23

80.6K 748 17
                                    

Nagising ako sa lamig na nararamdaman ko, Hinigit ko ang kumot habang nakapikit pa rin, Bakit ba ang lamig! Naupo na ako sa kama tapos tinignan ko kaagad ang gilid ko, O nasan si grey?

Tatayo na sana ako ng mapansin ko na nakahubad pa rin ako, Namula agad ang pisngi ko ng maalala ang mga nangyari kanina, Shit! Nakakapagod pala yon! Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako. Tumayo ako at naghanap ng tshirt niya bago lumabas ng kwrto,

Bakit ang dilim dito? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pimtuan tapos kinapa ang switch ng ilaw,

"HAAA!" agad kong pinatay ulit ang ilaw.

"Shit!"

Tumakbo ako pabalik ng kwarto, Shit! Nakakahiya! wala akong panty o bra sa ilalim ng tshirt ko! baka nakita niya! Bwiset! Ano ba kasi ang ginagawa niya dito,

nilock ko yung pinto tapos pumasok ako sa banyo para maligo Sinuot ko na yung panty at bra ko at naghanap ako ng jogging pants sa mga damit ni grey bago lumabas ng banyo at dahan-dahan buksan ang pinto, Maliwanag na ang sala, nakita ko sa side ng pinto na nakaupo pa rin si green sa sofa.

"A-nong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakadungaw sa pinto.

"Why are you here?" balik na tanong niya. Nakatitig siya sakin kaya binaba ko ang tingin ko, Naiilang talaga ako sa kanya.

"N-nasan si grey?" tanong ko ulit. Nagkibit balikat siya,

"Marunong ka ba magluto?" Magluto?  Tumango ako, "Nagugutom na ko." ano ngayon? gusto kong isagot hindi ko lang kaya,

"A-alam ko may pagkain sa k-kusina ha, i-iinit na lang,"

"Init mo." Kung makautos naman siya parang katulong niya ko! Lumabas na ko ng kwarto para pumunta ng kusina, Alam kong sinusundan niya ko ng tingin habang nag lalakad ako, Kinakabaha ako, Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa presensya niya, Mukhang mabait naman siya kaya lang may something sa kanya na hindi ko maintindihan,

Kumalam ang sikmura ko ng maamoy ko ang mabangong amoy ng tinola, Ininit ko kaagad yon. Makakain nga rin,

Pero ano kayang ginagawa niya kanina sa sala? Hindi ko napansin kasi pinatay ko kaagad yung ilaw, Sa gulat ko. Bakit kasi iniwan ako ni grey dito eh! nakakainis naman!

Pinatay ko na ang kalan ng kumulo na ang tinola, Inanda ko ang lamesa bago tawagin si green.

Habang kumakain kami hindi ko mapigilan ang sukyapan siya, Ang tahimik niya masyado.

"B-bakit palagi kang nandito?" Basag ko sa katahimikan.

"I live here." ha? oo nga no! bakit hindi ko naisip na dito siya nakatira, Tanga ko talaga! Pero bakit wala naman sinasabi si grey? Bakit niya sasabihin sayo?

"Ah," Wala na kong masabi!

Hanggang matapos kami sa pagkain hindi na siya nagsalita.

"A-ko na mag liligpit, Prisinta ko ng makitang liligpitin niya ang lamesa, Binitawan niya ang plato tapos lumabas na ng kusina, Mababaliw siguro ako kung makakasama ko ng isang linggo ang lalaking katulad niya, Grabe! dapat dumikit siya kay farrah eh! Nang mahawa naman siya kahit konti lang sa kadaldalan non.

