Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

597K 22.4K 4.7K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Forty four

8K 306 92
By JierusuJirin

A/N: I'll have to skip Victoria's POV at first.


Banana


"Banana! Ilibre mo naman kami!" Nailing ako kay Amanda. Bente lang pera ko e. "Gusto ko ng heavy food ngayon. Gutom na gutom na ako. Ang tamad niyong magluto e."

"Aba, nagsalita!" Sagot ko rin sa babaeng ito na nagpapalibre tapos magsasabi na tamad daw kami. "Sarap baliin ng leeg mo."

Tapos tumawa pa siya ng malakas na parang witch. Minsan talaga nakakatakot itong si Amanda e. Iba-iba likaw ng bituka nitong babaeng 'to.

"Gusto ko ng chicken nuggets." Nagugutom na hawak pa ni Patrice sa tiyan niya. "Bilisan niyo kasi mag drive!" Dagdag na sigaw pa nito kay Cathrice na siyang driver namin ngayon.

Papunta kasi kami ng Full House ngayon para doon kumain. Gaya kasi ng sabi ni Amanda ay walang may gustong magluto kaya nagplano na lang kaming magpunta doon.

"'Pag nagasgasan itong baby ko, sasapakin kita Cathrice!" Banta naman ni Amanda na siyang may ari ng sasakyan na gamit namin ngayon.

Tahimik naman si Alicia at Alex sa tabi na alam kong gutom na rin.

"Sus, ang dami mong sasakyan e— shit! Yuko!" Nabahala at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko sa sigaw ni Cathrice.

Bigla ring naging magulo ang pag da-drive nito.

"Anak ng teteng! Anong problema mo, Cath—"

"Sabing yuko, Banana!" Muli nitong sigaw na halos pa-galit na. Napamura naman ako sa sarili ko lalo na ng itigil nito ang sasakyan at sunod-sunod ng baril ang narinig ko.

"Ang sasakyan ko!" At talagang iyon pa ang inintindi ni Amanda. Rinig na rinig namin kung paano tamaan ang sasakyan niya.

May ambush?

Napansin ko naman na kinuha ni Alex at Alicia ang mga baril nila. Binuksan pa ni Ali ang pinto ng sasakyan sa tabi niya.

Nag sign ito na lumabas kaming lahat. Tinuro pa niya ang mapunong lugar na sa tingin ko ay gusto niyang doon kami tumakbo.

"Amanda! Hayaan mo muna itong sasakyan mo!" Sigaw ko sa kaniya. Tumango-tango ito at kinuha rin ang mga baril nila.

"Labas na!"

Mabilis kaming gumalaw. Si Alicia at Alex ay lumabas sa binuksan nilang pinto. Nagpaiwan pa ako saglit at hinintay na makalabas silang lahat

Sumunod si Cathrice at Patrice maski si Hera. Sumunod din agad si Amanda, mabilis siyang tumakbo pero dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay natamaan siya.

"Anak ng siopao at tokwa, Amanda!" Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya ng mabilis. "Takbo, Amanda!"

Hawak niya ang tagiliran ay tumakbo ito. Hindi man lang ininda ang tama ng baril.

"Don't worry! Daplis lang naman ito. Maghiwalay tayo!" Tumango na lamang ako kahit na ayoko sana itong iwan. Mabuti kung daplis lang ito pero kailangan pa rin niyang mag ingat.

Nilingon ko ang sasakyan namin at nakita kong may humarang sa amin na dalawang puting van. Napansin ko pa ang mga kalalakihang sumunod sa amin kaya mas binilisan ko ang takbo at lumihis palayo kay Amanda.

Sunod-sunod na putok pa ng baril ang narinig ko. Muntik na rin ako pero hindi ako papayag na matamaan.

Putok talaga ng baril, at mangilang mga sigawan ng kalalakihan ang naririnig ko, at mabibilis na mga hakbang nilang nakasunod sa akin. Syempre maski ako ay nakikitakbo na rin ng mas mabilis pa hanggang sa hindi ko naiwasang matawa.

Dala ko pa nga ang baril ko pero bakit hindi ko sila patamaan? Kailangan ko munang makapasok sa pinakaloob ng mini forest na ito.

Hindi naman sa tumatakbo kami sa mga kalaban. Hindi naman kasi namin silang p'wedeng barilin din habang nasa sasakyan edi tigok kaming lahat.

