NYTM1: JAEDAN EROS ACOSTA

By JasperCerteza

373 243 26

NOT YOUR TYPICAL MAN | Jaedan Eros Acosta #1 "Not the Man you expecting. You are mistaken, Miss." MOST IMPRES... More

JAEDAN EROS ACOSTA
--
1
2
3
4
5
7

6

8 10 4
By JasperCerteza


6

Ariela Moon Lerona



AKALA ko ay masaya ang party na pupuntahan namin, na mayroon kaming makakasalamuha na mga kaedaran lang namin ni Jaedan, pero nag kamali ako. Puro mga business related na tao lang ang imbitado at ang mga magulang naman namin ay todo pakilala sa amin na kesho mag asawa daw kami ni Jaedan at nag sasama na ng masaya sa isang bahay.

And that's fucking suck! Napapangiwi nalang ako tuwing sinasabi ng mga kakilala nila na perfect couple at bagay na bagay daw kami sa isat-isa, tama daw na kinasal kaming dalawa, at ang nakakatawa pa, sigurado 'daw silang maganda ang pag sasama namin na kahit kailan ay hindi naman talaga mangyayari. Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko, baka mapahiya pa ang mga parents ko.

Jaedan is just quite at mukhang wala 'din intrest sa party. Mukhang mas gusto pa niya sa club, and I feel and I can't blame him, totoo namang boring at oldy ang party. Puro tungkol sa business ang pinag usapan like wala naman akong pake doon. Baka si Jaedan mayroon, kasi tuwing kinakausap siya about sa Acosta Empire eh sinasagot niya na para bang siya ang CEO nito.

"Hindi ba aatend ang Daddy mo?" tanong ko kay Jaedan habang nakaupo kami sa isang round table kasama ang mga magulang ko at si Mommy Adele.

Jaedan shrugged his shoulder before sipping on his wine glass again.

Ang boring naman niya kausap! Kami na nga lang ang bagets dito hindi pa makisakay! Hindi man lang ako ientertain! Kanina pa kaya ako bored at gusto nang umuwi. Well, ano ba ang ieexpect ko sa moody na to! Tsk.

Ilang minuto pa ang ginugol ko sa lamesa hanggang sa umakyat ang MC sa entablado at nag anunsiyo ng mga participants sa party. Nauna na dito ang mga nag mamayari ng mga malalaking kumpanya sa sa Asya kasama na ang Kumpanya ng magulang ko.

Narinig ko ang sarkastikong tawa ni Jaedan ng sabihin ang background ng Kumpanya ng mga magulang ko. Napairap nalang ako sa kawalan at hindi nalang pinansin ang pangungutya niya. Kahit wala siyang sinasabi ay alam ko na kinukutya na niya sa isipan niya ang magulang ko, and it's better kung isaisip nalang niya para hindi naman siya makasakit ng damdamin.

Ibinaling ko nalang ang buong atensiyon ko sa harapan habang pinapanood ang PowerPoint ng bawat kumpanya. Nalibang naman ako kahit papaano dahil nakikita ko ang bawat success nila, ang iba ang nag simula sa maliit at dahil sa pag titiyaga ay lumago. Ang iba naman ay nag simula lang sa pangarap at hindi 'daw nila inakala na maaabot nila ang tagumpay na iyon. It's kind of inspirational at nalibang talaga ako.

"And the last but not the least. The Acosta Empire!"

Masigadong palakpakan ang bumalot sa buong kwarto kung saan ginaganap ang party. Pumapalakpak na din ako para naman hindi ako kill joy. Duh, hindi ako katulad ni Jaedan.

Nag flash sa PowerPoint ang mga success ng Acosta Empire. Kung paano Ito lumago sa pangangalaga ng ama ni Jaedan at kung paano Ito nag rule sa ibang bansa. Hindi ko man aminin ay napahanga ako nito. Totoo namang malaki at sikat na kumpanya ang Acosta Empire, nag rule na ito sa Russia, Italy, UK at iba pang bansa. At narinig ko pa na balak 'din nila mag patayo ng branch sa USA at ito ang bago nilang target. God! Walang wala ang Kumpanya namin na tanging ilang bansa lang ang naabot. Pero kahit papaano ay proud pa 'din ako sa parents ko.

"And now! Representing the newest CEO of the Acosta Empire! Give a round of applause for Mr. Jaedan Eros Acosta!"

