Arken Needs

By kulitaaay

499K 12.9K 955

Reihan was twelve years old when his mother brought a ten year old boy saying he's gonna be his younger broth... More

Arken
M2M
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46: Introducing Hans side-story.
EPILOGUE
Mío

07

12.6K 336 3
By kulitaaay


Reihan's

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. I opened my eyes and as I regain my consciousness I felt someone hugging me. Kahit hindi ko tingnan kung sino iyon ay alam kong si Arken ang nakayakap saakin. I can feel his strong arms wrapped around my waist, his hair is also tickling my neck. Nakasuksuk ang mukha niya sa leeg ko.

Hindi ko siya nilingon. Ilang ulit akong kumurap sa kawalan.

We kissed. Not just him kissing me or a peck but a kiss like we're fvcking hungry for each other. Hinalikan ko siya, nakipag halikan ako sa sarili kong kapatid. Kahit na sabihin pang hindi ko siya kadugo o hindi siya kailan man naging legal na kapatid ko sa papel, lumaki pa rin kaming magkapatid ang turingan. Lumaki kaming sabay na parang totoong magkadugo, nakatatanda niya akong kapatid.

Nasabunutan ko ang sarili kong buhok.

What the hell did I do? Ano bang iniisip ko? Bakit ko siya hinalikan? Lasing man o hindi, alam ko ang ginawa ko, and the fact that I did that because I feel like doing it, and I actually liked the feeling of it, fvck, I'm really fvcking out of my mind.

Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay saakin ni Arken at naiinis na tumayo. Naiinis ako sa sarili ko. I bit my lip and looked at Arken who's sleeping peacefully. Napabuntong hininga ako at naglakad papasok sa banyo at naligo.

Habang naliligo ay inisip ko ang mga nangyari kagabi. We kissed and when I asked him a question he suddenly said that we should go to sleep, and we did. Nang tanungin ko kung ano ba talaga ang ginagawa niya saakin ay hindi naman ako nag e-expect ng sagot, what I said was more like a question to myself, ano nga ba ang ginawa ni Arken para magkaganon ako kagabi? I don't know the answer and I didn't expect him to also answer but he looked at me last night like he has a lot to say to me and do to me but he didn't voice it out. It's frustrating me. Paunti-unti ay nakikita ko ang mga hindi ko napapansin noon kay Arken, naapektuhan ang tingin ko sakanya dahil sa mga ginagawa niya saakin at ayaw ko iyong mangyari.

I want him to stay as my brother, gusto ko ay pamilya kami. Siya ang bunso kong kapatid at ako ang kuya niya, we are brothers. Ayaw kong mawala saakin si Arken dahil lang sa mga nangyayari ngayon. Sana lang ay ngayon lang to, hindi ko kakayanin kapag lumayo ang loob saakin ni Arken.

Pareho lang siguro kaming naguguluhan pero mas naguguluhan ngayon si Arken at hindi na dapat ako makisabay. I shouldn't think of anything else now, I should not think of his kisses or anything that we shouldn't do as a brother. Hahayaan kong pag-isipan ni Arken ang mga ginagawa niya, kailangan niyang mapagtanto na magkapatid kami at hindi dapat namin ginagawa ang maghalikan. Habang ako ay magiging kagaya lang ng dating kuya niya, walang malisya o ano man.

Malalim akong bumuntong hininga at sinara ang shower.

"Kuya? Nanjan ka ba?" Halos mapatalon ako nang marinig ko ang bagong gising na boses ni Arken. Napahawak ako sa dibdib ko at naiinis na kinalma ang sarili.

Kakasabi mo lang Reihan! Umakto ka dapat ng normal!

"O-Oo, tapos na rin naman ako. Maliligo ka na rin ba?" I tried everything to calm down. Kinuha ko ang twalya na nakarolyo sa lagayan at itinapis ko iyon sa ibaba ko bago binuksan ang pinto ng banyo. Bumungad saakin si Arken na naka boxer lang at gulo-gulo ang buhok. Nakatingin na siya saakin at halatang inaantok pa siya. Napalunok ako. Ang gwapo talaga ng loko.

"Good morning." Bati niya sa bagong gising niyang boses habang pinagmamasdan ang mukha ko. Lumunok ulit ako at tumango sakanya. Sana ay wag niya na banggitin ang nangyari kagabi.

