The Mafia's Illegitimate Chil...

By TheWeirdoGotBored

405K 18.6K 1.5K

SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC [ B O O K 1 ] [ C O M P L E T E D ] R E A D A T Y O U R O W N R I S K... More

THE MAFIA'S ILLEGITIMATE CHILD
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
Season 1 End of Book 1
ERI's APPEARANCE REFERENCE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 15

9.9K 457 48
By TheWeirdoGotBored

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 15

New Name,
New Family,
&
New Life
---------------------------
--------------------------------------



"ITO DAPAT ang isuot ni Lady Crystal." usal ng babaeng katulong na may hawak-hawak na pink dress.

"Hindi iyan, masyadong pambata. Dapat itong bestida ang isuot niya." usal naman ng pangalawang katulong na may hawak-hawak na kulay dilaw na bestida na may malalaking laso (ribbon) sa harap at sa likod nito.

"Anong sinasabi mong masyadong pambata? Hindi ba't bata naman talaga si Lady Crystal?" taas-kilay na usal ng isa pang katulong na may hawak-hawak na kulay asul na bestidang may mga paru-parong disenyo.

Dalawang araw na ako dito sa mansiyon ni Jadeite at sa katunayan nagiging komportable na ako dito. Masaya at hindi boring di katulad ng ibang mansiyon na napuntahan ko. Ngayong araw ay nabalitaan namin na may darating na bisita rito kaya ngayon ay hindi magkaundagaga ang mga katulong na ito.

"Molly, Yolly at Tammy dalian niyo na! Naririto na ang magkakapatid na Orcus. Kailangan ay naroon na din si Lady Crystal!" dali-daling pagpasok ni Marinette sa kwarto.

Mabuti naman ay narito kana Marinette, kanina pa nagtatalo ang tatlong ito kung ano ang isusuot ko, pare-pareho namang baduy ang gustong ipasuot sa akin.

"Eto kasing si Molly puro pink na bestida gustong ipasuot sa bata, mas maganda itong asul." reklamo ni Tammy.

Sumasakit ulo ko sa kanila, tatlumpung minuto na silang ganyan, nagtatalo kung anong isusuot ko. Bakit hindi na lamang kayo ang magsuot ng mga iyan? Ang babaduy.

"Huwag na nga kayong magtalo! Mapapagalitan na naman tayo nito eh. O'sya yung bestidang kulay pula na iyon ang ipasuot sa bata para wala ng away." ani Marinette saka nagmadali naman ang tatlo na kunin ang kulay pulang bestida saka ipinasuot sa akin.

Matapos magbihis at ayusan ako ay kinarga na ako ni Marinette at saka kami bumaba at dumeretso sa sala, wala pa man kami sa sala ay dinig na namin ang mga boses na mukhang nagtatalo.

"You're insane! Why didn't you even tell us!?"

"Wow, just wow. Do you still consider us your brothers and sisters? You didn't even tell us that you had a child!?"

Pagpasok namin ni Marinette ay bumungad samin ang ilang taong nagsisigawan. Napahinto naman ang mga ito ng makita ako.

"Is that her?" ani lalaking singkit ang mga mata at kulay puti ang mahaba't tuwid nitong buhok hanggang likod.

Wait? Lalaki? Mahabang buhok?

"I think that's her, Kunzite." ani naman ng isang lalaking kulay kayumanggi ang kulot at mahabang buhok.

"So, Jadeite. Kaninong anak mo siya? Sa mga babae mo?" usal naman ng isang lalaki na kulay blonde ang naka-pony tail na kulot at mahabang buhok.

Langya! Blonde din ang kulot na buhok ni Jadeite pero maikli. Naaalala ko tuloy sa kanila yung pinanood kong anime na 'Sailor Moon' dahil sa mga pangalan at itsura nito. Huhulaan ko, yung kulay kayumanggi ang buhok, siya si Nephrite.

Ang galing ah, ang gaganda ng mga pangalan parang kinuha sa 'Sailor Moon' at sakto pang pangalan pa ng mga kalaban.

"Woah! Your daughter looks exactly the same with you, Jadeite. Totally the same except for the eyes. Is that silver? Blue? Silver-blue? What kind of color is that?" nakangiwing usal naman ng isang babae na kulay pink-violet ang mahaba at kulot nitong buhok na hanggang sa balakang. Huhulaan ko, siya si Beryl.