Nawala sa isip ko ang paghanga dahil sa inanunsiyo ng MC sa unahan. Laglag ang panga na napatingin ako kay Jaedan. Binigyan lang niya ako ng makahulugang tingin habang nakangisi bago tumayo at humalik sa pisngi ng mommy niya at ganoon 'din sa parents ko. Ngunit hindi ako natuwa ng ngisian niya habang niyayakap niya ang magulang ko na parang may kung ano. And at that time, alam ko na kung ano iyon. Tsk.

"Hello ladies and gentlemen! Good evening…" bati niya sa lahat. "Well everyone must be shocked about this, totoo ang lahat ng kumalat na balita, naipasa na po sa kaisa-isang anak ng mag asawang Acosta ang pinakasikat at malaking kumpanya hindi lang dito sa Pilipinas kun'di pati na 'din sa ibat ibang panig ng mundo…"

What the hell? Kumakalat na balita? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko nakita?

Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niyang sinabi dahil sa sobrang pagkabigla. Napatingin ako sa gawi ng mga magulang ko, ganoon 'din kay Tita Adele na ngayon ay tila proud na proud sa anak niya. Well dapat lang.

Napabuntong hininga nalang ako at uminom nalang ng wine. God! I need to process everything! That was so shocking! It shocked my whole fucking nerves!

Sana lang ay matapos na ang party na ito! So much revelation!

WALANG IMIK akong pumasok sa sasakyan ni Jaedan. Hindi ko siya pinansin hanggang sa matapos ang party dahil hindi ko naman alam ang sasabihin sa lahat-lahat lalo na sa mga nalaman ko. Need pa ng utak ko na i-absorb ang lahat.

Kaya ba masaya siya? Kaya bigla bigla nalang nag iba ang mood niya? Kaya biglang nagiging mabait ito? Wow. That's… unbelievable.

"Wala 'man lang bang Congratulations para sa asawa mo?"

Napapitlag ako sa upuan ko ng biglang mag salita si Jaedan habang nag ddrive. I gave him a glance bago ako muling bumaling sa harapan at tinignan ang bawat sasakayang nakakasabay namin.

"Congratulations. You deserve that position, kahit na may pagkamasungit at may kasamaan ang ugali mo, alam ko naman na desente at mas mapapalago mo pa ang Kumpanya na sinumulan mg magulang mo." Pagbati ko sa kanya ng hindi tinitignan ang gawi niya.

"Ahh! That was so touching. Dahil diyan dadalhin kita sa isang mamahaling restaurant, iyon lang ang tanging maibibigay ko sayo." Sabi niya, he laughed sarcastically. Dahilan upang mapahilot ako sa sentido ko. I know there's a hidden meaning about what he said. And that suck.

"Jaedan if it's about my parents again, please, please lang tumigil ka muna kahit ngayong gabi lang." Walang ganang sabi ko.

His eyes still on the road. He looks good while driving, his hands looks so professional while maneuvering the car. Sana pati na 'din ang ugali niya mabagsakan man lang ng kaunting kabaitan.

"Why you look so disappointed? Hindi kaba masaya na ako na ang bagong CEO?" Tumawa muli siya.

God! How to deal with this! I'm controlling myself right now! Ayokong may biakin na tiyan ng wala sa oras kahit OB pa ako. God.

"Jaedan just please okay? I'm tired and I have no time for the arguments. Hindi ko sinisira ang moment mo kaya sana wag mo din sirain ang moment ko. Please lang. Salamat." Pagod na sabi ko.

"And anyway, hindi mo na ako kailangan dalhin pa sa isang mahahaling restaurant, if you want to celebrate your success, then go, just drop me on our house, ayoko mag karoon ng utang na loob sa iyo." Dagdag ko.

Napatingin siya sa gawi ko, "utang na loob? Come-on! That's my treat. Wag ka nang tu—"

"I don't care if that's your treat Jaedan, galing pa 'din naman sa iyo ang mga mabibili mo. I can cook my own food, don't worry about me. Just drive. Gusto ko na makauwi." Pagputol ko sa kanya.

Narinig ko ang buntong hininga niya bago muling itinuon ang atensiyon sa daan. Ako naman ay sumandal sa headboard ng upuan at sinubukan na umiglip. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdan ako ng matinding pagod pero hindi ako maiglip. It's probably about the atmosphere, napailing nalang ako at sinubukan muling umiglip.

