His Bride

By Nayakhicoshi

37.3K 1.9K 429

Thieves in Law Series ††† Everiss desperately crashed her ex-boyfriend's wed... More

Disclaimer
Prologue 1
Prologue 2
1| Version 2.0
2| Toothpaste Model
3| A day in a Vet
4| Bride candidate
5| Mufasa
7| Orchids
8| Numb
9| Missing Person
10| Make it Worse
11| Jorville Mansion
12| Russians
13| Whine
14| Desparate Criminal
15| Desperate Criminal II
16| Katarina
17| Hood
18| Silence
19| Meatballs
20| Engagement
21|Cuffs
22| Bodyguards

6| Night Visit

1.3K 87 15
By Nayakhicoshi

This is kind of a slow burn story—well, in my opinion. I hope this doesn't bore you. Don't worry, malapit na rin naman sa exciting part 😉

          

CHAPTER SIX

 
"What did you do to him?"

Mabilis akong sumulyap sa kaibigan ni Dashiel na hindi ko pa rin alam ang pangalan. Nakamaang pa rin ito habang hindi makapaniwalang nakatitig sa alaga niyang kumakain ng chocolate. At mas lalong hindi siya makapaniwala na nahahaplos ko ang ulo niya.

"Don't worry, it's a bar of special white chocolate that has no theobromine. One small bar won't harm him."

Tumingin siya sa akin na puno ng pagdududa. "Did you put sedatives on that to tame him? How could you touch him? The last one who tries to is cremated for his missing arms and leg."

Binalewala ko ang mga balahibong nagsitindigan sa huling sinabi niya. He's probably exaggerating things.

"Wala 'yung sedatives. It's just a simple technique I discovered during my camping in elementary. Meron akong nakasalubong na lone monkey sa gubat, sinugod niya ako dahil akala niya sasaktan ko siya. Tapos natumba ako sa sahig, nahulog ang chocolate na katulad niyan sa bulsa ko—bigay 'yun sa akin ni Uncle Pitt since I don't eat dark chocolates—Nakuha ito ng atensyon ng unggoy at imbes na saktan ako, kinain niya ang chocolates ko. I also offered him a banana but he ignores it and asked for more chocolates."

Binigyan ko siya ng malaking ngiti.  "Na-realize ko na hindi lahat ng unggoy ay pipiliin ang saging, hindi lahat ng leon pipiliin ang karne. Sometimes, sweetness is the key to every beast's heart."

The lion whimpers, snatching my attention. Sinilip ko siya ng maigi sa kulungan niya at napansin na hindi ito komportable sa paglalakad. Pumunta siya sa gilid, naupo habang panay ang mahihina niyang halinghing.

"He's been like that after his hunt in the forest a week ago," pagpapaliwanag ng amo niya matapos mapansin ang tingin ko.

"What else?" tanong ko habang inuusisa ang bawat galaw ng leon.

"He lost appetite, his meat was rotting in the basement. Lucky assholes..." bulong niya sa huli kaya hindi ko na narinig.

"Wala ba siyang Vet?"

"Useless." Mula sa gilid ng mata ay nakita ko itong sumandal sa gilid ng kulungan at nakahalukipkip akong pinagmasdan mula sa likod ng buhok niyang bahagyang tumatakip sa mga mata niya.

I felt a sudden uneasiness and my stomach was being crazy. Dahil siguro sa ininom kong tsaa.

Tumikhim ako bago nagsalita, "Ano pa?"

"He snarls to me," masungit na sagot niya. "He doesn't want me around him."

Tumango ako.

"He's moody—"

"Hindi ko mahanap ang friend ko—whoa! Nandito ka pala, my friend!"

My head whipped and saw Dashiel approaching. Malaki kaagad ang ngisi niya pero hindi sa akin nakatingin kundi sa kaibigan niya na kaagad sumimangot.

Ang ngisi ni Dashiel ay mas lumapad pa nang tumingin sa akin. "So, you've met each other," makahulugan ang tono niya.

Napansin ko ang matatalim na tingin ng kaibigan niya sakanya, parang may pagbabanta pero baka guni-guni ko lang.

"And you've met Simba—"

"Kojo," sabay naming bulalas ng kaibigan niya kaya nagkatinginan kami.

"Syet! Nakikita mo ba 'to Gus?"

