A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.8K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 8

258 24 117
By omyerika

Bang!


Agad akong napapikit nang mairin at mas lalong nanginig sa narinig kong putok ng baril. Omyghad, did someone just shoot? Si Gino ba yung natamaan? Ayokong tumingin huhu.  


"I wouldn't do that if I were you." Narinig kong may ibang nagsalita na lalaking may accent pero hindi ko pa rin minulat yung mga mata ko.


"Hey, it's okay. I'm here." Isang pamilyar na malalim na boses ang narinig ko. 


Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko at inangat yung ulo ko habang nakatakip pa rin yung mga tenga ko. Bumungad saakin si Gino na nakahalf-knee sa harap ko at parang pinoprotektahan ako gamit yung katawan niya. 


"Tangina, sino naman kayo?! Umatras na kayo kung ayaw niyong masaktan." Narinig kong sabi naman nung isa sa mga nagtangkang gumahasa at nang holdap saakin kaya nabaling yung tingin namin sakanila. 


Nakita ko rin yung mga bagong dating, sila Carlos at yung dalawang kaibigan nilang foreigner pala yun.


Tama nga naman siya, ang dami nilang armadong lalaki habang kami lima lang, minus pa ako dahil ano ba naman magagawa ko? Tumili? Magdasal? Jusko huhu.


May hawak na baril yung kulay golden brown na buhok na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa lalaking muntikan nang magpaputok ng baril kanina. Teka, asan pala yung baril nung lalaki?


Napatingin ako sa lapag at nakita sa hindi kalayuan yung baril. Gagi, yun ba yung natamaan kanina? Wala kasing may tama ng baril sakanila so ibigsabihin yun nga yung natamaan?


"We'll see about that." Agad naman sinipa nung nakasemi-kalbo na buhok yung bagong hugot na baril ng isang kasamahan nung kabila at bago pa naman lahat kami ay makareact ay sinipa na niya yung tyan nito kaya napaupo siya sa sahig.


Sobrang bilis ng mga pangyayari pero wala naman naganap na patayan, bugbugan nga lang na halos papunta na rin sa patayan. 


"Don't look." Si Gino naman ay hindi lumayo saakin at parang pinoprotektahan lang ako. Gagi, para akong nanonood ng isang live action movie sa mismong harap ko. 


Napapapikit nalang ako sa takot dahil yung iba duguan na, lalo na yung kabilang grupo kahit na marami at armado sila. Nung wala na akong masyadong marinig ay dahan dahan ko ulit minulat yung mga mata ko at tumingala. Yung iba nakahandusay na sa sahig at siguro yung iba nagsitakbuhan na paalis dahil kumonti yung mga kalaban.


"Anong gagawin natin sakanila, boss?" Narinig kong tanong ni Carlos kay Gino. 


Pumamewang si Gino at tumingin sa paligid. Napatingin naman siya saakin at naglakad papalapit. 


Lumuhod siya sa harap ko at seryosong tumitig saakin, "Do you want me to kill them?"


Nanlaki yung mga mata ko at akala ko nagbibiro siya pero mukhang hindi. Mukhang seryosong seryoso siya, hindi nga siya halos kumukurap eh at parang ganun kadaling gawin yung sinabi niya. 


"Gino." I heard his friend called him but Gino didn't looked at him and just waited for my answer. 


Aaminin ko gusto ko silang patayin sa ginawa nila saakin kanina, kahit hindi natuloy, feeling ko natuloy. Feeling ko nakuha na yung pagkababae ko and fuck, hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung takot at sigurado akong habang buhay kong dadalhin yung traumang ito. 


"No." Umiling ako kasi kahit anong sama ang gawin sayo ng isang tao, wala pa rin tayong karapatan na kunin ang buhay nila.


"Okay. You're the boss." Nilingunan na niya yung mga kaibigan niya habang nasa ganung posisyon pa rin, "Call the police."


And after a while, the police came and arrest those guys for attempted rape, violence, and theft. Ininterrogate na rin ako kanina ng mga pulis tungkol sa nangyari at ngayon ay naka-upo lang ako sa isang gilid, nanginginig pa rin habang yakap yakap yung bag ko sa pagitan ng mga tuhod ko.


Nakatingin lang ako sa malayo at malalim yung iniisip nang biglang may lumitaw na jacket at tubig sa harap ko.


"Pinapabigay ni Gino." Nakita ko naman si Carlos na sa harap ko na inaabot yung jacket at tubig.


Ngumiti naman ako kahit papaano at kinuha iyon, "S-salamat."