AFTER AN HOUR nakadating 'din kami sa bahay. Hindi ko alam kung ilang minuto ako natulog sa biyahe, nagising nalang ako ng may yumugyog sa balikat ko.

Unti-unti ko iminulat ang mata ko at tumambad sa akin ang mukha ni Jaedan. Umayos ako ng upo at kinusot ang mata ko bago ko kinuha ang purse ko at bumaba ng kotse.

Si Jaedan naman ay naipark ang sasakyan niya, kumunot ang noo ko ng gawin niya iyon. Hindi ba ay gusto niyang kumain sa restaurant?

Hindi ko nalang pinansin at tuluyan na akong pumasok sa loob. Umakyat ako sa kwarto ko at nag take lang ako ng quick bath at nag palit ng damit bago ako bumaba at nag tungo sa kusina.

I was taken aback when I saw Jaedan drinking water habang nakapatong ang isang kamay sa counter island.

Nag tama ang tingin namin kaya bigla akong napatungo at agad 'din pumunta sa harapan ng ref para sana kumuha ng mailuluto. Hindi ko pa Ito nabubuksan ay nag salita na si Jaedan.

"Wala na tayong stocks. Nag pabili na ako ng groceries, kung makakapaghintay ka, malapit na dito ang pinabili ko." Sabi nito. Kunot noo ko siyang tinignan at tinaasan lang ako nito ng kilay. God? Wala nabang mas tatamas sa tao na ito? Bakit kailangan pa niyang iutos? Wala ba siyang paa, kamay, bibig at utak? God! Bakit iyong simpleng bagay na iyon ay hindi pa niya magawa?

"Bakit kailangan mo pang mag pabili? Bakit hindi ikaw ang bumili?" Tanong ko dito. I ibinaba niya ang hawak niyang baso at umikot bago umupo sa high chair at doon nagpangalumbaba. Tsk. Tamad.

"Ang weird at pangit naman siguro tignan kung mag ggrocery ang isang CEO diba?" Nakangising tanong niya. Napailing nalang at hindi na pinansin ang mga pinagsasabi niya.

Tumungo nalang ako sa living room at doon nag hintay, binuksan ko muna ang T.V. nag sisi pa ako dahil pagkabukas na pagkabukas ko ng TV ay food show ang tumambad sa akin! Mas lalo tuloy akong nagutom. God! Ang tagal naman ng groceries na iyon! Ano iyon? Buong grocery store binili? God! Consideration please? Gusto ko na matulog at kumain!

Halos mapatalon ako sa tuwa ng biglang may mag doorbell. Tila dininig ng diyos ang dasal ko! God! Thanks! Gutom na gutom na talaga ako! Ugh! Kulong-kulo na ang tiyan ko!

"Ariela! Ikaw na ang kumuha!" Rinig ko na sigaw ni Jaedan sa taas. Siguro ay nag papalit ng damit.

Agad naman akong tumayo at lumabas. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko pinagbuksan ng gate ang pinagpabilhan ni Jaedan ng groceries.

"Hello Mrs. Acosta. Haejan Slanders Alejo po!"

Halos malaglag ang panga ko ng tumambad sa akin ang isang tila mukhang greek god! No he's probably a half! He look so handsome! His curly hair, his mesmerizing eyes, his proud pointed nose, his thin and kissable lips and his skin na hindi gaanong kaputi at hindi 'din gaanong kaitim, katamtaman lang! Like wow! Kulang nalang ay lumuhod ako dahil mukha talaga siyang greek god!

"A-ahh salamat. Ako nga pala si Ariela Moon Lerona, nice to meet you. God ang gwapo." Pagpapakilala ko dito.

The man let out a sexy chuckled, dahilan upang mag sitayuan ang balahibo ko sa katawan. God! All of him screams perfection! Wow!

"Wala na bang bago? Puro gwapo nalang? Hindi joke lang, anyways nice to meet you." Sabi nito bago inilahad ang groceries na hawak niya. Imbes na ang plasticbags ng groceries ang kukuhanin ko ay ang kamay niya ang hinablot ko. God! It's so soft! Ahh! Ang sarap hawakan.

Mukhang hindi naman nagulat si Haejan at inilipat ang mga dalang grocery bags sa kabila niyang kamay at hinayaan lang akong nakahawak sa kamay niya, he even smirking! I don't kung anong nangyayari sa akin, god! He's a God! Nahihipmotismo na ako!

