Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

727K 28.2K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 2

16.7K 601 275
By LadyAva16

Inis na inis pa rin ako pagdating ko sa bahay namin ni Lolo. Sino ang hindi maiinis kung ang lalaki palang pinapantasya ng kaibigan ko at ang nakababatang senyorito ay iisa lang pala sa lalaking nagnanakaw ng halik sa akin. 

May lakas na loob pa talaga itong pagtawanan ako sa harap ng kaibigan ko kanina. Hambog! Akala niya naman gwapong-gwapo ako sa kanya. Si Amor din naman kasi,masyadong nagpapahalata. Feeling tuloy ng kumag na yun siya ang pinaka gwapong maligno sa balat na lupa.

Akala niya siguro lahat ng babae dito sa lugar nila mahuhumaling sa kagwapuhan niya. Pwes ibahin niya ako. Kahit kulay asul pa ang mga mata niya, hindi ako madadala sa karisma niya. Never! never! never! 

"Apo, andyan ka na pala." tawag ni lolo ng mapansin nyang dumating na ako. "Mag-init ka ng tubig, pupunta si senyorito dito mamaya may pag-uusapan kaming mahalaga." sabi nito at lumabas ng bahay para siguro mag-abang kay senyorito...Gustavo?

Napaisip pa ako dahil hindi naman binanggit ni Lolo kung sinong senyorito ang pupunta dito. Pero sa tingin ko sa senyorito Gustavo, siya kasi ang alam kung tumutulong kay Senyor Gideon sa pamamahal dito sa hacienda nila, hindi yong hambog na yon dahil mukhang puro kalokohan lang naman ang alam nun.

Mabilis kong nilinisan ang takuri at nagpakulo ng tubig. Magluluto din ako ng minatamis na saging baka sakaling gustong kumain ni senyorito Gustavo.Hindi naman siguro maarte yon, pero kung hindi niya naman kakainin ayos lang. Tiyak na pupunta si Amor dito mamaya para kulitin ako may ipang meryenda ako sa kanya.

Habang naghihintay na kumulo ang tubig, sinabay ko na rin ang pagluto sa minatamis. Hininaan ko lang ang apoy para masarap ang pagkakaluto.

"Lo, anong gusto niyong ulam natin mamaya?"  sigaw ko mula sa loob ng bahay pero hindi ko narinig ang sagot niya. Balak kong magluto ng pinakbet at paksiw na tilapya sa gata na may halong talong. Sadyang nagtira ako ng gata para dito, dahil kahapon ko pa gustong mag-ulam nito.

Dahil hindi sumagot si Lolo pumunta ako sa likod para kumuha ng mga gulay na kakailanganin ko. Talong, okra, siling mahaba, at luya lang kinuha ko, meron pa kasing natirang kalabasa at sitaw sa loob. Madami kaming tanim ni lolo kaya hindi kami kinakapos sa ulam, bigas lang ang pinoproblema namin dahil may ginawa ding maliit na fishpond si lolo sa unahan para sa mga tilapya.

Saktong pagbalik ko kumulo na ang tubig at naluto na rin ang minatamis na saging.Hinango ko ito at mabilis na nagtimpla ng kape.

Ilang minuto lang din ang lumipas ,may narinig akong paparating na yabag ng kabayo kaya binilisan ko na. Kailangan kong madala ito sa labas bago pa makababa ang senyorito. Kahit kasi sinabi ni lolo na mabait ang senyorito Gustavo natatakot pa rin ako sa awra niyang mukhang laging galit.

"Lo, saan ko ito ilalagay?" tanong ko pero walang sagot. Sinilip ko sa labas, andun pala si Lolo nakipagtawanan sa byuda naming kapitbahay si Aling Edna. Ang lolo ko pumapag-ibig pa ata.

Tiningnan ko din kung sino ang may-ari ng kabayo pero hindi ko ito nakita. Tanging ang kabayong kulay itim lang ang andun nakatali sa puno ng niyog sa unahan. Itim? Hindi naman siguro ito yong kabayo na nakita ko sa burol ano?

"Lo, andito na ang kape niyo. May minatamis na saging din akong niluto." tawag ko kay Lolo mula sa labas ng bahay. Iniwan ko na din ang kape nila sa lamesang kawayan na gawa ni lolo. 

Lumingon lang ito sa akin at tumango at muling nakipagtawanan kay Aling Edna. Naiiling na lang akong pumasok sa bahay. Kahit pala may edad na uso pa yon? Mukha kasing kinikilig pa silang dalawa e.

Maaga pa naman pero kailangan ko nang magluto ng maaga. Minsan kasi maagang kumakain si lolo ng hapunan dahil gustong tumambay sa labas. Ngayon ko lang narealize na kaya pala madalas itong tumatambay doon kina Aling Edna dahil mukhang nagkakamabutihan na sila. Hindi na ako magtataka kung isang araw dito na nakatira si Aling Edna sa amin. Wala namang problema sa akin, nababaitan din naman ako sa kanya. Basta ba masaya ang lolo ko, ayos na ako doon. 

Kaya pala nitong huling mga araw napansin kong napdalas ang pagbigay-bigay nito ng papaya kay lolo, yun pala may something na sila. Ang lalaki pa naman nung papaya niya, ang tatamis pa.

Mula dito sa kusina dinig ko ang tawanan ni Lolo at ng kausap niya. Nanibago ako dahil nung huling punta ni senyorito Gustavo dito tahimik lang naman sila ni Lolo, akala ko nga wala itong kausap sa sobrang tahimik nila. Nakarating at nakauwi na lang ang senyorito ng hindi ko namalayan. 

"Camilla, apo, masarap daw ang minatamis mo sabi ng sensyorito. Naubos niya ang nilagay mong minatamis para sa kanya, nagustuhan niya rin ang kape na tinimpla mo."

Wee? 

Wala namang espesyal sa kape na ginawa ko. Instant coffee lang naman yun, saka ang minatamis na saging wala din naman akong dinagdag doon maliban sa asukal at gata. Nagtataka akong tumingin kay lolo, akala ko nagbibiro lang ito pero seryoso naman ang mukha niya kaya nagkibit balikat na lang ako. 

Weird naman ni senyorito Gustavo. Sabagay, siguro ngayon lang ito nakakain ng ganun klaseng pagkain, mayaman e.

"Salamat Lo, nga pala nakapagluto na ako ng ulam." tinuro ko ang dalawang nakasalang na ulam sa lutuan. "Pakbet at ginataang paksiw na tilapya, Lo."

"Kaya naman pala umabot hanggang doon sa labas ang bango. Ang swerte ko talaga sayo, apo, maganda na matalino pa, plus masarap pang magluto." 

Bahagya akong natawa sa papuri ni Lolo, iwan ko ba sa kanya, para sa akin wala namang espesyal sa mga ulam na niluluto ko pero si lolo sarap na sarap talaga dito.

"Umuwi na si senyorito, Lo?" tanong ko ng mapansing bitbit na pala ni lolo yung pinag-kapehan nila.

"Ah hindi pa, andun sa mga kapitbahay nakipag kamustahan. Bilib ako sa batang yun ang galing makisama. Dinig mo ba yang tawanan sa labas, sila yan." 

Pagmamalaki pa ni lolo dito. Proud lolo ang peg ah. 

"Himala ata at naging maingay na si senyorito Gustavo, Lo. Dati kasi sabi mo hindi ito pala salita, sumasagot lang kapag kinakausap."

"Ah hindi si senyorito Gustavo ang kausap ko, Camilla." lumingon pa si lolo sa labas para tingnan ang senyorito. Magtatanong pa sa ako kung sino pero natigilan ako ng matanto ko na kung hindi si senyorito Gustavo ang kausap ni lolo, malamang ang hambog na senyorito ang andito ngayon. 

"Si senyorito Gaston ang dumating, siya na raw ang mamamahala dito sa planta, dahil si senyorito Gustavo magpo-focus na sa bakahan."

Hindi ko alam kung matutuwa ba o hindi pero isa lang ang ibig sabihin nun. Madalas ko nang makikita ang hambog na senyorito dito sa hacienda nila.

Bigla tuloy bumalik ang inis na naramdaman ko kanina at pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo sa ulo ko. Pero hindi ko naman pwedeng ipakita kay lolo na naiinis ako sa senyorito at baka magtanong pa ito. 'Pag nagkataon anong isasagot ko? 

Di bale, hindi naman siguro alam ng senyorito na apo ako ni lolo Ignacio. Iiwas na lang ako sa kanya. Ilang linggo na lang din naman pasukan na, hindi na ako maglalagi dito sa bahay.

"Mabait ang batang yan, may pagka pilyo lang. " umiling-iling pa si Lolo na para bang may naalalang nagawang kalokohan ng senyorito noon. "Kaya nga doon yan pina-aral ng senyor Gideon sa US kasi baka pag dito hindi makapagtapos dahil puro kalokohan. Pero sabi niya, nagbago na raw siya." binuntutan pa ito ni Lolo ng tawa. 

Walang pinagbago, Lo, baka nga lumala pa ang pagiging mapilyo niya. Hindi lang mapilyo ang senyoritong yan, Lo, manyakis pa.Sigaw ng utak ko. Ninakaw nga ng hambog na yan ang first kiss ko tapos siya pa ang may ganang mambintang na hinalikan ko siya? Kung alam ko lang talaga na nagkukunwari siya baka tinuluyan ko na siya.

"Tawagin mo na lang ako, apo, 'pag naluto na ang ulam ah, labasin ko muna si senyorito." sabi ni Lolo at muling naglakad palabas. 

Habang hinihintay na maluto ang hapunan namin ni Lolo, kinuha ka na lang muna ang mga nilabhan kong mga damit namin ni lolo kanina. Ipapasok ko muna ito sa aking silid  at mamayang gabi ko na tutupihin bago ako matulog. 

Sobrang payapa ng buhay ko dito sa hacienda Sandoval, kahit simple lang ang pamumuhay namin ni Lolo masaya pa rin ako. Kung pwede nga lang dito na rin sana ako tatanda, pero hindi kasi natin alam ang kapalaran ng tao. Baka bukas makalawa or sa mga susunod na taon magbago din pala ang gusto ko, baka aalis din ako dito. 

But for now, masaya ako, masaya ako sa lugar, masaya ako sa mga tao sa paligid. 

"Paksiw na isda ang niluto ng apo ko, kumakain ka ba nun?" 

Natigil ako sa paglagay ng kanin ng marinig kong papasok na sina Lolo. Tatakbo sana ako papasok sa silid ko para magtago pero huli na dahil nasa bungad na ng pintuan si Lolo Ignacio kasama ang hambog na senyorito.

"Syempre, Lo, ako pa ba?" nakangiting sagot nito at makahulugang tumingin sa akin." Dati nga gustong-gusto kung maghuli ng tilapya, pero ngayon parang iba na ang gusto kung hulihin, Lo." 

Sabay pa silang natawa ni lolo sa kalokohan niya.  Hindi man lang ito nagulat na nakita niya ako dito sa bahay ng lolo ko. Nauna pang pumasok kay Lolo, di man lang nahiya.

"Actually, may iba pa nga akong gustong kainin,Lo, kaso mukhang..." binitin pa nito ang sasabihin at pasimpleng kumindat sa akin. 

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya pero ganun pa man nararamdaman ko ang nang-aasar na ngiti niya sa akin. Ang kapal talaga!

"Lo, pasok po muna ako sa silid. Mamaya na lang po ako kakain." magalang kong paalam kay Lolo pero agad akong pinigilan ni gago.

"'Di mo naman sinabi ,Lo, na may kasama ka na pala dito?" kunwari tanong nito kay Lolo. Tumingin pa ito sa akin at nagkunwaring first time niya akong nakita. "Matagal ka na ba dito Miss__?" 

"Camilla." agap ni Lolo. "Apo ko siya, anak ng pamangkin ko. Mahigit isang taon na itong apo ko dito at scholar din siya ng foundation niyo. Matalinong bata yan, dalawang taon mula ngayon may nars na ako." buong pagmamalaking sabi ni Lolo sa kanya.

"Wow ang galing naman,Lo, kapag pala may sakit ako kay nars Camilla pala ako magpapagamot."  biro niya pa sa akin pero hindi ako ngumiti.

"Camilla, apo, ito si senyorito Gaston, nakababatang kapatid ni senyorito Gustavo. Kakauwi lang niya galing Amerika kaya ngayon mo lang siya makikita dito."pagpapakilala ni Lolo sa kanya. Ngumiti ito sa akin at ng masiguro niyang hindi nakatingin si Lolo sa kanya, pilyo itong kumindat sa akin sabay taas-baba ng kilay niya. 

Gusto ko siyang irapan pero hindi ko magawa dahil nakatingin si Lolo sa akin kaya kahit napipilitan, bumati pa rin ako sa kanya.

"Magandang hapon po, senyorito." kunwari magalang kong bati dahil nakatingin si lolo Ignacio sa akin. Pilit ko rin pinakitaan ito na magiliw na ngiti kahit ang totoo ay gusto ko ng hambalusin ang mukha nya dahil mukhang tuwang-tuwa pa itong nasa harapan niya ako ngayon. 

"Aray ang sakit naman pakinggan,Lo, pi-no ako ng apo niyo. Gaston nalang, magkaedad lang naman siguro tayo." nakangiting sabi nito, aliw na aliw pa ang mukha. Sarap bigwasan. 

"Ilang taon ka na nga apo?" seryosong tanong ni Lolo sa akin. Talagang pinatulan niya ang sinabi ni senyorito na halos magkaedad lang kami. Kapal ha.

Kung mukha niya lang ang basehan siguro magkaedad kami tingnan pero alam kung matanda na ito. Siguro nga lagpas na ito sa kalendaryo, nagkukunwari lang.  Pero kung pati ang pag-iisip, jusko ang layo. Mukhang Grade-4, Section C ito kung umasta. 

Muli kong binalik ang tingin kay lolo na naghihintay ng sagot ko. Kung pwede nga lang iniwan ko na silang dalawan ng senyorito dahil naihanda ko naman  na ang pagkain. Pero syempre hindi pwede yun, proud pa naman si lolo na mabait ako.

"Magna-nineteen pa ako, Lo." sagot ko na hindi nakatingin kay senyorito. 

Parag bigla akong nailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Napansin ko pang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, nagtagal pa nga ang mata niya sa bandang dibdib ko dahil hindi ko namalayan na bumaba pala ang isang strap ng dress ko.

"Dalawang taon lang naman pala ang tanda ko sayo, Camilla."

Camilla...

Why does my name sounds so good nung binigkas niya?

"Gaston na lang ang itawag mo sa akin, parang tropa lang ba, hindi rin naman malayo ang agwat ng edad natin, diba Lo?"dagdag niya pero agad akong umiling. 

"Hindi po pwede senyorito, nakakahiya po sa ibang mga trabahador dito sa hacienda niyo. Isa pa amo namin kayo, kaya tama lang na tawagin ko kayong senyorito." sagot ko sa ka tumalikod na. Kumuha ako ng pitsil sa maliit naming ref saka dalawang baso. "Sige na po, Lo, kumain na po kayo. Mamaya na po ako."

Napansin kong dumako ang tingin niya sa ulam na niluto ko. Tama pala, hindi ko natanong baka hindi naman ito kumakain ng ganung ulam.

"Paksiw na tilapia sa gata at pinakbet ang ulam senyorito. Kumakain po ba kayo niyan? Pasensya na po yan lang kasi ang naisipan kung lutuin ngay-"

"Ano ka ba, Camilla, paborito ko kaya to. Diba,Lo?" putol niya sa akin at nauna pang umupo sa lamesa. Kahit papano ay natuwa ako sa pinakita niya. Hindi naman pala maarte ang kumag na to. 

"Bago pa ako pumuntang states, dito ako kay lolo Ignacio tumatambay dati. Dyan kasi ako dumadaan sa likuran kapag gusto kong maligo sa ilog. At kapag nandito ako, itong tilapya ang paborito kong ipaluto kay lolo." nakangiti itong bumaling kay lolo na  malawak din ang ngiti sa kanya. " 

"Sumabay ka na sa amin." aya niya. " nauna pa nitong nilagyan ng kanin at ulam ang pinggan ko bago ang kanya kaya napilitan akong umupo sa tapat niya. Siya rin ang naglagay ng tubig sa baso at nilagay ito sa tabi ko.

"I miss this type of food, Lo. Sa states kasi english din ang pagkain." natatawang sabi niya at nagsimula ng kumain. 

I thought he's just faking it pero nakita kong magana itong kumain. Ang bilis niya pang maghimay ng tilapya na pati ako ay pinaghimay niya rin. 

"Kain ka pa, Camilla, para may lakas ka." 

Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya pero hindi ito nakatingin sa akin ngunit nakita kong nakaangat ang isang sulok ng labi niya. 

Ayos na sana e, kaso hinahaluan niya talaga ng kalokohan.

Bakit ko naman kialangang magpalakas? Para saan?

"Malakas yang apo, ko senyorito. Sinanay ko yan, marunong nga yang mangabayo eh." proud na sabt ni Lolo at nakita ko ang bahagyang pag-angat ng isang kilay niya at amuse na tumingin sa akin.

