Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

593K 22.4K 4.7K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Thirty six

8.1K 295 82
By JierusuJirin

Banana


"Ehem."

Pagpasok ko ng bahay ni Alex ay siya agad ang nakita ko. Nakuha ko naman ang atensyon niya at nagtataka itong nakatingin sa akin.

"Banana?" Ngumisi ako sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ko alam na susunod ka. Naiwan sila sa Subic?"

Medyo maaliwalas naman ang mukha niya ngayon. Kaso namumula ang mata at halatang galing sa iyak.

"Iniwan namin sila. Kasama ko sila Alicia na nagpunta rito." Napabuntong hininga naman ito. "Hinahanap ka ni Miss Tala."

"Nag iwan naman ako ng letter sa kaniya."

"A goodbye letter?" Natatawa kong turan. Nakatayo pa rin ako hindi kalayuan sa kinauupuan niyang couch. "P'wede ka namang magpaalam ng maayos sa kaniya, Alex. Pinag aalala mo lang siya e."

"Kasi hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Baka ipilit niyang tulungan niya ako o ano." Malaki naman ang maitutulong ng isang Tala Liandro sa kaniya a.

"Ayaw mo?" Ayaw niyang humingi ng tulong? Hindi na ako magugulat kung marinig ko mamaya na ayaw niyang tulungan namin siya. Umiling lang namam ito sa akin at nagbaba ng tingin sa hawak niyang laptop. Wala na itong sinabi pa kaya ako na lang ulit ang nagsalita.
"Mukha namang maayos ang itsura mo."

Tumatango-tango akong lumapit pa sa kaniya. Tipong nakatayo pa rin at ilang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa.

Mukha siyang busy sa itsura at sa hawak na laptop.

Pabagsak kong binaba ang dalang bag sa sahig bago tumingin sa paligid ng bahay ni Alex dito sa Tagaytay dahil kakarating lang din namin. Nauna lang talaga akong pumasok kesa sa nga kasamang pagod at inaantok.

Maaliwalas naman ang buong bahay niya. May ilang mga picture frame. Picture ng Mama niya at picture naming mga magkakaibigan. May picture na rin si Tala maski picture ni Jesryl ay narito rin.

Napatingin naman ako sa isang pinto kung saan ay alam kung k'warto ni Alex.

Hm, paniguradong hindi ko gugustuhin na pumasok sa loob niyan. Kahit malinis ang loob ay hindi ako papasok.

Sumunod na pabagsak na naupo ang mga kaibigan naming kakapasok lang at pumwesto sa harapan ni Alex na nakangiti lang sa kanila ng maliit.

Nanatili naman akong nakatayo at inoobserbahan na lang siya, habang tahimik at pinakatitigan siya. Maniniwala ba akong wala na naman siyang ginawa pagkauwi niya rito? Nalilinlang na naman ba ako sa maayos na ayos niya ngayon at sa ngiti niyang hindi naman talaga totoo?

Hindi ko alam kung alin ang iisipin ko. Pakiramdam ko ay sa kabila ng maayos niyang itsura ngayon ay may daing ang katawan niya sa isang sugat na paniguradong bagong guhit sa balat niya.

Kailan kaya ito matatapos sa ganito? Ako ang nasasaktan sa kaniya.

"Saging." Napabuntong hininga siyang nakatingin sa akin. Nakatitig lang ako sa kaniya at hinihintay ang sasabihin niya o magiging sagot sa sinabi ko kanina. "Huwag mo naman akong tignan ng ganiyan. Wala akong ginawa pagkauwi ko rito." Mabagal akong tumango bago binagsak ang mga braso sa tagiliran ko.

Hindi ako sigurado pero may tiwala rin naman ako sa mga sinabi nito.

"'Di mo sure." Mabilis akong nakailag sa binato niyang ballpen na nasa ibabaw lang kanina ng maliit na mesa sa harapan niya. Binaba niya ang laptop doon at inirapan ako. Parang nag bibiro lang naman ako e tapos ang bilis na ng kamay niya. "Papatayin mo ako sa ballpen?"

"Tigilan mo ako, Banana." Ngumisi ako rito. Takot ako sa kaniya pero hindi maipagkakailang takot din ito sa akin 'pag pinapairal ko ang pagiging isang Crescencio sa harapan nila.

