Chapter 35 -Part 2

8.2K 123 11
                                    

KATHRYN and DANIEL

"I'M so glad you came, ijo. Ang buong akala ko ay hindi ka darating." Tuwang sabi ni Don Armando sa kanya. Inakbayan pa siya ng abuwelo.

Tipid ang ngiting ibinigay ni Daniel sa abuwelo. Hindi na nga sana siya pupunta, pero hindi niya gustong biguin ito. Isa pa ay bahagi na siya ng kompanya ngayon at ayon mismo sa Don, bilang apo nito ay kailangan ng presensya niya sa company party na yon.

Napabuntong-hininga siya. Bukod kay Don Armando at sa ilang malalapit at mapagkakatiwalaang tao sa C Corporation ay wala ng iba pang nakakaalam na isa din siyang Cervantez. 'Padilla' pa rin ang ginagamit niyang apelyido. Isang malayong kamaganak at apo ng Don ang pagkakakilala sa kanya ng lahat. Hindi niya gustong mabago yon, kahit pa nagpahayag na ang abuwelo na gusto nitong isunod na sa mga Cervantez ang apelyido niya at ipahayag sa lahat ang katotohanan sa pagkatao niya.

Paanong gagawin nito yon kung mismong ang kapatid nito ang hindi kumikilala sa kanya bilang apo?

Hinanap ng mga mata niya si Don Manuel. Nakita niya ito na kausap ang mag-asawang Bernardo sa isang sulok ng bulwagan--- Ang mga magulang ni Kathryn.

Naroon ba sa party si Kathryn?

"Halika at ipapakilala kita kay Mr. Forteza. His company...."

Nawala ang atensiyon niya sa sinasabi ni Don Armando nang mahuli ng mata niya ang isang pares na papasok ng bulwagan--- Sila Kathryn at Quen.

BUMESO kay Amelia si Kathryn. Sinalubong sila ng socialite.

"Na-traffic ba kayo? Kanina pa nagsisimula ang party." Mahinang sabi ni Amelia.

"We had a flat tire, ma'..." Si Quen.

"Oh goodness!" Umiling si Amelia, "A flat tire? Ipaalala mo sa akin na kausapin si Mang Binoy. Trabaho niya na siguruhin na nasa kondisyon ang mga sasakyan." Ang family driver ang tinutukoy nito.

"It's okay, ma'." Wika ni Quen at nilinga si Kathryn na biglang nanahimik sa tabi niya. "Hey, are you alright?" Sinundan ng binata ng tingin ang tinitingnan ng dalaga.

He's already here, saloob-loob ni Kathryn. Ang bilis ng tibok ng puso niya.

Their eyes were locked on each other.

Anong gagawin niya? Babatiin ba niya ito? Lalapitan ba niya? Kakausapin ba niya?

Kailangan nilang magusap di ba? Gusto niyang magpaliwanag dito. Gusto niyang sabihin dito na kaya siya nakapagisip na 'pinaglalaruan' siya nito ay dahil sa hindi na nagpakita at kumontak ito sa kanya pagkauwi niya sa Manila buhat sa hacienda. Nagiwan siya ng contact number kay Jian, sa pinsan nito. Naghintay siya ng tawag nito pero wala siyang natanggap mula dito.

Yung pag-aalala niya na baka galit sa kanya ito o sobrang nasaktan ito dahil si Quen ang pinili niya ay nahalinhan ng pagdududa sa katapatan nito nang sa muling pagkikita nila ay kasama pa nito si Zharm at nasundan pa iyon ng muling makita niyang magkasama ang dalawa sa MYC.

Kasalanan ba niya kung selosa siyang masyado? Inaamin niya naman na nagsiselos siya. Pero kasalanan din naman nito, di ba? Ginatungan pa nito ang pagsiselos niya doon sa restaurant.

At sinong hindi magiisip na pinaglalaruan lang siya nito gayong lagi namang tinutukso siya nito na nagsiselos siya at parang pinapamukha sa kanyang may gusto nga siya dito?

Naduwag siyang umamin na may pagtingin na siya dito dahil natatakot siyang masaktan sakaling hindi naman talaga seryoso ito sa kanya.

"Kath?"

Napilitan siyang putulin ang eye contact nila ni DJ nang maramdamang umakbay sa kanya si Quen.

Napatingin siya sa binata.

"Let's greet your parents?" Iginiya na siya nito papunta sa puwesto ng mommy at daddy niya na kausap si Don Manuel.

