The Mafia Lord's Possession

De Kiara_Chan08

3M 69K 4.4K

"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Ra... Mais

Author's Note
Chapter 1: Alone
Chapter 2: Scared
Chapter 3: Doubt
Chapter 4: Dangerous
Chapter 5: Beautiful
Chapter 6: Faint
Chapter 7: Serious
Chapter 8: Whisper
Chapter 9: Serve
Chapter 10: Mortgage
Chapter 11: Caress
Chapter 12: Astonished
Chapter 13: Pretend
Chapter 14: Crying
Chapter 15: Favorite
Chapter 16: Embraced
Chapter 17: Impetuous
Chapter 18: Mischievous
Chapter 20: Truth
Author's Note
Chapter 21: Loud
Chapter 22: World
Chapter 23: Smile
Chapter 24: Fast
Chapter 25: Crazy
Chapter 26: Hurt
Chapter 27: Happiness
Chapter 28: Voice
Chapter 29: Beloved
Author's Note
Author's Note Again
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Memory
Chapter 32: Promise
Chapter 33: Catch
Chapter 34: Lost
Chapter 35: Longing
Chapter 36: Walk
Chapter 37: Remember
Chapter 38: Figurative
Author's Note
Chapter 39: Sibling
Chapter 40: Sleep
Chapter 41: Name
Chapter 42: Nervous

Chapter 19: Open

70K 1.6K 90
De Kiara_Chan08

Open is to move (a door, window, etc.) so that an opening is no longer covered.

*****

Chapter 19

"Wear this." Inabot nito sa akin ang isang leather jacket.

"D-diyan tayo sasakay?" I nervously asked. Nakamata lang ako sa itim na Harley Davidson sa aking harapan. I never rode a motorcycle in my whole life, let alone motorbike.

"Yup," tipid nitong sagot. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya at pagkatapos inipit ang ilang hibla ng buhok sa aking tenga bago sinuot nito ang helmet sa akin. "Wait a sec, may tatawagan lang ako."

Tumalikod ito para makatawag. Ewan ko kung saan niya ako dadalhin. Ito kasi ang inutos niya sa akin na sasamahan ko raw siya sa pupuntahan niya. And I think it will be only the two of us. Himala at hindi nito sinama si Nate. Nasa basement kami ngayon ng Silvestri Empire building, ang kompanyang pagmamay-ari ni Rave. It's 50 storeys building and of course the last floor was the penthouse.

"Make sure we will be safe." Rinig kong huling sinabi ni Rave sa kausap bago nito pinatay ang cellphone. Kinuha nito ang isa pang helmet sa ibabaw ng motorbike at isinuot, pagkatapos ay umangkas doon at sinimulang paandarin. "Hop in," utos nito sa akin.

Alanganin akong umangkas dahil suot ko parin ang summer dress at ballet shoes. Hindi ko naman kasi alam na ito ang aming sasakyan kaya hindi na ako nakapagbihis na mas appropriate sa ganitong sasakyan. Naisuot ko na rin ang leather jacket na ibinigay nito at naaamoy ko roon ang amoy nito. While him, still wearing his jeans and a black t-shirt. Ang buhok nito ay medyo magulo na parang kakagising lang mula sa pagkakatulog. He looks more devishly handsome with his hair now than his usual prim and proper hair style.

Ngayon ko lang napansin na may pagkabadboy image pala ito at mas nakadagdag pa ng angas ang peklat nito sa mukha. Nang makaangkas na ako ay hindi ko naman alam kung saan ko ikakapit ang mga kamay ko. Nagdesisyon ako na kumapit na lang sa hulihang bahagi ng motorbike.

"Give me your hands."

"Ha?"

"I said give me your hands," ulit na sabi nito. Nalilitong iniabot ko rito ang mga kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko ng ipinulupot nito ang mga braso ko sa baywang nito. "Hold on tight if you don't want to fall," saad nito bago pinasibat ang sasakyan.

Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango nito. Ito yung amoy na hindi mo pagsasawaang amuyin. Ramdam ko rin sa mga palad ko ang matigas na tiyan nito. Malaki nga ang pagpipigil ko na huwag haplusin ang katawan nito.

