A Wife's Suffer

By FloralBride

7.7M 93.1K 4.4K

Isang babae hindi sinasadyang gawin ang kanyang kasalanan sa lalaking mapagmahal at mapag-aruga noon. Makakay... More

Prologue
Chapter 1: It is the starting point.
Chapter 2: The Wife's Past
Chapter 3: Her Past (Part 1)
Chapter 4: Her Past (Part 2)
Chapter 5: Worried
Chapter 6: His POV
Chapter 7: The Party
Chapter 8: The Sick Person
Chapter 9: The Caring Person
Chapter 10: Sticky Note
Chapter 11: Trip to Boracay (Part 1)
Chapter 12: Trip to Boracay (Part 2)
Chapter 13: You again?!
Chapter 14: A Friendly Date
Chapter 15: She's A Whore
Chapter 16: His Explanation
Chapter 17: The Word 'Sorry'
Chapter 18: We're friends once again
Chapter 19: College Days (Part 1)
Chapter 20: College Days (Part 2)
Chapter 21: Who's that Girl?
Chapter 22: Shopping with his sister
Chapter 23: Are you sulking?
Chapter 24: Fiesta Day
Chapter 25: Serenade
Chapter 26: Back to the start again
Chapter 27: Where Is He?
Chapter 28: The Special Dinner
Chapter 29: Sweet Home
Chapter 30: Last Hatred
Chapter 31: Thinking Of Her
Chapter 32: The Phrase "Space and Time"
Chapter 33: After She Made The Right Decision
Chapter 34: The Day of their Encounter
Chapter 35: Chasing Her
Chapter 36: Running Away
Chapter 37: Another Alvarez
Chapter 38: Serious talk
Chapter 39: The Secretary
Chapter 40: Who's This?
Chapter 41: Treat in the Cafe
Chapter 42: Success or Failed?
Chapter 44: Before "THE DAY"
Chapter 45: The Day
Chapter 46: Sweet Proposal
Chapter 47: She's Back
Chapter 48: The Revelation (Part 1)
Chapter 49: The Revelation (Part 2)
Chapter 50: The Revelation (Part 3)
Chapter 51: The Reason
Chapter 52: Gender
Chapter 53: Name
Chapter 54: What She Wants
Chapter 55: The Signature
Epilogue
Question and Answer Portion

Chapter 43: Love Confession

98.9K 1.1K 83
By FloralBride

A/N: Oh! woah! Nakita ko na yung mga comments niyo guys kay Lucky. Hay... feel ko ganun talaga yung nasa utak ni Lucky o kaya natrauma lang talaga siya guys. :( Intindihin na lang natin siya. :) So here's the next chapter.

LUCKY'S POV 

"Lucky."

"Lucky."

"Lucky!" bigla akong nagulat at bumalik sa realidad dahil sa pagtawag sa akin ni Andrei. Nakita ko na nakagreen na ang ibig sabihin ay "Go" na kaya pinaandar ko na ito bago pa may bumisina sa likod namin.

"Talaga bang okay ka na ba Lucky?" tanong sa akin ni Andrei. Hindi na lang ako sumagot dahil wala pa ako sa huwisyo at iniisp ko pa rin yung nangyari kanina. Masyado ko na ba sinaktan si Stephen? Eh sa palagay ko naman wala pa sa dinaranas kong sakit nung magkasama pa kami sa bahay.

"Hay...Lucky please magsalita ka naman. Ayoko naman na makita kita ng ganito." sabi sa akin ni Andrei. 

"Sorry nga pala Andrei kanina." sabi ko sa kaniya dahil 3 days pa lang siya doon sa Laguna ay pinapunta ko pa siya doon sa resort na iyon. Nalaman kong malapit lang pala kami sa Laguna pero nakakahiya pa rin kasi dapat nandoon siya sa cover area nila kasi kailangan siya doon at importante.

"Okay lang atleast may pumalit agad muna sa akin pero next week ay ako na magtatake over." sabi niya sa akin. 

"Sorry ulit pala Andrei sa inasal sa iyo ni Stephen." tumingin sa akin si Andrei at umiling tapos ay napabaling siya sa bintana.

"Okay lang, asawa mo pa rin naman siya eh tsaka kung ako naman siya eh ganun rin yung mararamdaman ko." sabi niya sa akin.

Pagkatapos non ay tumahimik na lang ulit kaming dalawa at parang nagkakaintindihan kami na wag na muna pag-usapan iyon. Pagkadating namin sa condo ay lumabas na akong sa sasakyan at nung tutulungan ko na si Andrei ay

"Kaya ko na ito Lucky, hindi naman masyado masakit yung pagsuntok sa akin ni Stephen." sabi niya sa akin pero tumanggi pa rin ako pero in the end ay siya pa rin yung bumaba sa sasakyan niya. 

"Andrei pwede ba kahit ako na gumamot sa mga sugat mo?" tanong ko sa kaniya pagkababa niya at pagkapindot ng susi ng kotse niya para ilock. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at kahit ako ay naawa ako sa kalagayan niya dahil namamaga yung mata nito at yung parte ng mukha niya. Kahit pakiramdam ko ay masakit sa kaniya ngumiti ay ngumiti naman siya at tumango.

Habang papunta kami sa unit ko ay inaalalayan ko siya. Pagkapasok namin sa unit ko ay pinaupo ko siya at kinuha ko yung first aid kit sa kwarto ko at bumalik na ako sa living room. Pagkaupo ko ay sinimulan ko na gamutin yung mga sugat niya sa mukha. Habang ginagamot ko yung mga sugat niya ay nakatingin siya sa akin.

"Lucky, namamaga pa rin yung mga mata mo." sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at

"Mawawala rin yan." pagkatapos kong sabihin iyon ay ginamot ko ulit yung mga sugat niya.

"Lucky.....mahal mo pa ba siya?" pagkasabi niya iyon ay napatigil yung paggagamot ko sa kaniya. Nang mahimasmasan ako ay pinagpatuloy ko na lang ulit yung paggagamot ko.

"Sino ba iyon Andrei? San mo na---" 

"Lucky maging seryoso tayo dito. Alam mo naman kung sino iyon diba?" tanong niya sa akin. Tinigil ko na muna yung paggamot ko sa kaniya at tumayo na muna ako at pumunta sa kitchen pagkatapos ay kumuha ako ng yelo sa ref at nilagay ko iyon sa isang lalagyan na ang itsura ay supot at bumalik na ulit ako sa living room at binigay ko sa kaniya.

"Naguguluhan pa rin ako Andrei. Hindi ko alam kung sapat na ba yung oras na hinihingi ko sa kaniya kasi alam mo naman diba yung naging sitwasyon namin ni Stephen diba? Alam kong nasaksihan mo rin iyon kaya paano mo masasabi na mahal ko pa rin si Stephen?" tumingin na ako sa kaniya na may pagtatanong sa aking mukha at nanghihingi rin ng sagot. Siya naman ay bumuntong hininga at

"Lucky....there's something I want to tell you." habang sinasabi niya iyon ay nakatingin siya sa akin ng seryoso. 

"I love you." pagkasabi niya iyon ay biglang lumihis yung tingin niya sa akin habang ako ay hindi pa rin maproseso yung sinabi niya sa akin. Ma--mahal niya ako? Tumingin ako sa kaniya ng buong pagtataka at

"Hindi ako magsosorry dahil mahal kita Lucky at dahil kinagusto ko rin ito. Tinago ko itong nararamdaman ko kasi ayaw ko guluhin yung iniisip mo at ayaw kong guluhin yung relasyon ni Stephen pero sa palagay ko ngayon ay mas lalo ko lang ata ginulo yung utak mo." pagkatapos niyon ay ngumit siya ng pilit at tumingin sa harap which is sa LED TV ko dito.