Nilingon ko sila muli at may tatlo ng nakasunod sa akin. Aba, tatlo pa talaga.

Hindi ko pa nga alam kung saan ba ako tatakbo o iikot sa gubat na ito. Basta ang alam ko ay may naghahabol sa akin.

Hindi naman din kaduwagan kung tumatakbo ako ngayon. Kung nasaan man ang iba sa loob ng lugar na ito ay hindi ko na alam. May naririnig pa akong putok ng baril malayo sa akin. Baka sila Amanda na iyon. 'Pag talaga nabaril na naman ang isang iyon ay ewan ko na lang.

Nagtago ako sa nakitang malaking puno. Hinihingal ako't naghahanap ng tyempo para umakyat. Tinignan ko pa kung maaakyat ko ba siya. Nang makompirma ay hindi na ako nagdalawang isip na akyatin ito agad.

Hindi pa man ako nakakasampa sa pang ilang sanga paakyat ay nakita ko na rin ang tatlong lalaki na nakasunod. Hingal sila at mukhang goons na ewan. Saan kaya napulot ang mga taong ito?

At may hinala ako na they are after Alex that's why they are here. Anak din kasi ng yawa si Elliot at wala man lang sinabi sa amin na may panganib na palang parating.

Pumwesto ako ng maayos sa kinauupuan kong sanga ng marating ito. Nagdahan-dahan pa ako para lang hindi ako mapansin ng tatlo. Tinapat ko ang baril sa isang lalaking medyo malayo sa dalawa. Naghahanap na kasi sila sa ngayon kung nasaan ako.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na may silencer ang baril ko ngayon o ano.

Pinuntirya ko ang ulo ng lalaki at saka kinalabit ang gatilyo ng baril. Napalingon ang dalawang kasama nito sa lalaking biglang humandusay.

Silang dalawa naman ngayon ang puntirya ko. Napalingon-lingon ang dalawa at alam kong alam nilang nasa malapit lang ako. Kaya mabilis kong tinutok ang baril at magkasunod silang pinatamaan.

Wala lang sa akin kahit mapatay ko sila. Balak din naman nila kaming patayin kaya inunahan ko na.

Pagbaba ko ng puno ay narinig ko naman ang isang putok ng baril na alam kong nasa malapit lang. Tinakbo ko ito at pilit hinahanap kung saan ang narinig.

Doon ko napansin si Alex, kaharap niya ang lalaking nakahawak sa tuhod niya. Kay Alex siguro galing ang tama niya.

"Hi."

"Pambihira naman, Alex. Balak mo pa atang makipagkuwentuhan sa lalaking iyan?" Iritang binaril ko ang lalaking nasa harapan niya paglapit ko sa kaniya. Ayokong pinapatagal ang ganito dahil naiinis na ako. At sa totoo ay gutom na talaga ako.

"Kailangan mo talaga ng maraming pasensya, Saging." Ngumisi na lang ako rito habang siya ay umiiling. Minsan kasi ay wala talaga ako ng pasensya na sinasabi nila e.

"Malalagot ata si Elliot kay Ali, Alex. May tama si Amanda sa tagiliran. Buti at daplis lang."

Napansin ko naman na parang hindi naniniwala itong si Alex sa sinabi ko. Napatingin ako kabilang gilid ko ng makarinig ako ng mga mabibigat na hakbang.

Sabay kaming nagtago ni Alex ng may lumabas na dalawa pang lalaki. Tahimik na nagmamasid at sigurado akong sa kanila galing ang mga hakbang na 'yon.

"Dito natin narinig ang dalawang boses e." Maingay ba kami kanina kaya narinig kami?

"Oo, nandyan lang ang mga iyan. Babae lang sila. Wala silang magagawa." Nagkatinginan kami ni Alex dahil sa narinig. Naniningkit ang mata ko dahil hindi ko gusto ang lumalabas sa bunganga ng lalaking ito.

Hindi naman porket babae kami ay hindi na namin sila kayang patayin. Baka nga mas malakas pa kami kesa sa kanila e. Ang yayabang talaga nila. Porket ba malalaki ang katawan ay hindi na namin kayang labanan? Isang bala nga lang e tumba na sila.

Ngumisi na lang ako bago nagdesisyon na lumabas.

"Sinong sinasabi mong babae lang, ha lalaki?" Ngisi ko rito sa dalawang hinayupak na akala mo g'wapo dahil sa may dalang mga baril. Hindi cool tignan 'no.

