Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

597K 22.4K 4.7K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Forty five

7.7K 279 41
By JierusuJirin

Banana


"Bakit labing lima lang kayo? Nasaan ang iba? Sila Luna nasaan na?" Takang tanong ko sa mga taong nakatayo sa harapan ko. Ngayong gabi ang punta namin sa bahay ng uhuging tatay ni Alex. Kaso bakit pabagal-bagal gumalaw ang iba? "Hindi ba't dapat ready na ang lahat? Nagsabi na ako kaninang umaga sa inyo—"

"Miss Crescencio— saglit! Sorry, Madam! Late kami!" Napairap ako. Halatang pagod itong si Luna at naghahabol naman ng hininga si Jacob. Siguradong si Poppy na naman ang dahilan nito kung bakit late silang dalawa. Pambihira, inaasar ba ako ng babaeng iyon sa pamamagitan ng pagiging late ng dalawa? Alam niyang ayokong may late sa usapang oras e.

"Ang usapan ay ala sais." Madiin kong saad.

"Si Madam Poppy po kasi e." Tumitig lang ako rito kay Luna na siyang nagsalita. Sinasabi ko na nga ba siya na naman ang rason. Naiintindihan ko ang tuktok ng ulo ng babaeng iyon. Baka may pinagawa sa kanilang karumal-dumal na naman. Halimbawa na lang ng pag puno ng tubig sa swimming pool gamit ang tabo o kaya timba. Gano'n ka-sira ang ulo ni Poppy pero mas sira ang ulo nitong dalawa sa pagiging uto-uto sa amo.

Poppy, tunog aso ang walang hiya niyang pangalan. Bakit ba Poppy ang pangalan ng isang 'yon?

"Alam naman ninyong importante ang gabing ito. Bakit naman ngayon pa kayo nagpapa-late?" Minsan kasi ang hirap kausap ng mga ito pagdating sa oras e. "I said this is a mission then everyone should cooperate! Hindi ko naman kayo isasabak sa misyon na ito ng wala lang!"

Nag umpisa ng uminit ang ulo ko.

"Pasensya na, Madam." Napayuko ang dalawa. Wala akong nagawa kung hindi ang magpakalma ng sarili dahil kung pagsasabihan ko pa sila ng matagal ay mas lalong mauubos ang oras ko.

"Ayoko ng maulit ito. Pinatawag ko kayo ng mas maaga dahil gusto kong mauna na kayo sa address ng lugar na binigay ko sa inyo. Dalhin niyo ang ilang mga gamit na pinahanda ko sa inyo. Kasama niyong muuna si Elliot dahil siya ang magsasabi kung ano ang gagawin niyo doon." Nilapitan ko ang mga box na nasa tabi at binuksan ito. "Use this one to lure them. Alam niyo naman ang gamit ng bomb na 'yan kaya pakiayos sa paggamit at baka kayo na naman ang mamatay. Gusto kong mapadali ang gabing ito kaya inaasahan kong lahat ay gagalaw ng maayos. Magbigay din kayo ng mga ganito sa mga tauhan ni Elliot. Nauna na pala ang mga tauhan niya sa lugar at ang dapat na lang ninyong gawin ay sundan sila." Gumalaw naman sila para tignan ang box na binuksan ko kanina. Tinignan ko naman ang hawak at ngumisi na lamang. "Siguro naman ay nagkakaintindihan tayo rito?"

"Yes, Madam." Tumango ako. Pinaghati-hatian nila ang laman ng box bago nagsitango sa akin.

"Mabuti. May tanong pa kayo?" Tinignan ko sila isa-isa. Mukha namang handa na sila.

"Anong eksaktong oras ang alis namin?"

"Ngayon. Nasa labas na ang mga sasakyan niyo. Handa na at kayo na lang talaga ang hinihintay. Susunod kami nila Gabriel doon." Kaniya-kaniya silang tango at nagsimulang mag ayos ng gamit. "Alis na kung handa na ang lahat, nasa labas si Elliot na sabay sa inyong aalis."

