Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

597K 22.4K 4.7K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Forty eight

7.2K 301 49
By JierusuJirin

A/N: TRIGGER WARNING! Read at your own risk!


Banana


"Dalawa lang ba ngayong araw?" Hindi ko kasi sigurado kung meron pang darating ngayong araw. O kaya ay sa lugar na ni Elliot mapupunta ang lalaking nakabantay kay Ashlyn kanina.

Kaharap ko naman ngayon ang dalawang lalaki na tinutukoy nila Silvestre. Nasa k'warto silang dalawa kasama ang isang mesa na may laman sa ibabaw— laman na kumikinang sa talim.

Mukha namang matino ang dalawa pero alam kong hindi matino ang mga pag iisip nila. Sa itsura nila ay hindi mo aakalaing sinusunduan nila si Victoria. May mga itsura din kasi kaya mabilis lang silang makakauto ng ibang tao kapag may nakapansin sa kanila. Gising naman sila at tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa ni Silvestre. Wala ring busal ang bibig kaya malaya silang makapagsasalita pero hindi nila ginagawa.

Mabuti nga at tahimik lang sila ngayon pero sana kaya nilang panatilihin ang pagiging tahimik hanggang mamaya.

"Dalawa lang sila. What is your plan?" Hindi ko nilingon si Silvestre.

"As usual. Makikipagkuwentuhan lang muna." Walang ganang sagot ko kay Silvestre na nasa pintuan ng k'wartong ito.

"Ah, okay. Maiwan ko muna kayo. Enjoy." Sira talaga ang isang 'to. Enjoy daw.

Hinayaaan ko siyang lumabas at iwan ako kasama ang dalawang ito. Umupo ako sa silyang nasa harapan ng dalawa. Talagang sinusundan pa nila ang bawat galaw ko.

Baka nagagandahan sa akin.

"Alam niyo na siguro ang dahilan kung bakit kayo narito?" Simula ko dito. Inoobserbahan ko naman sila— ang isa ay tahimik na mahahalata mong walang balak magsalita pero ang isa naman ay hindi sigurado kung magsasalita ba siya o tatahimik na lang din. Sa huli ay umiwas na lang ito ng tingin sa akin bago tumango. "Hindi ba nagsasawa ang amo niyo?"

"Sino ka ba ha?!" Malakas at walang respetong sigaw ng lalaking kanina ay tahimik lang. "Anong ginawa namin sa inyo? Bakit kami narito?!"

"Ang kapal naman ng mukha mong itanong 'yan na parang wala kang alam." Sumama ang tingin ko sa kaniya. "Si Victoria Dela Merced ang pakay niyo, hindi ba? Oh, edi ngayon alam mo na kung bakit kayo nandito."

Sarkastiko ako kaya siguradong alam nila ang ibig kong sabihin.

"Siya nga! Pero bakit kayo nangingialam?!"

"Paanong hindi?" Nagsisimula ng uminit ang ulo ko. "Hindi kayo marunong matakot."

"Si Victoria Dela Merced nga ang kailangan namin! Hindi naman kayo! Paano namin mapapatay ang babaeng iyon kung nakikialam kayo?! Sino ba kayo, ha?! Pakialamera!" Napatayo ako ng malakas na ikinatumba ng kinauupuan ko. Masama ang tingin na nilapitan ko ang nagsalita. Masyadong matabil ang dila niya.

Tiim bagang kong hinawakan ang panga nito ng mahigpit.

"Hindi niyo kailangan si Victoria." May diin sa bawat salitang binibigkas ko. Namumuro na sila sa akin. "Hindi ko rin gusto ang pagsigaw mo sa akin, lalaki. Maski ang mga salitang binitawan mo ay hindi ko gusto." Parang ang galit na tinatago ko sa kaloob-looban ko ay biglang lumabas dahil sa salitang iyon. "Kayo na nga itong gumagawa ng kapahamakan sa kanila ay kayo pa ang matapang?! Mga walang k'wenta!"