"Beryl, I thought you were in France?" takhang tanong naman ni Jadeite na nakaupo sa mahabang sofa.

Aha! Sabi na nga ba eh! Siya si Beryl. Pero bakit mga gemstone pangalan nila? Mayaman ba sila sa bato?

"Sino bang hindi magmamadali kung ganong balita ang maririnig mo ha?! Siraulo ka ba? Ba't di mo man lang kami ininform para hindi kami magmamadali papunta rito?" mataray na sabi ni Beryl na naka-crossed arm pa.

"Tsk! It doesn't matter who and where did she came from. I don't care about anything. That child is mine. End of discussion." ani Jadeite na tumayo at lumapit sa'min. Kinuha niya ako kay Marinette.

"Kailan ka pa nagkahilig sa bata?!" wika naman ng isang babaeng nakasuot ng croptop na may kulay kahel ang maikli nitong buhok.

"And you, Citrine? Since when have you been inclined to wear such clothes?" balik-tanong ni Jadeite sa babaeng suminghal.

"Ako ang unang nagtanong, kaya sagutin mo. Since when did you had a child?" ani Citrine.

Huminga muna ng malalim si Jadeite bago ito magsalita.

"That was Freya's child. It was when I slept with her once, back when I was still in the U.S." usal ni Jadeite.

Napatango-tango naman sila na mukhang nakumbinsi sa sinabi ni Jadeite. Galing din naman pala nitong magsinungaling. At kailan mo pa ako naging anak? Mukhang may balak itong si Jadeite ah.

"Freya? Who's Freya? I can't recall you sleeping with a girl who named Freya. Are you sure its Freya and not Franceska?" nagtatakhang wika ng lalaking kulay kayumanggi ang buhok na nasisiguro kong si Nephrite.

"Huh? Franceska? Baka si Felicia hindi Franceska, Nephrite." ani naman ng lalaking naka-pony tail ang kulot at mahaba rin nitong buhok.

Gotcha! Tama din ang hula ko na siya si Nephrite.

Hindi ko pa alam ang pangalan ng lalaking naka-pony tail pero ipapangalan ko na lamang sakaniya ay Zoisite, tutal pareho naman silang guwapo ng karakter na iyon.

"Aish! I don't know what her name is, kaya nga hindi ko na nga sinasagot dahil hindi ko na matandaan ang pangalan niya." iritadong wika ni Jadeite.

Ang dami mo palang babae lechugas ka, babaero amp.

"Okay, okay. Now, what's her name? Our niece's name, what is it?" tanong ni Beryl.

"Ehem...Her name is Crystal Calliope Onyx Orcus. Calliope means beautiful voice. Oh! Do you know, my little princess knows how to sing! That's why I named her Calliope." pagpapakilala sa akin ni Jadeite.

Namangha naman sila sa sinabi ni Jadeite at ngayon ay nakatingin na sila sa akin.

"Seriously, Jadeite? How can a little girl knows how to sing? Maybe she's just babbling random things? Don't be funny. It doesn't suit you." natatawang usal ni Zoisite. Samantalang si Kunzite naman ay seryoso lamang nakatingin sa akin.

"Oh my! I want to hear her sing. What song did she sang, Jadeite?" excited na saad naman ni Beryl.

"Really? She's just a baby. Are you sure?" hindi kumbinsidong wika ni Citrine na nakatingin kay Jadeite na nakangising nakatingin sa akin.

Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Ano ng gagawin ko? Baka isipin nila na naengkanto ako dahil hindi pangkaraniwan ang mga kilos ko.

Hindi umimik si Jadeite, nagpailing-iling lamang ito saka inilabas ang kaniyang selpon. Pagkalabas nito ay may kung ano siyang ginawa roon at narinig ko na lamang ang aking boses. Boses kong kumakanta! Iyon yung kinanta kong 'Je T'aime' kahapon!

Nakita kong napanganga naman ang iba nang marinig ang boses kong nakarecord sa phone ni Jadeite. Ang galing. Ang galing galing mo Jadeite. Tangina.

