2

46 36 3
                                    



2

Ariela Moon Lerona

"Pede ko po ba na makausap ang asawa ko?" 

Napalingon kaming lahat kay Jaedan ng tumayo Ito at nag salita. Nag katinginan ang mga magulang namin, may mga pilyang ngiti sa mga labi ni Tita Adele at Mommy habang si Daddy at Tito Rodolfo naman ay busy sa mga pagkain nila na akala mo ay walang narinig.

"Sure ijo." Sagot ni Mommy. Tumango lang si Tita Adele.

Agad namang lumapit si Jaedan sa akin at ng makadating sa harapan ko ay inilahad niya ang kanyang kamay. Nagulat pa ako dahil gentleman naman pala— sa harapan ng mga magulang— tinaasan ko lang siya ng kilay at ngisian bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

"Excuse us." Paalam niya bago niya ako iginiya papunta sa rooftop ng restaurant. 

Grabe ang kaba ko habang paakyat kami sa rooftop. I know that he's going to discuss something and it's about the Marriage. Handa naman ako sa mga sasabihin niya at ibabato sa akin but there's still a part of me na parang ayaw siyang harapin at pag usapan ang kasal na iyon! I mean importante paba iyon? Wala naman kaming pakialam sa kasal na iyon diba?

Natawa nalang ako sa loob-loob ko ng bigla niyang bitawan ang kamay ko ng makadating kami sa rooftop.

"Are you happy now?" He asked coldly. Pati ang ihip ng hangin ay naki ayon sa lamig ng boses niya.

"What do you mean?" Kunot noong tanong ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Pede ba? Wag ka nang mapasikotsikot pa! I know that you're happy na ikinasal kana sa akin! So what's now? Gagamitin niyo na ang Pamilya namin para umangat kayo sa buhay?" Ramdam ko ang galit sa boses niya ngunit mas kumulo ang dugo ko sa mga sinabi niya.

"Paano mo nasasabi ang mga iyan Jaedan?" Kahit na kumukulo na ang dugo ko ay mahinahon ko pa 'din siyang kinausap.

"Don't call me by my fucking name! We're not even close you spoiled brat!" Asik niya.

Tila may tumusok sa puso ko ng sabihin niya ang mga kataga na iyon. Madami na ang nag sabi sa akin nito ngunit noong nanggaling sa kanya ay tila mas doble at hindi katanggap-tanggap ang lahat.

Naramdaman ko ang pag init ng mata ko hudyat na maluluha na ako. I try to stopped it ngunit hindi ko nagawa dahil sobrang sakit ang naramdaman ko dahil kay Jaedan. 

Kahit na nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha ay hindi pa 'din nawaglit sa isip ko ang galit at pag taas ng dugo ko. Kumuyom ang kamao ko at tinignan siya.

"You know Jaedan… No… Mr. Acosta because we're not even cool right? Akala mo ba masaya ako na ikinasal ako sa taong hindi ko naman gusto? Ikinasal ako sa taong katulad mo na mapurol at demonyo? Ha?!" Sabi ko habang patuloy pa 'din dumadausdos ang luha sa pisngi ko.

"How dare you to call me—"

"Bakit masakit ba? Bakit hindi mo ba ako nasaktan ng sabihin mo na Isa akong mangagamit? Isang spoiled brat? At isa pa, kung ayaw mo sa kasal, ayaw ko din and we're mutuals, tanggap ko naman na ayaw mo pero pag salitaan mo ako at ang magulang ko ng kung ano-ano? It's a big deal! You're too judgement!" 

"Bakit hindi ba totoo? Hindi ba Isa kang spoiled na anak? Anak ka ng mga magagamit? At hindi ko naman kayo huhusgahan kung hindi ko alam ang totoo." Tiim bagang niyang sabi. 

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Where's the proof c'mon! Where! Fucking where?!

"Alam mo? Ang sama ng ugali mo. Gusto man kita sampalin pero hindi ko iyon gagawin dahil kahit papaano may respeto ako sayo bilang asawa ko."

NYTM1: JAEDAN EROS ACOSTAWhere stories live. Discover now