"W-Wala akong pakialam! Pakawalan mo kami! Isusunod pa namin ang anak ng babaeng iyon! Dapat ay nakuha n-namin ang batang 'yon kung hindi kayo nangialam! B-Bitawan mo ako!" Pilit nitong ginalaw ang ulo para lang matanggal ang pagkakahawak ko sa panga niya pero mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak dito. Nagpintig ang dalawang tenga ko sa narinig ko sa kaniya. "S-Siguro kayo ang dahilan kung b-bakit nawawala ang ibang nautusan nila boss!" Nahihirapan mang magsalita ay pinilit niya pa rin ang sarili. Pabalya kong binitawan ang panga niya. Bumibigat na rin ang paghinga ko at kaunti na lang ay baka magdilim na ang paningin ko sa dalawa. "B-Bitawan mo ako! Walang hiya ka!"

Pabalya kong binitawan ang panga ng lalaki.

"Do you know what I love about those men that I abducted?"Kinalma ko ang sarili bago ngumiti at lumayo ng kaunti sa kanila. Nilapitan ko ang mesang may iba't ibang kagamitan na may iba't ibang klaseng tulis. Napansin ko naman ang bagong kutsilyo na naroon. Ngayon ko lang napansin ito pero nakita ko ang signature ni Imperial dito. Siguro ay sa kaniya ito pero bakit naman nandito? "Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw ko sa kanila? 'Yong maingay gaya mo. Masyado mo akong tinutulak na gawin ang gustong gawin ng isipan ko. Ang sarap tanggalin ng dila mo."

"A-Ano?"

Kinuha ko na lamang ang kutsilyo at pinaglalaruan sa mga kamay ko bago muling lumapit sa isang lalaking masama na ang tingin sa akin. Ang isa ay nakatungo lang at hindi man lang tumingin o saluhan ang kasama niya sa pagtatanong at pagsisigaw. Duwag ata ang isang ito.

"Ayoko ng paulit-ulit. Sa sinabi mo kanina ay oo, kami nga ang dahilan kung bakit nawawala ang mga kasama niyo. Gusto mong malaman kung nasaan na sila?" Nilandas ko ang dulo ng kutsilyo nito sa pisngi nitong lalaking ang ingay-ingay. Napakaganda ng pagkakatalim ng kutsilyo ni Imperial.

"A-Anong gagawin mo sa akin?! Pakawalan mo kami!" Nagitla naman ang lalaking 'to at napapikit ng mariin dahil sigurado akong naramdaman niya ang pagdiin ko sa kutsilyong nasa pisngi niya.

Dahan-dahan ko pa itong ibinaba at nagkurba ng isang letter C doon. Narinig ko ang mahinang singhap nito lalo na ng may munting dugo na lumalandas na pababa sa leeg niya na ikinatawa ko pa ng mahina.

Hindi naman malalim ang ginagawa ko sa pisngi niya pero takot na takot na siya.

"Kung gusto mo silang makita ay patay na sila, lalaki. Masayang sa kamay ko sila namatay dahil sa pagsunod-sunod sa babaeng pagmamay ari ko. At dahil nandito kayo, kayong dalawa ang isusunod ko."

"T-Tama na. P-Pakawalan mo kami. Pangako hindi a-ako magsasalita—" Malakas kong sinampal ang hawak na kutsilyo sa pisngi niyang may sugat na. Hindi ako natutuwa.

Magsumbong? Kahit nga magsumbong siya ay wala siyang magagawa.

"Wala pa akong sinabi na magsalita ka. May sinabi na ba ako? Hindi ba't wala pa? Maghintay ka— sinabing maghintay ka!" Inis ko itong sinuntok sa mukha. Wala akong pakialam kahit dumugo ang ilong niya at mabasag. May sinasabi pa ako pero masyado siyang magulo. Sinusubukan niyang kumalas sa isang bakal na nasa kamay niya. Mas lalo iyong hihigpit 'pag sumubok pa siyang gumalaw. Ginagalaw niya ang buong katawan niya na gumagawa ng tunog na ikinaiirita ko. "Hindi ako natutuwa sa inyo." Nawawalang pasensyang saad ko.

