My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.4K 684 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 34

187 11 0
By jeyninstrous

Dumating ang linggo na puro lang ako aral. Nagfocus ako sa pag-aaral at isinantabi muna ang sakit na nararamdaman ko. Sa lunes ay exam na kaya kinailangan ko talagang mag-aral. Mabuti nalang nag send ang teacher namin sa group chat ng notes ng sa ganoon ay may pag-aaralan kami.

Naka off din ang isa kong cellphone dahil ayaw ko na ma disturbo ako habang nag-aaral. Pati sa labas ng pinto ko ay nilagyan ko din ng karatola na bawal akong disturbuhin. Buti nalang talaga hindi ako binu-bwiset ng mga kapatid ko. Malamang nag-aaral din ang mga yon. Napatigil ako sa pag-aaral ng biglang may kumatok.

"Sino yan?" tanong ko habang nakadapa sa kama ko at nagbabasa.

"Anak si mommy mo to, dinalhan kita ng snacks."

Agad akong napatayo ng marinig ko ang sinabi ni Mommy at agad na naglakad palapit sa pinto at binuksan ito. Nakita ko kaagad si Mommy na may dalang tray na may lamang dalawang slice ng pizza at isang basong may lamang juice.

"Thank you, Mommy." pasalamat ko kay Mommy habang nakangiti at kinuha ang tray sa kanya.

"Nag-aaral ka pa ba?" tanong niya at tumango naman ako.

"Bakit Mommy?"

"Pwede ba kitang makausap sandali?"

"Opo naman mommy, pasok po." sabi ko at agad naman siyang pumasok sa loob ng kwarto ko.

Inilapag ko muna ang tray sa study table ko at umupo sa kama katabi niya. Bigla naman niyang hinaplos ang buhok ko kaya napangiti ako.

"Tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin, Mommy?" tanong ko.

"About your arrange marriage with Zeddie." sabi niya kaya nawala ang ngiti ko.

"Anak alam kong gusto mo si Zeddie pero ayaw mong magpakasal sa kanya dahil gusto mo na din si Jaxson." sabi niya kaya napabuntong hininga ako.

"Mommy, hindi ko na po alam. Kong noon naiinis ako kay Jaxson at ayaw kong magpakasal sa kanya pero ngayon... nanghihinayang at nasasaktan ako." sabi ko at hinawakan naman ni Mommy ang mukha ko.

"Anak, alam ko dahil basang basa kita.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako tutol kong sino ang magustuhan mo pero kasi tumutupad lang ako sa pangako ko sa inyo." sabi niya kaya hindi ko maiwasan na maguluhan.

"Pangako po mommy? anong pangako po? " nagtataka kong tanong.

"Alam kong hindi niyo na siguro maalala dahil mga maliit pa kayo noon pero sabay niyong sinabi sa amin ni Sabrina na gusto niyong pakasalan ang isa't isa kapag lumaki na kayo."

Natahimik ako dahil sa sinabi ni Mommy. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko alam ang sasabihin. Mga bata pa kami noon pero kong totoo nga na sinabi namin yon ay ngayon alam ko na. Kaya gusto ng mga parents namin na ikasal kami ay hindi lang dahil sa kompanya kundi ay dahil pati na din sa sinabi namin noon na gusto naming ikasal sa isa't isa kapag lumaki na kami.

"Basta sabihin mo lang sa akin kong sakaling magbago man ang desisyon mo, nandito lang ako para suportahan ka. Hindi na kita pipilitin pa basta nandito lang si Mommy kapag kailangan mo." sabi ni Mommy kaya agad ko siyang niyakap.

"Thank you, Mommy. Kahit shunga ka minsan mahal na mahal pa rin kita." sabi ko at bigla naman niya akong kinurot ng mahina sa balikat kaya natawa ako.

"Walanghiya ka talaga! anak nga talaga kita." sabi niya habang natatawa.

"Bakit Mommy? may posibilidad ba na ampon ako? naku mommy! sabihin niyo nga ang totoo, foreigner ba ang tatay ko?" sabi ko at hinampas na naman niya ako kaya napangiwi ako.