Gosh! Nagiging manyak na yata ako!

Mga isang oras rin ang ginawa naming byahe bago kami huminto. Mabuti na lang at hapon na kaya hindi masyadong mainit. Luminga-linga ako sa paligid pero puro mga makakapal na damo at kakahuyan lang ang aking nakita. "Nandito na tayo?" Bumaba na rin ako mula sa pagkakasampa.

"Yes." Hinubad nito ang suot na helmet at pinaraanan ng mga daliri nito ang buhok nito na parang endorser lang ng shampoo. Bumaba narin ito at inabot ang helmet ko para alisin.

"Salamat." Inayos ko rin ang nagbuhol-buhol kong buhok. Habang ginagawa ko yun ay napansin kong nakatingin ito sa bandang leeg ko. May naglalarong ngiti sa mga labi nito na parang gustong-gusto ang nakikita.

Darn! The hickey!

Mabilis ko itong tinabunan ng buhok ko. Tumawa ito na ikinapula ko pa lalo.

Wait! Tama ba ako sa nakita kong tumatawa ito.

Tinignan ko ito uli at tama nga ako na tumatawa ito. And god! Hindi nga ako nagkakamali, mas gwapo ito pag tumatawa. "Let's go. May ipapakita ako sayo," sabay hawak nito sa kamay ko.

Sinulyapan ko ang magkahugpong naming mga kamay. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin na parang mawawala ako pag hindi nito hinigpitan. Ilang minuto kaming naglakad bago bumungad sa akin ang isang burol na punong-puno sa mga ligaw na bulaklak. May nag-iisang malaking puno ang nakatanim sa tuktok nito. Napanganga ako ng mapagtanto ang lugar na yun.

Goodness! Ang lugar na'to ay katulad sa napapanaginipan ko. Paanong alam ito ni Rave? Is this just a coincidence? O baka may koneksyon rito ang panaginip ko? Oh god! Iisa lang ba ang Angel na napapaniginipan ko sa Angel nito?

Sari-saring mga tanong na ang nabubuo sa aking isipan. Basta ang alam ko ay gusto ko na ng kasagutan dahil kung hindi ay baka sa mental na ako pupulutin. Umakyat kami sa tuktok at kitang-kita ko roon ang buong paligid. This place is amzingly beautiful. Sinamyo ko ang sariwang hangin na may dalang bango na galing sa mga bulaklak. Ramdam ko na naman na parang pamilyar ang lugar na ito na bukod sa napapaginipan ko ito ay parang nakapunta na ako rito noon. "Is this yours?" tanong ko.

"Yes. Ou... My secret paradise. Matagal narin na hindi ako nakakapunta rito."

"It's beautiful," nakangiting puri ko.

"Yeah. So beautiful," sangayon nito pero ng bumaling ako rito ay sa akin naman ito nakatingin. Nag-init tuloy ang pisngi ko at nagbaba ng tingin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na naupo ito sa damuhan. "Come, sit beside me," aya nito sa akin. Umupo naman ako pero hindi masyadong malapit rito.

I was shocked when he suddenly put his head on my lap. "I want to sleep so, I will borrow your lap for a while." Nakapikit na ang mga mata nito kaya hindi ko magawang tumanggi. Nagpakawala ako ng hininga at inayos ang pagkaka-upo para hindi ako mangawit.

"Kaya pala sinama ako para gawing unan," mahinang reklamo ko. Ilang sandali lang ay nakatulog na ito base sa paraan ng paghinga nito. Binalingan ko ang punong nasa likod ko. Naningkit ang mga mata ko ng mapansin na may nakaukit roon.

Angel love Hades 4-ever

Ito rin ang yung mga pangalan doon sa dedication sa libro. Ngayon nakakasigurado na akong si Hades ay si Rave. Ewan ko lang kung ang Angel ay tunay na pangalan o isang alyas o endearment. Bumalik ang tingin ko sa natutulog na lalake. "Sino ba si Angel sa buhay mo?" kausap ko rito. Naninikip ang puso ko ng maisip na may nagmamay-ari na sa puso nito. I started to trace his scar. "And what really happened to you?"

