Hopeless Love [PUBLISHED UNDE...

By The8thWorldWonder

2M 18K 3.4K

Available in PPC Stores, Pandayan, and Natinal Bookstores nationwide! Grab your copy now for only 109.75php! ... More

Hopeless Love
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
FOR QUERIES
BOOK 2 OF HOPELESS LOVE
I'LL CARRY YOU TO HEAVEN
HE SHE HE
The Value of a Second Chance
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED
DELETED

CHAPTER 32

27.7K 275 63
By The8thWorldWonder

CHAPTER 32

Si Miggy ‘to. Let’s talk. Sa tea shop malapit sa inyo. Papunta na ako.

Nagtataka man kung saan nakuha ni Miggy ang number ko ay agad naman akong nagpaalam kay Nelle para umuwi na. Tapos naman na ang pag-inom niya ng gamot at kailangan na rin niyang matulog kaya agad naman siyang pumayag.

Ano namang kailangan naming pag-usapan?

Nang makarating ako sa bahay ay naka-receive din ako ng text mula kay Mhina.

My birthday tomorrow. I’m just reminding you. J

Don’t worry, always on my mind. I’ll come.

Nag-bihis lang ako at pumunta na rin sa tea shop. Naupo ako doon sa may pinaka-gilid at hindi nagtagal ay nakita ko na si Miggy. Lumapit naman agad siya sa akin at naupo sa tapat ko. Seryosong-seryoso ang mukha niyang tumingin sa akin.

“Ano ba talagang gusto mong mangyari?” panimulang tanong niya.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Why did you befriend Aaliyah when all you would do in the end is leave her?” mariing tanong niya. “Ano bang plano mo?!” galit na dugtong pa niya.

“Masyado ka atang concern sa bestfriend mo.”

“She is not just my bestfriend,” giit niya.

“Yeah, right!” tugon ko. “Kasi mahal mo siya.” Tila naman natigilan siya ng marinig niyang sabihin ko iyon. “Kawawa ka naman. Ang manhid kasi ng kaibigan mo, eh. Ni-hindi niya makita kung ano ‘yong totoong nararamdaman mo sa kanya.”

“Hindi ako nag-punta dito para dyan,” iritang tugon niya. “Pero dahil sinimulan mo na, sige. Siguro nga manhid siya para hindi mapansin ‘yong nararamdaman ko para sa kanya. Ikaw ba? Anong tawag mo sa taong hindi magawang aminin sa taong gusto niya na may gusto siya rito?” mariing tanong niya sa akin.

“Duwag,” tipid na tugon ko.

“Duwag ka pala kung ganoon,” singhal niya. “Duwag ka nga ba talaga o masyado ka lang ma-pride?!”

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao ay siya pa ang makakapansin ng totoong nararamdaman ko para kay Aaliyah. Oo, duwag nga siguro ako. Siguro nga, ma-pride din ako.

“Duwag ka din, Miggy.”

“Alam ko,” inis na tugon niya. “Pero kahit na duwag akong umamin sa kanya, hindi ko siya iniiwan sa ere ng basta na lang.”

“Huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat.”

“Ano ba’ng hindi ko alam, Paul?”

“Marami.” Huminga ako ng malalim para pigilan ang galit na nagsisimula ko nang maramdaman. “Kung gusto mo talaga si Aaliyah, go ahead. Wala akong balak na agawin siya sa’yo.” Punung-puno ng takot ang puso ko noong oras na lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Alam ko, gagawin ni Miggy ang lahat para sa kanya. “I’ll go ahead.”

Tumayo na ako para umuwi at siya rin ay agad na tumayo at humarang sa dadaanan ko. “Mag-ingat ka sa mga ginagawa mong desisyon, Paul. You never know what the consequences might be.”

Kinabukasan ay maaga akong nag-punta sa butterfly garden upang magdala ng pananim na sunflower doon. Kahit na sa simpleng pagpunta lamang dito ay pakiramdam ko, nakakasama ko pa rin si Aaliyah.

“Lolo, magandang umago ho,” bati ko doon sa matandang nag-aalaga sa lugar na ito. “May dala po akong pananim na sunflower,” saad ko habang inaabot sa kanya ang box na dala ko.

“Nako, iho. Salamat!” nakangiting tugon niya sa akin.

