Ark and Apple || Flood in Eden

By JomGamerland

75.4K 5.1K 1.8K

The Time Traveler's Boyfriend Book 1 and 2 (Book 1 Ark and Apple Published under Pop Fiction) "How can you mi... More

꧁༒༺🦉༻༒꧂
(Book 1) Chapter 1: I'm a Little Teapot
Chapter 2: Not Their First Meeting
Chapter 3: Section 1
Chapter 4: I Hate Him
Chapter 5: Amorphous
Chapter 6: Seven, Eight, Nine, Ten
Chapter 7: Kailan?
Chapter 8: Love Not Lust
Chapter 9: Cucumber
Chapter 10: Ang Vomit na Third Wheel
Chapter 11: Ang Ka-L.D.R. ni Noah
Chapter 12: Before 12 PM
Chapter 13: Owlie
Chapter 14: Baril-barilan
Chapter 15: Their First Kiss
Chapter 16: Today, Tomorrow, Yesterday
Chapter 18: Noah's A. and Adam's A.
Chapter 19: Walking Encyclopedia
Special Chapter: The Lonely Neighbor
(Book 2) Chapter 1: His Childish Side
Chapter 2: Saling-Pusa
Chapter 3: Flames of Honesty
Thank You
Chapter 4: Use Protection
Chapter 5: Pseudo Time Traveler
Chapter 6: Habambuhay
Chapter 7: Ang Bata sa Palengke at ang Bata sa Palayan
Chapter 8: Ang Bata sa Simbahan
Chapter 9: The Missing Piece
Chapter 10: Tamang Panahon
Chapter 11: Noah's First
Chapter 12: Moment of Truth
Chapter 13: Unearthed Feelings
Chapter 14: Puno ng Narra
Chapter 15: The Time Traveler's Ex Boyfriend
Chapter 16: The Cleaners
Chapter 17: The Magician
Chapter 18: The Musician
Chapter 19: Her Last Wishes
Chapter 20: How to Heal Your Inner Child
Cast, Trivia and Message from Author
Chapter 21: Those Who Matter
Chapter 22: T.A.D.
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Noah's Journal
Chapter 25: Happy Memories (FINALE)
Love Language
❤️ARK AND APPLE IS NOW IN POP FICTION
🥰"Ark and Apple" under Pop Fiction now in Shopee and Lazada
📸 Readers and the Book (Part 1)
🇺🇸 My books finally arrived here in the USA
📸 Readers and the Book (Part 2)

Chapter 17: Circa 1996

1K 122 14
By JomGamerland

Noah:

Para akong nasabugan ng paputok sa mukha. Nakanganga pa ako nang marinig ang sinabi niya petsang kanyang pinagmulan. 

Natameme ako sa sinabi ni Adam. Kaaway ko lang ito kanina sa condo. Nakayuko siya sa harapan ko. Walang damit. Nakakunot ang kanyang noo at magkasalubong ang kanyang mga kilay. Ang mga mata niya ay tila nagsusumamo mula sa mga bagay na natuklasan niya. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka sa mga nangyayari.

Pucha! Bakit sa dinami-rami ng Adam na darating, itong abnuy na ito pa? Badtrip! Anong gagawin ko? Sinabi ko sa kanya kanina na ime-meet ko ang boyfriend ko ngayon. Na-guilty pa ako sa kanya habang binubulyawan ko siya sa kuwarto kanina. Nagmamadali pa akong lumabas ng kwarto habang iniwan ko siyang tulala sa tapat ng cabinet.

What the fuck talaga! Me and my big mouth!

Nahulog ko ang mga dala kong gamit dahil sa nerbyos. Napahampas ako sa mukha ko. Sa lahat ng madadala kong damit, damit pa talaga niya mismo? Marahil ay hindi ko na napansin dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko na napansin ang mga isinilapak ko sa loob ng aking bag.Agad na dinampot ni Adam ang tuwalya na green at pinangtakip sa harapan niya.

Tangina talaga! Sino ba kasi sa kanila nagsabi sa akin ng petsa na ito at nakalimutang sabihin ang pinaka importanteng bagay, na ngayon magkakabukingan! Putragis! Think, Noah. Think!

"Ah... eh..." Nauutal pa ko bago ako magsalita. "So, baka nagugulat ka, ha? Simula kasi nang naging close tayo sa hinaharap, ako na binilinan mo na susundo sa iyo palgi."

Hindi talaga ako mapakali. Ang tagal ko nang pinaghandaan ang araw na ito pero balewala lahat ng preparasyon ko.

Nagbibihis na si Adam. Nakita kong inaangat niya ang kanyang tuwalya habang pinipilit na isuot ang kanyang salawal. Mabilis akong napatalikod. Nakapikit ang aking mga mata na tila hindi ko pa nakikita ang bagay sa kanyang harapan.

Marahan ko siyang nilingon. Binubotones na niya ang kanyang pantalon. Matapos niyang isuot ang dala kong pantalon ay sunod niyang isinuot ang mga sapatos. Ibinalik niya sa mukha ko ang kanyang mga tingin. Tikom pa rin ang kanyang bibig. Tila inaaral niya ang bawat salita at paliwanag na nagmumula sa aking mga labi,

Nakatitig lang sa akin si Adam na parang naguguluhan sa mga nangyayari. Ang maamo niyang mukha na tila isang anghel na nagmula sa isa sa mga sikat na paintings. Ang maganda niyang buhok na nagiging ginto sa sinag ng araw. Ang mga mata niyang bughaw na tila malalim na dagat na naghihintay sa pagsisid ko.

Sa kabila ng lahat ng ito ay wala pa rin siyang imik. Hindi ko maintindihan ang kanyang reaksyon. Nakatitig lamang siya sa akin habang ako ay hinahanap ang tamang mga salitang sasabihin ko.

"Hindi ko siguradon kung naalala mo pa ang mga sinabi ko sa iyo sa condo bago ako umalis," patawa kong sabi. Mukha na akong tanga sa mga sinasabi ko. Tumatawa lang ako na parang ewan. "I was just kidding about my boyfriend!"

Itinaas ko ang damit na dala ko sa harap ni Adam upang makita kung kakasya ba ito sa kanya. Ang t-shirt na nakuha ko ay sa akin naman. Medyo mas masikip ng di hamak sa karaniwan niyang sinusuot. Patuloy lang ako sa pagsasalita dahil kinakabahan na ako sa magiging reaksyon nito.

Puta talaga, hindi ako prepared!

"Ayan, mukhang kasya naman ito sa iyo," dagdag ko pa.

Sige lang Noah. Lie pa more. Mag live selling ka sa kanya kung gusto mo. Hindi sumasagot si gago. Nakatulala lang ito. Wala na akong maisip na ibang script. Hindi siya mukhang natutuwa ngunit hindi rin siya mukhang nagagalit.

"Are you okay?" tanong ko.

Hindi niya isinuot ang damit ko. Pantalon at sapatos ang tangi niyang sinuot habang nanatili siyang topless. Napatitig ako sa walong pandesal sa kanyang harapan. Marahan kong hinawakan ang kanyang malapad na balikat. Wala siyang pangitaas kaya nagtama ang aming mga balat.

"Nahulog ka ba sa ligtas na lugar?" dagdag ko pa.

Ibinaba ko ang aking kamay sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang tibok ng kanyang puso mula sa palad ko. Ang init na nagmumula sa kanyang katawan ay hinihigop ang nanlalamig na palad ko.

Wala pa rin siyang reaksyon. Nakapako sa akin ang kanyang mga mata habang hinahayaang hawakan ko ang kanyang makisig katawan. Itinaas ko ang aking kamay. Hahaplusin ko sana ang kanyang pisngi nang bigla akong natigilan.

"Anong lalabas sa lotto bukas, Adam?" pagtatangka kong biro. Mukha na akong tanga sa mga sinasabi ko. Si abnuy, hindi man lang natatawa.

Tangina, hindi ko na alam ang sasabihin. Nakatitig lang sa akin si Adam. Halatang naguguluhan ito sa aking mga sinasabi. Hindi ko alam kung galit ba siya o natatakot. Hindi siya sumasagot! Napabuntong hininga akong muli.

"I know this is a lot to take in. This may be the first time for you but not for me," seryoso na ang tono ko makakuha lang ng sagot sa kanya.

Hindi muna kailangang malaman ni Adam ang totoo. Alam ko namang hindi niya pa ako gusto. Alam kong nasa ibang tao pa rin ang puso niya. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko. Kung darating man ang araw na magiging magkasintahan kami ipapaubaya ko na sa tadhana. Hindi na ako maghihintay. Hindi ko na ipipilit ang nais ko. Sapat nang mahanap ko siya at makilala sa totoong buhay.

"Don't worry! After the Quiz Bee, let's act like nothing happened," saad ko. Marahan akong yumuko. Tuluyan ko nang inalis ang tingin ko sa pares ng magagandang sapiro. Napaatras ako sa kanya, akmang aalis na ako. "I won't tell anyone about your secret just as I always do."

