My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.4K 668 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 35

195 12 0
By jeyninstrous

Makaraan ang ilang araw ay natapos na din ang exam. Problemado nga ako doon sa math dahil hindi ko alam kong tama ba yong mga sagot ko. Eh paano ba naman kasi, hindi lumabas sa exam yong mga pinag-aralan namin kaya napilitan talaga kaming magsagot kahit di namin alam. Sana nga hindi zero score ko doon dahil baka batukan pa ako ng mga kapatid ko at pagalitan ako ng parents ko.

Hindi na din kami masyadong nagsasabay ni Jaxson dahil palagi niyang kasama si Aisah at palagi ko namang kasama si Zeddie. Si Shantal at Janica naman ay busy sa sports at ayaw daw nila masyadong sumabay sa akin muna para may time kami ni Zeddie together. Mga shunga!

Hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing nakikita ko si Jaxson at si Aisah minsan na magkasama. Yong maiisip ko nalang na sana ako ang naging girlfriend niya para palagi ko siyang kasama. Ang mas masakit pa ay ang sweet nila at ang mga ngiti ni Jaxson ay kakaiba.

Nag-uusap naman kami minsan pero yon nga lang saglit lang dahil pareho kaming busy at may kanya kanya kaming pinagkaka- abalahan sa buhay. May girlfriend siya at may fiancé ako.

Nagfocus ako sa badminton at ini-enjoy ang moment na kasama si Zeddie. Kailangan ko ng masanay dahil magiging asawa ko na siya next year. Ang hirap pala ng buhay ng naka arrange marriage. Yong tipong kailangan mong magsakripisyo para sa pamilya mo, para din naman to sa kompanya namin ang ginagawa ko.

Gagawin ko to dahil ang kompanya nalang namin ang meron kami ng pamilya ko. Siguro nga mas mabuti na din na hindi kami masyadong nagkakausap at nagkakasabay ni Jaxson dahil baka ito lang ang paraan para mawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Hangga't maaari  ay iniiwasan ko siya.

Hindi ko na din isinuot ang singsing na bigay niya sa akin at itinago ko nalang. Napansin ko din kasi na hindi na niya suot yong kanya. Ayaw ko din naman na isipin ni Zeddie na mas gusto kong suotin yong singsing na bigay ni Jaxson kaysa sa singsing na bigay niya.

Nandito na naman kami ngayon sa oval field para mag practice. Nakakapagod pala maging athlete.

Nag text sakin si Shantal kanina na hindi siya sumali ng practice nila sa gymnas dahil masakit ang kamay niya at sa may math park nalang daw siya mag-aantay sakin. Ng matapos ang practice ay agad na akong nagpaalam sa mga kasama ko sa badminton at agad na nagpunta sa math park. Pagkarating ko sa math park, may mangilan ngilan na students ang nandoon. Naabutan ko si Shantal na nakaupo sa marmol na upuan at nakatingin sa cellphone niya.

Hindi niya ako napansin dahil nakafocus lang siya sa cellphone niya kaya agad akong sumilip kong ano ang tinitignan niya. Picture nila ni Clint na magkasama ang tinitignan niya.

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga at tabihan siya sa pag-upo. Pahaba ang upuan na marmol dito sa math park. Ng makita niya ako ay agad naman niyang pinatay ang cellphone niya.

"Okay ka lang?" tanong ko at umiling lang siya sabay buntong hininga at pinagsiklop ang dalawang kamay niya na nakapatong sa marmol na mesa.

"Nami-miss mo na siya no?" tanong ko at tumango naman siya.

Tinapik ko ang balikat niya ng bahagya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Beshywap, naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Alam kong mahirap mag move-on pero kailangan, sure naman ako kong nakikita ka ni Clint ngayon ay mas gugustuhin niya na palagi kang nakangiti kaysa sa nakasimangot ka at nalulungkot."

"Ang hirap lang kasi, ginagawa ko naman ang lahat para maka move-on kaso lang nahihirapan pa ako."

