Ark and Apple || Flood in Eden

By JomGamerland

75.4K 5.1K 1.8K

The Time Traveler's Boyfriend Book 1 and 2 (Book 1 Ark and Apple Published under Pop Fiction) "How can you mi... More

꧁༒༺🦉༻༒꧂
(Book 1) Chapter 1: I'm a Little Teapot
Chapter 2: Not Their First Meeting
Chapter 4: I Hate Him
Chapter 5: Amorphous
Chapter 6: Seven, Eight, Nine, Ten
Chapter 7: Kailan?
Chapter 8: Love Not Lust
Chapter 9: Cucumber
Chapter 10: Ang Vomit na Third Wheel
Chapter 11: Ang Ka-L.D.R. ni Noah
Chapter 12: Before 12 PM
Chapter 13: Owlie
Chapter 14: Baril-barilan
Chapter 15: Their First Kiss
Chapter 16: Today, Tomorrow, Yesterday
Chapter 17: Circa 1996
Chapter 18: Noah's A. and Adam's A.
Chapter 19: Walking Encyclopedia
Special Chapter: The Lonely Neighbor
(Book 2) Chapter 1: His Childish Side
Chapter 2: Saling-Pusa
Chapter 3: Flames of Honesty
Thank You
Chapter 4: Use Protection
Chapter 5: Pseudo Time Traveler
Chapter 6: Habambuhay
Chapter 7: Ang Bata sa Palengke at ang Bata sa Palayan
Chapter 8: Ang Bata sa Simbahan
Chapter 9: The Missing Piece
Chapter 10: Tamang Panahon
Chapter 11: Noah's First
Chapter 12: Moment of Truth
Chapter 13: Unearthed Feelings
Chapter 14: Puno ng Narra
Chapter 15: The Time Traveler's Ex Boyfriend
Chapter 16: The Cleaners
Chapter 17: The Magician
Chapter 18: The Musician
Chapter 19: Her Last Wishes
Chapter 20: How to Heal Your Inner Child
Cast, Trivia and Message from Author
Chapter 21: Those Who Matter
Chapter 22: T.A.D.
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Noah's Journal
Chapter 25: Happy Memories (FINALE)
Love Language
❤️ARK AND APPLE IS NOW IN POP FICTION
🥰"Ark and Apple" under Pop Fiction now in Shopee and Lazada
📸 Readers and the Book (Part 1)
🇺🇸 My books finally arrived here in the USA
📸 Readers and the Book (Part 2)

Chapter 3: Section 1

2.3K 156 61
By JomGamerland

Adam:

Year: 1999, Metro Manila (Past)

"Adam! Just go roam around. Huwag ka nang matakot. You're old enough already. Hindi ka na maliligaw," bilin ni Uncle Claude.

"But Uncle, baka kasi—" Panay ang pigil ko sa pagpapaliwanag tungkol sa aking kakayahan. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayang kontrolin ito. Lumaki akong mahusay mag Tagalog. Bilang paggunita sa yumao kong ina, sinigurado ng tiyuhin ko na matututo akong mag Tagalog. Gaya niya at gaya ng aking ama.

"You're gonna be fine! Dali na. Uncle is too tired from work. Maliit lang itong Zoo, hindi ka maliligaw dito."

Nagmamadali si Uncle Claude na kunin ang cell phone nito dahil marami siyang kailangang kausaping kliyente mula sa ibang bansa. Bagamat masaya siya dahil naipasyal ang kanyang pamangkin, nais rin niyang magpahinga minsan dahil sa dami ng kanyang gawain. Nakakita siya ng upuan malapit sa isang hardin at nagmamadaling umupo.

Nakayuko ako at naglakad palayo. Bagamat tirik ang araw, parang sinusundan ako ng madilim na ulap habang mag-isang namamasyal. Nilingon ko muli si uncle ngunit abala pa rin ito kakausap sa mga kliyente sa telepono. Dahan-dahang akong naglalakad patungo sa kulungan ng mga hayop ngunit hindi ako sa mga Zoo animals nakatingin.

Malungkot kong pinapanood ang mga batang kasama ng mga magulang nila na masayang namamasyal sa maaraw na Sabado. Ang ilan sa mga ito ay may hawak na mga laruan at lobo na binili sa entrance. Samantalang ang iba naman ay masayang nakaupo sa balikat ng mga ama nila o 'di kaya ay hawak-hawak ng kanilang mga ina.

Hinaplos ko ang dibdib ko hanggang mawala ang paninikip nito. May kaunting kirot akong iniinda na mula sa pangungulila sa aking mga magulang.

Nakasuot ako ng dilaw na hoodie at lila na jogging pants. Mula sa malayo ay napansin ko ang tindahan ng mga lobo. Nakakaengganyo ang iba't ibang kulay ng lobo kaya mabilis akong lumapit doon.

"Pabili po ng isa. 'Yong kulay blue," sabi ko. Inabot sa akin ng tindero ang isang lobo at agad ko namang hinawakan. Nang kumukuha na ako ng pambayad ay bigla ko itong nabitawan. "Oh, no!"

Ngunit may isang estranghero na agad humila dito bago pa ito tuluyang lumipad. "Muntikan na! Oh, hawakan mong mabuti." Masaya itong nakatitig sa akin na tila ba kay matagal na niya akong kakilala.

"Salamat po, kuya." Sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay kumurba pataas ang aking mga labi. Kaharap ko ang isang binatang may mga bughaw na mata na katulad ng akin. Nakasuot ang estranghero ng hoodie at pants na halatang galing sa souvenir shop ng Zoo. Magkaibang pares ang mga sapatos nito. Panay ang lingon niya sa mga dumadaang tao na tila may pinagtataguan.

"Puwede ba akong sumama sa iyo? Medyo naliligaw kasi ako," pakiusap ng estranghero. Halatang hinihingal at kinakabahan rin ito dahil kanina pa niya iginagala ang kanyang paningin sa buong Zoo.

"Nako, sabi po ng Uncle ko, I'm not allowed to talk to strangers, eh."

Nagtataka ako sa pakiusap ng lalaki. Ngunit sa loob ng aking puso ay hindi ko nais ipagtabuyan ito. Bakit pa? Minsan na lamang ako magkaroon ng kaibigan mula nang lumipat kami sa Pilipinas.

"Hindi magagalit si Uncle Claude. Trust me. Ako ang bahala," sabi niya.

"Paano niyo po nalaman ang pangalan ni Uncle?" Sinubukang kong mas lalong titigan ang kausap ko ngunit agad na isinuot ng binata ang malaking shades na dala niya.

Hindi niya ako sinagot. Ngumiti lamang ito sabay turo sa aviary. Nauna siyang naglakad. Napagpasyahan kong mas maiging may kasama kaysa maglakad mag-isa. Napakamot na lang ako ng ulo at agad na sinundan ang lalaki. Nagpunta kami sa kulungan ng mga ibon. May mga tropical birds sa mga puno na sa ibang bansa lang makikita. Samantalang may mga peacock naman sa sahig.

"Bata, tumingin ka doon sa likod ng mga sanga sa kaliwa," utos ng kasama ko.

Agad kong sinundan ng tingin ang punong itinuturo niya. Napansin ko ang isang malaking ibon na may malalaking mata. "Ang laking ibon naman niyan. Paano nakaayat iyan d'yan?" ani ko.

Natawa ang binata sa aking tanong. "Alam mo ba ang tawag sa ibon na 'yan?"

"Hindi po."

"Kuwago iyan," paliwanag niya.

"Bakit hindi puti?" usisa ko. Naalala ko ang mga kuwagong madalas kong makita sa aming bakuran sa Finland.

"Iba-iba ang kulay nila depende sa lugar," paliwanag ng estranghero. "Dati ay maraming ganyan sa Pilipinas. Dumaan ang panahon at naging sobrang rare na nila."

Nakatitig lang ako sa ibong nasa puno. Pinagmamasdan ko ito na parang hindi na gumagalaw. May bahagyang kurot sa aking dibdib. Napansin kong may mga pares ang ibang ibon sa aviary maliban sa ibong tinitignan namin.

"Kuya, parang mag-isa lang siya rito. Wala nang ibang katulad niya?" usisa ko. Mahusay kong pinagmamasdan ang mga ibon at lalo na ang mga uring ngayon ko lang nakita. Nais kong matuto tungkol sa iba't ibang hayop na wala sa bansang pinanggalingan namin.

"Oo, noon makikita mo iyan sa kahit saang probinsya. Madalas nasa labas lang ng bahay. Pero napabayaan na ng tao." Natigilan ang lalaki sa pagsasalita nito. Bahagya siyang napayuko at tila naging malungkot ang kanyang tono. "Kung kailan wala na 'tsaka nila pinapahalagahan."

"Kuya, are you okay?"

Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay. Sa ganoong paraan ay madamayan ko man lamang siya sa kanyang kalungkutan.

"Oo, I'm okay. Which animal do you wanna see next?" tanong ng lalaki kahit mukhang alam na niya ang isasagot ko. Nakangiti na ito sa akin na tila nag-aabang sa maganda kong tugon.

"Tigers po!" masayang kong sagot.

Ilang araw na rin akong hindi makatulog mula ng sabihin ni Uncle Claude na pupunta kami ng Zoo. Ang mga tigre talaga ang nais kong makita higit sa lahat. Ang mga matutulis nitong pangil. Ang mga magaganda nitong kulay. Ang mga nanlilisik nitong mga mata.

Masaya kaming pumunta sa kulungan ng mga tigre. Pareho kaming manghang-mangha sa isang malaking tigre sa sulok. Kumakain ito ng malaking karne habang nakatingin sa akin. Nakasandig ako sa harang malapit sa bakal ng kulungan. Biglang tumayo ang tigre at dahan-dahang lumapit sa direksyon ko.

Agad itong tumalon at tumama sa bakal ng kulungan sa tapat ko. Nasaharapan ko ang makulay nitong balahibo, ang matutulis nitong pangil at ang mga nanlilisik nitong mga mata. Muling kong naramdaman ang pamilyar na sensasyon. Ang nakakatakot na panginginig na nagmumula sa aking likod paakyat sa aking batok. Ang pinaka ayaw kong pakiramdam dahil sa susunod na sasapitin ko dahil dito.

Hindi ko alam na ang bagay na nais kong makita sa Zoo ay ang magiging dahilan nang panginginig ko. Panginginig na senyales na malapit na naman akong tumalon. Senyales na ako ay maglalaho patungo sa ibang panahon.

"Hala, ito na naman. Uncle Claude!" sigaw ko. Nakatitig ako sa tigre. Hindi ako mapakali dahil sa sobrang takot. Takot na hindi dahil sa mabangis na hayop kundi sa susunod na mangyayari sa akin dahil sa walang tigil kong panginginig.

"Focus!" Agad akong hinawakan ng binatang kasama ko mula sa likod. "Huwag kang matakot. I-focus mo ang tingin mo sa isang bagay na hindi gumagalaw. Concentrate!"

Mahigpit ang hawak nito sa akin habang nag-aalala sa maaring mangyari. Seryoso ang tono ng binata habang pinipigilan ang panginginig ko.

"Pero, kuya, I can't. Ang laki ng tigre. Papalapit na naman sa atin."

Sumisikip na ang dibdib ko dahil sa kaba. Nakatoon ako sa matatalim na pangil na naglalaway habang ilang dipa lamang ang layo sa aking mukha. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto ko nang umiyak at umuwi.

"Titigan mo ang aviary," bulalas ng lalaki. Inurong ng lalaki ang ulo ko at hinarap sa aviary. "Tignan mo ang kuwago. Huwag mong aalisin ang tingin mo!"

Nakatitig lang ako sa ibon na nasa puno. Tila ba nakatitig rin sa akin ang ibon. Kahit malayo ay kitang-kita ko ang malalalaking mata niyo. Mga matang kasing dilim ng kalawakan. Mga tingin na tila nangungusap na huwag akong kikilos.

Ilang minuto akong sa ganoong posisyon. Binagalan ko ang aking paghinga. Pinagmasdan ko ang kuwago na tila nakatingin sa direkson naming dalawa. Hinayaan kong punuin ng hangin ang aking baga bago ko marahang ibinuga ang lahat ng agam-agam ko.

Hindi ko namalayan na tumigil na ako sa panginginig. Nakahihinga na ako nang maluwag. Naglaho na rin ang paninikip ng aking dibdib. Sa unang pagkakataon ay hindi ako sinumpong ng kakaiba kong kakayahan. Pagharap ko sa kulungan ng tigre ay wala na ang mabangis na hayop. Nasa kabilang dulo na ito ng kulungan at tahimik na kumakain.

"See, you can do it. Just remember what I taught you, Adam," paalala sa akin ng estranghero. May mga sinabi pa siya ngunit hindi ko na naunawaan dahil uti-unting naglaho ang boses nito.

Iyon ang unang araw na nalaman kong maari kong pigilan ang kakayahan ko. Ang takot sa aking puso ay napalitan ng pag-asa. Sino ang mag-aakalang ang tagpong iyon ay may dalang kakaibang aral na may malaking pakinabang sa buhay ko?

"Kuya, thank you. Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?"

Malalim ang aking mga hininga habang nakangiti dahil sa aking natutunan. Napalingon ako sa lalaking kasama ko. Ngunit pag lingon ko ay wala na ang lalaki. Sa tabi ng basurahan sa bandang likod ay nakita kong nagkalat ang mga damit na kaninang suot niya.

Takang-taka ako sa sa pangyayari. Napatayo ako at pinagpag ang alikabok sa aking damit.

"Adam! Oletko kunnossa (Are you okay)? May bata raw na muntikan nang sungban ng tiger?" sabi ni Uncle Claude. Tumatakbo pa ito mula sa malayo. "Hindi ako mapakali nang marinig ko ang sigawan ng mga tao."

"Opo, Uncle. Voin hyvin (I'm fine)."

Iginagala ko pa rin ni ang aking mga mata upang hanapin ang binatang kasama ko kanina. Nais ko sana siyang pasalamatan dahil sa ginawa niya.

"Oh, siya dali na, we need to go home before dinner. May lessons ka pa mamaya," yaya ni Uncle Claude bago hawakan ang kamay ko.

꧁༒༺🦉༻༒꧂
(Note: The above symbols
mean that Adam time travelled)

Year: 2005, Manila (Present)

Ang hindi alam ng batang ako ay siya rin ang lalaking tumulong sa kanya sa Zoo. Mula sa taong 2005 ay tumalon ako pabalik sa 1999 upang ituro sa kanya ang bagay na iyon. Itinuro ko sa kanya ang paraan kung paano mababawasan ang aming sumpong kahit papaano.

Ngayon, lumitaw ako sa inuupuan kong inidoro sa third floor ng Saturnino High School. Sa aking paanan ay ang nagkalat na mga uniporme ko. Agad kong sinuot ang mga ito at pinulot ang aking relo.

"It's 10:58 AM? Shit! I'm gonna be late on the first day of Junior year. Tangina kasing tiger iyon. Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako."

Abala ako kakaisip sa nangyari nang may marinig akong kalampag sa pintuan ng banyo.

"Hoy, may tao ba d'yan? Kanina po ako natatae. Dalian mo naman. Magkakalahating oras ka na sa loob!" bulalas ni Ethan mula sa labas. Inis na inis na ito kahihintay.

Nagmadali lalo ako sa pagbihis. Natatawa at kinakabahan ako sa boses ng kaibigan ko. Si Ethan kasi ang pinakamadaldal kong kakilala. Sa oras na malaman nito ang aking sikreto, paniguradong kakalat agad sa buong paaralan.

"Ethan? Nako, sorry. Heto na, masakit lang kasi ang tiyan ko."

"Masakit ang tiyan? Ganoon katagal? If I know nagparaos ka lang dito, eh!"

Nang bigla akong lumabas sa banyo ay patakbo namang pumasok sa loob si Ethan.

"Hoy! Umayos ka nga!" bulyaw ko. Hindi ako pala-salita sa ibang tao at tahimik ako sa klase. Ngunit maingay ako sa harap ng mga piling kaibigan ko. Isa na sa kanila ang lalaking ito na panay ang pururot sa loob ng cubicle. "Tangina! Ang baho, Ethan!"

"Ulol! Dalian mo sa classroom. Inaayos na ni Sir Daquil ang seating arrangements natin. By alphabetical daw. Mamaya na ako since Zaragosa naman laging nasa dulo."

"Sige bro, thank you."

Nakahinga ako nang maluwag. Mukhang wala naman siyang nahalatang kakaiba dahil sa tagal ko sa banyo. Doon kasi ako madalas magtago sa tuwing tatalon ako sa ibang oras. Kapag nakaramdam na ako ng nginig sa aking likod o 'di kaya ay nagtatayuan na ang aking mga balahibo, sa banyo agad ako tumatakbo.

Nagtungo ako sa classroom ng Section 1 na hindi kalayuan sa CR. Pagpasok ko ay nagsisimula nang magtawag ng pangalan si Sir Daquil. Ang guro naming ito ay sikat sa buong Saturnino High School dahil sa pagiging mabarkada niya sa mga estudyante.

"Oh, Adam. Come in, inaayos ko na mga upuan ninyo for this school year," sabi ni Sir.

"Pre, ano ba iyan? Mali pa butones ng polo mo!" asar sa akin ni Alex.

Si Alex ang pangalawa sa tropa namin. Ako, siya at si Ethan. May katangkaran at balingkinitan ang katawan ni Alex. Hindi gaya ni Ethan, tahimik lang ito ngunit malakas naman kung mang-alaska.

Nagtawanan ang lahat nang makitang gulu-gulo ang pag butones ng suot kong polo. Marahil dahil sa kamamadali ko kanina ay ito ang naging resulta. Ngunit sa halip na mainis, ay napalitan ng tuwa ang aking mukha.

Sa kabila ng mga tawanan, pinagmasdan ko ang crush kong si Jade na marahang naglalakad sa direksyon ko. Inaalon ang kanyang buhok habang nakangiti sa akin.

"Kahit kailan ka talaga, Ambrosi," puna nito. Agad niya akong tinulungang ayusin ang damit ko. Mabilis na nagkantyawan ang buong klase.

"Jade, ako na, kaya ko na ito," pagkukunwari ko. Ngunit hindi ko magawang hawakan ang balat niya dahil sa sobrang kilig.

Si Jade ang babaeng pinakamalapit sa akin. Medyo kulot ang kanyang buhok. Mahaba ang kanyang mga pilikmata. Hanggang dibdib ko lamang siya at kasing ganda niya si Snow White. Gustung-gusto ko na siya mula nang mag-aral ako rito. Ilang taon ko na rin siyang nililigawan. Para kaming match made in heaven dahil pareho kaming half-European. Madalas kaming pag parisin sa mga school pageants at contest gaya ng United Nations' Month at madalas kaming nananalo.

Ngunit may problema. Hindi ako ang kanyang tipo. Minsan sinabi niya sa akin na mas gusto niya ang may dimples sa pisngi at mas mukhang Filipino. Moreno, maayos manamit at kayumanggi ang kanyang tipo. Mga bagay na kinaiinisan ko lalo na sa mga crush niyang artista gaya nina Hero Angeles at Mark Herras.

"Kung kaya mo, eh 'di sana, maayos na iyan bago ka pumasok," natatawang sagot ni Jade.

Halos batang kapatid ang turing nito sa akin. Madalas niya akong tulungan sa tuwing mahuhuli ako sa klase.

"Okay guys, settle down. Miss Bautista, marunong naman na siguro ang classmate mong mag butones. Sige na. I'll start calling names," pagsaway ng guro namin.

Mabilis na binuksan ni Sir Daquil ang papel na hawak niya. Pumuwesto ang lahat ng estudyante sa gilid ng classroom at nagsimula nang magtawag ni Sir ng mga apelyido.

"Oh, Adam Ambrosi, as usual diyan ka sa first seat."

Naglakad ako papunta sa upuan ko na katabi lamang ng pinto. Agad naman akong sinundan ni Jade.

"Okay, ako na ang kasunod," saad ni Jade habang nagmamadali itong umupo sa tabi ko.

"Miss Bautista, where are you going?" tanong ni Sir Daquil habang nakangiti kay Jade.

"Hindi ba po Sir, B na ang kasunod? Kilala ko naman po apelyido nilang lahat. Ako lang po ang laging katabi ni Adam since first year," magalang na tugon ng katabi ko. Nais ni Jade makaupo agad dahil marami pa siyang kailangan i-edit sa dyaryo nila sa Journalism.

"Hay nako. Bumalik ka muna roon, hindi pa kita tinatawag," sabi ni Sir. Natatawa ito sa mag-aaral niyang hindi makapaghintay. Napahawak si Sir Daquil sa kanyang mukha at kinamot ang kaliwa niyang kilay. "Okay for this year we have a transferee. Galing pa siya ng malayo so ayusin nyo pakikisama sa kanya, okay?"

Nasa tapat ng pinto ang first seat. Nakaupo na ako habang sinisimulang ayusin ang aking mga gamit. Samantala, nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko.

