My Sweet Teacher

By _Busog_Sa_Mamon_

3.5K 1.2K 101

Maraming tao ang gusto ng maayos na buhay kung saan lahat ng panagagailangan nila nasa kanila na, ngunit paan... More

...Character...
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28

Part 11

81 35 0
By _Busog_Sa_Mamon_

Scarlette Pov

Nag-aayos ako ngayon ng mga gamit na dadalhin ko para sa bakasyon naman, malayo pala yung pupuntahan namin akala ko pa naman sasakay lang kami ng kotse at babyahe yun pala need pa naman sumakay ng airplane.

"Mom, parang ayaw mo na kong pauwiin dito a." reklamo ko kay Mommy.

Halos ilagay na niya lahat ng damit ko sa maleta.

"Magtira ka naman para sa cabinet ko." sabi ko sabay tayo at punta sa walk in closet ko, "Parang wala ng laman to o nasa maleta ko na." sabi ko sabay turo sa mga cabinet kong halos kapiraso na lang ang laman.

"Malayo ang pupuntahan mo anak ko." sabi niya sabay sunod sakin dito sa walk in closet ko, "Mas maganda na tong Marami kang dala kaysa sa wala." sabi niya sabay kuha ulit ng damit.

"Tama na yan." angal ko tsaka kuha ng mga damit ko sa kamay ni Mom, "May problema ba kayo?" tanong ko dito habang binabalik ang mga damit sa cabinet.

Pero di niya ako sinagot dahil lumbas na siya at umupo sa kama habang inayos ang mga damit ko, matamlay naman akong sumunod dito tsaka niyakap siya sa likod.

"Saglit lang naman ako doon uuwi din ako." sabi ko kumarap sakin si Mom at gumiti.

Napapansin ko this past few days malungkot at matamlay ang bahay ganun na rin yung mga nakatira dito.

"May problema ba kayo? nararamdaman ko kasing may problema e." tanong ko pero niyakap lang ako ni Mommy sa tiyan.

Nakatayo kasi ako habang siya nakaupo.

"Tahan na promise babalik ako dito sa bahay." sabi ko kay Mom habang hinahawakan ang buhok niya.

"Alam ko naman yun." sabi niya tsaka humarap sakin.

Nagulat ako dahil umiiyak si Mom.

"Alam kong di mo kami iiwan ng Daddy mo." Sabi ni Mommy

Umupo ako sa tabi niya tsaka siya niyakap.

"Mommy mag-babakasyon lang ako, makaiyak ka naman diyan parang mag-aasawa na ako." natatawang sabi ko dito.

"Sinong mag-aasawa?" Sabi ni Dad na kakapasok lang sa kwarto ko.

Mukhang kakauwi lang niya galing sa office kasi naka office attire pa siya. Bumitaw si Mom sa yakap ko tsaka tumayo at humarap kay Dad.

"Nandiyan ka na pala ipaghahain lang kita ng pagkain." Sabi nito tsaka lumapit sa pinto kung saan nandoon din sa Dad.

Paglapit ni Mom doon hinawakan siya ni Dad sa balikat at may sinabi, mahina lang yun kaya di ko narinig. Gusto ko man magtanong pinili ko na wag na lang dahil sa huli ang sasabihin lang nila wala lang at pagod lang sila kaya sila ganyan at isa pa ayaw ko ulit pagsabihan ng masakit tulad ng sinabi ni Mom noong nakaraan kaya mas minabuti ko na lang na wag na magtanong kung anong problema hahayaan ko na lang na sabihin na ang nila sakin yun.

Hindi ko na lang sila pinansin at tinuon na lang ang atensyon sa mga gamit ko, kinuha ko yung mga damit kong di ko naman kailanagan at binalik na sa closet ko, naramdaman ko naman na sumunod sakin si Dad.

"Hayaan mo na ang Mommy mo, alam mo naman ngayon ka lang magbabakasyon na hindi kami kasama." Sabi ni Dad sakin tumayo ako at tumingin sa kanya tsaka gumiti.

"Sabay na ko kay Mom, Dad." Natatawang sabi ko tsaka lumapit dito, "Thank you Dad." Sabi ko tsaka siya niyakap, niyakap naman niya ako pabalik.

"Para saan?" tanong niya humiwalay ako sa yakap at tumingin kay Dad.

