My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.4K 684 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 32

182 8 0
By jeyninstrous

Nagising ako na nasa kwarto na ako. Bumungad kaagad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Janica at Shantal. Agad akong sumandal sa headboard ng kama at napatingin sa paligid. Nasa kwarto kami ni Janica.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanilang dalawa na ngayon ay nakaupo sa magkabilang gilid ng kama.

"Nakita ka namin sa banyo na nahimatay, buti nalang talaga nakita ka namin dahil kong hindi ewan ko nalang at baka may masama ng nangyari sayo. Ano ba kasing nangyayari sayo?" sabi ni Shantal at bakas pa din sa mukha niya ang pag-aalala.

"Ewan ko basta ang sama ng pakiramdam ko kanina." sabi ko.

May inabot naman sa akin si Janica na baso na may lamang tubig. Agad ko iyong tinanggap at ininom.

"Did you eat breakfast?" tanong ni Janica at tumango ako.

"Kumain ka din naman ng lunch kaya imposible namang nalipasan ka ng gutom kanina." sabi naman ni Shantal.

"Siguro naingayan lang ako sa ibang mga studyante kanina na panay ang kakasigaw." sabi ko.

"Magpa check-up ka na kaya, baka kong ano na yan eh. Hindi lang yan ang unang beses diba? tsaka ayaw mo pang ipaalam sa parents mo." sabi naman ni Shantal.

Bigla akong nag panic.

"Sinabi niyo ba sa Daddy at Mommy ko na nahimatay ako?" tanong ko.

Umiling naman sila kaya napahinga ako ng malalim.

"Hindi namin sinabi dahil alam naman namin na ayaw mong ipasabi, ayaw ka din naming pangunahan alam mo yon. Alam mo beshywap, worried na kami sayo kaya sabihin mo nalang kaya kila tita na ilang beses ka ng nahimatay, sobrang delikado na niyan eh."

"Hindi pwede." sabi ko.

Nakita ko namang napakunot ang noo nilang dalawa.

"Bakit?" tanong ni Janica.

"Ayaw kong mag-alala sila." sabi ko.

Tanging tango lang ang isinagot nila. Nagpaalam pa muna silang dalawa na kukuha lang ng snacks sa baba kaya naiwan ako. Napahinga ako ng malalim. Ayaw kong sabihin sa parents ko na nahimatay na naman ako dahil baka madagdagan na naman ang problema nila. Lalo pa ngayon na hindi pa din okay si Mommy at Kuya Felix.

Naisip ko si Kuya Felix. Kailangan ko pa pala siyang puntahan. Anong oras na ba? Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ni Janica, five forty  na. Agad akong bumangon mula sa kama at dinampot ang backpack ko na nasa bedside table at agad na lumabas. Agad akong bumaba. Naabutan ko sila Janica at Shantal sa living area na kausap ang lola ni Janica. Agad namang ngumiti ang lola niya sa akin.

"Oh hija, mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni lola Lorelai sa akin.

Ngumiti naman ako at tumango at nagmano.

"Opo okay na po ako, lola."

"Saan ka pupunta? bakit naka backpack ka na?" tanong ni Shantal.

"Kailangan ko ng umalis, pupuntahan ko pa kasi si Kuya Felix."

"Bukas nalang, sasamahan ka namin tsaka huwag kang mag-alala nagpaalam na kami kay tita na dito ka matutulog."

"Pero---" agad na tinakpan ni Janica ng kamay niya ang bibig ko.

"Bawal kang umalis mag-isa baka mapano ka na naman, hintayin mo muna ang sundo mo." sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"Sundo? sino?" tanong ko pero ngumiti lang siya ganoon din si Shantal.

"Nandito na siya." biglang sabi ni Shantal at napalingon naman ako sa pinto ng bigla itong bumukas.

Nakita ko kaagad si Jaxson na nakapang banda na outfit pa. Mukhang nahihiya pa siyang lumapit sa amin at nagmano kay lola Lorelai.

"Goodevening po." sabi pa ni Jaxson kay lola Lorelai matapos niyang magmano.

Ngumiti naman si lola.

"Goodevening din sayo, hijo. It's nice to see you again." sabi ni Lola Lorelai kaya naguluhan ako.

It's nice to see you again? nagkita na ba sila noon? Pumupunta ba si Jaxson dito? Gusto ko pa sanang magtanong pero hindi ko nalang itinuloy dahil tuluyan ng lumingon sa akin si Jaxson.

"Let's go?" tanong niya at tumango naman ako at nagpaalam na sa kanila.

Sabay kaming lumabas ni Jaxson ng bahay nila Janica. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse niya. Ng tuluyan na din siyang makapasok sa kotse ay agad na niya itong pinaandar at nagmaneho.

"Kamusta ang band competition?" medyo naiilang ko pang tanong.

Lumingon naman siya sa akin saglit at agad na ibinalik ang tingin sa harapan.

"We won." sabi niya kaya nakaramdam ako ng tuwa.

"Talaga?! Congrats!" proud kong sabi at nakita ko namang ngumiti siya.

"Sayang nga hindi mo tinapos. I was looking for you when the band competition ends but I can't find you, yon pala umalis ka na. But it's okay, sinabi naman sa akin ng mga kaibigan mo na masama ang pakiramdam mo kaya hindi mo na natapos panoorin ang performance namin." sabi niya kaya nakaramdam ako ng guilt.

"Sorry." nasabi ko nalang at lumingon na sa labas ng bintana.

"It's okay." rinig ko pang sabi niya.

Hindi ko maiwasang ma guilty dahil ang akala ko pa naman hindi niya ako hinanap. Kong hindi lang talaga masama ang pakiramdam ko kanina ay tinapos ko ang panonood.

"Do you wanted to eat first before I take you home?" tanong niya kaya napalingon ako saglit sa kanya.

"Ah...huwag na tsaka ayaw ko pang umuwi. Pwede bang pakihatid nalang ako sa condo ni Kuya Felix?" sabi ko at tumango naman siya.

Lumingon na ulit ako sa labas ng bintana. Pagkarating sa condo ay agad na akong nagpasalamat sa kanya at bababa na sana ng hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako.Tinitigan ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya.

"About the arrange marriage." sabi niya at doon ko lang naalala ang sinabi ni Zeddie.

"Alam ko na." sabi ko at napakunot naman ang noo niya.

"Who told you?" may pagtataka sa mukha niya.

"Basta may nagsabi na sa akin. Huwag mo nalang itanong kong sino." sabi ko at tumango naman siya.

Agad na akong bumaba at nagpasalamat sa kanya ulit. Dire-diretso lang akong naglakad papasok ng condo. Mas mabuti na din talaga siguro na hindi na matutuloy ang arrange marriage namin. Ayaw ko naman na ikasal kami at pagsisihan lang namin pareho.

Sa condo ni Kuya Felix ako natulog.
Kinumbinsi ko pa si Kuya na umuwi na kaso sabi niya ayaw pa daw niyang umuwi sa bahay at uuwi lang siya kapag gusto na niya kaya hindi ko na pinilit. Hindi ko naman pwedeng pilitin kong ayaw pa talaga niya at baka mag away na naman sila ulit ni Mommy.

Pagdating ng umaga ay umuwi naman ako sa bahay. Sabado at linggo ay nanatili lang ako sa bahay at ang pinagka-abalahan ko lang ay ang pagpi-paint. Dumaan ang ilang mga araw ay naging abala na kaming lahat.

Si Janica at Shantal ay busy na sa mga sports na sinalihan nila kaya minsan ay matagal silang umuuwi. Ganoon din si Amari na ang sinalihan ay swimming. Nakabantay pa din palagi sa kanya ang dalawang bodyguards niya kaya walang sinuman ang agad agad na nakakalapit sa kanya.

Ako naman ay badminton ang sinalihan ko. Nakapagpaalam na din ako kay Mommy at Daddy na gabi na akong makakauwi dahil sa practice. Pinapasundo naman nila ako sa driver namin o kay Kuya Ozric o Kuya Zayn minsan.

Pag-uwi naman ng bahay ay agad akong gumagawa ng mga assignments. Minsan ay alas 12 na ng gabi ako natutulog dahil kailangan ko pang mag-aral para sa mga quizzes at malapit na din ang first quarter examination. May mga projects pa na pinapagawa at buti nalang groupings kaya kami ni Janica at Shantal ang magka grupo.

Gusto pa nga sana namin ni Janica na isali si Amari sa grupo namin kasi baka wala siyang ka group kaso lang nagulat nalang kami na tapos na siya sa project. Nagkakasabay pa kami minsan ni Jaxson pauwi dahil hinihintay niya ako pagkatapos ng  practice nila ng basketball. Minsan naman kapag matagal silang umuuwi ay nauuna na ako. 

Sinusubukan ko talagang umiwas sa kanya kaso siya itong lapit ng lapit. Ayaw ko namang pagselosan ako ng girlfriend niya dahil palagi niya akong kinakausap. Isa pa yong si Jerld na kapag nakikita niya ako sa kahit saang sulok ng campus ay tinatarayan ako. Sarap lang hambalusin ng sapatos ang pagmumukha niya. 

Nandito kami sa oval field ngayon at abala sa pagpa-practice ng badminton. Mga classmates ko lang din ang kasama ko na badminton din ang sinalihan na sport. Sa katunayan ay hindi naman mahirap ang badminton at hindi na kailangan ng palaging practice pero okay na din yong ganito atleast nag-eenjoy kami.

"Una na ako sa inyo." paalam ko sa mga kasama ko matapos namin magpractice.

Sinukbit ko kaagad sa balikat ko ang backpack ko habang bitbit ko naman ang badminton racket ko. Dumaan pa muna ako sa taekwondo room para magpaalam kay Janica na uuwi na. Ganito ang routine namin araw araw pag may practice. Kapag sino man ang nauunang umuwi ay dapat nagpapaalam muna.

Pagkabukas ko ng pinto ng taekwondo room ay nakita ko kaagad si Janica na nakikipag rematch doon sa lalaking kaklase ni Sam na napag-alaman kong crush din pala niya at yon ang laging ka chat niya.Taekwondo din pala sinalihan non? Gwapo naman siya yon nga lang mukhang badboy ang dating, parang si Arson lang.

Kong hindi ako nagkakamali ay Jan ang pangalan niya. Ayun naman ang butihin kong kaibigan na snob sa iba ay may pangiti ngiti na. Sana all talaga may crush!

Lalapit na sana ako kay Janica ng lumingon siya kaya agad na akong kumaway at sumenyas na uuwi na. Tumango naman siya. Agad na akong lumabas. Mahirap na baka makita pa ako ng instructor nila sa taekwondo at mapagalitan ako. Bawal pa naman silang disturbuhin.

Sunod ko namang pinuntahan ay si Shantal. Pagkarating ko sa gymnastics room ay napangiti ako. Nakikita ko kasing nagiging okay na ulit siya. Nakakangiti na din siya ulit. Panay lang ang kakatalon niya at kong ano ano pang stunts ang ginagawa ng isang gymnas. Mukhang enjoy na enjoy talaga siya sa ginagawa niya.

Nanatili lang akong nakatayo sa may pintuan habang pinapanood siya. Ewan ko pero parang nakakatuwa maging gymnas. Imbes na magpaalam ako sa kanya na uuwi na ay hindi ko nalang ginawa. Agad ko ng isinara ang pinto.

Nagulat pa ako dahil pagkatapos kong maisara ang pinto ay bumungad kaagad sa akin ang mukha ni Jaxson. Nakasuot siya ng pang basketball jersey at shorts. Pawisan din siya pero amoy perfume pa din. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil ang hot niya tignan kapag pawis at messy hair.

"What are you doing here? do you wanted to join gymnastics?" tanong niya at agad naman akong umiling.

"Hindi ah! magpapaalam lang sana ako kay Shantal na uuwi na kaso busy siya eh." sabi ko at tumango naman siya.

Para akong timang na kinabahan ng hinawakan niya ang kamay ko at siya na din ang nagbitbit ng badminton racket ko.

"Let's go." sabi niya at tumango naman ako.

Dumaan pa muna kami sa locker room ng mga basketball players. Hindi ko maiwasang mailang dahil napapatingin sa amin ang mga basketball players din na nasa locker room. Halerrr! nakahawak kaya yong kamay niya sa kamay ko.

"Stay there." sabi niya at pinatayo ako sa may gilid ng locker niya.

Aangal pa sana ako ng makita kong nilagay niya ang badminton racket ko sa loob ng locker niya pero agad na niya itong isinara at hinila na naman ako. Tangna to!

"Teka lang!" sabi ko at huminto naman siya at lumingon sa akin.

"What?"

"Bakit mo nilagay yong badminton racket ko sa locker mo?"

"Para hindi ka na mahirapan sa pagbitbit. Kunin mo nalang bukas sa locker ko kapag kailangan mo na." sabi niya at naglakad na ulit.

Hindi na niya hinawakan ang kamay ko. Tangna talaga to!

"Pero locker mo yon eh." sabi ko at huminto naman siya at lumingon sakin saglit.

"Ano naman ngayon kong locker ko yon? You have the right to open it because you're my bestfriend." sabi niya at naglakad na ulit.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Lumingon na naman siya sa akin ulit at mas lalong lumawak ang ngiti ko ng hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad.

"Why are you smiling?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Wala lang, gusto ko lang." sabi ko habang nakatingin lang sa dinadaanan namin at hindi na siya nilingon.

Napasimangot ako ng may maalala.
May girlfriend nga pala siya. Agad akong napabitaw sa kamay niya na ipinagtaka naman niya.

"Baka magselos ang girlfriend mo kapag nakita niya tayo. Baka sampalin pa ako non." sabi ko.

"Then?" sabi niya at hinawakan ulit ang kamay ko.

Mabilis naman akong nag protesta dahil na realize ko na nakikita pala kami ng ibang mga students na naglalakad din.

"Eyyy bitawan mo nga yong kamay ko, M
may nakakakita na sa atin oh! baka magka bashers pa ako dahil sayo." sabi ko pa at pilit na tinatanggal ang kamay ko na hawak niya pero mas lalo lang niyang hinigpitan.

"Tsk! Let them see. Kapag inaway ka nila sabihin mo lang sakin, poprotektahan kita." sabi niya  kaya hinayaan ko nalang siyang hawakan ako.

Poprotektahan nga niya ako sa mga mang-aaway sa akin pero paano naman yong puso ko? sana protektahan niya din.

Akala ko pupunta na kami ng parking lot pero hinila niya ako papunta sa music room. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pagkapasok namin sa music room ay sobrang tahimik ng paligid at walang tao sa loob. Mag-gagabi na din kasi at umuwi na siguro ang mga nandito kanina. Pinaupo ako ni Jaxson sa isang stool. Inilagay niya ang backpack niya sa may gilid at may dinampot siyang isang gitara at umupo din sa isa pang stool na nasa tabi ko.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito? mag-gagabi na kaya uwi na tayo, baka dumating na yong sundo ko." reklamo ko pa.

Gusto ko na kasing umuwi dahil kailangan ko pang gumawa ng assignments at mag aral. Yes, nag-aaral na ako dahil nga malapit na ang exam.

"Just give me a minute, gusto lang kitang kantahan." sabi niya at ngumiti ng bahagya.

Ng magsimula na siyang mag strum ng guitar ay pakiramdam ko nanindig ang balahibo ko lalo pa ng tinitigan niya ako. Kong noong nakaraang araw ay nasasaktan ako habang nakikita siya sa stage na kumakanta, ngayon naman ay kinikilig ako. Abnormal na yata tong nararamdaman ko.

"Binibini...alam mo ba kong pano nahulog sayo?" pagkanta niya habang nagsa-strum ng guitar at nakatitig sa akin.

Hindi ko maiwasang mailang pero kahit naiilang na ay nagagawa ko pa ding tignan siya pabalik. Jusko bakit parang ang init naman yata ng paligid? pakiramdam ko nagba-blush ako.

"Naramdaman lang bigla ng puso..."

Kong nakakatunaw lang siguro yong mga titig niya ay malamang kanina pa ako tunaw.

"Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito..."

Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig sa mga love songs pero ngayon ay nagugustuhan ko na. Sino ba namang hindi kong kakantahan ka ng love song ng gwapo mong boybestfriend? lahat naman yata may gusto.

"Kaya sabihin mo sakin
Ang tumatakbo sa isip mo...
Kung mahal mo na rin ba ako..."

Gusto kong sabihin na oo...oo mahal ko na siya pero natatakot ako.

"Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako..."

Hindi maipagkakaila na ang ganda talaga ng boses niya. Aminado akong mas maganda ang boses ni Zeddie pero kakaiba pa din sa pandinig ko ang boses ni Jaxson. Bigla siyang tumigil at ibinaba ang guitar. Tinitigan niya ako ulit.

"About Aisah--" mabilis ko siyang pinutol sa pagsasalita.

Ayaw ko kasing marinig na binabanggit niya ang pangalan ng girlfriend niya kapag magkasama kami. Nasasaktan lang ako dahil naiisip ko ang posibilidad na may girlfriend siya.

"Shhhh...di mo na kailangan pang sabihin sakin, alam ko naman eh na may girlfriend ka kaya nga ako dumi-distansya sayo minsan." sabi ko at yumuko at pinaglaruan ang kamay ko.

"To be honest---"

"Okay nga lang. Tsaka diba ganun naman yon, kapag may girlfriend o boyfriend na ang bestfriend mo dapat kang dumistansya para hindi ka makasira ng relasyon." dagdag ko pa at rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

Napatigil ako sa paglalaro sa kamay ko at lumingon sa kanya.

"Magsalita ka naman diyan." sabi ko at sinamaan siya ng tingin, bigla kasing tumahimik.

"Patapusin mo muna kasi ako sa pagsasalita." reklamo pa niya at napa peace sign naman ako.

"Gora na, magsalita ka na." sabi ko at ngumiti.

"Well, I wanted you to know that even if I have a girlfriend, you can still approach me. Ayaw kong iniiwasan mo ako. It makes me think that you hate me."

"Naiinis naman talaga ako sayo." sabi ko at nakita kong napasimangot siya.

"Why? Did I do something wrong?"

"Naiinis ako sayo dahil binu-bwiset moko minsan. Pero okay lang, tanggap kita kahit nakakainis ka." sabi ko habang nakangiti pa din.

"Tanggap nga din kita eh kahit nakakainis ka dahil ang ingay ng bunganga mo." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit ba palagi nalang bunganga ko ang napupuna mo ha? Eh ano naman kong maingay ako? edi masanay ka na, bestfriend moko eh. Tsaka mabango naman bunganga ko kaya okay lang mag-ingay."

"Tsk! yeah but sometimes it smells bad." sabi niya kaya nahampas ko siya.

"Bakit ba kasi ang hilig mong mang-inis sakin?!" reklamo ko at natawa naman siya.

Ang gwapo niya talaga kapag tumatawa o ngumingiti siya.

"Pikon ka kasi kaya ang sarap mong inisin." sabi niya at padabog naman akong tumayo.

"Tse! Umuwi na nga lang tayo." sabi ko at tumayo na din siya at sinukbit ang backpack niya.

Sabay kaming lumabas ng music room at naglakad papuntang parking lot. Madilim na ng nakalabas kami.

"Thank you nga pala sa harana." sabi ko habang naglalakad kami.

"Tsk!" yon lang ang sagot niya.

Hinayaan ko nalang dahil baka mabwiset pa ako at mahampas ko siya ng sapatos kong amoy putok charot!

"Nga pala, bakit hindi mo kasama ang girlfriend mong umuwi?" tanong ko para naman may topic kami at hindi awkward habang naglalakad.

"She went shopping with her friends and I already told her that I'm busy." sabi niya habang nakatingin lang sa nilalakaran niya.

"Busy saan? tsaka hindi ba magseselos yon kapag nalaman niyang magkasama tayo?"

"I'm busy with my basketball sport and I already told her that you're my girl bestfriend."

"Wala bang sport na sinalihan yon?" tanong ko at umiling lang siya.

"Bakit naman?"

"She's not fond of sports." sabi niya at napatango tango naman ako.

Halata naman kasing hindi mahilig sa sports yon dahil sigurado akong puro lang paganda ang alam non. Oo alam ko yon dahil nakikita ko siya sa classroom na palaging nagpapaganda. Grabe pa makalagay ng liptint sa labi, pati nga pisngi nilalagyan. Liptint nga diba? bakit kasali pati pisngi? Haynaku may mga babae talaga na grabe kong maka arte, di tulad sakin walang alam sa mga paganda gandang yan. I'm just a simple girl yah know!

Si Shantal lang ata at si Amari ang mahilig magpaganda sa aming apat na magkakaibigan. Kami naman ni Janica ay simple lang. Minsan nga lang kami naglalagay ng liptint sa labi eh. Speaking of Amari. Hindi pa din talaga sila okay ni Shantal. Gusto ko ngang kausapin si Shantal tungkol doon kaso pareho kaming busy sa mga sports na sinalihan namin. Next time nalang siguro.

Pagkarating sa parking lot ay nakita ko kaagad ang driver namin na naghihintay sa labas ng kotse. Agad na akong nagpaalam kay Jaxson at naglakad na palapit sa kotse. Siya naman ay sa kotse niya.

"Sola, wait." napatigil ako at napalingon sa kanya ng tinawag niya ako.

"Bakit?"

"Uhmm...tomorrow in the afternoon, my Mom wanted to talk with us." sabi niya habang nakapamulsa at nakatayo sa labas ng kotse niya.

"Tungkol saan daw?"

"I don't know." sabi niya at wala akong nagawa kundi ang mapatango.

"Sige tutal sabado naman bukas, pupunta nalang ako sa bahay niyo."

"Susunduin kita bukas." sabi niya at tumango ulit ako at tuluyan ng nagpaalam sa kanya at naglakad na ulit palapit sa kotse.

Agad naman akong pinagbuksan ng driver namin na sundo ko. Ng tuluyan na akong makasakay sa kotse at maisara ng driver ang pinto ay napalingon ulit ako sa kanya. Hindi niya ako nakikita dahil nakasara ang bintana ng kotse at tinted ito pero ako kitang kita ko siya.

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga habang nakatingin sa kanya na nakatayo lang malapit sa kotse niya at naghihintay kong kailan kami aalis. Siguradong kaya kami gustong kausapin ni tita Sab dahil hindi na itutuloy ang arrange marriage. Alam ko na yon dahil sinabi na sa akin ni Zeddie. Hindi ko maiwasang malungkot.

Kong dati ay ayaw kong maikasal sa kanya, ngayon naman ay parang gusto ko na. Iniisip ko na baka kapag natuloy ang kasal ay mamahalin din niya ako...pagmamahal na higit pa sa pagkakaibigan. Ng umandar na ang kotse, habang palayo kami sa parking lot ay unti unti din siyang nawala sa paningin ko.

Pakiramdam ko ang layo talaga namin sa isa't isa. Oo bestfriend ko siya pero hanggang doon na lang ba? gusto kong maghangad ng mas higit pa don pero sa tuwing naiisip kong imposibleng mangyari yon ay nasasaktan ako. Hindi naman ako yong mga tipo niya. Hindi ako kagandahan tulad ng iba. Hindi ko abot ang standards niya sa isang babae.

Paano ba?

Paano ko aalisin tong nararamdaman ko sa kanya kong habang tumatagal ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya? Ayaw ko ng nararamdaman ko. Ayaw kong mas lalong ma-attach sa kanya dahil alam ko kapag nagtagal ay mahihirapan na akong lumayo pa.

Kailangan ko na bang lumayo sa kanya habang maaga pa? O hayaan tong nararamdaman ko kahit masaktan ng paulit ulit dahil sa kanya? Ang hirap...ang hirap magkagusto sa bestfriend mo dahil malilito ka kong ano ang paiiralin mo...

Ang pagkakaibigan niyo? o ang nararamdaman mo para sa kanya?Siguro mabuti ng ganito...

Mamahalin ko siya ng higit pa sa pagkakaibigan ng...patago.

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 2.7K 54
Hanggang kailan mo kayang maghintay kung sa tuwing babalikan ka niya ay palagi ka rin niyang iniiwanan? Handrex Cruise, kilala siya ng halos lahat h...
57.5K 1K 37
Life couldn't get harder... But it just did after you sat next to me, everyone bullies me, when will you stop noticing me?? I can't believe that your...
2.9M 54.4K 17
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
3.1K 61 49
This is work of fiction. Names, characters, places, businesses, events or incidents are either the products of the author's imagination or used in fi...