Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

597K 22.4K 4.7K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Fifty four

8.4K 320 142
By JierusuJirin

Banana


Nakatitig lang ako sa mga papel na hawak habang nandito sa opisina ko.

Nandito ako sa Mansyon at ginagawa ang dapat na gawin. Naghahanda para sa panghuhuli ng mga dapat hulihin.

Hindi naman magiging mabigat kasi hindi naman ako gano'n katanga para hindi malaman ang lahat.

Matagal na ako rito sa Pangasinan. Lahat ng oras at araw ay ginugol ko sa paghahanap ng ebidensya at hinanap ang pinakamastermind ng lahat ng ito.

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok doon.

"Bukas 'yan." Si Poppy ang nakita kong nagbukas at pumasok ng k'warto kung nasaan ako kasunod si Silvestre.

"Uno."

"Nahuli niyo na?" Bungad ko sa kanilang dalawa na ikinatango nila. "Okay then. Nasa chamber na ba? Kayo na ang bahala sa kanila. Make sure na wala na sila 'pag nakuha na ang mga boss nila. Itira niyo ang mga iyon sa akin."

"Masusunod. Pero iyong boss nga nila ay nagtatago." Natawa ako ng mahina bago ibaba ang papel na hawak ko.

Hindi naman nagtatago 'yon e.

Sa tagal ko rito kasama si Alex ay hindi ko na pinabayaan ang lahat ng galaw ng miyembro ng organization.

Si Alicia ay wala rito dahil ang sabi niya ay susunod na lang daw. May isang buwan na ako rito pero wala pa rin siya. Ano bang nangyari sa kanilang dalawa ni Imperial? Bago kasi ako magpaalam sa mga kaibigan ko ay narinig ko pa si Imperial na sinisigaw ang pangalan ni Alicia. Nag away ba ang dalawa? Pambihira, pagkatapos nilang mag away sa harapan namin ay nag away na naman sila. Kung magkalimutan na lang kaya sila?

Basta ako, may kilig pa ring nararamdaman sa tuwing naaalala ko ang gabing nagpaalam ako kila Victoria.

Pambihira, lumalandi na ata ako.

"Ako ang pupunta sa kaniya kung nasaan na siya ngayon. By midnight aalis ako." Kibit balikat ko sa dalawa at ngumisi.

"P'wede bang sumama?" Napataas ako ng kilay kay Poppy. "Para makita ko kung paano mo siya kaladkarin? I mean, 'sila'." Ang hirap pala maging stupid minsan. People will deceive you for some reason na minsan ay invalid naman. Walang mga k'wenta at hindi pa worth it pakinggan ang rason.

"A show, Poppy? Bakit hindi?"

Natawa siya, maliban kay Silvestre na walang ganang nakatitig lang sa akin. Ngumisi ako rito na ikinailing niya. Parang alam niya ang tumatakbo sa isipan ko e.

"Labas muna Poppy, iwan niyo si Silvestre rito." Nagtataka man si Poppy ay hindi na siya nagtanong pa.

Hm, ano nga ba ulit ang sasabihin ko kay Silvestre? Pambihira medyo buffering bigla ang utak ko.

"What is it?"

"Nakalimutan ko bigla e." Natatawa kong komento. Tinignan ko pa ang ilang mga papel sa mesa pero hindi ko na maalala ang dapat na sabihin. Nakalimutan ko talaga, parang tanga naman e. Mabuti na lang at nakita ko ang picture ng tatay ni Alex sa tabi— picture no'ng pinatay siya at puno ng dugo. "Naalala ko na. Alam mong hindi lang apat ang traydor rito sa mansyon, hindi ba? Maliban sa wala namang mga k'wentang tauhan nila."

"Masyado kang matalino, Banana. Pero wala naman na talaga akong alam kung sino pa. Silang apat lang talaga ang alam ko, hindi kasama ang bilang ng tauhan nila. Pero all in all, I know them. Why?" Umiling ako, humihina na siya o okyupado ng iba ang isip niya? Masyado siyang tahimik ngayon.