Unti-unti nang nagkakaroon ng reaksyon sa mukha ni Adam. Mukhang nauunawaan na niya ang mga sinasabi ko.

"After the quiz bee, you can return home. And everything will be back to normal," ang mga huli kong sinabi sa kanya.

Tatalikod na sana ako nang biglang hilain ni Adam ang kamay ko at pinaharap niya akong muli. Paglingon ko ay nakapandong na sa ulo ni Adam ang tuwalya na green. Nakangiti siya sa akin. Nakatitig ako sa mukha niya na unti-unting lumalapit, gumagwapo, umiikli ang distansya sa mukha ko sa bawat segundo.

Hinila niya ako at bigla niya akong hinalikan.

Tumigil ang oras.

Ang palibot ay tila naging talampas. Ang music room ay tila naging isang magandang tanawin. Ang pisara sa aming gilid ay naging isang malaking puno ng Narra na nagpapaulan ng mga dilaw na talulot.

Sa dikit ng mga labi namin ay sabay kaming napapikit. Tila may preskong hangin na umihip sa aming mga buhok. Nakarinig ako ng mga huni ng ibon. Ng mga kaluskos ng mga dahon. Nalanghap ko ang sariwang simoy ng mga bulaklak.

Alam na ba niya na magiging boyfriend ko siya? Naging kami ba between now and anytime tomorrow? Habang magkadikit ang aming mga labi ay para akong lumulutang sa langit. Sa dami-rami ng pagkakataong hinalikan ako ng future versions niya, bakit parang ibang-iba ito? Ang bilis ng tibok ng puso ko!

Matapos niya akong halikan ay tinitigan niya akong mabuti. Natulala ako sa ginawa ni Adam. Kitang-kita ko ang seryosong mukha nito. Wala na ang masungit niyang mukha na palagi kong nakikita sa kanya.

"Noah," malambing niyang bigkas. "Kung kailan sigurado na ako sa feelings ko, at saka matatapos ang lahat?"

Napakagat ako ng labi. Nakatitig lang siya sa akin na tipong nagsusumamo. Nakakaakit talaga ang kulay asul niyang mga mata na mas maganda pa sa lahat ng dagat na napuntahan ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Minsan sa buhay ko ay may mga pagkakataong inisip ko kung paano niya ako tatanuningin ng bagay na iyon. Madalas akong magmunimuni noong bata pa ako habang nakatingala sa kanya sa ilalim ng puno.

Kung sino kaya sa amin ang unang aamin tungkol sa aming nararamdaman?

Kung sino kaya sa amin ang magtatanong?

Kung sino sa amin ang magbibitaw ng mga katagang sisindi sa ikot ng aming kapalaran?

Hawak-hawak niya ang mga pisngi ko habang seryoso siyang nakatitig sa akin. Nagsimula siyang ngumiti, mga ngiting ang tagal kong hindi nakita. Dahan-dahang may lumabas na mga salita mula sa kanyang bibig. Mga salitang ang tagal kong hinintay.

"Noah, can I be your boyfriend?"

He finally asked the question of the century. The words that I longed for. Just like the northern wind that keeps whispering to my ears whenever I lay down under the tree.

Sa mga sandaling iyon ay tila bumuhos sa akin ang lahat ng alaala ng aking kabataan. Ang mga masasayang araw na aking naranasan. Ang mga masasayang araw na mararanasan pa niya kasama ang batang ako pagdating ng panahon.

Napakagat ako ng labi. Ramdam ko ang pagtutubig sa aking mga mata. Ang ilang taong paghihintay sa kanya ay sa wakas, mayroon nang panimula. Napalunok ako ng laway. Hinahanap ko sa aking puso ang mga tamang salitang dapat kong sambitin.

"Please, be my boyfriend Noah Arroyo," dagdag pa niya. "Please, say yes."

Hinaplos niya ang pisngi ko. Sa kanyang mga kinikilos ay nababakas ko na ang mabait na kuya na kinalakihan ko sa ilalim ng puno.

"Noah, I really don't understand how you found out about my ability but I have a gut feeling that I won't get to ask you another time if I let this pass."

Humihikbi na ako. Naalala ko ang mga pinagdaanan niya. Ang mga pagdadaanan pa niyang pagsubok. Ngunit sa mga pagkakataong ito ay kasama na niya ako. Hindi na siya mag-iisa pa.

"The past months have been the best day of my life," ani ni Adam. Hinalikan niya ang pisngi ko. Paakyat sa aking noo at muli niya akong tinignan. "You feel like home. I feel safe whenever I'm with you. You feel so warm unlike the frozen lake and the snow in our backyard in Finland. You made me appreciate life. Matagal ko nang tanggap na tatanda akong mag-isa, until you came. So please, don't leave me after the Quiz Bee. Be with me forever, Noah."

Pinakinggan ko lang siya. Panay ang halpos niya sa pisngi ko habang panay ang kanyang kuwento. Sa aming dalawa ako naman ang naging tulala.

Marahan siyang napayuko. Marahil ay nalungkot siya dahil kanina pa ako hindi makasagot.

"Are you okay? Sorry, okay lang kung ayaw mo," malungkot na dugtong ni Adam.

Aalisin na sana niya ang mga palad niya sa pisngi ko. Ngunit agad kong sinalo ang mga ito. Ibinalik ko ang mga palad niya sa aking mga pisngi at lalong idiniin ang mga ito sa aking mukha.

Nginitian ko siya. Hindi na ako nag-isip pa. Hinayaan kong lumabas sa bibig ko ang mga salitang kay tagal nang nag-aabang upang ihandog ko sa kanya.

"You have no Idea how long I've waited for this day," bigkas ko. Muli kaming napatitig sa mata ng isa't isa. Gusto kong maghanap ng mapa dahil tila naliligaw ako sa mga titig niya na ayaw akong bitawan.

"So? Anong sagot mo? Can I be your boyfriend?" muli tanong ni Adam.

Natatawa ako sa tanong ni Adam. Yumuko ako sa kanya upang pagdikitin ang aming mga noo. Hinawakan ko ang isa niyang pisngi. Sinugurado kong naroon siya, totoo, humihinga, at hindi naglalaho bago ko ibigay ang sagot ko.

"Yes, Adam Ambrosi," sagot ko. Natawa akong kaunti. "You've been my boyfriend since 1996."

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat.

***

Year: 1996, Batanes

"Hey, why are you late?" tanong sa akin ni Kuya Adam

Nakangiti siya sa akin habang nakayuko. Pinipilit niyang itago ang kanyang katawan sa likod ng puno habang natatawa sa aking pagtakbo.

Kumakaripas ako mula sa kakahuyan. May dala akong damit at mga colored papers. Napayuko ako sa kanyang harapan habang hinihingal pal. Inabot ko agad ang mga damit kay Kuya Adam habang tinatakpan ng mga papel ang aking mga mata.

"Sorry Kuya, may mga projects lang. Hindi ko rin matapos kasi wala si Dad and Lola to help me," paliwanag ko.

Ilang araw ko na ring inaabangan si Kuya Adam. Madalas ay narito na ako sa ilalim ng puno tuwing hapon. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa pagod o tuwa na makita siya ang sanhi ng bilis ng tibok ng puso ko.

Nang matapos magbihis si Kuya Adam ay napaupo ito sa damuhan. Agad ko ring siyang tinabiham at inilatag ang mga papel na dala ko sa aming harapan.

"So, tungkol saan ang project mo? Maybe I can help, Noah," alok ni Kuya Adam. Sinimulan niyang haplusin ang buhok ko na siyang pumawi sa pagod ko.

"It's for art class. We need to make an artwork that represents our name. Parang show and tell," saad ko. Sinubukan kong tupiin ang mga dala kong makukulay na papel upang maghugis barko.

"So anong naiisip mong gawin?" usisa ni Kuya Adam. Panay ang tingin nito sa akin na tila natutuwang makausap muli ang batang bersyon ng kanyang nobyo. Panay ang pagtaas ng kanyang mga labi sa tuwing lilingunin ko siya.

"Paper boat po. A really big boat!" masayang tugon ko.

Napakalas ng aking boses na tila ba eksperto at alam ang gagawin ko. Ngunit sa aking harapan ay mga papel na hindi ko alam kung tama ba ang aking pagkakatiklop.

Nagsimulang matawa ang binatang katabi ko. Kinurot niya ang aking isang pisngi habang kinukuha ang isang papel.

"You are so bright, you know that? My little Apple!" nakangiting sambit ni Kuya Adam.

"Kuya, hindi ako si Apple. Noah po ang name ko!" Hinawakan ko ang pisngi ko matapos pisilin ni Kuya Adam.

Sa mga oras na iyon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit madalas niya akong ihalintulad sa isang mansanas. Hindi ko sigurado, pero malamang ay may naalala siya mula sa hinaharap. Pinanood ko lamang siyang tumawa habang tinutupi ang papel na dala ko. Makukulay na papel, marahil ay kasing kulay ng magiging pagsasama namin balang araw. 

Continue Reading

You'll Also Like

653K 23.5K 42
"Love is a matter of love, not a matter of gender." 051019 Date started 03302020 Date Completed
56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...