Gabi na ng maka-uwi kami. Bukas ng hapon pa raw kami uuwi sa mansyon dahil may aasikasuhin pa raw ito sa opisina. Private elevator pala ang ginagamit namin kaya pala wala kaming nakakasabay na mga empleyado kanina. Tahimik narin ang buong gusali.

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay agad namang umalis si Rave at may aasikasuhin raw itong importante. "Bakit hindi ka yata sumama?" tanong ko kay Nate.

"Babantayan ko raw ang buhay niya," sagot nito.

"Ano?" Hindi ko kasi magets ang sagot nito.

"Maiintindihan mo rin. Bilin pala ni Adrian sa kwarto ka niya matutulog."

"Ha? Okey lang naman sa guest room ako," tanggi ko. Nakakahiya naman kasi.

"No, I insist. Papagalitan na naman kasi ako nun pag hindi nangyayari ang inuutos nito."

"Bakit pala tinatawag mo na siyang Adrian at hindi na Primo. At isa pa, iyong pakikitungo mo sa kanya kakaiba na rin kaysa naroon tayo sa mansyon?" hindi ko maiwasang itanong.

Bumuntong-hininga muna ito. "Papaano ka ba ito ipapaliwanag. Diba nasabi na sayo na Adrian na hindi saklaw rito ang mga batas ng mansyon." Tumango lang ako. "Kaya ito, hindi na ako nagpapanggap pa. And Adrian is not just my employer but my friend also."

"Kung ganun nagpapanggap ka lang doon sa mansyon?"

"Oo dahil kung hindi lagot ako sa matandang Silvestri. Marami pa namang mga mata iyon roon sa loob ng mansyon. The same goes to Adrian."

"S-sinong matandang Silvestri?"

"Mas mabuti kung si Adrian na lang ang magpapaliwanag sayo Miss Krishna. Magpahinga ka na, babyahe pa tayo bukas," pagtataboy nito sa akin. Hindi na ako nagpumilit pa baka sabihin pa nitong napaka-pakialamera ko. Pumunta na lang ako sa kwarto ni Rave para matulog.

Kinabukasan ay nagising akong walang mahagilap na tao sa buong penthouse. Hindi pa yata nakaka-uwi si Rave at si Nate naman ay umalis sandali at may bibilhin lang base sa iniwan nitong note sa dining table. Katabi nito ang nakahandang almusal para sa akin. Bigla tuloy akong ginutom ng makita ang masarap na pagkain.

Pagkatapos kong mag-agahan ay nagpasya akong maglibot sa buong penthouse. Iniisa-isa kong buksan ang mga pinto roon. Natuwa ako ng pagbukas ko sa huling pinto ay library ang bumungad sa akin. "Wow! May silid aklatan rin dito? Talagang mahilig sa libro ang Primo ha."
Pumasok ako at tumingin-tingin sa mga libro na naroroon.

Nahagip ng mga mata ko ay isang libro na hindi maayos ang pagkasalansan sa shelf. Binasa ko ang gilid nito at nalaman na katulad ito sa librong nakita ko sa opisina ni Rave at ang pinakapaborito kong libro. Kinuha ko ito para maisaayos ko ang pagkakalagay ng bigla na lang gumalaw ang estante pakanan at bumungad sa akin ang isang pinto.

Shocks! It's a secret door!

Wala itong doorknob pero may maliit na screen sa gilid nito. Sinuri ko ito at napansin na katulad ito sa mga napapanood kong pelikula kung saan nilalagay mo roon ang thumbmark mo para mabuksan ang pinto. "Ang hi-tech naman nito. Hindi basta-basta ang makakabukas nito ha. Ano kaya ang nasa loob?"

Sinubukan kong ilagay ang thumbmark ko roon kahit alam ko namang hindi ko yun mabubuksan. Sa pagkagulat ko ay bigla na lang umilaw ang screen at may lumabas na salitang "IDENTIFY" roon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pinto na unti-unting bumukas.

*****

-LG-

03-28-15

Continue lendo

Você também vai gostar

867K 23.8K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...