Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

597K 22.4K 4.7K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Forty one

7.9K 272 61
By JierusuJirin

Banana


"Ngayon lang ulit ako mag i-stay dito sa Pangasinan for how many days or week? I miss the atmosphere." Tawa ni Amanda habang nauupo sa tabi namin.

"The atmosphere na parang katapusan ng mundo?" Tanong naman ni Cathrice sa kaniya. Ngunit nagkibit balikat lang itong si Amanda sa kaniya.

"I do miss this kind of atmosphere. Kung pangkaraniwang tao lang siguro tayo baka magsitayuan na ang balahibo ko pagpasok pa lang ng mismong Pangasinan." At iyon naman ang sunod na komento ni Patrice.

Nandito na kami sa Pangasinan at kahapon kami dumating. Totoo ngang pinuntahan nila ako sa bahay at pang iinis lang na naman ang napala ko dahil sa magulong mga gamit sa bahay tapos sa hindi magandang itsura kong naabutan nila.

Pambihira, ang ganda-ganda ko tapos gano'n na inaasar lang nila ako?

Paano ba naman kasi ay hindi nila sinabi sa akin kung anong oras sila dadating. Ayon tuloy ay naabutan nila akong nakahiga sa sahig sa loob ng bahay ko habang naninigarilyo.

Paano rin kasi ay masyado akong nilunod ng nararamdaman ko pagkatapos ng pag uusap naming dalawa ni Victoria. Sa huli ay nagwala ako sa bahay kaya gano'n na lang kakalat ang gamit sa bahay na naabutan nila.

Galit na galit kasi ako sa sarili ko.

Lumapit naman si Cathrice sa amin na may dalang folder. Binaba niya ito sa harapan namin. Napailing ako sa sarili para hindi ko muna maisip ang nangyari sa amin ni Victoria.

Nasa sala kami ngayon at nag uusap-usap.

"'Yan 'yong tinutukoy ko sa 'yo na hinahanap kong information about sa father mo. Open it and you'll be surprised." Inabot ni Alex ang folder at binuksan. Tumayo rin ako sa pagkakaupo at pumwesto sa likuran niya para makibasa. Maiinip lang ako sa kakahintay 'pag hindi pa ako nakibasa. Ang daming nakalagay, pero dalawa lang ang naintindihan ko.

"Pambihira, huwag na huwag ka ng aatras ngayon, Alex. Hindi mo naman pala tatay ang gunggong na hukluban na iyan e." Natatawa kong komento. Iyon kasi ang nabasa ko na nakasulat sa binabasa niya. Hindi naman pala niya tatay tapos kung maka-asta e akala mo kadugo niya. Aba, mali naman iyon. Napansin ko rin ang reaksyon ng iba naming kasama pero si Alicia ay ngumisi lang na parang may alam.

"Legit 'to?" Saka itinaas ni Alex ang folder at nagtatakang nakatingin kay Cathrice na tumango. "Wala akong alam about this. Hindi ko siya totong father? Walang sinabi sa akin si Mommy."

"Tinulungan ako ni Elliot na hanapin lahat 'yan. And yes, mas legit pa 'yan sa kagandahan ni Banana." Umirap ako. Inayos ang buhok at umupo sa harap ni Cathrice. Inayos ang upo at sinampal-sampal ng mahina ang pisngi para pumula. Hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig ng babaeng ito ngayon ha.

"Tignan mo ako ng mabuti, Cathrice. Ngayon sabihin mo kung hindi totoong maganda ako?" Iritang tanong ko sa kaniya. Pambihira, minsan talaga ay sinisimulan ako ng mga ito at ayaw tigilan e.

"Sabihin mo muna kung ano pinag awayan niyo ni Miss Victoria para masagot ko ang tanong mo." Pang iinis niya na ikinatawa ko ng mahina. Si Victoria na naman ang ginamit sa akin.

"She already knows about my keychain. Iyong nakuha ko kila Silvestre." Tumayo ako. Umiwas na baka may maging komento pa sila tungkol sa amin ni Victoria. Hindi naman ito ang dahilan kung bakit kami narito ngayon. "Alex, bakit hindi sinabi ng Mommy mo na hindi mo pala tatay ang hukluban 'yon?"

"Hindi nga Ban. Nabanggit lang si Miss Victoria pero naging lutang ka na. Kakasabi ko lang e. And I don't know." Yumuko ito at parang nag iisip. Ay oo, nasabi na nga pala niya. Hindi naman si Victoria sng rason e. Nakalimutan ko lang kaya. Ah, basta!