Kinuha ko ulit ang papel na hawak ko kanina bago ilapag sa harapan niya. Itong papel na ito ang reason kung bakit ko siya pinaiwan.

"Oh sige, basahin mo." Wala naman siyang ganang nagkibit balikat at inabot ang papel para basahin. Binigyan ko lang siya ng oras para basahin ito. Kapansin-pansin naman ang pagkakakunot ng noo niya. Naupo rin siya ng maayos at mas mabilis na binuklat pa ang isang papel na nakatupi na nakaipit sa likod nito.

Surprised, Silvestre.

"B-Banana? Are you fucking sure that she's one of them?! A mastermind?" Inaasahan ko na talaga na magugulat siya at hindi aasahan ang balita ko para sa kaniya.

"Kulang pa ba ang ebidensiya ko? Magbibigay pa ako para maniwala ka." Natatawa akong yumuko at inabot ang ilang kumpol na papel sa tabi ng inuupuan ko at itinaas. Pabagsak ko pa itong binaba sa harapan niya. "O sige, basahin mo lahat 'yan at pakitignan pati mga litrato. At oo nga pala—" Binuksan ko ang drawer ng mesa ko at kinuha naman ang isang video recorder doon at inabot pa sa kaniya. "Kung tinatamad kang basahin ang lahat ng iyan ay panoorin mo na lang 'yan."

"Where did you get all of this?"

"Secret." Nilagay ko ang point finger sa bibig ko para sabihing 'shh' lang ako.

Umiling ito sa akin bago muling tignan ang gusto kong mga ipakita.

It's showtime.

"Uno— n-no fucking way! I fucking trust her!" I get that reaction.

"Well? Sige. I am giving you my special permission." Natawa akong muli na parang wala lang pakialam. "Siya ang pang limang traydor so I'll let you kill her, Violet. She's the reason why your mother was assassinated. Kaya rin hawak ka ng ama mo sa leeg. How funny that you never see it coming. Does she smile in front of you genuinely, Silvestre?"

Kahit sino p'wede namang malinlang. Kahit ako nalinlang din naman. Hindi masakit sa part ko pero may isang tao sa kanilang mga traydor ang sumira ng buong tiwala ko.

Ginago niya ako.

Kung si Silvestre ay nalinlang, ako rin nalinlang isa sa mga traydor.

Nagtiwala ako sa gagong 'yon pero hindi ko alam na kaya pala niya akong saksakin patalikod.

"Damn, girl. Paano mo ba nalaman ang lahat ng ito?"

"Pambihira naman Silvestre. Kung magiging pinuno ako ay dapat may kakayahan akong malaman at makilala ang mga nakakasalamuha ko. Hindi p'wedeng tanga ako bilang pinuno niyo." Nailing ako. Totoo naman ang sinasabi ko. Kailangan ay alam ko rin ang nangyayari sa paligid ko. Mahirap na at baka pagtalikod ko ay patay na ang lahat ng miyembro ko.

Hindi ko rin ikakaila na nagulat ako sa nalaman ko. Nahirapan akong gawin pero hindi ko p'wedeng ipasawalang bahala ito.

Nakakatakot dahil napakatalino nila at magaling silang magpanggap sa harapan namin. Ang mga ngiting iyon ay nalinlang kami. Nalinlang kaming lahat na hindi ko akalain na sa likod ng mga ngiting iyon ay nakatadhana na pala ang kamatayan namin sa mga kamay nila.

Pero hindi ako papayag doon. Hindi pa ako sigurado sa mga dahilan nila kaya't kailangan ko itong malaman ng mula talaga sa mga bibig nila.

Bukod sa kapangyarihan ay alam kong may gusto pa silang iba.

"I want revenge, Uno. Matagal ko ng hinahanap ang taong pumatay sa nanay ko. Nasa harapan ko lang pala." Napansin ko ang pagdiin niya sa hawak na papel. Maski ang pagiging ilap na mata ay mas lumamig. Napangisi ako.

Siya ang papatay para sa akin.

"Sure, Silvestre." Isang tango pa ang binigay ko sa kaniya. "Pakitawag si Luna kung handa ka ng lumabas."

Kahit siguro alam na niya ang dapat na malaman ay hindi pa lahat nagsi-sink in sa utak niya pero matalino siya. Alam niya ang dapat na gawin.

Lumabas naman siya agad ng walang sinasabi. Natawa akong muli sa sarili.

Hindi lang ako ang na traydor sa loob ng organization. Marami kami.

Hindi rin nagtagal ay pumasok din si Luna. Hula ko ay nasa labas lang siya kaya mabilis nasabihan.

"Madam, pinatawag mo raw ako?" Tumango-tango ako kay Luna. Dapat ay kasama niya si Jacob pero wala kasi ang isang iyon pero alam ko naman kung nasaan siya.

"Gusto kong sumama ka kay Silvestre. Iwan mo si Jacob kay Poppy. Sasama si Pillow at Francine sa kaniya." Napansin ko namang bigla itong kinabahan. Kita ko ang pagbabago ng mga tingin at galaw nito.

"B-Bakit parang nabago ang gagawin?"

"Ah, oo e. Kailangan ko kasi iyong gawin. Kailangan kong baguhin ang plano. Pero p'wede namang huwag ka na lang sumama, Luna. Dito ka na lang mag stay sa mansyon. Oo nga pala, nakita mo ba si Jacob?" Nailing na lang ako ng umiling siya bilang sagot sa tanong ko.

Ah, hindi niya alam?

"Sa totoo lang po ay hindi ko talaga alam. Kahapon pa po siya wala. Hindi rin ma-kontak." Tumango ako at inabot ang cellphone na nasa ibabaw ng mesa.

Tinawagan ko si Elliot na mabilis rin niyang sinagot.

Alam kong nag aabang lang siya. Nasa labas lang siya nitong office ko e.

"Elliot, time to get her."

I ended the call instantly. Ang mga salitang iyon ay sapat na para alam na niya ang gagawin. Nakatitig lang ako kay Luna na sa tingin ko ay pinagpapawisan na sa harapan ko.

Napatalon naman siya bigla sa sobrang gulat ng bumukas bigla ang opisina ko at pumasok ang dalawang lalaking tauhan ni Poppy, kasunod siya.

"Luna." Manonood na naman ako ng show ngayon. Talaga nga namang si Poppy pa ang nautusan ni Elliot na gawin ito.

"Madam Poppy."

"Why Luna? Why?" Ah, akala ko ba alam na niya ang rason? Bakit naman nagtatanong pa siya?

"P-Po? A-Ano pong sinasabi niyo?" Natawa ako ng mahina sa pagpapanggap ni Luna.

Pasensya na Luna, nagamit ka ng mastermind mo. Traydor.

"Ako bahala sa kaniya mamaya, Banana." Tumango-tango ako sa kaniya. "Get her now at dalhin sa chamber."

"S-Saglit! Ano ito?!" Pilit mang nagtatanong si Luna ay hindi na namin siya pinansin. Kinuha na rin siya ng dalawa. Napasapo naman si Poppy sa harapan ko at parang naluluha.

"I didn't know that she will betray me like that. You already tell me what is her reason yet I still can't believe it. Does Silvestre know who's the mastermind already? Sinabi mo sa kaniya kanina?" Tumango ako. "How did she take it? Anong reaksyon niya ng malamang si Imperial ang mastermind?"

"Badly hurt. She'll kill the mastermind for me. Magbe-benefit rin naman siya doon."

Lihim akong natawa dito. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa harapan ko tapos mabilis itong nagbago at nagtanong tungkol kay Silvestre. Ang bilis magbago ng mood ng isang ito.

Pero si Imperial? Lagot kang Imperial ka.

"Tuloy ba mamayang midnight?"

"Hindi." Kunot noo itong napatitig sa akin. "Ngayon tayo aalis." Halata ko ang pagdadalawang isip niya pero tumahimik na lang ito.

Tumayo na ako at inabot ang susi ng sasakyan ko maski ang itim na jacket sa tabi ay sinuot ito. Tumango pa siya sa akin kahit alam kong nag aaliangan siya at sumabay na lang na lumabas ng opisina sa akin.

Tahimik na lang kaming dalawang naglalakad palabas ng mansyon. Naglabas naman ako ng isang sigarilyo bago ito sindihan.

Medyo namimiss ko ng landiin ang kasungitan ni Victoria. Akalain niyo 'yon? Mahal daw ako kahit ganito ang takbo ng buhay ko. Kahit na Crescencio pa ako ay tanggap naman daw niya pero alam ko at ramdam kong ayaw niya ang ginagawa kong pagpatay.

Ang totoo ay galit na naman siya sa akin ngayon. Tinawagan ko siya kahapon pero nag away lang na naman kami. Pambihira, walang katapusang pag aaway. Nalaman niyang pinatay ko si Magallanes kahit ayaw niya. Kahit sinabi kong hindi na pero ginawa ko pa rin. Pero ayokong palagpasin ang oras na iyon. Hindi ko naman pinahirapan ang tao, isang bala lang ay p'wede na dahil baka 'pag umabot pa sa sobra tapos umabot ang buong nangyari kay Vic ay baka wala na akong uuwian. Nadulas kasi si Amanda kay Victoria kaya nalaman niya.

Edi lagot ako ng bongga sa kaniya. Matigas lang talaga ang ulo ko.

"Ayos na ba ang lahat? Dalawang tao lang naman ang susunduin natin."

Pagdating sa labas ng Mansyon ay handa na ang mga kasama kong aalis.

Napalingon ako kung nasaan si Silvestre at ngumisi. Nakasakay siya sa motorsiklo niya. Kahit ang ka-grupo niya. Halatang handang-handa siya.

Pati na rin si Poppy ay sumakay sa isang SUV. Tumango sa akin si Silvestre at nilingon ang ibang kasama.

Magsusundo lang naman kami ng dalawa pang traydor. Hindi pa naman kami papatay, tsaka siguradong alam nilang pupuntahan namin sila kaya baka wala na sila sa lugar na sinabi ko.

"Poppy?" Tawag ko kay Poppy na lumingon sa akin at nagtataka. Nasa loob siya ng SUV pero bukas naman ang bintana nito. "Pangunahan mo ang ibang grupo at mauna kayo sa lugar. Brick, Francine sumama kayo sa kanila."

Wala naman ng ibang sinabi ang mga ito at nagsimula na ring umalis. Lumapit ako kay Silvestre na tahimik lang. Mukhang masama pa rin ang loob nito. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya.

'Pag isang kaibigan na pinagkatiwalaan mo ang trumaydor sa 'yo ay talagang masakit na.

"Tara na." Muli akong ngumisi sa kaniya at tumalikod. Tinapon ko ang sigarilyo at binulsa ang isang kamay sa suot na pantalon bago tinungo ang papasok ng mansyon.

Sino bang nagsabing aalis talaga kami?

"Sure ka bang gagana ito?" Nagkibit balikat ako. Hindi p'wedeng mabigo ang isang magandang si Banana.

"Kailangan na gumana dahil pambihira naman. Gusto ko ng matapos ito." Pagod na rin akong makipaghabulan sa kanila.

Sumunod lang si Silvestre sa akin maski si Pillow at Erica. Si Alex ay kasama niya si Elliot ngayon na narito rin sa mansyon. Umalis na ang ibang tauhan ni Poppy kasama si Brick at Francine. Sila na ang bahala doon. Pampain lang iyon dahil alam ko ang mangyayari.

Matalino ako e.

"Paalisin na ang iba pati na rin ang magpapanggap na ako. Ngayon na." Tumango si Pillow at nag paalam na gagawin muna ang pinapagawa ko.

Hindi ako tanga para gumalaw ng basta-basta. Hindi ako naghintay ng isang buwan para hindi makapag plano ng maganda. Gusto kong ipakita sa kanila ang kagandahan ng buhay bago ang kagandahan ng kanilang kamatayan. Hindi nila alam kung anong klaseng impyerno ang binuhay nila sa akin. Hindi nila alam kung gaano kasakit na ma-traydor ng hindi namin alam ang dahilan.

Kaibigan o ano man ay mamamatay sa kamay namin. Maski ang taong nagtangka sa buhay ni Victoria ay syempre mamamatay.

Speaking of, minsan talaga ay mag aaway talaga kami dahil hindi niya alam ang nangyayari sa paligid niya. Si Ashlyn ang mas malakas maka-detect ng kapahamakan e kaya dalawang beses na rin siyang niligtas ni Ash gamit ang bracelet na bigay ko sa kaniya. Pakiramdam ko nga ay nagmana talaga ang anak ko sa akin dahil sa tuwing muntik mapahamak ang Mommy niya ay iiling siya rito at siya mismo ang magagalit sa Mommy niya. Maski ako ay nakakatikim ng galit ni Ashlyn e. Iyong tipong tatawag siya sa akin gamit ang cellphone ni Imperial at magra-rant sa akin. Her Mom needs to be an observer daw like her.

Nautusan ko na rin si Patrice na turuan si Ash ng martial arts for her safety.

Bale may tumawag na naman sa akin at nagagalit dahil nalaman ni Victoria ang utos na iyon. Siguradong sinasadya ng mga kaibigan ko ang ginagawa nilang kunwari ay nadudulas. Tapos 'pag about kay Alexandria sobrang tahimik nila 'pag si Tala Liandro ang nakaharap sa kanila.

Ang isang iyon naman ay nagpunta rito sa Pangasinan mga 2 weeks ago. Mabuti na lang at nakatago si Alex ng malaman niya ito. Natatawa na lang talaga ako sa kaibigan ko, hindi na lang kasi siya magpakita. Kailangan pa niyang paabutin ang pagtatapos ng graduation. Ayos lang iyon dahil ga-graduate pa naman kami. Nag request kami ng special examination sa eskwelahan kasi hindi kami makakapag-intern na pinagbigyan din kami. Sino ba namang hindi?

Pumasok ako ulit sa opisina ko at naupo sa swivel chair ko bago humarap sa bintana na nasa likuran ko lang pero bago iyon ay inabot ko muna ang cellphone at earphone sa tabi ng laptop bago ito isuot.

"Banana, p'wede bang samahan ka rito?"

"Ikaw ang bahala, Silvestre." Hindi na siya nagsalita ulit. Nahanap na niya ang pumatay sa nanay niya kaya alam kong buhay na naman ang galit niya.

"Violet, Banana. Lalabas na ako at pupunta sa p'westo ko." Hindi ako sumagot pero narinig ko pa rin ang pagsara ng pinto ng opisina ko. Si Erica iyon.

Hinawakan ko ang earphone na nasa tenga at pinindot ito para makausap si Alex.

"Alex."

["Uno, five minutes pa ay nandiyan na sila. Naka-ready na ang lahat. By the way, paano sila Francine?"]

"Just let them wander. Babalik sila after one hour. Sapat naman ang tao natin dito. Alam naman din ni Francine ang plano at alam niyang magiging puntirya siya but she knows what to do lalo na't alam din natin na rito ang punta nila to collect all the evidence at ikalat sa publiko." Sagot ko kay Alex na nasa kabilang linya. Nilingon ko si Silvestre na nakapatong ang ulo sa mesa ko. Hinayaan ko lang siya dahil alam kong nasasaktan rin siya at inaalala ang pagkamatay ng nanay niya.

Gusto ng mga traydor na ipakita sa publiko ang ginagawa ng organization para masira ito. Maliban doon ay para makuha ang posisyon ko at palitan ang pangalan ng organization.

Hindi naman nila magagawa ito. Hawak ng isang malaking tao— mas malaki pa sa mga Crescencio ang ViPe Organization. Hindi lang ako ang basta pinuno nito, meron din kaming sariling pinuno ni Daddy na hindi alam ng karamihan. Ang may alam lang ay ang mga nasa listahan.

["Okay. 2 minutes, Banana. Nasa labas na sila, Damn! They all fucked up!"] Tumawa ako ng mahina. Indeed, Alexandria. ["Ang bilis nila!"]

"Hey, Silvestre! Nariyan na sila sa labas. Ready yourself."

Inabot ko ang isang maliit na remote at pumindot doon para patayin ang ilaw. Sobrang dilim ng opisina. Sobrang tahimik din at wala akong marinig kahit ang pag uusap ni Alex at Elliot sa suot na earphone ay wala. Pinapakinggan ko na lang ang mahina at komportable na tibok ng puso ko maski ang paghinga ko.

Wala rin akong maramdaman na kaluskos mula kay Silvestre. Pero ngayon ay napangisi na lang ako ng marinig ang munting mga yapak na paakyat ng hagdan. Ilang mga mabibigat at nagmamadaling yapak.

Lalong lumaki ang ngisi ko ng biglang bumukas ang pintuan dito.

Mga istupido.

"Find all the documents! 'Pag nagkaproblema, patayin ang lahat!"

Nang marinig ko na iyon ay hudyat ko na rin para sa pagpindot ko sa remote na hawak para magbukas ang ilaw—

"It's showtime." Isang halakhak ang ginawa ko ng magbukas ang ilaw. Nakita ko naman silang nakatayo na lang habang naninigas sa p'westo. Halata ang gulat sa mga reaksyon nila. "What a show! I am glad, you all came here. I am expecting the three of you." Malamig na wika ko kahit may ngisi ako sa mga labi. Natawa ng mahina si Silvestre sa tabi at umiling. Tawang may kalakip na sarkastiko at walang gana.

"Well yeah. At least, hindi na rin kagulat-gulat." Komento pa nito. "Gumana nga ang plano mo."

Bubunot sana ng mga baril ang tatlong taong pumasok dito sa opisina ko ng biglang lumitaw si Pillow at Erica. Kasama si Alex at Elliot na may mga dalang baril na tinutok sa tatlo.

"Anong ibig sabihin nito?!" Sigaw ng babaeng kasama nila ngayon ngunit hindi ko siya pinansin. Mamaya na siya.

"Hello, Mr. Fernandez, kumusta ang hawak mong organization na hawak ng organization ko?" Natatawang saad ko dito. Umiling lang ito at waring natatakot ang makikita sa mata niya. Akala ko ba ay matapang siya? Pero bakit ay parang gulat pa siya na mahuli sila ngayong gabi? Siya iyong malakas na loob na nagtanong sa akin kung paano ko nalaman na may traydor sa lugar ko.

Isa sa mga pinuno ng isang organization na hawak ng ViPe ang isa pang traydor.

Napatingin naman ako sa isa pang kasama nila.

"Adrian Sanchez," Halos hindi ko pa magawang banggitin ang walang hiyang pangalan niya. "It is so nice seeing you again here. Oh dear, Mr. Forest Crescencio a.k.a my Dad knows how to act in front of you. And oh, Imperial wants to kill you for shooting at her at iwan pa siyang buhay." I chuckled.

Itong si Sanchez kasi ang tinutukoy ni Imperial no'ng bigla silang lumitaw ni Alicia sa bahay nila Victoria.

Nagulat naman ata si Sanchez sa sinabi ko. Magaling din kasi siya mag inarte sa harap ng Daddy ko kaya natuto si Dad na umarte rin sa harap niya pagkatapos kong ibigay ang ilang papel patungkol sa pinagkakaabalahan ng pinagkakatiwalaan niya. Pati ako nauto sa mga magagandang pinapakita niya. Akala ko ay totoong mapapagkatiwalaan. Akala ko ay pamilya, bakit pakiramdam ko ay nabigo ako dahil sa kaniya?

Tangina mo talaga, Sanchez. Ang sakit mo sa atay.

"Dumudugo ang ilong ko sa English mo, Banana." Natawa si Erica kay Pillow. Nakangiwi ito habang mahigpit na hawak sa kamay si Mr. Fernandez na may posas naman. Siguro ay dahil sa inip ay naglabas siya ng posas at pinosas sa kamay nilang dalawa.

Para hindi makatakas? Pambihira.

"Ano ito, Banana?!"

"Poppy." Ngumiti ako ng totoo kay Poppy na walang gana at malamig lang na nakatitig sa akin. Pero nakita ko ang pagdaan ng galit sa mga matang iyon na ikinabuntong hininga ko na lamang. Talagang humiwalay siya kila Francine para rito.

Tama nga talaga ang hinala ko.

Si Poppy Salazar ang isang traydor. Ang mastermind, hindi si Imperial.

Si Poppy, ang pang siyam sa listahan. Ang mastermind sa pagta-traydor at pagbabalak na pagpatay sa akin. Oo, nilinlang ko siya. Alam na ng mga kasama ko na siya ang traydor.

Pero ang akala niya ay napaniwala niya akong si Imperial itong gumagago sa akin pero hindi naman talaga. Nagpanggap na lang din akong si Imperial ang kinikilalang traydor. Maski ang iba ay pinagpanggap ko para mas gumana ang plano.

Alam din naman ni Imperial itong paggamit sa pangalan niya kaya malaki ang kasalanan ni Poppy sa kaniya. Bago kasi ako makaalis sa bahay nila Victoria ay kinausap ako ni Imperial tungkol dito.

Kaya pala galit na galit siya. Kasi siya ang naisip nila Poppy na gamitin para siya ang pagkamalang traydor.

"Mr. Fernandez, who acts as a leader in another organization. Luna and Jacob who act as your friend pero tauhan lang pala, Poppy. Isang kagamitan sa mga mata mo. Wow! You act so well, honey. Even Sanchez, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit nakabuntot at sumusunod sa 'yo, and you Poppy the mastermind, of course..."

Pumalakpak ako at tumayo.

"Bitawan niyo ako!" Namumula ang mukha ni Poppy. "Nilinlang mo ako, Banana?!"

"Tanga." Malutong kong sagot. "Naglinlangan tayo. Ikaw ang nauna, naki-go with the flow lang ako." Sarkastiko man ako ay gano'n talaga iyon.

"Putang ina mo!"

"Alright, sa Chamber ang lahat at simulan natin ang paglilitis." Hindi ko pinansin ang sigaw ni Poppy na 'yon.

Nagsisigaw siya kasama ni Mr. Fernandez na pinagmumura ako ng paulit-ulit at pilit kumakalas sa mga nakahawak sa kanila kahit nakaposas na.

Muli akong napabuntong hininga ng lumabas silang lahat kasama si Silvestre.

Wala sa oras na hinagis ko ang lahat ng nakapatong na gamit sa mesa ko dahil sa galit, sakit, at poot na ginawa sa akin ni Sanchez.

Kaya lang, kawawa naman ang mga gamit ko sa mesa. Lagi na lang nagiging puntirya ng galit ko.

Hindi basta tauhan ng Daddy ko si Sanchez. Tinuring ko siyang kapatid. Pinagkatiwalaan ko siya pero siya itong umaahas sa likod ng Daddy ko at muntik na niyang patayin ang Mommy ko.

Sobrang sakit na makita ito na hawak ang baril habang nakatutok sa likuran ng Mommy Eliz ko. Buti ay naagapan ko ito. Kaya ko rin nalaman na kasama siya sa pagtraydor sa akin dahil sa ginawa niyang ito.

Bakit ang tinuring kong kapatid pa ang gagawa nito sa akin?

Nakakaputang ina.

Hindi ko hahayaan na mabuhay pa sila. Lalo na si Poppy Salazar. Malaki ang kasalanan nito sa akin. Hindi lang sa akin, maski kay Silvestre at Imperial din.

Bakit ang mga tinuring na kaibigan pa sa loob ng organization ang gagawa nito?

Masyado naman ata silang mukhang pera at kapangyarihan. Gawin ko kaya silang hotdog para mas masaya?

Bwisit.

Continue Reading

You'll Also Like

153K 3.7K 38
[COMPLETE] •Years had passed and Zerah finally decided to come home. She never planned to cross paths with Grey again but it seems like destiny is pl...
229K 9.5K 43
Girl x Girl | Intersex Quinn Rae Gonzalez' Story Started: December 11, 2023 Finished: March 6, 2024
14.2M 434K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
6.3M 325K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...