You're Not My Brother (On-Goi...

By Nickolai214

163K 8.8K 1.5K

Note: This story was inspired from a Chinese Webseries titled Addicted Heroin. That's why some scenes are sim... More

List Of Characters
Character Models
Gabriel Robles (1)
Redentor Serrano (2)
Redentor Serrano (3)
Redentor Serrano (4)
Kazu Serrano (5)
Kazu Serrano (6)
Redentor Serrano (7)
Redentor Serrano (8)
Gabriel Robles (9)
Gabriel Robles (10)
Gabriel Robles (11)
Redentor Serrano (12)
Kazu Serrano (13)
Kazu Serrano (14)
Gabriel Robles (15)
Gabriel Robles (16)
Gabriel Robles (17)
Redentor Serrano (18)
Gabriel Robles (19)
Redentor Serrano (20)
Redentor Serrano (21)
Redentor Serrano (22)
Gabriel Robles (23)
Redentor Serrano (24)
Gabriel Robles (25)
Gabriel Robles (26)
Gabriel Robles (27)
Kazu Serrano (28)
Dale Monte (29)
Redentor Serrano (30)
Gabriel Robles (31)
Redentor Serrano (32)
Gabriel Robles (33)
Redentor Serrano (35)
Update Later
Redentor Serrano (36)
Gabriel Robles (37)
Redentor Serrano (38)
Gabriel Robles (39)
Redentor Serrano (40)
Redentor Serrano (41)
Gabriel Robles (42)
Enchanté

Redentor Serrano (34)

1.8K 143 25
By Nickolai214

You're Not My Brother

Episode 34

Red

Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang mahimbing na tulog ni Gael matapos ko siyang kumutan gamit ang jacket na suot ko kanina.

Marahil ay napagod siya dahil sa haba ng biyahe namin. Narito kami ngayon sa bayan ng Carmen sa parteng norte ng Pilipinas.

Nakahinto ang sasakyan ko sa tapat ng isang 24 hours na food chain dito sa Cabanatuan. Dahil malalim na rin ang gabi ay dito na lang ang bukas.

Nag-order na lang ako at hindi ko na tinangka pa na gisingin si Gael. Dahil wala silang drive thru ay kinailangan ko pa tuloy lumabas.

Nang makabalik ako sa sasakyan ay mahimbing pa rin ang tulog niya. Inilagay ko na lang muna sa likod ang pagkain saka na ako nagpatuloy sa pagmamaneho.

Madaling araw na nang marating ko ang resthouse na pag-aari ni Granny, lola ko kay Mama. Mabuti na lamang at may susi ako ng bahay na ito.

Hindi pa kailanman nakarating dito si Dad dahil hindi naman sila magkasundo ng lola ko.

Nakarating lang ako sa lugar na ito dahil dito ginanap ang 60th birthday ni lola a year ago. Mabuti na lamang at matandain ako sa mga daan.

Sinulyapan ko si Gael. Natutulog pa rin siya. Naiintindihan ko dahil ilang araw na rin kaming pagod dahil sa dami ng mga nangyari.

Kahit ako ay mabigat na rin ang katawan ko. Hindi na namin nagawa pa na maghapunan man lang kanina dahil sa insecurities na naramdaman ni Gael.

Napahinga na lang ako ng malalim saka ko na kinalas ang seatbelt ko. Mabilis akong lumabas ng sasakyan saka ko binuksan ang pintuan sa gawi ni Gael.

Sinubukan ko siyang buhatin pero nagising siya. Mabilis siyang dumiretso ng upo saka niya iniikot ang tingin niya sa buong paligid bago siya bumaling sa akin.

"Nasaan tayo?" mahinang tanong niya. Nakikita ko pa ang antok sa mga mata niya.

"Nasa Baler tayo." sagot ko.

"Baler?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya saka niya sinulyapan ang oras sa cellphone niya.

"Let's go!". sambit ko saka ko na siya inalalayan papasok sa resthouse. Nakikita ko na inuusisa niya ang paligid.

Nang makarating kami sa loob ay kaagad kong binuksan ang aircon sa silid na gagamitin namin.

Paglabas ko doon ay nakita ko na nakadapa si Gael sa ibabaw ng malapad na sofa. Napailing na lang ako. Kahit paano na lang niya ipinuwesto ang sarili niya doon.

Marahil ay talagang mabigat ang pakiramdam niya sa mga sandaling ito. Dahil ba sa ginawa ko sa kanya noong nakaraang gabi at kahapon? Nabigla ko ba siya?