"Okay lang yan, basta kapag kailangan mo ng kausap nandito lang kami ni Janica....pati din si Amari." sabi ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

Inalis ko ang pagkakasandal ng ulo ko sa balikat niya at tinignan siya ng diretso.

"Beshywap, alam kong galit ka pa din kay Amari pero sana lang maging okay na kayo. Hindi naman kasi niya kasalanan ang nangyari tsaka biktima lang din siya, hindi niya yon ginusto."

Bumuntong hininga siya ulit.

"Hindi naman talaga ako galit sa kanya, nasasaktan lang ako sa pagkawala ni Clint at hindi ko matanggap kaya siya ang nasisi ko. Sa totoo lang, narealize ko na mali pala talagang sisihin ko siya kasi hindi naman talaga niya ginusto yon."

"Kaya nga mag-usap na kayo para naman magkabati na kayo." sabi ko at ngumiti naman siya at tumango.

"Susubukan ko." sabi niya kaya napangiti na din ako.

Sabay kaming napalingon ng biglang may pabagsak na naglagay ng bag sa table namin. Nag-init na naman ang ulo ko ng makita ko si Jerld kasama ang mga alipores niya pati si Aisah. Ano na naman bang problema ng mga to? Kala ko ba patay na tong mga to? Eh kasi ngayon ko lang nakita tong si Jerld the impakta at ang mga alipores niya.

"Ano na naman bang problema niyo? gusto niyo na naman ba ng away?" tanong ko at tumayo na.

Napatayo na din si Shantal.

"Hello bitch." sabi pa ni impaktang Jerld at nginisihan ako ng mala demonyong ngisi.

Demonyita talaga to kahit kailan.

"Anong ginagawa mo dito, witch?" sabi ko naman at nakita kong napataas ang isang kilay niya.

Parang nainsulto pa siya dahil tinawag ko siyang witch.

"Excuse me? do I look like a witch? Ewww I'm so beautiful you know." sabi niya at nag flip hair.

Napaka arte talaga ng pandak na to, sarap hagisan ng bomba ang pagmumukha.

"Bakit nga kayo nandito? anong kailangan niyo?" inis kong tanong.

"I just wanted to say that I'm happy because you and Jaxson were not going to get marry anymore but still... hindi pa din ako satisfied." sabi niya at nag flip hair ulit.

"I heard that Zeddie would be the replacement of Jaxson, but I won't allow it. Ayaw kong maging part ka ng family namin, you're disgusting kaya." sabi pa niya at inirapan ako.

"Ano bang problema mo sakin ha? inaano ba kita? kong hindi mo ako gusto pwes! hindi din kaya kita gusto dahil ang itim ng budhi mo, kasing itim ng pwet mo, tara na nga Shantal!" sabi ko at hinila na si Shantal paalis pero napatigil ako ng bigla akong hinila ni Aisah.

Paglingon ko ay nagulat ako ng sinampal niya ako.

"How dare you for flirting with my boyfriend!" sigaw niya sa akin.

Grabe nalang ang inis ko ng pagkatapos niya akong sampalin ay sumunod naman si Jerld. Nakita ko kong paano nagulat si Shantal at mabilis na hinila ang buhok ni Aisah. Pati ang mga nandito sa math park ay nagulat din. Bigla namang hinila din ni Jerld ang buhok ko kaya napangiwi ako.

"How dare you for insulting me you bitch!" sigaw niya sa akin at mabilis ko din siyang sinabunutan.

"Bwiset kang impakta ka!" sigaw ko din sa kanya at mas lalong hinila ang buhok niya kaya grabe ang pagmumura niya.

Dapat lang yan sa kanya, ang sakit din kaya ng anit ko dahil grabe din siya makahila ng buhok.

"Fuck you bitch! Waaahhhh!" sigaw niya habang patuloy lang kami sa pagsasabunutan.

Si Shantal at Aisah naman na nagsasabunutan din ay sinusubukang pigilan ng mga alipores ni Jerld. Pareho lang kaming napatigil ng dumating sila Jaxson pati ang mga kaibigan niya at si Zeddie. Mabilis nila kaming inawat. Agad namang pinagalitan ni Zeddie si Jerld. Pati si Aisah na um-acting pa na inaway daw siya ni Shantal ay pinagalitan din ni Jaxson.