"Good morning din, ligo ka na." Bati ko at mabilis ko siyang nilagpasan at mabilis na nagbihis para lumabas ng kwartong iyon. Nakakainis! Kung ano-ano na ang iniisip ko! Arken kasi! Siguro ay kailangan kong mag libang. I should divert my attention.

Sa isiping yun ay pumasok ako sa kusina at binati si mama na nagluluto na. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng mansanas. Kumagat ako roon at nagpaalam na kay mama na mauuna na sa school at sabihin na lang kay Arken na may gagawin akong maaga sa school kaya nagmamadali.

Um-oo naman siya at mabuti daw iyon dahil sasakay siya sa motor ni Arken dahil pinapatawag din siya sa school. Napakamot ako sa ulo at tumango. Nakalimutan ko na ang tungkol kay Gianna at sa parusa namin ng mga tropa ko na maglilinis ng field! At ngayon ko lang din naalala na pinapapunta ako ni sir Ian sa office niya ngayong umaga!

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at lumabas ng village para pumara ng taxi pero may biglang pulang kotse ang huminto sa harap ko. Bumaba ang bintana ng kotse at nakita ko si Elizer na nakangiti na saakin.

"Sa school din punta mo? Sakay na, first day ko rin sa school niyo ngayon." Tiningnan ko ang suot niya at uniform ng school namin yun. Brown din ang neck tie niya, ibig sabihin ay parehas ang course namin. Architecture. Napangiti ako at agad na sumakay sa kotse ni Eli.

"Angat 'a, motor lang akin 'e!" Biro ko nang makasakay na ko at nagmaneho na siya.

"Haha, it's from my dad. Bakit ka nga pala nag aantay ng taxi e may motor ka naman?" Tanong niya. Napanguso ako. Ayaw ko kasing sumabay muna kay Arken, kailangan ko muna makahanap ng malilibangan para hindi kung ano-ano ang iniisip ko kapag nandyan na ang kapatid ko. Hindi ako nakakapag isip ng tama kapag kaharap ko na si Arken.

"Si Arken gagamit nun at isasakay niya si mama, pinapatawag sa school e. May gulo kasi kami kahapon." Kwento ko. Sumulyap naman siya saakin.

"Kaya ba may bangas ka sa kilay at panga?" Tawa niya. Napasinghay ako.

"Ikaw ba naman halos kalahati ng grupo ng seniors pag tulungan ka kung hindi ka magka bangas. Mga loko 'e." Iling ko din habang napapangiwi. Nakalimutan kong lagyan ng band aid ang mga gasgas ko.

"Well, life of juniors." Ani niya. Ngumisi lang ako. Mabilis kaming nakarating sa school at sinamahan ko na rin siya papunta sa office ng secretary ng Dean. Pumasok siya don at nagpaalam na rin ako dahil naalala ko si sir Ian na pinapatawag ako sa office niya.

Naglakad ako papunta sa office niya at kumatok nang makarating na ako.

"Come in." Rinig kong hudyat niya. Binuksan ko ang pinto at nandoon si Sir nakaupo sa harap ng desk niya. Naka salamin siya at mukhang busy sa papeles na hawak.

"Good morning, sir. You asked for me po, kahapon." Paalala ko. Tumango siya at lumingon na saakin. Ilang segundo niya akong pinagmasdan bago ako sinabihang umupo sa kabilang upuan sa harap ng desk niya. Nawiwirduhan man ay umupo rin ako at nag tanong.

"What can I help you po, sir?" Tanong ko. Binitawan niya ang papeles niya at humarap saakin.

"I have some work I want to assign you with, but let me ask you first." Masungit ang boses niya. Naghintay naman ako sa tanong niya. Tumaas muna ang kilay niya bago nagsalita.

"Why are you and your friends talking about my personal life?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hala! Kailan naman ako nagkaron ng interes sa personal life niya? Wala naman akong naalalang pinag-uusapan namin tungkol sakanya bukod sa chismis na bakla daw siya? Hindi naman nga ako naniniwala at wala din akong pake. Isa pa bakit ako lang ang pinapunta niya dito at hindi kasama sila Liam? Hibang din si sir.

