Caught In His Arms (Published...

By VentreCanard

60.1M 1.6M 409K

Former title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in... More

LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS
Note
Prologue
-
--
Mission 1
Mission 1.2
Mission 2
Mission 2.2
Mission 3
Mission 3.2
Mission 4
Mission 5
Mission 6
Mission 7
Mission 8
Mission 9
Mission 10
Mission 11
Mission 12
Mission 13
Mission 14
Mission 15
Mission 16
Mission 17
Mission 18
Mission 19
Mission 20
Mission 21
Mission 22
Mission 24
Mission 25
Mission 26
Mission 27
Mission 28
Mission 29
Mission 30
Mission 31
Mission 32
Mission 33
Mission 34
Mission 35
Mission 36
Mission 37
Mission 38
Mission 39
Mission 40
Mission 41
Mission 42
Mission 43
Mission 44
Mission 45
Mission 46
Mission 47
Mission 48
Mission 49
Mission 50
Mission 51
Mission 52
Mission 53
Mission 54
Mission 55
Mission 56
Mission 57
Mission 58
Mission 59
Mission 60
Mission 61
Mission 62
Mission 63
Mission 64
Mission 65
Mission 66
Mission 67
--
Mission 68
Mission 69
Mission 70
Mission 71
Mission 72
Mission 73
Mission 74
Mission 75
Book 2
Epilogue
A/N
Published under Pop Fiction
THANK YOU SO MUCH

Mission 23

783K 20.1K 4.2K
By VentreCanard

Mission 23


Third Person POV


"Just stay here baby"

Masuyong hinaplos sa pisngi ni Alyanna ang kanyang anak na si Florence na nagsisimula nang magtaka sa ikinikilos ng kanyang ina.


"But Mom! Why are you hiding me in this cabinet? It's so dark here" umiiyak na sabi ng kanyang munting anak.


"You are safe here baby" maluha luhang sabi niya.


"Mom? Is there something wrong? I don't want to stay here" pilit gustong lumabas ni Florence b mula sa loob ng cabinet pero pilit niya itong pinipigilan. Magsasalita pa sana siya nang isang malakas na kalampag mula sa pintuan ang umagaw sa atensyon nilang dalawa.


"What's that Mommy?" nagtatakang tanong ng kanyang anak.


"Alyanna mahal ko alam kong nandyan ka lang. Buksan mo na ang pinto" mula ito sa boses ng hindi pamilyar na lalaki.


"Mom? Who's that?" halos madurog ang puso niya nang makita ang takot sa mata ng kanyang inosenteng anak. Hindi dapat nararanasan ng kanyang anak ang ganitong klaseng sitwasyon.


"Florence, listen to me. Don't leave this cabinet okay? You are a good girl right?" masuyong hinalikan ni Alyanna ang kanyang anak habang lumuluha. Tanging ito na lamang ang magagawa niya para maprotektahan ang nag iisa niyang anak.


"Mom don't leave me here. I'll go with you. Don't leave me alone" halos mahabag si Alyanna nang makita niyang walang ampat sa pagluha ang kanyang anak. Kung maaari niya lamang hindi iwan ang anak niyang ito, kung maaari niya lamang itong samahan pero alam niyang higit na mapapahamak ang kanyang anak kapag hindi siya humiwalay dito sa mga oras na ito.


"Baby, don't cry. Just keep quite okay? Tandaan mong  mahal na mahal ko kayo ng daddy mo" hinalikan niya sa noo ang kanyang anak.


"Mom!" muling hinawakan ni Florence ang kanyang braso at ayaw siya nitong bitawan.


"Florence! Bakit ba ang tigas ng ulo mo! I don't want to do this baby but this is really for you" labag man sa kalooban niya ay naghanap siya ng maaaring itali sa kanyang sariling anak. She won't let her daughter get in danger. At kahit kamuhian pa siya nito ay pipiliin niya para lamang mailayo ito sa kapahamakan.


"Mom, why are you tying me?" pilit nanlalaban ang munting mga kamay ng kanyang anak habang kagat labi niya itong itinatali. She needs to do this! Hindi maaaring makita ng masasamang taong ito ang kanyang anak. They can kill her but not her only daughter.

Ilang beses niyang minura ang kanyang sarili habang nilalagyan ng takip ang bibig ng kanyang sariling anak para hindi ito makagawa ng ingay. Walang tigil na siya sa pag usal ng patawad sa kanyang sariling anak habang nakatitig itong lumuluha sa kanyang harapan.