Tumitig ako kay Alex. Kung sabagay ay mahirap ding tanggapin ang isang bagay na matagal ng inilihim sa 'yo.

"Too much information." Bulong ko.

"Hindi ko rin alam na may kapatid pala ako sa totoo kong ama."

Isa pang nakakagulat na balita 'yan.

"Ibig sabihin ba ay hindi ka Gabriel?" Tanong ko rito.

"I am still a Gabriel. My real father is a Gabriel and 'yong alam kong tatay ko ay nagkunwari lang na isang Gabriel. That's what I read." That's odd. Ibig sabihin ay alam ng matandang hukluban na iyon na hindi niya anak si Alex.

Nakigamit pa talaga ng apelyido. Ang kapal naman ng mukha ng isang iyon.

Nakakagulat nga naman ang balitang ito. Sino rin kaya ang ma-s'werteng kapatid ng babaeng ito? Kung ako man ay gugustuhin ko rin na maging kapatid si Alex.

"Si Silvanna Maximo and kapatid mo, right? Iyon ba ang nakasulat diyan? Because I already saw her, Alex. She asked me about you. She's a high school student at Black Lily University." Napasinghal ako sa sinabi ni Alicia. Pambihira. Alam naman na pala niya tapos ngayon niya lang sinabi? Tsaka tignan mo nga naman ang pagkakataon, oo. Sa Black Lily pa talaga nag aaral.

"Bakit ngayon mo lang sinabi, Ali?" Frustrated na ata si Alex. Napapakamot pa ito sa ulo na parang stress sa klase. "You already know? Why you didn't tell me right away?"

"Nagbitaw ako ng salita sa kaniya. Magpapakilala siya sa 'yo pagkatapos mong mapatay ang peke mong ama." Napabuntong hininga si Alex. Inabot ang tubig na nasa mesa at ininom ito.

Kung ako rin siguro ang nangako ay paniguradong hindi rin ako magsasalita. May isa akong salita at hindi ko dapat sinisira iyon.

"How is she, Ali?" Nagkibit balikat si Alicia.

"She wants to support you in killing your fake Dad. Because that man killed her mother maski ang Daddy niyo." Napatiim bagang ako sa narinig. Pero alam kong mas nasaktan si Alex dito.

Napakuyom kasi siya ng kamay at napamura.

"Kung gano'n ay magandang balita na hindi ko ama ang lalaking iyon. Pero pinatay naman niya rin ang tunay na ama ko maski ang ina ng sinabi niyong kapatid ko. Mga gago, papaano na ang kapatid ko? Sinong nag aalaga do'n? Tang ina talaga." Natawa ako ng mahina.

"Check her after this mission. Magkamukha kayo, Alex."

Kinuha ko ang baril na nasa bag ko at nilagay sa likuran ko. Aalis na lang muna ako at bahala na sila rito.

"Aalis ka Banana?" Tumango ako rito.

"Aalis muna ako. Magpapakita lang ako sa lugar ko at umpisahan ang dapat na umpisahan. Buti nga naalala ko pang may lakad pala ako. 'Di bale, makitsismis na lang ako sa inyo mamaya kung ano ang plano."

Inabot ko ang itim na jacket na nakasabit sa pinto at kinuha ang susi dito. Itinaas ko pa ang kamay ko bilang paalam. Hindi na sila ulit nagsalita kaya bahala sila diyan.

Nagpunta ako sa gilid ng bahay, kung saan nakalagay ang ibang sasakyan ko. Tumaas pa ang kilay ko ng makita ang Ford Mustang na hindi ko pa nagagamit. Sumakay ako dito at sinimulang umalis.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Ashlyn bago nagpunta rito sa Pangasinan. Hindi ko na rin nasabi maski ang pagpunta dito kay Victoria. Masama ang loob ng isang iyon sa akin. Dahil sa nakita at ilang impormasyon na narinig mula sa akin.

Kung isa lang sana akong simpleng maganda at walang pasan na ganitong kalaking Organisasyon ay walang problema. Hindi ko talaga nais noong una ang lahat ng ito. Pero nasanay na rin ako sa mundo na alam kong ako rin ang hahawak pag dating ng oras. Ako lang itong hindi nagsasalita tungkol sa desisiyon ko kasi maliban sa hindi ako handa ay talaga nga namang malaking bagay ito.