"Sir? Hindi ko po maintindihan." Ngumisi naman siya sa sinabi ko.

"I heard everything, you and your friend were talking about me being in a gay club." Iyon ba ang sinasabi niya? Sus, syempre nasa college university siya. Normal dito ang chismis. Pero naiintindihan ko naman siya.

"Sorry po sir, my friend were just being goofy when he told us that he saw you inside a gay club. I know we shouldn't talk about your sexuality or anything po, but know that the rumors about your sexuality didn't came from us." Paliwanag ko. Lintek kasing Liam, ang daldal! Nginisihan ulit ako ni sir na ikinakunot ng noo ko. Kanina pa siya ngisi nang ngisi, hindi bagay!

"I know that the rumors didn't came from you or your friends, my question was why did y'all talk about it?" Napanganga pa ako kay sir. Ano daw? Naguguluhan ako.

"Ahh? I don't really remember how it happened po, basta nasabi na lang na bakla daw po kayo. Hindi naman po ako naniniwal-"

"I am gay." I gaped at him when he suddenly said that. Totoo? Hindi halata. Pero bakit naman napunta ang usapan dito? Akala ko pagagalitan niya lang ako! Ang gulo!

Natigilan ako nang bigla siyang tumawa sa reaksyon ko. Literal na nakanganga kasi ako sa mukha niya. Itinikop ko ang bibig ko.

"I just wanted to know why are y'all talking about my sexuality, seems like someone is interested." He teased. Hindi ko alam kung paano mag-re-react. Si sir pogi ba talaga tong kaharap ko? Bakit nagbibiro 'to? Masungit lang dapat siya! At sinong interesado? Definitely not me!

"Seer?" Nagugulat ko na lang na tugon. Tumawa ulit siya samantalang naguguluhan pa rin ako.

"Nagbibiro lang ako, chill out Mr. Cubo. Anyways, help me distribute the new PE uniforms to the freshers." Tumango naman ako kahit na nawiwirduhan pa rin sakanya. Ano naman nakain ng prof na to at nagbibiro saakin? Tumayo na siya at may binuksan na malaking cabinet. Laman niyon ay ilang bag ng PE uniforms ng school namin. Inayos ko ang sarili ko at tinulungan siyang ilabas ang mga iyon.

"What time is your first period?" Tanong ni sir.

"9:00 po, maaga pa naman." Mag aalas otso pa lang naman.

"Good, ipagpapaalam na rin kita kung hindi tayo matapos nang maaga." Tumango ako at nauna na sakanya na lumabas. May dala akong dalawang bag ng PE uniforms at ganon din si Sir. Naglakad kami sa quadrangle papunta sa building ng mga freshers.

Binilisan ko ang pag distribute ng mga PE uniforms sa mga first year. Si Sir Ian ay humiwalay saakin para raw mabilis kaming matapos. Ang hassle naman ni Sir. Dati kami ang pumupunta sa office ng PE prof para kumuha ng uniform 'e.

"Reihan," Lumingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Harper na nakangiti na agad saakin. Natawa ako sa mukha niya. Parang aso kung makangiti.

"Morning, Harper. May PE uniform ka na ba? Ano size mo, kuha ka ng sukat mo diyan." Tinuro ko sakanya ang dala kong dalawang bag. Lumawak naman ang ngiti niya at kumuha nga ng pares ng uniform.

"Good morning din, Reihan. Hinahanap ka pala ni Arken." Natigilan ako sa sinabi niya at tumingin sa likod niya. Hindi niya kasama sila Hamdel at Arken.

"Talaga? Bakit daw?" Tanong ko.

"Ewan ko dun, hindi pa ata sapat na kasama ka niya sa bahay niyo." Tumawa siya at tinulungan akong mag buhat ng dala ko. Naglipat kami ng bagong room na hindi pa nabibigyan. Nakita ko dun si Hamdel at mukhang eto ang room nila para sa first period. Pero wala si Arken. Naalala kong pinapatawag nga pala siya kasama si mama sa Dean office.

Kusa na silang kumuha ng uniforms na size nila kaya tumayo na lang ako doon. Kumuha na rin ako ng isang size ni Arken para sakanya. Maya-maya ay umingay ang klase nila.