Hinayaan ko na silang gawin ang mga gusto nilang gawin.

Ayoko na rin talagang patagalin pa ang lahat. Nag iisa lang naman ang tatay ni Alex. Well, may mga tauhan siya pero alam kong walang mga laban ang mga iyon sa amin. Mahina naman ang huklubang lalaking 'yon dahil sa pagtatago niya. Kaduwagan ang meron sa lalaking iyon dahil nagtatago lang siya sa likuran ng mga tauhan niya.

Iniisip ko pa nga kung ano ang magiging reaksyon niya 'pag nalaman niyang kasama ng isang Gabriel ang isang Crescencio na tulad ko. Matutuwa kaya siya? Sana naman ay oo, mas maganda kung makikita ko kung paano siya patayin ni Alex dahil sa sobrang galit. Hindi na rin talaga ako makapaghintay dahil sa wakas ay maisasakatuparan na ni Alex ang matagal na niyang gustong gawin.

"Jacob?" Tawag ko sa pangalan nito. Nilingon nila akong dalawa ni Luna. " Mauuna na ako sa inyo kasi pupuntahan ko na sila Alex."

Tumango silang dalawa kaya tinalikuran ko na sila ng hindi pinapansin ang pagyuko pa nila bilang paggalang at pag sang ayon. Hindi talaga ako natutuwa sa tradisyon na pagyuko nila kada makikita ako o kada aalis ako.

Palitan ko kaya ang ilang rules na gawa ng tatay ko? Tutal siya naman ang gumawa ng mga ito. Kaso ang pagbabago ng batas ay gagawa lang ng malaking problema. Gusto ko na sanang buwagin ito kaso mas magkakagulo silang lahat. Dito sila nakaasa sa organization kaya dapat ay panatilihin ko ito.

Palibhasa ay malaki ang naitutulong sa kanila ng bawat misyon at sa pagiging miyembro nila at pagtatrabaho sa kamay ng mga Crescencio.

Paglabas ko ng k'wartong pinanggalingan ko ay nakita ko si Elliot. Hawak niya ang baril na inaayos niya at maski ang ilang mga bala na nilalagay niya sa isang bag na nasa tabi niya.

"Elliot." Tawag pansin ko sa kaniya.

"Uy, Banana. Rinig kong Madam na Madam ka ah, ang puta." Naiiling na lingon nito sa akin habang natatawa.

"May kasalanan ka sa akin, Elliot." Inis na wika ko ng hindi pinapansin ang walang k'wenta niyang komento. Minsan talaga walang k'wenta ang sinasabi niya e. Tsaka wala pa akong sinasabi e may sinasabi na siya agad.

Napansin kong wala ng ibang tao na narito sa labas. Walang pakalat-kalat dito sa mansyon ngayon. Siguradong nasa labas ang mga iyon at doon nagkakalat. Mga pambihira ba naman ang pag uugali.

"Ha? Ano naman 'yon?" Takang tanong niya na ikinairap ko na lamang. Maang-maangan pa, parang tanga. Muntik ko na ngang makalimutan na may kasalanan siya e. Buti naalala ko no'ng makita ko siya.

"Ang sabi ko pabantayan mo si Victoria. Sabi ko sa tauhan mo ay sabihin sa akin 'pag may nangyaring masama kay Vic. Bakit 'di nila ako tinawagan ng nagpunta si Victoria dito sa Pangasinan at sumunod kila Tito?!" Naiinis na umismid ako sa kaniya tapos imbes na magalit ako ay nagtataka na lamang tuloy akong tumitig sa kaniya dahil malakas siyang tumawa sa harapan ko.

Kung palagyan ko kaya ng packing tape ang bibig niya? Titigil kaya siya? Hindi na kaya siya tatawa? O kaya stapler na lang? Para mas sure?

"Sinusunod lang naman nila ang sinasabi mo, Saging." Sinunod?! Mukha bang sumunod ang mga iyon?

"Saan banda?! Wala!"

"Banana, ang sabi mo ay 'pag may nangyaring masama. E wala namang nangyaring masama sa kaniya." Napaisip ako. Saglit, ano ba ulit ang sabi ko sa kanila at kanina? Nawala ba ang katalinuhan ko ng mga dalawang minuto?

Napakamot ako sa ulo. "Oo nga, no? Bakit kasi 'di ka nag iisip, Elliot?"

"Anak ng tinapa. Ako pa ngayon ang hindi nag iisip? Umalis ka na nga sa harap ko, Banana. Ang pangit mo ka-bonding." Aba't! Talagang sumusobra na ang mga kaibigan ko ah? Ako pa ngayon ang pangit na ka-bonding? Ang ganda ko kaya.

"Ewan ko sa 'yo! Sabihan mo 'yang mga tauhan mo a. Balitaan ako sa lahat ng nangyayari kay Victoria. Masama man o hindi, bigyan mo sila ng common sense dahil pati ikaw ay nawawalan na." Seryoso ko ng saad sa kaniya.

Dapat kasi ay alam na ng mga tauhan niya ang mga dapat gawin. Hindi dahil sa inutos ko na magsabi lang 'pag may nangyaring masama ay iyon lang talaga ang gagawin nila.

"Oo na. Ako na ang humihingi ng pasensya para sa kanila. Alam mo naman sila e, may sira din ang mga ulo."

"Parang ikaw din naman e." Kibit balikat ko habang natatawa.

"Banana, magpahinga ka naman. May misyon ka kay Alex ngayon tapos meron ka pang inaalala kay Victoria."

"Si Victoria na 'yon e. Hindi ko naman siya p'wedeng pabayaan na lang." Napabuntong hininga ako. "Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya."

"Marami naman ang nagbabantay sa kaniya e."

"Pero mas gusto kong nasa malapit lang ako." Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na kasi alam ang gagawin 'pag wala ako doon sa tabi niya tapos may nangyaring masama. Kasalanan ko rin naman kasi ang lahat.

"Masyadong in love."

"Palibhasa kasi..." Umiling ako at tumitig sa kaniya. Naghihintay siya ng susunod kong sasabihin. "Pangit ka kaya walang may gusto sa 'yo."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay natatawa akong tumakbo palayo sa kaniya. Nakakatawa ang naging reaksyon niya na halatang hindi inaasahan ang sasabihin kong iyon.

Narinig ko pa ang mga tawag nito sa akin na gustong ipabawi ang sinabi ko pero asa naman siya. Hindi ko babawiin 'yon, 'no.

Hinanap ko na lang ang sasakyan ko at umalis na ako sa lugar at kailangan ko ng umuwi sa bahay ko. Pupuntahan ko na kasi sila Alex dahil siguradong naghahanda na rin sila doon. Hindi ko naman na kailangang maghanda dahil matagal na akong handa para sa kamatayan ng pangit na iyon.

Ready na rin ang lupa para sa lalaking 'yon. Dapat 'pag nilibing siya ay nakatayo 'yong p'westo niya tapos nakasako lang. Tapos lalagyan ko ng rosaryo, baka sakaling tanggapin pa siya sa langit. Ayoko siyang makita sa impyerno at baka ako na ang makapatay sa kaniya sa pangalawang pagkakataon. Kawawa naman siya kung gano'n. Mado-double kill pa dahil sa kapangitan ng pag uugali niya. Baka wala na talagang paglagyan ang kaluluwa niya kasi baka hindi na bumagay sa langit o impyerno. Dito pa lang nga sa lupa ay hindi na siya bagay e.

Napangisi na lang ako sa sarili dahil sa iniisip.

Hindi naman nagtagal ng makauwi ako sa bahay. Nagmamadali pa akong lumabas ng sasakyan at pumasok.

Naabutan ko si Alex sa sala na mukhang kinakabahan.