"Ba--bakit? Bakit ako p-pa Andrei eh madami naman dyan babae, ba't ako pa?" tanong ko sa kaniya. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin ng diretso at

"Dahil kakaiba ka sa kanila. Dahil kahit nasasaktan ka na eh masaya ka pa rin kahit nasa tabi mo lang siya at hindi ka pa niya iniiwan. Kahit binubugbog ka na kaniya ay okay lang sa iyo at ngumingiti ka pa rin sa kaniya. Kahit pinapahirapan ka na niya o pinagtatrabaho bilang katulong sa bahay niyo ay nandoon ka pa rin sa tabi niya at kahit nakikita ko na nalulungkot ka dahil nakita mo lang siya may kasamang babae ay okay lang sa iyo at hindi ka pa rin sumusuko sa kaniya." mahabang paliwanag sa akin ni Andrei. Ngayon naman ay ako naman ang napalihis ng tingin.

"Ang tanong ko Lucky, mahal mo pa ba siya?" tanong niya sa akin. Mahal ko pa rin ba si Stephen? Handa na ba ako sumama sa kaniya ulit?

"Sa palagay ko oo." sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya ng diretso at nakita ko na nasaktan siya. 

"Andrei ayoko ng ganito please. Nakita mo naman na naguguluhan rin ako sa nararamdaman ko diba?"

"Pero Lucky ako naman? Pwede bang ireconsider ko yung sarili ko sa puso mo dyan? Pwede bang pabayaan mo akong pumasok diyan sa puso mo? Dahil ako alam ko sa sarili ko na maalagaan kita at mamahalin kita ng lubos kaysa sa asawa mo." sabi niya sa akin. 

"An---Andrei pwede bang sa susunod na lang tayo mag-usap biglang na lang sumakit yung ulo ko." sabi ko sa kaniya.

"Pero Lucky tinatakasan mo yung problema eh tsa--"

"Sige nga Andrei?! Paano kung naguguluhan na nga ako kung ipapagpatuloy ko pa rin ba yung relasyon namin ni Stephen tapos ngayon ay yung pag-amin mo sa akin? Sa palagay mo ganun kadali?! Andrei kailangan rin ng panahon para makapag-isip." sabi ko sa kaniya. Pagkasabi ko nun ay bigla akong hiningal. Nakita ko naman sa kaniya na binababa niya yung ice pack sa lamesa at 

"Naiintindihan ko. Naiintindihan ko kasi naguguluhan ka pa, kasi hindi mo alam kung ready ka ba ulit itake risk yung pagiging mag-asawa niyo ni Stephen pero isipin mo rin Lucky paano naman si Stephen na pinaghintay mo siya ng isang buwan at kalahati dahil sa gusto mong space and time, sa palgay mo ba naging fair ka sa kaniya? Sa ngayon ayoko manghusga muna kung nagbago ba siya o hindi pero ito lang ang masasabi ko sa iyo naging fair ka ba sa kaniya?

Paano naman ako Lucky, subukan mo kahit two weeks na papaligayahan kita at maranasan mong ulit magmahal. Hindi naman kita pinipilit pero sana ireconsider mo naman yung nararamdaman ko sa iyo." pagkasabi niya iyon ay tumayo na siya

"Pag-isipan mong mabuti Lucky kasi meron at meron talaga masasaktan ng todo sa atin tatlo pero kung ako yung tatanungin mo ay baka ngayon kapag sinabi mo na agad sa akin yung sagot mo doon sa pag-amin ko sa iyo ay baka hindi ko makaya." pagkatapos iyon ay lumabas na siya sa unit ko. Ako naman ay napabuga ng hangin at napasandal sa sofa ko pagkatapos ay nilagay ko yung arms ko sa may mata ko dahil sa pag-amin sa akin ni Andrei at yung sa amin rin ni Stephen. Bakit naging ganito? Nagiging komplikado na. 

