『 THAT NERD IS THE VILLAINESS...

By GraDezer0

122K 5.6K 464

❝ Kahit saang lupalop ako mapunta, mapa impyerno man o langit ay wala din namang mababago saakin. Sapagkat na... More

𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆
001 - HER DEATH
002 - AMNESIA
003 - THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER
004 - ROYAL POSSESSION ACADEMY
005 - PARTE NG MEMORYA
006 - TALAARAWAN (0.1)
007 - TALAARAWAN (0.2)
008 - MANANG PRINSESA
009 - ASTERIA'S JOURNEY
010 - PAGBABAGO
011 - LARUAN
012 - RENEWAL
013 - FRIENDS?
014 - PAGPAPATIKIM
015 - PALARO
016 - BANDA
017 - PERFORMANCE
018 - CROSSED PATHS
019 - PANAGINIP
020 - WEIRD
021 - LIE DETECTOR (0.1)
022 - LIE DETECTOR (0.2)
023 - DALAW
024 - HINANAKIT
025 - PAGTINGIN
026 - PAGMAMAHAL?
027 - PAGDUDUDA
028 - DESISYON
029 - PAGUUSAP
030 - THE EYE
031 - THE EVIL QUEEN
032 - HER INSPIRATION
033 - PRACTICE
034 - GIVING UP
035 - THE HOURGLASS
036 - APPROVAL
037 - HIS HOME
038 - ALL ABOUT HER
039 - BALIK ORAS?
040 - ANG GOLDEN CHISMIS
041 - HIS FRIENDS
042 - IN GOOD TERMS
043 - FAILED
044 - NOVEMBER
045 - UNKNOWN PARTNER
046 - HULA
047 - VALUE
048 - UNDER THE SPELL? (1)
049 - UNDER THE SPELL (2)
051 - WAKING UP
052 - PANIMULA
𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀𝐍𝐓 𝐍𝐎𝐓𝐄

050 - SUCCESSFUL ATTEMPT

692 38 1
By GraDezer0


Minamahal kong Shania,

Gusto ko lang itala dito sa talaarawan na bawat takbo ng oras ay mahalaga sa akin. Napansin ko din na pa konti nang pa konti ang buhangin sa hourglass na binigay sa akin ni Anna. Yung banda ay mas lalong nakikilala, yung pag-sasama naming dalawa ni Zioquel ay mas lalong lumalim. Maaaring ito na ang huling liham ko sayo kaya sana... Kung makabalik ka na dito sa iyong oras ay nais kong sabihin na wag mong saktan si Zioquel. Na maging malinaw sana sa iyo ang iyong damdamin at matutong magmahal ng totoo. Lagi akong nagiisip, kung sakali na makabalik ako... Makakatagpo pa ba ako ng lalaki na katulad ni Zioquel? Kung meron man... Siya na ang nanaisin kong pakasalan habang buhay at nanaisin kong mamuhay ng mapayapa kasama siya.

Nagmamahal,
Asteria.

Sabado ngayong araw at nakabihis si Shania ng simpleng damit na kulay asul at bagong tsinelas na pula na nagmula kay Shade. As Shania is busy doing some practice on her electric guitar, a sudden knock on the door makes her stand up to approach the person outside their dorm.

And it was Purple and Sienna na naka formal attire.

"Bakit? Anong okasyon at napadpad kayo dito? Wala ba kayong dula na gagawin para sa groupings?"

"Tapos na." the two people responded. Pumasok na si Sienna sa dorm at si Purple naman ay umalis na patungo sa dorm nito. Nang maisara na ni Shania ang pintuan ng kanilang kuwarto ay agad na nagsalita si Sienna.

"Ate, alam mo ba kanina nag-away sina Beatrice at Ione. Hindi ko nga alam kung ano tumatakbo sa utak ni Ione dahil sabi ni Beatrice mukambibig nito ay ikaw." naghubad pa si Sienna sabay higa sa kama nitong malambot.

"AKO? Bakit naman sila mag-aaway nang dahil sa akin?" taas kilay na tanong ni Asteria.

"Alam mo naman si Beatrice ay may pagka clingy minsan. Ewan ko kung bakit ka nila pinag-aawayan. Huwag mo na lang din sila intindihin baka sumakit ulo mo." sinubsob ni Sienna ang mukha sa malambot na unan at mahinhin na hinilot ang sintido gamit ang kamay.

"Alam mo Sienna, may masama akong pakiramdam kay Ione. Napapansin ko tuwing nagtatagpo kami pakiramdam ko para niya akong sasaktan." niligpit na ni Shania ang mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang kama saka pumunta sa kabilang direksyon upang maki-upo sa kama ni Sienna.

"Bakit? Anong nangyari?" humarap si Sienna at nag Indian sit. Yung seryoso nitong mukha ay nakatitig kay Shania na parang handa itong makinig sa kahit anong paguusapan.

"Ahmnn... Ito kasi." Asteria played with her hands and keeps on twirling her pointy fingers. "Napansin ko na madalas parang may binabalak na gawin si Ione sakin. May isang insidente na nagkasalubong kami sa hagdan tapos naka posisyon ang kanyang binti na para akong papatirin. Pero alam ko na hindi naman niya yun sinasadya... Tapos mayroon pang sumunod... Lagi niyang binabantayan ang pagkain ko na akala mo binabalak niya akong lasunin." she sighed.

"Hmn? Sus, baka wala lang iyon Ate. Pero kung iyan yung pakiramdam mo ay mag doble ingat ka na lang. Teka, lalabas ka ba ngayon?" Sienna asked.

"Ay, Oo lalabas muna ako. Naka assign kasi saakin na ako gagawa ng 3D graphic organizer. Sino-solo ko na yung gawa dahil madami na din akong atraso sa iba kong mga kaklase. Madalas na ako umaako ng madaling gawain para maaga lang makatugtog sa banda. Babawi lang ako sa kanila." Nagpalit ng tsinelas si Asteria saka tinahak na ang school supply area nila. Sienna has toured her in that place, it was actually full of needs of the students. Hindi na sila magbabayad doon dahil kasama sa tuition fee nila ang mga kagamitan sa paaralan.

Parang national book store ito pero mas malawak pa ang lugar sa paglalarawan ni Sienna. Nang makalabas ng dorm so Asteria at natahak ang ninanais na lugar ay bumili ito ng mga kagamitan.

"Cartolina, Pentelpen, Illustration Board, Colored at White bond paper." tatlo pa ang kulang sa kanyang kailangan. At ito ay ang cutter, gunting at glue.

When she walked at the stationary station, two familiar girls has made her on guard. Nang tumalikod ito para tumakbo papaalis ay naramdaman nito ang pagyakap ni Ione mula sa kanyang likuran.

"SHANIA! Nandito ka pala! May groupings ba kayo? Sakto at tumitingin din ako ng mga kailangan ko." iba ang tono ng pananalita ni Ione na nakapagpakaba kay Asteria.

"Lumayo ka nga saakin. Hindi ko ninanais na makasama ka sa araw na ito." supladang saad ni Asteria.

"Bakit? Ayaw mo ba saakin? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo." Ione pouted. Si Anna naman ay nasa likuran ni Ione at pinapanood kung paano mag usap ang dalawang babae.

"Basta, Lumayo ka saakin." banta ni Asteria ngunit nanigas ito nang maramdam na may matalim na bagay na nakatusok sa kanyang puson. Ione back hugged her but is not aware that the way she's carrying the scissor is quite dangerous. Mabilis na siniko ni Asteria si Ione dahil kapag yumakap ito ng mahigpit ay parang babaon na ang gunting sa kanya.

Nahulog ang basket ni Asteria na puno ng school supplies. She immediately picked up her things and walked away like nothing happened. Habang nasa cashier si Asteria, nakarinig ang halos lahat ng tao na nasa counter ng isang malakas na sigaw.

"TULONG!! TULONG!! MAY MAY BABAE NA PURO DUGO!" goosebumps arise from her skin at nakita ang ibang security guard na pumunta sa direksyon ng stationary station. Pakiramdam ni Asteria, na parang binuhusan siya ng malamig na tubig at yung kaluluwa niya ay kinulong sa malaking yelo.

At buhat ng mga security guard... Ay si Ione na walang malay habang ang uniform nito ay babad na babad sa sariling dugo. A bulky apperance of a guard tapped her shoulders as Asteria turned her head to face him.

"Anong kailangan mo?" she's still not used on using 'po' at lagi niya na itong nakakasanayan. Si Zioquel sinisita din siya na hindi lang dapat ginagamit ang 'po' at 'opo' sa piling tao. Dapat ginagamit niya ito sa lahat.

"I-I mean... Ano po bang kailangan mo?"

"Ma'am, sumama ka muna po sa amin. Isa sa mga kinakasama ng babae na nasaksak ay sinabi samin na kasabak sa sa pangyayaring naganap." Yung mga nakarinig nito ay simula nang nagbulungan. Upang di lumala ang scenario, Asteria shakingly nodded her head and followed what the guard wanted. Bayad na ang mga supplies niya ngunit imbes na makabalik siya sa dorm ay nakatahak pa pala siya ng pahamak.


━━━━━❘༻༺❘━━━━━


Parehas na nasa guidance councilor sina Asteria at Anna. Habang pumapagitna ang white table sa dalawang babae at sa guidance, nagtanong ang guidance.

"Shania... Nasabi ni Anna saamin na siniko mo ang parte ni Ione kung saan siya may sugat. At lalong lumala ang kanyang sitwasyon dahil sa ginawa mo." parang naiinis na ang guidance, mukhang araw-araw may bumibisita sa opisina niya dahil may ibang studyante na lumalabag sa mahigpit na patakaran ng student council. "Look, I didn't know that Ione has a wound in her body. Saka, I was scared at her dahil yung gunting na hawak niya ay nakatutok na sa puson ko."

Tinaas ni Anna ang kanang kamay para kunin ang atensyon ng Guidance saka pinakita ang cellphone nito. Binasa naman ito ng Guidance sanhi na lalong tumalim ang pagtitig nito kay Asteria.

'Ma'am, please don't listen to Shania. I was there, nasaksihan ko ang buong pangyayari. Hindi po totoo na self defence yung naganap. Alam niyo po ba, in-approach po ni Ione si Asteria in a friendly way pero mukhang galit siya. Hindi ko po alam kung ano personal issues ng dalawa pero please don't let this incident slide so easily.'

"Ms. Liebesfreud... Hindi ka muna papasok ng isang linggo. You need to take detention –"

"ANO? Paki ulit nga ulit?" diniinan ni Asteria ang kanyang tono. "Anong kalokohan na naman ba ang sinubo ng babaeng ito sa kukote mo? Bakit hindi mo na lang tingnan yung CCTV camera?" she suggested.

"There's no CCTV at that time... Nagloloko ang security cameras. Tanggapin mo na lang ang detention pwede ba? Hindi ka naman nasaktan dahil sa inyong dalawa ni Ione, mas kritikal pa ang kalagayan niya kumpara sa'yo." napahawak sa sariling sentido ang Guidance.

"Guard, Anna... Please take Asteria to the clinic. Anna, make sure na magbibigay ng apology si Shania kay Ione." Hinila ng guard si Shania ngunit sumigaw ang dalaga.

"BITAWAN MO AKO. MARUNONG AKONG MAGLAKAD AT HINDI AKO IMBALIDO." She yanked away her arm and proceed to walk on their way to the clinic room. Nakasunod lang ang security guard saka si Anna. Nang makarating sila sa clinic, Asteria immediately took the vacant seat beside to Ione's hospital bed.


━━━━━❘༻༺❘━━━━━

"Haysss... Akala ko talaga mapapatay na ni Ione si Asteria. Bwisit talaga." Anna grabbed the strands of her hair at nanggigigil na napasabunot sa sariling buhok.

Before the incident happened, nagkita ulit si Ione at Anna sa garden. Lalong umiigsi ang pasensya ni Annalise dahil kay Ione at mukhang nanlalaban ang dalaga sa kanyang mahika.

Annalise is surprised on how Ione is willing to stop this kind of game. Although, she admit that she's using Ione for the sake of everyone. In other terms, THIS IS A GOOD CHOICE. WALANG MALI sa kanyang ginagawa.

Bumibigat pakiramdam ni Annalise, dahil nung nagkita sila ulit ni Ione ay umabot pa sa punto na sinaksak nito ang tagiliran ng dalaga. After that, she just slightly treated her wounds by wrapping some white bandages. Nung nasa supply area siya ay nagkataon lang na nakasalubong niya si Ione. Then out of no where, she immediately feel Asteria's precence kaya ayun... Agad niyang ginamit ang kapangyarihan para saksakin ni Ione si Asteria gamit ang gunting na hawak nito. But sadly, Asteria looks like a strong gal.

Buti na lang at malakas ang pagkakasiko nito kay Ione, when the lassie was successful to get away from their situation ay dun na nagsimula lahat. Lumala ang pagdurugo sa nasaksak na parte ng katawan ni Ione. Agad na umakto si Anna na naninigas at nanginginig na dinutdot ang cp para ipabasa sa unang tao na makakakita sa kanila. A random student just yelled due to shock na may nakahigang tao na walang malay sa tiled floor.

Dahil pipe si Anna, pinabasa nito ang cellphone sa sumigaw na babae. Sakto naman na may security guard na dumating at pinabasa nito ang cellphone na si Asteria ang may kagagawan ng lahat.

If she needs to frame someone then she'll do it without any hesitation.

Since it's only three people and one unconscious, Anna injected something from the security guard's arm making him paralysed at first. Madalian na din itong napatumba na nakapag pa gulat kay Asteria. Hindi na din nito mapigilan sumigaw.

"Pft– HAHAHAHAHAHHA!" Tumawa ng nakakaloka si Anna sabay na nilapitan si Asteria para saktan ito. Dali-dali na lang ang akto ni Asteria at basta bastang binabato sa gawi ni Anna ang bagay na kanyang napupulot. Napuruhan na ang mukha ni Anna ngunit parang walang epekto ang sakit nito sa kanyang katawan.

When she successfully grabbed Asteria's wrist, she fully used her whole strength to push her againts Ione's body.

"PUTANGIN– MPHH!!" Tinakpan ni Anna ang mukha ni Shania gamit ang unan. Sa sobrang likot ng panlalaban nito ay natanggal na ang suwero na nakakabit kay Ione. Todo tadyak si Asteria at mabilis itong napa isip na baka pag umakto siyang parang patay ay tatantanan siya ni Anna.

When Anna noticed how Asteria's body acted like a statue ay na pahinga ito nang malalim. Yung ngiti nito'y umabot na hanggang langit at napapalakpak.

"Sa WAKAS! Napatay na kita!" tinanggal ni Anna ang unan saka kinapa ang buong katawan ni Shania para hanapin ang hourglass. Shania took another opportunity so she used her head to headbutt Anna sanhi na pagkawala nito ng malay.

"HAH... HAH... HA..." Pahingal nitong usal. Todo ang pagpatak ng pawis sa mukha ni Asteria hanggang sa...

May patalim siyang naramdaman sa kanyang leeg.

She gasped when blood started to come out from her nose and mouth. Gulat din itong napatitig kay Ione...

Ganun din ang itsura ni Ione na parang di natauhan. Nanginginig ang kamay dahil yung gunting na hawak nito ay babad sa dugo na nagmula kay Asteria.

"B-B-BAKIT? ACK–" Sinaksak ni Ione ang dalaga mula sa bibig sabay sabing...

"Hourglass... Hourglass." para itong robot na nagsasalita at walang emosyong binibigkas ang bawat salita. Hinubaran din ni Ione si Asteria, mula sa school uniform at nakita ng mata nito ang shorts na kulay asul na may bulsa.

Nang kinapa iyon ni Ione, tagumpay nitong na hanap ang hourglass at hindi nag dalawang isip na ibato ito sanhi ng pagkabasag ng hourglass.

"Paalam."

"HINDI!!! HINDI PE-PWEDE! NANGAKO AKO KAY ZIOQUEL NA AABOT KAMI NG ISANG TAON. GUSTO KO PA MAKA SAMA ANG IBA KONG MGA MAHAL SA BUHAY!!!" She yelled till a glimpse of light started to eat her up.

'Sobrang bilis ng pangyayari... Hindi ito maari.' sambit nito sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

23.2K 1.1K 12
Zamora Althea Delrico, 25 years old pero mukhang 35 dahil sa walang kapagurang pagttrabaho. Siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya para maka-ahon sa...
138K 7.5K 44
"I will heal someone I wanted to heal. So shut the fuck up and die!" A healer who don't heal everyone. A healer should be weak but why she's acting s...
1.8M 121K 44
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...