"Ariela!"

Halos mapatalon ako ng biglang tawagin ni Jaedan ang pangalan ko. Bumitaw ako sa pag kakahawak sa kamay ni Haejan at bumaling kay Jaedan na ngayon ay masama ang tingin sa aming dalawa ni Haejan. Naririnig ko ang munting tawa ni Haejan sa tabi ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tiim bagang niyang tanong bago ako hilahin palapit sa kanya. Anong problema nito? May toyo na naman? Grabe na talaga Ito!

"Haejan! Kumain ka na ba? Kuma—"

"You Man? Akin na 'yan at kung maari ay umalis ka na, wala na akong kailangan sayo." Pagputol ni Jaedan sa sasabihin ko bago hablutin kay Haejan ang mga grocery bags.

"Ang rude mo naman Bro! Binilhan na nga kita ng groceries tapos— oww chill Man aalis na nga!" Natatawang sabi ni Haejan bago nag lakad palayo sa amin at sumakay sa sasakyan niya.

"Bye Haejan!" Hindi na nito narinig ang paalam ko dahil agad nitong pinaandar ang sasakyan nito.

"Ariela!" Maotoridad na boses ni Jaedan sa likuran ko. Napatingin naman ako sa kanya, masama ang mukha nito at nag uumigting ang bagang. Anong problema nito?

"Bakit?"

"Pumasok kana! Bilisan mo!" Utos niya, nauna na siyang pumasok sa akin at sumunod lang ako sa kanya.

BAD MOOD si Jaedan habang nag luluto ako ng mahahapunan ko, no namin pala, ayaw na niya sa restaurant at gusto nalang niya daw dito. Aba, nag bago ang isip? Bakit dito? Sabi niya he need to celebrate? Loko siya.

"Ang ganda ng features ni Haejan no? God! His rough feature scream Adonis! Kailan ko uli kaya siya makikita? Pede mo ba siyang imbitahan dito sa bahay?" Usal ko habang nakasandal sa kitchen island, nakatalikod kay Jaedan na ngayon ay nakaupo sa high chair.

"Hindi mo na siya makikita." Rinig ko na bulong niya kaya napaharap ako sa kanya.

"What do you mean? Hindi ko na siya makikita? Bakit?" Tanong ko.

"He's a busy man Ariela. Wala na ngang oras sa sarili, papapuntahin mo pa dito?" Tila inis na sabi niya.

"Ganoon ba? Paano kung ako na lang kaya ang pumunta sa kanya? May Kumpanya ba siya? Business? Office?" Sunod-sunod na tanong ko, kumuyom naman ang kamao niya na nakapatong sa ibabaw, he look mad and angry ngunit hindi ko iyon pinansin at inisip nalang kung paano makikita muli ang Adonis na iyon!

"Sa tingin mo papayagan kita na makita ko uli siya?" Walang emosyong tanong niya. I laughed sarcastically.

"Why not, wala ka namang paki diba?"

"At sinong nag sabi na wala akong pakialam? Sa ayaw at sa gusto mo, hindi ka makikipagkita sa kanya. End." Maotoridad na sabi niya.

"At sino ka para—"

"Or else you want to see that Adonis being tortured and killed by yours truly? Hmm gusto mo ba iyon?" Makahulugang sabi nito na nakapagpalaglag ng panga ko. What does he mean?

"Jaedan wag mo sabihing--"

"Hindi ako pumapatay Ariela, makakapatay pa lang. Kaya kung ako sayo pag igihan mo ang mga desisyon mo sa buhay." Sabi niya.

"Tawagin mo nalang ako kapag kakain na. I'm hungry, baka kung ano pa ang makain ko ng wala sa oras." Tinignan niya ako ng tiim bagang na akala mo ay nag pipigil bago pumihit at nag punta sa living room.

That's… That's… Weird.



HINDI KO ALAM pero ang bigat ng pakiramadam ko habang kumakain kami, bigat na may kasamang bilis ng pagtibok ng puso. Until now, nakatapos na kami ng pagkain ay hindi pa 'din humuhupa ang bilis ng puso ko. Nag palpitate pa 'din Ito. Hindi ko nalang pinansin.

