pareho kaming nakaupo sa damo habang nasa ilalim ng puno ng Narra.

"Kuya, bakit ang hilig mong ipakamot ang likod mo?"

"Iyan kasi ang palaging ginagawa ng nanay ko sa akin noong bata pa ako."

Pinagmasdan ko siya. Tila may bigla siyang naalala. Hindi na siya umiimik. Nakatitig na siya sa isa sa mga sanga ng puno habang itinitigil ko na ang ginagawa ko.

"Apple—"

"Noah nga!"

"Noah," natatawa niyang dugtong. "Anong gagawin mo kung alam mong mahuhulugan ka ng sanga ng puno ngayon pero wala kang magagawa para mapigilan ito?"

"Eh di, hindi po ako lalapit sa puno bago iyon mangyari."

"Sana ganoon lang kadali ang lahat, ano?"

"Eh, kung wala kang magagawa, eh di dasal ka na lang."

Umupo ako sa tabi niya. Nasaksihan ko ang marahan niyang pagsimangot habang yumuyuko. Bakas ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata habang magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Kuya—"

Mabilis ko siyang kinalabit. Napatingin siya sa akin. Tumayo ako upang abutin ang kanyang noo. Hawak ko ang kanyang mga kilay at tinatangkang paghiwalayin ang mga ito.

"Malungkot ka na naman, Kuya Adam."

Mabilis na nagliwanag ang kanyang mukha. Bigla niya 'kong niyakap. Nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko habang ramdam ko ang kanyang hininga sa aking balat.

"Noah, I will teach you a few Finnish words, okay? Magagamit mo ito sa future," naririnig kong bulong niya habang nakasubsob siya sa damit ko.

"May mga itinuro na po kayo noong una tayong nagkita, eh. Pero sige kuya, dagdagan mo pa," nakangiti kong tugon.

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Muli kong kinamot ang kanyang likod mula sa aming puwesto.

***

Year: 2005, Metro Manila (Present)

Araw na ng Science Quiz Bee. Napakaraming estudyante at guro sa paaralang pagdadausan nito. May mga magulang na hatid pa ang kanilang mga anak habang ako ay mag-isang pumunta. Nakagtayo ako habang naasiwa sa mga bulyaw ng aming guro.

"Pambihirang mga bata kayo! Kaya ko nga kayo pinagsama sa iisang lugar para hindi kayo maghihiwalay. Nasaan si Adam?" naiinis na bulyaw ni Mrs. Aguilar. Umuusok na ang ilong nito sa galit dahil ako pa lamang ang nasa harapan nito.

Pinagpapawisan na ako likod ng stage kung saan nagtipon ang mga estudyante na kasali sa Science Quiz Bee. Isa talagang malaking pagkakamali na nauna ako sa venue. Kung hindi ko lang kailangan katagpuin si Dad dahil sa police report na na inaasikaso namin mula sa insidente sa pabrika, malamang sabay kami ni Adam na nakarating dito.

Pero mas lalo akong kinakabahan para sa aking nobyo. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Panay ang gala ng aking tingin sa paligid habang sinsabon ako ni Mrs. Aguilar.

"So here are our students for the District Meet!" malakas na anunsyo ng host mula sa entablado.

Maririnig ang palakpakan ng napakaraming tao. Dumadagundong ang palakpakan sa sahig na yari sa kahoy. Ang malakas na liwanag ay tumatagos sa kurtina sa likod.

"Nako, ayan na. Talaga naman, Noah," naiinis na sinabi ni Mrs. Aguilar. Nagtatalon na siya sa kaba. "Makakalbo ako sa stress ng kaklase mo. Saang lupalop ba nagpunta iyon?"

"Darating po iyon Ma'am, huwag kayong mag-alala."

Pero ang totoo ay walang akong ideya kung saan nagpunta aking nobyo. Agad kong kinuha ang journal sa aking bag upang i-double check kung may nabangit ba si Kuya Adam na pag-time travel sa araw na ito.

Ngunit walang nakalagay sa listahan.

"Ark, nasaan ka na?" bulong ko.

Kinakabahan na ako dahil marahil biglang nag-time travel si Adam habang nasa taxi o habang naglalakad papunta sa venue. Gusto ko sanang umalis upang hanapin si Adam. Hindi hamak namang mas mahalaga siya kaysa sa event na 'to. Ngunit nanlilisik ang mga mata ni Mrs. Aguilar na tila ba kasalanan ko ang lahat.

Pinapipila na ang mga pares ng mag-aaral sa likod ng stage. Isa-isa nang tinatawag papunta sa harap ang mga estudyante. Alphabetical order ang pagtawag sa mga paaralan kalahok. Nasa bandang dulo ako at ako na lang ang mag-aaral na walang kapares sa pila.

"And now, we have from Saturnino High School, Noah Arroyo and Adam Ambrosi!" sigaw ng host. Lumabas ako sa stage nang mag-isa. Nakayuko ako habang nagpapalakpakan ang mga tao. "Oh, hijo, bakit ikaw lang? Nasaan ang ka-team mo?"

"Ah, eh..."

"Nandito na po ako!" sigaw ni Adam.

Biglang tumakbo si Adam mula sa likod ng stage papunta sa harap. Gulo-gulo pa ang buhok nito at inaayos ang ilang butones ng polo niya. Nakatingin sa kanya ang ibang contestant na babae na parang kinikilig habang ako naman ay puno ng pag-aalala.

"Uy, mukhang artistahin ang mga estudyante ng Saturnino High School, ha?" biro ng host. Nagtawanan ang mga tao. "Oh, sige, pumwesto na kayo roon."

"Saan ka galing? Kanina pa ko sinasabon ni Ma'am dahil sayo," naiinis na reklamo ko. Sinungitan ko siya agad nang mapansing wala siyang galos.

Lumapit siya sa akin at may ibinulong.

"Don't worry, babanlawan natin mamaya ang mga naiwang sabon sa iyo, Apple," biro ni Adam. Tila may gana pa talagang mang-inis si abnuy. Sumasayaw ang kanyang mga kilay habang hindi maalis sa akin ang kanyang tingin.

"Umayos ka nga, Ark!" saway ko. Naiirita na ko sa ginagawa niya. Lahat ng estudyante ay abala sa mga hawak nilang white board marker pero ang katabi ko ay sinisimulan na akong akbayan.

"Sorry na. Hindi talaga ako ang kasalukuyang Adam. Galing ako sa February 2006," paliwanag nito.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko. Kinakpan ko siya agad at sinimulang usisain ang kanyang katawan.

"Hala! Saan ka nahulog? Buti naka uniform ka?" bulalas ko.

"Sa kwarto mo. Uniform mo kaya ito. Wala na doon ang present Adam."

Mabilis ako kinabahan sa sinabi ni loko. Pero lalo akong natakot. Agad kong inisip kung nasaan na ang kasalukuyan kong kasintahan at kung napaano na ito.

"Nasaan ba siya? Naalala mo ba kung nag-time travel ka on your way to the quiz bee," usisa ko. Hindi na ako mapakali. Panay ang suyod ko sa mga taong nanonood at baka napano na ang nobyo ko.

Nakangiti lang sa akin ang aking katabi. Nakasandal pa ang mga kamay niya sa lamesa habang nakapalumbaba.

"Don't worry. He'll be here in the 2'nd round of the competition. At saka mananalo tayo rito."

Time traveler nga talaga. Dakilang spoiler. Huwag kaya akong sumagot sa lahat ng tanong. Ewan ko na lang kung magkatotoo pa ang sinasabi niya.

Nagsimula na ang unang round ng Quiz Bee. Salitan kami sa pagbibigay ng mga tamang sagot. Halos ilang minuto rin itong inabot. Natapos ang round na ang Saturnino High School ang nangunguna. Nagkaroon ng 15-minute break bago ang round two.

Nang bumalik kami sa likod ng stage ay tinawag ni Mrs. Aguilar si Adam upang sabunin din ito. Pinapanood ko sila mula sa malayo. Nakangiti lang si abnuy sa guro namin habang patuloy na sinesermonan. Matapos siyang mapagalitan ni Mrs. Aguilar ay tumakbo siya sa kinatatayuan ko.

"Noah, I need to go. Kunin mo itong damit ko, you'll need it," bilin niya sa akin.

"What do you mean?" tanong ko.

"Basta!"

Sabay kaming pumunta sa banyo. Binantayan ko ang labas ng cubicle hanggang sa maglaho si Adam sa loob at maiwan ang mga damit nito. Kinuha ko ang mga damit at nilagay sa aking bag. Pagbalik ko sa Science teacher namin ay napansin kong paparating ang kasalukuyang Adam galing sa labas. May mantsa ng dugo ang damit nito. Mabilis akong nag-isip ng paraan upang maasikaso ko siya sa sulok.

"Ah, Ma'am, parang nakita ko po ang principal natin sa kabilang dulo ng stage. Baka po gusto ninyong kamustahin?" sabi ko kay Mrs. Aguilar.

"Ah, oh sige, rito ka lang,ha? Check ko kung nandoon pa."

Mabilis na umalis ang guro namin.

"Ark!" Agad ko siyang sinalubong at dinala sa banyo. Hindi ako mapakali. Ang itsura niyang duguan ay nagdulot ng kilabot sa akin kaysa sa quiz bee mismo. "Saan ka galing at bakit ngayon ka lang? Nasugatan ka ba?"

Hinihingal pa si Adam. Hindi siya makatingin sa akin nang maayos. Mahina itong sumagot.

"May naaksidente kasing lalaki sa kalsada. Tinulungan ko lang tumawag ng ambulansya para magamot."

Mukha siyang kalmado. Ngunit kilala ko na siya masyado. Halatang hindi siya nagsasabi nang totoo. Ganito ang itsura niya sa tuwing kinakabahan. Mapa future version o present, walang pinagbago.

"Ah, ganoon ba? Oh, sige, magbihis ka na, may damit akong extra," tugon ko. Nang matapos magbihis ay napansin kong lalong tumamlay si Adam na lumabas ng banyo. Medyo naluluha pa ito. "Uy Ark, okay ka lang ba? What's wrong?"

Nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Mabilis niya akong niyakap at sinusob ang mukha niya sa dibdib ko.

"Apple, I'm so scared!" sumbong ni Adam. Takot na takot ito. Pigil ang kanyang mga hikbi habang kagat niya ang kanyang mga labi. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig at sinimulang kamutin ang kanyang likod.

Sa ginawa kong iyon ay bigla siyang natigilan. Wala na ang kanyang mga hikbi ngunit ramdam kong basa na ng kanyang luha ang damit ko.

"Shhh, I'm here for you. Ano ang problema?" kalmado kong tanong. Awang-awa ako sa kanya.

He looked like a helpless child asking for help.

Biglang sumigaw sa labas ng banyo si Mrs. Aguilar.

"Adam! Noah! Pinapatawag na lahat sa stage!"

"Alright, let's talk later, okay? Relax ka lang sa stage. Ako na bahala sa round two" sabi ko.

Nagsimula ang ikalawang round. Nakasimangot lang si Adam, nanatili siyang nakayuko. Panay ako ang sumasagot. Ang kanang kamay ko ang laging nagsusulat sa whiteboard at nagtataas nito habang ang kaliwa kamay ay kinakamot ang likod ng aking nobyo.

"Oh, Noah? Para kang walking encyclopedia. Pero bakit parang ikaw lang ang sumasagot?" tanong ng host.

Nakangiti ito sa akin habang nagtataka sa itsura ng katabi ko. Napatingin ako sa iba pang estudyante. Walo na lamang kaming kasali sa entablado.

"Ako lang po ang tagasulat. Pero salitan pa rin po kami sa pagsagot," paliwanag ko. Nginitian ko ang host.

"Ah, ganoon ba? Sige, as long as tama naman, eh."

Nagpapalakpakan ang mga nanonood. Ang Saturnino High School ang tinanghal na champion. Matapos ang award ceremony ay nagpaalam na rin sa amin si Mrs. Aguilar.

Hinila ko si Adam papunta sa labas. Nakaupo kami sa mga bleachers na walang tao. Nakayuko lamang siya sa harap ko. Marahan kong inangat ang aking palad padapo sa kanyang pisngi.

