2-18

66.1K 782 11
                                    

Nagising ako dahil sa bigat na nararamdaman ko na halos hindi na ako makahinga.

"Ugh.."

Muntik na akong mapasigaw ng makita ang natutulog na mukha ni grey sa gilid ko. nakapatong sa leeg ko ang isang braso at yung hita niya sa tyan ko. Ginawa akong unan, Grabe ha!

hirap na tinulak ko ang hita niya para makagalaw ng maayos. Ang Bigat
bwiset!

"Hmm.." humigpit ang braso niya sa leeg ko. Sabay hila sakin palapit sa dibdib niya. Sobrang init ng mukha ko,

"A-ano ba.." Humigpit pa lalo ang pagpatong ng hita niya sakin kaya naramdaman ko ang..Shit! bakit ang tigas? Pakiramdam ko pulang-pula am
ang mukha ko ngayon. Agad na bumalikwas ako ng bangon sabay sapok sa kanya.

"Ano ba! Ang manyak mo talaga!" Tumawa siya pero nakapikit pa rin. Kanina pa ba gising to?
"What? Its morning leyla. kaya natural yan." Saad niya sabay tingin sakin agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Good morning.." Saad niya pa sabay hawak sa kamay ko para higitin ulit. Pero hinampas ko kaagad yon. Bumangon ako para pumunta sa banyo, hindi ko na matagalan ang hiyang nararamdaman ko kaya gusto ko ng makalayo sa kanya. papasok na sana ako sa banyo ng maisip ko na wala dito ang toothbrush o towel ko. Nilingon ko siya na mukhang babalik na ulit sa pag tulog.

"H-hindi ka pa ba babangon?" Anong Oras na ba? may trabaho pa siya diba!Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya pero Wala akong nakita na wallclock bukad sa gilid ng kama. ayoko lumapit dom dahil malapit sa kanya yon!

"Sunday ngayon..Day off ko." Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa kama sabay kuha sa orasan. Day off? pumapasok lang naman siya kung kailan niya gusto eh. Tsk! bahala nga siya. Bago pa siya may gawin na kung ano sakin Lumabas na ako ng kwarto niya at pumasok sa sariling kwarto ko.

kagabi sinabi niya na tingin niya mahal niya ako, hindi ako masaya sa naging sagot niya pero kahit papaano parang lumuwag ang dibdib ko. hindi siya sigurado kung ano ang nararamdaman niya sakin pero may nararamdaman siya, hindi kagaya noon na balewala lang ako sa kanya. ngayon alam ko na kahit papaano mahalaga ako sa kanya.. kami. tama na siguro yon.

may anak at mag asawa na kami kaya siguro tama lang na kalimutan ko na ang nakaraan at masimula ulit. magsisimula kami ulit... napangiti ako sa naisip ko.

Bumaba na ako para sana magluto ng almusal pero pag dating ko sa kusina andon na sila, Nakaupo si gael na halatang antok pa mukhang hindi pa nga siya nag hihilamos eh, nakapantulog pa habang si grey nag luluto. nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya pero kitang kita ko ang muscle sa braso niya kada galaw nito. Macho bwiset!

"Na..nay" lumapit ako sa kanya para buhatid siya.
"Sleep ka pa baby..maaga pa naman" pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Wag mo na patulugin, ginising ko nga eh" Saad ni grey na busy pa rin sa ginagawa niya. lumapit ako sa kanya.
"Bakit mo naman ginising? hindi mo pa hinilamusan" saad ko
"Good morning" sagot niya imbis na sagutin ang tanong ko, Tinignan ko lang siya ng nagtataka. halatang ang ganda ng mood niya ngayon ha,naka apron pa!

"Ginising ko na para sabay-sabay tayo mag breakfast misan lang tayo..." tumigil siya sa pagsasalita at mukhang nag isip. "Hind pa pala tayo nag sasabay mag breakfast. Lagi ka kasing late magising" Dugtong niya tapos nilagay niya sa plato yung niluluto niyang pancake? tsyaka nilagay sa lamesa. lumapit ulit siya sakin pero sa bandang likod ko na,
"Gael ayun na yung pancake mo, wake up na" pinisat niya yung pisngi ni gael gamit ang mga palad niya. kinilabutan ako ng tumama ang kamay niya sa leeg ko, Shit!
"Aye..aye..Captain.." tamad na sagot ni gael. kinuha siya ni grey tapos dinala sa upuan at inupo don. ginulo niya muna ang buhok nito bago ulit tumingin sakin. pinatong niya sa bewang ang isang kamay niya tapos yung isa nasa upuan ni gael. kinakabahan ako sa mga tingin niya sakin.. huminga ako ng malalim. kalma leyla..

"What do you want nanay..I'll cook for you too" nanay? umiling ako, Bakit ba ngiting-ngiti siya?
"W-wag na, hindi ka naman marunong mag luto" iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Ha! baka pag natikman mo luto ko makalimutan mo pangalan mo" mayabang na saad niya. "So what do you want? hotdog egg...or ham?" natawa ako.
"Yabang mo, hotdog at itlog lang pala kaya mong lutuin," nagkibit balikat siya bago Lumapit sa ref para kumuha ng pagkain.
"alangan naman na adobo ang lutuin ko, breakfast nga eh,"
"O-oo na!" lumapit ako kay gael nung padaan na siya sakin tapos umupo sa tabi nito, hinayan ko siya sa ginagawa niya pero kitang-kita ko sa gilid ng mata ko bawat galaw niya.

"Masarap ba baby?" tanong ko kay gael para malipat sa kanya ang atensyon ko pero tango lang ang ginawa niyang sagot. Wala sa mood.

Ilang minuto lang lumapit na sakin si grey para ilapag ang niluto niya sa harap ko, pero yung ngiti sa mukha niya hindi pa rin nawawala.

"Bakit ba ngiti ka ng ngiti mukha ka ng baliw." kunot noo kong tanong. kanina pa siya. baka mahanginan na eh
"Ikaw kasi, tinabihan mo ako sa pagtulog ayan tuloy hindi ako maka move-on" lumipad agad ang tingin ko kay gael. pero mukhang wala naman siyang pake samin. minsan nga naiisip ko kung autistic ba si gael eh, tsk! parang palaging may sariling mundo eh,
"Sayang nga eh pagod talaga ako kagabi kung hindi baka nasundan na si gael" Tumawa siya.
"Aray! Sadista ka talaga" Saad niya habang nakahawak sa tiyan na sinuntok ko.
"T-tumahimik ka nga! kung ano-ano ang pinagsasabi mo eh!" sinamaan ko siya ng tingin.
"Pa virg---Aray!" Sobrang sama na talaga ang tingin ko sa kanya, napaka bastos niya talaga! "Tatahimik na nga" saad niya habang nakaataas ang dalawang kamay. pero nakatawa pa rin.
"Oh my God! Nasundan niyo na si gael! Yes! babae na sana this time!" nagulat ako sa biglang pag sulpot ng mama niya. Tumakbo ito palapit kay gael.
"Good morning my apo!" sabay halik nito sa pisngi ni gael.
"Good morning lola!" mukhang nasa mood na si gael.
"Goodmorning leyla"
"G-godmorning po.."

Naman! mukhang mababaliw ako sa bahay na to ha! nakakahiya!

"Wala pa ma, pero malapit na. Diba nanay?" tumawa siya tapos umalis sa tapat ko bago pa ko makareact. Sobrang init ng mukha ko sa sobrang hiya, Magsalita sila parang madali lang gumawa ng baby ha! Shit naman! nakakahiya talaga, ang aga-aga pero ganito pinag sasabi nila. mag ina talaga sila!

Pero napangiti ako..

Ang sarap sa pakiramdam na ganito kami grey...

Sana ganito kami palagi...



--------

PBBTEENS MUNA TAYO.. ENOUGH MUNA SA MGA DRAMA NI LEYLA! HAHAHA!


VOTE AND COMMENT!



GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now