"Parang tanga, Banana. Itigil mo na 'yan. Kung papatayin ka dapat hindi ballpen. Mukha bang mamamatay ka diyan?" Parang gusto ko ng kuwestyunin ang mga ito kung talaga nga bang natatakot sila sa akin minsan. Kasi sa nakikita ko ngayon ay parang ni katiting ay wala e.

Wala na bang epekto ang pagiging Crescencio ko sa kanila? 'Di bale at kaibigan ko naman sila.

"Anong balak mo? Naiinip ako, Alex." Irap ko na lamang dito bago nakiupo sa tabi niya. Narinig ko ang mahinang buntong hininga niya bago sumandal sa couch.

"Haharapin ko na siya." Oh? Buti naman.

"Ano?!" Inis na sinamaan ko ng tingin si Hera, Patrice, at Amanda na sabay-sabay sumigaw na akala mo mga bingi ang kasama namin. Tahimik lang naman si Alicia habang hawak ang cellphone nito. Kinuha naman ni Cathrice ang laptop ni Alex na nasa mesa. "Easy, Banana. Nagulat kami e."

Dagdag pa ni Amanda bago ako irapan. Tamo ang mga attitude ng mga ito. Napakasama nilang nilalang.

"Hahanapin ko kung nasaan siya. Hindi naman p'wedeng hindi ko siya makita." Hindi ko pa alam ang sasabihin kay Alex. Tama rin namang hanapin na niya ito o hanapin namin dahil tutulungan namin siya.

Isang tawa naman ang narinig namin galing kay Cathrice habang mabilis na pumipindot sa laptop ni Alex. Kung ano ang ginagawa niya ay hindi ko alam. Siya na lang ang nakakaalam no'n.

"Kailan mo ba siya balak puntahan?" Taka kong tanong.

"Pupuntahan ko muna si Tala bago ako umalis." Napairap ako. Inis na tumayo. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang baril bago ito ikasa at itutok sa kaniya. "Gago, Banana! Anong ginagawa mo?!" Gulat na reklamo niya sa akin. Tinaas pa niya ang isang kamay para itulak ang baril. Ang sarap sana nitong tamaan kung hindi ko lang siya kaibigan.

Tumawa ako ng pagak. "Binibiro mo ba kami, Alexandria Gabriel? Bago ka aalis? Sinong nagsabi sa iyo na ikaw lang ang aalis? Sa tingin mo ay hahayaan kita?" Irita kong reklamo sa kaniya. Mukhang gano'n talaga ang pagkakahulugan niya dahil umiwas ito ng tingin sa akin.

"Balak ko lang naman sanang ako lang ang haharap sa kaniya. Banana, huwag mo naman pairalin ang pagiging Crescencio mo ngayon! Kainis ka. Oo na, sumama na kayo!"

"Alex, kahit takot 'yang si Banana sa 'yo e alam niya pa rin kung kailan siya magpapakaboss sa harapan natin. Huwag natin kalimutan na kahit gago 'yan ay siya pa rin ang pinakamataas sa atin." Tawa ni Patrice dito. "Pero wala naman tayong pakialam kung pinakamataas siya, aba sino ka ba?" Natatawa pa niyang dagdag. Napakunot ako ng noo dahil parang kakasabi lang niya na huwag kalimutan tapos tatanuning ako kung sino ba ako? "Pantay-pantay tayo rito. Who you ka, Saging."

Tumayo siya at pumasok sa malapit na pintuan. Siguro ang kusina.

"Anak ng tokwa." Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga ito o maiinis e.

"Pakialam ko rin ba kung siya ang pinakamataas sa listahan? Ha, takot nga sa akin 'yan e." Nagmamalaking sagot pa ni Alex na hindi ko na pinansin pa lalo na't nagkaroon na rin sila ng kaniya-kaniyang ilang komento tungkol dito maliban na lang kay Alicia. "Bakit ako matatakot diyan e takot nga siya kay Miss Victoria. Duwag."

Kunot noo akong napatingin sa kanila ng nagsimula silang matawa. Nakitawa pa nga si Alicia bago nag smirk sa akin.

"Ha! Kanina nga may pa I love you pa 'yang si Banana kay Miss Victoria e." Napaiwas ako ng tingin. Nakaramdam ng pag iinit sa pisngi ng maalala ang ginawa ko bago kami umalis.

"Nag confess ka na, Banana?!" Napailing ako kay Alex. "Ang kapal ng mukha mo a. Paano mo ginawa 'yon?"

"Bwisit ka! Pakiramdam ko na kailangan kong sabihin. May pakiramdam din kasi ako na pagkatapos ng pag uusap na ito ay matatagalan ulit na makita ko siya." Sa totoong gano'n naman talaga.

Umamin ako sa kabila ng nangyayari sa amin ngayon. Nakita ko nga ang reaksyon niya ng sabihin ko iyon at sa tingin ko ay hindi naman siguro ako lagot.

Mahalagang malaman niya ang nararamdaman ko dahil araw-araw ay hindi naman ako ligtas. Bilang isang taga pagmana ng malaking organization ay nakalibing na ang isang binti ko.

"Edi bago tayo umalis ay puntahan mo siya. Hindi naman tayo aalis agad-agad e." Napatango-tango ako. Kung sabagay.

Tumahimik na lang ako at nag iisip.

Hindi ko rin kasi p'wede hayaan na si Alex lang ang haharap sa ama niya. Gusto kong makita ang itsura ng gunggong niyang ama na mamatay sa kamay ni Alex. Malaki ang kasalanan nila kay Alex kaya't hindi p'wedeng hindi ako makabawi sa kanila sa sakit na pinaramdam nila sa kaibigan ko. Kahit sana sa mga tauhan lang ako makabawi tapos si Alex na ang bahala sa boss nila. Swerte pa nga nila at baka makita pa nila ang kagandahan ng isang Crescencio 'pag lumitaw ako. Kaso malas pa rin nila dahil may mamamatay sa kanila sa mga kamay ko.

Tungkol naman sa listahan na binanggit ni Alex kanina. Listahan iyon ng pinakamataas na mga pangalan sa mundo. Mga taong hindi gugustuhin ng iba na makabangga dahil kasalanan ang banggain sila. Kaparusahan at kamatayan ang kapalit. Kung bakit may ganitong kaparusahan ay dahil na rin sa pangalan kong malaki ang kinalaman sa isang organization. Sa listahan, sampo lang na pangalan ang naroon. Sabihin nating Crescencio ang nasa unahan. Si Santillan ang pumapangalawa at pangatlo si Alex. Susunod na roon ang iba pa naming mga kaibigan. Kaming mga narito sa loob ng bahay na ito ay nasa listahan. Hindi halata dahil sa pagkatao namin at sa edad namin. Bilang lang ang may alam kung ano kami sa parte ng business world at sa iba pang ilegal na matatawag ninyong business. Ang Organization na hawak ng tatay ko ang pinakamatunog dahil sa Crescencio rin ang may gawa— hindi pala, dahil merong isang tao ang gumawa ng organization na ito na ang Crescencio ang nagmana at humawak.

"Ano na? Tumahimik naman na kayo? Nahanap ko na ang pinagtataguan ng tatay mo, Alex. Gaga, nasa Pangasinan lang naman pala siya. Tamang-tama at nando'n lahat ng takas mental na tauhan ng mga Crescencio. Maski ang mga tambay na nasa Organisasyon ay naroon din. Marami tayong back up." Mabilis na turan ni Cathrice bago pinakita sa amin ang laptop at hinarap sa amin.

Nakakahilo ang dami ng number at letra na nasa laptop ngayon. Mayroon pa atang parang lokasyon na hindi ko naman maintindihan kung bakit gano'n ang itsura.

Madalas na makita ko ay kulay green tapos may dalawa pang kulay kung saan ang lokasyon namin at lokasyon ng taong hinahanap namin. Pero ang kaniya ay ang hirap intindihin. Masakit lang sa mata, parehas na parehas sila ni Elliot.

Sila lang nakakaintindi ng lokasyon na pinapakita nila e.

"Pambihira, ano naman kayang naintindihan ko sa laptop e puro code, wala akong naintindihan." Reklamo ko na naman rito. Binaba ko ang hawak na baril at umupo ulit. Inabot ko ang basong inabot ni Patrice na may lamang beer at ininom ito. Ito ba ang pinunta ni Patrice sa kusina? Ang kumuha ng alak?

"Ang talino pero walang alam sa mga code. E puro code nga ang nasa cellphone mo." Pang iinsulto nito sa akin na ikinatawa ko na lamang. Magkaiba naman ang tinutukoy niya e. Ibang code ang naintindihan ko at hindi code na kung paano niya nakukuha ang lokasyon ng ibang tao. Ang talino e.

"Pangasinan? Ang malas naman niya." Iling ni Amanda rito pagkatapos magkomento.

Napansin ko naman na tahimik lang na naman si Alicia at hawak pa rin ang cellphone. Kanina pa niya hawak ang cellphone niya na nakakapagtaka talaga. Hindi siya mahilig humawak ng cellphone lalo na kung kasama niya kami dahil wala naman siyang gagawin sa cellphone niya at puro libro ang hawak niya. Hindi naman mahilig mag text si Elliot dahil madalas ay puro tawag siya. Kaya anong pinagkakaabalahan ng isang ito sa cellphone niya?

"Hoy, Alicia. Anong ginagawa mo sa cellphone mo?" Takang tanong ko. Umiling lang ito bago tinago ang cellphone sa bulsa ng suot nito. Anong problema ng Alicia Santillan ngayon?

"May tinatago 'yan!" Itinuro pa ni Alex ang kamay kay Alicia kahit may hawak na baso.

"I don't have." Nag crossed arms naman si Alicia at malamig na tumitig kay Alex. "What is your plan now, Alex?"

"Sus! Iwas-iwas pa." Pang iinis ko sa kaniya na ikinasama ng tingin niya. "Baka naman ka-text mo na si Mrs. Hermoso, ha?" Mabilis siyang umiwas na ikinatawa ko ng malakas. "Kita mo 'to. Ayaw daw ma-involved pero textmate."

"Shut up, Banana. She's not the reason why I'm holding my phone. I'm talking to Jesryl." Malamig na tugon niya sa akin na ikinailing na lang naming lahat. "Let's talk and plan the mission."

Nagplano na lang kami at nagkalap ng impormasyon tungkol sa pinagtataguan ng tatay ni Alex sa Pangasinan. Hindi iyon gaano kalayo sa lugar namin sa Pangasinan kaya mabilis siyang matutunton.

Paano kaya nakapasok ang isang kuto sa lugar ko? Bakit hindi ko alam na may bagong pasok sa Pangasinan? Hindi ba't dapat pinapaalam nila sa akin?

Dahil ang buong Pangasinan ay hawak ng Organization namin. Kaya kung may mga taong bumibisita doon ay dapat alam ko o ni Daddy dahil responsibilidad namin sila lalo na 'pag may nangyaring masama sa kanila.

"By the way, I'm currently finding some information about your father Alex. I'll give you the details pag dating sa Pangasinan." Kung kaya ng isang Tala Liandro ang maghukay ng impormasyon ay kaya rin ni Cathrice iyon.

"Kailan ang eksaktong araw ng alis natin?" Tanong ni Alicia. Naglalagay siya ng beer sa baso na hindi niya pinansin kanina. Nakacrossed legs ito at malamig lang na nakatingin sa amin. Napagkagaling. Inabot pa niya ang baril ko sa mesa at isa-isa itong kinalas bago kumuha ng panglinis sa baril ko.

"Wednesday. Madaling araw, sa bahay mo na lang tayo Saging magkita-kita." Napataas ako ng kilay at nakasimangot na tumingin kay Alex.

"Bakit sa bahay ko pa?"

"Doon na lang. Ang dami mong reklamo, Saging. Ipaalam mo na lang sa mga tao mo sa Pangasinan ang mangyayari." Binalingan ko si Hera na tumatawa dahil sa sama ng tingin na binibigay ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong klaseng ugali ang meron sa mga ito ngayon. Nakakatuliro ang katarantaduhan na pinapakita nila sa akin.

Nilabas ko na lang ang cellphone ko at hinanap ang contact number ni Adrian Sanchez bago ito tinawagan. Ni-loudspeaker ko pa ito bago binaba sa mesa.

["Madam."] Ngumisi ako ng sumagot na si Sanchez sa tawag. Sumandal ako habang iniinom ang alak na hawak ko. Nakatingin lang ang mga kasama ko sa cellphone at naghihintay ng sasabihin ko.

"Palinis mo 'yong bahay ko diyan sa Pangasinan. Pupunta kami nila Alex diyan. Asahan niyo sa Miyerkules."

["Masusunod. Mayroon pa ba?"] Hm, kailangan namin ng mga tao.