"Oh my! She can really sing!? Seriously? What the F!" hindi makapaniwalang usal ni Zoisite.

"Wow! Just wow. I can't believe a baby like her, who isn't even a year old since she was born, can sing?" hindi rin makapaniwalang wika Nephrite na nakatingin sa akin.

"I want to hear it! Hey, baby! Can you sing it again?" excited na sabi ni Beryl na ngayon ay nakalapit na sa akin at abot tenga ang ngiti.

"Ehem! I would also like to hear it." nahihiyang sabi naman ni Zoisite.

Hala! Anong gagawin ko? Ayokong kumanta kapag maraming taong nanonood sa akin. Hindi nga alam ng mga magulang at kapatid ko na marunong akong kumanta noong nabubuhay pa ako bilang si Rei.

"Enough." sabad ni Kunzite at napatingin sa kaniya ang lahat. "Stop doing that. You'll scare her off. Mas lalong hindi kakanta yan." dagdag pa nito.

"Aww, okay. Jadeite pahiram muna ako ng anak mo ha?" paghingi ng permiso ni Beryl.

"Hmmm, okay. May gagawin din akong trabaho. Ikaw na munang bahala sa bata." ani Jadeite saka ako ibinigay kay Beryl.

"Yeah, sure. Ako na ang bahala sa kaniya." ani Beryl. "Let's go, Citrine. doon tayo sa garden." Usal ni Beryl saka na siya nagsimulang maglakad papalayo sa ibang kasama. Sumunod naman sa amin si Citrine at ang apat na lalaki naman ay naiwan sa sala.

"CRYSTAL, what do you like? Pink or Red?" ani Beryl na may hawak-hawak na ribbon na magkaibang kulay. Dahil ayoko ng pink ay pinili ko na lamang ang red na s'yang favorite color ko rin.

Narito kami sa garden kasama si Citrine na umiinom ng tsaa. Habang si Beryl naman ay kung anu-anong accessories pinapasuot sa'kin. Isa sa kinamamanghaan ko sa kanila ay marami silang gemstones. Take note! Totoong gemstones tulad sa mga pangalan nila. Mukhang mayaman nga talaga sila sa bato. Pero hindi naman ako mahilig sa mga ganito eh.

Napansin ko rin sa mga kasuotan nina Beryl at Citrine ang mga bato o beads na nakadisenyo rito. Pati na rin ang mga nagkikislapang bato na nakalagay sa kanilang mga palamuti. Para silang mga Christmas tree sa t'wing masisinagan sila ng liwanag.

Hindi ba sila nabibigatan sa mga suot nila? Dapat bang ilantad nila na ganoon sila kayaman? Karangya?

"Nice! I also like color red." ani Beryl.

"So, baby Crystal. You can sing, right? Does it also mean that you can speak, too?"

Bigla akong nasamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Citrine. Mukhang nakahahalata na siya sakin. Papatayin na ba niya ako dahil isa akong engkanto kuno?

"Oo nga! Nakapagsasalita kana rin ba, baby?" malambing na usal ni Beryl.

Ano na? Dapat ko ba silang sagutin? Aish! Sira ka ba Eri?! Kung sasagutin mo sila edi mas lalo silang magdududa. Pinagpapawisan na tuloy ako rito. Anlakas ng kabog ng puso ko, parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.

"Are you..." - Citrine.

Shit! Ito na nga iyon. Mapagkakamalan na nila akong engkanto at papatayin na nila ako.

"She's what?" - Beryl.

Nandidilim paningin ko dahil sa nerbiyos. Hindi naman ako pwedeng mahimatay baka mas lalo silang mawirduhan sa'kin. Ayokong...

"Are you a genius?" biglang sabi ni Citrine na nakapagpahinto sa pagkapraning ko.

Nakita ko namang ilang beses kumurap si Beryl kay Citrine at si Citrine naman ay titig na titig sa akin.

"Oh My G! That's what she is! She's a genius! I mean, what kind of baby that can sing already before she even turned a year old. She's a rare baby. She's also a gem like us! Wow! This is freaking me out. I'm getting goosebumps because of this. Ang suwerte natin na may pamangkin tayong genius, Citrine!" wika ni Beryl na nasobrahan sa excite.

Niyakap naman ako ni Beryl saka pinanggigilan dahilan para mapadaing ako sa higpit ng yakap niya. Pakiramdam ko tuloy mababali ang mga buto ko.

"Yeah, right! Nasa lahi naman talaga natin ang pagiging kakaiba,'diba?" usal ni Citrine saka sumimsim muli ng tsaa.

Wow ah, sanaol talaga genius.

"Alam kong malayo ang mararating ng batang ito. Imagine, sa murang edad niya marunong na siyang kumanta. Baka nga next month gumagapang na yan eh." ani Citrine.

"Oo nga noh? Excited na kong makita siyang naglalakad! Tapos paglaki niya sasamahan niya akong mag shopping at mag travel!" excited na wika ni Beryl.

Napaka-happy go lucky naman ang babaeng ito.

"Tsk! Baka nga sa edad na dalawang taon ay marunong na siyang tumula." usal pa ni Citrine.

"Mas malupit yung sakin. Baka pagtungtung niya sa edad na apat ay mag grade 1 na siya agad. Hahahaha." Wika naman ni Beryl saka pinisil-pisil ang pisngi ko.

"Yeah." sambit ni Citrine. "But..."

Napatingin naman kami ni Beryl kay Citrine na mukhang malalim ang iniisip.

"What's the matter, Citrine? Anong iniisip mo?" nag aalalang tanong ni Beryl.

"What if our enemies will take her? That's going to be very dangerous for Crystal." seryosong saad ni Citrine at deretsong nakatingin sa mga mata ni Beryl.

Tiningnan ko naman si Beryl na sumeryoso din ang mukha.

"If that ever happens, I'm going to blow their heads off one by one if they ever dare to hurt our Crystal." seryosong sabi ni Beryl.

Nakaka-touch naman sila, pero hindi naman nila ako totoong pamangkin. Ang suwerte naman ng magiging pamangkin niyo kapag siya mismo ang nakarinig ng mga iyan.

Kaso hindi naman talaga ako anak ni Jadeite eh. Tinamaan lang ng saltik ang isang iyon, parang si Kieran.

"By the way, kailan ang balik mo sa France? Hindi ba't may pinagagawa sayo si Uncle doon?" pag-iiba ng usapan ni Citrine.

"Uhmm, nakausap ko na si Uncle about diyan. Pinayagan niya akong magbakasyon ng mga ilang araw. Si Alexandrite na ang bahala sa iba kong gawain." usal ni Beryl.

Tumango-tango naman si Citrine. Saka ako tiningnan na ikinagulantang ko naman. Bakit niya ba ako tinitingnan? Ayoko ngang makipag-eye contact eh.

"What if we'll take her far from them? Somewhere they don't know. Somewhere far from here. Like, going abroad?" suhestiyon ni Citrine na nanatiling nakatingin parin sa akin.

Namilog naman ang kumikinang na mga mata ni Beryl na ngayon ay nakatingin kay Citrine.

"Good idea! Mas ligtas siya roon! Nandoon din ang iba nating kamag anak sa France at sa Spain, pero mas makabubuting manatili na lamang siya sa France kasama ang iba pa niyang tiyuhin." masayang sabi ni Beryl.

"Yeah, that's what's on my mind. I'll talk to Jadeite later about this." ani Citrine saka sumimsim ng tsaa at tumingin sa kung saan.

Aalis na naman ulit ako? Paano na sila Kieran? Ang ama kong demonyo at si Sirius na nandito sa pinas? Ano na ang mangyayari sa akin? Ano bang ibig nilang sabihin na hindi ako ligtas? Eh parati namang nasa panganib ang buhay ko. Wala ng bago roon.

Pero mukhang hindi rin naman masamang sumama ako sa kanila hindi ba? Isa pa ay pangarap ko ring makapunta sa France in my past life. Gusto ko makita yung tower, yung Paris.

Hinihintay ko din na dumating si Sirius para kunin ako sa mga ito, pero gusto ko ring pumunta sa France. Ano na ang gagawin ko? May maiiwan ba ako kapag sumama ako sa kanila?

Pero kapag sumama ako sa kanila at nalaman nilang hindi talaga ako anak ni Jadeite, baka paslangin nila ako? Ayoko pang mamatay kaya't hinihintay kong dumating si Sirius.

