25 (Last part)

84.1K 869 19
                                    

"Ano ba farrah." iniwas ko ang sarili ko sa kanya, Kanina niya pa inaalog ang katawan ko dahil sa kilig niya, hindi ko alam kung anong nakakakilig sa mga kabastusan na pinag uusapan nila ni loisa,

Tumayo ako para maupo sa tabi ni loisa, Naiirita na talaga ko sa kanya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo girl? war ba kayo ni grey?" tanong niya.

"Hindi, Magkakaron na yata ako." sagot ko sabay yuko ng ulo ko sa table ng bench, Vaccant namin kaya naka-tambay na naman kami,

Pag gising ko kanina mainit na ulo ko, Ganito ako pag rereglahin na eh,

"Makakapag-pahinga na rin ang pependang mo. Inaraw-araw ka ni grey eh.." Saad ni loisa,

Nainis ako sa sinabi niya, Parang pinapamukha niya sakin na parausan lang ako ni grey, Tsk! ano niya ba ako? Parausan naman talaga diba? bakit ako maiinis kay loisa kung totoo naman yun. Shit! bakit ba napaka sensitive ko ngayon!

"Dinaig mo pa si farrah, Puro Selfie lang siya eh" Sabi niya pa sabay tawa. Selfie? Ewan ko sa kanya! kung ano-anong salita ang alam nila,

"Kapal mo loisa! baka ikaw!" sagot ni farrah, Pinikit ko ang mata ko, Wala ako sa mood makipag lokohan sa kanila ngayon, Gusto ko ng tahimik na lugar pero saan ako makakahanap ng tahimik dito? Tsk! Library!

Natahimik silang dalawa dahil sa biglang pag tayo ko,

"Pupunta lang ako sa library, Sige!" Hindi ko na hintay na sumagot sila, mabilis na akong umalis.

Pagpasok ko sa library nag sisisi agad ako kung bakit nag punta pa ako dito. Shit naman!

Nakita ko si grey na nakaupo sa gilid katapat ang isang babae, Nag uusap sila pero wala akong marinig, Parang mga bubuyog na nagbubulungan eh!

Naiinis ako pero imbis na umalis ako don pumasok pa rin ako, Kumuha ako ng kahit anong libro lang tapos umuupo ako kung saan malapit sa kanila paharap don sa babae, Gusto kong malaman kung ano bang pinag bubulungan nila.

"Sure ka, Wala kang girlfriend?" mahinang tanong nung babae pero rinig ko naman, Konti lang tao ngayon sa library tapos sobrang tahimik pa,

"Wala nga.."

"Sino yung palaging kasama mo?" tanong ulit nung babae,

"Si Violet?"

"No, kilala ko si violet eh, Yung maliit na babae,"

Maliit na babae? sino yon?

"Si leyla." sagot ni grey,

Lalo akong naintriga ng marinig ko ang pangalan ko,

"Kaibigan ko lang yon., ikaw ang gusto kong maging girlfriend ngayon." sabi ni grey,

Kung kanina mainit lang ulo ko ngayon kumukulo na, Kaibigan niya ko? kailan ko pa siya naging kaibigan?!

"Binola mo pa ko," Tinulak niya si grey sa dibdib habang may ngiting-ngiti, Halatang kinikilig naman siya! Napaka landi niya, Nilang dalawa!

"Bakit naman---ARAY!"

POK!

"Ssssshh.."

Lumingon si grey sa pwesto ko habang nakahawak sa likod ng ulo niya.

Lumapit ako para kunin yung librong binato ko sa kanya.

"Sorry nahulog." sabi ko tapos umalis na sa harapan nila, Binalik ko yung libro bago lumabas na galit na galit.

"Kapal niya! Kaibigan niya ko? Huh! Kailan pa, bakit hindi ko alam?" bulong ko habang nag lalakad ako, Napaka walang kwenta niya talaga! bakit ba sa katulad niya pa ako nagka-gusto? ang tanga ko!

Tumigil ako sa paglalakad tapos tumingin sa likod ko,

"Hindi man lang siya nag aksaya ng oras para sundan ako.." Naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko, Bakit ba umaasa ako palagi sa kanya.. kahit wala namang patutunguan yon.