"Kabado ka girl?" Natatawa akong lumapit kay Alex. Tahimik siyang nakaupo sa sala ng madatnan ko siya. Mukhang kabado habang nakalapag ang isang baril na may pangalan niya sa maliit na mesa. Minsan niya lang ilabas ang baril niya na 'yan e.

"Kaya ko ba?" Syempre naman.

"Pambihira, huwag mong sabihin na ngayon ka pa aatras?" Nailing ito sa akin. Kabado talaga siya e. Parang nanginginig pa ang kamay nitong humawak sa baril niya. "Pangit naman siya. Tapusin mo na, wala naman siyang ambag sa mundo e."

"Siraulo ka talaga, Banana." Ha! Nagsasabi ako ng totoo 'no.

"Huwag kang kabahan. Nagplano na tayo at wala na tayong ibang gagawin kung hindi ang magpunta na lang doon." Humawak ako sa balikat niya. "Kaya mo 'yan."

"Paano kung mapahamak kayo?" Napailing ako sa kaniya. "Ako na lang kaya magpunta?"

"Ano ba 'yan, Alex. Last minute ka pa talaga aatras e handa na ang iba at nasa lugar na sila ng peke mong tatay. Huwag ka ng mag alala dahil nandito naman kami." Bumuntong hininga ito ng malalim. "Kaya nga kami tutulong kasi para sa 'yo naman ito."

"Alright then."

"Yes. Uuwi ka pa kay Tala kaya bilisan na natin." Natatawa kong saad lalo ng itulak ako nito ng mahina.

Napalingon ako sa hagdan dahil sabay-sabay na bumababa ang mga kaibigan namin galing sa taas. Dala ang ilang gamit na kailangan namin para sa pagsugod.

Halatang handa na sila. Itong si Alex na lang at ang kinakabahan pa e.

"Oo nga pala, guys. Gusto niyo bang malaman kung sino ang lahat ng member ng organization?" Bungad at pagbabakasaling tanong ko sa kanila. Wala akong balak ibigay ang impormasyon ni Jade pero 'pag ginusto nilang malaman ay wala akong magagawa dahil malalaman at malalaman nila ito. Bahala na si Jade kay Alicia kung sakali man.

"I'm not interested." Unang sumagot si Ali. Napasinghal ako ng mahina. Sabi na nga ba at hindi na naman siya papayag. Lagi na lang hindi interesado sa ibang bagay at tao itong si Alicia. Kawawa naman si Jade sa kaniya. Kung sumuko na lang kaya siya?

"Ayaw. Ikaw naman pinuno e. Edi ikaw na bahala, dami-dami nila e, dadamay mo pa kaming mag memorize sa kanila." Pambihira talaga 'tong si Amanda. Parang hindi siya pang apat sa listahan a? Sabagay, si Ali nga sa pangalawang listahan kaso hindi rin naman interesado. Pero ayos din ano? Mga bagong member pero hindi interesado sa mga kasama? Ewan ko sa kanila.

"Katamaran lang iyan. Nagpapaligoy pa kayo e. Edi 'wag kung ayaw niyo. Hindi ko naman kayo pipilitin. Ano kayo, Gold? Yuck!"

"Ikaw na lang kaya patayin ko, Saging?" Napalingon ako kay Hera na tumabi sa akin.

"Try mo nga. Bibisitahin ko lang sa impyerno ang tatay mo at sasabihing kunin ka na." Sarkastiko ko ring sagot sa kaniya na ikinangiwi niya sa akin.

Hindi na ulit sumagot si Hera na ikinangisi ko. Inirapan naman ako nito at hindi na pinansin pagkatapos akong ngiwian at irapan. Inayos na lang niya ang ilang gamit na nakakalat na nasa sahig at paanan ni Alex. Mukha kasing lutang itong si Alex kaya walang kagalaw-galaw.

Nagdadalawang isip pa atang pumatay. Akala mo naman bago lang sa kaniya iyon.

Napalingon ako sa pintuang bukas ng may kumatok dito. Napatayo ako ng si Francine ang nakita ko doon. May kasama ba siyang nagpunta rito?