Inosente pa si Gael nang unang beses na maangkin ko siya. Kaya marahil ay dinaramdam pa ng katawan niya ang nangyari sa kanya.

Nakadama ako ng kaunting guilt. Hindi ito ang unang beses na nakagalaw ako ng virgin. Pero ito ang unang beses na lalaking virgin ang nagalaw ko.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ako nagpasya na buhatin si Gael patungo sa silid.

Napapitlag pa siya nang maramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya ngunit wala naman siyang nagawa kundi ang kumapit sa braso at batok ko.

"Kung may binabalak ka na naman sa akin ay huwag mo nang ituloy." bulong niya habang papasok kami sa loob ng silid. "Hindi maganda ang pakiramdam ko."

"Don't worry, hindi kita gagalawin ngayon kung iyon ang nasa isip mo." nakangising sagot ko saka ko siya pinagnakawan ng halik sa pisngi bago ko siya inilapag sa ibabaw ng kama.

Inayos ko ang pagkakahiga niya saka ko siya kinumutan.

"Hindi ka pa nag-dinner. Gusto mo ba na ikuha kita ng makakain mo?" alok ko sa kanya.

Bahagya siyang umiling saka siya umayos ng higa. Hindi na rin ako lumabas.

Naghubad na lang ako ng pantalon at itinira ko ang itim na sando na suot ko saka na ako humiga sa tabi ni Gael.

Hinila ko siya palapit sa akin saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Basta ang tanging naririnig ko lang sa mga sandaling ito ay ang tunog ng aircon, ang tunog ng wall clock at ang payapa na paghinga ni Gael.

"I'm sorry, Red." bigla ay sambit niya.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko saka ko siya sinulyapan. "For what?" tanong ko.

"Sa lahat ng problema at sakit ng ulo na idinulot ko sayo sa mga nakaraang araw."

Hinaplos ko ang braso niya saka ko siya muling niyakap. "Naiintindihan kita, Gael. Hindi mo kailangan ma-guilty. Mas gusto ko nga yung ganyan ka. Gusto ko yung mga prinsipyo mo sa buhay. Nang araw na tinanggap kita sa buhay ko, tinanggap ko na rin pati ang lahat ng mali sayo. Kaya sana ay hindi tayo sirain ng mga insecurities mo."

"Nagiging katulad na ako ni Mama, Red. Nagiging dependent na ako masyado sayo. Hindi ko gusto ang ganito."

"Hay ano bang sinasabi mo? Hindi ka katulad ni Aileen." sagot ko sa kanya. Hindi ko itinago ang bahagyang pagkainis sa tinig ko. "Hindi natin sinadya na nagmahalan tayo. Pero si Aileen, sa simula pa lang ay may motibo na siya kaya siya nagpakasal sa daddy ko."

"Anak pa rin niya ako. Kahit na anong mangyari ay hindi na magbabago ang ugnayan namin. Mahal ko siya at kahit papano ay ayoko pa rin na masaktan siya."

"Tigilan mo na ang pag-iisip mo ng kung anu-ano, Gael. Dinala kita dito para makapag-relax tayo. Hindi para isipin ang mga magulang natin."

"Pero-"

"Shhhh!" saway ko sa kanya saka ko inilagay ang hintuturo ko sa labi niya. "Please, mag-focus ka sa akin. Remember this, wala akong pakialam sa mga magulang natin. Gawin nila kung anong gusto nila. Hell I care!"

"Nagpunta sa unit mo si Mama kaninang umaga. Gusto na nila akong ilipat sa ibang unit."

"W-What?" bulalas ko.

Hindi ko napaghandaan ang sinabi no Gael. Ilang sandali akong natahimik bago ko siya nagawang tanungin.

"Ano ang sinagot mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

Bumuka ang bibig niya ngunit hindi niya nagawang sumagot kaagad. Tila nag-aalangan siya sa isasagot niya.

"Sinubukan ko siyang tanggihan pero si Uncle Darius na raw ang nagdesisyon."

"No!" mabilis na sagot ko. Nagsisimula na namang mag-init ang ulo ko dahil sa nalaman ko.

Hindi ko papayagan na magawa nila ang bagay na iyon. Sa oras na magpilit sila ay sisiguraduhin ko na magkakagulo kami.

"Hindi ka aalis sa poder ko kung hindi kita papayagan. Kung noon ay hinahayaan ko na magawa ni Dad ang lahat ng gusto niya, not this time." galit na sagot ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal kong yakap si Gael. Basta ang alam ko lang ay nakatulog ako ng mahimbing sa gabing ito.

