LOVELUST (Completed)

By GreenMasCARA

4.5M 49.3K 1.4K

Si LEYLA NAVARRO ay isang probinsyana, mahinhin at tahimik na dalaga. Sa kagustuhang mag aral sa maynila ay n... More

LOVE LUST
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25 (Last part)
A/N
EPILOGUE/PROLOGUE
2-1
2-2
2-3
2-4
2-5
2-6
2-8
2-9
2-10
2-11
2-12
2-13
2-14
2-15
2-16
2-17
2-18
2-19
2-20
2-21
2-22
2-23
2-24 (FINAL CHAPTER)
(SPECIAL CHAPTER)

2-7

77.5K 885 42
By GreenMasCARA

Tulala ako habang nakaupo sa papag namin, Ang himbing ng tulog ni gael, Paro ako kahit ang pumikit lang mag-damag hindi ko nagawa,

Gulong-gulo ang isip ko sa mga sinabi ng mama ni grey kahapon.

Naalala ko na naman ang mga nangyari..

"Ano pang hinihintay mo hija? Ayusin mo na ang mga gamit niyo," nakangiti niyang saad,

hindi ako makasagot sa gulat ko, Parang naputol ang dila ko,

"Hija? aish, nevermind, come my grandson, puntahan na natin ang daddy mo,"

Hinawakan niya ang kamay ni gael,

"Opo,"

"Sandali po!" Bigla kong saad kasabay ang pag hila kay gael,

Halata ang pagkagulat sa mukha ng babaeng kaharap ko,

"Gael pumasok ka muna sa bahay sige na,"

"Pero nanay gusto makita ni gael si tatay," nakanguso niyang saad,

"Makinig kay nanay gael, Pumasok ka muna sa bahay," Mahinahon na sabi ko, malungkot na tumango siya,

"Aww! nalungkot tuloy ang apo ko," Tinignan ko ulit ang babaeng nasa harap ko,

"Excuse po, Sino po ba kayo?"

"Oh, I forgot to intruduce myself, Sorry hija masyado lang akong naexcite sa apo ko..," nilahad niya kamay niya sa harapan ko,
"Im Vivien Smith-oxford, Greys mom." Kahit may hinala na akong mama siya ni grey, nagulat pa rin ako sa sinabi niya,

Hindi ko tinanggap ang kamay niya kahit na alam kong kabastusan yon,

"Sorry po maam, Pero hindi po anak ng anak niyo ang anak ko, Kung pwede lang po umalis na kayo, Magandang gabi po." Malamig na saad ko bago naglakad papunta sa bahay,

"May karapan kami sa bata." natigilan ako sa paglalakad ng magsalita siya,

"Ano pong ibig niyong sabihin?" lumingon ulit ako sa kanya.

"Hindi mo pwedeng tanggalin ang karapatan namin sa anak mo hija, Apo ko siya anak siya ni grey, May karapatan kami sa bata," Saad niya.

"Hindi niyo po siya apo," Naiinis na ko, natatakot pero pinapanatili ko pa ring kalmado ako,

Huminga siya ng malalim,

"Halatang sabik ang bata sa daddy niya hija, bakit hindi mo siya ipakilala? Ayaw mo bang mabuo ang pamilya niyo?"

"Umalis na po kayo," Saad ko,

Tinignan niya ko ng matagal bago nag salita ulit,

"Ayokong gawin ito pero kung mag mamatigas ka.. mapipilatan akong iharap to sa korte.., Pag isipan mong mabuti hija, Aalis na ko.."

Huminga ako ng malalim, Alam ko wala akong laban a korte pag nagkataon, mayaman sila kaya anong laban ko,

Bwiset talaga siya! bakit sinabi niya sa mama niya ang tungkol kay gael! Shit talaga!

Tumayo ako ag dimiretso sa cr, Humanda siya sakin!

"San ka po pupunta nanay?" sabi ni gael na kakagising lang, si gael pala! San ko naman iiwan ang anak ko sa ganito kaaga? Ayoko naman na isama siya..

"Bibili lang ako ng almusal," sagot ko habang nagsusuklay,

"Bibili lang po kayo pero nakabibis dapat? Bakit ganon?" Takang tanong niya,

"May pupuntahan si nanay pagkatapos kong bumili,"

"Sama si gael!" Tumayo siya tapos yumakap sa hita ko,

"Hindi pwede baby, Saglit lang naman ako, kaya dito ka lang ha? Wag lalabas ng bahay okay?" Saad ko,

ngumuso siya tapos tumango,

kawawa naman ang anak ko lagi ko na lang siyang iniiwan mag isa,

"Saglit lang ako, May papatayin lang si nanay.."

"Papatayin? Hala bad yon nanay, makukulong ka, tapos ang liit mo pa nanay" Natawa ako sa sinabi niya, Bakit pati height ko nadamay?

"Joke lang, ikaw talaga, Pati height kong na nanahimik dinadamay mo," Kinurot ko ang pisngi niya, "Sige na hilamos at tooth brush na,"

"Opo maam!" sabay saludo niya,

Pagkatapos naming kumain umalis na ko, pero katakot-takot na bilin muna ang ginawa ko sa kanya bago umalis,

Sasabihan ko sana si claire na pakitignan siya pero sarado pa ang bahay nila,

Pagdating ko sa kompanya niya lumapit ako sa receptionist,

"Excuse po, Andyan na po ba si grey oxford?" tanong ko,

"May appointment po ba kayo maam?" tanong ng babae na nasa kabilang bahagi ng lamesa,

"Wala po, pero kailangan ko siyang makausap, andyan na ba siya?"

"Sorry maam, kailangan niyo po munang mag pa-a-appointment, Bumalik na lang po kayo bukas," nakakainis naman,

"Hihintayin ko na lang siya," sabi ko bago talikuran ang babae, Narinig ko pang tinawag niya ko pero hindi ko na pinansin,

Lumapit ako sa gray na sofang nakita at naupo doon, Kailangan pa talaga ng appointment, kakausapin lang eh!

Ilang minuto pa lang akong nakaupo doon nang may lumapit sakin na guard,

"Maam, kung maari lang po ay umalis na po kayo," Magalang na saad niya, pero nainis ako,

"Bakit niyo ko pinapaalis? nang gugulo ba ko?"

"Hindi po sa ganon maam pero hindi po kayo pwedeng maghintay dito, Mag seset daw po ng appointment yung receptionist tapos bumalik--"

"Hihintayin ko siya kuya, Saglit lang naman, kailangan ko lang talaga na kausapin siya," tinignan ako ni kuya na parang na aawa, bakit ganon naman siya makatingi sakin? Mukha ba kong kawawa?

"Maam pasensya n--"

"May problema ba?" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ang boses na yon,

"O leyla, Anong ginagawa mo dito?" mukhang nagulat siya na makita ako ngayon,

"Goodmorning sir, pasensya na po, ang kulit ni maam eh, gusto daw po kayong makausap," sabi ni kuyang guard,

Tumaas ang isang kilay niya habang nakatingin sakin,

"Hmm, sige kuya ako nang bahala,"

"Yes sir,"

"Miss na miss mo ba ako at ang aga-aga andito ka na agad?" pabiro niyang saad,

Inirapan ko siya,

"Joke, Hindi naman mabiro to, don tayo sa office ko," Sabi niya bago naglakad, Sumunod ako sa kanya, Kung wala lang makakakita samin pinatay ko na talaga siya,

Sobrang pagpipigil ang ginawa ko habang nasa elevator kami gusto ko na siyang sigawan pero hindi ko magawa,

Pagbukas niya ng glass door ng office niya doon na sumabog ang galit na nararamdaman ko,

"Nag break--Ah!"

"Gago ka! Bakit sinabi mo sa mama mo ang tungkol kay gael ha!?" inampas ko ulit sa ulo niya ang bag na hawak ko,

"Wha--aray! teka nga!" nakaharang ang dalawang kamay niya sa mukha niya,

"Kapal ng mukha mo! diba wala kang pakelam kay gael! bakit mo sinasabi sa parents mo! bwiset---"

Tok tok tok..

natigilan ako sa pag hampas sa kanya sa biglang pagbukas ng pinto,

"Good morning sir, Coffee?"

"Ahh, yes please, miss orello thank you" parang walang nangyaring sagot niya,

"What about you maam, Black coffee or--"

"No, Juice yung nag yeyelo, Sobrang init ng ulo eh" tinuro niya ang gilid ng ulo niya, Dahilan para malanding tumawa ang sexyng pumasok,

"Yes sir,"

Tumalikod na yung babae tapos ang manyak na si grey sa pwet agad nakatingin! grabe talaga!

Sinipa ko agad ang tuhod niya,

"Aray!" napayuko siya agad sabay hawak sa tuhod niya, Bagay sayo yan!

"Sir?" takang tanong nung babae paglingon niya samin,

Pilit na tumawa si grey, sabay iling

"Wala yon, Bring the coffee and the super cold juice please."

"Yes sir."

Paglabas nung babae tinignan niya ko ng masama,

"Ano bang problema mong sadista ka?!" singhal niya,

"Ikaw!"

Huminga siya ng malalim,

"Ano bang sinasabi mong sinabi ko sa parents ko ang tungkol kay gael? wala akong pinag sasabihan non kahit kanino," Saab niya,

Walang pinagsabihan? Kinakahiya niya si gael ganon? wala talaga siyang kwenta!

"Bakit nag punta ang mama mo sa bahay kahapon ha? paano niya nalaman?" medyo mahinahon na sabi ko,

"Nagpunta si mama sa inyo?" inulit niya lang!

"Oo"

"Bakit pupunta si mama don?..shit..." bulong niya na rinig ko naman,

"Hindi mo sinabi?"

"Hindi ko sinabi,"

"Paano nalaman ng mama mo?"

"Hindi ko alam," Mukhang nag iisip siya tapos naglakad siya palapit sa sofa, "Kakausapin ko si mama mamaya," sabi niya pa,

"Dapat lang, Sinabi niya na ihaharap niya raw sa korte yung tungkol kay gael, Hindi niya pwedeng gawin yon, Hindi niyo pwedeng kunin si gael sakin!"

"Calm down, hindi namin kukunin si gael, I promise," mukhang totoo naman ang sinabi niya kaya napahinga ako ng maluwang,

"So nag breakfast ka na ba?" pag iiba niya ng usapan,

"Oo, Aalis na ko," Naglakad na ko palapit sa pinto,

"What? pagkatapos mo kong bugbugin ng walang dahilan aalis kana?" Sabi niya pero hindi ko pinansin,

Pagbukas ko ng pinto tumambad sakin ang babaeng pumasok kanina, nilagpasan ko lang siya,

"Maam"

"Leyla!"

Narinig kong tawag nila pero hindi ko pinansin,

Siguraduhin niya lang talaga na hindi nila kukunin ang anak ko...

Pero bakit..

Ang gwapo ni grey?

Iniling ko ang ulo ko,

"Baliw.." bulong ko..


******

AN

heto lang ang kinaya ng dyosa kong pagiisip, magustuhan niyo sana po XD

---

SORRY PO TALAGA KUNG SOBRANG TAGAL NG UD KO T.T SOBRANG BUSY PO PROMISE! SANA MAY READER PA KO AT SANA MAINTINDIHAN NIYO PO,

MARAMING SALAMAT.

GreenMasCARA ⓖⓜⓒ

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 264K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson
224K 4.6K 67
Maaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman m...
1M 17.2K 47
kunin ang puso nya........ sa kahit anong paraan... yaan ang misyon ko bago ko napagtanto na sa una naming pagkikita ay nahulog na ko sakanya...