Nilinis ko muna ang kusina bago bumalik sa kwarto ni grey, Alas doss na ng madaling araw pero wala pa rin siya. Hays!  Sinubukan kong matulog pero nakailang ikot na ko sa kama niya hindi pa rin ako inaantok,  Hanggang sa magulat na lang ako ng makitang may liwanag na sa bintana,

"Umaga na pero wala pa rin siya.." Napatayo ako ng marinig ang pagbukas at sara ng pinto sa labas, Binuksan ko kaagad ang pinto ng kwarto,

"Grey.." Niluwagan ko yung bukas ng pinto, Amoy alak siya ng dumaan siya sakin, Mukhang nakainom nga siya medyo namumula kasi ang mukha niya tapos gulo gulo ang buhok,

"Anong oras na ba?" Tanong niya habang tinatanggal ang kanyang sapatos.

"Five yata,"

"Mamayang nine na kita ihahatid, Gisingin mo na lang ako." Hinubad niya ang tshirt niya bago gumapang paakyat sa kama at padapang nahiga.

"Saan ka ba galing?"

"Diyan lang." May diyan bang lugar?

"Saan diyan?" Tanong ko pa, Lumapit ako sa gilid ng kama para maupo, Napansin ko ang malalim niyang paghinga. Tulog agad siya?!

Nagbuntong hininga ako, tinitigan ko siya, Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako, Pakiramdam ko walang patutunguhan ang ginagawa ko. Sex lang talaga ang gusto niya sakin..

Nagbihis na ko ng uniform at lumabas na, Mukhang pagod siya kaya hindi na ko mag papahatid sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto niya ang pagbukas rin ng pinto sa kaliwag bahagi ng hallway,

"Green? Anong ginagawa mo diyan?" nagulat ako ng siya ang niluwa ng pintuan na yon. Akala ko ba dito siya kay grey nakatira? kaninong bahay yon?

"I told you, I live here." Sagot niya habang naglalakad, Sumunod ako sa kanya.

"Akala ko kay grey ka nakatira,"

"....."

Ting

Pumasok kami sa elevator.

"Mag kapit bahay pala kayo.." sabi ko pa. Pero deadma lang siya. Hindi ba napapanis laway niya? Ang layo ng ugali nila ni grey, pero tingin ko mas mabait si green kesa kay grey. Bakit ko ba sila pinag kukumpara?

-----

Isang linggo na ang nakalipas simula ng maging Sexmate, bedwarmer ako ni grey, Yan ang tawag nila farrah sa relasyon namin ni grey. Halos sa condo na niya ako kung tumira ngayon. Pero feeling ko wala pa rin nag babago samin, Puro sex lang,

"Pinapagawa ko pa la,"

"Yung mga bilin ko ha, Dinagdagan ko ang pinadala ko sayo apo, Baka kailanganin mo," saad ni lola, magkausap kami ngayon sa telepono,

"La, hindi ko naman kailangan eh, syaka baka wala ka ng pang gastos diyan,"

"Ano ka ba leyla, Kahit damo ang kainin ko ayos lang, impotante hindi ka nagugutom diyan, at pinagbubuti mo ang pag aaral mo," Naiiyak ako sa sinabi ni lola, na guguilty na ko sa mga pinag gagawa ko dito. "Basta ang mga bilin ko, Wag kang magpapauto sa mga lalaki diyan! ayokong umuwi ka dito ng buntis! nako!" saad niya, Nahihiya na rin ako kay manang, Kahit madalas umaga na kong umuwi never niyang sinabi kay lola yon, Ayaw daw niyang bigyan ng problema si lola pag nagsumbog pa siya.

"Opo lola,"

"Sige na apo, Mag iingat ka diya ha!"

"Opo la, Kayo rin ho, Namimiss ko na kayo.."

"Nako! Naglambing pa, Oo na namimiss na rin kita!" tumawa siya kaya natawa na rin ako.

Binaba ko ang telepono ng magpaalam siya. Parang ang bilis ng panahon. Ilang buwan na lang Panibagong semester na namin. Gusto ko ng makagraduate ng makabalik na ko sa probinsya..

*****

A/N

SABAW! I KNOW XD

VOTE AND COMMENT PO

GreenMasCARA






LOVELUST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon