HATE ME NOT (BOLS #1)

By GemaInanna

41.7K 5.1K 733

Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behi... More

Hate Me Not (Overview)
01: Harvend University
02: First Encounter
03: Broken Phone
04: Stupid Nerd
05: Paint
06: Vacation
07: Changes
08: Can't Believe
09: New Look
10: Trouble
11: Leads to a Fight
12: Bathroom Encounter
13: Invited to Come Along
14: Story Telling with Jenny
15: Home
16: It's Changing Now
17: Script
18: Partner
19: Ms. Ivy Moore
20: Avoiding SVT
AUTHOR'S NOTE
21: Volunteer
22: Lisa's Friend
23: Helping Jenny
24: Arguing
25: First Time
26: House of Cortes
27: Overthink
28: SVT Performance
29: Parent President
30: Stella Imperial
31: Asthma
32: Pain
33: Plan
34: Sarah
36: Unknown Feeling
37: Marky's Birthday
38: The Party
39: Conscience
40: Confused
41: Childhood Friend
42: Jenny's Boyfriend?
43: HeartRate Monitor Watch
44: What's wrong With You
45: Exam
46: Jenny's Thoughts
47: Saving Jenny
48: Dance Partner
49: Whole day with Her
50: Will do Everything for a Friend
51: Already Prepared
52: Party Accident
53: Tyler's Back
54: Family Dinner (Date)
55: Province of Tabor
56: I don't let Myself Fall for this Guy
57: Underwater Kiss
58: Fortune Teller
59: Strange Feeling
60: Getting Better
61: Something between Them
62: Get Lost
63: Missing Him
64: In Danger
65: Protector
66: Trust
67: The Truth
68: The Reunion
69: Everything is New
70: Scarlet Imperial
END OF SEASON ONE

35: Thank You Prince

374 59 5
By GemaInanna

CHAPTER 35

Thank you Prince

PRINCE POV

"PRINCE, paano na 'yan? Sarah is here. Gagawin naman niya ang lahat para mapunta ka sa kanya" tanong ni Marky sa'kin habang kumakain kami.

I laughed. "Hindi ako papayag na gawin niya sakin yung ginawa niya noon. Ginamit niya pa talaga yung matanda." giit ko.

"Sarah, is really crazy. Di niya alam ang ginagawa niya. Papayag pa nga siyang mapahiya" sabi ni Jack sabay ito napailing.

"Baka, mapahamak yung mga taong lumalapit sa'yo ah. Lalo na yung si Trisha at Jenny."

"What? Bakit naman nasali ang Nerd na 'yun?--"

"Tol, kaibigan ni Lisa si Jenny. At si Lisa, kapatid mo. Kaya kahit hindi mo gugustuhin, magkikita at magkikita kayo ni Jenny" paliwanag pa ni Jhon.

"Pft! Hindi parte ng buhay ko ang Jenny na 'yun. Kaya wala akong pakialam." diretsong sabi ko.

"By the way, napansin ko lang. Bakit hindi na nerd ang tawag mo sa kanya?" tanong ni Marky.

Pati pa ba yun, kailangan ko pang sagutin. Tsk.

"Well, wala lang. Sawa na kasi akong sabihin yun."

Ano naman kung Jenny ang tawag ko sa kanya?! Tsk. Mas lalo pa ngang naiinis yun kapag tinatawag ko pangalan niya hahaha. Kaya, nakaisip na naman ako ng bagong plano. Imbes na gawan siya ng kalokohan, iinisin ko na lang siya gamit ang mga salita ko.

"Marky, oo nga pala noh? Diba sa susunod na Buwan na birthday mo?" tanong ni Lance sa kanya.

"Oo. Kasabay ng pag-launced ng new project ng Imperial at Cortes. Diba bro?" tumango ako sa tanong niya.

"Mag two-twenty ka na pala. Grabe, ang tanda mo na." marahang sabi ni Liam bago ito napatawa.

"Pero, looking young naman" sabi ko sabay ngisi.

"Kayo talaga. Balak ko ngang imbitahan si Jenny eh. Bilang date ko" napatigil ako sa sinabi niya.

"Wow! Ikaw ah, baka hindi lang kaibigan ang turing mo sa kanya" pagbibiro pang sabi ni Jhon.

"Siyempre, bilang kaibigan lang. Kayo talaga ayaw ko namang pumatol sa 17 hahaha!" tawang sabi niya.

Ano bang nakikita nila sa Nerd na yun? Kanina nga habang P.E namin, laging dumidikit yung Efrain na lokong yun kay Nerd.

Ibang klase talaga ang gayuma ng Nerd na yun. Pasalamat siya, tinawag ko pa siyang Jenny. Kainis.

"Tol, labas na tayo. Puntahan natin si Kayzer. May clubings pa mamaya."

"Tara"

Aalis na sana kami ng biglang may dumating. Si Sarah at yung mga kaibigan niya.

"Prince, alam na ng lahat na boyfriend kita. Kaya wala ka nang kawala sa akin." nakangiting sabi niya sakin.

"Sarah, wala na akong pakialam sa gagawin mo. Gawin mo yung gusto mo. Wala akong paki!" aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Prince, hindi mo na ba ako mahal? Mahalin mo naman ako oh---"

"The heck Sarah, I don't even love you. And I don't want to love you 'cause I don't like you. Can you please, stay away from me? Ikaw lang ang may gusto sa ginawa mo." giit ko.

"Sarah, intindihin mo naman si Prince." sabi ni Marky sa kanya.

"Bakit, naintindihan niya ba ako?! Diba, hindi! Kaya, wag na wag niyo akong gagalitin!" sigaw niya samin.

Napatingin sa kanya ang lahat ng kumakain. "Sarah, nakaka-istorbo ka. Kung gusto mong pag-usapan 'yan, huwag dito." giit ko.

"Ayaw mo?" napatawa siya. "Pwes, everyone! Listen carefully. Si Prince ay jowa ko kaya huwag na kayong lumapit sa kanya kung ayaw niyong---" hindi ko na siya pinatapos. Hinila ko siya palabas.

Nang nasa malayo na kami ng canteen, agad ko siyang binitawan. "Stop it Sarah. Hindi mo'ko boyfriend. Hindi kita girlfriend. Pwede ba, tanggapin mo yung totoo. Wala tayong relasyon. Fake lang 'yun. Sinadya mong kumbinsihin yung matanda para maging girlfriend kita. Kaya, kung ako sayo... tigilan mo na ako." mariin kong giit sa kanya.

"Darating ang araw, na lalapit ka sakin. Babalik si chairman dito at sisiguraduhin kong matutuloy na yung kasal natin." giit niya naman.

"Hindi yan mangyayari---"

"Mangyayari yan. At ngayon nga ay sisimulan ko na eh. Tandaan mo 'to, lahat ng babaeng malapit sayo... pahihirapan ko." bulong niya sa'kin bago ngumiti. "Bye, mahal kong prinsipe" paalam niya habang nakangiti.

Napailing na lang ako. "Baliw talaga. Literal na baliw."

Bakit ba kasi kailangan pang mangyari sa buhay ko 'to?! The fvck.

"Tol, anong sabi niya sa'yo?" tanong ni Marky sa'kin habang papalapit.

Umiling ako. "Wala, nonsense lahat." sabi ko. "Tara na. Pumunta na tayo sa mga clubs natin." pagpatuloy ko bago nauna sa kanila.

Lahat ng babaeng malapit sakin, pahihirapan niya? Pftt, sino naman? Eh wala naman akong babaeng... wait, ang sabi ni Jhon si Trisha raw at si Jenny. Hindi ako malapit kay Nerd dahil, yikes! Baka, si Trisha nga ang pahihirapan ni Sarah.

'Sarah, baliw ka na talaga. Hindi pa ba sapat yung bakasyon mo sa Canada...'

Napailing na lang ako habang iniisip iyon.

NAGPAALAM muna ako sa mga kaibigan ko para puntahan si Trisha. Kawawa naman ang babaeng 'yun pag nadamay sa kabaliwan ni Sarah. Trisha is not my friend she's the daughter of our client. Kapag may ginawa sa kanya si Sarah, mawawalan kami ng kliyente.

"Prince, anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin habang nagdi-disenyo.

"Para saan pala ang mga 'yan?" I asked.

"Hey, Prince cutie!" biglang dumating si Joven.

Nasa SC room ako. Kaya nandito sila.

"Ang mga ito ay ibibigay namin sa mga club president mamaya. Nandito yung mga activities na gagawin" paliwanag ni Trisha.

"Prince, baka may suggestions ka diyan" ngiting sabi ni Joven sakin.

"Busy ako. Nga pala, si Sarah pumunta ba dito?" tanong ko sa kanila.

"Hindi namin nakita yung girlfriend mo dito---"

"Hindi ko siya girlfriend---"

"Asus, you know na ba? Na si Ms. Reyes at ikaw ang maging cover ng school paper magazine ng Harvend?" nabigla ako sa sinabi ni Joven.

"The fvck!" I cursed.