Habang nagmumuni-muni ako ay may naramdaman kong may nagvibrate sa bag ko at kinuha ko yung cellphone ko. Pagkaopen ko sa message ay

From: +69345

Good evening my love. I hope you sleep well today and you have a job for tomorrow. I hope tomorrow will be a happy day for you my love. :)

Pagkabasa ko sa cellphone ay bigla lang sumakit yung ulo ko kaya gusto ko sana na itext si Ms. Shanice dahil sigurado akong bukas ay puro palpak yung magagawa kong trabaho. Pero naisip ko rin na kakatanggap ko pa lang sa trabaho ay manghihingi na ako ng leave kay Ms. Shanice.

Kaya sa wala na akong choice ay tumayo na ako at pumunta na ako sa CR at naligo na lang. Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa kwarto ko at nagsuot na ako ng pajama at binonlower ko na yung buhok ko para matuyo. Pagkatuyo ay kinuha ko yung cellphone ko at bag sa living room at nahiga na sa kama ko. 

Nang umatake na naman yung sakit ng ulo ko ay wala na akong nagawa at tumayo ulit ako at kinuha ko yung gamot para sa sakit ng ulo. Pagkainom ko ay bumalik na lang ulit ako sa kama. Mga sandali lang ay nakatulog na ako.

Pagkagising ko ay tiningnan ko yung mga nagtext sa akin.

From: Andrei

Good morning sunshine and rise up in your bed. Ihahatid kita ngayon sa office mo kaya maghihintay ako sa iyo sa labas ng unit mo ng 7. Wag ka ng umangal at magmamatigas na ako kasi manliligaw na ako sa iyo sa ayaw at gusto mo. ;)

From: +69345

Good morning my love. I hope this day will be a lucky and special day for you. ;)

Pagkabasa doon sa dalawang nagmessage sa akin ay napabuntong hininga ako at the same time ay napangiti na rin ako kasi wala na rin naman ako magagawa eh kaya tumayo na ako at hinanda ko na yung sarili ko. Pagkatingin ko sa orasan ay 7 na kaya lumabas na ako sa unit ko at naabutan ko si Andrei na nakatayo nga sa unit ko at may hawak isang daisy at sandwich. 

Binigay naman niya sa akin yung dalawa iyon at tinanggap ko naman iyon. Ngayon ay naglalakad na kami at

"Alam kong nagmamadali ka kaya ginawan kita ng sandwich. Wag kang mag-alala at wala iyang lason o gayuma." pagkatapos niyon ay kinindatan niya ako. Napangiti na lang ako sa kaniya. Pagkadating namin sa parking lot ay pinasakay niya muna ako sa passenger's seat at nang nakasakay na ako ay umikot siya at sumakay na rin siya sa driver's seat.

"Kainin mo na yung sandwich ko habang nagdadrive ako. Wag ka gawa ko iyan ng buong pagmamahal." sabi niya sa akin. Ako naman ay ngumiti at nagulat na lang ako na biglang lumapit sa akin si Andrei nang may narinig akong tunog ng 'Click' sa gilid ko. Pagtingin ko ay sinabit lang pala sa akin yung seatbelt. Natatawa na bumalik sa upuan si Andrei at pinaandar yung sasakyan.

"Hmp! Hindi nakakatuwa Andrei." sabi ko sa kaniya ng may simangot. Pinisil naman niya yung pisngi ko at pinalo ko yung kamay niya. 

"Oo na, oo na ito na po." pagkasabi niya ay umalis na kami. Habang nagdadrive siya ay ako naman ay kinakain yung sandwich na gawa niya at masasabi kong masarap. Pagdating namin sa company ay bababa na sana ako ng biglang hinalikan ako sa cheeks ni Andrei. Bigla akong tumingin sa kaniya at nakatingin lang siya ng diretso ng may ngiting tagumpay. Napailing na lang ako at

"Sige na Andrei, bye na." sabi ko sa kaniya ng nakababa na ako pero bago ko isarado yung pinto niya ay may sinabi siya sa akin

"Wait Lucky, mamaya susunduin kita so exactly 6 nandito na ako. See you!" pagkatapos iyon ay sinarado na niya yung pinto at pinatakbo na niya yung sasakyan niya. Nang nakaalis na siya ay may bumulong sa tenga ko

"Oh...sino yung tinitingnan mo Mrs. Alvarez?" pagkasabi iyon ay bigla ako humarap doon sa taong iyon at hindi ko namalayan na nahalikan na niya ako. Pagkatapos iyon ay nakangiti na siya sa akin. Tumingin ako sa mga tao at nakita ko na nakatingin sila sa amin dahil sa kahihiyan ay nagsimula na akong maglakad papasok sa company at habang naglalakad ako ay nakasabay ko na siya.

Nang nasa elevator na kami ay bumukas ito ay eksaktong may mga empleyado doon kaya nakahinga ako ng maluwag at pumasok na kaming dalawa. Mabuti at humiwalay na muna ako sa kaniya pero habang naghihintay ako at dahil bawat floor pala nito ay isa isa lumalabas ay paunti ng paunti kami hanggang naging dalawa na lang sa elevator. Namalayan ko na lang na sobrang dikit na sa akin ni Stephen kaya lumayo ako sa kaniya pero dahil matigas rin yung ulo niya ay sumusunod siya sa akin.

Nang tumunog na yung elevator hudyat na nandito na kami ay lumabas na kaming dalawa. Pagkapasok namin sa office ni Ms. Shanice ay nakita kong si Ms. Shanice na nasa table na siya at may isang kaedad niyang lalaki na nasa tabi niya, siguro ito yung asawa ni Ms. Shanice base na rin sa nakikita kong singsing at magkaparehas iyon. 

Nang napansin na ni Ms. Shanice yung presensiya namin ay umangat yung ulo niya at ngumiti. Sunod ay may binulong siya doon sa lalaki at yung lalaki ay tumingin sa akin pagkatapos ay ngumiti. Tumayo na si Ms. Shanice at hinawakan niya yung kamay nung lalaki at lumapit silang dalawa sa amin.

"Lucky meet my husband Miguel Cruz and the CEO of this company, Hub meet my secretary Lucky." pagkasabi ni Ms. Shanice ay nakipagkamay ako kay Sir. Miguel at ngumiti rin. Tumikhim naman yung nasa tabi ko at nasa tabi ko lang si Stephen. Nakita ko na napatawa ng mahinhin si Ms. Shanice at may binulong si Sir Miguel kay Ms. Shanice na ikinangiti iyon.

Pagkatapos iyon ay "Uhm...Lucky can you get us 3 black coffee." pagkasabi ni Ms. Shanice ay tumango ako at lumabas na sa office ni Ms. Shanice pagkatapos ay inihanda ko na yung kape nila. Pagkaraan ng ilang minuto ay dinalhan ko na ito sa office ni Ms. Shanice at nakikita ko na nag-uusap ng seryoso si Stephen, Ms. Shanice at si Sir Miguel. Nang nakapasok na ako ay patuloy pa rin sila sa pag-uusap at habang binababa ko yung kape nila ay hindi ko maiwasan na makita sa peripheral vision ko na tumitingin sa akin si Stephen.

Pagkatapos kong iserve sa kanila ay tumango na ako kay Ms. Shanice at lumabas na. Pumunta na ako sa table ko at ginawa ko na yung dapat gawin. Pero habang gumagawa ako ay hindi ko pa rin maisipan na parang wala lang kay Stephen o parang wala lang nangyari kahapon. Pinapatunayan ba niya sa akin na nagbabago na siya para sa akin talaga? Isang oras na nakakalipas ay may nakaharap sa akin na delivery boy na may dalang basket of roses. 

"Uhm sir, may I help you?" tanong ko sa kaniya.

"Uhm saan po ba si Ms. Lucky Evangelista?" tanong sa akin ni delivery boy at parang chinecheck niya doon sa list niya. Ako naman ay nagulat at ako yung nakalista doon.

"Uhm ako po iyon, sino po yung nagpadala?" tanong ko doon sa delivery boy

"Ah, hindi po sinabi dito eh. Ito po pakisign po Ms." pagkasabi niya ay sinign ko iyon at binigay na sa akin yung basket of roses. Inamoy ko ito at mabango. Pagkatapos iyon ay umalis na yung delivery boy. Pagkaalis ng delivery boy ay tiningnan ko kung may card at meron nga nakasabit.

To: My Wife "Mrs. Alvarez"

Sorry sa nangyari kahapon at I love you. I hope you can allow me to court you whether we are husband and wife. :) I love you my wife and I hope you forgive me on what I've done yesterday.

From: Your Husband "Mr. Alvarez" 

Pagkabasa doon ay biglang lumabas si Ms. Shanice, Sir Miguel, at si Stephen. Nakita ko na biglang lumapit sa akin si Ms. Shanice at naningning yung mga mata nito.

"Oh! Who's this lucky guy? Who sent this basket of roses of yours? He's so sweet. Is he your boyfriend Ms. Evangelista?" tanong sa akin ni Ms. Shanice. Ako naman ay hindi ko mapigilan na mamula dahil ang nagbigay lang naman sa akin ay yung kliyente namin at asawa ko pa. Tumingin ako kay Stephen at nakita ko na kinindatan lang niya ako.

"Sweetheart bakit mo ba pinapakielam yung privacy ni Lucky? Eh hindi ka naman yung tumanggap nung bulaklak eh." sabi ni Sir Miguel kay Ms. Shanice. Nakita ko na sumimangot si Ms. Shanice at

"Hindi ko naman pinapakielam yung privacy ni Lucky, Hub eh. Nacucurious lang ako." sabi ni Ms. Shanice kay Sir Miguel. Umiling naman si Sir Miguel at hinatak na ni Sir Miguel si Ms. Shanice palapit sa kaniya at humarap sa akin.

"Uhm Lucky, for now dahil nandito na rin ako ay ikaw rin yung magiging secretary ko it means na kaming dalawa ng asawa ko ay magiging boss mo na kaya sana makaya mo kaming dalawa pero don't worry kasi minsan wala ako dito sa office." sabi sa akin ni Sir Miguel. Ngumiti at tumango naman ako sa sinabi niya. Mabait naman pala si Sir Miguel at mapagmahal pang asawa. Nakakatuwang isipin na meron pa rin ganitong couple.

"Uhm...aalis lang muna kami ni Miguel dahil may emergency sa bahay pero babalik naman kami o ako as soon as possible. So Mr. Alvarez, thank you for your cooperation and I hope we can expand this business." sabi ni Ms. Shanice sa akin at pagkatapos ay kay Stephen.

"Your welcome Mrs. Shanice Gayle Cruz and I hope too that this business will be successful." pagkasabi niya iyon ay nakipagkamay na silang dalawa at umalis na ang mag-asawang Cruz at talagang nagmamadali.

Ako naman ay bumalik lang ako sa ginagawa ko at 

"Later we will have a date Mrs. Alvarez at exactly 6 PM. No buts, Mrs. Alvarez." pagkasabi niya iyon sa akin ay napatingin ako sa kaniya at bigla na naman ako hinalikan sa lips. Pagkatapos iyon tumayo na siya at pumasok na siya sa elevator. Habang ako naman ay napatanga dahil mamayang 6 PM. Sino pipiliin ko si Andrei o si Stephen?

A/N: Oh my Gosh! Guys sino dapat papiliin ni Lucky si Andrei o si Stephen? Aish! Yan ang mahirap guys. Choose between the two guys. Goodluck Lucky! Ciao! -FloralBride ;)

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 2.9K 5
Del Rio's Selfless Wife Note: You can read the whole story on Dreame App and Yugto App R-18+ TEASER: Marriage is a sacred sacrament. God bless us as...
385K 7.7K 58
Every sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo High...
13M 126K 61
Meet Azalea Elle Lopez, an almost bride na tinakbuhan ng kanyang groom sa hindi malamang dahilan. Paano na niya haharapin ang buhay niya lalo na't ma...