"Loka loka ka talagang bata ka!"

"Eto naman si Mommy oh! eh saan pa ba nagmana?"

"Siyempre naman sakin." sabi niya kaya sabay kaming natawa.

"Pero mommy, tungkol kay Kuya Felix, kailan po ba kayo magiging okay?" tanong ko at bigla namang sumeryoso ang mukha niya.

"Mommy please...magbati na kayo ni Kuya, mahal na mahal ka ni Kuya kaya please lang huwag naman kayong mag-away. Anak niyo din naman po siya kaya dapat lang po pantay ang pagmamahal niyo sa amin." sabi ko at bigla namang siyang nag-iwas ng tingin.

"Baby, huwag na muna nating pag-usapan yan." sabi niya at tumayo na.

"Pero mommy. " sabi ko at napabuntong hininga naman siya.

"Baby, alam kong narinig mo ang mga sinabi ko sa Kuya mo pero gusto kong malaman mo na mahal ko kayong apat na mga anak ko." sabi niya at umupo ulit sa kama.

"Nadala lang ako ng galit kaya nasabi ko yon lahat. Oo inaamin kong hindi ko ginusto ang nangyari sa akin at na trauma ako pero hindi ko pinagsisihan na naging anak ko si Felix. Nanggaling man siya sa lalaking sumira sa buhay ko pero nagpapasalamat pa din ako dahil biniyayaan ako ng anak na katulad niya."

"Mommy..." hinawakan ko ang kamay ni Mommy at mabilis na pinunasan ang luha na naglandas sa pisngi niya gamit ang kamay ko.

"Inaamin ko na hindi ako perpektong ina pero ginawa ko ang lahat para lang maging mabuting ina sa kanya pero kahit kailan hindi ko man lang naiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko habang lumalaki siya dahil sa tuwing naiisip ko kong paano ako binaboy ng ama niya ay sobrang sakit sa akin... nandidiri ako sa sarili ko at pakiramdam ko napakasama kong ina dahil kinailangan pang madamay ng Kuya mo sa pinagdadaanan ko."

Tuluyan ng naiyak si mommy kaya agad ko siyang niyakap at hinaplos ang likod niya. Sobrang sakit din sa akin bilang anak niya na kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng hirap dahil sa nangyari sa kanya. Hindi deserve ng kahit sinuman ang makaranas ng naranasan niya. Hindi ko maiwasang maiyak din pero agad kong pinunasan ang mga luha ko at pilit na nagpapakatatag.

"Mommy, mabuti po kayong ina. Sadyang masakit lang po sa inyo ang nangyari at hindi pa po huli ang lahat para maiparamdam mo kay Kuya Felix ang pagmamahal niyo. Palagi niyo pong tatandaan Mommy na nandito po kaming mga anak niyo para pasayahin kayo at mahalin kayo. Tutulungan po namin kayong kalimutan ang nakaraan niyo at patawad po kong kailangan niyong pagdaanan lahat ng hirap dahil sa nangyari sa inyo." sabi ko at mas lalo siyang niyakap.

Inalo ko lang si Mommy hanggang sa naging okay na siya at tumigil na sa pag iyak. Agad ko namang pinahid ulit ang mga luha niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Tama na ang iyak, mommy. Sige ka baka pumangit ka! pangit ka na nga mommy tapos madadagdagan pa naku! hindi naman yata pwede yon Marga! chariz joke!" sabi ko at natawa naman siya.

"Gusto mo sayawan kita mommy? anong gusto mo? watsminaenae ba?" tanong ko at sinimulan ng sumayaw sa harap niya kaya mas lalo lang siyang natawa.

"Ikaw talagang bata ka ang kulit! sige na kumain ka na, lalabas na ako." sabi niya at tumayo na at tuluyang lumabas kaya wala akong nagawa kundi ang mapatango at umupo na ulit sa kama ko.