Nagising ako na maliwanag na sa labas. Wala si Gael sa tabi ko kaya mabilis akong napabangon. Sumulyap ako sa wall clock. It's already 8:15AM.

Mabilis akong bumaba sa kama saka ko dinampot ang cellphone ko. Nagmamdali ako na lumabas ng silid pero 16 missed calls mula kay Kazu ang nagpahinto sa paghakbang ko.

Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay na ang cellphone niya. Nagtext na lang ako saka ko na hinanap si Gael.

Hindi ko siya nakita sa sala at wala din siya sa kusina maging sa komedor. Sinubukan kong buksan ang mga silid sa bahay pero wala siya sa mga iyon.

Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa dalampasigan. Mabilis akong humakbang patungo doon.

Nang malapit na ako ay huminto ako saka ko pinagmasdan ang bawat kilos ni Gael.

Nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang mga alon na dumadaan sa mga paa niya. Hindi nagtagal ay nakipaghabulan siya sa mga iyon hanggang sa makita niya ako at nahinto siya sa ginagawa niya.

Isang matamis na ngiti ang isinagot ko sa kanya pagkatapos ay humakbang na ako papalapit sa kanya.

Hinapit ko siya papalapit sa katawan ko saka ko siya ginawaran ng mabilis na halik sa labi niya.

"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko sa kanya.

"Napakahimbing pa ng tulog mo kanina. Ayoko na maistorbo ka sa pagtulog mo. Alam ko na napagod ka sa pagda-drive kagabi." sabi niya saka siya kumalas upang muling laruin ang mga alon sa mga paa niya.

"Halika dito." baling niya sa akin.

Nakangiti naman ako na lumapit sa kanya pero hindi ko inasahan na itutulak niya ako ng malakas patungo sa dagat.

Nawalan ako ng panimbang kaya bumagsak ako sa malamig tubig. Narinig ko pa ang malakas na halakhak niya saka siya lumayo sa akin.

Napangisi na rin ako saka ako mabilis na bumangon. "Salbahe ka ah. Hintayin mo ko." banta ko sa kanya saka ko siya hinabol.

Mabilis din siyang tumakbo palayo ngunit mas mabilis ako sa kanya. Nang mahuli ko siya ay nagtangka pa siya na manlaban hanggang sa kapwa na kami bumagsak sa buhanginan.

Napuno ng halakhakan sa tabi ng dagat kasabay ng paghampas ng mga alon na ngayon ay umabot na sa amin ni Gael.

Kailan nga ba ako naging ganito kasaya? Hindi ko na maalala pa. Basta ang alam ko lang ay masaya ako sa tuwing naghaharutan kami ni Gael nang ganito.

Matapos ang halos kalahating oras na pagligo sa dagat ay nagpasya na kami na umahon.

Naabutan namin ang matandang katiwala na nag-aayos na sa kusina.

"Magandang umaga hijo." bati niya sa akin. Kilala niya ako dahil nagtagal din ako ng ilang araw dito noong unang beses na nagpunta ako.

"Good morning!" masiglang bati ko naman. Nagpaalam na si Gael sa akin at pinauna ko na siyang magbanlaw ng katawan niya

"Hindi ka nagpasabi na darating ka ngayon. Hindi tuloy namin naihanda ang bahay." sabi niya.

Ngumiti ako sa matanda. "It's okay! Biglaan din naman po." sabi ko sa kanya.

"Iniinit ko ang mga dala ninyong pagkain. Hindi ako nakapamalengke dahil ang akala ko ay maglilinis lang ako ngayon dito." aniya habang inaayos ang mga plato sa mesa.

"Hayaan niyo na po. Kami na po ni Gael ang tutungo sa palengke mamaya. Gusto ko rin po siyang ipasyal sa buong lugar."

"Naku, siguradong magugustuhan niya ang mga makikita niya." masiglang sagot niya saka na siya nagpatuloy sa paglalapag ng pagkain sa mesa.

Nang matapos siya sa ginagawa niya ay binalingan niya ako. " Naku magbanlaw ka na rin at baka matuyuan ka sa suot mo. Uso pa naman ang trangkaso ngayon dito."

"Sige po." paalam ko saka na ako sumunod kay Gael sa silid. Hinubad ko ang sando ko saka ako marahan na pumasok sa banyo.

Naabutan ko siya na nagbabanlaw ng shampoo sa buhok niya. Marahan akong naglakad palapit sa kanya at nang matapos siya sa pagbabanlaw ay niyakap ko siya saka ko pinagapang ang mga halik ko mula sa kaliwang balikat niya patungo sa batok hanggang sa kabilang balikat.