Nakita ko naman na may konting sugat siya at halatang pagod sa nangyari kanina pero wala yun sa mga natamo nung mga kalaban nila.


"Okay ka lang? Upo ka muna dito." Sabi ko at tinap yung tabi ko.


Nag-alinlangan pa siya nung una pero tumabi rin siya saakin at ininom yung sarili niyang tubig. Napatingin naman ako kay Gino na kausap na yung mga pulis ngayon habang nakakunot yung noo na para bang nagagalit.


Napatingin naman siya sa gawi namin at nakita kong napahinga siya ng malalim bago huminahon ng konti.


"Galit ba siya saakin?" Natanong ko nalang kay Carlos habang nakatingin pa rin kay Gino.


"Si Gino? Hindi ah," agad na sabi ni Carlos sabay tingin din kay Gino, "He wouldn't followed you earlier just to make sure you'll go home safe, if he's mad at you. Why would you think he's mad at you in the first place?"


"Uhm, ano. Parang last week pa kasi niya pa akong iniiwasan eh." Sabi ko at pinaglaruan yung mineral bottle sa kamay ko.


Sinundan niya ako kanina? Para lang makasigurado siyang safe akong makauwi? But why?


"He's not mad at you. I think, he's just distancing his self from you."


"Bakit naman?" May nagawa ba akong kasalanan? O baka naman siya yung may nagawa? 


"Go, ask him." sabi ni Carlos at nung napatingin ako sa harap namin ay nakita ko si Gino na papalapit saamin. Napatayo naman kami ni Carlos.


"I told you to just give the water and jacket not talk to her." Pagalit na sabi ni Gino.


"Uhm, he's just accompanying me. Thank you, Carlos." Pinagtanggol at nginitian ko naman si Carlos.


"Relax, bro. Ito naman masyadong seloso." Biro ni Carlos sabay tawa na may konting nerbyos.


"Who's jealous?" Inis na tanong ni Gino.


"You are," napatingin naman kami sa kakarating lang na dalawang kaibigan nila. Napatingin naman saakin yung kulay golden brown na buhok. "So, you're Gino's girl?"


Medyo nanlaki naman yung mata ko at nagpapalit palit yung tingin sakanya at kay Gino.


"Shut up, Axel." Banta ni Gino at nagsitawanan naman yung tatlo. 


"It looks like your not," Axel smirked, "She's cute, Gino."


Napatingin naman ako kay Gino nakatingin lang ito nang masama kay Axel, kulang nalang may lumabas na usok sa magkabilang tenga niya. Bakit galit na galit?


"Enough with the teasing or you might loose a tooth in a minute, Axel." The guy with the semi-kalbo haircut, joked


Loose a tooth? Bakit? Ano bang mangyayari pag tinuloy nila yung pang-aasar? Napatingin naman ako kay Gino at sa mga tingin niya palang alam ko na. Does he going to... omg, seryoso ba siya? Eh bakit ba siya magagalit doon?! Dahil hindi siya yung sinabihang cute?


"It's not only a tooth, James." Pagkokorek ni Carlos sabay tawa.


Napailing naman si Gino, "Mga gago."


Oh so si Axel pala yung may golden brown na buhok at maputi yung balat. Kitang kita ko rin yung tattoo sa leeg niya, para siyang symbol ng 'A' na may nakapatong na crown sa tuktok tapos yung background ay shield at dalawang sword sa likod nun. Habang si James naman ay may black semi-fade haircut or semi-kalbo and an earring on his right ear like Gino.


"De joke lang hahaha. Mabait si Gino, Naomi." Pagbabawi ni Carlos, "Pagtulog nga lang."


"Aren't you guys leaving yet?" Iritang sabi ni Gino sakanila.


"Ito na nga, aalis na. Susunod ka naman diba? After mong masolo--este ihatid si Naomi?" Tanong ni Carlos.


Sandaling napatingin saakin si Gino bago magkibit balikat at tumingin ulit kila Carlos, "Siguro."


Sumingkit naman yung mga mata ni Carlos, "Sus. Sige na, alis na kami. I-uwi mo na si Naomi ah! Wag kung saan saan pupunta!"


Gino snorted,  "What are you, her dad?"


"Ako proxy ng tatay ni Naomi, bakit?!" Pinaglaban pa ni Carlos. Medyo natawa nalang ako sa sinabi niya.


"Aish! Oo na, oo na. I'll text you kung susunod pa ako." Sabi ni Gino at pinagtabuyan na yung mga kaibigan niya.