"Mabuti naman  kung ganun, Lo. Sa susunod na araw mangangabayo kami ni Camilla doon sa burol, maganda ang tanawin doon, pwede po ba, Lo?" 

Akala ko hindi papayag si Lolo pero agad itong tumango. Minsan kasi nag-aya yong mga kaedad kong lalaki na mga anak din ng trabahador dito sa planta hindi ito pumayag dahil mahirap daw magtiwala. 

"Marunong ka bang lumangoy, Camilla? May talon doon, baka gusto mong maligo." 

As if naman hindi ko alam na may talon doon? Siya pa talaga ang may ganang mag-open ng topic ah?

"Masarap maligo doon, lalo na pag hapon, mga alas tres yong tipong akala mo walang tao pero meron pala." nakangising sabi niya pero agad din namang binawi. "...I mean, wala naman talagang pumupunta doon dahil malayo."

Matalim akong tumingin. Talaga lang huh?

"Marunong ka bang lumangoy, Cam? Cam nalang itawag ko sayo, ang haba ng Camilla eh." daldal pa nito. 

Hindi ko akalain na ganito pala kadaldal ang lalaking 'to. Mula kanina ang dami niya ng kinuda.

"Bakit ikaw senyorito, marunong ka ba?" 

"Ako pa ba? Ang galing ko pa ngang sumisid e, nakakatagal ako ng ilang minuto sa tubig. Gusto mo subukan natin?"

Hindi ko na alam kung seryoso ba ito o hindi. Feeling ko kasi may double meaning ang mga pinagsasabi niya. Sabayan pa ng pasekretong pagngisi-ngisi niya na parang may nakakatawa itong naiisip.

"I'm a professional swimmer and diver, Camilla." maya-maya ay sabi nito ng hindi ako sumagot. 

Share mo lang? Yabang. 

"Sinama ko pa nga si Lolo dati nung nag-compete ako sa Manila, diba Lo?" dagdag niya ng makitang hindi ako kumbinsido. 

"Oo, apo, champion si senyorito sa sisiran at languyan dati." proud na sagot ni lolo na akala mo naman parang tunay niyang apo ang senyorito.

Kung magaling siyang lumangoy anong nangyari sa kanya noong isang araw? Ibig bang sabihin mula umpisa nagkukunwari lang siyang may nangyari sa kanya?

"See, I told you." nagmamalaki niyang sabi sa akin. "Samahan mo ako ha, ligo tayo sa falls, na-miss ko ng magtampisaw doon e."

Nanatili akong tahimik. Ayokong samahan siya doon bahala siya. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa ginawa niya sa akin. 

"Ayaw mo ba?" kunwari malungkot na tanong nito kaya pati si lolo napasulyap sa akin. Nagpapawa pa ang mukha na akala mo naman bagay sa kanya. Ang tanda-tanda na, pabebe pa.

"Sayang naman, gusto ko pa naman sana maka-bonding ka. Malay mo may mangyaring masama sa akin doon, at least may sasagip sa akin kapag kasama ka diba? Ma-aaply mo pa yong natutunan mo sa school." 

Parang hindi ko na gusto ang pinatutunguhan nitong usapan namin kanya  binilisan ko na ang pag-ubos ng pagkain ko.

"At least kapag nalunod ako may magre-revive sa akin." sabi niya na nagpatigil sa akin. "Sabi pa naman nila ang mga nurse magaling mag-CPR."  

Tiningnan ko siya at nakipagsukatan din ito ng tingin sa akin. In that instant,  muling nagflash sa utak ko ang eksena naming dalawa doon sa talon. Kung ilang beses lumapat ang labi ko sa labi nya. 

At nang dilaan niya ang kanyang labi, biglang nag-init ang mukha ko dahil pakiramdam ko ang labi ko ang dinilaan niya. Bahagya pa itong ngumiti ng makita niya ang reaksyon ko. Siguro napansin nitong namumula ako.

"How about you, Cam?" He paused and looked at me with a sly smile on his face. "Do you know how to do CPR?"

_____________________________________

Ingat po kayong lahat. God Bless po.

11-10-2021



Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
39.7K 1.5K 25
Alam ni Ishaella na gahaman sa babae ang lalaking kanyang iniibig. Alam niyang malayo siya sa babaeng nagugustuhan nito, kaya kahit sa malayo ay lihi...
5.1K 161 53
Perception is a matter of perspective. We may have our dreams and plans for the future not always the world works according to our wishes and desires...
1.8M 37K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.