“Dito po muna ako, Lolo. Sandali lang po,” paalam ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot at saka nag-tungo sa kanang bahagi ng garden at sinimulang mag-bungkal ng lupa.

Sana nandito ka ngayon, Aaliyah. Sana nakakasama pa rin kita. Sana nakikita ko pa rin kung paano ka ngumiti sa tuwing nakikita mo ang lugar na ito. I’m sorry for leaving you with nothing. Hindi ko sinasadya.

“Lolo, aalis na po ako,” paalam ko sa kanya at ngumiti naman siya. Dali-dali akong lumabas ng garden at tinakbo ang Ashford palabas upang hindi na ako maabutan pa ng mga estudyante.

Dumiretso ako sa hospital para puntahan si Nelle. Ngayon kasi ang pangatlong beses ng chemotherapyniya at sabi ng mga doctor ay mangangailangan siya ng matinding suporta.

Mula sa labas ng kwarto kung saan ginaganap ang chemo niya ay naririnig ko ang bawat sigaw niya. Naririnig ko ang bawat daing niya sa sobrang sakit. Hindi ko maiwasan ang takpan ang tenga ko dahil sa mga iyon.

Oo, duwag ako. Ayokong nakakakita o nakakarinig ng mga bagay na lubhang makakasakit sa damdamin ko. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ay si Nelle pa ang tinamaan ng ganitong klaseng sakit. Napaka-bata niya pa para maranasan ito.

“Gagaling pa siya, Paul,” mahinang sabi ni Ate Jack sa tabi ko. “Malakas si Nelle. Naniniwala akong makakaya niya ‘to. Lalo na hangga’t nasa tabi ka niya.”

Tumango lang ako at pilit na nginitian siya.

Okay lang na masaktan ako, basta’t gumaling ka, Nelle. Siguro ‘pag magaling ka na, pwede ko nang alisin ‘yong sakit na nararamdaman ko. Pero ngayon, ikaw muna.

Lumabas ang doctor mula sa kwarto at agad naman kaming napatayo ni Ate Jack.

“May mga natitira pang cancer cells at maliit na tumor sa utak niya,” pahayag niya. “Kakailanganin niya ng mas makabagong mga gamit para matanggal ang mga iyon mula sa utak niya. Nasaan ang parents niya?”

“Maya-maya lang po ay dadating na sila, doc,” tugon naman ni Ate Jack.

“Good. I would have to talk to them,” saad niya. “Excuse me.”

Nag-hintay muna kami ni Ate Jack ng ilang oras bago magising si Nelle. Pag-dilat ng mga mata niya ay agad siyang ngumiti sa akin. “I survived the chemo again!” she said with a weak tone.

“Congratulations!” bati ko sa kanya. “Well, I guess you deserve a date.”

“D-date?” gulat na tanong niya. “You mean lalabas tayo?”

“Well? Kung gusto mo,” nakangiting tugon ko. “At kung papayagan ka nila Tita.”

Noong araw din na iyon ay kinausap ko ang parents niya na ilalabas ko si Nelle one of these days. Pumayag naman sila ngunit kailangan ay kasama daw si Ate Jack at kailangang mag-wheelchair ni Nelle para hindi siya mapagod sa paglalakad.

 

*Mhina’s birthday*

Nang hapon na ay nagpaalam ako kay Nelle dahil kailangan kong pumunta sa bahay nila Mhina para sa celebration ng birthday niya. Sampung minuto siguro ang nakalipas bago magdatingan sina Renzo.

Nag-pasya silang uminom matapos kaming kumain. Hindi ako nakisali dahil alam naman nilang may allergy ako sa alak. Kapagkuwa’y nag-yaya si Mhina na mag-spin the bottle. Dahil nga birthday niya ay sumali kaming lahat para mapagbigyan ang gusto niya.

Labis na kaba ang dinulot sa akin ng boteng iyon nang tumapat iyon kay Aaliyah. Tinitigan ako ni Renzo at ngumiti ng nakakaloko.

“Ako! Ako ang magtatanong!” tuwang-tuwang pag-vovolunteer niya na akala mo’y mag-rerecite dahil nakataas pa ang isang kamay niya.

Nang inaabot na ni Mhina kay Aaliyah ang shot glass ay agad kong kinuha iyon at tuluy-tuloy na ininom. Nakita ko ang pagkagulat ng lahat ng gawin ko iyon ngunit ni isa sa kanila ay hindi ginawang umimik.

“Okay, gawin mo na lang din ang ginawa ni Miggy, Aaliyah,” pahayag ni Renzo.

“H-huh?”

“Yakapin mo na lang din ang taong gusto mo. Alam ko naman din na nandito siya.” paliwanag ni Renzo habang nakatingin sa akin.

Siraulo ka talaga, Renzo.

 “Wala naman akong gusto dito,” pahayag ni Aaliyah.

“Sigurado ka?” usisa ni Renzo habang lalong nilalaliman ang tingin sa akin.

Nakita ko ang pag-tango ni Aaliyah. Bago pa may mag-react ay agad kong niyakap si Aaliyah nang mahigpit. Ramdam ko ang pagka-gulat niay sa ginawa kong iyon.

Ngayon lang, Aaliyah. Hayaan mong mayakap kita.

“Ayan, ako na ulit ang gumawa para sa’yo,” saad ko nang bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin na tila naghahanap ng kasagutan sa ginawa kong iyon.

Thank you, Renzo.

Nang mag-alisan kami sa bahay nila Mhina para iwanan silang mag-usap ni Arkin ay agad kong tinext ni Aaliyah na magkita kami sa park na malapit sa kanila. Doon ako dumiretso dahil kailangan kong bigyan ng paliwanag ang ginawa ko kanina.

Gusto ko siyang muling makausap.

Hindi nagtagal ay dumating siya at lumapit sa akin. Tila nagtaka kung ano ang pag-uusapan namin doon.

“Kapag umalis ba ako dito ngayon nang hindi ipinapaalam sa’yo kung bakit kita pinapunta dito, hahabulin mo ako?”

Say yes, please.

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya.

“Will you run after me to find out why I asked you to come here?” tanong ko habang unti-unting lumalakad palayo.

Habulin mo naman ako, Aaliyah. Kahit mag-lakad ka lang. Basta pigilan mo lang akong umalis.

“Bakit mo nga ba kasi ako pinapunta dito?” muling tanong niya at naramdaman ko ang paglalakad niya sa likod ko. “Sinusundan na nga kita, oh.”

Huminto ako at agad na humarap sa kanya. “Why are you so interested in knowing the answer?” Hindi siya agad nakasagot at tila nag-iisip ng sasabihin. “Tell me, Aaliyah. What do you want to know?”

 “Bakit ka biglang lumayo?”

“Hindi ako lumayo. Matagal na akong malayo sa’yo. Pinaniwala mo lang ang sarili mo na pwede tayong maing magkaibigan.”

“Hindi ko maintindihan.”

“From the very start, you know that I don’t like you.” Hindi totoo ‘yan. Gusto na talaga kita noon pa. “Hindi naman lingid sa kaalaman mo na ayaw kitang maging kaibigan, ‘diba?” Ayaw ko lang ng basta sa kaibigan, gusto ko, higit pa doon.

 “Pero naging mabait ka sakin…”

“It was all for fun! Hindi mo ba napansin na wala lang akong magawa noong mga panahon na ‘yon?” Pinilit kong tumawa habang sinasabi iypn. “I knew it! Hindi ako nagkamali. Nabigyan mo ng ibang meaning ang mga ginawa ko.”

Dahil may meaning naman talaga ang mga iyon.

“You believed in everything I said, didn’t you?” Nanatili lang siyang tahimik at nakatingin sa akin na tila ba pilit na iniintindi ang mga sinasabi ko. “Mukhang tama nga ako. Hindi ko na kailangan patagalin ‘to.” Nag-lakad ako palapit sa kanya at sa bawak hakbang ko ay ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang baba niya at inangat ang mukha niya para matitigan ko ang mga mata niya. “MISSION ACCOMPLISHED,” mariing saad ko kahit na sobrang labag noon sa loob ko.

I’m sorry I have to choose Nelle over you.

November 2011

Maaga pa lang ay naka-receive na ako ng text mula kay Nelle na mauuna na daw sila ni Ate Jack sa mall para makapag-libot muna. Ngayon kasi ang araw na nangako ako sa kanyang ilalabas ko siya.

Nakita ko sila ni Ate Jack na palabas ng sky garden noong tanungin ko kung nasaan sila. Agad ko namang sinabi kay Ate Jack na ako na ang magtutulak ng wheelchair ni Nelle.

“I hate this chair. Ang OA nila Daddy,” reklamo niya. “Kaya ko namang mag-lakad, eh. Tsaka nandito naman kayo ni Ate Jack.”

“Huwag ka nang mag-reklamo. At least pinayagan nila tayong lumabas, ‘diba?” pagpapagaan ko ng loob niya.

Dinala ko siya sa isang seafood restaurant dahil iyon ang ni-request niya. Tumayo siya para lumipat doon sa upuan sa tabi ko.

“Pij, may nakilala akong babae kanina,” panimula niya at nakita ko naman ang masayang ngiti sa mga labi niya. “Her name’s Ali.” Tila nanigas naman ang katawan ko nang marinig ko iyon.

“Ali?”

“Yes, Ali. She’s so kind,” saad pa niya.

Hindi naman siguro si Aaliyah ‘yon, ‘diba? Marami namang Ali sa mundo. Tsaka, si Demi lang naman ang tumatawag sa kanya ng Ali. Kaya imposibleng magpakilala siya as Ali.

“She was the one who brought me sa sky garden,” nakangiting kwento niya. “She’s very positive that I’ll survive this disease. Well, she even told me that God gave me this because I’m strong!” masayang dugtong pa niya.

“She’s right! God knows you’re strong at kaya mong lagpasan ‘yan,” pagsang-ayon ko. “Kaya ikaw, huwag ka nang magpasaway. Para gumaling ka kaagad.”

“Right! Ali gave me a positive energy,” natatawang saad niya. “Sana ma-meet ko pa ulit siya somewhere.”

Nag-simula kaming kumain noon at kwento lang ng kwento si Nelle tungkol kay Ali. Napakabait daw noong babaeng iyon at tila napakagaan ng loob niya rito. Pakiramdam daw niya ay magiging mabuting magkaibigan sila nito kapag nakgkita silang muli.

“Uhm, Pij,” baling niya sa akin matapos kaming kumain. “How’s Aaliyah?”

“She seems fine,” buntong-hiningang tugon ko. “There’s this guy na nakikita kong palagi niyang kasama.”

“You’re jealous,” mahinang pahayag niya.

“Tara na nga! Punta tayo sa arcade,” yaya ko sa kanya para hindi na niya isipan pa si Aaliyah. Alam kong kahit na sinasabi niyang gusto niyang pag-usapan namin si Aaliyah ay nasasaktan siya. Alam kong gusto lang niyang maramdaman ko na nag-aalala siya para sa akin.

Nang palabas na kami sa mall ay may nakita kaming gumagawa ng mga personalized keychain doon sa isang sulok. Agad naman akong niyaya ni Nelle doon dahil gusto daw niyang magpa-gawa ng bracelet.

“Ikaw din, Paul! Dali na,” yaya niya sa akin ngunit tumanggi ako. Hindi naman siya nalungkot o ano nang tumanggi ako dahil tuwang-tuwa siya doon sa bracelet.

Hinatid ko lang siya sa bahay nila at nang pauwi na ako ay bigla kong nakita si Miggy. Nang makita ko siya ay biglang pumasok sa isip ko si Aaliyah at agad-agad akong sumakay ng jeep papuntang muli doon sa mall.

“Manong, magkano po dito sa tsinelas na keychain?” hinihingal na tanong ko nang makarating ako doon sa lalaking pinagawan ni Nell eng bracelet niya.

“Bente lang, iho. Pero kapag may ipapalagay ka, trenta na ‘yan,” tugon niya.

“Sige po, Manong. Ito pong black,” saad ko habang itinuturo ang black slipper keychain. “Akin na po ‘yung sulatan, ito po ‘yung ilagay ninyo.”

Inabot niya sa akin ang isang papel at ballpen at nagsimula kong isulat ang HAYILAA. Baligtad na spelling ng pangalan ni Aaliyah. 

Continue Reading

You'll Also Like

172K 3.3K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
3.9M 28.3K 10
How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ra...
72.4K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...
65.7K 1.1K 64
They have one month and a half before the wedding. Will love grow? Or will they just get a divorce after?