Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

597K 22.4K 4.7K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Thirty two

7.7K 306 71
By JierusuJirin

Banana


Mabilis na hinila ni Miss Tala Liandro si Alexandria paalis sa harapan naming lahat. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa pero mas mabuti na rin iyon. Mas mabuting nilayo niya ito sa amin dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling sa harapan naming lahat ito magsimulang mawala sa sarili.

Malamig naman ang hangin kanina pero bakit hindi ko na ito maramdaman sa balat ko tuwing dumadampi?

Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko kasabay ng pagpintig sa sintido ko nang pilit kong pinapasok ang nangyari sa isipin ko. Sumasakit ang ulo ko at para na rin akong masisiraan ng bait.

Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako para sa kaibigan ko.

Wala sa sariling bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Victoria at tumayo. Wala akong pakialam sa paligid kahit na umiiyak pa sila Ate Toni at Ate Sherez. Pati ang mahihinang pagsinghap mula sa ibang kasama na ngayon ay tahimik na. Wala akong pakialam sa kanila.

Sigurado akong gulat sila at maraming katanungan pero wala talaga akong pakialam. Dahil ang laman ng isip ko ay kung ano ng nangyayari kay Alex sa mga oras na ito. Kailangan niya kami pero wala kami doon.

Inis na inis kong tinadyakan ang malapit na monoblock na upuan sa tabi.

"God damn it!" Hindi ko na mapigilang ilabas ang galit at mainis dahil sa nangyari. Nasasaktan ako para kay Alex. Sa ginawa niya at sa mga nakikita ko sa mga mata niya na hindi ko halos maintindihan pero alam na alam kong puro ang galit at sakit lang ang nando'n kahit itago pa niya. Sinipa kong muli ang upuan kahit nakaramdam ako ng sakit sa binti ko dahil sa ginawa kong 'yon.

"Banana, calm yourself!" Nilingon ko si Alicia. Tumayo na rin pala siya. Habang sila Hera ay pilit na pinapatahan sila Ate Toni. Gulat ding nakatingin ang iba sa p'westo ko.

"How can I calm down, Alicia?!" Inis na sigaw ko rito. Pakiramdam ko ay sasabog ako dahil sa galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. O kaya ay talagang sumabog na ako dahil ganito na ang ginagawa ko. Pero malayo pa ito para masabing sumabog na ako. "Fuck you!"

"Fuck you too, Banana! I told you to calm down! You permitted her to do that! You gave the fucking permission, Uno! Why the hell are you acting up this way?! 'Wag sa harap nila!" Mabilis akong lumapit sa kaniya at humawak sa damit niya ng mahigpit. Nanggigigil ang kamay kong nakahawak dito. Blangko lang akong nakatingin sa kaniya ng deretso na ikinaiiling niya. Wala siyang lakas ng loob ngayon na titigan ako sa mata dahil alam kong may kasalanan din siya. Hindi siya pumalag o humawak man lang sa kamay ko para bitawan siya. Hinahayaan niya lang ako. Tinawag na rin niya akong Uno. Pangalan na kahit kailan ay hindi ko narinig mula sa kaniya kundi ay ngayon lang.

I permit Alex to do that.

Meron na akong ideya what she's gonna bring up pero tumango lang ako sa kaniya. I let her do what she wants. Kahit hindi siya nagtanong vocally, nababasa ko ito sa mga mata niya.

She asked me silently.

The fuck that I let her.

"Sabihin mo nga sa akin, Alicia kung bakit hindi ko ibibigay ang permiso kung kitang-kita sa mata niya ang pagiging desidido na gawin sa harap nila ang bagay na iyon? Sabihin mo sa akin kung bakit hindi ko siya kayang pigilan sa gusto niya? You also gave the fucking approval, Santillan! Hindi lang ako!" Sigaw ko sa mukha niya. Blangko rin ang tingin niya pero hindi nakaligtas sa akin ang sakit na dumaan sa mga kulay green niyang mata. Hindi lang naman ako ang pumayag kung hindi ay sila rin. "Putang inang laro 'yan!"

Pablya ko siyang binitawan.

"Banana. Not now, please." Tumawa ako ng pagak dito. Gusto kong umiyak at magwala dahil sa nangyari. Gusto kong manakit sa mga oras na 'to.

"How can I not, Ali? Dahil sa walang k'wentang laro na 'yan ay nandoon si Alex at nasasaktan!"