Pero paano na lang sila Victoria? Dapat ay ma-protektahan ko sila sa lahat. Kung tatanggi ako sa pagiging tagapagmana ay walang papalit sa Daddy ko at mapipilitan siyang maghanap ng iba.

Ang kaso, 'pag ginawa niya 'yon ay hindi papayag ang mga taong nasa likod ng organization namin. Isang Crescencio lang ang may karapatan na humawak at maging tagapagmana. Wala ring mababago kung 'di ko ito tatanggapin. Gagamitin at gagamitin pa rin ako para lang makuha ang kapangyarihan na gusto ng mga kalaban namin.

'Pag pumayag naman ako at tinanggap ko na ang alok ni Dad na hawakan na ito ay mas lalong mag iingay ang kalaban namin. Pero mas lalaki naman ang porsyentong mas maligtas ko ang mag inang si Ashlyn at si Victoria.

Ang hirap pumili pero alam ko na sa huli ay kailangan may piliin ako.

Kailangan ko ng pumili.

Pinilit kong nilabas ang cellphone ko sa bulsa kahit na medyo nahihirapan kasi nga nag da-drive ako. Pero nakuha ko rin naman agad kaya't hinanap ko ang numero ng ama ko bago ito tinawagan.

Para rin naman ito kay Victoria at Ashlyn. Mas mapo-protektahan ko siya 'pag tuluyan ng nasa akin ang lahat ng karapatan sa pagiging pinuno. Siguradong magagalit si Victoria 'pag nalaman niya ang lahat ng ito pero wala na akong ibang pagpipiliian pa.

Ngayon ay iisipin ko na lang ang minsanang galit ni Victoria pag nalaman niya ang lahat. Maganda naman ako kaya baka hindi rin ako matiis ng irog ko. Nariyan naman si Ashlyn para tulungan ako.

Ha! Katalinuhan mo talaga, Banana!

Napatingin ako sa cellphone ko ng panay ring lang ito at hindi sinasagot ng Tatay ko. Papatayin ko na nga sana ito pero bigla naman niyang sinagot at nagsalita agad.

["Banana? Napatawag ka? Nasa Pangasinan ka na raw, hindi ba?"] Napabuntong hininga ako. Hindi malaman kung paano sisimulan ito. ["May gusto ka ba?"]

"Dad."

Wala ng oras. Pagkatapos ng misyon namin nila Alex ngayon ay siguradong magkakaroon na naman ng problema. Lalo na sa loob ng organization. Sigurado akong tatapusin na nila ang mga plano nila.

["Yes? Do you have something to say? Do you need help with your mission with Alex—"] Pinutol ko ang sasabihin nito.

"Dad, pumapayag na ako." Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ng tumahimik si Dad sa linya. Mukhang hindi pa ata makapaniwala sa narinig. O baka tumatalon na siya sa tuwa."Sigurado na ako, Dad. Pumapayag na ako sa alok mo."

["Magandang balita, anak. Paniguradong matutuwa sila maski na ang mga nasa likod ng organization. Mag usap din tayo pagbalik mo rito. Ngayon ay ibabalita ko muna ang magandang balita na ito sa lahat."] Himig na himig ko taga ang pagiging excited nito. ["Usap tayo mamaya, anak."]

Tinapos ni Dad ang tawag kahit wala pa akong sinasabi. Kapansin-pansin naman sa boses nito ang tuwa at pagiging excited. Parang gusto na nga lang ata nitong ibaba agad ang tawag para mabalita ang sinabi ko.

Imbes na matuwa sa desisyon ay mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko. Alam kong nagpapadalos-dalos na naman ako pero naisip ko na ito.

Kailangan ko na ring gamitin ang pangalan ko para protektahan si Ashlyn. Delikado ang buhay ng anak ko sa kamay ng mga taong nasa nakaraan ng Mommy niya at maski sa mga taong gusto kaming pabagsakin.

Akala ko nga ay ang mga kasama lang sa organization ang magiging problema ko, pero hindi pala. Nakisabay pa ang nakaraan ni Victoria.

Itinigil ko ang sasakyan sa malaking gate na sobra sa pagkalaki-laki ng matunton ko ang lugar na dapat kong puntahan ngayon.

Ang mansyon ng ViPe Organisasyon.

Bumaba ako at sumandal sa sasakyan ko. Pinakatitigan ang mga letrang nakalagay sa gintong gate na nasa harapan ko. P'wede ko kaya itong kalasin at ibenta? Sayang din ang presyo nito e. Kaso baka pagalitan ako ni Daddy.

Sa itaas ng gate ay may nakalagay na "ViPe Organization" habang sa ibaba ay malayang nakaukit ang "Crescencio" dito. Ito ay isang tagong lugar dito sa Pangasinan kung saan nasa pinakasulok-sulukan ng isang magubat na parte. Basta hindi siya madaling mahanap ng mga hindi kabilang sa organization namin.

Napalingon ako sa likuran ng marinig ang ilang tunog ng sasakyan na tumigil din. Nakilala ko naman kung sino ang mga ito.

Sila Luna, Jacob, at kasama pa ang pang siyam na nasa listahan. Sabay-sabay silang bumaba ngunit hindi pa ata ako napansin ng mga ito.

"Poppy Salazar." Tawag ko sa pangalan ng may ari sa siyam na p'westo sa listahan. Isang malaking ngiti ang gumuhit sa labi niya ng makilala ako.

Hindi na talaga nagbago ang isang ito. Nailing na lang ako sa kaniya dahil nag uumapaw ang kayabangan sa buong pagkatao niya.

Lumapit sila sa akin bago yumuko ng kaunti.

"Kakarecieved lang namin ng news, Crescencio! Congratulations at tinanggap mo rin ang alok! Ang puta, akala ko pa man din ay mahihirapan ang tatay mo kakapilit sa 'yo e!" Nasobrahan siguro sa ligalig ang babaeng ito. Iba din ang tuktok ng ulo nito e. Medyo matabil nga rin ang dila.

"Gano'n pala talaga kabilis ang balita. Kahit mahirapan siya ay doon pa rin naman ang bagsak ko." Walang gana kong sagot sa kaniya ngunit ngumisi lang ito ng makahulugan sa akin.

"Hello, Madam." Sabay na bati ni Jacob at Luna sa akin. Tumango naman ako sa kanila.

"Bakit hindi pa tayo pumasok? Pakuha na lang natin ang mga sasakyan dito." Natatawang suhestyon ni Poppy at nagsimulang maglakad palapit sa gate.

Sumunod na lang kami sa kaniya. Kusang nagbukas ang gate ng ilagay ni Luna ang finger sa kulay itim na nasa gilid ng gate para makilala ang fingerprint nito. Gano'n din ang ginawa ni Jacob at Poppy.

Hindi kasi basta makakapasok ang ibang taong walang pangalan sa organisasyon ko. Hindi rin p'wedeng magpapasok ang iba dahil labag ito sa rules ng Mansyon. Nag iingat lang din kami dahil kahit sabihin nating kami ang pinakamataas ay mayroon pa ring nakakapasok na ibang tao dito. Kumukuha sila ng impormasyon. Minsan na ring nangyari ito noong huling taon, ilan sa mga miyembro ay namatay dahil sa traydor na nandito sa loob ng lugar ko.

Hinahayaan ko lang siya ngayon na magsaya at gumawa ng katangahan pero lahat ng ginagawa niya ay napupurnada dahil sa kagagawan namin. Hindi ko naman hahayaan na may mamatay na naman sa mga tao ko.

Ewan ko ba sa magaling kong tatay at hinayaan niya akong alamin kung sino sila. Ako na daw ang bahala. Ang galing e, talagang lahat ng trabaho niya ay binibigay niya sa akin. Paano ako makakapag gala sa kung saan ko gusto? Ha, sa laki ng trabahong ito, paano ko pa malalandi si Victoria? Pambihira, baka makahanap pa iyon ng iba dahil sa wala ako sa paligid niya.

Pagpasok namin sa loob ay kaniya-kaniyang nagsiyuko ang mga taong narito sa loob at yumuko ng makilala ako. Lahat ng nasa listahan ay nasa puder ko. Ang pang sampo sa listahan ay kilala ko na ngayon.

Pambihira, napakagaling umarte ng babaeng iyon e.

"Good day, Madam."

"Sanchez." Tinanguan ko si Sanchez ng makita ito at sumunod ako rito. Tumuloy kami sa pinakagitnang k'warto sa malaking lugar na ito.

Narito na pala ang mga taong naghihintay ng sagot ko. Kusa silang tumayo isa-isa at yumuko bilang paggalang. Hindi ko gusto ang ganitong klaseng posisyon. Gusto ko 'yong dapat maganda lang ako.

