SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *...

By FreeWill

662K 8.9K 964

"Love is patient and kind... It does not envy, it does not boast, it is not proud... It does not behave indec... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35 - Part 1
Chapter 35 -Part 2
Chapter 35 - Part 3
Chapter 37
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 - Part 1
Chapter 43 - Part 2
Chapter 44 - Part 1
Chapter 44 - Part 2
Chapter 45 - Part 2
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 - Part 1
Chapter 49 - Part 2
Chapter 49 - Part 3
Chapter 50 - Part 1
Chapter 50 - Part 2
Chapter 50 - Part 3
Chapter 50 - Part 4
Chapter 50 - Part 5
Chapter 50 Part 6
Chapter 50 - Part 7
Chapter 50 - Part 8
Chapter 50 - Part 9
Chapter 50- Part 10

Chapter 45 - Part 1

7.1K 105 5
By FreeWill

KATHRYN and DANIEL

"YOU disappointed me, Kathryn. Lalo ka na, DJ..." Simula ni Joseph. "Pinagkatiwalaan ka namin. Hindi ko akalaing gagawin mo ito."

Magkakaharap sila sa library ng bahay hacienda. Nakaupo sa kabisera si Joseph. Sa kaliwa nito ang asawang si Min. Si Mang Carding sa kanan ng kabisera. Sa tabi ni Mang Carding ang pamangkin na si DJ. Sa tabi ni Min ay nakaupo si Kath, kaharap ni DJ sa mahabang library table. Sa tabi ng dalaga ay ang kapatid na si Gerald.

"Pananagutan ko po ang nangyari sa amin." Diretsong sabi ni DJ sa ama ng nobya.

Napaawang ang mga labi ni Kath sa narinig. Anong sinasabi ni DJ? Wala namang nangyari sa kanila! Hindi naman sila umabot sa punto na may kailangang panagutan ito.

"Mabuti at iyan ang naisip mo, dahil iyan talaga ang gagawin mo." Galit pa rin ang tinig ni Joseph. "Maghanda kayong dalawa... Padating na sila Papa at Tito Armando. Pagdating nila ay pupunta tayo sa munisipyo sa bayan."

Napaangat ang puwet ni Kath sa upuan. "Munisipyo?" Nalilitong tanong ng dalaga sa ama.

Noon lang siya tiningnan ng ama, "Ipapakasal ko kayo kay Mayor."

Napatayo nang tuluyan ang dalaga. "No!" Mariing tutol niya. "Nothing happened, Dad! Hindi naman nangyari ang iniisip ninyo! Bakit kailangan naming pakasal?!" Kung hindi niya naramdaman ang kamay ng Kuya Gerald niya sa braso niya na tila inaawat siyang magsalita pa ay may sasabihin pa sana siya.

"Enough!" Nagtaas na ng tinig si Joseph. Napaupo siya ulit.

"Calm down, 'Seph..." Hinawakan ni Min sa kamay ang asawa.

"Hindi ba masyado naman tayong nagmamadali, 'dad?" Si Gerald na noon lang nagsalita. "Kathryn is just nineteen. Anong alam niya sa pagaasawa?"

Mapaklang ngumiti si Joseph sa panganay na anak, "At anong gusto mo? Hintayin ko pa na mabuntis ang kapatid mo, gaya nang nangyari kay Sarah, bago pa sila makasal?"

Natahimik si Gerald. Napatungo. Alam nito na hanggang ngayon ay disappointed pa rin ang ama sa nnangyari sa kanila ni Sarah.

Umiiyak na si Kath. Sinulyapan niya si DJ. Nagtatanong ang mga mata nito. Nagiwas siya ng tingin. Wala siyang maasahang tulong dito. Desididong pakasal sa kanya ito.

Anong gagawin niya? Oo nga at ini-expect niya nang ganoon ang magiging desisyon ng ama, ang ipakasal sila ni DJ, pero hindi ganoon kabilis. Ang inaasahan niya ay magkakaroon siya ng pagkakataon na baguhin ang isip ng ama. Hindi ganito na agad-agad silang ipapakasal ni DJ. Sa munisipyo? Ni hindi pumasok sa isip niya na maaaring magkasal ang Mayor!

_________________________________________________

DANIEL

"HINDI sa tumututol ako sa desisyon mo... Pero sigurado ka na bang handa kang mag-asawa?" Si Tiyo Carding na siyang nagmamaneho ng pick-up.

Pauwi na sila sa bahay para magbihis. Kailangan nilang bumalik sa bahay hacienda para sabay-sabay na silang pumunta sa munisipyo. Bago sila umalis kanina ay nakausap niya na sa cell phone ang abuwelong si Don Armando. Walang pagtutol ito sa magaganap na kasalan. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya gustong ma-disappoint ang matanda sa kanya. Sa palagay naman niya ay maluwag sa loob nitong tinatanggap ang pangyayari.

"Desidido na ho ako, Tiyo... Wala kayong dapat ipagalala." Sagot niya sa tiyuhin.

"Ikaw... Pero hindi lang ikaw ang magpapakasal, anak. Kasama mong papasok sa isang pangmatagalang desisyon si Miss Kathryn." Sinulyapan siya ng tiyuhin, "Base sa nakita ko kanina ay hindi niya nagugustuhan ang nangyayaring ito."

Hindi nakaimik si DJ. Iyon din ang nakita niya kanina... At labis niyang ipinagtataka ang reaksyon na iyon ni Kath. Pero gusto na lang niyang isipin na nabigla lang ito sa bilis ng mga pangyayari. Natural lang na maging ganoon ang reaksyon ng nobya.

Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magusap kanina dahil pinauwi na siya agad ng Daddy nito pagkatapos ng paguusap nila sa library kanina, pero gusto niyang magkausap sila bago ang kasal. Hindi pa niya nasasabi dito ang tungkol sa surprise party kagabi nila Zharm at Khalil. Magpapaliwanag pa siya dito kung bakit hindi niya sinabing kaarawan niya kahapon.

_________________________________________________

KATHRYN

"TAHAN na, Kath... Masisira ang make-up mo." Pinapayapa siya ni Julia.

Inaayusan siya nito. Ipinasuot sa kanya ang isang puting bestida na iniakyat ni Bea doon sa guest room. Kay Bea ang damit na iyon. Kailangan niyang maging presentable pagharap nila sa Mayor mamaya at wala siyang dalang bestida para sa okasyong iyon.

"Oo nga, Kath..." Sang-ayon ni Bea dito. "Nakakahiyang haharap ka kay Mayor na namumugto ang mga mata mo."

Pinunasan niya ng kamay ang mga luha. Walang pakialam kahit kumalat ang mascara at eye liner niya. Kung puwede lang na itaboy niya sila Julia at Bea palabas ng silid... Gusto niyang mapag-isa... Gusto niyang magisip.

Hindi pa rin siya makapaniwalang mangyayari ito... Na nangyayari ito sa kanya ngayon. Ilang oras na lang at makakasal na siya kay DJ. Kung noong isang linggo marahil nangyari ito ay baka nagsasasayaw pa siya sa tuwa, pero hindi ngayon... Pagkatapos ba namang masaksihan ng dalawang mata niya kagabi ang kataksilan nito ay matutuwa ba siyang pakasal dito?

"Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganyan ka, Kath." Sabi ni Bea, "Mahal n'yo naman ni DJ ang isa't-isa... Balang-araw, magpapakasal din naman kayo. Napaaga nga lang ngayon. Bakit parang tutol na tutol ka sa kasalang ito?"

"Tama si Bea, hindi rin kita maintindihan, sis..." Sabi naman ni Julia.

Umahon siya sa kinauupuan sa harap ng malaking vanity mirror. Hindi niya gustong magpaliwanag sa mga ito. Mas lalo lang siyang masasaktan kung iisa-isahin niya ang nangyari kagabi.

"I want to be alone," mahinang sabi niya at tinungo ang bintana. Nagsisikip ang hininga niya. Kailangan niyang lumanghap ng sariwang hangin.

Nagkatinginan sila Julia at Bea. Maya-maya ay walang kibo na sabay nang lumabas ng silid ang dalawa.

Nang lumapat pasara ang pinto ay muling namuo ang luha sa mga mata niya. Anong bukas ang haharapin niya pagkatapos ng araw na ito? Mag magagawa pa ba siya para hindi matuloy ang kasal nila ni DJ? At bakit tila tuwang-tuwa pa ang lalaking yon na pakasalan siya gayong hindi naman siya mahal nito, di ba? Hindi pa tapos ito at si Zharm... Hindi man lang ba naisip nito ang magiging reaksyon ni Zharm kapag nagpakasal sila?

Napahikbi siya. Kung alam lang sana niya kung anong totoong nasa puso ni DJ ay hindi siya maliligalig ng ganito. Pero pagkatapos niyang makita ang nakita niya kagabi ay hindi na siya sigurado sa nararamdaman sa kanya ng binata.

Ahh... Bakit pa siya nagising? Sana ay panaginip na lang lahat ng ito.

_________________________________________________

PALAKAD-LAKAD si BG sa loob ng maliit na silid. Hawak ang cell phone. Naghihintay ng tawag. Bakit hanggang ngayon ay wala pang return call si Kathryn Bernardo sa kanya? Kailangan niyang makausap ang dalaga... Kailangan niyang warningan ito.

Lumakad siya patungo sa bag na nakapatong sa maliit na mesa sa isang sulok ng silid. Kinuha ang video cam doon. Siguro ay kailangan niyang gumawa ng isa pang kopya ng laman ng video cam. Kung hindi niya makakausap si Kathryn ay ipapadala na lang niya sa dalaga ang kopya ng laman ng video cam. Hindi siya puwedeng magtagal doon... Kailangan niyang umuwi ng probinsiya sa lalong madaling panahon.

_________________________________________________

IBINABA ni Don Manuel ang telepono. Nagtatanong ang tingin ni Amelia sa father-in-law nang mapunang natitigilan ito pagkatapos makipagusap sa kung sino mang tumawag dito.

"Papa, what's wrong?" Hindi na nakatiis na tanong ni Amelia dito.

Noon lang tila nakabalik sa sarili si Don Manuel, "Iwan mo muna ako, 'Lia..." Sabi nito at dinampot ang isang papeles sa ibabaw ng mesa.

Nagtataka man sa ikinikilos ng Don ay lumabas na rin si Amelia ng opisina na walang tanong-tanong.

Pabalik na ang socialite sa sariling opisina nito nang tumunog ang hawak na cell phone. Sinagot nito ang tawag...

"Kasal?" Ulit nito sa sinabi ng kausap sa kabilang linya, bago, "I'll be there..." Nagmamadaling tinungo nito ang elevator na bakas sa mukha ang pagkabigla sa ibinalita ng tumawag.

______________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

130K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
95.3K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
29.4K 1.3K 31
Anong gagawin MO kung ang taong ng bubully pala sayo ay may gusto at anak pasya ng may ari ng school na pinapasukan mo.. ?? . . find out... Ano kaya...
1.2K 50 31
Part 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating n...