"Sorry Florence but I have to do this. I love you so much. Mahal na mahal ko kayo ng daddy mo.." muli niyang hinalikan ang kanyang pinakamamahal na anak.


"Be a good girl Florence. I love you.."

Ito na lamang ang huli niyang sinabi hanggang sa tuluyan na niyang isarado ang napakalaking cabinet laman ang pinakamamahal niyang anak.


--


Florence Almero


"Mommy!" malakas na sigaw ko habang habol ko ang aking paghinga.


"Florence" agad na may dumalo sa akin. Napanaginipan ko na naman ang bangungot na kinatatakutan ko.


"It's just a dream, calm down. I'm here" agad niya akong niyakap sa paarang inaalo ako. Hindi ko na napansin na lumuluha na pala ako.


"Hush Florence, nandito lang ako" kinalas niya ang pagkakayakap namin at mariin niya akong pinakatitigan.


"Do you still remember what happened last night?" umiling na lang ako.

Ang natatandaan ko lang pagkatapos na pagkatapos mamatay ng ilaw, naglaho na silang lahat. Nahirapan na akong huminga..at doon ko na hindi matandaan ang mga pangyayari.

Paano niya ako nadala rito? Hindi ko kayang tumagal sa isang madilim na lugar habang nakakarinig ng pagkakagulo, ikamamatay ko. Ano ba ang nangyari sa party? Bakit bigla na lang nawala ang ilaw? Parte ba iyon ng event? Pero bakit may naririnig akong hindi maganda? Para bang nagkakagulo

Nakatitig lang ako sa kanya. Ni hindi ko nasagot ang tanong niya. Ano nga ba ang tinatanong niya sa akin?


"Oh God! I'm glad I attended that party" hinalikan niya ako sa noo.

Malaki ang pasasalamat ko at may taong nagmamalasakit sa akin ng ganito. Taong naiintindihan kung bakit ako nagkakaganito sa simpleng pagkakapatay ng ilaw. I'm so lucky to have him by my side, he is a blessing.


"Why am I here?" tanong ko sa kanya.


"I brought you here, you're not coming back to those Ferells they are nonsense!"


"Kung wala ako sa party? Edi patay ka na ngayon? Mas binigyan pa ng pansin ng gagong Nero na iyon ang pakikipag basag ulo kaysa intindihin ka"

Ngayon nawala na ang kalmadong pinsan na umaalo sa akin. Isa na siya ngayong lalaki na kapag kinalabit mo lang ng konti ay masasapak ka na.

Ang lalaking kausap ko ngayon ay si Giovanno Javier Villacorta, my cousin who saved me.


"Whatever Gio..I need rest" kung papatulan ko pa ang init ng ulo niya lalo lang sasakit ang ulo ko kaya mabuti pa itulog ko na lang ito. Saka na lang kami mag uusap pag nasa mood na ako.

Kaya nagsimula na lang ulit akong humiga at magpahinga.


"As you wish Florence" hinalikan niya ako sa noo.

See? Kahit gaano kainit ng ulo niya, basta sinabi ko ako ang masusunod. Masyado talaga akong ni iispoil ng mga pinsan ko, maging si kuya Nik ay ganito.

Nagsimula na siyang maglakad palabas at nang sandaling hawak na niya ang door knob.


"Thanks Gio for saving me" nginitian niya na lang ako saka siya lumabas. Nang napag isa na ako. Muli na namang nabuhay ang mga tanong sa isip ko. Who are those bastards!?

I won't ever forgive them until death! I tried harder to ask my Dad and grandpa about them but I find no answer. Why? They are being unfair! That's all about my Mother afterall!

It was not just a simple bad dream. It was really happened and I can still remember all, even the very small details of it. And up until now hindi pa din sila nahuhuli. Damn it!


Napagpasiyahan ko na lang ulit umidlip, pakiramdam ko ba ay pagod na pagod ako. Habang nakapikit ako naalala ko ang sinabi ni Gio na hindi na ako babalik pa sa mga Ferell, siguradong malalaman na ni Daddy kung nasaan na ako. At ipapakasal na niya ako sa impakto kong fiancé!

Sana naman nagbibiro lang si Lolo sa sinabi niyang ang posibleng maging fiancé ko ay ang lalaking hinampas ko sa ulo. Magpapakamatay na lang ako!

Kung hindi na ako babalik sa mga Ferell.....