"Oh, easy lang. Si Sarah lang naman kasi ang nagsabi niyan kay Dean. Palibhasa'y model, hmpk!" singhal pa ni Joven na may halong pagkainis.

"Sige, mag-ingat na lang kayo---"

"Wow Prince! Anong nakain mo, bakit parang concern ka na" takang sabi ni Trisha.

"Naisipan ko kasi na, baguhin ugali ko. Diba, 'yun naman gusto ng lahat?" sabi ko na ikinangiti nila.

Talaga bang, gusto nila na magbago ugali ko?

"Naks naman! Dapat lang noh. At sana, tuluy-tuloy na 'yan!" sabi pa nila sakin.

"Bahala nga kayo, mauna na ako." diretsong sabi ko bago umalis.

"Magbago ka na ah!" rinig ko pang sabi nilang lahat.

Napailing na lang ako at napangiti. Paano ba magbago? Paano ba maging mabait? Paano ba hindi mainis?

Habang naglalakad ako, nakita ko sina Sarah sa may labas ng music room. Lalapitan ko sana sila ng biglang may lumabas na babae at natumba ito dahil sa pagtulak ni Sarah.

'Mga babae nga naman..'

Si Sarah, ang bago niya pa dito... away na naman.

Nakikita ko tuloy yung sarili ko sa kanya. Hayaan ko na nga, tutal I will try to change my attitude.

Laking gulat ko nang makita at makilala ang babae pinagtatawanan ng tatlo.

'Si Nerd? Anong kasalanan ni Nerd sa kanya?..'

Sumali pa talaga yung si Ms. Salvador na kapatid naman pala ni Nerd. Walang kwentang kapatid.

Nakapagtataka, bakit ang Jenny na 'yun ang inaaway niya? Eh ang hina-hina ng babaeng yun. Malakas lang ang loob na kalabanin ako.

Imbes na umalis pinanood ko sila. Walang katao-tao sa palapag na 'to.

"Well,well,well HAHAHAH! Buti nga sa'yo!" rinig ko ang malakas na tawa ni Sarah.

"Bakit ba ganyan ka sakin? Ano ba ang ginawa ko sa inyo?!" rinig ko namang tanong ni nerd.

"Sa tuwing nakikita kasi kitang babae ka! Di na ako mapakali ehh, gusto lang kitang saktan" rinig ko namang tugon ni Sarah.

Sarah, tigilan mo na yan.

"Ano naman ang ginawa ko para maging ganyan ka sakin? Ngayon lang kita nakilala. At wala naman akong atraso sayo" rinig ko namang sabi pa ni nerd.

Bakas sa boses niya na malapit na itong umiyak.

'Iyakin talaga. Pftt!'

Dahan-dahan akong lumapit sa banda nila. Hindi nila ako napansin kasi, busy sila sa ginagawang kabaliwan.

"You know what? Naramdaman ko kasi na, ikaw ang sisira sa buhay ko." rinig kong sabi ni Sarah.

"Pwede ba lubayan niyo na ako. At isa pa, wala naman akong pakialam sa buhay ninyo!" sigaw ni nerd sa kanila.

'Yan nerd, ipakita mong matapang ka...'

O baka, ako lang ang kaya mong kalabanin tapos ang mga 'yan, hindi? Pftt.

"Bakit? Takot ka na ba?" rinig kong napatawa yung kapatid niya.

"Dapat lang na matakot ka sakin.. Jenny!" pagbabantang sabi ni Sarah sa kanya.

Kita kong tumayo si Nerd.

'Wow, parang maglalaban na ah..'

"Kahit kailan hinding-hindi ako matatakot sa inyo. At isa pa sino ba kayo para katakutan ko?" rinig ko ang maangas na sinabi ni Nerd sa kanila.

'Yun oh, ang astig... Kagaya ng sinabi niya sakin noon. Haha.'

"Iniinsulto mo ba ako!?" galit na sabi ni Sarah at sinampal siya.

"Aray!"

Sinampal rin siya ni Nerd. "Hindi ako papayag na ga-ganyanin mo ako!" sigaw ni nerd kay Sarah.

'Sige, mag-sampalan kayo mga baliw..'

Kita kong nanggigigil si Sarah sa galit. Lumapit na ako baka kung ano pang magawa niya kay Nerd. Kawawa naman.

"How dare you to do that!" sasampalin niya sana ng ikalawang beses si nerd ng bigla kong hinawakan ang kamay nito.

Wala na akong pakialam sa kung anong iisipin ni nerd. Basta, ayaw ko lang mawalan ng kaibigan ang kapatid ko.

"P-prince? Bakit ka nandito?" nauutal na tanong ni Sarah sakin.