Nung wala na sila ay napatingin naman siya saakin habang nakakunot yung noo kaya parang galit siya saakin. I pursed my lips and scratched the back of my neck as I looked at the other direction.


"Akin na nga yan," inis na sabi ni Gino sabay kuha nung jacket niya na hawak hawak ko. Akala ko pa naman ay isosoot niya sa sarili niya pero nagulat ako nung pinalupot niya ito sa katawan ko, "Ang jacket sinosoot, hindi niyayakap lang."


Napatingin naman ako sakanya habang inaayos niya yung pagkakalagay ng jacket niya saakin.
Hindi naman nakatakas sa mga mata ko yung maliit niyang sugat sa gilid ng labi at may tatlong laslas din siya sa mukha pero maliliit lang din, para bang kinalmot siya o nadaplisan ng matalim na bagay kanina. Medyo fresh pa yung mga yun at mukhang hindi niya napapansin.


"Okay ka lang? Wag kang mag-alala sinigurado ko ng mabubulok sila sa kulungan." Sabi niya saakin.


Ngumiti ako nang konti at hinawakan yung jacket na nakapalupot saakin, "Thanks."


"Hatid na kita."


Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya. Papasok na sana ako sa loob ng makita ko yung 7/11 sa malapit.


"7/11 muna tayo. Gamutin natin yang sugat mo." Sabi ko na ikinataka niya.


"Sugat?"


Mukhang hindi nga niya napapansin, hindi ba niya nararamdaman? Sakit kaya nyan.


Tinuro ko kung nasaan yung sugat niya mula sa mukha ko.


"Ahh, ngayon ko lang napansin." Sabi niya. Grabe, nagdudugo pa, hindi niya talaga pansin? Sanay na ganun? Immune?


Nagsimula na akong maglakad sa 7/11 at sinundan naman niya ako. Bumili ako ng betadine, cotton buds, tsaka band aid gamit yung sarili kong pera, hindi yung pera na nakuha ko sa sweldo ko, ayoko kasi yun mabawasan. Halos nakipagpatayan sila Gino para iligtas ako dahil gusto kong makuha ulit yun noh.


Nakaupo na kami ngayon dito sa may tapat ng glass wall sa loob ng 7/11.


Binasa ko muna yung isang side ng panyo ko para linisin muna sana yung sugat niya kaso biglang siyang umiwas. Sinubukan ko ulit punasan pero para siyang bata na takot sa sakit samantalang kanina halos makipagpatayan na siya.


"Teka," iritang sabi ko at hinawakan tsaka binaba ko yung kamay niyang humaharang sa kamay ko, "Wag kang malikot."


Mas nilapit ko naman yung sarili ko sakanya at dahan dahang dinampi yung panyo ko sa mukha niya. He even hissed a little because of the pain.


"Dahan dahan." Pagalit na sabi niya.


"Dinadahan dahan ko na nga eh." Sabi ko at mas lalo pang dinadahan dahan yung pagdampi.


Ngayon ko lang narealize na ang lapit na pala ng mukha ko sa may bandang pisngi niya, kaya naman agad ako umayos ng upo at nailang na sa paglilinis ng sugat niya.


Nung time na para sa betadine, medyo nanginginig pa akong nilagay kasi mas mahapdi ito kung sakali. Hindi naman ako natatakot na baka kung anong gawin niya pag nasaktan siya, ayoko lang na mas masaktan siya kaya ako nanginginig.


"You're scared." Siguro napansin niya pangigingig ng kamay ko.


"No, I'm not." I pursed my lips as I gently put betadine on his scars.


"Are you scared of what happened earlier?" Tanong niya, "Or are you scared of me after what happened earlier?"


Napatigil ako dahil sa sinabi niya at tumingin direkta sa kanta. Iba yung Gino na nakita ko kanina kumpara sa nakikita ko every time na nagkakasama kami. Para siyang nawala sa sarili at halos mapatay na niya yung mga lalaki kanina at yung tinanong niya ako kung papatayin niya raw ba sila, para siyang seryoso doon na pag um-oo ako, agad agad siyang susunod.


"I'm sorry." Napayuko siya na parang nahihiya siya sa nangyari.


I gave him a small smile and reached for his hand, "It's okay. I'm not scared. Ano lang... Nagulat lang siguro ako."


Nakita kong mapait siyang napangiti, "Nagulat ka na pwede ko palang magawa yun? That there's a monster inside me?"


Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Monster? Yun ba yung dahilan kung bakit nila ako pinapalayo kay Gino? Kaya rin ba siya parang umiiwas saakin dahil doon?


"You saved my life, Gino." Sabi ko at hinimas yung knuckles niya, "You're not a monster."


He scoffed at kinuha yung kamay niya mula saakin, "Hindi mo ako kilala Naomi."


"Edi kilalanin, tutal palagi naman tayo pinagtatagpo eh."


Wait, teka. Saan ko naman nakuha yung lakas ng loob para sabihin yun? At bakit hindi ako nauutal kahit na natatakot ako? Takte, parang determinado talaga akong makilala pa siya ah.


Napabuntong hininga naman siya at tumayo, "That's not gonna work. Let me take you home."


Nanatili lang akong naka-upo at nag-iisip dahil naguguluhan pa rin ako sa nangyayari.


"Kaya ba sinasabi nila na iwasan kita? Kaya ba parang iniiwasan mo ako?" Tumingala ako para tignan siya pero nakaiwas pa rin siya nang tingin saakin at napapikit nang mairin


"Don't make this hard for me, Naomi."


"Edi wag mo akong iwasan!" Pagalit na sabi ko kaya naman napatingin siya saakin pati ata yung cashier lady dito nagising at napatingin sa biglang pagtaas ng boses ko, "I mean, bakit mo naman ako iniiwasan? Eh kaibigan mo ako."


Umupo ulit siya sa tabi ko at tumingin saakin na may pagtataka, "Kaibigan?"


I pursed my lips, "O-Oo, kaibigan."


A moment of silence come between us, ang awkward. Kinuha ko na yung band aid at nilagay ko sa mukha niya habang tinititigan niya pa rin ako. Ano ba naman 'toh?


"Paano kung ayoko maging kaibigan tayo?" Bigla niyang sabi kaya napahinto ako sa paglalagay ng band aid sakanya at napatingin sakanya pero agad din umiwas nang tingin.


"Uh.. Edi wag."


Medyo nasaktan naman ako sa sinabi niya. Kaibigan na kasi yung turing ko sakanya kasi lagi siya yung kausap sa trabaho at nagiging komportable na ako sakanya kumpara dati. Tsaka tinutulungan niya ako sa pagkanta ko. Tapos ngayon sasabihin niya na hindi pala kaibigan turing niya saakin. Gago nga siya.


I finished healing his wounds and started to fix our stuff so that we could leave already. I could still feel his stares at me but I didn't bother to look back because I'm still a little hurt to what he said.


"I mean," inabante naman niya yung katawan niya palapit saakin habag nakalagay yung braso niya sa mesang asa harap namin, "Ayokong maging magkaibigan lang tayo."


Napatingin naman ako sakanya at humalumbaba siya gamit yung isang kamay niya habang nakatingin pa rin saakin.


"Paulit ulit Gino? Oo na, ayaw mong maging magkaibigan tayo. Edi wag!" Naiinis na sabi ko at padabog na tumayo para itapon yung mga basura namin. Tinabi ko naman yung mga batadine at box ng bandaid kasi may laman pa.


"Naomi." Narinig kong tawag niya kaya naman inis akong lumingon pabalik.


"Ano-- Aray!" Napahawak ako sa noo ko sa lakas ng pitik niya. Leche! Para saan yun?!


"Ang slow mo talaga." Tumawa naman siya habang hinihimas ko yung noo ko, "Tara na? It's already 2AM, hatid na kita at baka nag-aalala na sayo si tito."


"Tito?" Natatawang tanong ko kasi seryoso niya pang sinabi yun na para bang nagkita na sila hahaha, "Close kayo?"


"Sige papa nalang." Ngumisi naman siya.


"Loko hahaha." Sabi ko sabay hampas sakanya nang mahina. 


Tinignan ko naman yung phone ko at nakitang ang dami na palang missed calls nila papa at mama. Patay ako nito huhu.


Hindi ako nakatulog buong byahe dahil papapikit palang ako ay nakikita ko nanaman yung mga itsura ng lalaking muntikan ng gumahasa saakin. Nararamdaman ko pa nga rin yung mga hawak nila at kung wala dito si Gino, kanina pa ako naiyak.


"Andito na tayo."


Napatingin naman ako sa labas at nakitang nasa tapat na kami ng bahay. Hindi pa rin ako bumababa kahit ilang minuto na ang nakakalipas dahil sa takot na baka sinundan nila ako dito. Na baka pag lumabas ako dito sa kotse ay may maririnig akong putok ng baril. Na baka atakihin nanaman ako pagnatulog ako.