Hindi ko napansin na napahawak na lang ako sa dibdib ko, parang nahirapan akong huminga sa kaalamang hindi na ako ulit makababalik pa sa kuta ng mga shokoy na pinagtsagaan ko ng ilang buwan. Parang hindi ko lubos maisip na may babaeng papalit sa akin bilang dyosa na may limang Shokoy na sunod sunuran.


Hindi pwede! Babalik ako!

Ano nang mangyayari kay LG? Baka magkaroon na siya ng sangkatutak na apo sa tuhod dahil sa sandaling mawala na sa aking pangangalaga ang mga apo niyang Shokoy maghahasik na sila ng lagim sa lahat ng mga babaeng nakapaligid sa kanila. Kawawa naman si LG mamamatay na sa kunsumisyon at kargo ko pa ang konsensya.

Dahil napag isip isip ko na madami pa akong misyon sa buhay, bumangon na ako. Ngayon ko lang napansin na napakaganda pala ng kwartong ito. Siguro dito dinadala ni Gio ang mga babae niya. Dyosko! Isa pa itong pinsan ko, saksakan ng pagkababaero. Pareparehas na sila.

Parang nakakarinig ako ng hampas ng alon. Agad akong nagpunta sa malapit na bintana. Shit! Ang ganda, nasaan ako? Saang resort ito?


Kung wala lang akong masyadong pinuproblema maapreciate ko ang lugar na ito. Pero sa panahong namumroblema pa ako dito, saka na lang.

Pinagmasdan ko na lang ang paghampas ng alon habang nag iisip nang maaari kong gawin. Hindi maaaring umalis na lang akong bigla sa mansion ng mga Shokoy na iyon dapat sila ang umalis! Hindi ba balak ko pang agawin sa kanila ang magandang mansion? Ako lang ang nararapat sa lugar na iyon.

Pero paano naman ako makakaalis dito na hindi hahadlang ang mga kamag anak ko? Natigil na lang ako sa aking pagmummuni muni nang may kumatok sa kwarto ko.


"Florence, you should eat" may dalang tray ng pagkain si Gio. Talaga namang may pagkasweet pa minsan minsan ang pinsan kong ito.

Pinagmamasdan ko lang siya habang inaayos niya ang aking pagkain. Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? Bukod sa isang malaking salamat.


"Still, not talking?" hinawakan niya ang mahaba kong buhok saka hinalikan. Kung may ibang tao na makakakita sa amin siguradong aakalain nilang may relasyon kami ng kumag na pinsan kong ito. Hindi iilang beses na pinagkakamalan kaming lovers dahil sa kasweetan niya.

Nasa mood ngayon ang pagkasweet ng pinsan kong ito pero madalas pa ring balahura ang isang ito.


"Don't worry Florence doctors are coming. Just eat, I'll buy something first" hinalikan naman niya ang noo ko. Ano naman kaya ang bibilihin nito?


"Florence, you will not come back to those Ferells. Never" ito na ang huli niyang sinabi sa akin bago siya umalis at sarhan ang pinto. Bakit ang laki laki ng galit ng isang iyon sa mga Ferell?

Lumapit na lang ako sa dinala niyang pagkain at nagsimula na akong kumain. Pag iisipan ko na lang kung paano ako makakabalik sa mga Ferell. Inabala ko na rin ang sarili ko sa panunuod ng tv. At lumipas na ang tatlong oras hindi pa din bumabalik ang magaling kong pinsan. Saan naman kaya nagsuot ang isang iyon? Baka naman naharang na siya ng mga babae niya at nakalimutan nang may pinsan siya ditong iniwan.

Bigla na lang akong nauhaw kaya tumayo na lang ako pagkakaupo ko para pumunta sa kusina at kumuha ng tubig.


Iinom na sana ako ng tubig nang makarinig ako ng malakas na pagkabasag. Bigla na lang akong napaupo sa gulat at napahawak ako sa tenga ko. May dumaplis na kung ano sa akin.


"What was that?" tanong ko sa sarili ko. Pakinig ko na may nabasag at malakas ang feeling ko na sa bintana iyon.

Agad akong umalis sa kinauupuan ko at hinanap ang kung anong dumaplis sa akin. Bola ng baseball. Damn! Kung tumama ito sa aking mukha! Shit! Sinong pangahas ang naglalaro ng baseball dito? Akala ko ba private ito? Masasabon ko 'yang si Gio pagbalik! Bakit pinabayaan niyang may magbaseball dito?

