Banana Crescencio (ViPe Serie...

JierusuJirin által

597K 22.4K 4.7K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... Több

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Thirty eight

8.2K 289 49
JierusuJirin által

Banana


"Is Banana na mukhang unggoy is here?" Napasinghal ako ng malakas ng marinig ang tanong na 'yon sa labas ng gate.

Boses pa lang ay alam ko na kung kanino galing 'yon.

"Ginagawa niyo rito, ha?" Napaikot ako ng mata pero sa huli ay ngumisi pa rin ng makita si Alicia at Alex na sakay ng isang sasakyan. Ang aga-aga ay narito sila para lang asarin ako.

Nakahiga kasi ako sa damuhan sa ilalim ng puno dito sa garden namin at saktong bukas ang gate namin. Naupo ako para makita sila ng maayos.

"Sinusundo ka."

"Pangit mo naman, Alicia. Ikaw talaga nagtawag sa akin ng mukhang unggoy, really? Hindi ako sasama." Reklamo ko pa habang natatawa.

"Join us." At dahil si Alicia 'yan ay hindi talaga niya pinansin ang sinabi kong 'yon.

"Saan?" Hindi ko naman kasi alam na pupunta sila ngayon.

"I'll tell you later, hurry up!" Nailing ako ng mabagal. Alam ko na kung bakit sila nandito kahit hindi na ako magtanong ulit. Buti at naalala ko pa, akala ko ay tatambay sila sa kung saan e. May pupuntahan naman pala kami.

Tumayo na ako at inabot ang cellphone ko na inilagay ko sa sanga ng puno na malapit sa p'westo ko.

Busy ako at heto sila. Iniistorbo ang pag iisa at pag iisip ko. Hindi ko alam na ngayon pala kami aalis. Hindi pa naman kami pupunta ng Pangasinan a.

"Alicia Santillan naman. Kila Silvestre na ba?" Walang ganang tanong ko habang lumalapit sa kanila. Kasama naman na pala niya si Alex e kaya bakit sinundo pa ako ng mga ito?

Pambihira, hindi ba siya makakapunta ng wala ako? Gano'n ba ako ka-importante? Nakakaiyak naman ang kaibigan kong 'to.

"Oo, kila Silvestre." Sumakay na ako ng sasakyan ni Alicia at sa likod pumwesto.

"Akala ko ba bago tayo magpunta ng Pangasinan tayo pupunta sa kanila? Hindi pa naman tayo aalis a." Ang mga ito talaga. Dapat ay sinabihan muna nila akong pupunta kami ngayon para ipinagpaliban ko muna ang pagtambay ko.

Pambihira, baka naiinip na naman sila at wala na namang magawa kaya pati ang ibang bagay na naka schedule sa ibang araw ay ginagawa na ngayon. Ang isang Alicia Santillan pa ba? Hindi pa man din graduate ay marami ng pinapaiyak na business partners dahil sa oras. Pag wala kasi siyang magawa ay biglang nagtatawag ng meeting sa mga client nila. Paano na lang 'pag may ibang meeting sa oras ding iyon? Well, lagi namang gano'n ang nangyayari.

"Bored. Kailangan ko na rin ang baril ko, Banana. Kung hindi maibabalik sa akin ay bahala na si Silvestre na pumatay sa kaniya." Ngumisi ako.

Heto, heto ang mundo na kinabibilangan namin. Ang gumawa ng ilegal pero papatay sa mga gumagawa ng ilegal. Magulo talaga kami sa organization pero ganito talaga. Depende 'yan kung gaano ka kabait o demonyo. Pero hindi naman kami basta papatay e dahil tauhan ang gagawa sa amin no'n, hindi kami. Depende na siguro 'pag pamilya na ang binangga sa amin ay syempre talagang gagawa kami ng masama.

Ang mundo kasi ay hindi naman talaga tahimik. Pinipilit lang ng organisasyon na gawing tahimik ang lahat gamit ang pagiging bayolente. Pera ang nagpapatakbo sa lahat at kapangyarihan.

Hindi lahat ng tao ay maayos at mabait. Lahat ay nakaasa sa pera, sa kapangyarihan, sa ganda ng pangalan, at kayabangan dahil famous daw sila. Lahat ay gusto ng kapangyarihan kahit mabait ka o pangit ka. Lahat ay nadadala sa kasakiman. Bakit ka pa ba magtataka? Walang k'wenta ang lahat pag wala kang kapangyarihan at pera. 'Pag wala kang katayuan sa buhay ay sasabihin ng lahat na wala ka ng k'wenta at wala kang kayang gawin. Walang k'wenta ang buhay 'pag wala ka ng lahat ng iyan.