Si Jaedan na ang nag urong dahil nag volunteer na 'din naman siya. Tamang tama at darang ang kamay ko.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para mag toothbrush at mag skin care. Mabuti nalang at may mga skincare pa akong stock, siguro ay next week mamimili na ako kasama na ang ibang mga groceries sa bahay. Mag papasama ako kay Jaedan, I don't care if he's a busy man dahil sa CEO na nga siya, responsibilidad pa 'din niya iyon.

Ng matapos ako ay agad 'din ako lumabas at nahiga sa kama ko. Ahh, that feels so good! Ang sakit ng lower back at batok ko dahil sa tagal na nakaupo, isama mo pa ang trabaho ko. I feel so exhausted and drained.

Hindi ko alam, pero sa sobrang pagod ay namalayan ko na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng marinig ko ang malakas na kulog na may kasamang kidlat at malalakas na patak ng ulan.

Dali-dali akong tumayo at sinarhan ang bawat bintana at kurtina. Mabuti nalang at hindi palihis ang tama ng ulan, baka naangihan na ako.

Hihiga na muli sana ako ng maisip ko si Jaedan. What the hell? Why him?

Tulog na kaya siya? Napailing nalang ako at humiga muli at sinubukang matulog, ngunit hindi na ako dinalaw ng antok. Bumangon nalang ako at napagdesisyunan na puntahan si Jaedan sa kwarto niya.

Isinuot ko ang slippers ko bago ako lumabas at nag punta sa harapan ng kwarto niya. Kumatok ako ng ilang bese ngunit walang nag bukas ng pinto.Habang tumatagal ay lumalakas ang ulan, lalo na ang kulog at kidlat.

Sinubukan ko muling katukin siya ngunit Wala pa 'din nag bukas. I sighed, siguro ay tulog na nga.

Napagdesisyunan ko na bumalik nalang sa kwarto ko, pero hindi pa ako nakakahakbang ay nakarinig na ako ng muntik iyak at sunod-sunod na mga mura.

Napatingin ako sa pintuan ni Jaedan at muling kinatok ito ngunit wala pa 'din nag bukas. Fuck? May nangyayari ba sa kanya? O my god!

"Jaedan!" Tawag ko sa kanya habang kinakatok ang pintuan niya. Ngunit hindi pa 'di. Ito bumukas. Dinalaw ako ng matinding kaba. God! Why?!

"Jaedan! Bubuksan ko na itong pinto!" Sigaw ko muli.

Hindi na ako nag atubili pa at pinihit na ang doorknob, laking pasasalamat ko na may spare key ako para sa mga kwarto sa bahay. Ng makapasok ako sa loob ay ganoon nalang ang gulat ko ng makita si Jaedan sa paanan ng kama habang nakatakip ang magkabilang kamay sa tenga, he's fucking crying while cussing. What the hell is happening?

"Fuck! Fuck!" Mura niya.

"Jaedan?" Nanlulumong tawag ko dito ngunit hindi ako nito binalingan. Wala sa sariling naglakad ang mga paa ko at umupo sa tabi niya bago ito niyakap.

"A-Ariela? I fucking h-hate thunders!" Singhal niya habang nakayakap na 'din ito sa akin.

Takot siya sa kidlat?

"Shh… Don't worry, I'm here." Buong puso ko na sabi. Saglit na na nawaglit ang lahat ng inis, galit at pagkailang ko sa kanya ng makita ang kalagayan niya.

Hindi ko alam na mayroon siyang vulnerable side. He loon soft and scared while hugging me. Basa na 'din ang tshirts ko dahil sa mga luha niya.

"Ariela?" Tawag nito sa akin.

"Yes? Jaedan… I'm here." Sagot ko dito.

"Please don't leave me? Please?"

Tumalon ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Muling nag palpitate ito, bahagya kong hinagod ang dibdib ko upang mapatigil ito. God! Bakit Ito ang nararamdaman ko imbes na takot?! Oh god!

"Yes I'm just here… Until you're fine." I assured him. Ramdam ko ang bahagyang pag ngiti niya. Bahagya na 'din siyang kumalma at tumigil na sa pag iyak habang dinadama ang yakap ko. Malakas pa 'din ang kidlat at kulog ngunit kalmado na siya.

Mukhang kailangan lang talaga niya ng kasama. He's so soft. That's cute and at the same time scary.

"Thank you wife."

Continue Reading

You'll Also Like

61.1K 3.2K 25
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
151K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
809K 38.4K 27
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...