Sinilip ko sila sa bintana tuloy pa din sila sa paglalaro parang walang nangyari! Ang kakapal ng mukha. Sige pagbibigyan ko kayo dahil mayaman naman ang pinsan ko pababayaan ko na lang ang isang bas----

Pero hindi pa ako nakakatapos sa aking iniisip ay ito na naman at may panibagong nabasag. Hindi na pwede ito! Kanina dumaplis na sa akin? Tapos ngayon may binasag na naman! Hinanap ko na naman ang bola na namasag sa bintana. Mga buwisit! nananadya yata ang mga taong ito. Dalawang bola ang hawak ko at mabilis akong nakapunta sa may pintuan palabas. Ipapakain ko sa mga ito ang bola.

Marahas kong binuksan ang pinto nang biglang may mga kamay na humatak sa akin palabas. Nagulat na lang ako sa mga pangyayari. Sino siya?


"I'm glad you're okay" sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. Halos hindi na ako makahinga.

Isang pamilyar na amoy na nakapagpapabilis ng tibok ng puso, ang kaisa isang taong tanging nakagagawa sa akin nito. Hindi ko inaasahan ang presensiya niya dito bigla na lang siyang sumulpot kaya nagkakaganito na naman ang tibok ng puso ko. Kainis.


"Nero why are you here?" inakma kong umalis sa pagkakayakap niya pero mahigpit pa din ang pagkakayakap niya na para bang ayaw niya akong pakawalan.


"Stay still Florence, just for 3 minutes please" nanunuyong bulong niya sa akin, para kaming lovers na hindi nagkita ng ilang taon.


"Nero baka makita ka ni Gio, padating na siya" pinilit kong umalis sa pagkakayakap niya pero hindi pa din siya kumakalas.


"I don't care about your damn cousin!"


"What?! anong sabi mo?" ngayon buong pwersa ko na siyang itinulak. Hindi yata tama ang tono ng pananalita niya para sa pinsan ko.


"Siya nga itong tumulong sa akin! Kung wala siya doon malamang kung ano nang nangyari sa akin! Ikaw?! mas inuna mo pa ang pakikipagyabangan kay Aristotle!" huwag na huwag niyang sasabihan ng masama ang pinsan ko.


"I don't know Hood. Hindi ko alam na takot ka sa dilim! Kung alam ko lang..kung alam ko lang sana hindi na lang kita hinayaan pang sumama sa pipitsugin na hotel na iyon!" sagot niya sa akin


"Still! huwag kang magsasalita ng masama sa pinsan ko. He saved me"


"Yeah he saved you, but he hid you from me. Great!" sarcastic na sagot niya.


"Bakit? Ano ba kita ha? Bakit ganyan ka na lang magalit sa kanya kung itago niya ako" nag init na talaga ang ulo ko sa kanya. Hindi niya naiintindihan na malaki ang utang na loob ko sa pinsan kong iyon. Wala siyang karapatan na pagsalitaan siya ng masama.


"You? Ampon ka ni LG siguradong kami ang mapapasama kapag napahamak ka" natigilan ako sa sagot niya. Ano pa ba ang dapat kong iexpect na isasagot niya?


"Let's go home" kinuha niya na ang kamay ko pero agad kong tinabig.


"Don't touch me" nagulat ako sa sarili ko. Ano ba itong sinasabi ko? Nakakunot ang noo niya sa akin.


"Wait, may kakausapin lang ako sa labas" nag iwas ako ng tingin sa kanya. Damn it Florence! Ano ba ang pinaggagawa mo?


"Who?"


"'Yong namasag ng binata" pinakita ko sa kanya ang mga bola.


"Leave it. Ako lang 'yon"


"Wha?! Nadamplisan ako ng isa sa mga bolang 'yan! Muntik na akong tamaan sa mukha! I HATE YOU!" hahampasin ko na dapat siya ng hawakan niya ang dalawa kong kamay.


"Sorry na. I just want to see you badly. Saan ka tinamaan?" he started to caress my cheeks at hindi ko na namalayan na hinalikan niya na rin ito.


"What about your lips Hood? Tinamaan din ba 'yan ng bola? Let me heal it" akma nang lalapit ang mukha niya sa akin nang sipain ko siya.


"PERV!! gusto mo lang makaisa! manyakis!" dumistansya ako sa kanya. Narinig ko na naman ang tawa niyang nakakaasar.


"So let's go?" inilahad niya na sa akin ang kamay niya.


"Wait! hahanapin ako ni Gio. Hindi ako makakaalis"


"Alam niya na kukuhanin na kita. Don't worry Hood"


"Seriously? Talaga lang?" totoo? si Gio nakipag usap kay Nero at pumayag? Parang hindi ata kapani paniwala.


"Just trust me. May usapang lalaki kami"


"Let's go" hinablot na niya ang kamay ko nang sapilitan.


"No need for holding hands Nero" inalis ko ang kamay ko sa kanya.


"Okay" nagkibit balikat na lang siya.


"Kung hindi ka lumabas sa lungga ng pinsan mo. Gagamit na talaga ako ng dahas"


"So? Hindi pa dahas ang ginawa mo kanina? Wow! Ano pa kayang dahas ang gagawin mo? Baka naman sunugin mo ang bahay ni Gio mapalabas lang ako?" grabe hindi pa daw dahas ang pamamasag ng binata. Ano pa ba ang aasahan ko sa isang shokoy?


"Pwede rin"


"Ha Ha Ha nakakatawa Nero" sarcastic na sabi ko. Pero napako na lang ako sa paglalakad nang nakita ko ang tinutumbok ng aming paglalakad.


"Bakit dyan mo na naman ako pasasakayin!?" iritadong tanong ko sa kanya.


"Tss, wag ka ng maarte. I won't attack you but I will let you attack me" sabay kindat niya sa akin.


"Whatever Ferell" I rolled my eyes.


--


Giovanno Javier Villacorta


Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse habang nakatanaw sa gate ng mga Ferell. Kainis, nautakan ako ng gagong Ferell!


"Hijo tanggapin mo na lang na talo ka. Mas magaling ang binatang Ferell sa iyo" kasama ko nga pala ang lolo ni Florence si Don Rogelio.


"Dinaya niya ako. Binutasan niya ang gulong ng sasakyan ko kaya naunahan niya ako" pangangatwiran ko.


"Hayyy! Ang kabataan ngayon hindi marunong tumanggap ng pagkatalo"


"Hindi nga ako natalo! Dinaya ako" hindi rin biro kung paano ko naitakas si Florence tapos makukuha na naman nila. Shit!


Flashback


Sa Engagement Party


That Florence, is she an idiot? Anong pumasok sa utak niya at naisipan pa niyang pumunta sa lugar na ito? Akala ko ba naglayas siya?

Agad na akong lumapit sa kanya dahil nag iisa na siya sa kanyang upuan. Hindi ko maiwasang hindi mapaismid sa mga lalaking kasama niya, bakit wala man lang silang panamasa sa akin? Mga mukha silang mga addict.

Napansin ko na mukhang namayat ang pinsan ko. Pinapakain pa ba siya ng tama sa lungga ng mga Ferell?

Niyaya ko siyang magsayaw, sayang naman kung hindi niya maisasayaw ang gwapo niyang pinsan pero nang nagsasayaw na kaming dalawa may asungot na nakigulo at napag alaman kong may gusto ang gago sa pinsan ko at parang wala pang alam tungkol dito si Florence, manhid na engot talaga.

Dahil ayaw ko sa gulo lalo na at malapit si Florence sa akin ako na lang ang lumayo. Balak ko na din naman siyang kumbinsihin na sumama sa akin. Una medyo payag pa ako na doon siya tumira pero nang sandaling nakita ko ang mayabang na si Nero nagbago ang isip ko. Ako na ang magbabantay sa pinsan ko.


Kasalukuyan akong nakikipag usap sa mga kaibigan ko nang biglang napamatay ang ilaw.


"What the fuck? Namatay ang ilaw! Damn it!" agad akong nagpanic hindi dahil takot ako sa dilim kundi alam kong nasa party na ito si Florence.


"Dude takot ka sa dilim?" tanong sa akin ni Lexus.


"Shit Lexus! Ipagigiba ko ang hotel na ito! Maghanap ka ng flashlight! We need to find my cousin. Wala ba kayong generator?" kinakapa ko na ang telepono ko.


"Bakit anong meron Lexus? Part ba ito ng event?" tanong ni Patrick.


"I don't care about this fucking event! Shit! Kilala nyo naman ang pinsan ko! Hanapin nyo siya" gamit ang ilaw sa telepono ko bumalik ako sa kinatatayuan ni Florence kanina pero wala na siya. Hindi na rin nakapagtanong ang mga kaibigan ko sa ikinikilos ko ngayon, tinulungan na lang rin nila ako sa paghahanap sa kanya.

Habang abala na kami sa paghahanap kay Florence sa kadiliman ay hindi ko na naman maiwasang hindi mapamura. Anong kalokohan itong naririnig ko?