"Pumili ka ng ilang tao na sasama sa amin. Pakihanda rin ang ilang gamit na p'wede na kakailanganin namin. May misyon tayong gagawin at may kinalaman ito kay Alexandria Gabriel."

Narinig namin ang malakas na pag andar ng isang big bike sa kabilang linya. Sa tingin ko ay kilala ko kung sino ang nag mamay ari ng motor na iyon. Papansin talaga ang mga tambay sa lugar ko.

["Si madam Gabriel? Sasabihan ko ang iba. Pati ba ang grupo ni Silvestre?"] Sasagot sana ako ng sumabat si Alicia rito.

"Nariyan ba sila Silvestre sa Pangasinan, Sanchez?" Bakit nga ba niya natanong? May kailangan ba siya sa grupo nila Silvestre?

["Magandang araw, Madam Alicia. Wala ho sila dito ngayon, Madam. Nariyan po sila sa Manila."] Ngumisi si Ali sa amin at tumango. Baka nga may kailangan talaga siya. ["May gusto po ba kayong ipasabi sa kanila?"]

"Yes, call Pillow and let them know na pupuntahan namin sila bago kami magpunta riyan sa Pangasinan. May ipapagawa akong misyon sa kanila."

["Copy that, Miss Santillan. What else?"]

"Wala na, Sanchez. Iyon lang, balitaan mo na lang ako sa mga pinapahanda ko. Salamat."

Pinatay ko na ang tawag ng hindi hinihintay ang sagot nito at nasabi ko na rin naman ang lahat ng gusto kong sabihin. Napatingin kami kay Ali na ngayon ay nakangisi na. Nakangisi pero 'yong ngisi na malamig na akala mo papatay, gano'n na gano'n ang itsura niya.

"Ipapakuha ko ang lalaking may utang sa akin ng milllion at maski ang mga baril ko. Kaya ko kailangan ang grupo nila Silvestre." Tumango ako rito. Dalawang buwan na ng may humiram sa kaniya ng fifty million kasama ng isang kahong mga armas. Dapat ay naibalik na ito ngayon pero nalaman naming sa illegal ito ginamit kaya mukhang may mawawala na naman sa mundo.

Ang sabi ng iba ay kami lang may p'wedeng gumawa ng ilegal. Ayan tuloy, na-embraced namin ang walang hiyang masamang gawain.

Pero gano'n talaga, masyadong malaking responsibilidad 'pag nasa p'westo at listahan ka na. Lapitin ka ng gulo at kamatayan.

"Pupuntahan talaga natin sila?" Tanong ni Alex.

"Yes, puntahan natin sila bago dumeretso sa Pangasinan." Ang Silvestre. Kasapi sa Organisasyon namin. Ang totoo ay kaya din pumatay ng Silvestre na iyon. Hindi ko lang siya maintindihan kung bakit kailangan niyang bumalik sa mundo na kinamumuhian niya. Gusto niya ng tahimik na buhay at binigay ko iyon sa kaniya tapos narito siya at mas lalo atang nawalan ng pasensya. Kasapi siyang muli ng Organization at malaki ang pinagbago niya. Mas lalo siyang nawalan ng awa.

At isa pa, kasama siya sa listahan sa mga matataas na tao.

"Saging." Tawag ni Cathrice sa akin kaya nilingon ko ito. "Gusto ko ng sumali sa Organization niyo."

Ngumiti pa talaga ito sa akin. Napakunot ako ng noo dahil sa narinig.

"Why don't you just count all of us and let us join your Organization, Banana Crescencio." Napaubo ako ng mahina at halos maibuga ang ininom na alak dahil sa narinig din mula kay Santillan. Pambihira, ano bang binabalak ng mga ito ngayon?

"Anong mga katangahan na naman ang pinagsasabi ninyo?" Inis na turan ko at malakas na binagsak ang basong hawak sa mesa. "Nababaliw na ba kayo?"

"Well, hindi rin naman kami tinitigilan na sumapi sa inyo. Then, okay. Officially part na kami ha?"

"Pambihira naman Alexandria, akala ko ba si Hera lang? Ano na naman ba ito? Bakit pati kayo?"

"C'mon, Saging. Stop being furious about it. We just wanted to help you and the organization will help us, as well. Why don't you merely agree with it?" Napatingin ako kay Amanda. Nilalaro niya ang basong hawak, samantalang busy pa rin si Alicia sa hawak na baril habang nakikinig sa usapan.