Nilapitan ko naman ang isang lalaki na kanina pa tahimik. Nakaangat na ang tingin niya at takot ang mababakas sa itsura niyang nakatitig sa akin. Nakaawang ang labi sa gulat at mukhang naiiyak na. Lalaki ba talaga ito?

"Sabihin mo kung anong kailangan niyo sa pagmamay ari ko." Blangko akong tumitig sa lalaking ito. "Uulitin ko. Anong kailangan niyo kay Victoria?"

Magsasalita na sana siya ng makarinig na naman ako ng malakas na sigaw.

"TULUNGAN NIYO AKO RITO! PALABASIN NIYO AKO! TULONG!"

Inis na inis kong binalingan ang lalaking hindi marunong magtanda. Galit kong binuhat ang inuupuan ko kanina at hinampas sa pagmumukha niya para lang tumigil sa kakasigaw.

"Punyeta! Sinabi ko sayong huwag kang magsasalita ng hindi ko sinasabi!" Wala akong pakialam kung anong itsura niya ngayon. Kahoy ang upuan na pinanghampas ko sa kaniya. Nakita ko rin ang pagdugo mula sa noo niya. Ginagagalit ako ng mga walang k'wentang taong ito.

"T-Tulong—" Muli kong binuhat ang upuan at sunod-sunod na pinaghahampas ng ubod na lakas ang mukha niya. Kahit ang katawan niya ay hindi ko pinatawad. Naririnig ko ang mahinang halinghing niya at paghiyaw. Sa huling paghampas ko rito ay ang pagtahimik niya.

Isang singhap din ang narinig ko sa katabi nitong lalaki. Ngumisi ako ng walang laman dito na mas lalong ikinatakot niya.

Pinulot ko pa ang kutsilyo na nabitawan ko bago sinasaksak sa mukha ang kutsilyo sa lalaki ng paulit-paulit.

"Mga walang hiya kayo! Sinasabi ko sa inyo na kapag may nangyari kay Victoria ay papatayin ko ang lahat ng amo niyo maski ang mga pamilya niyo!"

"T-Tama n-na." Napatigil ako sa ginagawa. Hawak ko ang hawakan ng kutsilyo habang ang talim nito ay nakatarak sa mukha ng lalaking sinaksak ko. Saktong sa kanang mata ito nakatarak. Binitawan ko ito at hinayaan na lang doon ang kutsilyo. Maraming talsik ng dugo sa katawan ko pero wala na akong pakialam pa rito. Puno na rin ng dugo ang lalaking patay na ngayon. Kahit ang kamay ko ay maraming dugo rito.

Lumapit pa ako sa isang lalaking nang istorbo sa ginagawa ko.

"Do you have something to say?"

Pinaglandas ko ang mga daliring may dugo sa pisngi niya hanggang sa labi niya. Sa inis ay pilit ko pang isunubo ang daliri sa kaniya para malasahan niya ang dugo ng kasama.

Umiiwas ito at umuungol.

"M-Maawa ka—"

"Sa bawat pagsunod niyo sa pagmamay ari ko ay ikinakagalit ko. Ang bawat pagsunod sa kaniya ay kamatayan mula sa mga kamay ko. Ngayon sa pamamagitan mo ay dadalhin mo ang mensahe ko para sa amo mo." Maloko akong natawa. Hindi na siya halos magsalita at nasusukang nakapikit dahil sa dugong nasa bunganga niya. "Galit na galit ako. Alam niyo ba 'yon ha? Isa akong Crescencio kaya mamamatay ang lahat sa kamay na isa ring Crescencio, tandaan mo 'yan."

Mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa mukha ng lalaking patay na sa tabi at ginamit ito para punitin naman ang damit nitong lalaking kasama niya. Pilit itong pumapalag habang nandidiri sa dugong nasa bunganga niya.

