Banana Crescencio (ViPe Serie...

By JierusuJirin

584K 22.2K 4.6K

³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characte... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty one
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note/BC Characters

Chapter Twenty Four

8.5K 305 17
By JierusuJirin

Banana


"Banana Crescencio!" Patay kang bata ka Saging! Boses ni Victoria 'yon! Talaga nga namang ang pagkakataon oh. Lagi akong nalalagot tuwing sumusulpot siya ng walang pasabi.

"Patay ka, Saging." At talaga nga namang inulit pa ni Alex ang sinabi ko sa isipan ko. Nilingon naming dalawa kung saan ang boses na 'yon.

Kinakabahan tuloy ako dahil paniguradong nakita niyang hinalikan ako ng kaibigan ni Alex na si Carli sa pisngi pagkatapos niya akong ipakilala.

Nakita ko kasi si Alex sa parking lot kanina pagkatapos kong hindi sumunod sa nagmamaldita kong irog. Sinama na rin niya ako rito sa cafeteria dahil baka makita ko si Victoria rito ang kaso ay hindi ko siya nadatnan. Sa rami ng tao ay mahirap hagilapin ang Propesor na 'yon ngayon.

Napansin ko ang mukhang susunog sa akin ng buhay na si Victoria. May mga kasama ito, maski si Miss Tala Liandro ay kasama niya at sila Ate Sherez na pinsan ni Alex ay narito rin. Ano naman kayang ginagawa nila rito?

"Crescencio!" Mariing bigkas ni Victoria pagkalapit niya sa kung nasaang table kami nakap'westo. Hindi rin naman ako naaapektuhan sa pagiging masungit ni Vic e. Pero nakikinita ko ang isang malaking tyansa na magiging under ako— ah, hindi ako papayag. "You really know who to flirt ha?"

Natawa naman ako. Nagseselos na naman ang babaeng bumihag sa puso ko at ang babaeng parang kulang na lang ay isumpa ako sa sama ng tingin niya.

"I think, I already heard that. Right, Alexandria?" Tanong ko sa kaibigan ko pero kay Victoria ako nakatingin. Masarap kasi asarin ang isang ito pag nagagalit na. Bumitaw na rin si Alex sa pagkakahawak niya sa bewang ko.

Sabi na hindi ako naapektuhan sa pagiging masungit ni Victoria dahil kayang-kaya ko pa siyang asarin.

"Yeah, I think so too, Saging. Ang ganda ko e." Proud pang komento ni Alexandria. Mukhang nagpasya siyang dagdagan ang pang aasar ko sa Irog ko.

"Lotus." Ngunit mabilis na napatungo ang kaibigan ko at lumayo para makiupo sa tabi ng kaibigan niya. Ito ang tinatawag na under. Ang isang Alexandria the Great ay under ni Tala Liandro. Wala pala siya, mahina.

Nakatitig na lang ako kay Victoria na umuusok na ata ang ilong sa sama ng tingin niya sa akin at sobrang pula ng mukha niya. Wala na rin itong sinabi kahit na naghihintay ako basta masama ang tingin niya sa akin. Iyong tipong parang nahagis na ako nito sa kumukulong lava at tumatawa siya na parang nagtagumpay siya, gano'n na gano'n.

Tsaka mas mabuti na rin na huwag muna kaming gumawa ng kung ano rito dahil ang daming estudyante.

Pambihira, lagot na ata talaga ako ng malala mamaya pero susubukan ko pa rin siyang kausapin.

"MISS LIANDRO!" Mayroon namang isang estudyante ang sumisigaw kaya napalingon kami sa kaniya. May hawak pa nga itong magandang bulaklak.

"Bea! 'Wag kang sumigaw!" Sita ni Alex sa estudyante. Mukhang kilala naman ata niya ito.