"Good day, Madam. We heard the news from your father. At sa tingin ko ay naging maganda ang kinalabasan ng desisiyon mo dahil sa dami ng tumatawag para kumpirmahin ito. Wala pang isang oras pero nanginginig na sila sa takot." Walang preno-preno na wika ng isa sa kanila. Pinakatitigan ko lang sila at inoobserbahan. Sila ang ilang mga namumuno sa ibang Organisasyon na hawak pa ng ViPe.

Ang ViPe kasi ang pinakamalaki at may hawak pa itong limang organization. At ang bawat pinuno ng limang organization na ito ay narito ngayon sa harapan ko.

"Sana ay tama ang desisiyon ko. Dahil asahan niyo, isa sa mga araw na ito ay hawak ko na ang traydor sa lugar na ito. Bilang ko sila, kung gusto nilang tumakas ay gawin na nila. Pero asahan niyong bago pa mangyari 'yon ay ako at ang mga kaibigan ko ang kukuha ng buhay nila." Tinalikuran ko sila. Napangiti ng may nagsalita ulit na isa sa kanila. Inaasahan ko ang bagay na ito.

"Paano mo nasabi na may traydor nga dito?" Hindi ko siya nilingon. Malakas ang loob niyang magtanong ng ganito. Ako pa ba ang magkakamali? Lugar ko ito at lahat ay alam ko. Hindi ko hahayaan na gaguhin kami ng mga taong tinulungan namin. Kahit kaibigan pa iyan.

"Dahil isa akong Crescencio at lugar ko ito, Mr. Fernandez."

Tuluyan na ako muling lumabas ng k'warto at iniwan ko sila. Hindi ko na kailangan na magtagal pa dahil naunahan na rin ako ng tatay kong ipaalam sa kanila ang desisyon ko.

Isa sa kanila ang traydor sa lugar ko. Hindi ako nagkakamali.

Kita ko ang pag iba ng tingin nito. Hindi sila p'wedeng makatingin ng deretso sa mata ko dahil sa takot at ako pa rin ang may hawak sa kanila. Pero lahat ng galaw ay napapansin ko. Maski ang paghinga ng kahit sino sa kanila ay alam ko kung may pagbabago o wala.

Huwag nila akong gaguhin maski ang mag ina ko. Dahil kahit kaibigan pa ang taong gustong trumaydor sa akin ay kaya kong pumatay. Papatayin ko kahit sino pa siya, o kahit na sino pa sila.

Heto, ang tunay na si Banana Crescencio.

Isang pinuno ng malaking kompanya at malaking organisasyon. Ang batas, karapatan ay nasa kamay ko. Isang salita ko lang ay patay na ang lahat. Ako si Banana Crescencio, isang mamamatay tao para sa kapayapaan.

Pinaglalaban ang lahat ng karapatan ng kahit sino. Isang pagkakamali, ay isa ring kamatayan.

Ako si Banana na maganda. Hindi ko p'wedeng kalimutan ang kagandahan ko. Gold ako, girl. Mas gold pa sa lahat.

"Sanchez,"

"Madam?" Nilingon ako nito.

"Anong balita kay Victoria?"

"Same, same. Sabi ng mga tao ko, may nagbabantay sa kaniya na kalalakihan, sa tingin nila ay tauhan ng kalaban nitong organization. Sabi ni Elliot ay naroon din ang ibang tauhan niya. Nautusan niyo daw siya?" Tumango ako dito.

"Oo, isa siya mga nautusan ko. Kilala mo naman ba si Green?" Tanong ko rito habang humaharap sa kaniya. Ngumisi ito sa akin at tumango.

"Kagulat-gulat na makita siyang kasama mo ng araw na makita kita sa gilid ng daan kasama si Sisa. Naroon siya sa loob ng sasakyan." Tumawa ako ng mahina dahil dito. "Pero mas nagulat ako na hindi mo pala siya kilala bilang isang may ari ng pang sampong p'westo sa listahan at miyembro ng organization."

"Sa totoo'y nagulat ako sa nalaman ko. Pambihira at kila Silvestre pa talaga siya nakagrupo. Ang pang walo at pang sampo ay magkasama. Bakit ngayon ko lang nalaman na nasa listahan din ang babaeng iyon?"

"Dahil hindi ka pa interesado sa mga ilang kasapi sa organization. Ang mga traydor lang ang binantayan mo at ilang mga taong mainit sa mata mo." Tumango ako. Tama naman ang sinabi niya. Hindi ako nakafocus sa ibang tao dahil mas iniintindi ko ang mga taong tumatraydor sa likuran ko. Hindi rin ako natutuwa dahil dito. "Kailan pala mangyayari ang misyon ninyo nila Madam Gabriel?"