"Ikaw, tignan mo nga 'yang sarili mo. Mukhang hindi makabasag pinggan." Nang iinsultong tugon nito sa akin. Aba, hindi porket sexy ako at maganda e, ija-judge na nila ako agad.

Nakita ko naman si Alex na lumabas na rin at sinamahan na ako.

"Maglaro tayo." Napangiti ako ng palihim. Alam ko ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Maglaro? Gusto ko 'yan.

"Anong klaseng laro?" Nagtataka silang dalawa at hindi makapaniwala sa sinabi ni Alex. Sa gitna ng kamatayan? Naisipan ba naman makipaglaro. Syempre hindi talaga sila maniniwala, hindi ba?

Naghintay at nakiramdam ako kay Alex para sa ibibigay nitong hudyat kung kailan kami mag uumpisang makipaglaro sa kanila.

"Banana, now!" Mabilis kong tinakbo ang isang lalaki at malakas na binigyan siya ng high kick at sinunod ang isang tadyak sa may leeg nito. Rinig ko ang pagtunog no'n at mali ata ang pagkakatadyak ko dahil sa maling pag tagilid ng ulo niya. Anong nangyari? Gumilid ata ang ulo e.

Lagot ka Banana, hindi na babalik ulo niya. Baka magsumbong sa Mommy niya.

Ngumisi ako sa lalaking ito bago nilingon si Alex. Napangiwi pa ako ng makita ang ginawa niya.

"Ouch naman niyan, Alex. Sa mukha talaga?" Nakita ko ang kutsilyo niyang nakatarak sa mukha ng lalaki. Brutal talaga ng isang 'to.

Hindi naman na ito nagsalita pa. Nakiramdam ako sa paligid at wala na akong naririnig na ingay o putok pa ng baril.

Napagdesisyunan na lang namin ni Alex na hanapin na namin sila Amanda ngayon. Pero bumalik kami kung nasaan ang sasakyan namin. Buti nga at hindi kami naligaw e.

Nang makita sila ay napangiti na lang ako dahil tapos na ang walang hiyang ambush na ito.

Pambihira naman kasi! Kakain na nga lang kami nila Amanda ay maa-ambush pa kami ng mga pangit at gunggong na tauhan na mga lalaking ito. Kung tauhan ng pekeng tatay ni Alex ito ay hindi na ba talaga sila makapaghintay na mamatay kaya sila na mismo ang lumapit sa amin? Tapos ang malala pinatakbo pa kami sa munting gubat na 'yon. Tang ina talaga, buti at naubos sila. Maliitin ba naman daw kami dahil sa babae kami? Ha! Hindi pa nila alam ang kaya naming gawin. Kulang pa ang ginawa namin sa kanila.

Pero pambihira, gusto ko na talaga kumain! Buti nandito si Luna. Pero anong ginagawa ng isang 'to rito? Tinignan ko naman kung may dala itong sasakyan kaso ang putek, wala din siyang dala. E paano napunta ang isang 'to rito kung walang sasakyan?

Nilapitan naman ni Alex sila Ali.

"Ang sasakyan ko!" Naniningkit ang mata ko. Ginagamot kasi ni Luna ang nag iinarteng si Amanda sa tagiliran nito. Muntik na ngang mamatay pero iyong sasakyan pa rin ang iniisip niya.

"Marami ka namang sasakyan kaya huwag ka ng magreklamo." Iling ko sa kaibigan naming ito. "Hoy, Luna paanong nandito ka?"

Ang bilis naman niyang nandito. Tinawagan ba siya? Pero bakit wala siyang sasakyan?

"Miss Crescencio. Napadaan lang kami nila Jacob ng mapansin kayo." Tumango ako dito. Buti naman pala at napadaan sila. At least may nag asikaso kay Amanda agad.

Napansin ko naman si Alex na kinuha ang cellphone nito. Narinig kong si Elliot ang tinawagan niya kaya nailing na rin ako dito. Lagot din talaga ang isang iyon sa akin. Hindi lang kay Ali.

Nagdesisyon na rin akong tumawag ng susundo sa amin dito. Pagkatapos ay sinabi kay Alex na ikinatango niya lang sa akin.

"Amanda, bakit hindi mo inilagan ang bala?" Natatawang komento ni Alex sa kaniya na ikinasinghap na lamang ni Amanda at hindi makapaniwalang tumitig kay Alex.