Napapagod na ko...

Sinimulan kong maglakad ulit, Siguro dapat ko ng tigilan ang kabaliwan ko sa kanya.

"Leyla!"

Napahinto ako sa paglalakad pero hindi ako umarap sa kanya, Hinawakan niya ang braso ko nang makalapit siya sakin.

"Ang sakit non ha! Bakit mo ko binato ng libro, Nag sese--" Natigilan siya ng makita niya ang mukha ko. "leyla," Huminga siya ng malalim, "Im just playing with her." Playing?

"Eh Ano ako? Pinaglalaruan mo lang din naman ako diba." Natigilan siya sa sinabi ko.

Punong-puno na ko at pakiramdam ko sasabog ako kung hindi ko pa sasabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko.

dahan-dahang niyang binitiwan ang braso ko,

"You want this. Ikaw ang nag-suggest ng set-up natin." Seryoso at may halong inis na sabi niya.

"Gusto ko? hindi ko gusto yon grey! Pagkatapos kong makipag sex sayo naaawa ako sa sarili ko! Nagsisisi ako kung bakit ko ginagawa yon!"

"What? Hindi kita pinipilit na gawin yon!" Galit sabi niya "Ikaw ang nagsabi non leyla!"

"Sinabi ko yon kasi mahal kita grey. Pero hindi ko gustong maging parausan mo lang!" hindi ko na mapigilan ang umiyak ng malakas, "A-akala ko pag ginawa ko ang gusto mo, Mamahalin mo rin ko...Pero kahit anong gawin ko..Wala lang sayo..Hindi ko maramdaman kung importante ba ako sayo..kung may pakelam ka ba sakin...Puro..Napapagod na ko..."

"Then stop. Tigilan na natin to!" sabi niya, tapos iniwan niya kong nakatayo sa hallway habang umiiyak..

Ang sakit pakiramdam ko binibiyak ang puso ko, Gusto ko ng tigilan to diba, pero bakit gusto kong habulin siya para mag sorry, bakit kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko...Mahal ko pa rin siya...Mahal na mahal ko pa rin siya..

"Leyla!"

Mabilis siyang tumakbo palapit sakin tapos niyakap ako ng mahigpit,

"Farrah..." Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap siya sakin..

-----

Pinunasan ko ang luha ko, Kanina pa ko umiiyak pero parang hindi nauubos ang luha ko, Hindi ko alam kung tama ang desisyon na ginawa ko, Nag padalos-dalos na naman ba ako?

Tumingin ako sa gilid ko, nakita ko ang papalitaw na araw, Umaga na pala pero kahit isang minuto hindi pa ako nakakatulog..

Wala pang isang taon ng pumunta ako sa maynila pero pakiramdam ko sobrang tagal ko na don, Hindi ko na kayang manatili pa roon ng dalawa pang taon.. Hindi ko kayang makita siya..ayoko na siyang makita..gusto kong kalimutan na lahat ng nangyari sakin sa maynila...gusto kong kalimutan na siya..

Inayos ko ang gamit ko ng huminto ang bus na sinasakyan ko. Huminga ako ng malalim pag baba ko,

Nakaramdam ako ng lamig, Namiss ko ang lugar na to..

Imbis na mag tryckel naglakad na lang ako, Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ng lola ko pag nakita niya ko, Natatakot ako.. tama ba ang ginagawa ko ngayon?

Kagabi pagkatapos kong umiyak napag desisyunan kong bumalik na sa probinsya namin.. Hindi ko sinabi kay farrah o kay manang. hindi ako nag paalam sa kanila,

Gusto kong mag paalam at magpasalamat kay farrah pero baka pigilan niya lang ako.. Kaya umalis akong walang paalam sa kanya. Masaya ako na nakilala ko siya at naging kaibigan Sila ni loisa...

Pero

Kakalimutan ko lahat sila lahat ng nangyari sakin. Lahat..

napangiti ako ng makita ko ang kubo namin.
at ang matandang nag wawalis sa loob ng bakuran..

"LOLA!"

*****
A/N

TAPOS NA!

HAHAHA!

------

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now