"Red," sambit niya saka niya sinubukan na alisin ang mga braso ko sa katawan niya.

"Hmmm?" malambing na tugon ko kasunod ng muling pagdampi ng labi ko sa leeg niya.

"Red!" suway niya sa akin pero hindi ko siya hinayaan na makawala sa mga yakap ko.

"Alam mo ba na gusto kitang angkinin muli sa mga sandaling ito?" pilyong bulong ko sa tenga niya.

Siniko niya ako kaya napakalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Tigilan mo ko baka masapak kita." inis na banta niya saka na siya nagsimulang magsabon ng katawan.

"Umaabuso ka na ah." dugtong pa niya.

Napangisi na lang ako saka ko kinuha ang sabon sa kamay niya. Sinimulan ko siyang sabunin sa likod at nang iharap ko siya sa akin ay mabilis kong inangkin ang mga labi niya.

Hindi siya nakahuma kaya mas pinalalim ko pa ang halik na iyon. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na tinutugon na niya ang bawat paggalaw ng mga labi ko at naramdaman ko ang pagkapit niya sa braso at balikat ko.

Hindi ko alam pero nagsisimula na akong mag-init sa bawat paghaplos ng kamay niya sa maskuladong balikat at braso ko.

Pero naramdaman ko ang palad niya sa dibdib ko at bahagya niyang itinulak ang katawan ko hanggang sa mapasandal na ako sa pader.

Kumalas siya sa mga halik ko at nagsalubong ang mga tingin namin.

"Magbanlaw ka na. Baka kung saan na naman makarating ang mga halik mo." sabi niya saka na siya tumutok sa shower at binanlawan ang mga natirang sabon sa katawan niya.

Para akong naestatwa na nakatitig lang sa kanya. Hanggang sa abutin na niya ang towel saka na siya lumabas ng banyo.

Napayuko ako upang sulyapan ang bakas ng pagnanasa na ginising ni Gael. Frustrated ako na napaungol dahil sa pambibitin sa akin ni Gael.

Gago! bulong ko sa isip ko.

Mabilis na akong nagsabon at nagbanlaw.

Paglabas ko ng banyo ay wala na sa loob ng silid si Gael. Pero naririnig ko ang patuloy na pagtunong ng cellphone niya na nasa ibabaw ng kama.

Naglakad ako palapit doon saka ko iyon dinampot. Isang unregistered number ang tumatawag sa kanya.

Pinindot ko ang answer button saka ko pinakinggan ang tinig ng taong tumatawag sa kanya.

"Hello! Kahit iblock mo ng ilang beses ang number ko ay marami akong paraan para ma-reach kita." mayabang na sabi ng lalaki sa kabilang linya na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.

"Hindi mo ako matatakasan, Gael. Isa sa mga araw na ito ay makukuha ko rin ang gusto ko sayo. Maikakama din kita at sisiguraduhin ko na hahanap hanapin mo ang sarap." patuloy pa niya na sinundan niya ng nakakainis na halakhak.

"Subukan mo nang manghiram ka ng mukha sa aso." galit na sagot ko sa kanya. "Kung sino ka mang tarantado ka tigilan mo si Gael dahil oras na dumikit sa kanya kahit dulo ng daliri mo ay mapapatay kitang hayop ka."

Hindi ko na hinintay pa na sumagot niya. Nanggigigil ako sa inis nang patayin ko na ang tawag.

Mabilis kong inilagay sa blacklist ang numero niya saka galit na tumitig sa kawalan.

Naabutan ko si Gael na humihigop ng kape. Napangisi pa siya nang makita niya ako na naglalakad palapit sa kanila.

Hindi ko siya nginitian. Padabog akong umupo sa harapan niya dahil hanggang sa mga sandaling ito ay kumukulo pa rin ang dugo ko dahil sa mga narinig ko.

"Galit ka ba dahil hindi mo nagawa ang gusto mo kanina?" pambubuska niya sa akin nang lumayo sa amin ang matanda.

"Tigilan mo ako Gael. Baka sayo ko maibaling ang inis ko." galit na banta ko sa kanya.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya saka na siya naguguluhan na tumitig sa madilim na anyo ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 123 16
Mature content | R -🔞 | SPG "REINCARNATION SERIES 1" Ang kwentong ito ay tungkol kay Sage Axis Ferrer Arseo, isang mabangis na killer machine na na...
1.8K 110 4
Inosente ang batang si Renren ngunit nagbago ang lahat ng matuklasan niya ang papel niya sa buhay.
102K 122 12
This stories are not suitable for young readers.
278K 392 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