Tiaras [Poetries]

By sonabellissima

2.2K 228 1

anthology of poetry -random genres ahead 2019-2022 More

Cero
Uno
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciséis
Diecisiete
Dieciocho
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
Veintidos
Veintitres
Veinticuatro
Veinticinco
Veintiseis
Veintisiete
Veintiocho
End

Dos

92 9 0
By sonabellissima

Isang pangit na nilalang sa simula,
Inaayawan ng maraming madla,
Nagsisimula pa lamang siya,
Ngunit narito't kinukutya na.

Nang siya'y unti-unting lumaki,
Lalong inayawan ang munti.
Kulay nitong napakaganda,
Naging kayumanggi't parang tuyu na.

Makalipas ang ilang panahon,
Itong kinukutya ay umahon—
Umahon sa hirap at naging maganda,
Pinupuri na siya ng madla.

Ngunit huli na pala talaga,
Ang paruparong dating kinukutya,
Ilang araw lang ang tagal niya,
Kay gandang nilalang pinahirapan nila.

Kay tagal niya bago mamukadkad,
At ganoon katagal siyang ‘di pinalad.
Nang siya'y namukadkad,
Tinanggap siya nang buong palad.

Noong siya'y munting bata pa,
Kinaiinisan ng madla,
Ngunit nang siya'y bumukadkad
Papuri'y taos palad.

Bakit ganoon?

Sa unang araw lang nakilala,
Kutya na agad ang pinakikita?
Hindi muna tingnan,
Ang magandang dala niya.

Mapanghusgang mga mata,
Sana'y kayo'y tumigil na.
Mapanghusgang dila,
Problema'y iyong dala.

Sana naman ngayon,
Kayong lahat ay umayon;
Huwag maging mapaghusga,
Sana'y katotohanan lang ang dala.

Kay talas pa naman ng mga dila,
Isang salita lang ay nakasusugat na.
Nakamamatay mga yaong tingin,
Akala mo'y haring may alipin.

Itigil ang pagiging mapanghusga,
Halina't buguhin ang tadhana;
Tingnan mula ang katotohanan,
Bago mo sila husgahan.

Maaring katapusan na pala,
'Saka mo lang tinanggap siya.
Huli na ang lahat at pagsisi'y nagsimula,
Kawawa'y 'di siya dahil ikaw itong nanguna.

—ysaqueens

Continue Reading

You'll Also Like

31.1K 427 53
" Nais kong idaan na lamang sa tula ang aking gustong sabihin sa iyo dahil hindi ko kaya na sabihin ito sa iyo ng personal.''
521K 7.8K 197
#1 Crazy minds, twisted stories, broken hearts and crying souls; craved for poems to be read and told ; (6/11/18) ❤ #2 (03/18/18) ❤ #5 (12/8/19)
659K 2.6K 32
Para sa mga wasak, nadudurog at nasasaktan pero patuloy pa rin na nagmamahal.