"Wala pa. Hindi pa nasasabi kung kailan ang eksaktong araw. Ihanda niyo lang ang mga isasama maski ang kagamitan." Tumango ito. May naririnig akong cellphone na tumutunog. Hinawakan ko pa ang bulsa ko pero kay Sanchez pala galing ang tunog na iyon.

"Ang Daddy niyo. Kausapin ko lang Madam." Ako na mismo ang tumalikod sa kaniya. Alam kong hindi ako matutuwa pag narinig ko pa ang pag uusapan nilang dalawa.

Lumabas ako ng Mansyon pero dumaan ako sa likuran dahil sa likod ng mansyong ito ay pagawaan ng inaangkat na kagamitang ilegal at ginagamit sa iba't ibang misyon.

Abala ang mga taong nandito. Marami silang ginagawa pero halatang gusto nila ang ginagawang ito.

"Kumusta ang pag angkat ng ilang baril kahapon?" Tapik ko sa balikat ni Luna. Dito talaga kasi ang trabaho niya sa Mansyon. Isa sa mga magagaling umayos at gumawa ng armas lalo na sa mga espada.

"Always good. Alam mo naman, tiwala sila sa organization." Ngumiti ito sa akin at nagkibit balikat. Ngumisi na lang din ako at sumang ayon.

Tinignan ko ang kabuuan ng lugar. Malinis kahit may ilang mga kagamitang nasa sahig dahil hindi pa maayos. Isa itong maluwang na espasyo na pagawaan ng iba't ibang kagamitan. Nasa dalawang daang tao din ang narito sa loob at nag aayos. Isa ito sa trabaho nila, ang pag aangkat ng ilegal na kagamitan. Maski ako ay bumibili ng ilegal na gamit para sa pangsarili.

"Kumusta naman pala ang bayad?" Nang maalala ay binalikan ko muli si Luna.

"Nagustuhan nila ang lahat kaya mas mataas ang naging bayad kaysa sa naging usapan." Mabuti kung gano'n.

"Mayroon daw namatay kagabi?"

"Ako ang pumatay sa lalaking muntik magtakbo ng isang bag ng metal bomb na gawa natin. Hindi ako natuwa." Umiling ako at ngumisi.

"Pangalan?"

"Ang isang traydor, Madam. Wala na siya sa listahan mo, alam kong nalalaman mo ang lahat."

"Mabuti. Si Jacob at si Brick ang pupunta sa lugar para mag angkat ng ibang gamit mamayang gabi. Na kay Sanchez na ang lahat ng listahan."

Matutuwa ba ako sa gawain na ito? Minsan oo, minsan naman ay hindi.

Tumango ito sa akin kaya't hinayaan ko na lang siya sa trabaho niya.

Isa ang ViPe Organization ang nag aangkat ng mga baril o iba't ibang ilegal na baril, bomba, o kung ano pa. Nasanay na ako sa ganito at ang bawat pagtaas ng kita ng organization ay kasiyahan din ng bawat miyembro sa amin.

Magulo naman talaga ang mundo ko dahil sa mga traydor sa paligid ko.

Pero kailangan kong gawin ang lahat ng ito. Hindi ito tatanggapin ni Victoria pag nalaman niya. Wala akong magagawa sa galit niya. Huwag niya lang tanggihan ang pagmamahal na meron ako sa kaniya.

Napabuntong hininga na lamang ako at napaisip.

Nakalimutan kong sabihin kila Alex ang desisyon kong ito. Panigurado ay kukwestyunin ako ng mga iyon 'pag balik ko sa kanila.

Pero 'di bale na lang. Alam ko namang maiintindihan nila ako kahit ano pang maging desisyon ko.

Kailangan ko na lang gawin ay maging pinuno talaga at hindi p'wedeng haluan ng kalokohan.

Dahil 'pag talaga ako nainis ay baka pagtagatagain ko sila isa-isa.

Continue Reading

You'll Also Like

183K 5.7K 65
[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she...
775K 17.8K 49
AN/WARNING: This is a lesbian/gxg story BOOK ONE Her name is Sydney. If miracle for everybody is getting to survive after a tragic accident or gettin...
114K 4.5K 34
Laureen Gabrielle Dominguez.
302K 11.5K 38
Mizzelle Carmilla Velasco - She is rich, privileged, and contented with her life. She's friends with benefits to a girl that she treated badly but sh...