"So, what happened on your way here? What really happened? 'Yung totoo," tanong ko.

Nagsisimula nang tumulo ang mga luha ni Adam. Para siyang batang tumitig sa akin. Nakita ko kung paano namasa ang kanyang mga mata hanggang sa magsimulang humikbi. Ilang segundo pa ay umaagos na ang kanyang mga luha habang nanginginig.

"The guy I helped in the accident kanina," panimula niya. Sinimulan niyang saluhin ang kanyang mga luha na parang isang batang humihingi ng saklolo. "That was me from the future."

Napahawak ako sa aking bibig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Magkahalong lungkot at takot ang naramdaman ko para sa kanya. Para sa aming dalawa. Wala na sigurong mas nakakatakot pa sa makita mo ang sarili mong duguan.

Worse, you know it will happen and you can't do anything about it.

Ngunit sa halip na ipakita sa kanyang natatakot ako ay ikinalma ko ang aking sarili. Agad ko siyang niyakap at sinandal ang kanyang leeg sa aking balikat.

"Ano pa ang mga nangyari?" tanong ko.

"He said, he just popped out in the middle of the road and natamaan siya ng isang kotse. Wala siyang damit. I used the polo I have to cover him until an ambulance came. He said, he was from 2016."

Para siyang bata kung magkuwento. Inilahad niya sa akin ang mga bagay na kanyang nasaksihan habang patuloy sa pagluha.

"I'm sure he'll be fine. I keep on getting visits from your version that are older than him," pilit kong pagkalma sa kanya.

Muli kong kinamot ang kanyang likod. Medyo nawawala na ang kanyang mga hikbi ngunit ramdam ko pa rin ang panginginig sa kanyang buong katawan.

"That's not it. I really hate being a time traveler. Someday kasi, mangyayari rin sa akin iyon at wala akong magagawa para mapigilan iyon. Apple, natatakot ako!"

Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.Hinayaan ko lamang siyang lumuha. Pinagbigyan ko siyang magbuhos ng sama ng loob.

Ang nobyo kong buong buhay na mag-isa. Ang kasintahan kong hinahamon ng tadhana at walang sumasaklolo. Sa mga sandaling ito, habang humihikbi siya sa aking mga bisig, sisiguraduhin kong hindi-hindi na siya mag-iisa kahit kailan.

"Tara!" yaya ko.

"Saan tayo pupunta?"

Mabilis siyang napakalas sa akin.

"Let's go check on him. Puntahan natin ang scene of the accident. Magtanong-tanong tayo kung saang ospital dinala," nakangiting paliwanag ko.

Hinintay ko siyang kumalma. When he was able to pull himself together ay inayos ko ang kanyang buhok. Pinunsan ko ang kanyang pisngi na puno na ng luha at natuyong sipon. Ilang minuto pa ay nakumbinsi ko rin siyang umalis.

Nagpunta kami sa pinangyarihan ng aksidente. Natukoy namin mula sa ilang taga roon kung saang ospital sinugod ang lalaki kanina. Nakarating kami sa ospital at sa palapag na pinagdalhan nito.

"Ma'am, dito po ba dinala iyong naaksidente kanina sa kalsada malapit sa kabilang kanto? Ito kasing kasama ko ang tumulong sa kanya. Okay lang po ba siya?" tanong ko sa Nurse. Panay lang ang ngiti ko sa kanya habang kinakabahan ang kasama ko.

"Ah, oo. He was stable naman. May kaunting sugat lang pero okay naman siya," paliwanag ng Nurse.

"Nasan na po siya?" tanong ni Adam. Unti-unti nang nawawala ang takot sa mukha nito.

"Ayon nga ang problema, eh. Kanina ko pa hinahanap. Naiwan niya ang hospital gown niya sa kama. Baka na-transfer na sa ibang ward," saad ng Nurse.

Nagkatitigan kami ni Adam. Alam na namin ang ibig sabihin ng mga pangyayari.

"Ah ganoon po ba? Sige po, aalis na kami. Salamat po," paalam ko.

Nang makalayo kami sa ospital ay dinala ko siya sa tabing dagat na hindi kalayuan. Hawak-kamay ko ang aking nobyo. Nakayuko pa rin siya habang tila nasa malayo ang isip.

