Chapter 45 - Part 1

7.1K 105 5
                                    

KATHRYN and DANIEL

"YOU disappointed me, Kathryn. Lalo ka na, DJ..." Simula ni Joseph. "Pinagkatiwalaan ka namin. Hindi ko akalaing gagawin mo ito."

Magkakaharap sila sa library ng bahay hacienda. Nakaupo sa kabisera si Joseph. Sa kaliwa nito ang asawang si Min. Si Mang Carding sa kanan ng kabisera. Sa tabi ni Mang Carding ang pamangkin na si DJ. Sa tabi ni Min ay nakaupo si Kath, kaharap ni DJ sa mahabang library table. Sa tabi ng dalaga ay ang kapatid na si Gerald.

"Pananagutan ko po ang nangyari sa amin." Diretsong sabi ni DJ sa ama ng nobya.

Napaawang ang mga labi ni Kath sa narinig. Anong sinasabi ni DJ? Wala namang nangyari sa kanila! Hindi naman sila umabot sa punto na may kailangang panagutan ito.

"Mabuti at iyan ang naisip mo, dahil iyan talaga ang gagawin mo." Galit pa rin ang tinig ni Joseph. "Maghanda kayong dalawa... Padating na sila Papa at Tito Armando. Pagdating nila ay pupunta tayo sa munisipyo sa bayan."

Napaangat ang puwet ni Kath sa upuan. "Munisipyo?" Nalilitong tanong ng dalaga sa ama.

Noon lang siya tiningnan ng ama, "Ipapakasal ko kayo kay Mayor."

Napatayo nang tuluyan ang dalaga. "No!" Mariing tutol niya. "Nothing happened, Dad! Hindi naman nangyari ang iniisip ninyo! Bakit kailangan naming pakasal?!" Kung hindi niya naramdaman ang kamay ng Kuya Gerald niya sa braso niya na tila inaawat siyang magsalita pa ay may sasabihin pa sana siya.

"Enough!" Nagtaas na ng tinig si Joseph. Napaupo siya ulit.

"Calm down, 'Seph..." Hinawakan ni Min sa kamay ang asawa.

"Hindi ba masyado naman tayong nagmamadali, 'dad?" Si Gerald na noon lang nagsalita. "Kathryn is just nineteen. Anong alam niya sa pagaasawa?"

Mapaklang ngumiti si Joseph sa panganay na anak, "At anong gusto mo? Hintayin ko pa na mabuntis ang kapatid mo, gaya nang nangyari kay Sarah, bago pa sila makasal?"

Natahimik si Gerald. Napatungo. Alam nito na hanggang ngayon ay disappointed pa rin ang ama sa nnangyari sa kanila ni Sarah.

Umiiyak na si Kath. Sinulyapan niya si DJ. Nagtatanong ang mga mata nito. Nagiwas siya ng tingin. Wala siyang maasahang tulong dito. Desididong pakasal sa kanya ito.

Anong gagawin niya? Oo nga at ini-expect niya nang ganoon ang magiging desisyon ng ama, ang ipakasal sila ni DJ, pero hindi ganoon kabilis. Ang inaasahan niya ay magkakaroon siya ng pagkakataon na baguhin ang isip ng ama. Hindi ganito na agad-agad silang ipapakasal ni DJ. Sa munisipyo? Ni hindi pumasok sa isip niya na maaaring magkasal ang Mayor!

_________________________________________________

DANIEL

"HINDI sa tumututol ako sa desisyon mo... Pero sigurado ka na bang handa kang mag-asawa?" Si Tiyo Carding na siyang nagmamaneho ng pick-up.

Pauwi na sila sa bahay para magbihis. Kailangan nilang bumalik sa bahay hacienda para sabay-sabay na silang pumunta sa munisipyo. Bago sila umalis kanina ay nakausap niya na sa cell phone ang abuwelong si Don Armando. Walang pagtutol ito sa magaganap na kasalan. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya gustong ma-disappoint ang matanda sa kanya. Sa palagay naman niya ay maluwag sa loob nitong tinatanggap ang pangyayari.

"Desidido na ho ako, Tiyo... Wala kayong dapat ipagalala." Sagot niya sa tiyuhin.

"Ikaw... Pero hindi lang ikaw ang magpapakasal, anak. Kasama mong papasok sa isang pangmatagalang desisyon si Miss Kathryn." Sinulyapan siya ng tiyuhin, "Base sa nakita ko kanina ay hindi niya nagugustuhan ang nangyayaring ito."

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Where stories live. Discover now