Hanggang sa malaman namin na para kay Tala pala ang bulaklak. Iisipin ko sanang kay Alex ito galing pero nagtanong naman siya kung kanino galing at parang nawalan na siya ng gana pa.

Nagseselos ata ang kaibigan ko. Mukhang may kaagaw siya sa irog niyang si Tala.

Inaya ko naman si Victoria na maupo ngunit hindi ako nito pinapansin. Mabuti na lang ay naupo pa rin sa tabi ko.

Hanggang sa magpaalam na si Alex na aalis na muna na sinundan rin ata ni Miss Tala. Nakatanggap lang ng bulaklak si Miss Tala ay nagpaalam na agad si Alex. Baka naman nag iiwasan talaga ang dalawang iyon? Pambihira, kailangan ko na talagang makausap nang masinsinan 'yang si Alex. Lalo na ngayon na mukhang iniiwasan na naman kami dahil sa mga natatanggap niyang walang k'wentang mga papel na may pagbabanta.

Pagbabantang para sa mga bata lamang ang gano'ng klaseng laro. Akala ata niya ay wala kaming alam tungkol dito sa mga pagbabanta sa kaniya. Pwes, nagkakamali siya.

"Kaibigan mo talaga si Alex?" Bulong ng isa sa mga kaibigan ni Alex sa tabi ko. Tumango ako rito. Ayaw pa ata nilang maniwala e. Tapos ang mga kasama naman namin ay nag uusap-usap na kaso hindi ko sila maintindihan dahil ang buong atensyon ko ay na kay Victoria.

Nilingon ko naman muli si Victoria na tahimik at hindi na muli nagsalita. Para siyang busy sa sarili niyang mundo. Nag iisip ata siya kung paano ako papatayin gamit ang laser niyang mga mata.

Paano naman kasi, ayaw daw ako makita pero kung magalit naman siya, aba akala mo pinagdadamot na ako sa kahit sino e. Kung saan man ito nagsusuot kanina ay hindi ko alam. Nauna pa ako rito sa cafeteria bago sa kaniya. Napakagaling talaga.

"I excuse myself first. I need to go to Mrs. Gonzaga's office." Nakatingin lang ako rito hanggang sa tumayo siya. Hindi pa nag iinit ang puwetan namin ay aalis na siya agad?

Gagaya ba siya kila Alex at Miss Tala?

"Babalik ka pa ba rito after?" Tanong ni Ate Sherez sa kaniya.

"Hindi ako sigurado, Sherez e."

"Oh, okay. See you around then, Victoria." Tumango at ngumiti si Victoria kila Ate Sherez.

Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya sa kamay na ikinatingin niya ng masama sa akin.

Napapangiwi na lang talaga ako sa loob-loob ko dahil dito. Ang laki na naman at ng kasalanan ko.

"P'wede ba tayo mag usap sandali?" Tumingin siya saglit sa mga kasama. Mukhang nagdadalawang isip pa kung papayagan ba ako o hindi. "Hindi naman magtatagal, Victoria."

Hindi ba talaga ako na-miss ng irog ko? Pagkatapos niyang hindi nagturo sa klase namin ng tatlong araw? Tapos malalaman ko na dito lang pala siya naglalagi. Ang dami-daming tao dito, hindi ko maiwasang mag alala. Galit kaya ito kasi hindi ako nagpupunta ng bahay nila?

Pambihira, siya magagalit? Baka nga natutuwa pa siyang hindi ako nakikita e.

"Okay." Para naman akong nabunutan ng tinik dahil pumayag siya. Tumayo na rin ako bago kunin ang ilang gamit niya. Hinayaan niya lang ako bago kami nagpaalam ulit sa mga kasama na tahimik na tumatango lang. Hindi naman talaga sila tahimik. Ang ingay kaya bigla nila Galaxy lalo na si Ate Summer na kung ano-ano ang sinasabi.