Ganito ang mundo na kinalakihan namin na ayaw naming iparanas sa mga magiging anak namin sa future. Pero kung magpapatuloy ito hanggang sa mamatay kami ay paniguradong pati ang magiging pamilya namin ay mag sa-suffer sa ganitong klaseng buhay.

"Bakit kasi ang dami mong pinahiram?"

"Because that's what he wants and I oblique. We have rules so he knows that naman, but people are people. When they will gain money and power, they will use it in some stupid acts." Malamig nitong sagot sa akin. Agree naman din ako sa sinabi niya.

Syempre nag gi-gain na sila kaya ayan ang ulo, lumalaki.

Mas bumilis pa ang pagpapatakbo nito ng sasakyan. Napansin ko rin na tahimik lang si Alex sa tabi niya na nakapikit ang mata. Tulog ba ito? Kanina pa siya tahimik e.

"Pagod ata si Alex. Bakit sinama mo?" Tanong ko rito. Nilapit ko pa ang katawan at mukha sa gitna nilang dalawa para mas makita ang reaksyon nila. Umismid lang si Alex at hindi kumibo. Oo nga, hindi maganda ang ayos ng Alexandria ngayon. Akala ko tulog siya pero tahimik lang pala talaga.

"Pinilit ko lang siya na sumama. Mabuti nga at wala ka sa bahay ng babae mo ngayon." Ako naman ngayon ang napaismid at napairap. Lagi ko na lang naririnig ang salitang iyan. Hindi nakakatuwa at hindi gusto ng pandinig ko.

Hindi ko basta babae si Victoria. Irog ko iyon, sinisinta, minamahal, at nirerespeto.

"Bakit niyo ba tinatawag na babae ko si Victoria? Mapapangasawa ko nga iyon e. Paulit-ulit naman kayo, mga gunggong. Nagmumukhang chix siya sa pandinig e hindi naman gano'n ang turing ko kay Victoria. Mahalaga siyang babae sa akin, ano." Muli ay pagpapaliwanag ko para itigil nila ang kakasabi ng salitang 'babae ko'.

"Lovesick."

I smirk at Ali and Alex dahil sabay pa talaga nila 'yon na sinabi.

"Akala mo naman hindi ka in love, Alex. Sa susunod 'yang si Alicia rin ang mai-in love." Mayabang kong turan.

"Kailan pa? Sa lamig ng kaibigan mong 'yan ay baka pati pagmamahal ay takbuhan siya." Hindi ko napigilan ang hindi matawa ng malakas sa sinabing iyan ni Alex.

"Stop talking nonsense. Kung mag usap kayo parang wala ako rito." Malamig na komento naman ng cold na si Alicia Santillan. 'Pag talaga ito tinamaan ni kupido ay bahala siya.

Deserve rin naman niyang sumaya kahit sa pagmamahal lang na 'yan.

"Mas okay nga ring naririnig mo para alam mo e." Nakipag apir ako kay Alex.

"Shut up." Sabay kaming humagikgik dahil natutuwa sa reaksyon ni Alicia.

Okay na rin pala kasi mukhang okay na bigla si Alexandria.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naging tahimik na kami hanggang sa namalayan ko na lang na papasok na pala kami sa isang pamilyar na parking lot.

Tumahimik na rin kami pare-parehas ng mapansin kung saan ang lugar na 'to.

Tahimik na tinigil ni Alicia ang sasakyan niya at sabay-sabay na kaming bumaba.

"The Fifth Heaven"

Basa ko sa harapan ng malaking building o kompanya. Huwag kang magpapalinlang sa pangalan ng building na ito dahil malaking pagkakamali kung tiwala kang heaven nga talaga ito.

Isa itong loan shark na pag mamay-ari ng nag iisang si Silvestre.

Kung wala sila Silvestre sa Pangasinan ay narito sila sa sariling kompanya. Katakot-takot ang manghiram ng pera sa kanila pero kung hindi mo naman sila kilala ay malakas ang loob mo. Pero ang kaso kasi sa kompanyang ito ay 'pag hindi ka nag bayad ng pera sa kanila agad ay isa ring kamatayan ang kapalit. Lalo na kung ang perang hiniram ay ginagamit sa walang k'wenta at wala sa kontrata. Ganito rin ang trabaho nila sa loob ng organisasyon.

Meron naman kasing binibigay na araw kung kailan mo dapat na ibalik ang perang hiniram mo. Kaso maraming nagkakamaling hindi magbalik sa tamang oras. Malalaman din nila kung saan mo talaga ito nilalagay o ginagamit kaya wala kang kawala 'pag hawak mo ang pera nila.

Ang laki na rin ng net worth nitong si Silvestre. Sa laki ng interest ng company niya ay talaga nga namang kaya na siya nitong iangat kahit wala ang organization.

Tinigil ko ang pag iisip patungkol sa kompanya nito at sumunod na lang kila Alicia. Pagpasok namin ng building ay kitang-kita ko ang pagiging mayaman ng may-ari.

Maganda ang lugar niya at sumisigaw ng mga ginto at kayamanan.

Mayroong isang babaeng lumapit sa amin. Siguro ay sekretarya ni Silvestre.

"Good morning, Miss Santillan. Nasa loob na po sila Ma'am Pillow. Pero ang tatlo na sila Miss Silvestre ay wala pa po. Parating pa lang po sila." Tumango kami sa babaeng nakatungo. Sumunod lang ako kay Ali na dumeretso sa gilid ng lobby at tumayo. Ano kayang gagawin namin dito? Ang tumayo at maging tanga?

"Gago naman, Ali. P'wede naman tayong pumasok na e. Talaga bang tatambay pa tayo rito sa lobby? At kung iyon ang balak mo e p'wede ba tayong maupo roon?" Tinuro ko pa ang mga upuang parang waiting area na rin. Nakakangalay kayang tumayo.

Nasa loob naman na rin pala sila Pillow e. Sila Silvestre na lang ang hinihintay. Linggo ngayon kaya sigurado akong galing sila sa simbahan.

Nakakatawa, hindi ba? Ang mga mamamatay tao ay madalas sa loob ng simbahan. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa Silvestre na iyon.

Palasimba ang mamamatay tao na 'yon e. Kung sabagay ay ako rin minsan.

At talaga nga namang hindi ako pinansin ng dalawa. Balak ata nilang mangalay ang mga paa nila.

"Kung bakit bumalik ang babaeng iyon dito ay hindi ko maintindihan. Ang sarap niyang pasabugin sa bunganga." Inis na bulong ni Alex. Nalaman ko dati na si Alicia at Alex ay tinulungan din si Silvestre. Kung ako ang nagpatakas sa kaniya dati sa organisasyon ay sila naman ang tumulong sa labas ng organisasyon. Nakakatawa at tinatawag ni Silvestre na utang ito kahit buong puso namin siyang tinulungan.

"She has her story, Alex." Komento ni Alicia sa kaniya. "Nandito na sila."

Nilingon ko ang tinitignan ni Alicia at nakita ko na nga sila Silvestre.

Nakita ko ang tatlo na pumasok. Ngumisi naman ako sa kanila. Ibang klase talaga.

Silvestre, ang nasa pangwalo sa listahan. Kailan lang siya bumalik pero heto at nasa pangwalo na ang pangalan niya. Pero magagawa kaya niyang lamangan kami at kalabanin? Sa tingin ko ay imposible. Si Silvestre ay walang sinasanto pero may tatlo siyang kinakatakutan na labanan. Kami iyon nila Santillan.

Hindi ko alam kung bakit sila takot sa amin. Kaya naman nila kaming patayin pero bakit ayaw nilang gawin? Ha, ayaw ko pang mamatay, 'no. Mumultuhin ko sila at hihilahin sa impyerno 'pag ginawa nila iyon.

"Francine, Erica. And oh, nice to see you here, Violet." Inaasahan naman talaga namin na narito ang isang Violet Silvestre, pero ano itong pakulo ni Alex? Daming learns 'di ko naman ma-gets ang logic. Pambihira, nasaan na naman ba ang katalinuhan ko?

"Alexandria Gabriel, I can see na galit ka pa rin dahil bumalik ako." Hindi kumibo si Alex sa kaniya. May k'wento rin naman kasi talaga itong si Violet Silvestre kung bakit siya bumalik pero hindi matanggap ni Alex ito dahil mas gusto ni Alex na matupad ni Violet ang gusto niya. Pero wala siyang magagawa rito dahil desisyon naman ni Violet ang bumalik. "Alicia Santillan, hindi ko inaasahan na ngayon kayo pupunta."

"Nagmamadali lang ako." Natawa ako ng mahina sa rason ni Alicia.

Gaya ni Alicia ay malamig rin ang babaeng ito. Tumango ito sa dalawa pero napaatras siya ng nagtagpo ang tingin naming dalawa pero mabilis lang itong nagtaas ng kilay na ikinangisi ko.

"Banana Crescencio."

Gaya ni Miss Tala Liandro, si Violet din ang isa sa wala ring pakialam kung mas mataas ako sa kaniya pero malaki ang respeto nito sa akin bilang isang Crescencio at magiging boss niya sa loob ng organization.

Lumapit silang tatlo sa amin at yumuko. Nasa teritoryo nila kami pero hanggang dito ay dala pa rin nila ang paggalang.

"Hello there, Missy." Bati ko rito habang nilalaro ang kinuha kong lighter sa bulsa. "It's been a while."

"I heard a lot of news about you, Crescencio." Natawa ako ng mahina.

"Likewise, Silvestre. Pero nandito kami dahil may gusto si Alicia." Nilingon nilang tatlo si Ali na tumango sa kanila.

"Do me a favor, Silvestre." Malamig na turan ng isang Alicia Santillan. Tumango sila rito. Pinanood na naglakad ito pero sumunod kami sa kaniya na tahimik kaming tinalikuran at tumuloy sa loob ng isang opisina. Kung saan ay dito rin kami nag uusap-usap 'pag may ibibigay akong misyon.

"Take a seat." Nakatayo lang kami sa harapan nila. Umupo sila at seryosong tumabi sa ibang mga kasama. Sila Pillow at Brick. "Do me a favor, guys. Just this one." Isang pabor?

Kailan pa humingi ng isang pabor si Alicia? Isa itong misyon at ginagawa niyang pabor? Nakakatuwa talaga gawan ng kalokohan ang mga tao rito ngayon dahil sa sobrang seryoso nila. Pero hindi, narito kami para sa isang misyon.

"A favor? I want a price." I smirk at Silvestre. Ayaw niya ng isang pabor mula sa isang Santillan?

"Depends on when you will give what I want." Grab the opportunity talaga ito e. Kung tutuusin ay wala ng libre ngayon. Lahat ay may bayad na kahit isang pabor pa ito.

Pabor na may bayad.

"Spill."

"May ipapahanap ako sa inyo. He owes me fifty million and a box of pistols." Kung sino-sino kasi ang pinapahiraman. Pero ayos lang dahil isang kamatayan ang kababagsakan 'pag na traydor kami at ito na nga iyon. "Find him, abduct him, and let me know if he is already in your hands." 

Ngumisi ako ng makita ang kakaibang ngisi ng isang Violet Silvestre.

"Fifty million is a lot but a box of pistols is more than fifty million." Tumango ako bilang sang ayon kay Silvestre.

"Is this Silvestre's work only or kasama kami?" Nalingon namin ng sabay-sabay si Francine McLister na isang private doctor sa kanilang grupo.

"Kayo ang bahala kung ano at paano ang gagawin niyo. This is group work." Sabay-sabay silang tumango kay Alicia bilang pag intindi.

"Mas mabilis din naman kung kayo ang gagawa. Hindi na ba kayo kinakalawang?" Natatawa kong tanong na may halong pang iinsulto pagkatapos kung sumabat. Tumayo si Silvestre at ngumiti sa akin. Ang iba ay umiling at tumawa sa sinabi ko.

"Isa akong Silvestre, Crescencio. Kahit kailan ay hindi kita binigo." Nilabas niya ang baril na nakatago sa suot nito. Blangko lang akong nakatingin dito na ikinatawa ko ng mahina na walang laman lalo na ng itutok niya ang baril sa akin.

Heto ang gusto ko. Ang hindi ako tratuhin na nakakataas sa labas ng Organisasyon.

Kita at ramdam ko ang kalamigan sa mata nito pero walang talab sa akin. Isa siyang Silvestre, taga sunod ko. Kahit pa nasa listahan siya ay hindi mababago na miyembro siya ng Organisasyon na hahawakan ko.

"Malaki ang expectation namin sa grupo niyo, Silvestre. Ano, magagawa niyo ba?"

"Syempre, deal na deal. Anong buong pangalan?" Ngisi ni Pillow na siyang sumagot sa tanong ko. Gusto ko rin talaga ang grupo nila e. Matapang at walang kinikilingan.

"Brent Arnault is the name."

Isang outcast na walang k'wentang lalaki. Buti napautang ni Ali ang lalaking ito? Siguro dahil alam rin ni Ali na mamamatay siya at pinatagal niya lang?

"Ow, the guy who owned me a ten million. Are you going to kill him? Can I kill him too after you?"

Tumawa ako ng malakas maski si Alex na tahimik ay nakitawa na rin. Nakakatuwa ang kalamigan ng isang 'to. Binaba na rin niya ang baril at bumalik sa pagkakaupo.

Malas ng lalaking ito at sa Silvestre at sa Santillan pa nagkautang. Paano kaya patayin ni Silvestre ang isang lalaking napatay na ni Alicia kung sakali man?

"Oh, okay may utang rin pala sa 'yo. I will let you kill him, asked where the money and my pistols were. Don't forget to give me a call before you kill him. I am giving you two days to do that. I am counting the five of you. I need my money specifically my pistols." Hindi nagdalawang isip itong si Alicia na sumang ayon.

"Sure. Kami na ang bahala. Expect me to call." Mabagal na tumango si Alicia kay Silvestre. "Is that all?"

"Yes. That's the only reason why I'm here." Nilingon naman ako ni Alicia. "How about you, Banana? Do you have anything to say?"

"May kukunin ako. Mauna na lang kayong lumabas, Ali." Nilingon muna ni Ali ang grupo nila Silvestre bago ako tinanguan.

"Mauna na kami ni Alex lumabas." Yumuko sila bilang paggalang sa dalawa. Nauna na rin talagang lumabas si Alicia at Alex ng hindi ako kinokontra.

Ako naman ay nanatiling nakatayo sa harapan nila na ikinataka nilang lima. May kailangan pa ako sa kanila. Bahala na ang dalawa na maghintay sa labas. Narito na rin naman ako kaya bakit hindi ko pa gawin ang isasadya ko sa mga susunod na araw.

"Alam kong nakarating ang balita sa inyo." Panimula ko.

"Kapalit ng keychain?" Tumango ako. Itinaas ni Pillow at Francine ang manggas na suot at doon ko nakita ang isang tattoo.

Ang tattoo na parang sa keychain. Ang kapalit ng keychain na ideya ng mga kaibigan ko.

"Hawak pa ninyo ang keychain, hindi ba?" Tumango si Erica. Inabot ang itim na box na nasa mesa at inabot sa akin. Ngumisi ako at sinilip ito.

Ang mga keychain na simbolo na kabilang ka sa ViPe Organization. Isang Organisasyon na gusto ng katahimikan gamit ang isang pagiging bayolente. Violence and peace ang hatid nito.

Taka kong nilabas isa-isa ang keychain ng mapansing parang sobra ito.

"Anim ang narito, Silvestre. Hindi ba't lima lang kayo?" Isang tawa ang pinakawalan ni Francine at malanding kumindat sa akin. Siguradong 'pag nakita ng irog ko ito ay masasapak ako dahil sa kasadistahan ng isang iyon.

Hindi ko talaga hahayaan na makita ni Victoria ang babaeng ito.

"Kay Green ang isang iyan." Green?

"Sinong Green?"

"Isang tagapagmana pero hindi pa kilala kung sino ang lahat ng kasapi sa organization?" Tumawa ako ng pagak. Hindi niya alam ang lahat.

"Dahil mas gusto kong makilala ang traydor, Silvestre." Tumango ito at Nagkibit balikat sa akin.

"Jade Green Imperial."

"Jade Green Hermoso muna pala dahil sa lampa at walang k'wenta niyang asawa." Dagdag ni Brick at ngumisi. Tumawa naman si Erica na kanina pa tahimik.

Jade Green Imperial? Jade Green Hermoso?

Kunot noo lang akong nakatingin sa kanila hanggang sa maging blangko ang tingin ko ng makilala ang pangalan na binabanggit nila.

Pambihira, si Mrs. Hermoso? Ang babaeng may gusto kay Alicia ay kasama sa Organisasyon ko?! Pambihira talaga, una pa lang pala ay may alam na siya. Pero bakit hindi siya nagsasalita?

Jade Green Imperial, napakagaling mong umarte na walang alam. Magaling.

Dahil isa akong Crescencio, labag sa batas namin ang magsalita tungkol sa katauhan ng nakakataas sa kanila kaya hindi ako magtataka kung bakit naging tahimik ito at parang walang alam 'pag magkasama kami sa iisang lugar.

Kaya pala may kakaiba sa kaniya.

Iba talaga 'pag miyembro ng ViPe Organization.

Ang ViPe Organization ay isang malaking organization na kinakatakutan ng lahat ng mga may alam dito. Hawak namin ang Gobyerno, ang lahat na p'wedeng maging balakid sa amin. Nakakatuwang ang mga Crescencio pa ang may hawak ng napakalaking Organisasyon na hindi gustong sumbatan ng iba.

Pera at kapangyarihan ang dahilan ng lahat ng ito. Kamatayan sa bawat pagtraydor, ilegal ang ibang gawain pero kami mismo ay ayaw sa ilegal na gawain ngunit minsan ito na talaga ang daan. Walang magagawa ang Gobyerno. Lahat ay kasapi lalo ang mga taong gustong lumago ang kompanya. Koneksyon ang naging daan para sa mga ganid na gusto sa pera. Ang trabaho sa loob ng organisasyon ay legal at ilegal. Masama at mabuti. Ang magiging myembro ang pipili ng gusto nilang gawin.

Ang iba na kasama sa organization ay gusto na akong traydurin at mamatay kaya ginagamit nila si Victoria at ang anak nito laban sa akin. Pero dati pa man ay marami na talagang may gustong pabagsakin kami.

Pero isa akong Crescencio. Maganda ako at hindi hahayaan ng katalinuhan at kagandahan ko ang mamatay lang sa kamay ng mga gunggong na traydor sa lugar ko. Hindi ko hahayaan na masira ang tiwala ng isang taong pinagkatiwala ang Organization sa mga Crescencio.

Hinahayaan ko na muna ang mga traydor, mag enjoy lang sila. Pero huwag silang kampante. Alam ko ang galaw nila at kung sino sila. Buti pa ang mga traydor ay kilala ko pero ang mga tao ko ay hindi pa lahat.

"Kasama siya sa grupo niyo?" Taka kong tanong. "Ang alam ko ay lima lang kayo."

"Yes. Anim talaga kami sa grupo and Green is in my group for three years now." Napatingin ako kay Silvestre. "She's just a lowkey, hard-headed, and a bit scary."

Kung gano'n ay kailangan kong makausap si Mrs. Hermoso o Imperial. Ang galing niyang magtago. Ano kayang magiging reaksyon ng isang Alicia tungkol dito? Akala ko ay isa lamang simpleng Propesor at patay na patay ang babaeng iyon kay Ali. Kung anong dahilan at kung bakit nasa puder ko siya ay siguradong malalaman ko agad.

At kaibigan siya ni Victoria. Paanong nakakaya niyang maging tahimik kahit nagiging aligaga si Vic sa pag alam ng buong pagkatao ko?

Heto rin kasi ang tinutukoy ko na mahirap paghandaan ang pagpayag sa gusto ni Dad na hawakan ko na agad-agad ang organization.

Maraming pumapasok sa isipan kong katanungan gaya na lang na handa na ba akong pasanin ang lahat ng ito? Handa na ba talaga akong maging pinuno ng isang maganda ngunit masamang organization? Ang organization na dumudungis sa pagkatao at mga kamay ko. Handa na ba talaga ako? Marami ang nakaasa sa akin pero kailangan ba talaga na ako?

Kailangan ba talaga na ako ang nasa sitwasyon na ito?

Ano na lang sasabihin ng anak kong si Ashlyn pag nalaman niyang masamang tao pala ang Mama niya?

Olvasás folytatása

You'll Also Like

6.9K 290 41
"She's straight" Straight bender series IV
230K 9.5K 43
Girl x Girl | Intersex Quinn Rae Gonzalez' Story Started: December 11, 2023 Finished: March 6, 2024
81.2K 2.9K 37
Simple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nan...
606K 15.6K 44
Cohen Danielle Lazaro.