Nahihiya akong umiwas ng tingin at binalik ang atensyon kay Dashiel na may kinakausap pero wala namang tao maliban sa amin. Kung nakakapunit lang ang ngiti baka nahiwa na ang kalahati ng ulo niya sa lapad ng ngiti niya.

"Uhm, okay ka lang Dashiel? Hindi mo ba kailangan din ng Doctor?" I offered with an encouraging smile.

Nabo-bother na talaga ako sakanya. Kanina pa siya masaya eh wala namang nakakatawa at tirik na tirik ang araw nagsasalita mag-isa. Lagi kong chine-check ang kalendaryo at wala namang full moon mamayang gabi. Sabi na may something talaga sakanya.

Nawala ang ngiti niya at ang kaibigan naman niya ay napakagat ng ibabang labi.

"Ayos lang ako, Ms. Everiss. Pero baka si—ehem—Kojo, kailangan ka."

Sa sinabi niya ay napasinghap ako. Na-distract ako dahil kay Dashiel. Sumulyap ako sa leon bago tumingin sa magkaibigan.

"Alam ko na ang problema niya."

Pareho silang napatuwid ng likod at binigay sa akin ang buong atensyon.

"What is it?"

Gumilid ako at tinuro ang paa ni Kojo na kanina ko pa napansin na nagbibigay sakanya ng stress.

"Something stuck in his foot."

They both looked at me with a baffled expressions.

"What?!"

Bumuntong hininga ako at tumingin kay Kojo na maya't maya ang pagdila sa paa niya.

"He's frustrated, stress, and hurt. Nagiging wild siya at nawawalan ng gana dahil hindi niya ma-relieve ang source of distress niya," Lumingon ako sa amo niya. "Hindi ko dala ang mga equipments ko, nasa clinic lahat ang pwede kong gamitin pang-tanggal sa ano mang nasa paa niya. Hindi ko naman pwedeng tanggalin basta dahil baka mas lalo lang siyang masasaktan."

"Whoa! So, wala siyang regla kaya moody?" tanong ni Dashiel.

"He's a King, Dashiel. At saka hindi naman nire-regla ang mga lalaki—ang weird naman 'nun. Imagine a guy say, 'Pre, magpapalit lang ako ng napkin'—di ba ang weird? Wala naman kayong obaryo—"

Someone cleared their throat. Tumingin ako sa kaibigan ni Dashiel na sa lupa nakatingin at si Dashiel naman ay nagpipigil nang tawa habang kinakamot ang batok.

"Bakit?" I blinked my eyes at them. Wala namang masama sa sinabi ko. Tinutulungan ko lang naman magkaroon ng sense si Dashiel.

Nagkatinginan silang dalawa at sabay ding umiwas ng tingin. "W-wala naman," tumikhim si Dashiel saka ngumiti. "So, paano 'yan? Paano natin gagamutin si Aslann—"

"Kojo."

Nilagay ni Dashiel ang mga kamay sa bewang saka tumingin sa taas ng mga puno habang sumisipol. May munting ngiti sa mga labi.

My face heats up. Nagkasalubong ang tingin namin ng kaibigan niya pero mabilis din akong umiwas, tinuwid ang likod at pormal muling hinarap ang amo ni Kojo.

"I can come back tomorrow with the proper tools. Don't worry, hindi naman ito ikakamatay ng alaga mo pero baka ma-infection siya kaya reresetahan nalang muna kita ng gamot para sakanya," I assured him, smiling despite the awkwardness suddenly I felt.

"Hindi ba kami makakaabala sa'yo, Everiss?" tanong ni Dashiel.

Mabilis akong umiling. "No, of course not. Wala naman akong appointment sa mga client ng umaga. At saka mabilis lang din naman ang gagawin ko kaya makakabalik din ako kaagad sa clinic."

"Kung ganoon, susunduin nalang ulit kita bukas."

Sasagot sana ako pero tumikhim iyong kaibigan niya. "What's the medicine?"

"Oh!"

Matapos kong isulat ang gamot sa notepad na dala-dala ko ay binigay ko ito sakanya. Tinanggap niya iyon at binulsa. He's still staring at me like he's solving a math problem in his mind. A thick silence reigns between us, only the chirping of birds, soft purrs of Kojo, and gentle dance of wind blows the strands of our hair.

His Japanese haircut covers his left eye but never hid the golden hues of his eyes. Walang nagsalita sa pagitan namin, parehong nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

He opened his mouth to speak but my phone rang, announcing its presence. Nag-iinit ang mga pisnging umiwas ako ng tingin at hinalukay ang cellphone sa bag. Nang makitang si Uncle Pitt ang tumatawag ay mabilis kong sinagot.

"Uncle?" Sumulyap ako sa kaibigan ni Dashiel. Umiwas siya ng tingin at sinandal ang mga braso sa rehas ng kulungan ng alaga at pinagmamasdan ang leon sa loob. Si Dashiel naman ay nakatingala sa isang puno at nakangisi dito.

"Sweetcheeks, where are you?" nag-aalala ang tono nito kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

"Nasa sanctuary po ng kaibigan ni Dashiel. Iyong lion na naghahanap ng asawa."

Mabilis na lumingon sa akin ang dalawa. Napatampal ako ng noo nang maalala ang tungkol din pala sa bahay na iyon. I smiled at Dashiel's friend and his eyes landed on my lips.

"Are you okay?"

"Oo naman po. Is there something wrong?"

"Wala naman, sweetcheeks. It just that," he paused, hesitated but continued nonetheless. "Nandito si Drake kanina. Hinahanap ka. Akala ko nagkita kayo."

Nabura ang ngiti ko at tila kumot na bumalot sa akin ang hinanakit, lungkot at galit nang marinig ang pangalan na iyon.

"No. Hindi ko siya nakita," kinagat ko ang ibabang labi nang manginig ito.

Iniwas ko ang tingin sa kaibigan ni Dashiel nang iangat niya ang mga mata sa akin.

"Alright. Come home early, okay? Gusto ka naming makita ng Nana mo bago kami umalis."

"Saan kayo pupunta?"

"We'll visit Candice, sweetcheeks. Your Nana missed her, and I don't, but I need to check on her too."

Kaagad gumapang ang lungkot sa dibdib ko, napanguso ako bago sumagot.

"Okay, po. Pauwi na ako."

Matapos maibaba ang tawag ay nagsalubong kaagad ang mga mata namin ng kaibigan ni Dashiel.

"Dashiel will send you back," sumulyap siya kay Dashiel.

Dashiel clapped his hands once and exclaimed, "Ihahanda ko lang ang sasakyan! Mind if you wait for a little, Everiss? Medyo malayo ang parking dito pero liliparin ko para sa'yo," he paused. "Mag-usap lang kayo. Alam niyo na get to know each other—right. Babalik ako!" he waved his hand then sprinted like there was a ball of fire after him.

I scrunched my face in confusion and wonder of him. Iniling ko nalang ang ulo at tumingin sa kaibigan niyang bahagyang nakakunot ang noo. Naningkit ang mga mata ko at habang nakatingin sakanya ay bigla kong naalala.

"You looked familiar. Nagkita na ba tayo dati?"

I have this feeling that I have met him before like just recently pero hindi ko masabi kung saan at kailan.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya bago mabilis na umiwas at tumikhim. "I don't think so."

Kinamot ko ang batok. "Baka kamukha mo lang. By the way, sinabi ni Dashiel na naghahanap ka ng asawa."

Nanigas siya sa pwesto.

"Ni Kojo. I have a friend who can help us find a lioness. Meron din siyang sanctuary, pwede ko siyang kausapin kung papayag ka."

Tumalikod siya, ang dalawang kamay ay nasa likod at tinanaw ang alaga mula sa kulungan niya.

"Will he needs a wife?"

"Oo naman. Para may makasama siya dahil mukhang malungkot siyang mag-isa. He needs someone to remind him he isn't just a wild beast but a King with a heart."

"What if he only needs a temporary Queen?" tanong niya sa alaga pa rin nakamasid.

Temporary Queen for a lion?

"I've never heard of that. Pero malay natin, ang temporary maging permanent. We never know when love works its power between them."

Sa sinabi ko ay humarap siya sa akin, pinakatitigan. His brown eyes—almost gold shone brightly under the sunlight, showing a whirlwind of emotions which quickly vanish like a flame in a candle, blown and darkness blanket the room. Iniwas niya ang tingin at ang mga mata niya ay huminto kay Meatballs.

"That's my fish," Lumapit ako sa alaga at binuhat ang bowl nito. "This is Meatballs—"

"Mr. Rozanov."

Sabay kaming lumingon sa nagsalita at nakita si Pushkin na tagaktak ang pawis sa noo na tila ilang milya ang tinakbo makarating lang dito.

Ngumiti siya ng pilit bago nagsalita. "Master Dashiel is waiting for Lady Everiss in the driveway."

That fast?

Bakit dismayado ka? sabi ng isang boses sa utak ko kaya mabilis kong iniling ang ulo.

"Uhm, okay," Bumaling ako kay Mr. Rozanov daw. "Babalik nalang ako bukas at h'wag mong kalimutan ang gamot ni Kojo."

Ilang saglit bago siya tumango. Tumalikod ako at sumunod kay Pushkin pero bago makalayo, muli akong lumingon sakanya nang may maalala.

"I'm sorry, pero ano ulit ang pangalan mo?"

He blinks slowly and the corner of his lips curled up.

"Kazmus."

I smile, tightening my grip on Meatballs' bowl.

→→→

  
"Bakit agad-agad?"

"Oh, sweetcheeks!" Hinila ako ni Uncle Pitt at niyakap nang mahigpit. "Babalik din kami kaagad, okay?"

Pagka-uwi ko ay naabutan ko kaagad si Nana at Uncle Pitt na naglalagay ng bagahe sa sasakyan. Sinabi nilang isang linggo lang silang mawawala pero pang isang buwan ang dala nilang mga damit.

Humiwalay ako kay Uncle at si Nana naman ang niyakap. Mamamasa-masa ang mga mata nito nang dalhin niya ako sa mga braso niya. I breathe in her scent that smells like freshly baked bread from the oven. A smell of home that I always crave for. Isang linggo kong hindi maamoy si Nana at ngayon palang nami-miss ko na siya.

"Don't cry, dear. Babalik din naman kami kaagad. Bibisitahin lang namin si Candice tapos ay nandito na ulit kami," she says on the top of my hair as she caresses me gently on the back.

"Mami-miss ko kayo." Hinigpitan ko ang yakap sakanya.

"We need to go baka gabihin tayo sa daan," anunsyo ni Uncle.

Tumingin ako sakanya, malamlam ang mga mata nito at may lungkot akong nakikita. I hugged him once again as he tells me what I need to do as they'll be away for a while. Tumango ako habang nakikinig.

"Just remember, don't open the door at night, okay? And you know what to do in case of emergency."

"Opo."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka pinakatitigan. "Be careful. I love you, sweetcheeks."

"I love you too, Uncle," I said the same to Nana.

Pinanood ko silang pumasok sa sasakyan, lumingon sa akin si Uncle at ngumiti bago niya pinaandar ang makina at tumulak.

"God bless their road," I muttered as they disappeared in my sight.

Humugot ako ng malalim na hininga bago tumingin kay Benjamin na nasa paanan ko, kinakaway ang buntot. Binuhat ko siya at niyakap.

"So, anong gagawin natin?" He meowed, licking my chin.

Smiling, I get back inside the house. Nilapag ko sa sofa ang pusa na kaagad lumapit sa lamesa kung saan nakapatong si Meatballs. Tumikhim ako kaya nanigas siya bago dahan-dahang umatras at nahiga sa dulo ng couch habang kinakaway ang buntot.

"Cats," I muttered.

Chineck ko ang oras, nang makitang ala una palang ay nagpasya akong bumalik muna sa clinic. Maaga pa naman at baka pumunta ang mga clients naming regular na nagpapa-pet check up.

Binisita ko muna si Caroline sa kulungan, binigyan ng pagkain at siniguradong hindi siya makakalabas sa kulungan. I swear that rattlesnake can unlock her cage at makikita mo nalang siyang nasa loveseat sa sofa, natutulog.

Not that I mind but there are kids sometimes roaming around the house, hahanapin si Uncle Pitt at manghihingi ng candy. Gustong gusto ni Uncle ang mga bata, tuwing Halloween dinudumog ang bahay namin dahil bukod sa treats, nagbibihis Kamatayan si Uncle saka hahabulin ang mga bata. Sa pasko naman magbi-bihis Santa Clause siya at gamit ang bike niyang dinisenyuhan na parang sled, iikot siya sa baranggay para mabigay ng mga regalo na pinagpuyatan naming ibalot nila Nana at Candice.

Nilock ko ang bahay matapos ilagay sa kwarto ko si Meatballs, nilock ito para hindi makapasok si Benjamin. I decided to leave them so I could focus on work.

Alas syete na ng gabi nang matapos kong i-groom ang tuta ng kliyente. Hinatid ko sila hanggang sa pintuan at nang makalabas sila ay binaliktad ko na ang sign from open to close, nilock ang pintuan at nag-inventory check bago tinawagan sa telepono si Sally. Ilang ring bago siya sumagot.

"Hello?"

"Sally? It's Everiss."

"Everiss! Tatawagan sana kita kanina kaso na-distract ako dahil nakatakas na naman si Poncho."

Nilipat ko sa kabilang tenga ang telepono. "What? Kumusta na siya?" nag-aalalang tanong ko.

Poncho is a Hyena. Sally is a certified Veterinarian I met in a fundraising event for stray animals. Hindi nagkakalayo ang edad namin at ilang beses na rin kaming nagtulungan sa pag-rescue sa mga wild animals. Meron siyang sanctuary na naging tahanan ng mga ni-rescue namin maging ang mga ilang imported animals niya katulad ni Poncho.

She sighed in relief on the other line. "Thank goodness he's fine and now grounded for a week. Medyo nagka-initan sila ni Simba, alam mo na, Alpha traits."

Nakahinga rin ako ng maluwag. "Mabuti naman."

"By the way, mabuti tumawag ka. Meron akong good and bad news para sa King of the Jungle."

Tumuwid ang likod ko at binigay sakanya ang buong atensyon. Matapos akong hinatid ni Dashiel kanina ay tinawagan ko na si Sally tungkol sa lioness na pwede naming ipa-mate sa Lion ni Kazmus. Sally doesn't just have Hyenas but she has Lions and Lioness in her care too. Pinaparami niya para hindi ma-extinct ang kanilang specie.

"What is it?"

"Well, bad news muna. The candidate Lioness we agreed to mate with your friend's Lion is sick."

"No." Nasapo ko ang dibdib.

She breathes, "I know. Naka-quarantine siya ngayon habang tine-test pa ng mga Vets ko. But here's the good news! Meron akong darating na white Lioness from South Africa. Though, that's two weeks from now. I hope makakapag-hintay pa ang friend mo."

"Sasabihin ko sakanya. Thank you, Sally!"

"You're always welcome, girl. By the way I got to go. Manganganak na raw ang Kabayo ko."

Napasinghap ako. "That's amazing! Good luck!"

After we bid goodbye, I checked the time from the wall clock at napangiwi nang makitang mag-aalas diyes na. Nasobrahan ata ako ng tagal ngayon. Mabilis kong niligpit ang mga gamit, sinukbit ang bag sa balikat at dinampot ang susi ng clinic. Matapos patayin ang mga ilaw ay nagtungo na ako sa pintuan.

"Oh, God!" Napahinto ako, nasapo ang dibdib sa gulat nang may makitang nakatayo sa labas ng clinic.

Lumunok muna ako at matapos ikalma ang sarili ay naningkit ang mga mata ko nang mamukhaan ang taong naghihintay sa kabila ng salamin na pintuan. I opened the door, eyebrows knitting in confusion and wonder as I gave him a shocked look.

"Kazmus?"

He wore the same outfit from this morning only this time he looked more intimidating under the starless sky. Bahagyang natatakpan ng buhok niya ang kanang mata pero hindi nito naitago ang itim niyang mga matang nakatitig sa akin. He wore no expression but somehow I feel no fear with him. Parang alam ko lang na hindi siya siraulo katulad ni Dashiel. 

"I want it out tonight," he said, voice low and husky like the rough and cold wind hitting my face tonight, announcing a rainfall night.

Napansin ko ang tali na hawak niya. Itatanong ko sana kung ano ang ibig niyang sabihin nang makarinig ako ng marahas at malalim na ungol.

My eyes went wide as my mouth formed in an 'O' shape when a beast stalked from his back, shook his blond coat and growled.

"Kojo!"

 
.

Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 2.3K 59
Isang retiradong sundalo na nais mag bago, Gamit ang larong babago sa buhay na kanyang nakasanayan. ..... (VRMMORPG) Slow Start,OP MC,Adventure,Roman...
4.9M 227K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
2.1M 81.2K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
2.4M 85.5K 84
Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isa...