"Alex naman, hindi basta-basta ang pag iwas ng baril ha. Kahit magaling tayo, matatamaan at matatamaan pa rin tayo."

Sumang-ayon na lang si Alex dahil totoo naman din. Hindi mo basta maiiwasan na hindi masaktan kahit gaano ka pa kagaling sa labanan. Kahit anong galing mo sa paghawak ng baril ay p'wedeng magkamali ka sa pag asinta. Kung gaano ka kagaling sa pag iwas ay p'wede ka pa ring matamaan. Kahit magaling p'wede rin matalo.

At ang gagong si Amanda ay iniiyakan na ata ang sasakyan niyang tadtad ng bala kesa intindihin ang sarili niya.

Nilapitan ko ito at hinayaan na sila Alex na may sariling mundo. Mukhang may sinasabi kasi sila Ali sa kaniya.

"Luna, nasaan si Jacob?"

"Bumalik ng mansyon para kumuha ng pangsundo. Naka motorbike kasi kami kaninang napadaan e." Kaya naman pala. Sasagot dapat ako sa kaniya pero si Amanda ang ingay e.

"Hoy, Amanda! Nababaliw ka na ba?" Takang tanong ko rito na ikinatawa ni Luna. "Baka mamaya matuluyan ka ha. Pambihira, huwag mong yakapin ang sasakyan mo. Ang pangit-pangit naman niyan e!"

Alam kong ito ang una niyang bili na sasakyan. Pero pambihira naman, oo. Ang dami niyang sasakyan tapos mag iinarte siya diyan.

"Tse! Porket may Ford Mustang ka?! Gago sana ni-donate mo na lang ang 7 million na pinangbili mo ng sasakyan mo!" Natawa ako rito.

"Kung gusto mo ay kunin mo na lang iyong Chevrolet Camaro ko."

"Hindi 'yong Ford Mustang?" Lah! Namili pa talaga ang isang 'to!

"Gago! Nasa 3 million din iyang Camaro kaya huwag mong asahan ang Mustang ko!" Hindi ko ipapamigay 'yon 'no!

"Mga gago, ano? Pag aawayan niyo pa ang sports car na 'yan? Sana all." Malakas akong natawa sa komentong iyon ni Cathrice na nakatanga habang nakatingin sa kawalan. Nakikinig pala siya sa aming dalawa ni Amanda.

Napansin ko naman si Alicia na sinandal ang ulo sa sira ng sasakyan ni Amanda. Si Alex na hindi alam kung sino ang titignan sa amin ni Amanda. Mukhang napalakas kami ni Amanda sa pagtatalo kaya siguro nakatingin sila sa amin.

Si Hera naman ay tahimik habang nasa tabi na ni Luna. Tapos si Patrice na nagbubunot na ata ng damo sa tabi ni Alex at Ali. Pero mukhang mas natatawa si Alex sa itsura ni Amanda na parang tuko sa itsura sa sobrang kapit sa sasakyan niya. Ano kayang mapapala ng pangit na ito sa pagyakap niya diyan? Maibabalik pa ba sa dati iyan?

"Iyan kasi si Banana e! Nababaliw na naman!" Napaismid ako at napasimangot.

"Nagugutom na ako e." Gusto ko ng kumain ng marami. Pambihira, sana kanina pa ako busog kung hindi dahil sa nang ambush sa amin.

Saglit pa kaming naghintay ng may dumating na tatlong Van na puti na magkakasunod. Ito na siguro ang mga sundo namin.

Lumabas sa unang Van si Sanchez. Sa pangalawang Van ay si Poppy at Jacob. Ang pang huling sasakyan ay si Violet kasama ang dalawang— sino itong hampas lupa na kasama niya? Dalawa pa talagang bata. Para namang sobrang sikip ng Van at tatlo pa talaga ang dala nila. Sayang ang gas.

"Silvestre? Nag ampon ka ba ng dalawang engot na bata?" Isang matalim na tingin ang binigay ni Alicia sa akin pagkatapos niyang tumayo kaya natahimik na lang ako. Siguro kilala niya ang dalawang batang ito.

Pinanood ko ang dalawang batang babae na sobrang namamangha ata sa mga kagandahan naming taglay dahil sa itsura nila. Kaso itong isa ang nakaagaw ng pansin ko. Lalo na ng mapunta ang tingin niya kay Alex. Parehas sila ng mata. Pambihira, magkamukha sila.