"Diba kapatid yan ni Arken, nabuntis daw nun si Gianna." May pumasok na grupo ng mga lalaki at rinig na rinig ko agad ang pinag uusapan nila. Napa irap na lang ako. Bwesit talagang chismis yan. Bwesit din ang Gianna na yun, nag iinit agad ang ulo ko kapag naririnig ko ang pangalan ng babaeng yun. Kung bakit ba kasi pumatol dun si Arken. I tsked. Porke maganda pinatos niya agad! Ang liit naman nga. Kainis.

"Hindi daw sigurado pre, mukhang maraming lalaki yung si Gianna." Rinig ko pa. Napasinghay ako.

"Hoy kayo, kumuha na kayo ng PE niyo dito, bilis!" Tawag pansin ko sakanila. Lumingon naman sila saakin at agad na tumango. Kung pwede lang sana mang kutos ng freshers ay ginawa ko na.

"Papansin niyo, Trex 'a. Lalakas ng boses niyo, wag niyo lang ipaparinig kay Arken yan." Si Harper. Hindi naman kumibo yung mga lalaki. Napa irap na lang ulit ako. Ang aga-aga naiinis na ako.

"Ang alin?" Pareho kaming natigilan ni Harper nang marinig namin ang boses ni Arken. Lumingon ako sakanya at nakatingin na siya saakin. Walang emosyon ang mukha niya at nakapamulsa siyang naglakad palapit saakin. Agad ko namang inabot sakanya ang uniform niya.

"Sayo, PE." Inang yan. Bakit parang nag pa-panick ako? Kapatid mo lang yan, Reihan!

Tiningnan niya ang inaabot ko at sinulyapan ang mga dala kong bag.

"Harper, kayo na niyan. Kakausapin ko lang si Kuya." Nanlaki ang mata ko nang hilahin niya ako palabas.

"O-Oy! May ginagawa ako, Arken. Ano ba sasabihin mo?" Pinigilan ko ang manerbyos habang nagtatanong. Magtatanong ba siya tungkol kagabi? Wag naman sana.

Dinala niya ko sa isang walang laman na room. Pumasok kami dun at sinara niya ang pinto. Hinila niya ko paupo sa lamesa at humarap siya saakin.

"Bakit ang aga mo namang umalis, kuya?" Tanong niya agad at kinuha ang hawak-hawak ko pa rin na PE uniform niya.

"Y-Yan nga, kailangan ko mamigay niyan. Utos ni sir Ian namin." Rason ko. Hindi naman siya kumibo at tumitig lang saakin kaya nagsalita ulit ako. "Ano nangyari sa usapan niyo ng mga magulang nila Gianna? Si Mama?" Curious kong tanong. Bumuntong hininga naman siya at may kinuha sa bulsa niya na kung ano at lumapit saakin lalo.

Kumalabog naman ang dibdib ko nang ilapit niya ang mukha niya saakin at hinaplos bigla ang pasa ko sa panga at sugat ko sa kilay.

"A-Aray, Arken!" Saway ko. Tangina talaga. Bakit ba kalabog nang kalabog tong dibdib ko? Normal naman dati kapag ginagawa to sakin ni Arken!

"Umalis ka kaagad, papahiran ko pa nga sana yung butas mo sa dibdib at itong sa mukha mo." Malumanay niyang sabi at may inilabas na ointment sa bulsa niya. Nilinisan ko naman kanina ang butas ko sa utong habang naliligo. Napalunok ako nang pahiran niya nga nun ang sugat ko sa kilay at sa panga ko. Akala ko pati sa utong ko papahiran niya pero ipinasok niya na ulit sa bulsa niya ang ointment niya at may inilabas na band aid. Nilagay niya yun sa kilay ko at pagkatapos ay nagsalita ulit.

"Gina was pressured to tell the truth in front of her parents, sinabi niya na kung sino ang totoong ama nung bata." Mahina niya ulit na sabi habang inaayos ang band aid ko sa kilay na nilagay niya. Ang lapit niya at naaamoy ko ang mabango niyang hininga. Tumikhim naman ako at nakaramdam ng inis dahil sa Gianna na yun na hindi niya naman nga maayos-ayos ang pag tawag. Hanggang ngayon gumi-Gina pa rin siya.