Todo simangot tuloy ang gaga.

"Ano na naman ba to?" inis na tanong ni Jaxson sa amin.

"Sila ang nauna!" mabilis kong sabi at itinuro si Jerld at Aisah na parehong mga impakta.

"No! It's not us! she told me that the color of my ass is black!" sigaw naman ni Jerld at natawa ang ilan sa mga studyante na nandito.

Pinandilatan pa niya ito ng mga mata.

"Just because of that?" tanong ni Jaxson at bigla namang kumapit si Aisah sa braso niya.

"Boo, sila ang nauna. Ang landi kasi ng babaeng yan! pati ikaw nilalandi." sabi pa niya pero umiling lang si Jaxson at agad na hinawakan ang kamay niya.

Agad akong napaiwas ng tingin.

"Let's go, we needed to talk." sabi ni Jaxson at lumingon pa muna sakin.

"Sorry, Sola." sabi niya at tumango lang ako at agad na silang umalis ni Aisah.

Si Jerld naman ay inis na tinignan si Zeddie at padabog na kinuha ang bag niya at umalis habang nakasunod ang mga alipores niya sa kanya. Pinauna na din ni Zeddie sila Sam, Arson at Alexis sa pag-uwi bago humarap sa akin.

"Are you okay? may masakit ba sayo?" tanong niya ay bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

Oo, yong puso ko masakit.

"Okay lang ako, Zeddie. Masakit lang anit ko." sabi ko at agad niyang hinimas ang ulo ko.

"Sorry, pagpasensyahan mo na si Jerld. You know, she's a brat." sabi niya na ikinatawa ko ng bahagya.

Kawawa naman ang impakta sinabihan ng brat ng pinsan niya. Napalingon naman ako kay Shantal na nasa gilid namin ng bigla siyang tumikhim.

"Mauna na ako sa inyo ah, moment well ehe!" sabi niya at dinampot na ang bag niya at nag finger heart pa bago umalis.

Akala mo hindi galing sa sabunutan kong makangiti ang gaga.

"Tapos na kayong mag basketball?" tanong ko kay Zeddie matapos umalis si Shantal.

"Yes, kaya pinuntahan kaagad kita dito. Hindi ko nga inexpect na sabunutan pala ang madadatnan ko. " sabi niya at natawa naman ako ng mahina.

"Eh paano ba kasi, bigla nalang pumunta yong impakta mong pinsan dito at naghamon na naman ng away."

"Sorry ulit." sabi niya.

"Huwag ka nga mag sorry, di mo naman kasalanan." sabi ko at ngumiti naman siya.

Kinuha niya kaagad sa akin ang badminton racket ko. Hinayaan ko nalang siya dahil alam niyo na gentleman talaga siya. Akala niya naman sobrang bigat ng racket. Nagulat pa ako ng inakbayan niya ako habang naglalakad kami. Meghad pawis pa ako jusko! nakakahiya!

"Uhmm... pwede bang dumaan muna tayo sa locker room niyo?" tanong ko sa kanya at nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya pero tumango din.

"Sure. Do you wanted to talk to Jaxson?" tanong niya at mabilis naman akong umiling.

"Hindi ano...kukunin ko lang yong isang racket ko na nasa locker niya. Nilagay kasi niya don tsaka di ko pa nakuha." sabi ko at tumango naman siya ulit.

Ngayon ko lang kukunin ang isa ko pang racket dahil hindi kasi kami maysadong nagkakasabay gaya ng sabi ko at nahihiya din akong pumunta mag isa sa locker ng mga basketball player. Halerrr! ang dami kayang mga lalaki don. Nakakailang pa naman sila kong makatitig. Baka hagisan pa ako ng bola sa mukha kong pangit char! ganda ko kaya!

Pagkarating namin sa locker room ng mga basketball player ay mabuti nalang walang tao. Dumiretso kaagad kami ni Zeddie papunta sa locker ni Jaxson pero pareho kaming napatigil sa nakita namin. Kitang kita ko kong paano halikan ni Aisah si Jaxson. Ang mas nakakainis pa ay hinahayaan lang ito ni Jaxson. Ito na naman ako nasasaktan.