Dahil sa nagtataka ako ay lumapit ako sa dalawang batang babae. Yumuko ako ng kaunti para ipantay ang mukha sa babaeng hawig ni Alex. Magkamukha pala talaga sila lalo na sa malapitan. Tinitigan ko ito na sinalubong rin niya. Nagtataka ang tingin niya, pero walang takot akong makita roon na ikinatawa ko. Pambihira, parang Alex lang a.

"May tinapay ka ba?" Tanong ko rito na ikinasinghap niya maski ang kasama niyang nagtatakang nakatingin rin sa aming dalawa nitong bata. Saglit niyang nilagay ang bag sa harap niya at binuksan iyon. Ngumisi pa ako ng may makitang tinapay nga doon. Nilabas niya ito at inabot sa akin. Kinuha ko naman ito at syempre binuksan. Wala ring pagdadalawang isip na kumagat ako rito. Wala akong pakialam sa ibang tao na narito at nakatingin sa amin. "Hindi ako nagpapasalamat pero salamat. Kanina pa ako nagugutom at sobrang kupad ng mga kasama mong magpunta rito. Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Silvanna Maximo po, Ate." Tumango-tango ako. Ah, siya pala talaga ang kapatid ni Alex. Hindi ako nagkakamali. Pero bakit Maximo ang apelyido niya at hindi Gabriel?

"Bakit hindi mo lapitan ang Ate mong si Alex? Huwag kang matakot diyan dahil kung cool ako, cool din siya. Ako pala si Banana."

"Bakit ang pangit ng pangalan mo, Ate?" Pambihira ang batang ito. Unique ang pangalan ko at hindi pangit. Ano kayang ginagawa niya dito?

"Maganda ang pangalan ko, bata. Kinse anyos ka na, ano? Gusto mo bang matutong humawak ng baril?" Sasagot sana ito ng may humila na sa kamay niya. Napatayo ako ng maayos ng makita si Alex na hindi na maipinta ang mukha kaya natawa ako ng mahina. "O sige. Usap muna kayo." Tinalikuran ko sila. Pero bago iyon ay hinila ko ang isa pang bata at isinama sa p'westo nila Ali at Amanda na nakaupo na ulit sa sirang sasakyan. "Ikaw naman, ano pangalan mo?"

"Ako naman si Andrea!"

"Pambihira, wala na bang igaganda 'yang pangalan mo?" Ngumiwi siya. Umiling ako sa kaniya at nilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo niya. Namimiss ko na si Ashlyn. Pupuntahan ko talaga siya pagkatapos namin puntahan ang tatay ni Alex.

"Andrea nga ang pangalan ko! Ang ganda-ganda nga e. Sabi ni Mrs. Hermoso ay maganda ang pangalan kong Andrea at nakakatuwa. Ikaw din, nakakatuwa! Mukha kang saging na bulok!" Pambihira. Iyong isa sinabing pangit ang pangalan ko. Ngayon naman nagmukha pa akong saging na bulok?

Ang ganda-ganda ko tapos babastusin lang nila ang pinakamagandang si Banana? Aba, mali iyon!

Napakagat na lang ako sa tinapay na hawak. Hindi ko alam kung saan galing ang kutong lupa na ito pero natutuwa ako sa pag uugali nilang dalawa. Mukhang sa akin pa nagmana.

At ano nga ba ang sinabi niya kanina? Mrs. Hermoso? Parehas ba kami ng taong iniisip?

Pakiramdam ko nga ay malaki ang problema ng Jade na 'yon. Ang mga mata niya ay hindi ko kasi maintindihan. Malaking parte si Alicia sa mga ginagawa ni Jade ngayon pero parang hindi lang ito ang dahilan. At may naririnig na rin akong balita sa kaniya sa Manila.

"'Di ba hiwalay na sila ng asawa niya?" Pagpaparinig ko kay Alicia na nasa tabi lang. Pasimple kong sinilip ito na lumingon sa amin at nag iwas din ng tingin. Interesado!

"Ay oo nga pala! Miss Imperial na ulit siya. Sinaktan kasi siya ni Sir Anton sa eskwelahan kahapon. Kawawa nga si Miss Imperial e!" Kawawa daw. Kunwari lang iyon na mahina pero hindi. Tsaka ang totoo ay peke naman talaga ang kasal na iyon. Si Jade ang may gawa dahil sigurado siyang mahihirapan siya sa lalaking iyon. Malaki ang issue ang lalaking iyon sa mundo e. Pinaimbestigahan ko ang lahat ng pamilya at malapit na kakilala ang bawat miyembro ng organization kaya alam ko.