"Francine, pasok ka." Aya ni Cathrice sa kaniya. Pumasok naman si France at yumuko sa amin. Napapairap na lang talaga ako sa loob-loob ko. Feeling magalang itong si Francine minsan e walang filter ang bibig nito.

Buti ako maganda lang.

"Pambihira, Francine. Itigil mo nga 'yan. 'Di ba kayo nagsasawa kakayuko? Baka mamaya mabali na ang leeg niyo." Iritang sabi ko na ikinangiti na lang niya. Hindi naman kasi ako natutuwa e. Kung ang iba ay gustong-gusto ng ganito ay p'wes sa akin hindi.

"Well, Violet asked me to help you guys that's why I am here. Why not, 'di ba?" Hindi ko naman sila pipigilan na sumama at tumulong e. As long as they are willing to do it, why not din 'di ba?

"Walang problema. Kasama mo ba siya?" Tanong ko rito. Si Jade ang tinutukoy ko.

"Oh, siya?" Diin nito sa huling salita na sinabi niya. "Oh, yeah. Hindi niya hahayaan ang isang iyon na magpunta doon, I mean syempre wala siyang magagawa pero for sure manonood ang isang 'yon. Nag aalala pala ang taong iyon akala ko ay wala ng pakialam sa kahit sino ang babaeng iyon e, marunong pa rin palang mag alala. Wala ngang filter ang bibig no'n e kaya nakakapagtakang na in love ang gaya niya." Mahabang litanya niya habang ngumingisi.

Hindi pa ako sigurado sa totoong kulay ng Jade Green Imperial. Alam kong mabait siya pero ano pa ba ang kaya niyang gawin para dito? Mas malala ba siya kay Silvestre? Mas malala ba ito sa akin?

Gusto kong malaman at interesado akong alamin pa ang tungkol sa kaniya.

Kinalabit naman ako ni Pat sa tabi kaya taka kong tinitigan ito. Anong problema ng baliw na 'to?

"Sinong pinag uusapan niyo? Sinong 'siya?"

"Tsismosa talaga kahit kailan." Pagpaparinig ni France na ikinatawa ni Pat dito.

"Curious ako kasi wala kayong binabanggit na pangalan. Hula ko nga ay kilala ko pero siguradong hindi si Violet 'yang pinag uusapan niyo." Ang galing talaga mag observe. Alam na alam na niya e pero for sure na hindi talaga niya alam kung sino ang tinutukoy namin.

"You got it right but it's my friend. Kasama sa organization." Kibit balikat ni Francine sa kaniya.

"Oh." Tango-tango ni Pat pero makahulugang tumingin sa akin bago ngumiti kay Francine.

"Matanong ko nga, may balak ka bang patulan si Poppy?" Aba't bakit naman niya naitanong? Napansin ko naman ang iba na tahimik na nakikinig habang nag chi-check na lang mga gamit.

"Mas gusto kong landiin ang kaibigan kong si Green. Hindi ako interested kay Poppy." Pagpaparinig nito. Halata sa boses ni France ang pang iinis dito at talaga nga namang tumingin pa siya kay Alicia na seryoso ang tingin sa kaniya at nginitian pa siya ni France ng matamis. May alam na sila France tungkol kay Alicia? Sabagay ay kaibigan nila si Jade.

"Sinong Green?" Singit ni Alex.

"Kaibigan nga raw. Paulit-ulit tayo e." Nasapo ko ang braso ko ng paluin iyon ni Hera. Sadistang pangit naman niya. Nagugutom na rin kaya ako kaya kung ano-ano na ang nasasabi ko.

At wala pa akong balak na sabihin sa kanila ang tungkol kay Imperial. Tsaka anong oras na rin. Dapat ay papunta na kami doon. Gusto ko ng makipaglaro sa mga walang k'wentang tauhan ng lalaking iyon.