Tumayo ako, hindi makapaniwala sa mga naririnig mula sa kanila. Dati pa lang ay pinipilit na silang sumapi sa amin dahil na rin sa pangalan na meron sila. Kahit nga hindi sila kasapi ay nangingialam sila. Akala ko ay sapat na iyon. Tapos ngayon ay heto sila, kung ano-ano ang sinasabi sa akin. At talagang sa akin pa.

May kontrata ang pagsali sa organization, sila ang magdedesisyon kung anong klaseng business ang gagawin sa loob ng organization namin.

"O, ayan. I already text Tito. He knows already." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Alicia ng binaba niya ang cellphone sa tabi ng cellphone ko. Pambihira, ang bilis ng babaeng ito. Akala ko ay busy lang siya sa baril ko pero ngayon ay hindi na.

"Pambihira talaga, Alicia. Wala pa akong sinasabi, nagsabi ka na agad sa tatay ko?!"

"Dahil maghihintay kami ng dekada sa 'yo bago ka sumagot. Si Tito na daw bahala magsabi sa iba ang magandang balita." Gago talaga ito. Dekada. Alam kong hindi ako makapagdesisyon sa sarili ko lalo na at gipit ako ngayon dahil sa pangungulit nila tungkol sa pag sang ayon ko sa alok ng nakakataas sa Organisasyon. Nakakataas daw, baka nakakalimutan nila kung sino ako.

Sigurado akong magwawala ang traydor sa organization dahil sa pagsali ng mga kaibigan ko. Tumango-tango ako sa kanila. Payag na ako.

"Ban?" Nilingon ko si Alex. "Gusto ko sanang i-suggest that please get rid all the keychain. Kunin niyo ang lahat at itapon. O kaya make it into something na pwedeng magamit. Ginto pa man din iyon. Sayang."

"Why?"

"Gumagawa lang ng problema ang keychain, Saging. Tapos naririnig kong naiwawala pa ng iba at maski ang inosente ay nadadamay na. Better to rid it na lang." Sumang ayon ako, ang dami ko ng naparusahan dahil mas rumami ang nakakaalam na hindi kasali sa business ang tungkol dito.

"Anong ipapali—"

"Alam ko kung ano!" Malakas na sigaw ni Patrice at tumayo. Pinaliwanag ang gustong suhestiyon bilang kapalit ng keychain at bilang tanda na parte ka ng isang Organisasyon.

"I agree with it. Your suggestions are better and will get everything safe than the keychain." Tumango ako at kinuha ulit ang cellphone na nasa ibabaw lang ng mesa.

"Okay. Papadalhan ko sila ng mensahe at simulan na nila ngayon. Sasabihan ko rin si Sanchez na ipunin ang lahat ng keychain." Pinadala ko ang mensahe, kasama na rin ang paliwanag at kung sino ang dahilan kung bakit nabago, maski na rin ang kapalit ng keychain. At kung sino ang lalapitan nila at kung kailan sila mag uumpisa.

Nakatanggap din ako agad ng mensahe mula kay Daddy na maganda ang naisip namin dahil hindi na raw siya mai-stress sa kakahanap ng keychain sa kanila. Maski ako ay napapagod sa kakahanap ng keychain sa kanila e.

"How about us? We are part of the organization, now. Kailan tayo mag start?" Sabay-sabay kaming napatingin kay Amanda na napakamot sa ulo. Siya naman ang makakagawa sa amin e.

"Uh, wala akong dalang gamit?" Mahinang tumawa si Alex sa tabi ko.

"Meron akong mga gamit dito, Amanda." Ngumisi kami.

Amanda will do the thing for us para magawa ang kapalit ng keychain. At least mas safe para sa organization ito.

Hindi ko nga alam kung bakit keychain pa ang naging basehan para malaman na parte ka ng organization e. Gold pa man din 'yon.

"Let's start then!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 35.2K 49
SYLVEXIS SERIES [ UNEDITED ] XYRA LIRA VARCAESCA , 22 year old. A charmer culinary student, volleyball player and captain ball on their University...
79.6K 2.8K 37
Simple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nan...
255K 11.4K 28
¹ [First Book] [GxG] September Galaxy Meyer. A singer and artist. She is looking for her childhood sweetheart para tuparin ang isang pangako. "Pag na...
6.4K 287 41
"She's straight" Straight bender series IV