Halos masuka-suka ito. Masyado na siyang magalaw kaya inilagay ko sa leeg niya ang isang kamay para sakalin ito habang umuukit sa katawan niya. Nasisiyahan ako sa amoy ng dugo nilang nakadikit na sa balat ko.

Ang Crescencio 'pag nagalit ay walang kawala ang lahat. Masyado na nila akong tinutulak sa sukdulan ko. Kahit hindi na ako patawarin ni Victoria 'pag nakita niya ako sa ganitong sitwasyon o kaya malaman niya ang ginawa kong ito basta mapatay ko lang silang lahat.

Walang makakagalaw sa pagmamay ari ng isang Banana Crescencio.

"AHHHHHHH!" Gulat akong napalingon sa lalaki ng bigla siyang sumigaw ng malakas dahil sa pagsaksak ko sa tiyan niya. Inis kung tinarak ang kutsilyo sa bunganga niya bago ito kunin ulit. Nagtalsikan ang dugo mula sa kaniya papunta sa mukha ko ng iangat ko ang kutsilyo.

Wala na rin ata siyang buhay. Sayang, ipapadala ko sana siya sa amo niyang nag aagaw buhay kaso ang ingay niya e. Naririndi ako.

Tama na rin 'yan, gusto ko ang dugo pero ayoko ng ingay mula sa kanila. Mas lalo lang akong mababaliw kung ang ingay-ingay nila. Gusto kong magtrabaho ng tahimik lang habang nagsasaya.

Pagkatapos kong kunin ang kutsilyo ay tinuloy ko muli ang pagkurba sa tiyan ng lalaking ito. Nagsulat lang ako ng apat na letra rito. Isang ViPe ang sinulat ko, sinigurado ko pang mapapansin nila agad ang sulat na 'to.

Hihingiin ko rin ang kutsilyong ito kay Imperial. Napakagandang gamitin.

Natigil at napalingon ako bigla sa pintuan ng magbukas ito. Si Pillow ang nagbukas at magsasalita sana ito pero natigil siya at nanglalaki ang mata ng napatingin siya sa dalawang lalaki at napatingin ulit sa akin na puno ng dugo dahil sa dalawang ito.

Paulit-ulit niya lang ginawa iyon habang namumutla.

"A-Ah, ano B-Banana—"

"Hey, Pillow! What took you so long? Na-estatwa ka na riyan." Narinig kong natatawa si Francine sa labas ng k'wartong ito. "Banana, hinahanap ka ni Green— what the hell is this?" Nagugulat na sigaw bigla ni Francine ng sumingit siya sa harap ni Pillow. "What the fuck, Banana! VIO—"

"Try to shout, France. I'm going to kill you." Malamig na saad ko na ikinatahimik niya at pag zip ng bunganga niya. Napahakbang pa ito paatras at nahihintakutang tumakbo kasunod ni Pillow.

Tumayo na ako at pinakatitigan ang dalawang lalaking naliligo na sa mga sariling dugo. It's been a while since I did this. Madalas ay ginagawa ko lang madali ang lahat pero ngayon, namumuhi ako at umuusbong lalo ang galit ko na tipong gusto ng isipan ko ang pahirapan na lang sila.

Mariin akong pumikit saglit at nagbilang ng sampo. Ramdam na ramdan ko ang pagkamuhi sa lalaking gumalaw sa pag mamay ari ko. Ang galit na meron ako dahil sa gustong paghihiganti ng magulang ng lalaking iyon kay Victoria. Galit na galit ako lalo na ng magtangka silang kunin ang anak ko noong isang araw lang.

Itong dalawang ito ang muntik ng makakuha sa kaniya kaya ganito na rin ang nangyari sa kanila. Naagapan lang ng tauhan ni Elliot at Sanchez pero nakatakas pa rin sila. Kanina naman ay nakasunod na sila kay Victoria. Saktong sila Jade ang nasa paligid kaya nakuha na rin sila.

Ang laking tanga ng pamilya no'ng lalaking gumawa ng masama kay Victoria. Tipong si Victoria na nga ang nagawan ng mali ay siya pa itong binabalikan.

Ang kakapal ng mukha nila.

"Banana." Napamulat ako ng mata ng marinig ang tinig na iyon mula kay Silvestre. Malamig ko itong pinakatitigan at siya naman ay mukhang natigilan dahil sa nakita. "What the actual fuck. Ganito ba pumatay ang galit na Crescencio? Noong nakaraan ay puro isang bala ng baril lang ang gamit mo. Totoo nga ata talaga ang usapan na huwag mong galitin ang malokong si Banana Crescencio. Pero ngayon, nailabas mo naman ba ang galit mo?"

"Silvestre. Ilagay mo sa kahon ang lalaking ito." Turo ko sa lalaking may marka ang tiyan. "Ipadala mo sa bahay ng mag asawang Magallanes. Siguraduhin niyong makikita nila ang inukit ko sa tiyan niya, Silvestre." Iwas na sagot ko sa tanong niya. Hindi mailalabas ang lahat ng galit ko kung patuloy sila sa pagpuntirya sa mag ina ko.

Kasalanan ng mga Magallanes ang lahat ng ito.

"Weird." Napataas ako ng kilay kay Silvestre. "You use Green's weapon? Siguro merong sumpa 'yan."

Napatingin naman ako sa hawak ko pa palang kutsilyo. Kahit may dugo na ito ay kita ko pa rin ang signature ng isang Imperial dito. Ngayon ko lang napansin na parang mas kuminang ang signature niya rito kahit na may dugo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"When Green use that, ganiyan din ang naaabot nila sa kamay niya pero mas malala ang gawa niya. Halimaw." Nanindig ang balahibo ko sa narinig. "That knife is made by an unknown. Mas lumalabas ang signature niya 'pag nadidikitan ng dugo. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Hindi nga rin pala niya 'yan pinapahingi."

Si Jade Green Imperial? Mas malala pa magtrabaho? Nalingon ko muli ang dalawang lalaki.

Kung titignan ay maaawa ka sa mga itsura nila. Halatang napahirapan pero hindi ko ma-imagine ang ibig sabihin ni Silvestre.

Kung totoo man ang sinasabi niya, ibig sabihin ay mas malala pa siya sa aming dalawa ni Silvestre, o kay Alex.

"By the way, I will do what you want. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko. What is your next plan?"

"Ang bantayan si Victoria." Wala sa sariling naging sagot ko. Balak kong bantayan si Victoria lalo na ang paligid niya.

"Magpapakita ka na ba?" Hindi pa tamang oras. Kahit nangako ako sa kaniya na pupuntahan ko siya pagkatapos ng misyon ko kay Alex. Pinuntahan ko pa rin naman siya pero hindi ako nagpakita, at least tinupad ko ang pangako ko.

"Depende sa sitwasyon. Anong kailangan ni Imperial?" Naalala ko na sinabi ni France na hinahanap ako ni Imperial. Tungkol saan na naman kaya ito?

Nilingon ko na ulit si Silvestre pero bumuntong hininga ito at tumalikod na sa akin.

"Kailangan mo munang maligo. Puntahan mo si Green dahil may sasabihin daw siya."

Nanumbalik muli ang galit ko paghakbang ko upang sumunod kay Silvestre. Mula ng malaman ko ang buong k'wento mula sa mga nakukuhang tauhan at mula na rin kay Tito at Tita na siyang nagkumpirma ay namuo na rin ang galit na matagal kong pinipigilang maramdaman.

"Pahiraman mo ako ng damit." Walang gana kong sagot dito bago sumunod ng tuluyan sa kaniya palabas ng k'wartong iyon. Napansin ko ang dugo mula sa sapatos ko na bumabakas sa sahig kada hakbang ko. Napangisi ako ng wala sa oras ng makita sila Brick na nagtatago sa likod ni Erica.