Nakakapagtaka, bakit ngayong gabi lang siya kukunin ng kamatayan? Kapagungan kasi ni Alex e. Kung p'wede sanang ako na lang ang gumawa ay matagal ko ng ginawa. Dapat doon pinapakain sa mga leon o kaya sa buwaya na lang. Kaso hindi naman siya masarap. Baka pati buwaya at leon ay ayawan siya dahil sa kapaitan niya.

"Oh, siya." Lingon ko muli kay France. "Sumunod ka na kila Elliot if you want to go with us. Baka on the way na sila sa place." Tumango-tango si France bago sumaludo at tumalikod sa amin ng walang ng sabi-sabi.

Marunong talaga si Violet pumili ng kaibigan at kasama. Kaso medyo may kalandian ang babaeng ito e. Straight naman daw siya sabi niya pero kung makalandi sa babae akala mo hayok ang pambihira. Panigurado rin namang nagbibiro lang ito na gustong landiin si Jade o kung totoo man ay good luck sa kaniya.

"Tara na ba?"

"Ayos na ba kayo? Dapat nga ay kanina pa e. Para sa kapayapaan ng isipan nitong si Alex." Isang ngiti ang pinakita sa amin Alex bago kami tanguan. Isang totoong ngiti na nagsasabing handa siya para sa misyon ngayong gabi.

"Salamat ng marami sa tulong niyo."

Hinila na ni Patrice at Hera si Alex palabas ng bahay habang natatawa. Nauna na rin silang pumasok ng sasakyan kaya naiiling na lang din akong lumabas kasabay sila Alicia na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. May sarili na naman atang mundo ang isang 'to e.

Pagpasok ng sasakyan ay isang kibit balikat ang nakita ko kay Patrice at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Siya naman ngayon ang driver namin.

Bago kami makalayo ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko na sinilip ko na lang din. Gano'n na lang ang pag aalala ko ng makita at mabasa ang mensahe na galing sa Daddy ng mahal ko. Mabuti na lang at may mga iba pang nakabantay sa kaniya ngayon.

May naging problema sila sa Manila lalo na kay Victoria. Bakit nauna pa si Tito na magbigay ng balita sa akin kesa sa mga tauhan ni Elliot?!

'Pag talaga may nangyaring masama kay Victoria ay malalagot din sila sa akin.

"Okay ka lang ba, Banana?" Napapikit ako ng mariin.

Dapat matapos na ang gabing ito.

Mapapatay ko ang sarili ko 'pag may nangyaring masama kay Victoria at Ashlyn. Pangako ko talaga sa sarili ko na pagkatapos dito sa misyong ito ay aayusin ko ang problemang nakadikit sa amin ni Victoria.

Kukunin ko ang lahat ng buhay ng babalakid at magtatangkang saktan siya. Hindi ako papayag na mauwi ang lahat sa masama. Isa naman akong Crescencio kaya hindi ko magagawang hayaan ang mahal kong babae kahit pa man ay narito ako sa lugar ko.

"Si Victoria ba?" Napamulat ako ng mga mata ng si Alex na ang nagtanong. Tumango ako at nag aalala na itong napabuntong hininga.

"Pat, can you drive fast? I need to talk to Elliot."

Masama ang binalita ni Tito sa akin. Nag aalala na rin daw siya kay Victoria at sa nangyayari rito. Tito said that Victoria's trauma starting to kick in again dahil sa mga nakapaligid sa kaniya.

Mas malala raw ngayon.

Napatingin ako ng hawakan ni Alex ang kamay ko.

"Makakauwi ka sa kaniya, Banana. Dapat kang makauwi sa kaniya." Ngumiti ako ng maliit.

Dapat akong makauwi sa kaniya dahil kailangan niya ako. Kailangan niya ako sa mga oras na ito.

Pambihira, Victoria. Hintayin mo lang muna ako saglit. Ako bahala sa 'yo. Tapusin ko lang ang gabing 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

81.3K 2.9K 37
Simple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nan...
6.3M 325K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
132K 3.3K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...
6.9K 290 41
"She's straight" Straight bender series IV