A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.7K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 7

286 27 138
By omyerika

"Mapapagupit po. Magkano po ba gupit dito?"


Ako naman yung lumapit sa kakarating lang na customer na magpapagupit daw dito sa maliit na salon na pagmamay-ari namin sa palengke.


"Singkwenta po."


"Oh sige, layered ah." Sabi nung customer na babae at pinaupo ko na siya sa isang upuan sa tapat ng salamin.


Pinundar ni mama at papa itong salon na ito dahil dati palang gusto na talaga ni mama ang nag-aayos at naggugupit. Kaya nga mas lalong gumaganda nanay ko eh, at kaya naakit niya ang hearttrob ng bayan noon, ang papa ko.


Nadisappoint siguro siya kung bakit ganito kinalabasan ng first born nila. Halos lahat ata ng panget na feature nila, napunta saakin. Buti nalang bawing bawi kay Emily.


Since walang trabaho ngayon si papa at summer ngayon kaya kami muna ni Emily ang tumutulong dito, meron naman ibang tauhan sila mama kaso nagbawas siya kasi hindi kinakaya ng budget. Hindi naman nawawalan ng customer dahil medyo sikat na rin kami dito.


"Hi pa! Tapos na po interview niyo?"


Napalingon naman ako sa may pinto at nakita doon si papa. Nagmano naman ako at pinapatuloy na yung pagugupit.


"May natanggap na raw sila eh," sabi ni papa sabay upo at punas ng noo niya gamit yung bimpo, "Maghahanap nalang ulit ako mamayang hapon para hindi sayang sa oras kesa maghintay pa ako bukas."


"Pahinga ka muna, pa. Baka kung mapaano ka nyan eh." Sabi ni mama.


Ilang minuto pa ay natapos na rin ako sa pagugupit. Binigyan niya rin ako ng tip na sampung piso na nilagay ko rin naman sa kita namin dahil alam ko malaki yung pangangailangan namin ngayon.


Winalis ko na yung buhok na ginupit ko at exaktong nawalis ko yung asa tapat ni papa kaya napansin niya ulit ako.


"Oh? Akala ko ba may importante kang gagawin? Bakit andito ka?"


"Gagala lang naman yan pa eh!" Sabi ni Emily.


"Hindi kaya! Wala nga akong pera pang-gala eh." Depensa ko at tumingin ulit kay papa, "Mamayang hapon nalang po ako pupunta, kung papayag po kayo? Pangako pa, hindi po ako gagala."


"Oo naman." Walang alinlangang sabi ni papa sabay ngiti saakin. Nawala lang iyon nung piningot ni mama yung tenga niya.


"Ayan ka nanaman! Kinukunsinti mo nanaman yang anak mo!" Sabi ni mama.


Hindi naman gala yung pupuntahan ko eh, magtratrabaho naman din ako.


Ang kaso hindi nila yun alam. Baka kasi mabati at bigla akong matanggal, sabihin ko nalang sakanila pag may sweldo na ako hehe.


"May tiwala kasi ako sakanya. Tsaka hindi ko naman siya laging kinukunsinti ah? Ayoko ngang magpaplastik surgery siya pero ginawa niyo pa rin dahil gusto mo." May pagkainis nasabi ni papa kay mama kaya manahimik nalang si mama.


Hanggang ngayon kasi may hinanakit pa rin papa saamin lalo na kay mama dahil feeling niya pinagtulungan namin siya. Ayaw talaga kasi ni papa na mag rhinoplasty ako noon, nag-away pa nga si mama at papa nun eh.


Okay naman daw kasi yung itsura ko sabi ni papa, susunod na sana ako sakanya pero mas gusto pa ni mama na mabago itsura ko kesa saakin eh.


"Alis na po ako."


Nagmano na ako kay mama at papa bago umalis. Pagkarating ko sa intramuros ay naglakad nalang ako papunta doon kahit mainit at medyo malayo para makatipid. Nakalimutan ko pa yung payong ko, sobrang sikat pa naman yung araw ngayon. 


Huminto muna ako sa isang nakapark na kotse at nanalamin muna sa bintana sa may passenger seat, tutal wala namang tao. Pasimpleng tanggal ng muta lang at punas ng pawis muna, ang dugyot ko na palang tignan. Sinuklayan ko nalang yung buhok gamit ang kamay ko. Then kinuha ko na rin yung liptint at powder ko sa bag para naman magmukha akong fresh. 


Just when the liptint was about to touch my lowerlip, the car window suddenly goes down at bumungad saakin ang isang lalaking nakashades, yung isang kamay nasa manibela at yung siko niya sa kabila ay nakatungkod sa pinto sa side niya. 


Lupa kainin mo na ako, now na!


"Kaya pala ang tagal pumasok sa work." Tumingin naman si Gino saakin sabay baba ng konti yung shades at ngumisi. Oo, pag minamalas ka nga naman, sa dami ng tao siya pa talaga! 


I pursed my lips at dahan dahan akong umayos nang tayo tsaka sinarado ulit yung lip tint ko. Ngumiti nalang ako nang pilit kay Gino tsaka nagmadaling naglakad papaalis. Jusme, wag sana siya pumasok ngayon sa trabaho, o sa kahit na anong araw. Nagtanggal pa ako ng freaking muta kanina! What the heck?


BEEEEEP!


"Ay, muta!" Napasigaw tuloy ako kasabay nang pagtalisod ko. 


Sino ba naman kasi yung biglang bumisina na yun?! Eh nasa gilid naman ako ng kalsada. Tumingin ako sa likod ko ng pagalit at nakita yung sasakyan ni Gino na sinusundan ako. Binalik ko agad ulit yung tingin ko sa unahan at naglakad nalang ng mabilis. 


"Hop in." Biglang sabi niya nung nasa gilid ko na siya. 


"Okay lang po, malapit nalang po eh." Pagtatanggi ko kahit medyo malayo pa. 


Akala ko pa naman mauuna na siya pero talagang sinusundan niya ako habang ako naglalakad at siya naman ay nagdaddrive. Parang tanga tuloy na ang bagal ng usad ng kotse niya. May kasunod pa siya sa likod, langya. 


"Huy, Gino! Umayos ka nga." I whispered-shout to him. 


"The restaubar is still far from here and the sun is high up. You wanna be roasted when you get there?"  Tinignan nya ako habang patuloy pa rin ang maliliit na usad niya, may pagkamautoridad niyang sabi, "Get in." 


"No, thanks po. May payong ho ako." Hindi ako nagpapabebe or what. Nakakahiya lang talaga dahil boss ko siya, hindi ko siya gaano kaclose, at nakita niya akong nagtatanggal ng muta kanina. Takte, sinong hindi maawkwardan dun?!


"Get in or you're fired." 


"Sabi ko nga, papasok na." Bulong ko sa sarili ko at dumeretso na sa pintuan sa likod ng kotse kaso lock. Pinagloloko ba ako nito?, "Pa-open po."


"Ano ako? Driver mo? Dito ka sa shotgun seat." Sabi ni Gino or more on like, utos.


Napabuntong hininga nalang ako at sumunod nalang ako sakanya. Nagseat belt muna ako pagkapasok doon tsaka nagpunas muna ng pawis, ang init talaga! Nung tumingin sakanya ay nakita kong nakakunot yung noo niyang nakatingin saakin.


"Bakit?"


"Bakit ka pa nagmamakeup kanina?" Tanong niya tsaka tumingin na ulit sa harap para mag-start ng magdrive ulit, "Ganda mo na kaya."


Even though he just whispered his last statement, I heard it. And it makes my heart flattered a little. Samantalang siya parang normal lang niya yun sabihin dahil nakapoker face lang siya habang nakatingin sa daan. 


Tumikhim nalang ako, "Oo nga pala, kailan ko makikilala yung pinakaboss, si Sir Charles?" 


"Bakit mo naman yun gustong makilala? Hindi pa ba ako sapat?" Tuloy tuloy na tanong ni Gino.


"Huh? Eh kasi siya yung pinakaboss ng bar eh. Syempre gusto ko siyang makilala noh para magkapagpasalamat na rin. Kapatid mo siya diba?" Tanong ko kay Gino.


"Half." Walang emosyong sabi niya habang seryosong nakatingin sa daan, "And don't tell or ask him about us, being brothers. Ayaw niya yun."


Napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya, "Bakit naman?"


Hindi naman niya sinagot hanggang sa makarating kami sa labas ng bar, "Long story short, ayaw niya saakin."


Tuluyan na siyang lumabas ng kotse at naiwan ako dito na nagtataka pero hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang niyang pag-usapan.


Sabay na kaming pumasok sa bar pero nag-iba na nang naglandas since siya ay dumeretso sa office nila habang ako dumeretso na sa bar counter kasi nandoon si Kuya Jaypee.


Pangalawang araw ko na dito sa part-time job ko, mukha ngang excited pa ako dahil sa aga ko. Mamaya pa dapat akong 5PM, eh 2PM ata kami nakarating dito ni Gino. Early bird yarn? 


Kaya ngayon nakikipagkwentuhan muna ako kay Kuya Jaypee at sa ibang staff dito sa baba ng bar. May konting tao na rin, restaurant din naman kasi ito eh.


"Huy Melissa, sinong tinititigan mo dyan?"


Napatingin naman saamin si Ate Melissa, isa sa mga waitress dito.


Kanina pa kasi namin siya pinagmamasdan ni Kuya Jaypee kasi kanina pa humahaba yung leeg niya doon sa may pinto kung nasaan yung mga kaibigan daw ni Gino na foreigners.


"Ito naman, harang nang harang! Tabi nga, minsan na nga lang makakita ng gwapong foreigner eh." Sabi ni Ate Melissa sabay taboy kay Kuya Jaypee sa gilid. 


"Hay nako, ako na nagsasabi sayo, wala kang pag-asa dyan." Natatawang asar ni Kuya Jaypee.


"Alam mo? Epal ka. Tss, panira ng araw." Inirapan niya si Kuya Jaypee at napatingin saakin sabay ngiti, "Hi! Ikaw yung bagong singer noh? I'm Melissa pero pwede mo rin akong tawaging Ate Mel."


"Hi po, Ate Mel. Ako po si Naomi." Medyo nahihiya ko pang sabi at nakipagshake hands sakanya. 


"Ang hinhin mo huh. Babaeng babae, bagay kayo ni sir Gino. Ilang taon na kayo?" Tanong niya saakin.


Nagulat naman ako sa sinabi niya, "Po? Ay hindi po kami mag-jowa." Todo tanggi ko pa. 


"Ay, true ba? Akala ko kayo kasi nakita ko kahapon na magkausap kayo at sinamahan ka pa niyang magpractice. Tapos sabay pa kayong pumasok kanina," Nagtaas baba naman yung mga kilay niya habang nakangiti nang napakatamis, "Nililigawan ka palang niya noh?"


Nakakahiya, mukhang nakita nga ng lahat yung nangyari kahapon. 


Mas lalo naman akong umiling ako at natawa, "Hindi rin po." Ako? Liligawan nun? Impossible. Hindi nga ako type nun eh. 


"Pero bet mo siya?"


Saktong pagkasabi ni Ate Mel ay nahagip ng mga mata ko si Gino na kakalabas lang ulit sa office nila.


Suot niya ang isang hindi naman gaano kahapit na army green na shirt pero kitang kita pa rin doon ang hubog ng kanyang dibdib at ang malulusog niyang braso mula sa mga manggas nito. May soot soot din siyang silver na kwintas na hugis rectangle na may kung anong symbol doon.


"Kung sabagay. Sino ba naman ang hindi magiging bet yan. Full package oh."


Hindi ko naman maitatanggi na gwapo siya at pinagpala talaga sa katawan. Kaso...


Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo eh.


Sinundan ko pa rin ng tingin si Gino na nakipag-apiran at nakipagbatian na sa mga kaibigan niya. Iba yung mga kaibigan niya ngayon kumpara sa mga kasama niya nung Paskuhan pero andoon pa rin si Carlos, siya lang kilala ko doon eh haha. Halos lahat sila naka leather jacket at mukhang mas matanda saamin.


"Bakit kaya single pa rin siya noh? Pero kung sabagay, baka nga hindi pa yan nakakamove on eh," Tumingin tingin naman siya sa paligid bago magpatuloy, "Shh ka lang ah pero sabi nila kaya daw siya umuwi dito sa Pilipinas para balikan yung first love niya pero mukhang hindi na siya mahal nun girl kaya ayun single pa rin siya hanggang ngayon." 


"Huy, Mel. Kung ano anong pinagkakalat mo, lagot ka nyan kay boss." Bawal ni Kuya Jaypee.


"Edi 'wag kang makinig!" Inirapan siya ni Ate Mel at nagpatuloy lang si Ate Mel sa pagkwekwento.


May pagkachismosa rin pala itong si Ate Mel, at ako naman ito nakikichismis na rin hahaha. Nacurious eh. 


Maya maya lang ay nagtrabaho na sila Ate Mel at mag-isa nalang ako dito sa bar counter nang bigla akong tabihan ni Gino. 


Naalala ko nanaman yung sinabi ni Ate Mel kanina, baka tuluyang kung anong isipin saamin nung iba. Sakanya okay lang kasi boss siya, wala naman silang magagawa kundi pagchismisan lang siya. Samantalang ako na baguhan lang kaya kailangan kong dumistansiya ng konti.


"Bored?" Bigla niyang tanong saakin. Umiling naman ako, alanganamang magsabi ako ng totoo hahaha, "Ako kasi bored na."


"Hindi ka ba masaya na nandito yung mga kaibigan mo?" Tanong ko at sinilip saglit yung mga kaibigan niya sa isang table na mukhang nagkakasiyahan naman. Ewan ko ba sa isang ito at dito pa saakin tumabi, malamang sa malamang mabobored ka, "Ayaw mo ba silang samahan?"


"Bahala sila dun, malalaki na sila."


"Grabe ka haha. Minsan lang ata sila pumunta dito, sige na doon ka na." Sabi ko sakanya.


Tinungkod naman niya yung kamay niya sa gilid ng ulo niya habang nakadikit yung siko niya sa counter, "So pinagtatabuyan mo na ako ngayon?"


"Luh, so nagdradrama ka na nyan?" Pangaasar ko sakanya at ininom yung tubig ko, "Tsaka baka kung anong isipin ng iba saatin noh."


"Ano naman iisipin nila?"


I pursed my lips and looked at him who's looking confusedly at me, "Ano, akala kaya nila tayo raw dahil sa nangyari kahapon. Tsaka diba my girlfriend ka?"


Kumunot yung noo niya, "Sino nagsabi niyan?"


Na-alarma naman ako dahil sa tono ng boses niya. Hala? Bakit ko ba yun sinabi? Para tuloy akong nagsusumbong sakanya at para siyang nagalit. Tss, daldal mo rin Naomi noh? 


"Joke lang po, walang nagsabi nun." Biglang bawi ko at huli na nung narealize ko na parang tanga lang yung sinabi ko. Jusko!


I heard him chuckled, "Don't worry. I won't do anything to them. Sasabihan ko lang sila na hindi pa."


"Hindi pa na ano?" Uminom naman ako ng tubig habang nakaharap pa rin sakanya. 


Medyo lumapit siya saakin at tumingin mismo sa mga mata ko. I also looked at him with water in puff cheeks, he smirked, "Na hindi pa tayo."


Muntikan ko ng maibuga sa mukha niya yung tubig dahil sa gulat sa sinabi niya buti nalang nalunok kundi sapul na sapul sa mukha niya. Loko kasi eh! Pinagtritripan ba ako nito?!


Umayos na siya nang upo at inabutan ako ng tissue.


"Dahan dahan kasi sa pag-inom." Tinignan ko muna siya nang masama habang siya nakangisi lang na parang ineenjoy yung pangiinis saakin.


"Bwiset *hik*" leche, hindi pa sapat yung ininom kong tubig? Siguro dapat ibuga ko talaga kay Gino, char.


Sininok pa ako kaya napainom ulit ako ng tubig habang siya tawang tawa.


"Oh God, mas nakakatawa pa ito kesa sa kanina hahaha. Seriously? Are you that clumsy?" Natatawang sabi niya. Nung napansin niya na masama na yung tingin ko sakanya, unti unti na siyang tumigil sa pagtatawa at tumikhim, "May papapikita pala ako sayo."


Nilabas niya yung phone niya sa bulsa niya at may kinalikot bago ipakita saakin ang isang video. Tumayo na siya tsaka lumapit saakin. Bale ako ay nakaupo dito sa bar stool at siya ay nakatayo sa gilid ko. Nagtaka naman ako kung ano yun pero nung pinanood ko na halos mabatukan ko na siya sa inis at gulat. 


"Hi, Naomi!" Rinig kong sabi ni Gino sa background at kumaway pa siya.


Aba'y ang walanghiya, vindeohan pa pala ako kanina! Jusko, ang tagal ko palang nananalamin kanina, sa susunod talaga magdadala na ako ng salamin, yung body mirror para kita hanggang baba.


"Huy! I-delete mo nga yan." Hindi ko na mapigilang suntukin siya sa braso niya pero parang wala rin effect.


"Ayaw." Sabi niya habang nakangiti pang nakakaasar sabay tago na nung phone niya. 


"Ehhhhh! Delete mo na kasiii!" Papupumilit ko at talagang sinubukan ko pang kuhain yun mula sakanya. 


Panget ko doon eh! Haggard na haggard yung itsura. Baka ipangblackmail niya yan noh! Mahirap na. 


"Gino!"


Sabay naman kaming napatingin doon sa biglang tumawag sakanya at dahil doon nagkaroon na siya ng opportunity para ilagay na sa bulsa niya yung cellphone niya. Nakita ko naman ang tatlong lalaki na nakatayo sa may tapat ng pinto.


Isa na doon si Carlos, yung nakasama namin sa Billiards nung isang araw. Unlike Gino's chestnut bown hair, Carlos has black curled hair. Halos magkasing katawan lang si ni Gino pero mas kayumanggi si Carlos.


May kasama siyang dalawang foreigner na mukhang kaibigan din nila ni Gino. Yung isa may golden brown yung buhok na maputi and yung isa naman may black semi-fade haircut or semi-kalbo na kulay kayumanggi yung balat.


"I should get going. I'll see you later." 


Aalis na sana siya nang bigla kong hinawakan yung palapulsuhan niya,  "Hindi kita papakawalan hangga't hindi mo yun binubura!"


"Fine," sabi ni Gino at umupo ulit sa stool na katabi ko, "Edi wag."


"Gino!" Iritang sigaw ko kaya halos lahat napatingin saamin, bigla tuloy akong nahiya. 


Natawa naman si Gino nang konti at kinuha ulit yung phone niya mula sa bulsa tsaka pinakita saakin yung pagdedelete niya nung video. 


Ngumisi siya sabay gulo ng konti yung buhok ko, "Goodluck mamaya."


Sinundan ko naman siya nang tingin hanggang sa makalapit siya sa mga kaibigan niya hindi pa rin mawala wala yung ngisi sa labi niya. 


"Baliw." 


Bigla ko namn naalala na Iphone pala yung phone niya, eh may deleted files pala doon! Langya! Bago pa man ako makapagsalita ay umalis na kaagad sila dito. Mamaya talaga siya saakin. 


The next weekend, ganun ulit yung eksena namin. Sila Kuya Jaypee, Ate Mel at Gino yung mga nakakausap ko dito pero madalas si Gino dahil tinutulungan niya rin ako sa pagkanta.


Sunday na ulit at mas maraming tao dito.


"Psst. Ayun si Sir Charles oh."


Biglang bulong saakin ni Kuya Jaypee kaya napalingon ako sa lalaking kakapasok lang.


He's wearing a light buttoned down shirt tucked in to his black pants paired with a black oxford shoes. He has a bear and more mature than Gino. Batak na batak din yung katawan niya na para bang ang sikip na sakanya nung damit dahil kitang kita yung hubog ng katawan niya. For his facial feature, he's good looking but not as good as Gino. Pero halatang nasa genes talaga nila yung pagiging gwapo noh.


"Naomi, pinapatawag ka ni Sir Charles."


Kinabahan naman ako sa sinabi ni Ate Mel pero agad din naman sumunod sakanya. Nagdadasal nalang ako habang papunta sa office niya na katapat ng office ni Gino.


"So, you're the new vocalist?" Tanong niya agad pagkapasok ko sa office niya, "Naomi Madriaga?"


"Yes po," I answered.


"Okay. I'll just get to the point to as to why I called you." sabi niya sabay baba ng papel na mukhang resume ko sa table niya sabay tingin saakin, "I saw your performance last week and I have to admit that I'm impressed. You're pretty good for a first timer. Kaya nga agad kitang inofferan eh."


Medyo nahiya naman ako doon pero ngumiti pa rin, "Hehe salamat po."


"I just want to ask you one question," binaba niya yung resune at pinatong yung dalawang siko niya sa lamesa, "Kaano ano mo si Gino? Do you have any relationship with him? Don't get this the wrong way, I'm already married."


"Uh," hindi ko tuloy alam ang isasagot ko kahit alam ko naman yung sagot dahil parang pakiramdam ko nahot seat ako bigla. Bakit kasi ganyan agad tanungan? "Boss ko po siya."


"Good. Just a piece of advice, don't get involved with him, Miss Madriaga."


Napakunot yung noo ko sa sinabi niya and I was about to asked something when suddenly his phone rang.


Sinagot niya iyon at nag-gesture na siya saakin na pwede na akong umalis. Marami pa akong gustong tanungin sana kung bakit ba halos lahat ng taong malapit kay Gino, pinapalayo ako sakanya. Ano bang meron? Drug addict ba siya? Mamamatay tao ba siya? Mukha naman hindi ah.


Buong linggo, iniisip ko iyon at nagsearch pa sa google sa pangalan ni Gino. Baka kasi wanted siya ganun pero wala. So bakit parang sinasabi nilang delikado siya? At pinapalayo pa talaga ako.


Tatanungin ko na sana siya last week Sunday, after akong kausapin ni Sir Charles pero hindi naman siya nagpakita. Since, every week nga yung pasok ko dito, kahapon lang yung pagkakataon ulit na magkita kami kaso hindi naman niya ako pinapansin. Iniiwasan ba ako nun?


"It's sweldo day!"


Sayang saya naman si Ate Mel nung natanggap na niya yung sweldo niya ngayong buwan. Nagulat nga ako na meron din daw ako samantalang 3 weeks palang ako andito, ibigsabihin 6 days palang ako nagtratrabaho dito kasi tuwing weekends lang ako eh.


Tumingin tingin naman ako sa paligid at hinanap ng mata ko si Gino pero wala siya.


Ano kayang nangyari doon? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka iniiwasan niya ako, pero bakit? Sinabihan din kaya siyang layuan ako? Para namang ewan kung ganun. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.


Imbis na masaya ako ngayong araw dahil may sweldo na ako at masasabi ko na kila mama at papa para tumigil na sa pagdududa saakin si mama. Heto ako ngayon, malungkot at gulo pa rin yung isip dahil kay Gino.


"Ingat ka, Naomi ah!"


Nagpaalam na ako kila Ate Mel at naglakad na ako papuntang lrt nang may biglang humablot ng bag ko at mabilis na tumakbo.


"Hoy!" Sigaw ko at walang alinlangan na hinabol yung laking humablot ng bag ko.


Lahat ng gamit ko andoon! Lalo na yung sweldo ko, anak ng pucha!


Hinabol ko siya hanggang sa hindi ko namalayang nasa isang liblib na lugar na pala kami. Hinabol ko yung hininga ko bago mapatingin sa harap at nagulat na hindi lang yung lalaking humablot ng bag ko yung andoon.


"Ang tapang na babae oh." A guy with a bonet said.


Bigla naman akong nakaramdam ng takot at aalis na sana nang biglang may isang grupo nanaman ng lalaki ang humarang saakin.


"Opps, saan ka pupunta?" Sabi nung lalaking walang damit.


"Dito ka muna miss, sayang naman yung paghahabol mo saakin." Sabi nung lalaking nang hablot saakin.


"Siya ba yung may-ari ng bag?" Sabi nung lalaking naka-manbun at nasa harapan ko ngayon.


"Yes boss. Ganda noh?"


Bigla naman ngumiti na may balak saakin yung lalaking naka-manbun at mas lumapit pa saakin kaya naman.napaatras ako kaso patuloy pa rin siyang lumapit saakin hanggang sa wala na akong maatrasan at makorner na niya ako sa isang pader. Gusto kong sumigaw pero sa sobrang takot ko wala akong magawa kundi manginig at mapipe.


"Ganda nga." Kinilabutan naman ako sa sinabi niya, "Mukhang kaya tayong paligayahin."


Nagsitawanan naman silang lahat na parang mga demonyo.


"K-kadiri! Tulong!" Sigaw ko at tinulak ko siya gamit ang buong pwersa ko pero agad naman niya ako naibalik sa pagkakasandal sa pader.Sabay sakal sa leeg ko, "Ahh!"


Hinawakan ko naman yung kamay niya na nasa leeg ko at nagpumilit na pumiglas, "Tu-Tulong! Parang-awa niyo na--Mmm!!"


"Wag kang maingay, miss. Saglit lang ito, masasarapan ka rin." Sabi niya at dahan dahang nilapit yung bibig sa leeg ko.


Nagpupumiglas ako at nagpatuloy na sumigaw kahit na nakatakip yung isang kamay niya sa bibig ko. Naiyak na rin ako sa nangyayati at possible pang mangyari.


Lord! Huhu, alam kong marami pa kayong mas kailangan na tulungan ngayon pero wag niyo naman hayaam.ma sa ganitong paraan makuha yung virginity ko! Parang-awa niyo na! Iligtas niyo po ako please.


Napapikit nalang ako nang mairin habang pumipiglas pa rin. Nararamdaman ko ng may humahawak na ibang kamay sa katawan ko. Pucha huhu. Patuloy ang agos ng luha at humagulgol na. Wala naman akong ibang magawa kundi magdasal na sana tumigil na sila.


Ilang segundo pa ang nakalipas ay naramdaman ko nalang na nakakahinga na ako nang maluwag at wala ng kamay na humahawak sa katawan ko pero napa-upo pa rin ako sa sahig sa sobrang panginginig at patuloy pa rin umagos yung luha ko sa takot.


"How dare you touch her?!"


Napatingala ako at yung lalaking last week ko pa hinahanap ang bumungad saakin.  Nakikipagsuntukan at inilayo na niya ang mga lalaking nagtangkang gumahasa saakin. 


Nasa harapan ko na siya pero nakatalikod siya saakin at nakaharap sa mga lalaking umaatake sakanya. Gusto ko man siyang tulungan pero hanggang ngayon nanginginig pa ako sa takot. 


"G-Gino!" Napasigaw nalang ako nang biglang maglabas ng baril yung isa at mabilis na tinutok kay Gino. 


Bang!


-----------------<3-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 375 25
Celestine Clover Davis woke up without remembering anything. She's been at that hospital for years now and this guy keeps on coming back to take care...
37K 614 48
The captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to i...
2.6K 142 53
CAMBRIDGE ACADEMY SERIES #2 - Kylalaine Gomez Kylalaine Gomez dated different guys to forget Jake Santiago - the first guy who broke her heart. Jake...
2.9K 249 42
The Walton Brother's She's a mix of beauty and mess, going through countless of battles that left her pain and scars that were never healed. Celine...