Akala ko ba ay matapang sila? Bakit naman sila nagtatago sa likuran ni Erica na akala mo ay inosente. Halos katulad ko lang si Violet pero bakit ganito naman ang mga reaksyon nila?

"H-Huwag kang aalis, Erica! Sinasabi ko sa 'yo!" Nahihintakutang saad ni Brick sa kaniya. Nakahawak ito sa likod ng damit ni Erica na nakangisi lang sa akin habang naiiling. Nailing na rin ako at muling sumunod kay Silvestre na naghihintay sa akin sa isang pinto na hula ko ay isang k'warto ulit. Hinubad ko ang sapatos at iniwan sa tabi ng pinto bago malakas na binuksan ang pinto na ikinasigaw ng mga babae sa likod dahil sa gulat.

Ano bang kinakatakot nila? Iyong nakita nila? Hindi naman nila nakita ang buong ginawa ko kaya wala silang dapat na ikatakot.

Pumasok ako sa isang pinto na hula ko ay ang banyo. Maluwang ito at pagpasok ko nga ay isang medyo maluwang na espasyo pa ang nakita ko at may isang full-length mirror na nakadikit sa isang pader at may isang mesa sa gilid nito.

Isa-isa kong tinanggal ang suot ko habang nakatitig sa salamin. Punong-puno na rin talaga ako ng dugo at nanglalagkit na rin ang pakiramdam ko.

Pagkatapos kong magawang alisin ang lahat ay binuksan ko muli ang isa pang pinto at doon ko na nakita ang shower. Tumayo lang ako sa ilalim nito ng mabuksan ko at pinakiramdaman ang tubig na lumalandas sa katawan ko.

Kitang-kita ko rin ang pagpula ng tubig na bumabagsak sa sahig mula sa katawan ko. Pulang-pula ito. Wala sa sariling pinapanood ko ang pag agos ng pulang tubig sa sahig.

Kung si Victoria at Ashlyn na ang pag uusapan ay makakapatay ako kahit kaibigan ang magiging kalaban ko.

"Banana?" Nalingon ko ang pinto. I heard Silvestre's voice. "I know you can hear me but Green called and want to tell you to meet her in the Midnight State."

Midnight State? Bukas ba ang bar na 'yon sa oras na 'to? Tsaka bakit doon niya ako gustong makausap? At bakit naman hindi pa ako hinintay nitong si Silvestre na makalabas dito?

"Tell her to wait for me."

"Sure. Sorry to disturb you, but I have something to do at kailangan kong mauna na muna. The others don't want to be near you." Kaduwagan naman ng mga iyon na akala mo ay hindi rin pumapatay.

"Okay, thank you."

"I have to go now. Nandito sa gilid ng salamin 'yong hinihiram mong pamalit. See you when I see you again."

Hindi na ako kumibo lalo na ng marinig ko pa ang hakbang nito palabas ng rest room na 'to.

Maliban sa grupo ko ay itong grupo ni Violet talaga ang maaasahan at mapagkakatiwalaan ko. Kahit minsan ay hindi nila ako binigo. Hindi nila sinira ang tiwala ko.

Balang araw ay ibabalik ko rin ang tulong na ginagawa nila sa akin ngayon.

They have my full trust.

Continue Reading

You'll Also Like

81.2K 2.9K 37
Simple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nan...
775K 17.8K 49
AN/WARNING: This is a lesbian/gxg story BOOK ONE Her name is Sydney. If miracle for everybody is getting to survive after a tragic accident or gettin...
101K 3.1K 33
Kim Cassandra accidently got into a trouble on her first day being a freshman but suddenly in that kind of trouble she suddenly met the girl that wil...
153K 3.7K 38
[COMPLETE] •Years had passed and Zerah finally decided to come home. She never planned to cross paths with Grey again but it seems like destiny is pl...