"I hope, he returns safe," bulong niya.

"Nakauwi na iyon nang maayos," nakangiti kong tugon.

"How can you be so sure?" tanong ni Adam. Magkasalubong ang kanyang kilay at nakakunot ang kanyang noo. "The future is filled with danger. Anong gagawin ko kung sakaling dumating ang araw na tuluyang hindi ko na makontrol ang kakayahan ko? What's gonna happen then? What will happen to all the stories you told me in the years ahead?"

"Slow down, you're doing fine." Napatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang balikat. "Alam mo, Ark? Mali ang host sa Quiz Bee kanina, eh. Hindi ako walking encyclopedia."

"What do you mean, Apple?"

Nakangiti ako sa kanya. Pinalabas ko ang dalawa kong dimples sa pisngi. Sinimulan kong itaas ang kamay ko patungo sa kanyang mukha.

Pinaghiwalay ko ang kanyang mga kilay at ipinatag ko ang kanyang noo.

"I'm your walking diary. I am your living testament that everything will be fine in your life. I exist to remind you not to worry too much. I-enjoy mo ang buhay mo, Ark!"

Inilabas ko ang journal ko. Pinahawak ko sa kanya ito. Ang journal na pinakaiingatan ko. Ang journal kung saan nakasulat ang mga masasayang kuwento naming dalawa.

"Lub dub"

Tumigil ang oras. Sa mga binitiwan kong salita ay parang nawala lahat ng agam-agam sa mukha ng lalaking kaharap ko. Ang tadhanang kinamumuhian niya ay nag-iwan ng isang regalo na magpapalala sa kanya na mabuhay nang masaya. Isa regalo sa katauhan ko.

Gaya ng sumisikat na araw, tila marahang nagliwanag ang kanyang mukha. Muli ko siyang nginitian.

"Your smile is really like a freshly fallen snowflake," bulong ni Adam.

"Ha?"

"Wala, naalala ko lang ang mga bumabagsak na niyebe sa bahay namin sa Finland. Your smile reminds me how white that place is whenever me and my dad made snow angels."

Natuwa ako sa kanyang sinabi. Hinaplos kong muli ang dalawa niyang pisngi.

"I could almost hear the sea from your sapphire eyes," bulong ko habang nakaitig sa kanyang mga mata. "It reminds me of Batanes and that place only we know.

Naalala ko ang magandang tanawin ng dagat sa ilalim ng puno. At ang dalawang pares ng bughaw na sapirong lagi kong tinititigan.

Bigla akong niyakap ng aking nobyo.

"Oh, bakit?" masayang tanong ko. Lalong humigpit ang kanyang matipunong katawan habang binabalot ako.

"I love you, Noah. I love you to infinity and back," saad ni Adam. Ramdam kong nakangiti siya kahit nasa leeg ko ang kanyang mukha.

Napakagat ako ng labi. Nakaramdam ako ng kaunting kapanatagan. May naalala akong bagay na minsan kong narinig habang nakaupo sa magandang talampas at nakatitig sa dagat.

"Minäkin rakastan sinua, Adam (I love you too, Adam)," sagot ko.

Ginunita ko ang mga salitang natutunan ko mula sa mabait na kuya sa ilalim ng punong Narra.

***

THIS IS THE END OF BOOK 1-

Season 1 to be published under Pop Fiction will end on this part.

NOTE: SALAMAT PO SA MGA BUMOTO, NAGKUMENTO, AT NAG-FOLLOW SA AKIN. MALAKING BAGAY PO ANG INYONG SUPORTA KAHIT ANONG TIMELINE NIYO PA BINABASA ITO.

Continue Reading

You'll Also Like

423K 15.5K 32
† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay desperado sa paghahanap nito. Sa pagtagpo...
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
575 62 28
Romance Michelle Bautista Ramirez's ambition since entering CIU as a senior high school student has been to graduate from college with honors and bec...
1.1K 150 46
In a world where stars hold the secrets of destiny, Apollo and Gavin find themselves drawn together on a magical Christmas night. As they gaze at the...