Mukhang hindi pa din talaga sila magiging okay ngayon. Siguro kailangan lang nila ng oras para makapag isip- isip. Kumain muna ako bago magpatuloy ulit sa pag-aaral. Sana lang talaga itong mga pinag-aralan ko ay lumabas sa exam dahil kong hindi ay ewan ko nalang.

Dumating ang lunes at puro kaba nalang ang nararamdaman ko. Ng makarating ako sa classroom ay naka arrange na ang lahat ng upuan. Ginawa itong one seat apart para walang magaganap na kopyahan. Hindi ko maiwasang mapailing bago umupo sa upuan ko. Paano na kong sakaling diko alam ang sagot? kakaloka naman, zero naba this?

Napalingon pa ako kay Jaxson saglit na abala lang sa cellphone niya. Wala akong planong pansinin siya ngayon dahil gusto kong mag focus muna sa exam. Napalingon din ako sa upuan ni Zeddie. Wala pa siya.

"Ready na kayo?" tanong kaagad ni Shantal sa aming dalawa ni Janica.

"Maybe." yon lang ang sagot ni Janica at ako naman ay nagkibit balikat lang.

Ng halos makumpleto na ang mga classmates ko na nagsidatingan at dumating na din si ma'am ay agad na kaming nagsimula. Ang unang test papers na ipinamigay ni ma'am sa amin ay Filipino kaya napangiti ako. Madali lang kasi ang Filipino. Nakangiti lang ako habang nagsasagot.

Binasa ko talaga ng maayos ang mga nakalagay na instructions at questions sa test paper. 40 minutes ang ibinigay sa amin para magsagot. Mabilis naman akong natapos at ang iba ko pang kaklase. Lumapit kaagad ako sa desk ni ma'am at pinasa ang test paper ko. Binigyan niya ako ng panibagong test paper ulit. MAPEH ang sunod na subject. Buti nalang talaga nag-aral ako.

Agad na akong bumalik sa upuan ko at nagsagot ulit. Apat na subjects lang ang nasagutan namin dahil ang ibang subjects ay bukas pa. Tuwang tuwa naman ang mga kaklase ko dahil half day. Pagod kami sa kakasagot ng exam kaya ng mag-uwian ay napagdesisyunan namin ni Janica at Shantal na pumunta muna ng canteen para kumain.

Habang naglalakad kami papuntang canteen ay napatigil ako dahil biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko si Jaxson kasama ang mga kaibigan niya.

"Sumabay na kayo sa amin kumain." sabi niya.

Napalingon pa ako kay Janica at Shantal.

"Sasama ba kayo?" tanong ko at tumango naman si Shantal.

Si Janica naman ay tumingin pa muna sa relo niya bago tuluyang tumingin sa akin.

"Kailangan ko na palang umuwi, may lakad kami ni grandma." sabi niya kaya napatango nalang ako.

Agad na siyang nagpaalam sa amin. Hinila na ako ni Jaxson kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nakasunod naman sa amin ang mga kaibigan niya pati si Shantal. Napakunot pa ang noo ko ng dumitetso kami sa parking lot.

"Akala ko ba kakain tayo?" tanong ko kay Jaxson.

Sila Alexis, Arson, at Sam ay sumakay na sa kanya kanya nilang kotse.

"Yes but not in the cafeteria."

"Eh saan?"

"Restaurant." sabi niya kaya napatango nalang ako.

Sa shotgun seat ako umupo. Si Zeddie at Shantal naman ay sa passengers seat sa likuran. Dito nalang daw sila sasakay sa kotse ni Jaxson dahil na flat ang gulong ng kotse ni Zeddie. Ng pinaandar na ni Jaxson ang kotse ay binalot kaming apat ng katahimikan. Buti nalang nag play ng music si Jaxson kaya hindi masyadong awkward ang atmosphere naming apat.

Playing: Passengers Seat

Gusto ko sanang sabayan ang kanta kaso nakakahiya kaya pinili ko nalang na tumingin sa labas at manahimik. Narinig ko namang nag-uusap si Shantal at Zeddie sa likuran. Kailan pa sila naging close? Hindi ko masyadong narinig ang pinag-uusapan nila dahil maingay ang music.

