1

57 36 3
                                    


1

Ariela Moon Lerona

"Ariela, pinapababa ka na ng Mommy at Daddy mo sa baba!" 

Kasabay ng pagtawag ni Manang Sarya ang malakas na katok niya sa pintuan ng aking kwarto. 

"Yes Manang! Bababa na ako." Sigaw ko pabalik kay Manang.

Lumapit ako sa salamin at tinignan ang itsura ko dito. The white dress really fit for me but my face scream betrayal dahil gagamitin ko ang dress na Ito para sa kasalan na magaganap lang sa pamamagitan ng kontrata. Malayo sa pangarap ko na beach wedding. 

The decisions where made by the both side without our permission, kaya ng malaman ko ang lahat ay laking gulat ko. Biruin mo iyon? Isang pikit mata ay ikakasal ka na pala?

Napabuntong hininga nalang ako bago ko kinuha ang purse ko at lumabas sa kwarto ko.

Kahit papaano ay napapanatag ako dahil alam ko na ayaw 'din ng lalaki na makasal ako sa kanya. Well? Sino ba naman ang tao na gustong maikasal sa taong hindi niya mahal? Kung ayaw niya, ayaw ko din. We're mutuals.

Ng makababa ako ay agad ako dumiretso sa kusina kung nasaan ang mga magulang ko. Nakaupo na sila doon at kumakain ngunit ng makita ako ay agad tumayo ang Mommy ko. 

Her eyes shining because of the sight. Well the dress is catchy. Niyapos nito ang kabuuan ng katawan ko. Tila mas nangibabaw 'din ang laki ng dibdib ko dahil sa sobrang hapit nito. 

"Hey Mom, Dad. Good morning." 

Lumapit ako sa kanila at bineso sila. Ng matapos ay agad 'din ako umupo. Nilagyan ng isang maid ang baso ko ng tubig. I thanked her bago Ito umalis.

"How are you my sweetie? Are you excited for today?" Nakangiting tanong ni Mommy.

"Yeah?" Nakangiwing sabi ko. "Definitely yes."

Hindi naman nila napansin ang pag ngiwi ko.

Sa loob ko ay natatawa ako dahil sa tanong ng Mommy ko. Sino ba ang magiging excited na ikasal nalang bigla? But I should really act like I am. Ayoko masira ang moment nila. 

Ang iniisip ko nalang. Hindi lang naman ako ang maghihirap sa Marriage contract na ito. Pati na 'din ang anak ng kabilang side na simula at sapul na sabihin sa akin ni Mommy at Daddy na ikakasal kami ay hindi ko pa 'din nakikilala. 

"Hurry up, baka ma late pa tayo." Sabi ni Daddy.

I nodded bago ako naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Kaunti lang ang kinuha ko dahil sa restaurant naman gaganapin ang signing ng kontrata. Oh? Loko diba? Akala mo ittrade kami. Tsk. Kalokohan.

Isang mabilis lang na kainan ang ginawa namin bago kami tumayo at lumabas. Nag aantay na doon ang driver namin at ang sasakyan na gagamitin namin papunta sa restaurant.

Nauna akong pumasok bago sumunod si Mommy at Daddy. Nasa mag kabilang side ko sila. Hawak-hawak ni Mommy ang kabilang kamay ko at pinipisil-pisil Ito. 

Nilingon ko siya. She just smiled at me. I smiled back.

Nilingon ko 'din si Daddy na ngayon ay seryosong nakatingin sa cellphone niya. Hindi nalang ako umimik at mahinang bumuntong hininga.

~•~

Upon arriving at the restaurant, inayos ko muna ang suot ko na dress. Nauna nang bumaba sila Daddy at nag paiwan muna ako saglit sa kotse upang mag tanggal ng kaba at pumayag naman sila.

NYTM1: JAEDAN EROS ACOSTAWhere stories live. Discover now