"Let's go inside, gusto kong kumain ng cupcake na bili ni Nephrite." usal ni Citrine saka tumayo.

Sumunod naman kami ni Beryl sa kaniya saka kami sabay pumasok sa loob ng mansion.

Nang makarating kami sa loob ay dumeretso kami sa kusina, may inutusan si Citrine na katulong na dalhin yung binili ni Nephrite.

"Doon na muna kami ni Crystal sa sala." pagpapaalam ni Beryl kay Citrine. Tumango naman si Citrine saka dumating na ang katulong na may dala-dalang kahon.

Pumunta na kami ni Beryl sa sala at narinig namin ang mga nagtataasang boses, kaya hindi muna kami nagpakita at nagtago na muna kami sa gilid at tiningnan kung sino ang nag aaway.

"Where's Estella!?" dinig kong boses ni Sirius.

Oh shit! Narito na siya!

"I told you I don't know where she is. I don't even know her." dinig ko namang boses ni Jadeite.

"Give me back the child, Jadeite!" sigaw ni Sirius na ikinabigla ko at ganoon din si Beryl.

"Oh, shit! What is a Crescente doing here?" mahinang usal ni Beryl.

"Don't fool around, Jadeite! Just give me back the child!" galit na sigaw ni Sirius.

"I said I don't know what you're talking about fvcker!"-Jadeite.

"We need to leave right now." mahinang wika ni Beryl saka kami lumayo.

Narinig ko din ang mga boses ng mga kapatid na lalaki ni Jadeite na pinipigilan si Sirius. Hindi ko makita ang iba pang nangyari dahil lumayo na si Beryl.

Nakasalubong naman namin si Citrine na may kasamang katulong na may dala-dalang tray na may lamang cupcakes at kape.

"Hey, what's the rush..."

"We need to leave!" wika ni Beryl.

"Wait, what? Why? Suddenly?" naguguluhang tanong ni Citrine.

"The son of Crescente is here. I don't know what is he doing here but he should not see this child. This is apparently his purpose and he intends to take Crystal." wika ni Beryl.

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Citrine saka tumingin sa pinanggalingan namin kung saan kasalukuyang nagsisigawan sila Jadeite at ni Sirius.

"Right, follow me. I'll call Zircon to pick us up." saad ni Citrine. "Manang pakibalik na lamang iyan sa kusina aalis kami. Pakisabi na lamang kay Jadeite na kasama namin si Crystal pagkaalis ng bisita. Understood?" pagkausap ni Citrine sa katulong.

"Opo, ma'am."

Badtrip sayang yung cupcake!

Nilagpasan na namin ang katulong saka dumeretso palabas sa likod ng mansiyon at pumuntang garahe. Sumakay na kami sa sasakyan at dali-dali naman nila itong pinaandar paalis.

Nandito na si Sirius? Anong gagawin ko? Magkikita pa ba kami? Baka magpatayan sila ni Jadeite sa loob.

"Don't worry, Crystal. We are your family. No one will try to hurt you when you are with us." nakangiting ani Beryl na hinahaplos ang ulo ko. "You're safe now."

Sana nga ay ligtas pa ako. Pero bakit kailangan lumayo? Nag ooverreact kaagad kayo sa ganitong sitwasyon. Pero ano bang malay ko? Wala rin akong nalalaman sa mga ganitong bagay at bakit kasi nangyayari ang mga ganito sa'kin. Makakapamuhay pa ba ako ng maayos at payapa ng ganito?

Ugh! Pagod na ako sa mga ganitong pangyayari. Gusto ko ng umuwi. Kailan ba ako makakauwi?

Continue Reading

You'll Also Like

37.5K 1.4K 39
𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bag...
55.8K 678 15
® = Maganda, Malambing, Mabait, Matalino, Pala-kaibigan. Pala-ngiti, Masunurin sa Magulang at Talented. Lahat ng katangiang Hinahanap ay nasa kanya n...
647K 2K 6
My name is Green, seventeen years old with a promising future in life. I'm a senior high school student with high hopes of being the class valedicto...
279K 7.2K 60
Chishio Academy is a school for Devils. A school that is forbidden from ordinary human. A school from hell. A school that full of Devils. A school fo...