"Victoria—"

"What do you want to talk about?" Nahimigan ko ang walang ganang boses niya na medyo ikinatigil ko, napalunok pa ako ng bahagya habang napapatingin sa mga estudyanteng napapalingon sa aming dalawa tuwing nakakasalubong namin. "Make it fast, Banana. May pupuntahan pa ako."

"Victoria—"

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Miss Crescencio." Pambihira naman, oo. Pangalawang beses na niyang pinutol ang sasabihin ko. Paano ako mag uumpisa niyang magpaliwanag? Tapos Miss Crescencio na naman ang tinawag sa akin? Akala mo naman hindi niya ako ninakawan ng halik no'ng kailan lang e. "I am busy."

Pero hindi ba't ako naman ang humalik sa kaniya? Ah, basta. Unang halik ko iyon kaya siya ang nagnakaw sa akin no'n.

"Ang sungit naman." Bulong ko sa sarili. "Wala pa naman kasi e pero pinuputol mo na agad ang sinasabi ko."

Hindi talaga ako nito nililingon at deretso lang ang tingin sa dinadaanan niya. Estudyante pa talaga ang iiwas sa daanan niya para hindi lang siya mabangga. Medyo masungit na naman kasi ang presensya nito e.

Wala nga akong kaalam-alam na Sports Day pala ang ganap dito. Akala ko kung ano lang kaya maraming tao kahit no'ng mga nakaraang araw. Ang ganda sana makipaglaro sa mga booths nila kaso ayaw kong iwan ang irog ko. Baka kung sino lumapit, masapak ko pa.

"Teka nga, Victoria. Nagseselos ka na naman ba?" Iritang hinila ko ang kamay nito para mapaharap sa akin at matigil ito sa paglalakad. Kunot noo na naman tuloy siya at masama na naman ang tingin kahit may gulat na mababakas doon dahil sa pagkakahila ko sa kaniya. Kung p'wede sanang halikan ito ngayon ay ginawa ko na.

"Hindi ako nagseselos, Banana!"

"Hindi ako nagseselos, Banan—"

"Are you fucking mimicking me again?" Ayan na nga, bubuga na ata ang magandang dragon dahil sa sobrang pulang mukha nito.

"Ang aga-aga naman kasi ang sungit-sungit mo! Kulang ka ba sa tulog ha? Tsaka huwag kang magmura dahil pinapaligiran ka ng mga estudyante. Pambihira naman, Mahal. Huwag mong kalimutan na Propesor ka." Mabilis na litanya ko rito. Balak ko sanang gayahin na naman ito e. Kaso ayaw ko namang mabugbog dito sa hallway ng University nila Alexandria. Baka pagtawan pa ako nila Hera pag narinig ang mga iyon. Baka mabawasan ang kagandahan ko pag nabugbog ako ng asawa ko.

Dapat hindi ako nagpapaunder dito—

"Shut up!" Mabilis kong natutop ang bibig at tumahimik. Nagsimula na naman siyang maglakad kaya tahimik akong sumunod dito.

Pambihira, dapat hindi ako under sabi e.

Sa totoo lang ay mukha talaga itong kulang sa tulog. Para ngang hindi pa siya natulog e sa itsura niya. Pero maganda pa rin naman siya, syempre.

Napairap ako bigla ng may mga makita akong kalalakihan na naka itim na suit na may hawak pang case. Kilala ko kung sino ang mga siraulong 'yan. Narito na naman sila at pakalat-kalat.

Kung tutuusin nga ay baril lang ang laman ng hawak nilang suitcase. Feeling mga businessman daw. E mga gunggong lang sila na gustong saktan ang asawa ko. Alangan namang matakot pa ako sa kanila e isa akong Crescencio? Tsaka alam ko naman na may mga nakasunod kay Victoria. Ilang araw na rin bago magsimula ang event dito sa University na ito.

Nagmamasid kasi sila kaya napapansin ko. Minsan pa nga'y sinusundan ko sila lalo na kung nasa labas si Ashlyn at itong si Victoria. Hindi lang talaga ako nagpapakita. Naiirita na nga ako at lantaran pa silang nagpapakita kay Victoria, paano na lang kung matakot siya? Kung makatitig ba naman sila e paniguradong matatakot ang kasama kong ito.

Natigilan na naman ako sa paglalakad ng tumigil si Victoria. Halos matama pa ako sa likuran nito kung hindi lang ako nakaatras.

Nagtataka kong sinilip si Victoria at magtatanong sana kung bakit siya tumigil pero napansin kong may tinitignan siya kaya sinundan ko naman ng tingin nito at do'n ko naman nakita na ang tinitignan niya ay ang lalaking nakita ko ngayon-ngayon lang na nakaitim.

Nakita na niya. Naramdaman ba niya ang nga tingin sa kaniya?

Kumukunot ang noo ni Victoria at halata ang pagtataka sa mukha nito. Kahit nga ang pag hawak sa gamit at ilang folders na hawak ay humihigpit na. Pambihira, ito na nga ba ang sinasabi ko e.

Wala pa man ding pakialam ang mga lalaki kahit na nakikita silang titig na titig lang ng deretso sa kasama ko na parang ako ay hindi pa ata nakilala at napapansin.

Kailangan ay may gawin ako.

Muling naglakad si Vic ngunit napansin kong nag iiba ng daan ito kaya't nanglalaki ang mata ko ng mapansin balak niya atang puntahan ang lalaki. Nalintikan na, Banana! Mapapatay ko talaga ang mga ito ng wala sa oras, oo.

"Victoria! Sandali! Saan ka pupunta?!" Mabilis akong humarang sa harapan niya. Tumingin ito sa akin bago tumingin sa likuran ko bago bumalik ulit ang tingin sa akin.

"What the hell are you doing? Umalis ka sa daan, Crescencio." I snickered silently. Pilit kinakalma ang sarili na huwag pairalin ang init ng ulo ko. Ang init ng ulo kong ito ay dapat nilalabas lang sa mga gano'ng lalaki, hindi sa harapan ni Victoria.

"Nag iiba ka kasi ng daan, Vic e. Hindi diyan ang daan, hindi ba?" Konti na lang ay halos mawalan na ako ng puso sa sobrang bilis ng tibok nito.

"May kakausapin lang ako—"

"H'wag mong ituloy ang binabalak mo Victoria." Mariing saad ko na ikinatanga niya. Kaya ko mang pigilan ang galit ay hindi ko naman pala kayang pigilan ang bibig ko sa pagsasalita. Mabubuking ako pag ganito e. "Gusto mo bang ipahamak ang sarili mo ha?"

"Why? Alam mo ba kung saan ako pupunta? Do you know na sadya ko ang lalaking 'yon? Do you know that man, Crescencio?" Umiwas ako ng tingin. Parang gusto kong magpakain sa lupa ng mawalan ako bigla nang sasabihin ng itanong na niya sa akin iyan. Sana pala ay mas pinili ko pa ang dapat na sabihin sa kaniya. Masyado kasi akong nagpapadalos. Ayoko namang biglain ang babaeng nandito sa harapan ko at sabihin ang lahat sa kaniya. Hindi naman ito ang tamang oras, lugar, at panahon para malaman agad niya.

"Pumunta na tayo sa pupuntahan—"

"Good grief, Banana! I am asking you!"

Kita mo to, sinisigawan na naman ako. Pinutol niya rin talaga ang sinasabi ko e. Minsan talaga ay gustong-gusto ko na magsumbong kay Mommy at kila Tita e. Kaso ayaw ko naman marinig sa Mommy ko na ina-under lang ako ni Victoria.