"What the hell is this event? Anong meron sa engagement party na ito? Nagpapalabas ba ng porn? Anong naririnig ko?" iritadong tanong ko habang iginagala ko ang flashlight ng telepono ko.


"Bahala sila, wala akong alam dyan" sagot ni Lexus. Natamaan ng ilaw ng telepono ko si Nero, may kasuntukan siyang lalaki  na kung hindi ako nagkakamali si Aristotle iyon.


"Shit!" gago!

Sigurado akong nasa malapit lang si Florence at tama nga ako. Nakahilata na ang pinsan ko at walang malay. Agad ko siyang binuhat at patakbong inilabas. Ipinasok ko siya sa kotse.


"Florence?" tinatapik tapik ko ang pisngi niya. Pawis na pawis siya at pansin ko na nahihirapan siyang huminga.


"Let's bring her to the hospital" sabi ni Stefan. Tumatakbong lumapit sa amin si Patrick


"May ilaw na"


"Umuna na kayo. Dalhin niyo siya resort nyo Patrick pausap na patingnan nyo muna siya sa Mama mo. Kailangan kong manatili dito dahil pagkasama niya akong nawala siguradong hahanapin nila siya sa akin. Hindi na siya babalik pa sa mga Ferell" alam ng mga kaibigan ko ang sitwasyon ni Florence at dahil mga tunay ko silang mga kaibigan alam kong tutulungan nila ako.


"Sige kami na ang bahala kay Ate Florence" sagot ni Patrick.


"Salamat" hinatid ko na lang ng tanaw ang kotseng sakay ang pinsan ko.


"Pasensya na Gio, hindi ko alam na hindi pwede sa dilim si Ate Florence" paumanhin sa akin ni Lexus.


"Hindi naman ikaw ang nagpatay ng ilaw. Ang pakinig ko isa sa mga Ferell, wala na talaga silang magawang matino"

Nang bumalik ako sa loob, pinapalayas na ang mga Ferell. Dapat lang hindi na talaga iniimbitahan ang mga klase ng taong katulad nila. Para hindi din ako masyadong mahalata sumama din ako sa pagpunta sa mansion nila at pinaghintay nila ako ng napakatagal. Namumuro na sa akin ang mga Ferell sa akin.

At habang isa isa kung nakikita ang mga lalaking kasama araw araw ng pinsan ko parang ayaw ko na siyang ilabas pa kahit kailan. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na siya patatapakin pa sa lugar ng mga Ferell.


End of Flashback


"Gio" tawag sa akin ni Don Rogelio.


"Gio, tingnan mo Hijo ang pinsan mo. Bumalik na ulit ang sigla niya"


"Anong ibig mong sabihin?" sinulyapan ko si Florence, kanina lang ang lamya niya ngayon umiikot na ulit ang mata niya. Karaniwang ginagawa niya kapag naaasar siya.


"Nag eenjoy ang pinsan mo sa mga Ferell. Ligtas siya sa kamay nila, tingnan mo nalaman agad ni Nero na nasa iyo si Florence"


"Tsss, talaga lang malakas ang pang amoy ng gagong iyon" hindi niya makukuha ang simpatiya ko.


"Bakit ang hirap paliwanagan ng kabataan ngayon?"


"By the way Don Rogelio, alam mo na ba sa umpisa pa lang na nasa akin si Florence?"


"Ofcourse! Hahaha" nagsisimula na akong maiyamot sa matandang ito.


"Nalilito na talaga ako kung sino ang kalaban dito" napakamot na lang ako ng ulo.


"Huwag kang mag alala hijo sa susunod na dumating ang tunay na kalaban. Makikisali na rin ako. Sa ngayon hintayin muna natin silang gumalaw saka tayo umatake" tumango na lang ako sa sinabi ng Don, mas mabuting sila ang unang gumalaw bago kami gumawa ng sarili naming mga hakbang.


Muli kong pinagmasdan ang gate ng mga Ferell.


"Sige na. Nanalo ka na ngayon. Ingatan mo ang pinsan ko" saka ko na ni istart ang sasakyan. Aalis na kami ng matandang kasama ko.


"Saang kalye kita ibababa Don Roger?" 



--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

624 65 14
A compilation of my personal suggestions for the best Christian-Spiritual stories here in Wattpad. Here I will give the: - Title of the Story - Name...
489 206 8
WARNING: Mature content
2.2K 78 28
He's a CEO, a well known Singer, Dancer, Song writer and Producer. He's indeed famous. He promised to himself that he would never date a fan; not unt...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...