"Tsk, ulitin mo ulit, sa ibang babae naman. Gusto mong ginagawa yun, diba?" Inis kong sabi sakanya. Hindi naman siya kumibo agad kaya umirap ako. Hindi ko malaman pero naiinis talaga ako ng sobra ngayon.

"Hindi ko na ulit gagawin yun sa iba." Nagulat naman ako sa huli niyang sinabi. Sa iba?

"Ano?" Inis kong singhal.

"Wala." Umiwas siya ng tingin at nagpamulsa ulit. Tatayo na sana ako para umalis na dahil may ginagawa pa ako pero nagsalita siya ulit.

"You kissed me." Parang nanghina ang mga tuhod ko sa pag banggit niya sa nangyari kagabi. Shit. Kala ko lampas na kami diyan! Kainis talaga.

"Ha? Kailan?" Pagkukunwari ko. Kinunutan niya naman ako ng noo bago mahinang natawa. Napatitig ako sa natutuwa niyang mukha. Napayuko pa siya ng konti habang natatawa.

"Kuya, alam kong naaalala mo." Nginisihan niya ako. Natahimik ako. Bakit parang normal lang sakanya ang mga nangyayari? Nakakalimutan niya bang kapatid niya ako?

"Kalimutan mo na yun, Arken. Hindi na yun mauulit, lasing lang ako, at nadala ka. Magkapatid tayo, hindi dapat nangyari yun." Seryoso kong sabi at nagmamadali siyang iniwan. Sapat na yung palihim mo saaking ginagawa iyon, hindi na dapat ako dumagdag pa. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad at may konting kirot doon na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Napasinghay ako. Ano ba talaga 'to?

Bumalik ako sa mga bag na dala ko at walang lingon-lingon na kinuha ang mga iyon. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at nang matapos ay naglalakad na ako papunta sa office ni sir Ian nang may biglang tumulak saakin at nadaganan ako mula sa likod. Natumba ako padapa.

Napadaing ako sa sakit at galit na lumingon sa kung sino ang dumagan saakin.

"Get up, you weren't paying attention to your surroundings. Muntik ka na matamaan ng bola." Sabi ni Gaston, ang team captain ng basketball sa school na 'to. I glared at him. Ang kapal ng mukha. Ang tanga!

"Paano ako tatayo 'e nakadagan ka saakin? Alis!" Tinulak ko siya at tumayo. Bwesit talaga ang araw na 'to! Ang swerte-swerte! Lintek. Humarap muli ako kay Gaston at sinamaan siya ng tingin. Nakakunot na rin ang noo niya saakin.

"Lintek ka!" Singhal ko at tatalikod na sana nang hawakan niya ako sa braso. Inis ko siyang nilingon.

"Bakit ka galit? Iniligtas na nga kita sa bola?" Parang hindi pa siya makapaniwalang galit ako. Inis ko namang inagaw ang braso ko sa hawak niya. Bwesit din ang lalaking 'to. Kilala nga siyang spoiled brat dito sa school dahil mayaman talaga ang pamilya niya, bully at playboy din daw 'to pero pati ba naman ako ay iinisin niya? Nakilala ko lang siya dahil binully niya noon ang isa sa mga kaklase ko. He's a sophomore and already a team captain. Mayaman at may kapit 'e. Pero hindi ako takot sa mga taong katulad niya.

"Hoy ikaw, mas mabuti nang natamaan ako ng bola kesa nadaganan mo ako." Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. "Ang laki-laki mo at parang nabalian mo pa ako! Tsk, hindi nag-iisip." Singhal ko. Tinalikuran ko siyang nabibigla at nakanganga saakin.

Sana ay may ise-swerte pa ang araw kong ito. Bwesit!

END OF CHAPTER 7

Continue Reading

You'll Also Like

627K 42.1K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
193K 10.7K 53
R-18 | COMPLETED | BxB UNDER EDITING Ever since he was born, Jeremiah Yvan Pacheco has been self-reliant. He was still rather young; therefore, he mo...
46.7K 1.8K 27
[WARNING: R-18] [BL] A mascular man who dislikes couples of the same sex. Every time he sees a boyfriend of the same sex, he becomes irritated. For h...
23.3K 867 57
"I thought I had it all figured out-a perfect life with a planned future. Then you came along, adding colors to my black-and-white existence. Now, I'...