"Mahal, bakit ka ba panay sigaw? Tignan mo ang dami tuloy tumitingin sa atin." Pilit kong iniiwas ang usapan hangga't kaya ko. Rinig ko na ang ingay ng mangilan na estudyanteng dumadaan malapit sa amin. Kahit ang ilang pagbati para dito sa kasama ko.

Kahit nga ang takbuhan at mangilan-ngilang sigawan sa bawat sulok ng Unibersidad na ito ay rinig na rinig ko. Kahit ang sandaling pagtigil ng pagtibok ng puso ko ay naramdaman ko dahil sa takot. Para sa kaligtasan ni Victoria at Ashlyn.

Hindi pa rin ba talaga sila tumitigil? May kakayahan si Victoria, matalino siya. Hindi dapat nila inaakusahan ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Hindi dapat nila pinipigilan ang kagustuhan kong magustuhan ang mag ina.

"You're changing the topic, Banana. Why the hell is that?" Napaatras ako, bigla kasi itong naglakas loob ng lapitan ako at parang hinahamon ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin. "You knew where I am going at kung sino ang pupuntahan ko. Now, tell me. Anong alam mo?"

Matapang, matalim na tingin habang umiigting ang panga nito. Pambihira, bakit ang sexy?

"H-Hindi ko naman iniiwas e. Tsaka bakit? Sino ba sila? Sino ba 'yong mga lalaking 'yon? Tsaka bakit mo ba kasi lalapitan? Paano na lang kung masama sila at mapano ka pa— este ano, paano kung may gusto pala sayo 'di ba? Kaya titig na titig sa 'yo?" Minsan lang naman ako kabahan e. Pero pagdating sa kaniya at pagdating sa ganitong usapin ay tila matutuliro ako.

"Sila? Marami pa ba sila rito? If yes, then how did you know?"

Pambihira, Alicia! Sana dumating ka, ilayo mo ako sa babaeng ito at hindi pa ako handang magsalita!

"Hindi, Mahal." Pilit na kalmadong sagot ko rito kahit nararamdaman ko ang biglang paglabas ng pawisan sa noo ko at maski ang tiyan ko ay parang sumakit dahil sa sobrang kaba at pag panic ko sa oras na ito. "Wala akong sinabi na sila, Mahal. Sabi ko— iyong ano, — iyong lalaki na lalapitan mo sana."

"May sinabi ka. Tell me, how did you know na 'yong guy ang lalapitan ko?" Pambihira naman, oo! Bakit ba ayaw na lang niya palagpasin muna? P'wede naman siya magtanong sa susunod na araw na lang e. Tsaka ang daming tanong. Ano ako magnanakaw tapos siya pulis?

"E kasi—"

"Miss Victoria Dela Merced?"

Napabuntong hininga ako ng malalim. Salamat sa kung sino ka man at niligtas mo ako sa kagipitan ko ngayong araw. Muntik na akong magpakain sa lupa.

"Mrs. Gonzaga, I am about to go and meet you in your office." The woman wearing a red dress chuckled. Ito ba iyong Mrs. Gonzaga na sinasabi nila? Mukha ng matanda pero in fairness ha, maganda pa rin. Kamukha rin pala niya si Lila.

"Kakarating ko lang din Miss Dela Merced, but anyway. Come with me."

"Banana." Lumingon ako kay Miss Victoria ng tawagin niya ang maganda kong pangalan. "We're not done yet." Umirap pa ito bago ako talikuran at sumunod na lamang ako sa kaniya.

Anak ng tipaklong. Hindi pa kami tapos mag usap?

Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang tumahimik sa likuran nilang dalawa ni Mrs. Gonzaga. Pero bago pa man kami makalayo ay nakasalubong pa namin sila Alicia.

"Good morning, Mrs. Gonzaga." Iyon ay bati mula kay Amanda.

"Good morning, Miss Suarez."

"Sorry, Mrs. Gonzaga but Miss Dela Merced, p'wede ba muna naming hiramin si Banana?" Ngumiti ako ng palihim at tahimik na nagpapasalamat dahil makakalusot na naman ako. Ngayon ay tapos na ang usapan namin ni Victoria.

"Oh, sure." Inabot ko muna ang ilang gamit na hawak ko sa kaniya bago siya sumunod kay Mrs. Gonzaga. Pero bago iyon ay isang pagbabanta munang tingin ang iginawad niya sa akin. Napailing na lang ako ng makatalikod ito.

"Buti at naisip niyong hiramin ako sa asawa ko." Para akong nabunutan ng tinik dahil dito.

"Those guy's is on the way in Elliot's chamber, Banana. Lantaran na masyado ang ginagawa nila." Mabuti na lang pala. Nilingon ko ang p'westo ng lalaking dapat na pupuntahan ni Victoria at wala na doon ang siraulong 'yon.

"Ang bilis naman ata?" Takang tanong ko sa mga ito. Sumunod akong naglalakad sa kanila at sa tingin ko ay deretso sila sa parking lot. Saan na naman ba ang punta nila? "Parang lalapitan pa lang ni Victoria ang lalaking 'yon. Paano siya nakuha agad?"

"Your nervousness helps us to get them. Para kang sinasabon ni Miss Victoria kanina e. Ano, wala kang maisagot pagdating sa kaniya? Duwag." Natatawang sagot ni Patrice bago niya paluin ng mahina ang balikat ko. Napamura na lang ako sa mga ito dahil sa inis. Duwag na kung duwag.

"Tsaka napansin na namin sila kanina pa. Elliot too before I called him nagpadala na siya nang kukuha sa mga iyon." Si Amanda na dinagdagan ang sinabi bi Pat.

"Ang laki ng advantage natin kay Elliot."

"It is, buti na lang at magaling siya magtago."

"Hindi niyo ba kasama si Cathrice?" Takang tanong ko ng mapansing wala siya rito. Hindi ko na rin pinansin ang pag uusap ng dalawa tungkol kay Elliot. Totoo rin naman ang sinabi nila.

"May inaasikaso sa loob, she's with the Dean. May pupuntahan lang kami. Maiiwan ka ba?" Si Amanda na ang sumagot sa akin. Tahimik lang si Alicia na nakamasid sa amin.

Umiling ako rito. "Pupunta ako kay Elliot. Ayoko rin munang magpakita ulit kay Victoria kasi ayokong masabon na halos hindi man lang ako makasagot at makatakas."

Malakas ang tawanan nila. Mga pang aasar na tawanan habang si Ali ay tahimik na ngumiti at umiling sa akin. Talagang masaya sila sa miserableng mga oras ko ha.

"Ayaw mo pa kasi magsabi sa kaniya." Nailing ako. "Susunod kami ro'n." Tumango akong ulit. Nagpaalam na sila sa akin at tahimik ko lang pinanood ang sasakyan nilang umalis at mawala sa paningin ko.

Sinimulan ko na rin ang maglakad palabas ng gate ng University.

Balak kong puntahan si Elliot. Kausapin ko ang ugok na stalker ng mag ina ko. Feeling mga mayayamang business man ang mga iyon e. Wala naman alam kung hindi makipagbasag ulo at makigulo.

At least ako, maganda na, cute pa, tapos bagay pa kay Victoria.

Saan pa siya 'di ba?

Continue Reading

You'll Also Like

195K 8.5K 43
In this world where Agatha Mendrado captivates with her poisonous allure and Riverain Samonte navigates a labyrinth of mysteries, the true face of re...
1.7M 40.2K 42
Bullet Fierro and Elaine Cuevas story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copy...
703K 20.1K 46
Masyado siyang mataas para maabot, masyadong straight para mabaluktot, at masyadong maganda para mapunta sa isang katulad ko.- Lhyn Masyado siyang ta...
74.2K 509 3
"Since that day you told me to stay away from you, you also took away my only reason to live." Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magag...