Sinulyapan niya si DJ. Wala na ito sa puwesto kanina. Nakita niyang iginigiya ito ni Don Armando papunta sa isang mesa.

"I'M sure you'll win the game against SLU." Nakangiting sabi ni Barbie.

Lumuwang ang ngiti ni Daniel sa dalaga. Apo ito ni Mr. Forteza. Ipinakilala sila sa isa't-isa ng mga abuwelo nila. He was surprised to meet a girl that was so passionate about basketball. Naglalaro din pala ito sa womens team ng SCU. He found her easy to talk to... Nakakarelate sila sa isa't-isa dahil pareho sila ng sports.

"Kapag nanalo kami sa SLU, makakaharap namin ang SCU sa finals."

Her laughter came out naturally. She used her fingers and brushed the strands of hair that fell on her face. "Well, may the best team wins!" Ang sabi nito at hinawakan siya sa braso, "Let's dance? Paborito ko ang tugtog..."

"GUSTO mo bang umupo na lang? Mukhang pagod ka na..."

"Sorry," Nahihiyang sabi ni Kathryn kay Quen.

Kanina pa sila sumasayaw at ilang ulit niya na rin itong natapakan. Hindi naman kasi siya makapag-concentrate sa ginagawa dahil naaagaw ni DJ ang atensiyon niya at ng kasayaw nitong babae.

Mukhang enjoy na enjoy ito sa kasayaw. Narinig pa niyang tumawa kanina ito. Noon lang niya nakitang ganoon kasaya ito.

"You two should talk..." Sabi ni Quen.

Napatingala siya dito. "Sinong tinutukoy mo?" Patay-malisyang tanong niya.

"Si DJ,"

Iniiwas niya ang tingin dito. Nahihiya siya sa binata. Ganoon na ba siya ka-transparent sa nararamdaman niya para kay DJ?

"Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan ninyo, Kath, pero sa nakikita ko sa yo... Mukhang in love ka na talaga sa kanya... At ganon din naman siya sa yo."

Gusto niyang maiyak. Hindi niya kasi sigurado kung ganoon pa din ang nararamdaman ni DJ sa kanya.

Paano kung nasaktan nga talaga ito? Paano kung tuluyan nang sumuko ito? Kung sa sariling abuwelo nga ay nagawa nitong isuko ang paghahabol na kilalanin siya bilang kadugo... Sa kanya pa kaya na hindi naman kaano-ano nito?

Naalala niya ang pinagusapan nila ni Quen kanina sa sasakyan. Napatawad ni Quen si Colleen kahit para sa binata ay kaduwagan ang ginawa ng nobya na hindi siya ipinaglaban. Umaasa siya kanina na ganoon din ang gagawin ni DJ, na papatawarin nito ang pagiging duwag niya. Pero ngayon lang niya naisip...magkaiba sila ng sitwasyon ni Colleen. Nagparaya ito, para kay Quen. Maaring kaduwagan iyon, Oo, pero naging duwag lang ito na ipaglaban ang nararamdaman dahil iniisip nito ang mas makakabuti para sa nobyo. Samantalang siya, naduwag siyang ipaglaban ang nararamdaman para kay DJ dahil ayaw niyang masaktan. Naging selfish siya, samantalang handang masaktan si Colleen para sa nobyo.

Sinulyapan niya ulit si DJ at ang kasayaw nito. Galit nga siguro ito. Hindi na ulit siya tiningnan nito buhat kaninang dumating sila ni Quen.

Nasasaktan siya sa obvious na pangdi-deadma sa kanya nito. Nakakaramdam na naman siya ng pamamasa ng mga mata. Ahhh! Hindi siya puwedeng umiyak dito. Nakakahiya.

"THEY really look good together."

Wala sa loob na humigpit ang kapit ni Daniel sa beywang ni Barbie dahil sa narinig mula dito. She was obviously referring to the couple who were dancing a meter away from them.

"Wait, I remember something... Ahh, yes! You were in the news months ago. You and Kathryn..."

Hindi kumibo si Daniel. Nahalata naman ni Barbie ang tila pagiiba ng mood ng kasayaw.

Muli ay tiningnan ng dalaga ang parehang kasalo nila sa dance floor, bago bumalik ang tingin niya sa kasayaw. Nararamdaman niya ang tensyon na nagmumula sa mga kamay nito sa beywang niya.

A curious, playful smile crept across her lips.

"You know what? Matagal ko nang gustong makilala ang tagapagmana ng mga Cervantez. Come... Ipakilala mo ako sa pinsan mo."

___________________________________________

A/N: Go Barbie! :))))))

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon