Against the Wind

By greatfairy

803K 34.9K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 1

22.1K 864 326
By greatfairy

Kitten

KANINA pa ako naghahalungkat ng mga gamit namin ni Nanay pero hindi ko mahanap ang wallet ko. Ang huling naaalala ko ay inilagay ko lang iyon sa bulsa ng backpack ko.

Hindi kaya nahulog sa kung saan? Huwag naman sana sa ospital nahulog. Sayang naman ang laman no'n. May 260 pesos pa 'yon doon. Isa pa, may mga pictures ko 'yon at ng best friend kong si Zia Lynn.

Sumuko na lang ako sa paghahanap. Kinuha ko ang wine glass na ipinatong ko sa ibabaw ng lamesita saka nagtungo sa terrace na nasa labas ng kuwarto. May party sa lawn ng mansyon pero ayaw kong bumaba dahil wala akong damit na maisuot. Nakakahiya naman kasi nakabihis silang lahat. Malay ko bang magpapa-party sila rito?

Humawak ako sa railings saka tumingin sa ibaba. Maraming mga tao. Pero hindi ako mapapansin masyado rito kasi matatangkad ang mga halamang nasa paso.

"I bet, you have a crush on Kuya. Am I right?"

Nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Señorito Timothy. Muntik ko na tuloy maubos ang laman ng wine glass ko. Actually, hindi naman wine ang laman nito, kundi soda. Bawal pa raw kasi ako sa alak sabi ni Nanay dahil 14 pa lang ako.

"Ano'ng pinagsasabi mo? Ako? May gusto sa kuya mo?" Itinuro ko pa ang sarili ko para makasigurado.

"I don't need a lie detector test to prove my hunch," confident niyang sabi sabay lagok mula sa bitbit niyang wine glass.

Lumabi ako. Test lang yata naintindihan ko sa sinabi niya.

"For your information, puwet mong may lotion, kakabitan ng ribbon, congratulations!"

Kumunot ang noo ni Señorito Timothy. "What?"

"Wala! Ang sabi ko, FYI, wala akong gusto kay Señorito Gaston, 'no! Sa'n mo naman nakuha ang ideyang 'yon? Sa sungit niyang 'yon? Malabong magkaka-crush ako ro'n!"

Umiwas ako ng tingin sabay tingin sa baba. Ayaw kong bumaba kasi nahihiya ako. Maraming tao. May party kasi rito sa mansyon ng mga Bustamante. Pa-welcome party para kay Tiyang Sol dahil nakalabas na siya ng ospital.

"Really? Wala ka talagang gusto kay kuya?" taas-kilay na tanong ng payatot na Señorito. Nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa 'kin. Hindi ko nga alam kung bakit nandito rin siya, e. Dapat nasa ibaba siya, nakikipag-usap sa mga tauhan ng hacienda nila. Basta-basta na lang siyang pumasok sa guest room por que bahay nila 'to. Feeling close din ang isang 'to.

"Wala nga! Ang kulit mo rin, ano? Ilang beses ka bang inire ng Mommy mo?"

"Then, why are you blushing?"

Mabilis akong tumalikod saka hinawakan ang kabilang pisngi ko. 'Di nga? Halata ba talaga?

Wala naman talaga akong gusto kay Señorito Gaston. Pero humahanga ako sa kaguwapuhan at kakisigan niya, siguro mga nasa 49% pa lang ang pagkagusto ko sa kanya. Para kasi siyang bida sa isang pelikula. Matikas, matangkad, guwapo, matangos ang ilong, mapupula ang kanyang mga labi. Ang mga mata niya parang gate papuntang langit. Malamig kasi pero malalim kung tumitig. Basta, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko tuwing nakakasalubong ko siya rito sa mansyon.

"See? I was right. May gusto ka nga kay Kuya."

"Hindi, ah!" mabilis kong tanggi. Umiling-iling pa ako bago humarap sa kanya.

"Saka hindi ako nagba-blush, 'no. Epekto lang 'to ng wine. Nalasing lang ako," tanggi ko.

"Nakalalasing na pala ngayon ang soda," nakangising sabi niya.

Napangiwi ako. Nakakainis, mahirap isahan ang payatot na 'to, ah.

"Basta, wala akong gusto kay Señorito Gaston kasi masungit siya. Ang mamahalin ng ngiti niya at parang laging galit. Tapos malaki pa 'yong ano-"

"Malaki 'yong?"

"Malaki 'yong age gap namin. 'Di ba sabi mo 20 na siya?"

Biglang nanindig ang mga balahibo ko nang may maalala akong imahe sa ilalim ng shower. Hindi naman mawala-wala ang ngiti sa labi ni Señorito Timothy. Para talagang alam niyang may gusto ako sa kuya niya.

"He's actually turning 21 this year."

"Oh, talaga?"

"Kailan ba birthday niya?" pasimpleng tanong ko.

Bigla na naman siyang ngumisi. "Got you! May gusto ka nga kay kuya! You're too interested in him. That's a sign of romantically liking someone."

"Wala nga! Ang kulit mo, Señorito!"

He groaned. "Just call me Timothy, please? Ikaw na nga lang ang kaibigan ko rito."

Nag-twinkle ang mga mata ko. "Talaga? Kaibigan ang turing mo sa 'kin?"

"Yup!" Itinaas niya ang wine glass niya saka nakipag-toast sa akin. Itinaas ko naman ang hawak kong wine glass na patago kong kinuha kanina sa kusina.

"Talaga lang, ha? Akala ko talaga may ibang agenda ka, e."

Tumaas ang kabilang kilay niya. "What?"

"Eh, kasi lagi mo akong nilalapitan at kinakausap. Tapos ngayon sasabihin mo pang magkaibigan tayo."

"So, what?"

"Alam mo, feeling ko talaga may gusto ka sa 'kin," pag-iiba ko ng usapan.

Napasimangot siya. "You're not feeling well, Divina."

Humalakhak ako. Nalaman ko kasing ayaw na ayaw niya sa mga babaeng mahilig maghabol at magpapansin. Kaya lagi niyang pinagtataguan ang kababata niyang halos araw-araw nang pumupunta rito.

"Ito naman hindi na mabiro. Hindi kita type, 'no! Una, kasi payatot ka."

"What?" hindi makapaniwalang bulalas niya sabay tingin sa kanyang sarili.

"Oh, ano? May objection ka? Totoo naman, ah. Maliit ang muscles mo, hindi kagaya kay Señorito Gaston na parang model na araw-araw nagbubuhat ng hollow blocks. Masyado kang matangkad para sa katawan mo. Hindi kagaya ng kuya mo na proportional ang katawan. Siguro ang sarap niyang yakapin, 'no? Pangalawa, guwapo ka naman pero mas guwapo sa paningin ko si Señorito Gaston. Para siyang artista. Hindi nakakasawang titigan ang mukha niya, ihhh!"

Napapikit ako habang ini-imagine ang mukha ni Señorito Gaston. Siguro kung matangkad lang ako tapos naging model, bagay kaming dalawa.

"And you don't like him in that case?"

Napatigil ako sa pag-i-imagine nang biglang magsalita si Timothy. Sinundan niya 'yon ng malutong na tawa.

Napatakip ako ng aking mga bibig. Nasabi ko ba ang mga 'yon?!

"I'll pretend as if I didn't see your reaction," tumatawang sabi niya.

Napasimangot ako. "Pinagtitripan mo nga ako. Ano ba'ng ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa lawn ka para tulungan si Señorito Gaston sa pag-entertain ng mga bisita n'yo?" pag-iiba ko ng usapan. Pakiramdam ko namumula na ako ngayon kahit hindi ko pa tingnan ang sarili ko sa salamin.

Nagkibit-balikat siya. "This is our house. I can go wherever I want. Besides, ako nga ang dapat magtanong niyan. What are you doing here? Shouldn't you be supposed at the lawn?"

Nagulat ako nang bigla siyang lumayo sa railings ng terrace na parang may pinagtataguan kaya napatingin ako sa ibaba.

Ang kababata niyang si Raquel!

Kaya pala pumanhik dito sa itaas ang payatot. Siguro pinagtataguan na naman niya si Raquel. Hindi ko nga siya maintindihan. Mas kinakausap pa niya ako kaysa kababata niya.

Nakita kong tumingala rito si Raquel. Malapit siya sa pool. Ang sexy niya sa suot niya. Buti pa siya malaki na ang dede kaya bagay tingnan sa katawan niya. Halata ang cleavage niya kasi naka-tube siyang blouse at maikling shorts. Tapos may nakasabit pang sunflower sa tainga niya.

"Wala na siya," deklara ko nang makitang nawala na sa paningin ko si Raquel. Siguro ay bumalik na sa lawn.

Bumalik naman sa pagkakasandal sa railings si Timothy. Bumuga pa siya ng hangin na parang nakahinga nang maluwag.

"Bakit mo ba kasi pinagtataguan 'yon? Kababata mo 'yon, e. Natural gusto ka niyang makasama, hindi ba babalik na kayo sa Amerika sa isang linggo?"

"I'm not hiding from her. I just don't have the energy to talk to her."

Pinandilatan ko siya. "Wala kang energy? Pero sinugod mo pa ako rito para lang asarin ako? Wala kang energy sa lagay na 'yan? 'Yong totoo?"

"I didn't come here to poke fun at you. I was really looking for you to return this."

Bigla siyang may dinukot sa bulsa niya saka inabot sa akin. Namilog ako nang mapagtantong wallet ko iyon.Ipinatong ko ang wine glass sa gilid ng paso saka kinuha iyon sa kanyang kamay. Mabilis kong binuksan para tingnan ang laman.

"I didn't take your money, don't worry. In fact, nilagyan ko pa ng laman 'yan. Kawawa naman ang wallet mo, mukhang gutom," natatawang untag niya.

Imbes na maasar ako sa sinabi niya ay natuwa pa ako nang makitang may tig-iisang libong papel sa wallet ko. Binilang ko 'yon. Namilog ang mga mata ko dahil sampung libuhing papel ang inilagay niya.

"Seryoso, akin na 'to lahat? Walang halong joke?"

Ngumiti siya sabay tango. Pero hindi pa rin ako kumbinsido.

"Baka naman may kapalit 'to, ha? Okay lang naman kung utusan n'yo ako, marunong naman ako sa gawaing bahay. 'no. Bata pa lang kami ay tinuruan na kami ng mga basic na gawaing bahay."

Tumawa na naman siya. "Silly, that's yours, in exchange for being good to me."

Napaisip naman ako. Inayos ko ang pagkakasalansan ng pera sa wallet ko. "Salamat dito, ah? Akala ko nawala na 'to. Akala ko sa ospital ko nahulog."

"I found it at the foyer."

Napatango-tango ako habang sinisipat pa ang wallet ko kung kompleto pa ang laman pero napatigil ako nang makita ang picture namin ng best friend ko. Hinugot ko iyon at muntik na akong mapatili.

"Hala! Bakit ginupit ang picture namin ng best friend ko? Asan na 'yon? Ikaw ba ang gumupit? Pambihira ka naman, Señorito! Bakit mo pinakialaman ang-"

"It's Timothy," pagtatama niya.

Napanguso ako. "Eh, bakit mo nga ginupit ang picture ni Zia? Iyon na nga lang ang pinakamatinong picture na magkasama kaming dalawa. Tapos ang mahal pa ng bayad ko sa pagpa-print no'n, tapos ginupit mo lang!"

"What's her name again?" aniya.

Napatigil ako. "Zia Lynn, bakit?"

Imbes na sagutin ako ay ngumiti lang siya sabay tingin sa kalangitan. Kita na ang mga bituin sa langit dahil pasado alas-sais na ng gabi.

Bigla siyang may dinukot sa bulsa niya. At nanlaki ang mga mata ko nang makitang picture iyon ni Zia Lynn na ginupit niya mula sa litrato naming magkasama.

"She's beautiful and her name suits her," sabi niya. Titig na titig siya sa picture ng best friend ko.

"Huwag mong sabihing type mo siya?" nakataas-kilay kong tanong.

Ngumiti lang siya ulit na parang timang. "Can you tell me more about her?"

"Ano? 'Yong totoo? Type mo nga siya? Naku! Hindi ka puwede ro'n dahil istrikto tatay no'n. Baka habulin ka ng itak kapag niligawan mo si Zia. Puro pag-aaral nga lang inaatupag no'n e. Maraming may gusto ro'n pero takot sila sa tatay niya," natatawang kuwento ko. Nasa Iloilo kasi si Zia Lynn.

"Really? Her father is that strict? Good."

Tumango-tango siya, sabay ngiti ulit at titig sa mukha ng best friend ko.

"Ano'ng good? Hindi ko nga 'yon mayaya madalas kahit sa tabing dagat lang. Hindi 'yon pinapayagang lumabas ng bahay nila basta-basta," bulalas ko.

"Because that means, no one can take her until we meet."

"Ano?! Kikitain mo si Zia?"

Ngumiti siya na parang nangangarap nang gising. "Someday, I know our paths will cross. But, can you do me a favor?"

Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?"

"Please do not tell her anything about me and about this picture I've got from you. I don't want to scare her when the time comes."

Kahit nawirduhan ako sa sinabi niya ay tumango na lang ako. Tutal malabo naman silang magkita kasi nasa Iloilo ang best friend ko at babalik na rin sila ni Señorito Gaston sa Amerika sa isang linggo.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang biglang dumating si Nanay. Mukhang kanina pa niya ako hinahanap.

"Oh? Bakit hindi ka pa rin nagbibihis? Kanina ka pa hinahanap ng Tiyang Sol mo."

Sinulyapan niya si Timothy, marahil ay nagtataka kung bakit nandito ang isang 'to.

"Ibinalik niya lang po ang wallet ko, Nay." Itinaas ko naman iyon.

Tumango si Nanay at nagpasalamat sa kanya.

"I'll go downstairs. Thanks again, Divina," paalam ni Timothy sabay pasok sa pinto para makalabas ng kuwarto.

Tumango ako at ngumisi. Sampung libo kapalit ng litrato ni Zia, okay na rin. Sana pala naglagay ako ng marami para mas malaki ang nakuha kong bayad.

"Ikaw? Bakit nagkukulong ka lang dito? Ayaw mo bang bumaba?"

Pumasok na lang din ako sa kuwarto. Sinundan ako ni Nanay.

"Eh, ano naman ang gagawin ko ro'n, Nay?"

"Siyempre, kakain. At saka dapat nando'n ka kasi para kay Tiyang mo ang party na 'yon."

Napangiwi ako sa sabay lapit ulit sa salamin.

Ang totoo, bago pa man nakapasok si Timothy kanina ay matagal ko nang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin dito sa guest room pero parang hindi ako nakukuntento sa ayos ko. Paano kasi parang manang naman ang ibinigay ni Nanay na dress, lagpas tuhod ko na. Nagmumukha tuloy akong ninang sa binyag. Tapos maluwang pa sa bandang baywang.

"Nay, kailangan ba talagang nakabihis? Kakain lang naman tayo sa ibaba, ah."

Lumapit si Nanay sa likod ko saka tinulungan akong isuot ang bestidang ibinigay niya. Inayos ang manggas nito. Tapos may nilagay siyang belt sa baywang. "Siyempre, maraming bisita ang mga Bustamante. Alangan namang magsuot tayo ng pambahay."

Imbitado kasi ang lahat ng mga trabahador ng hacienda ng mga Bustamante sa pa-party nila. Pasasalamat daw kasi tuluyan nang gumaling si Tiyang Sol. Grabe, ang lakas talaga ni Tiyang sa pamilyang 'to, nagpa-party pa para sa kanya!

"Ayan, bagay naman sa 'yo, ah. Disente kang tingnan. Alangan namang magsuot ka ng labas ang pusod at labas ang dibdib, e wala ka namang dede."

Napasimangot ako. "Grabe ka naman sa 'kin, Nay!"

"Biro lang, 'nak. Huwag ka kasing magmadali sa pagdadalaga. Darating ka rin do'n. Halika na, bumaba na tayo, baka isipin ni Tiyang Sol mo na ayaw natin sa kanila."

Itinago ko muna ang wallet ko bago sumunod kay Nanay palabas. Dinala ko 'yong wine glass kong may laman pa ring soda. Hindi ko naubos dahil hindi na malamig.

"Teka, hanapin ko muna si Tiyang mo," paalam ni Nanay nang makababa kami sa sala.

"Sige, Nay. Magsi-CR lang ako. Ihing-ihi na ako, e."

"Kaiinom mo 'yan ng soft drinks. Uminom ka ng maraming tubig, ha?"

"Opo, Nay!" mabilis kong sagot sabay nanakbo ako sa CR na malapit sa servant's quarter.

Pinihit ko ang pinto pero sarado, mukhang may tao sa loob, kaya naghanap na lang ako ng malapit sa sala. May nahanap nga ako. Pagkapihit ko no'n ay bigla namang bumukas. Nanginginig pa ang mga tuhod ko kasi parang sasabog na ang pantog ko.

"What the-!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may tao pala na umiihi. Napamura pa siya nang lingunin niya ako.

"S-Señorito! Ikaw pala? Wala po akong nakita!" mabilis kong sabi sabay sarado muli ng pinto.

Napahawak ako sa aking dibdib bago nagdesisyong tumakbo na lang papanhik sa taas. Sa guest room na lang ako na banyo iihi.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Ilang minuto akong nagtagal sa banyo ng guest room bago ko naisipang lumabas.

Nakadalawang strike na ako kay Señorito Gaston. Kainis! Bakit laging wrong timing ang pagpasok ko sa banyo? Buti na lang talaga nakatalikod siya kanina sa pinto.

Dahan-dahan akong lumabas sa kuwarto pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko. Sinampal-sampal ko pa ang pisngi ko para matauhan ako.

Nag-tiptoe ako palabas para hindi makagawa ng ingay ang mga yabag ko pero napatigil ako nang biglang may tumikhim sa likod ko nang malapit na ako sa hagdan.

Pagkalingon ko ay si Señorito Gaston iyon na mukhang kalalabas lang din ng kuwarto niya.

"Good evening, Señorito!"

Muntik na akong mautal. Ang guwapo talaga niya. Parang napakasuwerte ko dahil nasilayan ko ang mukha niya nang malapitan.

Naglakad siya papalapit sa akin habang nakapamulsa. Para tuloy biglang nagkaroon ng mga pako ang talampakan ko at nakabaon ang mga iyon sa semento kaya hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"What makes the evening good, Kitten?" seryosong tanong niya. Pero ang boses niya ay parang galit na hindi ko maintindihan.

Nakahawak na siya sa railing ng hagdan. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya lalo akong napangiwi nang makitang umarko ang kanyang labi.

Hindi kaya natatawa siya sa suot ko? Sabi ko na nga ba baduy itong suot ko. Ayaw kasing maniwala ni Nanay. Pero teka, parang ngayon lang nag-sink in sa isip ko ang itinawag niya sa akin.

"Next time, learn to knock before you enter the room, Kitten."

Napanguso ako. "Señorito, Shyr Divine po ang pangalan ko," pagtatama ko sa kanya.

Bahagya lang ulit tumaas ang sulok ng labi niya pero agad din namang bumalik sa default niyang itsura. Mukha na naman siyang galit. Kaya natakot ako.

Nilagpasan niya ako at nauna na siyang bumaba sa hagdan, pero narinig ko pa ang mariing sabi niya.

"And, next time, stay away from bigger rats, Kitten."

Ano raw? Daga? Pusa? Wala sa sariling inilibot ko ang aking paningin.

Sa laki ng mansyon na ito at mukha naman siyang malinis dahil makintab ang sahig, malabong magkakadaga rito. Lalong walang pusa rito. Ang alam ko marami silang kabayo sa kuwadra.

Napailing ako. Guwapo sana si Señorito, pero mukhang may sayad. Sad.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

703K 19.3K 35
Lee Samson is the bassist of the famous rock band The Black Slayers. Most of the time he is just quiet, just listening to every stories that his ban...
1.6M 70.4K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
104K 4.9K 27
Alecxandra was broken-hearted from her past relationships. Nang magbakasyon sila ng kaniyang best friend sa isang island resort, ang Villa Martinez...