Hindi rin p'wedeng may makaligtaan ako kahit isa.

Tumahimik na lang ako. Hinayaan ko na lang si Andrea na makipag usap kay Amanda na dinaldal na nga talaga siya. Nag uusap din si Alex at ang batang si Silvanna.

Nilabas ko na lang ang cellphone ko at tinawagan si Jade Green Imperial. Ilang ring ito bago niya sinagot.

"Jade Green Imperial" Banggit ko sa pangalan niya ng mapadaan ako sa p'westo ni Alicia dahil lalayo ako sa kanila. Siguradong magtataka ito kung bakit ako may contact kay Jade pero magtataka lang siya at hindi magtatanong. Nang makalayo ako ng tuluyan sa kanila ay tumigil na rin ako sa paglalakad. " I need to talk to you, personally."

["Sure, I'm with Francine right now, in Mansion."] Mansyon? Kung pupunta kami doon ay maaaring makita siya ni Ali. Paano 'pag nakita ni Alicia si Jade sa mansyon? Doon ko pa man din balak na dumeretso pagkatapos namin dito. Tinapon ko saglit ang plastic ng tinapay sa tabi ng maubos ko ito bago ilipat ang cellphone sa kabilang tenga.

"Kahit makita ka niya? Pupunta kami diyan pagkatapos namin dito." Narinig ko ang buntong hininga niya at mahinang tawa.

["Hindi ako magpapakita. Hindi pa p'wede, saka na lang 'pag napasagot ko na siya at saka na lang 'pag nakikita na niya ang halaga ko."] Ibang klase naman magmahal ang isang ito. Patay na patay masyado.

"Ikaw bahala, ikaw naman ang nagmamahal e. Anyway, tell Francine na i-meet niyo ako sa gitnang k'warto."

["Eh, how about sila Silvestre?"]

"No, dalawa lang kayo ni Francine. I have a mission for both of you." This is for Victoria.

["Alright then, Uno. See you later."]

Ibinaba ko na ang tawag.

Saglit akong hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko din kasi alam ang gagawin ko lalo na kay Victoria. May nagmamasid na naman sa kaniya at mas nadagdagan pa ang mga ito. Pero ngayon ay hindi na talaga parte ng organization ko. Tumahimik din muna ang traydor pagkatapos kong sabihin na alam ko kung sino at ilan sila. Ang sabi ni Sanchez ay ibang mga tao na ang nagbabantay kay Victoria.

"Kung tapos na kayo tara na. Tara na sa mansyon." Hindi ko sila hinintay at sumakay na lang sa Van na dala ni Sanchez. Maya't maya din ang pagpasok ni Alicia at Alex. "Saan ang dalawang bata?"

"Sila Poppy na ang bahala sa kanila. Hindi sila p'wede sa loob ng mansyon." Tumango ako kay Hera na kakapasok lang. Kay Violet na siguro sumakay ang tatlo pa. "May problema ka ba, Banana?"

"Kailangan kong pumunta sa Manila." Mahinang saad ko sa kanila na ikinatingin nila sa akin.

"May nagbibigay ng threat kay Victoria?" Tanong ni Alex.

"Dahil sa nakaraan niya, Alex."

"Punta na tayo sa misyon natin sa sunod na araw. Para na rin makabalik na kayo sa Manila at kailangan mo na ring bantayan ang mag ina mo, Banana." Nahimigan ko ang guilt sa boses ni Alex. Nailing ako dahil dito. Baka kasi mag isip siya na kung ano.

"Hindi ko gusto ang tono ng boses mo, Alexandria." Tunog guilty kasi ito na akala mo maling isama kami sa misyon niya.

"Uno—"

"Let's kill your father."

It's time.

Continue Reading

You'll Also Like

257K 11.5K 28
¹ [First Book] [GxG] September Galaxy Meyer. A singer and artist. She is looking for her childhood sweetheart para tuparin ang isang pangako. "Pag na...
153K 3.7K 38
[COMPLETE] •Years had passed and Zerah finally decided to come home. She never planned to cross paths with Grey again but it seems like destiny is pl...
114K 4.5K 34
Laureen Gabrielle Dominguez.
183K 5.7K 65
[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she...