Nagulat naman ako at bumalik sa realidad nung biglang may humawak sa magkapatong na kamay ko sa hita ko.


"Hey, don't worry. They won't be able to come near you or touch you again." Gino said while rubbing his thumb on my knuckles, "As long as I'm here, you're safe."


He really looked concern and sincere in his comforting words, kaya kahit papaano gumaan yung bigat sa dibdib ko.


Maybe he isn't a monster that almost everyone says and thinks he is.


"Akala ko ba iniiwasan mo ako at ayaw mong maging magkaibigan tayo?" Sinubukan ko naman magtaray pero mukhang hindi effective kasi pinagtawanan lang niya ako.


Am I a joke to him?


"Ganyan ka pala magtampo hahaha cute," Sabi niya na ikinapula naman ng konti ng pisngi ko kaya napaiwas ako nang tingin, "I can live with us being friends."


"Napilitan?" Natatawang tanong ko at napailing nalang, "Anyway, thank you for saving my life earlier."


"Basta ikaw." Kinindatan na niya ako at ako naman natawa nalang sakanya tsaka iniwan na siya doon.


Nagpathank you ulit ako sakanya tsaka pumasok na kaagad sa loob. Patay lahat ng ilaw kaya akala ko tulog na sila papa pero akala lang pala yun.


"Inumaga ka na ata sa pagkauwi?"


Nagulat naman ako dahil may biglang nagsalita kaya agad kong binuksan yung ilaw at nakita ko si papa na nasa sala, halatang kakagising lang.


"Saan ka galing?" Mahinahon pero pagalit na tanong ni papa.


Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni mama na kakababa lang, "Oh andito na pala yung lakwatsera kong anak eh. Ganyan na ba ang mga kabataan ngayon ah? Dahil ba dyan sa mga kaibigan mo?! Lumayo na dyan sa mga yan ah, kung yan lang naman ang naidudulot nila sayo. Wala na ngang trabaho papa mo, gala ka pa ng gala!"


I pursed my lips at nanatili nalang na tahimik habang nagsasalita si mama.


"Hay nako, pagsabihan mo nga yang anak mo! Hay nako, panira ng araw!" Sigaw ni mama at pagalit na umakyat ulit sa taas.


Hindi nagsalita si papa ng ilang minuto at ako naman kinakalikot lang yung balat ng daliri ko habang hinihintay na magsalita si papa at para na rin mapagilan yung sarili sa pag iyak.


"Pa, sorry." I whispered, enough for him to hear. Kinuha ko yung sweldo sa bag ko at binigay sakanya, "Nakakita po ako ng trabaho sa isang restaubar bilang isang singer nung nakaraang araw para  makatulong po sainyo. Ayan po yung first sweldo ko. Kaya rin po ako inumaga ng uwi dahil late na rin po kaming pinauwi doon."


Pagsisinungaling ko sa dahilan kung bakit ako late na umuwi. Ayoko ng dagdagan yung pag-aalala nila papa kaya yun nalang yung sinabi ko. Sapat na itong stress na naiidudulot ko sakaniya ngayon.


Kinuha naman niya yung cheke sa table at tinignan iyon, "Alam mo bang delikado ang isang teenager na katulad mo na magtrabaho sa bar?"


"Alam ko po. Pero nangangailangan po tayo--"


"Hindi yun sapat na dahilan, Princess. Tapos nilihim mo pa. Nagpapasalamat ako dahil sa kagustuhan mong tumulong pero hindi ka dapat nagdedesisyon sa sarili mo, anak. Paano kung may masamang nangyari sayo? Saan ka namin hahanapin?  Ano, ginabi ka nun sa trabaho? Anak, kaka-18 mo palang tapos babae ka pa." Mahinahon pero galit at disappointed pa rin yung tono ng boses niya, hindi ko na napigilang hindi maiyak.


Tama naman si papa eh, mali yung naging desisyon ko na agad agad pumasok sa trabaho na hindi nagsasabi sakanila dahil lang gusto kong makatulong sa pamilya ko.


"Sorry po."


Bumuntong hininga naman siya at nilapag yung checke sabay abot saakin, "Magquit ka na dyan, may nakita na akong trabaho. Ang responsibilidad mo ngayon ay ang pag-aaral, naiintindihan mo ba yun?"


Tumango nalang ako at pinunasan yung luha ko gamit yung likod ng kamay ko.


Tumayo naman si papa sabay yakap at halik sa ibabaw ng ulo ko, "Sige na, magpahinga ka na."