"Transfer student in 3'rd year?" sabi ni Grace.

"Parang ang weird naman?" dadag ni Angelica.

"Nako, sana okay siyang kasama," saad ni Steffanie.

Sa totoo lang ay nalungkot ako nang paalisin ni Sir si Jade sa tabi ko. Nakatitig ako sa kanya nang biglang may estudanteng mula sa labas na dumaan sa harapan ko. Nakasuot ito ng magandang uniform at marahang humakbang papasok sa loob ng klase papunta kay Sir Daquil. Naiwan ang halimuyak niya sa hangin. Bahagya akong napapikit dahil sa bango. Amoy lavender at vanilla!

Si Jade na tinititigan ko ay biglang kumislap ang mga mata at nagsimulang ngumiti. Ngunit hindi siya sa akin nakatitig. Ang ngiti sa mukha ko ay agad na nawala. Lilingunin ko na sana ang binatang kanyang tinitignan nang biglang sunud-sunod na tilian ng mga babae sa klase ang aking narinig. Ang nakakainis pa, isa si Jade sa mga kinikilig. Pinakanakakabuwiset, ngayon ko lang siyang nakitang tumitili.

Marahan kong tinignan ang bago kong karibal. Sa harapan ay may isang lalaking halos kasing tangkad ko lang. Kulay tanso ang buhok at may kayumangging balat. Makapal ang kilay at artistahin ang mukha. Sobrang puti ng kanyang mga ipin at matikas ang kanyang tindig. Ayos na ayos ang buhok nito at napakakinis ng kaniyang balat. Higit sa lahat, taglay niya ang bagay na gustung-gusto ni Jade sa isang lalaki. Nagsimula itong ngumiti at naglabasan ang dalawa niyang dimples sa pisngi. Umalingawngaw ang tili ni Jade sa classroom kasama ng ibang babae.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatitig sa kanya. Halos magusot ko ang mga notebook ko sa bag dahil sa sobrang gigil.

"Adam, looks like you have competition!" bulyaw ni Alex.

Natatawa na lang si Sir Daquil sa reaksyon ng mga kaklase ko.

"Anyway, guys, meet Noah Arroyo. Noah, doon ka na tumabi kay Adam. Go fix your things."

Agad kong ibinalik sa pag-aayos ng gamit ang atensyon ko. Nagsimulang kumulo ang dugo ko dahil kamukhang-kamukha ng bagong saltang estudyante ang mga artistang hinahangaan ng crush ko. Sa dinami-rami ba naman ng paaralan, bakit dito pa napunta ang mokong na ito? Pasok siya sa lahat ng kwalipikasyon ni Jade. Gamit pa niya ang paborito kong pabango!

Matapos akong mag-ayos ng gamit ay napansin kong hindi pa rin siya umuupo sa tabi ko. Nakatayo lamang siya sa gilid ng upuan niya at nakaharap sa akin. Marahan kong inangat ang aking ulo at tumambad sa akin ang nakakainis niyang mukha na wagas kung ngumiti. Ang kutis porselana niyang balat, ang malapad niyang balikat, ang pumuputok niyang mga braso. Muling nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa itsura niya.

"Why are you smiling? Something funny?" maangas kong tanong.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at bumalik ako sa pagkalikot sa bag ko. Muli kong ginulo ang aking mga gamit may mapag-abalahan lang kaysa ang tumitig sa mukha ng mokong sa aking tabi.

Nilapag niya ang bag niya habang marahang umupo. Hindi ko sigurado ngunit naaninag ko na nakangiti pa rin siya patungo sa aking direksyon.

"I finally found you," bulong niya.

Wala akong pake kung sino ang kausap niya dahil paniguradong sisirain niya lang ang buong school year ko.

Continue Reading

You'll Also Like

423K 15.5K 32
† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay desperado sa paghahanap nito. Sa pagtagpo...
654K 23.5K 42
"Love is a matter of love, not a matter of gender." 051019 Date started 03302020 Date Completed
447K 39.4K 139
Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and even newbies in their official beta-testi...
176K 149 3
[A/N: This story is SLIGHTLY REVISED and EDITED. Expect grammaticals errors and typos.] [OBSESIÒN AMOROSA #1] Marami na ngang nagbago sa lahat. Hindi...