Ng makarating kami sa restaurant na sinabi ni Jaxson ay agad din kaming bumaba. Napangiti pa ako dahil ang gentleman ng mag-pinsan. Pinagbuksan pa kaming dalawa ni Shantal ng pinto. Ng makapasok kami sa restaurant ay wala naman ang ibang mga kaibigan niya don kaya malamang kami lang sigurong apat ang magkasabay kakain.
Mabuti na din yon dahil di ako sanay.

Tsaka di ko pa naman ka close ang mga ibang kaibigan niya, lalo na si Arson. Nakakairitang playboy yon tsk!

Ang simpleng lunch namin ay  naging masaya dahil tawa kami ng tawa. Panay kasi ang joke ko at kaka-kwento tungkol sa mga nangyari noong childhood namin ni Jaxson. Buti nalang talaga sila Jaxson ang may-ari ng restaurant kaya okay lang na mag-ingay kami. Wala pa naman masyadong tao.

"Naalala mo pa noong mga bata pa tayo Jaxson? diba naihi ka noon sa shorts mo at todo deny ka pa sakin na naihi ka. Sabi mo na nabasa yon ng tubig pero ng bigla kong inamoy ang shorts mo bigla ka namang umiyak, sabi mo pa nga na "you touch my pet!" pagkikwento ko sa kanila at panay naman ang tawa ni Zeddie at Shantal habang magkatabi.

"Stop it." reklamo ni Jaxson habang nakatingin sa akin at halatang naiinis na.

Ang cute niya talagang mainis.

"Sabi ko pa, anong pet? may pet ka bang tinatago sa brief mo? patingin! tapos sabi mo shut up at bigla ko nalang hinubad ang shorts mo at tawa ako ng tawa dahil ang liit ng ano mo---" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko.

Nakita ko namang napailing si Zeddie habang natatawa. Si Shantal naman ay napainom ng tubig dahil sa kakatawa.

"Gaano kaliit?" tanong ni Zeddie kaya mas lalong nainis si Jaxson.

"What the fuck? I'm just a kid back then kaya maliit talaga. Alangan naman na malaki agad, the heck?" sabi ni Jaxson at inalis na ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

Natawa naman ako.

"Oh diba sabi ko sa inyo maliit, siya na mismo ang umamin." sabi ko at napataas namang ng isang kamay niya si Shantal.

"Gaga tama na! ang sakit na ng tiyan ko kakatawa." reklamo ni Shantal at napahilot sa panga niya.

Ng matapos kaming kumain ay napagdesisyunan na naming lumabas ng restaurant. Nag-aya naman si Shantal na pumunta ng mall. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil panay ang kaka-usap nila ni Zeddie. Sa totoo lang, bagay sila.

"Hey." napalingon ako kay  Jaxson ng bigla niya akong tinapik.

"Oh bakit?"

"Anong iniisip mo?" tanong niya at umiling naman ako at ngumiti.

"Wala naman, natutuwa lang kasi ako kay Shantal at Zeddie. Alam mo, bagay sila no?" sabi ko at nakita ko namang napakunot ang noo niya.

"Nagseselos ka ba sa kanila?" sabi niya kaya ako naman ngayon ang napakunot ang noo.

"Huh? anong nagseselos? hindi ah! sabi ko nga diba bagay sila tsaka ang cute kaya nila, tignan mo oh!" sabi ko at itinuro ang dalawa na abala sa kakapili ng mga klase klaseng damit habang nag-uusap.

"Tsk! aminin mo na kasing nagseselos ka, normal lang naman magselos dahil siyempre crush mo siya at kausap niya ang bestfriend mo." sabi niya pero hindi ko na siya pinansin.

Pumili nalang ako ng mga damit habang nakasunod naman siya sa akin kong saan ako pumupunta. Walangya talaga! ipipilit pa talagang nagseselos ako eh hindi naman talaga. Talagang natutuwa lang ako sa kanila tsaka mas magseselos ako kong siya na at ang girlfriend niya ang magkasama.

Matapos naming bumili sa mall ng kong ano ano ay umuwi na din kami kaagad. Hindi nga ako nakagastos eh dahil si Jaxson at Zeddie na ang nagbayad ng mga pinamili namin ni Shantal. Ihinatid muna namin si Shantal bago kami dumiretso sa bahay namin. Medyo nakakailang nga dahil si Jaxson at Zeddie ang kasama ko sa kotse ng matapos naming maihatid si Shantal sa kanila. Pagkarating sa bahay namin ay agad na akong bumaba. Nakita ko namang bumaba si Jaxson.

"Salamat nga pala sa libre at paghatid mo sakin." sabi ko at binigyan siya ng ngiti.

Ginulo naman niya ang buhok ko at kinurot ako sa pisngi habang nakangiti kaya hindi ko maiwasang kiligin pero hindi ko pinahalata dahil mahirap na.

"You're always welcome, bestfriend."

Sabay kaming napalingon kay Zeddie ng bumaba din siya sa kotse.

"Uhmm... I just wanted to give you something." sabi niya at mukhang nahihiya pang lumapit sa amin.

"Ano yon, Zeddie?" tanong ko habang nakangiti.

Lumingon pa muna siya kay Jaxson bago lumingon sa akin ulit.

"Mauna na ako sa kotse." sabi ni Jaxson at tumango naman si Zeddie.

Ng tuluyan ng makapasok si Jaxson sa loob ng kotse ay narinig ko namang tumikhim si Zeddie. Tinignan ko siya at hinintay ang sasabihin niya. May kinuha siya mula sa bulsa niya. Isa itong maliit na box na kulay black. Ng binuksan niya ito ay hindi ko maiwasang magulat ng bahagya.

Singsing ito na sigurado akong mamahalin din at kumikinang pa. May heart na design ito sa gitna.

"P-para sa akin yan?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"I just wanted to give you this as our engagement ring." sabi niya.

Hindi ko maiwasang mapahawak sa kamay ko kong nasaan nakasuot ang singsing na bigay ni Jaxson sa akin na hanggang ngayon ay suot ko pa din. Pakiramdam ko panahon na para hubarin ang singsing na bigay niya sa akin pero sadyang nakakapanghinayang. Hindi ko kayang hubarin at kong pwede lang ay manatili ito sa kamay ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Zeddie ang isang kamay ko kong saan walang nakalagay na singsing at hinalikan ito. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko pinahalata.

"Pwede ko na bang isuot to sayo?" tanong niya at hindi ko maiwasang mapalingon kay Jaxson.

Nakabukas na ang bintana ng kotse at nakita ko siyang nakatingin na sa amin. Ng makita niya akong lumingon sa kanya ay ngumiti siya. Ang bigat sa pakiramdam makita ang ngiti niya ngayon. Pakiramdam ko kasi ipinapamigay na niya ako sa iba at ang mas masakit ay umaasa ako na hindi siya pumayag na maikasal ako sa iba pero mali ako. Maling mali ako at siguro mali din na minahal ko siya.

Lumingon ulit ako kay Zeddie. Mabigat man sa pakiramdam pero wala akong nagawa kundi hubarin ang singsing na bigay ni Jaxson at tumango at binigyan si Zeddie ng tipid na ngiti.

"Oo Zeddie, pwede mo ng isuot...sa kamay ko."

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 100 23
Summer, sa panahong ito mo mararanasan ang salitang BAKASYON. Pupunta sa iba't-ibang lugar para lang makapag-libang. Sa Summer,mainit. Natural tirik...
15K 431 47
Maurie Hevrea Zolina views herself as someone who does not act decently. Hevrea sleeps at her classes, laughs hysterically, and is never determined t...
57.5K 1K 37
Life couldn't get harder... But it just did after you sat next to me, everyone bullies me, when will you stop noticing me?? I can't believe that your...
82.1K 2K 45
I noticed that some of you don't read the description. So I just wanted to clear up that this story was inspired by He's Into Her Now that it's clear...