"Okay po." Sabi ko at aakyat na sana kaso bigla siyang nagsalita ulit.


"Sayo 'toh. Pinaghirapan mo yan." Sabi ni papa habang binibigay saakin yung sweldo ko.


Umiling naman ako, "Pinaghirapan ko po yan para sainyo, pa. Sainyo po yan."


Umakyat na kaagad ako bago pa siya umangal. Natulog na ako at late na rin nagising dahil pagkagising ko, wala ng tao sa bahay.


Kaya pagkatapos mag-umagahan ay naligo na agad ako para makapunta na sa salon pero habang naliligo at hinahawakan yung katawan ko ay bigla kong naisip yung mga hawak nila saakin kagabi.


"Ahhh!" Napasigaw nalang ako sa takot nung biglang nagflashback yung nangyari at napaupo sa gilid ng banyo namin habang yakap yakap yung katawan ko. Nagsimula na rin tumulo yung mga luha galing sa mga mata ko. 


Halos mag-iisang oras akong asa banyo dahil bigla bigla ko yun naiisip at napapaiyak nalang. Pagkaakyat ko ng kwarto at pagkatapos kong mag-ayos ay naisip kong i-text sana si Gino na hindi na ako makakapagtrabaho kaso wala pala akong number sakanya o kahit na sino doon.


Punta nalang ako sa Saturday ulit doon para pormal na magpaalam na rin tsaka siguro humupa na yung galit nila mama saakin nun at papayagan ulit akong pumunta para mag-paalam.


Kaso hindi, Sunday na pero hindi pa rin ako pinapalabas nila mama at pinapapunta kung saan pwera sa palengke o kung saan man na kasama sila. Pero buti nalang kahit galit pa rin sila saakin ay pinag-enroll na nila ako para sa 2nd year college ko sa UST.


"Ate!"


Kinalabit kalabit naman ni Emily yung hita at paa ko para gisingin ako. Inis kong nilagay yung unan sa ulo ko.


"Ano ba, Emily? Maaga pa eh!" Iritang sabi ko. Alam kong mamaya pa kami pupuntang palengke para tulungan si mama eh! Bakit naman ako ginigising nitong bruhilda kong kapatid?!


"Ate, andyan si Gino." Mahinang sabi niya sabay hila palayo ng unan ko. Argh! Putek!


"Sino naman yang Gino na yan?" Wala sa sariling tanong ko habang ngingudngod pa yung ulo ko sa unan na hinihigaan ko.


"Si Gino Dela Vega, ate nasa bahay natin!" Paglilinaw niya pa, "Kilala mo ba siya?! Omg, sinabi mo ba sakanya na crush ko siya?"


Nagprocess pa yun sa utak ko bago ko tuluyang napagtanto kung sino yun. Napabukas bigla yung mga mata ko at tumingin sakanya, "Ano?! Andito si Gino?!"


Hindi pa man siya nagsasalita ay agad na akong bumangon at kinuha yung salamin ko, nagkandadapa dapa pa ako pero nakalabas naman ng buhay sa kwarto ko. Nagmadali akong bumaba sa hagdan kasunod si Emily.


Mula dito kitang kita ko na si papa na kaharap mismo ni Gino sa tapat ng gate namin dahil hindi naman gaano kataas yung gate namin eh.


"Pa! Goodmorning!" Bati ko sabay halik sa pisngi niya.


"Alam na nang buong barangay na gising ka na." Biro pa ni papa dahil siguro halos magiba na buong bahay namin sa pagmamadali ko. Napakamot nalang ako sa batok ko sabay tawa nang konti, "Sino ba itong naghahanap sayo? Boyfriend mo ba ito?"


"Hindi po--"


"Manliligaw palang po." Sabay sabay kaming napatingin kay Gino na gulat, lalo na ako. Nanlaki yung mga mata ko at nagtaka sa sinabi niya habang siya ay ngumiti lang saakin sabay kindat. What the hell?!



-----------------<3-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 155 55
Maureen, who comes from a family of teachers, picked a different path and studied Tourism Management at STI College. She's working hard to keep her g...
33.4K 1.3K 43
Nayumi Kazea Vionice De Villa, an Accountancy student at BDV academy. She is a war freak and a player, but behind those actions, she doesn't have the...
9.5K 518 52
RULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pam...
45.4K 799 42
Chesca, a strong brave girl who's head over heels towards a guy named Danger. She was the one who courted him and chases him despite of his attitude...