Tiningnan ko siya at dahan-dahang ibinaba ang kamay niya.

"Tama na Sarah, tigilan mo na!" sigaw ko sa kanya.

"Anong nangyayari dito?" biglang dumating si Marky.

Hinila agad ni Marky si Nerd at niyakap ito. Imbes na mapunta kay Sarah ang atensyon ko, nabaling na tuloy sa kanila.

Mariing nagsalita si Sarah."Prince, ngayon alam mo na kung sino ang pinag-iinitan ko."

Binalik ko sa kanya ang tingin ko."Stop doing nonsense things Sarah. Ano namang meron sa babaeng ito..." tinuro ko si Nerd. "Anong meron sa kanya, bakit mo siya kailangang saktan?!" tanong ko kay Sarah.

"I just don't know! Nakita ko kayo na magka-usap-"

"Eh ano naman?! Siyempre mag-uusap kami dahil, assistant ko siya." giit ko.

"So-sorry. Please, sorry!" sabi niya pa.

"Prince, walang kasalanan si Sarah. Si Jenny ang may kasalanan. May ginawa siya na ikinagalit ni Sarah" biglang nagsalita yung Nathalie.

"A-ano? Wala akong ginawa. Bigla niyo na lang akong---"

"Nathalie, kapatid mo si Jenny diba?" tanong ni Marky sa kanya.

"No, hindi---"

"Anong klaseng tao ka? Kapatid mo si Jenny tapos, sasaktan mo siya? How dare you, para saktan ang kaibigan ko?" tanong ni Marky sa kanya na agad nitong ikinatahimik.

"Humanda ka, Jenny!" umalis ito ng luhaan.

"Nathalie---"

"Jenny, hayaan mo na"

Binaling ko ulit ang sarili kay Sarah na ngayon ay nakatingin kay nerd. "Sarah, subukan mong gawin yang nasa isip mo. Kung hindi, ako ang makakalaban mo." mariing sabi ko sa kanya.

Nakita ko siyang ngumiti ng bahagya. "Importante ba siya sa'yo?" lumapit siya at bumulong sa tenga ko. "Kaya mo akong kalabanin para lang sa kanya? Bakit, ikaw ba ang gusto niya?" bulong niya na ikinainis ko.

Teyka, bakit ba ako nagkaganito? Eh, si nerd lang naman yan. Bakit kailangan ko pa siyang.... well, oo si Lisa ang dahilan.

"Kaibigan siya ng kapatid ko. Kaya, huwag mo siyang idamay sa mga kabaliwan mo." bulong ko pabalik sa kanya.

Bigla siyang tumawa ng malakas. "Habang nasa Canada ako, marami akong naisip para lang mapunta ka sa'kin. At kilala mo'ko Prince, hindi ako sumusuko. Kung ano yung gusto ko, makukuha at magagawa ko." ngiting sabi niya. "See you later Jenny." pagpatuloy niya bago ito umalis kasama ang dalawang kaibigan.

"Jenny okay ka lang?" nag-alalang sabi Marky sa kanya.

Napabaling sa kanila ang atensyon ko.

Kita kong tumango si Nerd. "Salamat..."

"Sorry kung hindi ako dumating ng maaga" mahinahong sabi ni Marky.

"Wala ka namang kasalanan. Salamat talaga..."

Hindi ganito si Marky sa mga kaibigan niya. Kaya paniguradong, hindi lang kaibigan ang turing niya kay Nerd.

"Prince, bro salamat dahil dumating ka agad--"

"Napadaan lang ako" walang ganang sabi ko at dahan-dahang naglakad paalis. Napahinto ako dahil sa sigaw niya.

"Salamat Prince!" nakaramdam ako ng kakaiba.

Ngayon niya lang tinawag ang pangalan ko na walang pag-alinlangan.

Di na ako tumugon. Ni hindi ako lumingon. Baka kapag ginawa ko 'yun, may masabi akong pagsisisihan ko rin.

Continue Reading

You'll Also Like

83.2K 2K 45
I noticed that some of you don't read the description. So I just wanted to clear up that this story was inspired by He's Into Her Now that it's clear...
1.1M 62.5K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
15.4K 476 47
Maurie Hevrea Zolina views herself as someone who does not act decently. Hevrea sleeps at her classes, laughs hysterically, and is never determined t...
11.6K 512 71
(UNDER REVISION) [THIS BOOK WAS NOT YET EDITED. MARAMING LOOPHOLES AT MARAMING KAJEJEHAN, BECAUSE THIS STORY WAS WROTE ABOUT TWO YEARS AGO. SO IF EV...