Parang gusto ko nalang na pumikit at sumigaw para patigilin sila pero hindi ko magawa dahil parang naestatwa ako. Paiyak na ako at ramdam ko din ang panginginig ng kamay ko. Nawala lang ang paningin ko sa kanila ng biglang humarang si Zeddie sa harap ko. Hindi ko maiwasang mapatingala ng bahagya sa kanya at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Let's go." sabi niya at bago pa man tuluyang tumulo ang mga luha ko ay agad na niya akong hinila palabas ng locker room.

Hawak lang niya ang kamay ko habang naglalakad kami hanggang sa namalayan kong tumigil kami sa parking lot. Agad niya akong hinarap at hindi pa din binibitawan ang kamay ko. Nakayuko lang ang ako at hinawakan niya ang mukha ko para makatingin ako sa kanya.

"Are you okay?" tanong niya pero hindi ako sumagot at umiling lang.

Ng niyakap niya ako ay tuluyan na akong naiyak.

"Z-zeddie bakit ganito? b-bakit ang sakit?" sabi ko habang umiiyak.

Hinaplos naman niya ang likod ko.

"I'm just here, just tell me all and I'll listen." sabi niya na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Z-zeddie...mahal ko na kasi siya eh...mahal ko na ang boy bestfriend ko..."

"I know." rinig kong sabi niya.

Rinig ko din ang pagbuntong hininga niya habang nakayakap sa akin.

"I notice it all, Solana. The way you look at him and even the way you smile when you're with him, I know you like him already. I maybe silent but I'm observing. Your eyes can tell how much you were hurt when you see him with Aisah."

"Bakit? bakit palagi nalang akong nasasaktan ng dahil sa kanya? ayaw ko na ng nararamdaman ko para sa kanya. Zeddie... ayaw ko ng masaktan..."

Hindi ko maiwasan na mas lalong maiyak hanggang sa tuluyan ng mapahikbi. Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng diretso sa mga mata. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kamay niya.

"Gusto mo bang mawala ang nararamdaman mo para sa kanya?" tanong niya at tanging tango lang ang naisagot ko.

"Then let me help you, tutulungan kitang mawala ang nararamdaman mo para sa kanya. You deserve to be happy and loved, Solana. Hayaan mo akong mahalin ka at pasayahin ka."

Inayos niya ang bangs ko at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya.

"I don't wanted to see you crying just because of him kaya tahan na...nandito lang ako. Kong hindi niya kayang suklian ang pagmamahal mo para sa kanya, pwes ako kaya ko. I just wanted you to be happy just like before, gusto kong bumalik ang Solana na masayahin at palabiro."

Bigla niyang hinaplos ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"Huwag mong hayaan na baguhin ka ng sakit na nararamdaman mo ng dahil sa kanya. Nandito pa ako na handang mahalin ka ng walang pag-aalinlangan."

Niyakap niya ako ulit at napapikit nalang ako at niyakap din siya pabalik. Kailan pa ba matatapos tong mga sunod sunod na sakit na nararamdaman ko?

"Salamat Zeddie."

"I'm just here if you need me, Solana. Ang pagmamahal na nararamdaman mo na hindi kayang suklian ni Jaxson ay ako mismo ang susukli. I will love you until you'll learn to love me back."

Continue Reading

You'll Also Like

975K 87.8K 39
โœซ ๐๐จ๐จ๐ค ๐Ž๐ง๐ž ๐ˆ๐ง ๐‘๐š๐ญ๐ก๐จ๐ซ๐ž ๐†๐ž๐ง'๐ฌ ๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐’๐š๐ ๐š ๐’๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ โŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
498 127 19
ใ€Ž Completed ใ€ In which, he developed a feeling for a stranger he barely knows. start:: 290324 end:: 010424 ยฉ bamgyutorii's work
838 55 10
polaroid of our memories.
1.8K 60 27
Anything can happen, but when the destiny does its works everything will be better.