"I said calm down and not now, Uno!" Sumigaw na rin ito pabalik sa akin kaya't hindi ko napigilang murahin na naman siya ng malakas.

"Then fuck you, Ali! Nasasaktan din naman ako!" Napalingon ako kay Amanda at Hera ng lumapit na sila sa p'westo naming dalawa. Maski si Victoria na tahimik at may kung anong emosyon sa mata niyang nakatingin sa akin ay lumapit na rin. Takot at kaba ang mababakas sa mga mata nito. Napahawak ako sa ulo ko. "Nakita niyo ba iyong sakit sa mga mata ni Alex? Sa bawat paglandas ng mga daliri na iyon sa mga markang ginawa niya sa sarili niya ay ang bawat sakit na dumadaan din sa mata niya! Bawat guhit na nandoon sa katawan na 'yon ay bawat memorya rin ng nakaraan niya ang pumapasok sa isipin niya! Ali, ano?! Paanong kakalma ako kung nandoon siya nasasaktan at pakiramdam ko ay parang namatay siya sa harapan ko ng paulit-ulit! Alicia, si Alex iyon! Si alex!"

Nakita ko ang paglandas na luha mula sa mata ni Amanda sa tabi. Maski kay Patrice at Cathrice na tahimik sa likuran nila Ali.

"Uno—"

"Kaibigan niyo ako sa mga oras na 'to, Alicia." Malamig na pinutol ko ang sasabihin nito. "Hindi ako si Uno ngayon. Kaibigan ako."

"I just want you to calm down. May mga kasama tayo rito." Nailing ako sa kaniya.

"Alam kong nakita niyo. Alam kong naramdaman niyo. Huwag na kayong magpanggap." Maanghang na komento ko sa mga reaksyon nila. Sila Galaxy ay nasa gilid lang kasama si Lila at Ate Jirin. Si Ate Summer at Hydra na halos hindi makapaniwala sa naririnig at nakita sa mga oras na 'to. Sila Chabelita at Leo pati ang kambal na tahimik sa tabi na naiiyak na rin. Palibahasa kasi ay wala silang kaalam-alam sa pinagdaanan ng kaibigan namin.

Palibhasa kasi hindi sila naglakas ng loob na magtanong sa kaniya. Palibhasa kasi wala silang pakialam.

"A-Alicia? B-Ban— a-ano bang nangyayari? Can somebody tell me what the hell happen to Alex?!" Mahigpit kong naikuyom ang kamay ko at pilit na hindi magsalita at sagutin si Ate Sherez ng bigla siyang magsalita at lumapit sa amin.

Pero mukhang hindi ko kaya.

"Wala kang—"

"Banana!" Natigil ako sa pagsasalita ng isigaw ni Amanda ang pangalan ko. Balak ko sanang magsalita ng hindi maganda kay Ate Sherez. "Pull yourself together!" Sumama ang tingin ko sa kaniya pero hindi na ako nito pinansin pa. Humarap ito kay Ate Sherez at ngumiti ng maliit.
"No, Ate Sherez. No, please. Not now that Banana is mad. Not now, just please don't ask."

Masama lang akong tumingin sa kanilang dalawa. Blangko lang at pilit kinakalma ang sariling hindi magwala. Tumahimik na lang din si Ate Sherez at umiyak nang umiyak. Anong magagawa ng iyak nila?

"Banana." Tumingin ako sa itaas at pumikit ng mariin lalo na ng marinig ko ang boses na 'yon galing kay Victoria. Pilit na kinakalma ang sarili na huwag na ulit magsalita pa. Kaibigan namin si Alex e. Natural ang ganitong eksena sa amin. Natural na maramdaman namin ang sakit na nararamdaman ng isa.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong mahigpit na nakasara. Ramdam ko rin ang tibok ng puso ko na kinakalma ng mga kamay na nakahawak ngayon sa akin.

"Victoria." Isa akong Crescencio. Hindi dapat ako umaakto ng ganito sa harapan ng iba. Wala akong kahinaan, hindi ba? Pero nang dumating si Alex at sila Alicia sa buhay ko ay nagkaroon ako ng lakas at kahinaan. Lalo na ngayon na meron ng Ashlyn at Victoria na dumagdag sa buhay ko.

Sila ang mga lakas ko at sila rin ang kahinaan ko.

"Can you calm down first? Hindi ganito ang kilala kong Banana. Hindi ba't lagi kang kalmado sa kahit anong sitwasyon?" Natahimik ako at tumitig sa mga itim niyang mga mata.

Oo, totoo nga na lagi akong kalmado sa kahit anong sitwasyon. Masaya o hindi masayang sitwasyon ay hindi ako apektado at tinatawanan ko lang.

Pero hindi ngayon. Hindi ngayon na nilabas ni Alex ang isa sa mga sekreto niya kahit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang pilitin ang sarili niyang ipakita ang sarili niya. Handa na ba talaga siya?

"I'm sorry. Galit lang ako." Humawak ako ng mahigpit sa kamay niya. Ngumiti siya sa akin, isang totoong ngiti na minsan ko lang makita mula sa kaniya. Tumango siya sa akin tila naiintindihan niya ang sitwasyon ko.

Nilingon ko sila Alicia. Tumango lang siya sa akin pero mabilis ding napakunot ang noo nito na naglabas ng cellphone dahil tumunog. Sinagot niya ito pero mukhang nawalan siya ng dugo sa mukha at nabitawan ang cellphone na nahulog na lang sa buhanginan.

"Alicia—"

"Si Alex!" Parang wala pang segundo ng tumakbo ito ng mabilis at iwan kami.

Mabilis ko ring pinulot ang cellphone niya at sinundan siya dahil bigla akong kinabahan. Natataranta akong sumunod sa kaniya na hindi ko na namalayan na nakasunod na pala silang lahat sa amin at kapwa kami tumatakbo sa gitna ng gubat dito sa likod ng rest house.

Nandito si Alex?

Tumigil kami sa pagtakbo ng matungo namin ang maliit na kubo. Nasa labas si Alex at Miss Tala. Sumikip ang dibdib ko dahil sa nakita. Sobrang sakit pa rin talaga na makita siya sa ganitong sitwasyon.

"A-Ali?" Rinig ko ang pagtawag ni Alex sa boses niya. Alam kong hindi na naman niya kontrolado ang sarili niya sa ganitong pagkakataon.

Pambihira naman, Alexandria! Umiiyak ka na naman.

"A-Alex, c-calm down." Umiling lang si Alex kay Alicia. Hindi ko mapigilan na hindi mag isip ng hindi maganda. Lalo na at wala siya sa sarili ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari at nauwi siya sa ganito. Pero hindi ba't hindi na dapat ako nagtataka? Sa nangyari kanina ay siguradong na t-triggered na naman siya.

"Damn it! I want him dead, Ali! Gusto kong makita siyang nahihirapan gaya ng ginawa niya sa Mama ko!"

"Alex—" Umiiyak siya.

Umiiyak na naman si Alex na hindi ko mapigilan kundi ang masaktan na naman. Ang iba ay gulat, kabado, at hindi malaman kung ano ang gagawin. Lalo na si Ate Toni at Ate Sherez na umiiyak na naman ngayon. Sila Hera na naiiyak na rin sa eksena ngayong gabi.

"D-Dapat tinulungan ko siya. Dapat may l-lakas ako ng loob ng tulungan siya. B-But how can I do that? Kung nasa g-gilid ako nakatali and he just let me w-watch my Mom crying so fucking h-hard! Why do I h-have an f-father like him?"

Sinubukang lapitan ni Carli si Alex pero pinigilan siya ni Alicia. Hindi magandang ideya na lapitan siya sa ganitong pagkakataon ng kahit na sino sa amin.

Muli kong naisara ang mga palad at pilit na huwag mangialan. Sa ilang beses na nakita namin na ganito si Alex ay alam ko kung paano ako aakto sa harap niya. Pero ngayon ay pakiramdam ko ay nakalimutan kong gawin ang bagay na iyon.

Gusto ko siyang lapitan sa mga oras na ito. Maririnig ko na naman ang mga bagay na paulit-ulit nitong sinasabi tuwing death anniversary ng Mommy niya. Gusto ko siyang tulungan that I almost inject her a medicine para lang makalimot siya pero ayaw ng mga kaibigan ko.

Gusto ko sanang gawin ngunit pinigilan nila ako.

"A-Alex, please. C-Can you hear me?"

Magulo ang buhok ni Alex. Puno ng luha ang mukha niya na kahit ang lupa ay natutuluan ng mga munting luha mula sa kaniya. Bakit kailangan niyang maranasan ang bagay na ito?

Ang matandang hukluban na iyon. Pinapangako kong mapapatay ko ang mga tauhan niya. Dahil sinisigurado kong si Alexandria Gabriel mismo ang kikitil sa buhay niya. Pagbabayaran niya ang lahat ng sakit na idinulot niya sa kaibigan ko.

"H-He wants me dead, Ali. Like he does to my Mom. He's sending me threats. He is sending goons to kill me like what just happened the night I got shot."

Narinig ko ang mahinang pagsinghap mula sa kanila. Hindi nila alam ang totoong dahilan kung bakit siya may tama ng baril kagabi. Nagsinungaling siya sa mga ito at hinayaan namin 'yon pero siya rin mismo ang nagsabi ngayon. Hindi niya na rin ata napansin na dumudugo na naman ang sugat niya dahil sa ginagawa niya ngayon. Mukhang mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ng puso niya. Sobra-sobra na ang sakit na naranasan niya. Gusto ko na lamang na makalimot siya at gawing batas ang sarili para makuha ang hustisya na gusto namin at gusto niya para sa Mommy at sarili niya.

Pero hindi ko magawa dahil siya dapat ang gumawa no'n para sa sarili niya.

"Paano na lang kung h-hindi ako umalis ng g-gabing iyon A-Ali?! P-Paano kung pati kayong wala ginawa sa kaniya ay madamay na lang bigla?! They want to kill Miss Liandro too. Like, what for? Hindi ko naman sila hahayaan na galawin ang nag iisang taong nagparamdam sa akin ng katahimikan at pakiramdam na laging ligtas." Tuluyan na siyang umupo sa malamig na lupa.

Habang ako ay halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Nasusubaybayan ko na naman ang bawat pag iyak niya. Umiiyak siya na natatawa na akala mo ay parang baliw— pero hindi. Dahil punong-puno na ito at nasasaktan lang siya.

Akala ko ay sapat na ang ginawa niya kanina na ilabas ang isa sa mga sekreto niya— na sapat ng ipakita ang mga sugat sa dibdib niya. Pero hindi pala. Heto na naman siya, binubuksan ang mga pahina na ayaw niyang ipalaam sa iba. Nagbubukas ng mga pahinang hindi ko alam kung pagsisisihan niya sa huli o gagawin itong dahilan para muling lumayo.

Hindi ko alam pero sobra-sobrang poot na ang nararamdaman ko sa walang k'wenta niyang ama. Nadagdagan na naman ito ngayon.

"I w-wont allow them to hurt my friends, family, and even Miss Liandro. If he did then he needs to kill me first. Wala rin naman siyang mapalala dahil hindi naman niya makukuha ang gusto niya sa akin."

Every decision you made— you fucking knew that I was always here to support you. I can lend a hand, Alex.

"Baby, listen to me." Halos tumigil ang mundo ng nagulat ako dahil sa lakas loob na humarap si Miss Tala at nilapitan ang kaibigan ko para pakalmahin siya.

Alam kong may nararamdaman sila sa isa't isa. Kita ko iyon sa mga mata ni Alex ngayon habang nakatingin sa babaeng naupo sa harapan niya para lang magpantay silang dalawa. Rinig ko ang mahihinang iyak nila at pati ang huni ng ibon sa bawat puno na narito sa gubat. Sinasabayan ang mahinang iyak ng mga kaibigan na kasama ko.

"Tala."

"I'm always here. Stop crying. I won't leave you. If you're afraid that they will touch me then I am too." Tahimik lang kaming nakikinig sa pag uusap ng dalawa. "I am afraid that they will take you away from me. So hold on, I am willing to help you. Let's give the justice you are seeking, Alex. We'll give it to you. Just promise me to hold on."

Gusto kong mamangha dahil sa ginawa ng isang Tala Liandro kay Alex. Niyakap niya ito habang patuloy na umiiyak sa bisig niya ang kaibigan ko. Tuluyan na nga itong kumalma habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay ni Alex sa damit nito sa likuran.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa inis at sakit na hanggang ngayon ay narito pa rin sa akin.

Napansin ko ang pagtayo ni Miss Liandro kalaunan. Buhat na nito si Alex na nakatulog na pala dahil sa sobrang pag iyak. Walang kahit isa sa amin ang kumikibo. Pinanood lang namin si Miss Liandro habang papalayo sa amin.

Sumunod na rin ang iba. Tipong parang nagpapakiramdaman habang naglalakad paalis sa lugar na ito.

Sana pagkatapos ng gabing ito ay makapagdesisyon si Alex na harapin ang hukluban niyang ama. Hindi ako magdadalawang isip na tulungan siya at samahan siyang bugbugin ang lalaking iyon.

Baka mas itulak ko pa si Alex na patayin na ang lalaking iyon. Hinding-hindi ko siya pipigilan kung sakali mang maglakas na siya ng loob na lumaban at huwag ng takasan ang pangit na nakaraan niya.

"Banana."

"Alicia." Malamig pa rin na boses na tawag ko pabalik sa kaniya.

"Hindi ka pa ba susunod?" Tumitig ako rito.

Alicia Santillan. Malamig at kaibigan lang ang pinapakialamanan. Hindi ako magtataka kung bakit gano'n na lang niya protektahan si Alex.

"Mali ba tayo?" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sapagkat ay gusto kong masagot ang bagay na gusto kong malaman.

"Banana, whether it's wrong or right wala na tayong magagawa. The consequences might be this but we wouldn't know what happens after this. She's not mad at you or us."

Siguro ay tama siya. Pero hindi ko alam.

"Nangyari na naman."

"Maybe it's time to let Ate Sherez and Ate Toni about this, what do you think?" May konti rin akong sama ng loob sa mga pinsan ni Alex e.

"Then they deserve to be hunted with a past and be guilty of what they did." Ngumisi ako kay Alicia.

Nailing ito sa akin bago ako talikuran.

"Let's Alex handle her cousins." Natawa ako ng mahina lalo na ng magsimula na siyang maglakad.

Sumunod na rin ako sa kaniya.

"May nakakalimutan ka ba, Alicia?" Naalala ko na may kasalanan pala ang isang ito sa akin.

"Alam kong may kasalanan ako." Mabuti at alam niya.

"How could I punish you then, Ali?"

"Shut up. You can't hurt me physically." Natawa ako sa isipan ko. "I know na hindi ko sinabi sa 'yo ang nangyari kagabi sa kaniya— kay Alex. Hindi lang si Elliot ang may kasalanan. I am too."

"Dapat na tinawagan mo ako, Alicia. Kayong tatlo lang ang nakakaalam bakit hindi ka nagsabi?" Hindi dapat nasaktan ang kaibigan namin. "Alam mong dapat ay pinoprotektahan siya."

"Kilala mo si Alex—"

"Kilala mo rin ako." Nilingon ako nito. Napabuga ito ng hangin at tumahimik na.

Tipong mga huni lang ng ibon at tunog ng mga tuyong dahon na naaapakan namin ang naririnig ko.

Hinayaan ko na lang din ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi na ito kumibo at alam kong wala na siyang mairarason pa sa akin.

Sige, hahayaan ko sila.

Sa ngayon ay gusto ko munang magpasalamat kay Miss Tala dahil sa ginawa niya. Ramdam ko na kanina na p'wedeng gumawa si Alex na ikakasakit niya sa sarili at sa iba. Mabuti at naroon siya para pakalmahin ang kaibigan ko. Hindi namin kayang gawin iyon ngunit nagawa niya. Dahil sa kaniya ay walang nasaktan at hindi siya nasaktan.

Sisiguraduhin kong magpapasalamat ako sa kaniya at mas lalong sisiguraduhin kong makukuha ni Alex ang hustisya nilang dalawa ng Mommy niya.

Isa akong Crescencio.

Sa isang salita ko lang ay magagawa ko na ang lahat.

Ano pa ba ang k'wenta ng pangalan kong nasa unahan ng listahan ng matataas na tao kung hindi ko gagamitin? Hawak ko ang batas at karapatan, bakit hindi ko gamitin? Tutal hawak ko naman ang lahat. Nasa kamay ko naman ang bawat kapangyarihan. Sisiguraduhin kong mawawala sila sa mga kamay ng isang Banana Crescencio.

Pagbabayarin ko ang nanakit sa kaniya at maski na ang mga taong tumatraydor sa akin sa loob ng organisasyon ko.

Continue Reading

You'll Also Like

270K 8K 48
(COMPLETED) A ruthless and cold hearted professor living in a prosperous life, Cassandra Lundy Belos, 27 years old woman teaching in Sulvan Universit...
376K 16.9K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
114K 4.5K 34
Laureen Gabrielle Dominguez.
183K 5.7K 65
[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she...