"Kasi pinayagan mo na akong magbakasyon sa malayo kasama ang mga kaibigan ko." Natatawang sabi ko. "Nagdadalawang isip pa ko nung una kung magpapalaam ako sayo or wag na kasi alam ko na di mo ko papaya." Sabi ko tsaka lumakad pupunta sa kama ko para ayusin na yung mga gamit kong natira.

"Because I think this is the right time para makihalubilo ka sa iba at sure naman ako na di ka nila pababayaan kasama naman ninyo si Alexis." Sabi niya tsaka lumapit sakin at hinawakan ako sa ulo,"Basta mag-iingat ka at mag enjoy." Sabi niya sakin ng nod lang ako dito tsaka gumiti.

"Baba na ko nagugutom na ko e." Sabi ni Dad sakin.

Paglabas ni Dad inayos ko na ang mga gamit sa maleta ko, susunduin kasi ako ni Jasper mamayang 4 kasi doon kami sa kaibigan ng Papa niya pupunta, naka private plane kami pupunta doon sa island nila Emerson ang akala ko resort lang yun, yun pala island pero may iba daw mga terorista doon at di lang kami pero di naman daw ganun karami kasi private island daw yun.

Di ba yayamanin

Nag-aayos lang ako ng gamit ko ng biglang nag ring ang phone ko kaya naman tumayo ako at kinha yun sa study table ko.

...Jasper Calling...

Si Jasper lang pala, pinundot ko ang answer tsaka ito nilagay sa tenga ko at lumapit na ulit sa kama para ayusin ang mga dadalhin.

"Hi." sabi ko dito.

"Exited?" tanong niya habang natawa.

"Hindi naman." sabi ko tsaka sinara ang maleta.

"Talaga ba." sabi nito sa kabilang linya pero parang nasa tabi ko lang ang nagsasalita.

Kaya naman tumayo ako at humarap sa pinto at doon ko Nakita si Jasper nakasandal siya sa pintuan habang nakatingin sakin.

Pinagsingkitan ko siya ng mata tsaka tumayo at pinatay ang tawag.

"Bakit nandito ka na?" takang tanong ko dito.

"Napaaga ang alis natin aalis na tayong mamayang 12." sabi niya tsaka tumingin sa mga gamit ko.

"Si Mom ang nag-empake ng mga yan." sabi ko dito.

Tumingin lang siya sakin na nakangiti tsaka umupo sa kama ko.

"Teka lang pano ka nakapasok dito?" Tanong ko dito.

"Pinapasok ang ng Mom mo, sabi ko nga no need na pero ang kulit ng Mommy mo sabi niya puntahan daw kita dito." Natatawang sabi niya.

Magsasalita pa sana ako ng may magsalita sa pinto.

"Ms Scarlette kakain na daw po." Sabi ng maid namin.

"Sige susunod na kami." Sabi ko tumungo lang to sakin tsaka umalis.

"No need kumain na ko sa bahay bago pumunta dito sa inyo." Sabi niya habang nililigid ang paningin sa buong kwarto ko.

"Di pa nga kita niyaya nagsalita ka na." Sabi ko dito kaya namna napatingin siya sakin na nakangiti.

"Alam ko naman na yayayain mo ako e." Sabi niya tsaka tumawag.

"Tsk yabang mo." sabi ko tsaka tumawag lumapit ako sa mesa ko tsaka nilapag ang phone ko, "Sure ka dito ka lang?" tanong ko ulit.

"Ayos lang ako don't worry isa pa 1 hour na lang aalis na naman tayo." Sabi niya tsaka ngumiti sakin.

"Ok." Sabi ko tsaka siya ti tiningnan ng masama.

"Bakit?" Natatawang sabi niya.

"Wag kang gagala dito ha." Sabi ko tsaka siya tinuro.

"Hahahah di talaga ako gagala baka dito pa lang sa kwarto mo maligaw na ko." Sabi niya tsaka humiga, "Matutulog lang ako saglit" sabi nito tsaka pumikit.

Lumapit na ko sa pinto tsaka sinara ito. Di ko na pinatay ang ilaw nakatulog naman siya e.

...Jasper Pov...

Ng marinig ko ang pinto na sumara minulat ko ang mata ko tsaka tinignan ang buong kwarto niya. Nagulat talaga ako ng Makita ang kwarto niya mas Malaki pa ata to sa classroom namin sa school at sa sala sa bahay namin. Hindi lang labas ng bahay nila Malaki pati ang mga kwarto double door at parang palasyo ang bahay sa hagdan at ilaw nito nung una naming punta dito akala nila Emerson hotel to. Ang cute ng mga gamit ni Scarlette blue ang pink ang them ng kwarto niya, ang lalaki ng bintana at mukhang mabibigat ang mga kurtina bigla tuloy akong naawa sa mga katulong nila.

Nakita kong nakabukas ang terrace ng kwarto niya kaya naman tumayo ako parang isara dito, sayang sa kuryente naka aircon pa naman siya. Pagkasara ko noon may tumungo na phone kaya naman tinignan ko yun phone ni Scarlet ang tumungo kaya naman kinuha ko to, wala itong password kaya naman nabuksan ko to kaagad.

From: Bes Alexis

12 na tayo aalis, Nasabi na ba nila sayo?

Message nito kaya naman nag reply na ko tutal ako naman na tong nandito.

To: Bes Alexis

Nasabi ko na sa kanya.

Jasper to...

Nagtaka ako dahil hindi na to nag reply pero biglang nag ring ang phone ko.

Natawag sila sa Gc namin kaya naman sinagot ko to

"Bro anong ginagawa mo diyan?" Tanong agad ni Emerson pagpasok ko sa Video call.

"Masyado ka naman exited" sabi ni Ashton habang may inaasikaso.

"Ang bilis naman ng balita?" Seryosong tanong ko tsaka nilapag ang phone ni Scarlette sa mesa at umupo na ulit ako sa kama.

"Tsk nasa bahay ka ng kaibigan ko?" sigaw ni Alexis.

"Hayss mabuti di ako naka earphone." sabi ni Emerson habang kinukutkot ang tenga.

"Sigaw ba yun akala ko kumanta ka." malanding sabi ni Ashton.

"Yak." Sigaw ni Emerson kaya naman tumawa ako.

Pero naatigil kami ng pumasok na si Harrison sa Call at mukhang seryoso ito.

"Anong ginawa mo diyan Jasper kila Scarlette?" Seryosong tanong nito kaya naman tumahimik kami lahat sa Call.

"Bakit may mali ba Harrison?" Biglang sabi ni Alexis sa seryosong boses.

"Wala" biglang sabi ni Harrison at mukhang umupo na to.

"Akala ko meron e." Sabi ni Alexis.

"Hoy akala ko ba ayaw ninyo sa isat-isa bakit ganyan ka umasta kay Harrison parang nag seselos ka?" Naiiyak na sabi ni Ashton.

"Pwede ba Ashton." Galit na sabi ni Alexis, "Nasaan si Scarlette gusto ko siya makausap?" Seryosong sabi nito sakin.

Pero di ko sinagot at humiga lang at sumandal sa kama.

"Nasa baba siya nakain" sabi ko.

"Tapos naiwan ka diyan?" Sabi na naman ni Harrison.

"Ano bang problema ha?" tanong ni Alexis.

"Wala nga nagtatanong lang ako." Galit na sabi ni Harrison.

"E bakit ganyan ka mag react?" Tanong ni Emmerson.

"Tsk ang panget kasing tingnan kakakilala lang natin kay Scarlette tapos ganyan tayo kaagad umasta feeling close." Sabi nito kaya naman napatawa ako.

Mukhang ibang Harrison tong kaharap namin.

"Anong feeling close, e sating lahat silang dalawaa ang mas close." Sabi ni Ashton.

"At isa pa babae si Scarlette tapos may lalaki sa kwarto niya at siya lang mag-isa." Sabi pa nito.

"Pwede ba Harrison wala kang paki sa kanila ikaw na rin ang nagsabi na wala kang gusto kay Scarlette." Sabi ni Alexis, "Ikaw ba Jasper meron ka bang gusto kay Scarlette?" biglang tanong nito sakin.

"Oo meron akong gusto kay Scarlette unang kita ko pa lang sa kanya sa picture noon alam ko ng may gusto ako sa kanya." Deretsong sabi ko.

"Wow confident." Sabi ni Ashton tsaka pumalakpak ganun din si Emerson.

"Ikaw kaya Harrison Kaylan ka mag kakaroon ng confidence katulad ni Jasper?" Sabi ni Alexis.

"Ouch" sabi ni Ashton at nag kunwaring binarily sa puso.

"Tigilan ninyo ako." Sabi nito.

"Tsk." sabi lang nila.

Nag kukwentuhan lang kami ng kung ano-ano at kinukulit pa na nila ako kung may balak akong ligawan si Scarlette sympre dahil mataas ang paninindigan ko nagsabi ko ng OO.

Nagulat ako ng may biglang pumasok si Scarlette lang pala.

"Wow komportable ka na diyan a" Natatawang sabi niya tsaka pumunta sa isa sa mga kwarto dito, mukhang Cr yun.

"Si Scarlette ba yun?" tanong ni Alexis.

"Yah, pumunta lang siya sa Cr." Sabi ko.

"Naks parang mag jowa ang datingan ninyong dalawa a." pang-aasar ni Ashton.

"Sino yang kausap mo?" Tanong ni Scarlette may nilalagay siya sa mukha niya mukhang facial mask yun.

"Sila Emerson" Sabi ko tsaka tinutok sa kanya ang camera.

"Hi" sabi lang nito tsaka kumaway.

"You don't need to do that Scarlette." Sabi ni Emerson.

Kaya naman lumapit sakin to umupo siya sa gilid ko kaya naman inisod ko ang camera sa kanya.

"Do what?" tanong nito.

"Ang magpaganda dahil may nahulog na sayo." Kinikilig na sabi ni Ashton.

"Ano?" Natatawang sabi ni Scarlette.

"Nothing." Sabi ko dito.

Nagkibit balikat lang ito tsaka tumayo.

"Tama na ang landian anong oras na aalis na tayo." Sabi ni Harrison tsaka pinatay ang tawag.

"Adik yun." Sabi ni Emerson tsaka nagpaalam na kami isat-isa.

It's already 11:30 kailangan na namin kumilos kaya naman tumayo na ko at kinuha na ang mga bagahe ni Scarlette.

"Scarlette dadalhin ko na tong mga gamit mo sa sasakyan." Sigaw ko sa kanya.

"You need help?" sabi niya tsaka lumabas ng Cr.

"Hindi na tapusin mo na lang kung anong ginagawa mo." sabi ko nag nod lang siya at pumasok na ulit sa Cr.

Pagbaba ko ng hagdan tinulungan ako ng ibang maid na ibaba ang ibang gamit ni Scarlette dalawang bagahe kasi ang dala niya plus may backpack pa siya sabi niya mag gadgets daw nakalagay doon, inayos ko na yun sa likod ng sasakyan ko para mamaya sasakay na lang kami sa kotse. Papasok na sana ako ulit sa bahay upang bumalik sa kwarto ni Scarlette ng Makita ko ang Daddy niya na naka tayo sa pinto nila at nakatingin sakin kaya naman lumapit ako dito.

"Narinig ko ang mga sinabi mo kanina." Sabi nito kaya naman napatingin ako sa kanya tumingin naman siya sakin pabalik, "Narinig kong sinabi mo na gusto mo ang unikaiha ko." Sabi niya.

"Tama po kayo may gusto po ako sa anak ninyo."Lakas loob kong sabi.

"Sa lahat ng nanligaw sa anak ko ikaw lang ang tangging nagsabi sa harapan ko na gusto mo siya." Sabi niya sakin.

"Pangako po di ko naman po liligawan si Scarlette ng walang pahintulot ninyo at ni Scarlette." paliwanang ko dito pero nagulat ako ng hawakan niya ako sa balikat.

"Inagat at alagaan mo ang anak ko." Sabi lang nito tsaka umalis na.

Noong una di pa ko makagalaw dahil iniisip ko pa kung pinapayagan niya akong manligaw sa anak niya o binibilinan niya akong alagaan at ingatan si Scarlette sa pupuntahan namin, mukhang okies na ko sa daddy niya. Di ko tuloy napigilan ang sarili ko na gumiti.

"Hoy ayos ka lang ba?" Tanong ni Scarlette habang nababa ng hagdan.

"Ha?" tanong ko ulit.

"Kung ayos ka lang ba? Mukhang may nangyari sayo e." Sabi niya habang inaayos ang dala niyang shoulder bag.

"Ayos lang ako." Sabi ko "Halika na late na tayo ng 3 minutes." Sabi niya tumungo lang siya bago maunang maglakad Nakita ko pa ang Daddy niya na nakatingin samin mula sa hagdan tumungo ito sakin kaya naman tumungo din ako.

Continue Reading

You'll Also Like

85.1K 219 36
Other books got deleted, but I'm still just a horny little slut that loves to masturbate and watch porn.
224K 11.3K 90
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
37.5K 1K 83
In which Kim Saena is in a groupchat with a bunch of idiots Or In which Bangchan finds himself inside a groupchat with a bunch of delusional fans ~~โ˜…...
87.6K 2.2K 33
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...